TEN
Sa totoo lang ay hindi ko alam saan pupunta. Hindi maaaring babalik ako sa table namin dahil siguradong doon agad ang iisipin ni Evan. Bukod pa sa binanggit kong babalik nga ako, he knows that I'd rather be with my friends tonight than spend this time alone.
At kung hahanapin man ako nina Leroy, ite-text naman nila agad ako.
Natapat ako sa hagdanan at walang pag-aalinlangang tinahak iyon tungo sa second floor. Iilan ang mga bumabati sa akin na hindi ko naman kilala. Some men even dared to move their body against mine but I ignored them and continued rushing towards a vacant table.
Halos matumba ako nang tinulak ko ang sarili sa mesang iyon at kumapit. My head was pounding fast. Isang galaw lang ay ramdam ko ang pagaan ng aking ulo at akyat ng kung ano sa aking lalamunan.
I remembered the first time this happened years ago. Several shots of Jack and coke made me lie to my parents so I couldn't go home. I never had Tequila before. Akala ko ay light ang inuming 'to dahil maliliit lang naman ang shot glasses.
"Ruiz, Scarlet Maeve!"
Nanatili ang ulo kong nakabaon sa mga braso. Gumaan lalo ang ulo sa pagsubok kilalanin ang pamilyar na boses.
"Hey, lalo kang mahihilo niyan. C' mon, tilt your head up."
I felt a hand on my lower back. I waited for the worst to happen but it didn't come. Mabagal kong sinunod ang sinabi niya at para rin kilalanin kung sino itong kumakausap sa akin. I swear he's familiar, ayoko lang piliting alalahanin dahil sumasakit ang ulo ko.
It was a blur at first due to the dancing lights. Ilang beses akong kumurap hanggang sa naging malinaw ang paningin. First, I saw Spanish round eyes smiling. Sa sunod kong pagkurap ay dahil na sa gulat.
"Jensen?" garalgal ang boses ko.
His all white ensemble caught my attention. From the v-neck shirt clinging tightly to his toned body down to his white pants and shoes. Kung wala lang siyang suot na pakpak ng anghel ay iisipin kong galing siya sa extension duty sa kalapit na ospital.
"Hi! Ayos ka na? Eto, tubig."
Tinitigan ko ang hawak niyang baso bago tinanggap at ininom. I never thought I am this thirsty until I tasted the cold liquid and chugged it down.
"Damn, Ruiz." Jensen chuckled.
Naubos ko ang tubig. Napadighay ako pagkatapos uminom. I silently apologized and covered my mouth.
"Kilala mo ako?" I asked.
His eyes narrowed. Marahan niya akong tinuro. "Psych ward. Ikaw iyon. 'di ba?"
Tatango na sana ako. But over his shoulders, nahagip ko si Evan na seryosong lumilinga-linga sa paligid. Mas nagdilim pa ang itsura dahil sa may kadiliman ding lugar at hindi kadalasang pagdaan ng ilaw.
Hindi na kailangan itanong pa kung bakit. I know exactly what he's doing. Kaagad kong tinago ang sarili sa dibdib ni Jensen. He's tall and broad-shouldered, kaya siguradong sapat ito para matakpan ako ng katawan niya.
"Ayos ka lang?" tanong niya nang mapansin ang pagka-aligaga ko. Panay ikot niya sa kinatatayuan dahil panay din naman ang ikot ko para gawing taguan ang katawan niya! I turned unbelievably sober all of a sudden!
"May pinagtataguan lang. Sorry!" I held his shirt on the chest part so he would stop moving. Pinaharap ko siya sa akin.
He eventually stopped when he realized what I was doing, making his body as a hideout. Dinig ko ang kanyang ngisi. Napanliitan ko siya ng mata dahil mukhang aliw na aliw siya sa ginagawa ko.
"You 're so cute, Ruiz," aniya sabay kalabit sa aking pakpak.
Sa kabila ng dahilan na ayaw matawag na cute dahil nagmimistula akong tuta ay uminit pa rin ang pisngi ko. I smiled at him awkwardly, sabay silip sa gilid para sana tunghayan si Evan. Pero sa labis na pagkakahilig ay halos matumba ako!
"Oops, careful," he said, catching me then held my waist.
Sumabay din ang mabilis kong kapit sa braso niya para sana saluhin ang sarili.
A popular dance song started playing and loud cheers filled the place. Naiilang ako sa matamis na ngiting binibigay ni Jensen. It's hard not to repay his chivalry so I managed a smile in the same taste.
"Sino ba kasi pinagtataguan mo?" he asked.
But what he did next was unexpected. Kinuha niya ang kamay ko at inangat saka ako inikot. I gasped as I turned. Humaba pa ang buhay ng mangha ko nang sa pagkaharap muli sa kanya ay bigla niya akong hinila para mapalapit sa kanya. My fast heartbeat is telling me he's had a drink. Ngunit nang tinitigan siya ay mukha naman siyang normal. Suddenly, my mind wandered to the glass of water he offered to me. So far, nothing weird has happened. Wala pa siguro. Kinabahan ako bigla.
"Si Captain Hook," sagot ko sa tanong niya.
He smirked. " Boyfriend mo ba?"
"Uh..." Sumilip muli ako kay Evan at nahagip siyang kinakausap ng babaeng naka cheerleader costume. Halata ang hindi niya pagkakaroon ng interest dahil patuloy pa rin ang pasida niya sa paligid. If I'm not mistaken, he looked so pissed already! Kahit hindi sadyain ang lakas na hawiin ang mga humaharang ay matutulak niya ang mga tao dahil sa labis na iritasyon!
"Hindi," iling ko. I felt a bit bad for using Jensen tapos hindi ko maayos ayos ang sagot ko. "Ikaw? Kasama mo girlfriend mo?"
His brows fused together kahit nakangiti pa rin ito.
"Wala akong girlffriend," kaswal niyang wika.
It shut me up. Tumitig lamang ako sa kanya, hindi alam paano rumespunde. If I'd apologize, well he doesn't seem sad or in pain.
"Oh..." the awkwardness in my chuckle made me sound weird.
Pero sayang, ngayon pa talaga kami nagkakausap nang ganito na hindi ko na siya crush.
I want to glance at Evan's direction again without being too obvious. Nahihiya na rin kasi ako kay Jensen, guilty rin dahil mukhang ginagamit ko lang siya rito. I tried to dance with him. Noong hinawakan ang baywang ko ay hindi ako umangal. Weird how in just a single spark of panic, my tipsy head has gone sober. Subalit naroon pa rin ang parte sa aking may hindi nakokontrol noong humawak ako sa balikat ng kasayaw. Jensen smiled widely.
"Maeve!" Nanlalaki na ang mga mata ni Ruth nang makalapit sa amin. She's dancing with Jude, her boyfriend.
"Uy!" Ilang kong sambit sa gulat, a bit shy that she found me here with... my past crush.
Hindi sila nagtagal at hinayaan na kami, ngunit habang lumalayo ay nanatili ang nang aasar niyang tingin sa amin.
I watched my friend for a few seconds more before facing my dance partner. Pero nang papaharap na kay Jensen ay ibang pares ng mga mata ang nakatagpo ko. Naguumalpas ang tibok ng puso ko sa panliliit ng paningin niya. His breathing was blatantly harsh telling me how furious he is! And before I could even push myself to move, he was already moving towards us in his violent steps, his eyes taking me hostage. Binabalewala ang mga taong nababangga sa pagabante niya tungo sa direksyon namin.
"Uh-oh..."
"Why? Captain Hook's coming?"
I looked at Jensen and nodded. " Sorry..."
And I meant it. Napakagat ako sa labi ko. I was able to thank him loudly when he nodded, understanding my situation without knowing even half of it. My sweat began to pour out of my pores, lalo akong nahimasmasan dahil sa kaba habang pinipilit ang sarili sa makikipot na espasyong likha ng mga nagsasayawang umpukan.
I hurried my way to the women's washroom. Diretso ang mga lakad takbo ko sa huling cubicle at umupo sa nakasarang lid. Ilang mabibilis na hingal ang pinalipas ko bago ako tuluyang kumalma. I began asking myself why I am avoiding him. Naalala ang isang lecture namin tungkol sa confrontation, mas malulutas ang problema, Scarlet. kung hindi tatakbuhan. Ano ' tong ginagawa ko?
Then my own question led me to my insecurities again. Looking at that woman with him a while ago, pumapanig ang insekyuridad ko sa pag-iisip na mas gusto niyang kausap ang mga ganoong klaseng babae. Because... who am I for him to waste his time with? Wala naman kaming pag-uusapan at isa pa, ang boring ko kayang kausap. I always hate it when I am with someone and we 're both sitting in silence. It always makes me think that I am going to bore the hell out of those people I am with, kaya hindi na sila dapat pang mag-aksaya ng oras sa akin.
The thought of all of these just even makes me feel more miserable.
Takot ko lang na sa oras na matanto ito ng mga taong nasa paligid ko. maghahanap sila ng iba na ipapalit sa akin. I am merely a replaceable human being, always ending up on the inferior side of things.
Naigtad ako sa pabalibag na pagbukas ng pinto. Some girls screamed from the loud impact of it. Halos sumabay na rin ako sa kanila nang binubuksan nito isa isa ang bawat cubicle, puwersahang bukas sa mga nakasarado at may tao.
"Hey, ano ba!" reklamo ng isa sa cubicle sa tabi ko.
I looked down to find out more of it. Nandilat ang mga mata ko pagkapasok ng pamilyar na sapatos sa aking paningin. Bago ko pa man makalma ang sarili ko ay nagsalita na siya.
"Scarlet..."
Mukha mas kalmado pero ramdam ko ang gigil at pagpipigil niyang isigaw iyon. He jerked the handle. I heard him sigh heavily on the other side. Hindi siya agad umalis at ilang beses pang tinulak-katok ang pinto.
"Out of order yata iyan," isang babae ang nagsalita. A group of giggles followed.
I was trying my best not to make a sound when I let out a loud relieved breath. Mabilis kong inangat ang mga paa bago pa mahuli ang lahat.
"Nakita niyo ba iyong pumasok rito?" Evan asked.
The relief a while ago shattered. I'd be doomed if there was! Matagal bago may sumagot ng mahina at alinlangang "Hindi".
"In Tinkerbell costume. Wala?" he sound angry and desperate now.
"Wala po, kuya pogi."
Halu-halong bersyon at tono ng wala ang narinig ko. I saw how his shoes shifted and shrieked as if he's trying to turn half way but held himself to calm.
"Maganda, nakalugay ang buhok, fair skinned... wala talaga?"
Halu-halong bersyon at tono ng wala ang naririnig ko.
Guilt reside in my chest and they weighed heavier now than my insecurities. May nagtutulak sa akin na buksan na ang pinto 't magpakita. But what if he's mad? Baka masigawan niya ako at mapapahiya pa sa harap ng mga tao rito.
Hindi na ako nakapagpasya nang bumuntong hininga siya at umalis. Another series of whispers and giggles flooded, natigil lamang sa bagong pagbukas ng pinto.
"Evan?" Ruth's shock filled my familiarity of her voice. "Bawal ka rito, uy!"
"Have you seen Scarlet?"
Natawa ang kaibigan ko. "Hinahanap mo na naman? Lagi na lang, a. Tinatakbuhan ka ba?"
"I don't know... she's always running away from me. Kaya malamang, hahabulin ko. Hahanapin..."
"Tawagan mo," si Ruth kasabay ang naririnig kong pagbubukas ng bag.
"Kanina ko pa ginawa." Another burdened sigh escaped from him. I also heard zipper opening. Ang sunod kong narinig ay tila paghuhubad ng damit.
Habang nakikinig sa kanila ay maingat kong dinukot ang phone sa aking purse bag. Nandilat ang mga mata ko, siniguradong hindi malabo ang 30 missed calls at 25 text messages sa screen. All of them are coming from Evan alone!
"Nakita ko siya kanina kasayaw si Jensen," sabi ni Ruth.
"Sino iyon?"
"Jensen Calvillo. Crush niya. Ka-batch lang din namin."
Ilang segundong katahimikan. Tila naging patalastas ang pumapagitnang ingay ng pagre-retouch ni Ruthzielle. I covered half of my face just so my audible breathing couldn't be heard lalo na' t tikom ang bibig ngayon ng dalawa.
"Crush... hm. What does he look like?" he sounded so serious na nariringgan ko ito ng pagbabanta.
"Maputi, Espanyol, matangkad--O, saan ka pupunta?"
Sunod kong narinig ang pagbagsak ng pinto.
An eery silence reigned over. Habang sinusubukan namang kumatok ng dumadagundong na ingay mula sa dance floor at hiyawan ng mga tao sa bawat pinapatugtog ng DJ. It's already the peak of the party, pero heto ako, tinatakbuhan ang saya para lang piliin ang mapag-isa. Girl, tell me, what kind of human does that?
"Labas ka na, Wala na siya." Ruth knocked on my cubicle.
I unlocked the door. Nahihiya akong lumabas at hindi siya matignan nang diretso. Sa gilid ng paningin ay nakikita ko siyang nakasandal sa sink at mataray akong tinitigan. Well, like she's always been. Sa kaunting sulyap ko sa kanya, kita ko ang lalo pang pagtataray ng mukha niya dahil sa mega ultra red lipstick niya.
"Kanina pa niya sinuyod ang buong bar. I've been observing him. And you. Are you happy now, Maeve?" she asked me in her condescending tone.
Gusto kong maiyak. Hindi ko rin naman kasi inakala na iyon ang gagawin niya. I thought he's just going to let me run from him. Akala ko...
"People around you are trying to understand you, Maeve. Pero minsan, nakakainis na, sa totoo lang. Nakakainis na hindi ka namin mabasa at mas malala, hindi ka nagsasabi kung ano ang problema. Kaya nga kami nandito, 'di ba? See for the signs, Maeve. We' re here, your friends, to hear you. Ano, tatakbuhan mo na lang?"
Pinunasan ko ang luhang hindi nagpaawat. I didn't expect her to help me wipe them as she watched me shed more tears. This is the lecture you deserve, Scarlet. Ikaw naman kasi!
Ruthzielle's heels clinked at each of her steps as she approached the door. Nakuha ko agad kung bakit niya sinara at ni-lock ito. Nagbalik siya sa kanyang puwesto sa harapan ko at humalukiphip
"T-takot lang ako..." nanginig ang boses ko.
"Takot saan?"
Nag-iwas ako ng tingin at suminghot. "Rejection."
Marahas siyang suminghap. Binagsak ang balikat sabay tinama ang kamay sa tuhod. I can see her obvious frustration from the look on her face.
"It always happens, Maeve. Walang tao sa mundo ang pinagkaitan niyan. Lahat tayo, pagdadaanan iyan! Don't expect to get pass through life without the bullshit."
Tumango ako. Naiintindihan ang sinabi niya. But come to think of it. Even if I already learned about the deal of rejection and how it always comes and goes, hindi ko pa rin maiwasang matakot na maranasan ito. Nang paulit-ulit.
She tore a papel towel nearby and offered it to me. Kinuha ko iyon at pinunasan ang pisngi at ilong.
"And how could you say that Evan would reject you? I don't think he'd search every corner of this bar just to throw you away in the end, Maeve. Rejection ba ang tawag kapag panay na hanap sa ' yo nung tao? Oo, siguro, kung hindi ka niya hinahanap, kung hindi ka niya tinatawagan. Oo, malamang kapag pagod na siya sa kakahanap at umuwi na kasama ang ibang babae. And think about this, hindi niya papasukin 'to kung ire-reject ka lang niya."
"Hindi ko alam na ito ang gagawin niya," tahimik kong dahilan.
Tinitigan niya ako at bumuntong hininga. Kalaunan ay tinapik ako sa balikat. Magsasalita na sana siya ulit nang may mga mga inip na pagkatok kasabay ang sandamakmak na mga reklamo.
"Sandali lang!" Ruth yelled at them. " Labas na nga tayo. Basta kung mahanap ka ni Evan, 'wag mo nang takbuhan." Her last two cents before we went to the door.
"Ang tagal, bakit kasi naka-lock?" maarteng angal ng pumapasok na babae."
"Nag-sex kami, angal ka?"
Pinandilatan ko ang kaibigan. She rolled her eyes at the girl habang ang ibang nakarinig ay sumisipol at pinagtawanan ang pabalya niyang sagot.
"I'll look for him, Maeve," aniya. Sabay turo sa counter. "Doon ka maghintay para makapag-usap kayo."
"Thank you."
Papunta pa lang ako sa bar counter nang maalalang hindi ko nasuri ang sarili bago kami lumabas. I could still feel my wet cheeks. Dinampian ko na lang ito ng tissue at tinignan kung may mantsa ng mascara galing sa luha.
"Ruiz, you're back!"
Nasa harap ko na si Jensen na may hawak na inumin. I know he's a happy person pero ngayon ay iba ang ngiti niya lalo 't pinapaligiran siya ng mga kaibigan. Holding a bottle of Jack Daniels, may sinalinan siyang baso at nakitawa pa sa mga pagbibiro nito.
Tinago ang kaninang lungkot sa kumprontasyon, ngumiti ako. I accepted the glass he offered then poured the Jack coke. Nauuhaw din kasi kaya kailangan ko nang kaunting likido.
Inangat ko na ang baso sa aking bibig. Ramdam ko na sana ito sa dulo ng dila ko nang may biglang humablot sa baso at siya ang uminom. I followed the stealthy hand and led me to Evan downing the drink in just one chug.
He licked the remains of the liquid in his lips. Umiigting ang panga niyang tinulak ang baso pabalik sa gulat ding si Jensen. Evan looked extremely in pure rage staring at him and me, disappointment.
"Wow!" Jensen tried to cheer the situation up, ramdam din ang tensyon.
He glanced at the empty glass in awe. Friendly ang ngiti niya sa nakabusangot na katabi ko ngayon. Only noticing now that he's already in his dark blue vneck shirt, at ang leather jacket ay nakasabit na sa kanyang balikat.
"Let's go, Scarlet." Hinuli ni Evan ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
"Whoah, whoah! Pare, kung ayaw ng babae, huwag mong pilitin," pigil ni Jensen.
"Hindi ko siya pinipilit!" Evan's strained anger pushed some veins in his head and neck to pop up.
"Let's find out, then. Ask her if she wants to go with you."
Hindi na maipagkakaila ang tensyon ngayong seryoso ang hamon ni Jensen. He basically equalled Evan's serious and pissed off look.
Evan clicked his tongue against the inside of his lower lip then looked at me with nothing but pure concern, half-sarcasm and a quarter of annoyance for the other guy in angel's wings.
"Scarlet. 'Di ba bawal kang magpuyat at uminom? Nakalimutan mo na ba ang bilin ng doctor? Masama 'yan sa baby natin."
Nandilat ang mga mata ko. Pagkalingon kay Jensen ay kita kong halos mabulunan ito.
"Baby?"
The pissed off wolf turned to the angel with a victorious but mocking smirk.
"So, if you must excuse us, Calvillo. My girl is going home with me." He smiled evilly at him before dragging me outside the bar.
Hindi ko maisaboses ang angal at dinaan sa mga pagpupumiglas ang protesta ko sa ginagawa niya. Napakuha siya sa leather jacket at hinawakan na lang ito habang hila hila ako sa labas ng bar. It was when we reached the parking lot when I successfully pulled my hand free from his potent hold. Inabanduna ako bigla ng pag-uusap namin ni Ruth kanina. Duda kong makakapag-usap kami ni Evan nang maayos ngayon!
"Ba't mo sinabi iyon? Paano kung kakalat iyon sa school, Evan? Kailan pa ako may baby, ha?"
"Ako. At masama bang mangarap?"
His answer shut me up. I don't know how to respond to that. Irap ko siyang iniwasan ng tingin at bumuntong hininga. How I wish I can just be drunk again just so I could avoid this talk. Why do most people find confrontation easy? It is not for people like me!
Napaatras ako sa pag-abante niya. I was very well aware that we' re at the dim corner of the lot and there's a wall behind me. Pero nang maramdaman ang lamig sa aking likod ay naigtad pa rin ako, hind lang dahil doon kundi sa brasong tinukod ni Evan sa sinasandalan ko at gilid ng aking ulo. He's obviously locking me in place.
"Why do you always run away from me, Scarlet?" naninimbang niyang tanong.
I meant to avoid it again, binabalingan ang pagdaan ng mga tao galing o papunta sa bar, nagtatawanan at ang iilan ay mga nakainom na.
"I was... I was just giving you your... freedom?"
"Freedom?" His brows furrowed deeper. Lalo akong hindi makapagsalita sa umuusbong na galit na nakikita ko sa kanya, or it's just the way he naturally look?
"You're acting weird. Tell me, nagseselos ka ba?"
Pinandilatan ko siya at umiling. Bakit pa iyon ang iniisip niya? Hindi ko alam kung assuming siya o ganoon lang talaga ako kahalata.
"C'mon, just admit it."
"Wala akong aaminin sa 'yo!"
"Puwes ako, meron," may paghahamon niyang sabi sabay hakbang palapit hanggang sa magtama ang aming ilong.
Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. I suddenly felt suffocated by the mere thought that in just one move from either one of us, I am surely going to explode. My fast and shallow breaths are in no help for my mission to calm myself down.
"Saan na ba kasi iyong kasama mo?" Palipat lipat ang tingin ko sa mata at labi niya. Nang makitang nakaawang ang sa kanya ay mabilis kong tinikom ang sa akin.
"She's nothing but a colleague, is all. She's with her friends and it so happens that they want to party here." he tilted his head. "Nagseselos ka nga?"
"Hindi nga ako nagseselos!"
"Bakit mo nga ako pinagtataguan?" He adjusted himself without changing our intimate distance. Mas inangat lang niya ang sarili para dungawin ako nang mas maigi at malalim.
"Hindi nga--" "
"Try harder, Scarlet. Lie to me some more, c' mon." His dark tone made his dare sound even more like a warning.
"Nakainom lang ako. I went to the washroom, tapos..." umaarte akong sumusuka.
Ang kamay kong humaharang sa aking bibig ay hinuli niya at binaba, pinirmi sa gilid ng aking binti. He stared intently at my lips after like it was his purpose, all this time
"Nandoon ka nga noong hinanap kita? Last cubicle, correct?" he whispered, gumaralgal ang boses sa hina habang nakatitig pa rin sa labi ko.
"Hindi lang ako handang harapin ka. I'm... I smell bad..." Tumikhim ako.
Umangat ang kilay niya. Scary amusement filled his eyes. Hindi nga lang din maipagkakaila ang inis doon.
"Ilang beses mo na ba akong iniwasan?" seryosong tanong niya. Bumuka ang bibig ko nang inunahan niya agad ng karagdagang salita. "At ilan pa ang balak mo? Why, Scarlet?"
The pain and disappointment couldn't be masked in his question. Hindi ko siya matitigan nang diretso nang hindi nakakaramdam ng pagsisisi sa ginawa.
"I..."
"What?"
"I just want to go home," imbes na sinabi ko.
"No. Not yet,' mariin niyang ganti. "We have to talk and fix this. Let me know your side."
"Uuwi na ako. Hindi naman kasi dapat ako nandito, Evan. I am just a trying-hard social person so I could fit in with these people kahit alam kong sa huli, hindi ako nagiging kumportable. Lahat sila, ang gaganda. Tapos ako, ako lang yata ang nagmukhang bata sa costume ko. Ang pangit ko na nga, mas nagmukha pa akong katawa-tawa sa suot ko!"
I am ridiculously blabbing nonsense just to avoid the admission that yes, I am jealous. At hinding hindi ko maiwasan ang insekyuridad sa sarili habang naalala ang itsura ng babaeng lumapit sa kanya.
"What? Scarlet..." He's unbelievably looking at me while slowly shaking his head. He muttered a curse and out of utmost frustration, napasuklay sa magulo niyang buhok gamit ang kamay saka mariing hinila ang sa may batok.
"You have no idea how beautiful you are, dammit!" He slapped the wall behind me.
"Says your sympathy."
"No, please stop. Stop listening to your demons."
Umiling ako hindi pa man siya tapos. "At sinasabi niyo lang iyan dahil naaawa kayo sa 'kin. You're all trying to boost my esteem dahil alam niyong sa oras na masaktan ako, ayaw niyo ring ma-guilty. Ayaw niyong magsisi. All of these are just for our own selfish reasons!"
"Hey, listen..." he begged softly, panay huli sa kamay kong tumutulak sa kanya para makaalis ako. Nahagip ng kamay niya ang isa at ganoon din ang pares nito saka niya kinulong ang mga palapulsuhan ko sa isang kamay niya. his other hand caged my cheek to make me look at him.
"Yes, you're right, I am boosting your esteem, but not for the reasons you choose to accept but because it's true, Scarlet. You. Are. Beautiful," pagdiriin niya habang maigi akong tinititigan diretso sa mata.
"Tss... everybody says we are all beautiful, blah, blah, blah. Kung maganda nga ako e 'di sana nagka-boyfriend na ako. May nagkagusto ba? Wala!"
"Having a boyfriend doesn't prove anything. Bakit ba ang hirap sa 'yong maniwala?"
"Anong mangyayari kung maniniwala ako? May magbabago ba?"
"Kung hahayaan mo ang sarili mong magbago, then oo, may mangyayari. But it seems to me that you don't want any progression," frustrated niyang sabi.
"Dahil iiwan niyo rin ako!" I bursted like a timed grenade. "Isasawalang bahala na lang kung okay na at palagi na lang kayong walang oras sa 'kin! Diyan lang naman kayo gumagalaw kung may mali, e. Pagkatapos ano, akala niyo okay na kapag nakikita niyo akong masaya?" Nabasag ang boses ko kasabay ang patak ng luha.
This may seem so far from what we have intended to talk about a while ago. Is this the alcohol talking? I didn't mean to shout at him, or vent all of these in this untimely place and situation. Hindi ko alam bakit ngayon pa punong-puno ang dibdib ko sa mga saloobing hindi ko masabi-sabi sa iba.
"What makes you say that?" The underlying concern and sympathy made me extremely pissed.
"It's the truth! I am nothing!"
He moved fast and quickly framed my face in his palms. Matalim niya akong tinitigan at ang tanging namumungay ay ang bawat pagtagpo ng mga pilikmata.
"Scarlet, you have to promise me that after this night, hinding hindi mo na sasabihan ang sarili mong wala ka lang."
"Iyon naman talaga ang totoo--"
"Fuck, you have no idea how scared I was while looking for you! Takot ako na baka pagkatapos ng gabing ito, sasama ka sa iba. Na uuwi ka kasama ng lalakeng iyon! You have no idea about the bloody thoughts running in my head watching you danced with him while you were avoiding me. How could you? How the fuck could you think that you are just nothing when all night—"
He hissed violently. Kita ko ang paghihirap niya nang mariing pumikit at binagsak ang noo sa akin. "My god, Scarlet, Maeve." with strained force, he weakly punched the wall behind me.
"Evan..." hirap akong huminga. Shock and still, I pressed my back harder against the wall kahit na alam kong wala nang maaatrasan pa.
Galing sa pisngi, dahan-dahang humaplos ang kamay niya pababa sa aking braso. Ganoon din ang mukha niya na ngayo 'y tumigil nang tumapat ang kanyang mga mata sa nakaawang kong labi. He blinked softly when I blow shallow breaths. Napabuntong hininga siya nang sobrang lalim na nahihimigan ko roon ang labis niyang paghihirap.
Umigting ang panga niya saka bumaba ulit ang kanyang mukha. His hold on my upper arms tightened when his lips reached the skin of my neck. Hindi na ako makahinga nang maramdaman ang mabagal na paghalik niya sa leeg ko. Nanindig ang aking balahibo.
"Huwag na huwag mong sasabihin na wala ka lang," he whispered passionately. "Because you know what, my Tinkerbell? You enchant me always. Not just tonight..."
————————————————————————————————————————-
This story is still undergoing revision for self-publishing. The rest of the chapters will be updated down to the last pages (Epilogue) right after the release of the self-pub book. For the meantime, I hope you enjoy the first ten chapters of the redrafted version.
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro