Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EIGHTEEN


CHAPTER EIGHTEEN
______________________________________

Ayokong imulat ang aking mga mata upang masaksihan ang umaga. Ni ayaw kong dumating ang araw na ito. Kung maaari ay manatili ang kagabi hanggang sa makalimutan ng mundo ang kahihiyang ginawa ko.

Pero hindi ko naman kayang itaya ang pag-aaral ko para lang doon. Aakto nalang siguro akong parang walang nangyari. Will I give him a wide berth again? Masyadong mababaw ang rason ko upang gawin yun, hindi nga ako siguardo if big deal sa kanya ang pagtawag ko kagabi. Malamang! He was expecting for me to talk to him.

Since hindi na rin naman ako makabalik sa pagtulog, naligo nalang ako bago ko pa pagsisihan ang hindi pagpasok.

Nagmadali akong nagbihis at nag-ayos dahil lumagpas na ako sa oras na dapat nakaalis na ako sa bahay. Hindi ko na nga inalam kung nakauwi na sila mama at kuya. Pinagmadali ko sa pagmamaneho si mang Cesar papuntang university.

Didiretso pa sana akong convenience store na konektado lang sa skwelahan upang bumili ng makakain. Hindi manlang ako nakapag-agahan dahil sa pagmamadali ngunit napawi ang balak ko nang tumunog ang bell. Hindi na rin ako sumakay sa elevator sa haba ng pila, mas lalo lang akong male-late kaya naghagdan ako paakyat ng fifth floor, two steps at a time. Hingal akong napaupo saking armchair.

Nasa mesa na ang mga gamit ng aming guro pati na ang projector. Pinaypayan ko ang sarili gamit ng panyo dahil hindi pa rin napawi ang aking pamamawis.

"Nandyan ni si Mam?" tanong ko sa katabi ko sa kaliwa. Nanuyo ang lalamunan  ko sa uhaw.

"Wala pa. Nauna lang ang mga gamit, hinatid ng taga previous class niya." aniya.

Hinalughog ko ang aking bag, nagbabakasakaling hindi ko nakalimutang magdala ng tubig ngunit pati yata librong gagamitin namin ngayon ay hindi ko nadala. Pagod akong umupo ng maayos, tinakpan ang mukha ko at pinakalma ang sarili.

Sa mga hakbang na  naririnig ko, kilala ko na kung sino ang bagong pasok dahil inanod kaagad ang kanyang pabango patungo sa ilong ko. Maingat kasi ang paraan ng mga paghakbang niya, di gaya ng iba na maingay maglakad.

Mas hinigpitan ko ang pagtakip saking mukha sa kanyang pag-upo. Lumikha ng ingay ang silya saking kanan, kaya napagtanto kong inusog na naman niya ito palapit sa'kin. Naalala ko lang ang ginawa ko kagabi. Bumalik ang pagturok sakin ng hiya.

Kumunot ang noo ko sa narinig na plastic at ang paglapag niya nito saking armrest. Kumalam ang tiyan ko sa nalanghap na pagkain galing sa isang fastfood chain. Sinilip ko ang nilagay niya. Hindi nga ako nagkamali. Taka kong nilingon si Azriel.

Nakayuko niya akong tinignan. His regretful and guilty stare is shooting me at parang ilang siyang tignan pa ako ng mas matagal. Binasa niya ang kanyang labi bago nag -iwas ng tingin.

Gumalaw ang labi niya, na para bang kinagat niya ang loob nito. Mabagal siyang nagbalik ng tingin sakin.

"Ang bango naman niyan! Pahingi!" sabi ng isang kaklase ko sa kabilang row.

"Pahingi kami Amber!"

Sumunod ang iba sa panghihingi ngunit wala samin ni Azriel ang pumansin sa kanila.

"Yung tissue daw Amber ang hihingin nila." singit ni Kelly na halatang naiirita na sa ingay ng mga kaklase ko.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa plastic at sa mukha ni Azriel na walang pinagbago ang ekspresyon. Nag-aalinlangan niyang nilapit ang kanyang kamay sa plastic saka tinulak ito papalapit sakin.

"Peace offering?" walang kasiguraduhan niyang ani. Hindi ko siya nakikitaan na magiging ganito ka kabado dahil sa matapang niyang mga mata at kilay. His intense obsidian orbs turned gentle and tamed. Lumambot din ang tingin ko sa makapal niyang pilik mata.

Mukhang wala naman sa kanya ang pagtawag ko kagabi, kaya kakalimutan ko nalang din yun. Pabiro ko siyang inirapan.

"Pasalamat ka gutom ako." kinuha ko ang coke at pinawi ang aking uhaw bago takam na sumubo sa burger. Mas lalong nag-ingay ang mga kaklase ko na parang mga preso sa kulungan na isang taon pinagkaitan ng pagkain.

"We're good?" umaasa niyang tanong, nakaawang ang labi habang nagpipigil ngumisi.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay kumuha ako ng tatlong fries at sinubo sa kanya. Mas umawang ang  kanyang bibig at namilog ang mata niya sa gulat o pagkamangha. Mabilis nagpalipat lipat ang tingin niya sa fries at sa mukha ko bago mabagal na sinubo ang fries. Malawak ang ningiti niya habang ngumunguya. Namula rin ang kanyang mukha. Nakakalunod talaga ang kanyang dimples!

Mabilis kong tinago ang mga pagkain pagkapasok ng aming instructor. Palihim akong sumusubo ng fries habang nagle-lecture.

Nahagip ko si Lavinia na dumaan sa classroom namin. Nagdalawang tingin siya bago napagtantong kumakain ako. Nilahad niya ang kanyang kamay, nanghihingi at may balak pang pasukin ang classroom kung hindi lang siya tinawag ng kaklase niya.

Pagkadismiss ng huling klase ay hindi kaagad kami umuwi. Inasikaso namin ang thesis dahil papalapit na ang defense. Nasa library ulit kami upang maghanap ng mga libro para sa revision at mga additional footnotes.

"Hinanap ko siya kanina para makapag-usap kayo. But I think wala siya sa school."

Nahinto ako sa pagsusulat at nag-angat ng tingin kay Azriel.

"Sino?" tanong ko.

Seryoso niya akong tinitigan. "You know who."

Binalik ko ang atensyon sa sinusulat ko. Of course he's talking about Riley.

"Okay lang." mabilis ang ginawa kong pagtango. "Okay na."

"You talked?"

"Text lang." simple kong sagot.

I've known Riley as someone na hindi nagtatago ng pakiramdam. If he's mad, he shows it. Although his text last night told me otherwise. He's hiding it. He's not fine with it. Sinasabi niya lang ito para hindi ako mabahala, but he's wrong.  If he can hide the truth in his mouth, he can never make it escape from his eyes.

"Di ako sigurado kung magugustuhan mo ang aaminin ko sayo."

Ramdam na ramdam ko ang mabangis na paghataw ng aking puso. Sa bangis nito'y nanikip ang aking dibdib, nahirapan na naman akong huminga kaya kailangan kong huminga ng malalim upang gumaan ang aking loob.

Binitawan ko ang aking ballpen at nilagay ang aking kamay sa ilalamin ng mesa. Umambag ang lamig ng aircon sa kaba ko ngayon. Hinaplos ko ang aking mga braso upang pabalikin sa normal ang nananayo kong balahibo.

Wala akong ideya sa kung anong reaksyon ang nakikita ni Azriel sa mukha ko ngunit hindi ito nakapigil sa kanya upang magpatuloy.

"I said my sorry to give you a peace of mind but I wasn't sorry for what I did."

So he apologized for me to talk to him again not because of what he did? Then what's with his regretful and guilty eyes a while ago?

"Bakit?" malamig kong pagtanong.

"Bakit ano? Bakit kita pinigilan o bakit ko ito sinasabi?"

Bahagya akong napayuko sa paglingon sa'min ng isang estudyante sa kalapit na table. Medyo tumaas kasi ang boses ni Azriel. Hindi ito ang tamang lugar upang pag-usapan 'to. This is a library and silence is a must.

"Both." mahina kong sabi, pero sapat na upang marinig niya.

Nanatili siyang nakatitig sa'kin na wala manlang pinagbago ang ekspresyon. He's unadulteratedly serious. Gumalaw ang labi niya, parang nagdadalawang isip kung ibubuka niya upang magsalita o pag-isipan muna ang ibig niyang sabihin.

Kinagat ko ang aking dila upang pigilan ang sarili na itanong ang sigurado akong dadagdag sa mga kahihiyan ko. Nagpunit ako sa bondpaper na ginamit ko sa pagresearch at sinulat nalang ang ibig kong isatinig. 

Bahala na kung ano man ang iisipin niya. Hindi naman masamang magtanong, di ba?

Gusto mo ba ako?

Pinadulas ko ang papel sa harap niya. Hinilod ko ang aking mga kamay sa isa't isa habang pinagmasdan ko siyang binabasa na ang papel.

Tumingin siya sa'kin sa likod ng makapal at mabigat iyang mga pilikmata. Wala manlang siyang balak magpalit ng facial expression?

Nanatili sa mukha niya ang tingin ko habang sinusulat niya ang kanyang sagot. Kinuha niya ang isang kamay ko at nilagay ang papel sa'king palad.

YES

Napalunok ako. He has been insinuating these past few days. This answer serves as the confirmation. But I need the specific. What kind of like?

As a friend?

Nasa mesa ang tingin ko pagkabigay sa papel. Niligpit ko na ang aking mga gamit habang hinihintay ang kanyang sagot.

Yes and No

Kumunot ang aking noo. Sa tinging ginagawad ko, pinapaalam ko sa kanyang nanghihingi ako ng mas malinaw na sagot.

"Amber..." nahihirapan niyang sambit. "Don't make me explain please."

"Don't I deserve it?"

"You do. But do I have to say it? Am I not that obvious already?" halos histerikal niyang sabi na umani ng atensyon sa mga nasa library kabilang na ang librarian.

Pinatahimik niya kami. Napayuko ako sa hiya habang nanatili si Azriel sa kanyang posisyon.

Kung saan-saan pa ako tumingin bago pinadapo ang mga mata ko sa kanya.

"Ayoko lang tanggapin." mababa ang aking boses saka mabilis na nag-iwas ng tingin.

Napaigtad ako sa padabog niyang pagsara ng libro. Sinita na kami ng librarian pero walang pakialam si Azriel. He just lost it. Bawat kilos niya ay may diin. I don't want to see him mad. Lalo na kung dahil sa akin at sakin mismo.

Akala ko'y lalabas na siya at iiwan ako mag-isa sa table pero kinuha niya ang bag ko pati na ang aking plastic divider folder. Napasunod ako sa kanya palabas ng library at halos tumakbo na ako dahil sa bilis ng kanyang paglalakad. Hindi nga niya pinansin ang working student na taga inspection ng mga bag sa pintuan.

"Saan ka pupunta Azriel? Akin na ang bag ko!" pilit kong kinukuha ang aking bag pero pilit niya rin itong dinidikit sa kanya. He's wearing my shoulder bag!

Parang wala lang sa kanya ang pag-akyat sa hagdan habang ako'y nahihingal niya. At since gabi na, sobrang dilim na ng mga corridors kaya mas lalo akong kinabahan.

He can't do this to me. Anong balak niya? I haven't taken him as someone that'll do something I never want him to do. May nagdidikta sa'king tumakbo palayo at hayaan nalang ang bag ko sa kanya but the trusting part of me tells me to just follow him.

"Azriel uuwi na ako. Give me my bag back! Kung ano mang balak mo huwag mong nang ituloy!"

He remained stoic, cold and dark. Lumagpas sa kabilang tenga ang bulalas ko.

Inadjust niya ang pagkakahawak sa'king bag pagkaapak namin sa seventh floor. Gosh it's so dark! Dinungaw ko ang oras sa'king relo. It's eight pm. The library closes at eight thirty and automatically susunod ang pagsasara ng buong building.

Napapunas ako ng pawis saking noo. Inisip ko kung nasa loob ng bag ang aking inhaler. The air's about to be knocked out of me.

Pumasok siya sa madilim na classroom katapat ng auditorium. Nakatalikod siya sa'kin. Maingat niyang nilapag ang aming mga bag sa silya. Hingal akong napatingin sa kanyang likod at sa pag-akyat baba ng kanyang balikat dahil sa mabilis niyang paghinga. Kung alam ko lang na dito kami mapupunta sana nag elevator nalang ako.

"Dahil ba sa kanya?" panimula niya. Malamig ang kanyang tono. Sa pagpihit niya paharap sakin, napasandal ako sa pader. Dahan dahan niya akong nilapitan. "You have no obligation as his girlfriend anymore."

Bigla akong tinubuan ng lakas ng loob. Tinapatan ko ang tapang niya.

"Magkakabalikan pa kami. After graduation."

Nanlaki ang mga mata ko sa pagbilis ng kanyang mga hakbang at sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Sa ilaw galing sa basketball court ay naaninag ko ang pagdilim ng kanyang mukha. Salubong ang makapal niyang kilay at sinisiyasat niya ang aking mga mata.

"Maraming maaring mangyari sa isang taon. It didn't even take me a week to like you, Amber. It took me less. It took me an hour, a minute or a second. Paano pa kaya ang isang taon? May magugustuhan din siyang iba and who knows pag dumating ang susunod na taon may iba na siya." matigas niyang sabi na pakiramdam ko nanggigigil siyang idikit ito sa'king utak.

Umiling ako. "Nangako siya sakin. He has never broken a single promise to me!"

I deflated as he towered over me. Sobrang lapit na niya sa'kin. He's less than a fraction inch close.

"There will always be a time where people breaks promises Amber.  Even our own promise. We have the capability. We have the power to break. Sadya man natin o hindi, we can break a promise. Ikaw? You promised to him na siya lang. Paano kung mahal mo na pala ako? Edi sira na yung pangako mo sa kanya." may bahid ng panunuya ang huli niyang salita na para bang hinahamon niya ako.

Mas lalo akong nakuyumos sa harap niya. Naidulas ko ang aking likod sa pader sa panghihina ng tuhod ko sa ilang mga dahilan; Sa presensya ni Azriel, ang mga sinasabi niya sa'kin, sa nakikita kong sakit sa mga mata ni Riley, sa mga posibilidad sa susunod na taon....at sa nararamdaman ko ngayon na pilit kong binabalewala.

"Don't make me Azriel." impit ang boses kong sabi.

Nasalo niya ako bago pa ako mapaupo sa sahig. Nanunuya niyang hinahabol ang aking tingin.

"Don't make you what?"

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." mariin kong sabi, pinipigilang maluha.

Inayos niya ako sa pagkakasandal. Mahigpit ang hawak niya sa'king mga braso malapit sa balikat. "Try me, Amber."

"Huwag..." desperada akong umiling. Hindi ko pa rin siya matignan. "Masasaktan ko siya."

Hinawi niya ang takas na buhok sa'king noo saka hinaplos ang aking ulo. "I know. It's inevitable." malambing niyang sabi.

"Huwag mong gawin 'to." tinakpan ko na ang aking mukha. Naiiyak ako sa pag-iisip kung ano ang mararamdaman ni Riley. It feels like I'm cheating on him. This would hurt him so bad!

Tinanggal niya ang kamay ko saking mukha saka pinalitan ng kanyang pagkuwadro. Pilit niya akong pinapatingin sa kanya. Halos magdikit na ang aming mga noo. "I can't help it for the life of me. I just can't. You effortlessly rendered my control useless."

"Kaya mo, ayaw mo lang!" tumaas na ang boses kong pilit kumakawala sa kanya.

Marahas siyang umatras at sinuntok ang pader sa gilid ko na nagpaigtad sa'kin.

"Mahirap bang paniwalaan na hindi ko kaya? Kung ayaw mo, sige! Kahit hayaan mo nalang ako. Kasi ang hirap pigilan. I had put my best foot forward avoiding but I came up dry. Tumitindi!"

Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa mga sinasabi niya. Pinagmasdan ko lang siyang marahas na pinadaan ang kamay sa kanyang buhok at parang hirap na hirap siya sa ginagawa ngayon, na ayaw niyang gawn ngunit kailangan. Desperado siyang nahihirapan. 

Ilang beses niyang mahinang pinagsusuntok ang pader sa gilid ng aking ulo at diin na diin ang kanyang pagpikit. Nagsilabasan ang ugat sa kanyang sentido at leeg at di ko alam kung dahil sa inis, pagpipigil o galit. Mas naging matapang ang kanyang mga mata. Mas naging madilim.

"I know I've just been with you for less than a month pero palagi na kitang tinitignan sa malayo. I've been liking you since I first saw you during sophomore in that fucking student's lounge! Naunahan lang talaga ako ng ex mo. At nakita ko kung paano mo siya tignan nung araw na yun kaya umatras na ako. I backed out gaining ground on you. Kung ako lang sana ang nasa lugar niya, siguro ako ang pinaparamdam mo ng pagmamahal diyan sa puso mo. I could've been that guy you're missing. I could've been that guy you wanted back. I could've been that guy that you don't want to get hurt. I could've been that guy you're in love with! Hell! I could have been yours!"

Be still my heart. Sa lahat ng mga nasabi ni Azriel, ito ang hindi ko inasahan at nagpagulat sa'kin. Hindi ko mahanap ang boses ko, niisang letra ay ayaw kumawala. Umalingawngaw ang kanyang boses kasabay ng kung anong pagdagundong sa loob ng aking dibdib, paulit ulit sabayan ng memorya ng kanyang ekpresyon.

He's determined and serious to the core.

Pinakalma niya ang sarili. Sa muling pagtagpo ng aming paningin, napalitan ng kabiguan ang tingin sa kanyang mga mata.

"But if you choose to remain stuck with him, just forget what I said. Pero, hayaan mo lang ako, Amber. Let me stay a little  this close to you. Just this one."

Uminit hindi lang ang mukha ko sa pagdampi ng kanyang labi saking pisngi. Ewan ko kung epekto ba ito ng ginawa niya o kumalat ang init ng kanyang hininga sakin. Nagtagal pa ito, nahigit ko ang aking paghinga.

Sa paghila niya sa sarili ay hindi na niya ako tinignan ulit. Kinuha niya ang kanyang bag saka diretsong lumabas ng classroom.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro