FIFTEEN
CHAPTER FIFTEEN
________________________________________
Pinabalik na ni Sir Alivio ang iba sa mga kagrupo sa students lounge. Kaming may mga kaso ngayong seven ng umaga ay nanatili. Nasa holding area pa rin kami ni Azriel, hinihintay ang patient.
"Okay lang sayo ang case natin?" tanong ko. Pareho kaming nakasandal sa pader sa gilid ng pinto.
Pinaglalaruan niya ang strap ng kanyang relo,"Yeah. Sinong circu at scrub satin?"
"Anong gusto mo?"
"Ikaw."
Literal na nanlaki ang mga mata ko, nalalabuan sa narinig. "Ha?"
Gulat siyang nag-angat ng tingin. Ilang beses siyang kumurap saka pinilig ang ulo bago binalik ang focus sa kanyang relo. "I-I mean...shit-ikaw, anong gusto mo?" di siya nakatingin sakin.
"Ahm..." lihim akong bumuntong hininga "Circulating nalang. Hindi ko pa kasi memorize ang mga instruments, baka mahirapan ako sa pag-abot sa doctor." sabi ko. Hindi rin kasi ako familiar sa case unlike ni Azriel na alam yata lahat.
"Ok. I'm fine with it."
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang patient. Pinuntahan ni Azriel si Sir Alivio na kasalukuyang nag-oobserve kina Lian sa isang operation upang ipaalam ang pagdating ng pasyente namin. Ako nama'y nakasunod lang sa babaeng nurse. Pareho naming tinignan ang ID band bracelet ng patient.
"Student?" tanong niya sa'kin. May hawak siyang chart at may nililista o nilalagyan ng checkmarks.
"Opo." tugon ko. Pangalawang beses ko palang na naa-assign sa operating room ngunit kinakabahan pa rin ako. Depende rin kung may ibang staffs na considerate. The stricter the staffs are, the more akong kinakabahan.
Hindi na ako nagsulat saking jotdown notebook, tutal kokopyahin ko lang rin naman ang data mamaya sa chart pagkatapos ng operation. Maya maya lang ay tinawag ako ni Azriel, sabay naming pinuntahan si Sir Alivio na nasa labas ng OR theater one kung saan on-going pa ang operation na kinabibilangan nina Lian at Terrell.
Sinundan namin siya patungong OR theater three. Inayos ni Sir ang pagkakaposisyon ng surgical light. Nanginig ako sa lamig ng aircon kaya pumagilid ako, ginawa kong panangga si Azriel na nakasuot na ng mask. Ang hirap mag-iwas ng titig sa kanya dahil sa kanyang ayos.
Nakahalukiphip na humarap si Sir sa'min. "Familiar na kayo sa settings dito so I don't have to orient you anymore. What's your case nga pala?"
"Myomectomy po sir." sabay naming sabi ni Azriel.
"Frozen section?" tanong ni Sir.
"Opo." Ako ang nagsalita, tumango lang ang katabi ko.
"Ok. Madali lang yan. It just takes two hours so you still have the time to fill up your forms. Focus on the operation, don't idle your minds elsewhere." Lumingon siya sa likod saka tumayo upang kunin ang stool chair na nasa tabi ng cautery machine na hindi na yata ginagamit.
Umupo siya sa harap namin. "By the way, who is the scrub nurse?"
Tinuro ko si Azriel. Tinuro ni Azriel ang sarili niya.
"So ikaw Mr..." binasa niya ang naka tahing pangalan sa breast pocket ng scrub top ni Azriel. "Fontaneza. Since hindi sila nagpapa hands-on dito ng student as a scrub nurse, assist the scrub nurse nalang. Mostly, ang gawin mo iwa-wipe ang instruments na ginamit ng doktor to make sure it's always clean, " Tumingin si Sir sa'kin. "Ikaw student circu, magiging busy ka. Papakinggan mo lang si Ms. Villafuente which is ang circu nurse mo. I know her cause she's my colleague. You don't have to worry mabait naman siya."
Ngiti akong tumango. Guminhawa ang pakiramdam ko sa sinabi ni Sir.
"Okay. We'll go see the instruments." Tumayo si Sir at tinungo ang OR table kung saan nakatakip ang kulay green na tela. Kumuha si Sir ng forceps sa isa pang steel table upang gamiting pangbukas sa tela.
"These are the needles," turo niya gamit ng forceps ang mga needles na kurba ang hugis. "Make sure you're already familiar with it. May ibang scrub nurse kasi na uutusan kang i-prepare ang needle before suturing so Mr. Fontaneza...?"
"Yes. Sir." seryosong ani ni Azriel bilang pagkumpirma na alam niya ang ibig sabihin ni Sir Alivio.
"Okay, good. Then we have here the basic set; these are..."
Tinapik niya ang forcep sa nakahilerang parang mga gunting, may mahaba ang handle at makurba ang dulo.
"Towel clips." sabay naming sabi ni Azriel.
Nilingon ko ang pagbukas ng pinto, niluwa si Ms. Villafuente na tinanguan si Sir Alivio. Binati siya ng instructor namin.
"Okay, bilangin niyo. Take note student circu."
May pagmamadali kong dinukot ang jotdown notebook ko at ballpen. Sabay naming binilang ang towel clips. Nilista ko ang bilang pagkatapos.
"Ten sir."
Tinuro niya ang kasunod na mga gamit. Mas maliliit na hugis gunting pa rin. Niri-record ko ang bawat pagbilang ng mga instruments sa notebook. Nagsisilbi kasi itong first counting.
"Siguraduhin na after the surgery, same count ang mga instruments. Kasi kapag nagkulang, it's either na-misplace or naiwan sa loob ng katawan ng patient, ang iba sutures at surgical blades." Tinignan ni sir ang aming reaksyon. "May ganoong instances na so dapat talaga bilangin pagkatapos. It might cause complications to the patient, makasuhan pa tayo."
Tumango kami sa pag-intindi. So far wala pa naman akong naranasan na may nagkulang na instruments sa mga naging kaso ko. Sana naman walang mangyayaring ganoon ngayon.
"Paano po sir kung naiwan nga sa loob ang instrument?" tanong ni Azriel.
"Bubuksan ulit ang tahi." sagot ni Sir. Napangiwi ako sa ilalim ng aking mask.
"Now..." tumingin siya sa kanyang relo.
Saktong pinasok na ang patient sa operating room saka nilipat sa surgical bed ng dalawang transport
"Mag handwashing na kayo." Utos ni Sir.
Nagtungo kami ni Azriel sa handwashing area. Wala kami naging imikan hanggang sa pagbalik. Nanatili naming tinaas ang mga kamay hanggang chest area at patalikod na binuksan ang pinto ng room.
Nagsuot na kami ng kanya kanyang mga gloves. Bilang scrub nurse, surgical ang kay Azriel at sa'kin nama'y clean gloves lang.
"Amber." Sambit sa'kin ni Azriel. Tinutulungan ko si Ms. Villafiente sa pag-unpack ng ibang instruments.
Nilingon ko siya. "Hm?"
Ginamit niya ang kanyang ulo upang sumenyas sa'king lumapit sa kanya since hindi niya magagamit ang kanyang kamay. Kailangan kasi hanggang chest area lang ang kamay at dapat hindi nalalayo sa kanya dahil magiging unsterile na ito.
"Bakit?" tanong ko, hindi masyadong malapit.
"Pakihigpitan ng tali sa likod ko." aniya. Nakasuot na siya ng surgical gown.
Maingat akong humakbang sa kanyang likod. Kabado akong nag-excuse sa isang surgeon na nakatayo malapit kay Azriel at nakikipag usap sa assistant surgeon.
"Ayaw matanggal." gigil kong sabi habang pinilit kong kalasin ang pagkakatali. Ang higpit naman kasi.
"Kaya yan."
Ginamitan ko na ng bandage scissor na nasa bulsa ko upang tanggalin ang pagkakatali. Marahas ko itong hinila kaya napaatras si Azriel, nadala sa pagkakahila ko.
"I'm sterile Amber. Gusto mo bang mapalabas tayo?" naiinis niyang asik.
Hindi ko siya sinagot. Bakit ba kasi niya pinatali ulit ito ah ang higpit na ng pagkakabuhol!
Minadali ko ang pagtali nang inaunsiyo ng surgeon na magsisimula na ang surgery. Kinagat ko ang labi ko sa panggigigil.
"Okay na?" sarkastiko kong tanong pagkatapos higpitan ang tali.
Tumango siya. "Thanks."
Bumalik ako sa gilid, malayo sa mga nakapalibot sa pasyente. Ginala ko ang paningin upang maghanap ng ibang magagawa. Nagtagal ang tingin ko sa monitor kung saan naka-display ang vital signs ng patient.
Ni-record ko ang oras sa pagsisimula ng surgery. Humakbang ako patalikod dahil tumama sakin ang pag-ihip ng sobrang lamig na aircon. Kay Azriel ako nakatingin, lalo na sa surgical gown niyang gusto kong hablutin para ibalot sa'kin dahil sa lamig.
Nasiyahan ako nang utusan ako ni Miss Villafuente na magpunta sa Central Supply Unit upang manghingi ng heavy needle holder at heavy clamps bilang additional instruments. Naulit pa ang pagbalik ko sa CSU ng ilang beses. Tinakbo ko ang distansya upang pawiin ang lamig na nanuot saking balat.
Nailabas na ang specimen, hudyat na malapit nang matapos ang operation. Panay ang pagbilang ko sa mga instruments. Lumapit ako ng bahagya kina Azriel upang hanapin ang mga natapon na ROS sponges. May nakita akong dalawa sa kanyang paanan.
"Are you okay? Nilalamig ka pa ba?" mahina niyang pagtanong habang may nire-record ako saking notebook. Bahagya siyang nakalingon sa'kin.
Hinanap ko si Sir Alivio, baka kasi sitahin siya sa ginawa ngunit di ko siya makita. Marahil na kina Lian o di kaya'y may panibagong surgery.
Nagtaka man ako sa pagtanong niya, sinagot ko pa rin siya. "Kanina. Okay na ngayon." ani ko.
Tumango siya saka binalik ang atensyon sa pagtanggap ng mga ginamit nang instruments ng doktor.
Nag final counting kami pagkatapos ng surgery. Nang nilabas na ang patient ay nanatili ako sa operating room upang linisin ang area sa tulong na rin ni Ms.Villafuente. Minsan lang siyang umiimik, kapag may inuutos lang at dapat i-record.
"Amber." Tawag ni Azriel
"Bakit?"
"Tali ko." turo niya sa kanyang likod. Salubong ang kanyang kilay.
"Kaya mo yan." balewala kong sabi saka binalik ang pagliligpit ng ibang gamit.
"Hindi. Ang higpit ng pagkakatali mo." giit niya.
"Eh pinahigpitan mo kasi!" asik ko habang nagtungo sa kanya. Lumabas na siya pagkatapos hubarin ang surgical gown dahil siya ang maghuhugas ng mga instruments.
Pumasok ang maintenance upang mag-mop sa sahig habang ako'y pinupulot ang mga wrappers at sinilid sa trash bin. Ang mga linens na ginamit sa surgery ay sa ibang lalagyan nilagay.
"Ms. Student." nilingon ko si Ms. Villafuente sa pagtawag niya sakin.
"Po?"
"Pwede pahiram ako ng record mo kanina? isusulat ko sa chart."
Binigay ko sa kanya ang aking jotdown notebook. Nahiya akong ipakita sa kanya ang resulat ng aking pag-record dahil sa magulo kong sulat kamay. Madalian kasi ang aking pagsusulat.
"Kailan ko po pwede mahiram ang chart ng patient?" malumanay kong pagtanong.
"Sa PACU nalang. Doon ko naman ito ilalagay after kong mag-fill up sa datas." sabi niya habang nagsusulat.
"Okay po. Thank you."
Bumalik ako sa ginagawa. Natapos na ang maintenance sa pag-mop. Nang wala na akong makitang dapat gawin ay hinintay ko ang pagbalik ni Ms. Villafuente ng aking jotdown notebook na hindi naman nagtagal.
Nagtungo ako sa washing area kung saan ko natagpuan si Azriel na hinuhugasan ang mga instruments.
"You're done?" tanong niya habang naghuhugas ako ng kamay.
"Mhm. Punta akong PACU pagkatapos." ani ko. Umusog ako palapit sa kanya nang may nag-excuse na lalakeng nurse at naghugas rin ng kamay.
"Wait for me. Sabay tayo." ma-otoridad niyang sabi.
"Paano yan?" ninguso ko ang mga instruments na nasa palanggana.
"Kaya nga. Magso-soak pa ako nito then we'll go."
Hinintay ko siyang matapos sa paghuhugas. Nang matapos ay pinasunod niya ako sa kanya sa isang room kung saan siya nag-soak . Kasabay ng kanyang paglabas ay ang pagtanggal niya ng kanyang mask. Pinalobo niya ang kanyang pisngi sa pagbuntong hininga.
May dinukot siya sa kanyang bulsa habang naglalakad kami papuntang Post-Anesthesia Care Unit. Nadaanan namin ang OR theater one. Dumungaw ako, nagbabakasakaling on-going pa ang operation nina Lian ngunit bakante na ito.
Inabutan ako ng candy Azriel na agad kong tinanggap. Nakakagutom din pala ang dalawang oras na operation.
Isang upuan lang ang meron sa tabi ng patient's bed. Unang umupo si Azriel, iniwan niya akong nakatayo ngunit umusog siya. Tumingin siya sa'kin.
"Upo ka." tinapik niya ang espasyo sa kanyang tabi.
"Diyan?" turo ko sa kaunting espasyo. Ang liit kaya ng upuan!
"Oo. Gusto mo sa tabi ng patient?" pilosopo niyang sagot. "Bakit ayaw mong tumabi sakin?"
Wala akong nagawa kundi maki-share ng silya sa kanya. Hindi naman pala mahirap dahil ginawa naming sandalan ang isa't isa, nakatuwid ang pareho naming mga binti.
"Hindi ka na ba nilalamig?" malumanay niyang tanong.
"Hindi na. Bakit mo naitanong?"
Umusog ako ng konti dahil parang nahihirapan siya sa kanyang posisyon. Mas malaki kasi ang binigay niyang space sa'kin. "You were shivering a while ago. I thought about giving my surgical gown to you."
Natawa ako ng bahagya. "Alam mo bang may balak din akong hablutin yung gown mo kanina? Ang lamig talaga sobra. Hindi yata ako mabubuhay sa Korea."
"May plano kang magpunta doon?"
"Magbakasyon sana. Bibisitahin ang mga pinsan ko at saka si Halmeoni, yung lola namin."
Ngunit hindi yata posible ngayon dahil busy ang schedule sa school. After graduation pa yata ako makakapunta doon.
Napaigtad ako sa kiliti nang pinaglalaruan ni Azriel ang tali ng aking bonnet. Lumuwang ang pagkakakapit tapos ay humigpit na naman.
"Anong ginagawa mo?" pagtataka ko.
"Wala. Ang tagal kasi ng chart." rinig ko ang pagkagat niya sa candy.
Hinayaan ko nalang siya sa paglalaro sa bonnet ko. Binuklat ko ang aking jotdown notebook upang mag-record sa vital signs na nasa monitor. Kalauna'y nagpunta na kami sa nurses station ng PACU upang hiramin ang chart ng patient namin at para kopyahin ang data para sa aming forms.
Dalawang oras ang tinagal namin sa PACU bago kami bumalik sa students lounge. Nandoon na sina Lian at Terrell na parehong abala sa pagfi-fill up ng data sa kanilang mga forms.
Pagtungtong ng lunch, sabay kaming apat na kumain sa canteen. Nakita namin ang iba naming kaklase na naka-assign sa pedia ward. Makikisalo sana ang iba sa'min kaso wala nang ibang bakante ay nanatili sila sa kanilang pinagpuwestuhan.
Isang oras lang ang lunch break kaya pagbalik namin bandang ala una ng hapon, wala na kami masyadong ginagawa. Hinihintay nalang namin ang iba na matapos sa kanilang mga operation.
Fifteen minutes bago mag two ay naghanda na kami sa pag uwi. Pumasok si Sir Alivio at may inanunsyo tungkol sa pagpasa namin ng Drug Study sa mga ginamit na gamot saming patients.
Nagsilabasan na kami kasabay ng pag-iingay ng hallway. Maraming mga estudyante sa ibang year level ang naghihintay sa labas ng operating room upang magpapirma sa mga nurses. Panay ang gala ko ng tingin sa kaliwa't kanan, napag-iiwanan na ako ng mga kasamahan ko. Hindi pa ako nakababa ng hagdan.
"Sinong hinahanap mo Amber?" tanong sa'kin ni Lian na nagpagising sakin.
"Ha?Ahmm..." nasaan na si Azriel? Wala na siya dito sa labas. Hindi ko na siya nakita pagkatapos kong magligpit saking mga gamit.
Hinanap ko si Terrell, nasa gilid lang siya ni Lian. So nasaan si Azriel?
"Sino yung kausap niya?"
"Malay. Girlfriend? Parang hindi naman."
"Bakit ang laki ng ngiti nung girl?"
Nilingon ko si Camila kausap ang dalawa sa kanyang barkada. Nakahinto sila at may tinitignang kung sino sa may elevator. Lumapit ako doon at nakita si Azriel kausap ang halos kasingtangkad niya na babae. Mahaba ang kanyang buhok at medyo may kapayatan. Tipid ang ngiti ni Azriel.
"Amber!"
Tumalikod na ako pagkatawag sa'kin ni Lian. Sumabay na ako sa kanila palabas ng ospital.
"May hinihintay ka pa?" tanong niya.
Malaki ang ginawa kong pag-iling.
"Wala. Wala na. Uwi na tayo" sabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro