SEVEN
I have always felt uncomfortable everytime someone stares at me. Kung ang tingin ng iba ay dahil sa nagagandahan sila sa akin, ako ay laging iniisip na may mali na naman siguro akong ginagawa o may kakaiba sa aking mukha.
I never paid myself a compliment. Instead, I always save two rusted cents of change with the total amount of self-hate.
Nakapikit, agad kong tinikom ang aking bibig. Mula sa pakiramdam na parang may nakatitig sa akin, nakakahiya nga siguro akong pagmasdan ngayon.
May pag-aalinlangan ang mga mata kong dumilat. But slowly, as I did open the windows of my soul and expect to witness the sunrise in the morning, I met the most beautiful almond eyes staring back at me.
Nakapatong ang baba ni Evan sa kamay niyang namamahinga sa gilid ng kama. Kung lasing pa siguro ako, aakalain kong lumulutang ang ulo niya.
"Morning..." his lips twitched slightly.
His lips, thin and rose-colored. Hinahabi din ng aking paningin ang mga pang-uri sa walang kapintas-pintas na linya ng kanyang panga. That narrow nose bridge, hazel brown eyes curtained with dark lashes above and below... the raw beauty is merely perfection. May mantsa din ng pamumula sa gilid ng ilong at ibaba ng mga mata niya.
I couldn't help the rise of my hackles the way his intense stare pierced through my waking soul. Kung dati rati 'y napipigilan ko pa ang mangha sa kanya, ngayon ay hindi ko na kaya. I hate the attachement I felt but I could barely control the infatuation as well.
Umangat ang tingin ko sa magulo niyang buhok. Why do I suddenly imagine a lot of obsceneries with it? Fingers combing his hair or pulling it as I hear screams of pleasure until it achieved him that image? Bigla akong kinabahan. Lalong nanindig ang aking balahibo. May hangover pa yata ako!
Pero teka, bakit nga ba siya nandito?
"Bakit ka naglasing?" magaspang ang boses niya sa pambungad na tanong.
Nakapatong pa rin ang baba niya sa mga kamay. Nagpantay ang mukha namin at medyo magkalapit din.
"Paano mo nalaman?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Wala ka bang-" he paused like a sudden thought crossed his mind. "Oh, hindi ka nga pala naniwala sa 'kin kanina."
"Huh?" Walang pagdadalawang isip akong umupo at nangiwi bigla sa tama ng sakit sa aking ulo. Medyo umikot din ang aking sikmura.
"Hindi na kita inuwi sa inyo."
Nakapikit kong minamasahe ang aking ulo, pilit inaalala ang kagabi o kanina na tinutukoy niya. But the pain in my head is always blocking my attempts for the memory.
"Paano? Bakit? Saan?" daing ko na lang ang mga tanong.
He let out a burdened sigh infront of me. Nadidinig ko rin ang pagtayo niya.
Sa pagsubok kong dumilat para alamin ang ginagawa niya, sumabit ang paningin ko sa suot na shorts. I pushed the recollection of last night back in our house. From picking that dress and wearing it on me, styling my hair in waves and putting my light make up on...
The colors of my make up suddenly turned into the red, black and white checkered boxers I am looking at right now, at kung paano sumalungat ang puting manggas na halos maging dress na sa laki at luwang nito sa aking katawan. And oh... I don't think I have an underwear!
Tumibok ang masakit na pulso sa ulo ko. Namimilog na mga mata ko ay tinapunan siya ng gulat at paniningil ng paliwanag.
He shrugged. "You barfed all over me."
"Kaya pinalitan mo damit ko? Hinubaran mo ako!" halos sigaw ko.
He raised his hands as if he wants to say he meant no harm.
"Lights were totally off kaya wala akong ginawang masama sa 'yo. You made a mess on yourself too so I had to clean you up."
Pinanliitan ko siya ng mata "Sure?"
Evan doesn't have the most angelic face. He's got the type of physicality when the first time you ever see him, you would instantly think he bedded a lot of women. Kaya kahit gaano pa niya igiit na inosente siya, mahirap itong paniwalaan!
He didn't respond to my obvious suspicion. Ang nagdilim at matalim niyang mga mata ay tumitig lamang sa akin na tila ako itong nagkasala sa kanya. It made my heart beat fast and cruel. I wasn't used to him staring like that. Bago ko pa itulak ang sarili sa bitag niya ay ginala ko ang atensyon sa kanyang silid.
The usual white walls and neat placing of the furnitures. Pati ang kama, mga unan at kumot ay puti rin.
"Kwarto mo 'to?" tanong ko, isang subok na ibaling ang usapan.
He jerked his head to the door. "Sa kabila ang kwarto ko. This is the room I talked to you about. Nag-abroad na ang dating kasama ko after graduation namin."
Inalis niya ang kamay sa bulsa ng boxer shorts at umupo sa gilid ng kama. Pinigilan ko ang paghugis ng mangha sa mukha ko. How come he still looks so fresh and gorgeous with just a white shirt and bedhead hair in the morning?
I stole a glimpse on his toned arms. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ngunit hindi ko iyon nagawa sa puso kong binugbog ako. Twin hot red blushes befriended my cheeks.
"Ang linis," I awkwardly remarked. Kahit na sa dulo ng aking imahinasyon ay ang braso niya. Those were strong arms he possessed right there that could potentially break me into pieces.
"Pero hinubaran mo pa rin ako."
Binalot ko ang sarili sa kumot habang nakaupo pa rin sa kama. Nakaharap kasi siya sa akin at wala akong undies. Bumabakat itong nasa loob ng manipis niyang shirt na suot ko.
He sighed. Dinig ko ang nanggigigil na pagkamot niya sa kanyang ulo.
"Hindi kita hinubaran. I didn't see anything, Scarlet. At mas iisipin mo pa talaga 'yan kesa sa ginawa mo kanina? The fuck? Wala ka ba talagang pakialam sa buhay mo?"
Naigtad ako sa sigaw niya. He's mad and disappointed and I can only point the blame to myself.
Remembering what I did at the middle of the road, there I could tell that he was the guy who was with me. Masyado lang siguro akong lasing para itanggi na hindi si Evan iyon. Now that I am normal again, tanggap kong siya ang kasama ko kanina, ang siyang hindi ako iniwan mula kanina.
Bumagsak ang balikat ko. Nanghina ako bigla habang papaapaw ang hapdi sa pinto para sa mga luha. Evan muttered a curse. He licked his lips while he moved closer to me.
"Hey, sorry..." he said softly, marahan akong hinila sa braso hanggang sa maisandal ako sa gilid ng kanyang dibdib.
"Hindi makakadalo sila Mama sa graduation ko," I admitted.
"So I've heard."
Suminghot ako at nagpadala sa akbay niya. "Ano pa ang mga sinabi ko kanina?"
He pulled his face back so he could gaze down on me. Nagtaas siya ng kilay. "Do you really want me to say it?"
I blinked. Natahimik ako at umiling. Ayaw ko nang maalala. It was already a shame on my part that he heared my litanies while being shit drunk. Ayaw ko ring maalala ang kahihiyan na iyon.
"Gusto mong puntahan natin si Mama for your session?" he asked.
"Linggo ngayon, walang office hours."
"It's alright. She's available today."
Nanahimik ako sandali bago ako nakumbinse at tumango.
Nag-agahan muna kami, na siya mismo ang nagluto bago niya ako hinatid sa aming bahay para makapagbihis. Tulad nga ng hinala ko kagabi, hindi namalayan nila Mama na wala ako. They did not even bother to text me. I'm sure they just assumed that I was still asleep in my room and left without a word.
Evan was driving a sleek white Jeep Grand Cherokee. Hindi ko kailangan isaboses ang mangha ko dahil kitang-kita ito sa aking reaksyon mula pa kanina noong hinatid niya ako sa bahay hanggang sa pagbiyahe namin tungo sa opisina ng Mama niya.
Pero sa pag-ahon ng mangha, humalinhin ang katanungan na ilang araw rin akong binagabag.
"Bakit bigla kang nawala?"
It was too late to think it through, on how he would have reacted by the sound of my curiosity and that something else he found amusement to.
"Why? Miss me?"
Ngumuso ako. " 'Di, a. Nagtatanong lang."
"Kasi nga curious ka? Or interested?"aniya at sinabayan ng marahan na ngisi.
"Tsk. Wag na nga lang!"
He laughed. " I visited my father in Ireland."
Because he was laughing, I thought he was only messing on me at first kaya hindi ako naniwala. Ngunit sa paghinahon ng tawa niya, doon ako napalingon.
At first, I really only meant to stare at his face and trace the sharp line of his jaw and length of his nose in sideview. But then I couldn't help it when the several folds on the sleeve hem of his white v-neck shirt caught my attention. Especially when it exposes the undeniable strength of his biceps dahil halos nasa may underarm na niya huminto ang pagkakatupi nito. Habang ang isang braso niya ay nakasandal sa bintana.
At kahit tikom man ang bibig niya ay kitang-kita ang tuwa sa kislap ng kanyang mga mata.
Namalayan ang paninitig ko, sumulyap na rin siya sa akin.
"What?" pigil ngisi niyang tanong.
Tumikhim ako at binalik sa mukha niya ang paninitig. I forced to remember where I left my innocent thoughts a while ago before it led to his biceps.
"You're from Ireland? You're half-Irish?" tumaas ang tinig ko, winawala sa isip ang hulma ng braso niya.
"Just my father. My Mom booked a sudden flight for me. Sorry." He bit on his lower lip.
"Bakit ka nagso-sorry?"
Huminga siya nang malalim at umiling. "Dahil hindi ko sinabi sa 'yo."
And I can sense how upset he was. Naguluhan ako kung tungkol pa rin ba sa pag-alis niya ang pinag-uusapan namin. Wala namang dapat ikalungkot doon sa parte niya.
"Sa tingin mo, kailangan mong sabihin sa akin?" I asked, hopeful for a positive answer and worried as well if it's not.
"Oo."
I want to deny the fluttering in my stomache. Umirap ako at bumaling sa labas ng bintana.
" Hmp. Hindi naman."
" Pero nagtampo ka," mahina niyang sabi.
" 'Di, a." Hindi niya dapat malaman pero parang nakuha yata niya.
Dahil ba sa nasabi ko rin ang tungkol doon kaninang madaling araw? Well, from now on, I should remind myself to stay as far away from alcohol. Kahit anu-ano ang nasasabi ko na pati marahil mga sikreto ay kaya kong ibunyag sa tuwing nakakainom!
"Hindi? Hindi ka nagtampo? Na iniwan kita nang walang paalam? Huh, Scarlet?" madrama niyang sinabi pero natutunugan ko ang panunukso roon. Sinabayan pa niya ng pekeng iyak!
I looked at him only to catch his parted lips, his tongue playing at the roof of his mouth for trying to suppress a laugh. Nakikita ko ang mga mata niyang huminto sa gilid para sana tignan ako pero naantala ang tuluyang pagsulyap sa akin dahil naabutan akong nakatingin rin sa kanya, kaya mabilis nitong binalik ang paningin sa daan. Tumikhim siya. He licked his lips again and shut his mouth.
Pumormal siya ng upo at biglang nagseryoso sa pagmamaneho.
Gusto kong matuwa sa reaksyon niya. But I know he was only teasing me. Saka nahihiya pa ako na alam niya palang nagtampo talaga ako.
"Bakit hindi kasama Mama mo? Are they... still together?"
Not sure if it's appropriate to ask him that. Pero kung hindi niya sagutin, maiintindihan ko. Lumagpas ako sa linya at hindi ko man lang pinag-isipan.
"It's a long story," he simply said.
I get that this is his way of refusing to answer the question without offending me. Tumango ako. Ayaw manaig ang ilang at katahimikan, nag-isip pa ako ng itatanong.
"How did you find me a while ago?" I pointed at finger at him in accusation. "At huwag mong magamit gamit na dahilan ang clever ways mo, Evan!"
Natawa na naman siya. "Kakarating ko lang kagabi. I called Sean, off na naman kasi phone mo--"
"Nagdududa na talaga ako sa inyo ni Sean," putol ko sa kanya.
He threw his head back and laughed harder. Naningkit ang mga mata ko. Nakakaduda naman kasi! Alam niya siguro na gusto siya nung tao, tapos palagi pa na iyong kaibigan ko ang hanapan niya tuwing wala ako.
I would bet my kidney for this, but I think they are textmates already! Baka mamaya, malalaman ko na lang na ginagamit niya pala ako para hingan ng tulong at mapalapit pa kay Sean!
Evan didn't stop laughing. "My god, Scarlet! You've got nothing to worry about, baby girl. Loyal ako sa 'yo."
Inirapan ko ulit siya. Busangot ang mukha ko at ang haba haba ng nguso. Typical line of playboys. Hindi ko pa man naranasan pero naging testigo ako sa bigong puso ng mga babae dahil sa mga lalakeng nagamit na ang linya na iyan!
"Ewan ko sa 'yo."
The loudness a while ago toned down into a soft chuckle. He suddenly reached for my chin and squeeze it mild.
"Na miss talaga kita."
Sumakit na ang panga ko sa pagpapahaba ng aking nguso. Uminit nang husto ang buo kong mukha. Mas inikot ko sa gilid ang aking ulo para itago ang pamumula ko.
"Paano na pala trabaho mo? Iniwan mo rin?"
Tumikhim siya, I could hear his amused smirk behind it. "I'm not working. I'll rest for a while then I'd do my Masterals. What else do you love to know about me, Scarlet?"
Sa pananahimik ko ay natawa na naman siya. Hindi na ako nagtanong at baka asarin na naman niya ako hanggang sa makarating kami sa clinic ni Dr. Costello. Hindi ko na sinabi sa kanya ang buong detalye ng pagiging malungkot ko. I was thinking to pretend I'm okay para hindi na ako makabalik. I think twice is enough. Hindi na rin naman ako nag-iisip tungkol sa pananakit sa sarili.
But how about your stunt at the middle of the road? That was still an attempt, Scarlet. You're only fooling yourself.
"Leroy Gabe!" tawag ko sa kaibigan Lunes ng umaga.
Papasok ako sa University nang makita ang kumekendeng na lakad niya. He stopped and turned to face me. Maasim na agad ang mukha. Ako nama'y nagulat sa napakaliwanag na pink lipstick sa kanyang labi.
"It's Lyra Gabriella, girl. Ano ka ba?"
Natawa akong umirap at inabot sa kanya ang regalo ko. "Happy brthday!"
Nanlaki ang mga mata niyang tinanggap ang keychain na binili ko noong isang araw. It was his favorite anime character.
"Maeve!!! Oh my, saan mo nakuha 'to?" nagtatalon niyang sabi sabay tili at winagayway ang bigay ko.
I replied a laugh, happy that he likes my gift. Hindi natapos ang saya niya habang naghihintay sa school bus na maghahataid sa amin sa Psych ward na pagdu-dutyhan namin ng dalawang linggo. Madami na naman kaming ipapasa na paper works, most of them are just writings for the process recordings sa magiging assigned patient.
Mabuti nalang at duty mates kami ni Leroy. Hindi ko kasi ka-close ang ibang kasamahan namin.
Hindi pa natatapos ang isang buong araw ay naiinis na ako sa naka-assign sa aking pasyente. Ayaw magsalita! I've read his file and found that he's diagnosed with Unclassified Schizoprenia. Kaya puro tango lang siya at iling sa mga tanong ko. Muntik ko na 'tong gawan ng pekeng dialogue para lang may laman ang process recording notebook na ipapasa ko.
Kalahati ng araw ay pinanood namin sila na sumasayaw sa field. It's their dance therapy. Kada bisita namin dito sa Male ward, may isasagawa kaming therapies sa kanila. Bukas ay napagplanuhan namin na Art therapy naman ang iko-conduct.
Hindi eksaktong alas kuwatro ang pagdating ng bus pabalik sa University. Ang matinding traffic sa siyudad ang naging dahilan kung bakit natagalan kami. Maggagabi na nang bumaba ako at tinakbo ang Pharmacy na pagbibilhan ko muli ng laxatives. Naubusan na kasi ako.
Nilabas ko ang coin purse at kukuha sana ng 50 peso bill. Naalala ko pang may nilagay ako rito kahapon pero sa pagbukas ko, bente ang bumungad sa akin.
Inatake ako ng kaba. Kung gagamitin ko 'to, wala na akong pamasahe pauwi. Manghihiram sana ako kay Leroy pero natitiyak kong nakauwi na iyon dahil parating maaga ang kanyang sundo.
Hindi rin pala ako nakahingi ng baon kanina kina Mama. Medyo tampo pa rin ako sa pag-alis nila.
Bagsak ang balikat kong binalik ang pakete ng laxatives sa hanay ng mga tsaa. Bigo akong lumabas ng pharmacy, balak nang hindi kakain mamaya. Dahil nasisikipan ako sa suot na blouse uniform, pakiramdam ko ay tumataba ako. Kaya hindi talaga ako kakain mamaya!
"Hi, Maeve!"
Tinago ko ang tunay na saloobin sa paglapit ni Ike. Classmate ko noong highschool at schoolmate naman ngayon. Many girls are into him but not me. Hindi rin naman ako tipo nito. Pero dahil palakaibigan kaya marami ring nahuhumaling.
"Hi! Kamusta?" gumanti ako ng ngiti.
"Stress sa mga OR cases. And dami ko pang kulang na kaso." Lahad niya sa makapal na envelope.
"Priority naman tayo so kaya pa 'yan. Makaka-graduate rin tayo!"
"Sana nga. Ikaw? Saan ka pala duty ngayon?"
Sinabayan niya akong maglakad. Madadaanan namin ang dorm building na tinitirhan niya ngayon kaya mabagal ang mga hakbang para tama lang sa dami ng pag-uusapan.
"Psych ward."
"Talaga? Diyan ko talaga gustong mag-duty. Sana next time, kami naman..." Nilingon niya ako. "Uwi ka na ba?"
"Oo sana, kaso..." Puwedeng manghiram ng pera? I am really desperate, pero hindi ko kayang sabihin.
Nakakahiya!
"Hatid na kita."
Mabilis akong napalingon sa kanya at huminto. "Huh? 'Di ba diyan lang dorm mo?" sabay turo ko sa matayog na building sa gilid namin.
"Oo. Pero gusto ko lang lumabas. Nakakapagod din kasi minsan sa dorm. Ako lang mag-isa sa room ko."
Well, I have nothing against his offer. Ang sa akin lang, baka siya ang mapagod dahil medyo malayo pa ang sakayan ng jeep mula rito. Pero kung iyan ang gusto niya...
"Ikaw bahala. Ginusto mo 'yan," subok kong biro.
Tumawa siya at inakbayan ako. Hindi pa kami nakatatlong hakbang ay napatigil na kami sa malamig na boses sa likod.
"Scarlet."
My back straightened. Pumihit ako at nakita si Evan na nagdilim ang mga mata at matalim ang tingin sa aming dalawa. His jaw clenched so hard that it fueled the rapid and fearful speed of my heart. Hindi ko alam bakit ako biglang kinabahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro