ONE
I hate myself.
Hindi ito isang tipikal na panimula ng isang usapan.
And if I can only shrink away from myself for allowing the thought to precede me, matagal ko nang ginawa.
I wonder what would the people think of me had I started a conversation by unmasking the loads of my mind, because it's true. I really do hate myself. Kaya siguro wala masyadong lumalapit. It could be that most people secretly doesn't want to be with me because I'm boring.
I don't think there's anything wrong with being introverted, but I abhorred it when it comes to me. Madalas ay hindi ko napipigilan ang inggit sa mga nakasasalamuha kong maiingay, na kahit anong sabihin nila ay napapasaya nila ang mga kausap. Na kahit gaano kalamya ang usapan, isang salita lang nila, masaya na muli ang lahat.
Why was I born this way? Why wasn't I born to be someone the people wanted to be with? Someone who—since we can never please everyone but at least, someone who could please most of the company. Of my friends! Someone who everybody wants to be around with. And the mere notion that they secretly don't want me anywhere near them, lalo kong ibinababa ang sarili na awa na lang ang nararamdaman nila para sa akin.
And I hate how no matter how I strive to put an end on those thoughts, something always triggers.
"Maeve!" tawag ni Erika. Her voice reverberated through the walls of the girl's washroom.
"Ano?"
"Saan ka? Magsisimula na 'yung lecture baka markahan ka pa ng absent!"
Kinakatok niya bawat cubicle. Mabuti nalang ay nagsilabasan na ang mga tao rito sa washroom. Sinadya ko talaga na ako lang mag-isa.
I flushed the toilet bowl without attempting to glance at it. Ilang segundo pa ang pinaraan ko saka binuksan ang pinto. I saw my friend's sigh of relief as soon as she saw me emerged from the last cubicle.
"Mauna ka na, susunod ako," pahayag ko habang tinutungo ang sink.
Naghugas ako ng kamay at kinuha ang handy alcohol sa bulsa ng aking uniform.
Erika is staring at me through the mirror, eyeing me suspiciously. Hindi ko pinahalata na guilty na guilty ako sa paninitig niya sa akin.
"Are you using it again? Ang tagal mong lumabas, a." She masked her accusatory tone with a casual one.
"Kapapasok mo nga lang sa cr."
I tried to put some humor in it but failed. Nanatiling seryoso ang tingin niya at sinamahan pa ng halukiphip. I continued washing my hands and I hope through this way, I can wash all of my doubts, the guilt and my sins, too.
"Kanina pa kaya kami naghihintay sa 'yo. Akala namin na flush ka na rin sa bowl."
Her tone is giving me a lot to think about. Naiinis ba siya dahil sa pag-aakalang gumagamit na naman ako o dahil pinaghintay ko sila sa labas?
But I know she doesn't mean it that way.
Isa rin talaga ito sa kinaiinisan ko, e! Nalalagyan ko ng malisya ang mga sinasabi't ginagawa nila. Kaunting taas o baba ng tono, ang dami ko nang naiisip. Galit ba? Nagtatampo? Just... can you just please stop overthinking, Maeve?
"Hindi ako gumagamit, sige na..." mahinahon kong sabi.
Nang makumbinse kong lumabas si Erika ay sinara ko ang pinto. Now it's between me, the dimmed lights and the mirror in front of me.
Pinagmamasdan ko ang aking kabuuan sa harap ng salamin. I looked like the latest bad news; Ang bilog kong mukha ay may tambalan ng medyo singkit na mga mata. My lips formed a sharp M on the upper and a bit thicker on the lower one. May nunal sa ibabaw nito at sa aking pisngi. But what I hate is the gap in between my front teeth that I can fit the whole width of my Fundamentals in Nursing book in it. The reason why I don't smile in pictures, because every time I do, it's like I could hear the people's mocking laughters at me. It's crazy!
Kaya rin siguro walang nagkakagusto sa akin dahil dito sa itsura ko. I never felt attractive at all.
Sabihin man nating lahat na mas importante ang ugali, sa pisikal na anyo pa rin naman tayo unang nagugustuhan. I refuse to believe that it's not in the superficial beauty where we always get attracted first just because I've never experienced it. Doon lang ako maniniwala kung may nagkakagusto na sa akin kahit pangit ako.
But you know what's funny? I hate this mindset, but I always end up choosing to live in it.
May diin kong pinipindot ang aking pisngi, sunod ay ang magkabilaan kong balagat. Napasimangot ako dahil hindi masyadong halata ang aking collarbone. Ngayon pa lang, naglalaro na sa isip ko na hindi kakain ng ilang linggo. And maybe I will start it on lunch later. Bibili ako ng maraming tubig para kahit papaano ay busog pa rin ako.
I sighed and stared longer at my round face and my inexistent jawline. Inaapi ko na ang aking tiyan sa mariing pagpisil nito habang hinahampas hanggang sa matagpuan ko na ang sariling sinasampal ang mukha ko at tinatamaan ng kamao ang aking ulo.
I stopped and breathed hard. Tinutukod ang mga kamay sa sink, nahagip ko ang panginginig ng mga kamay ko. Sa gigil, sa galit, sa puwersahang pagpapakalma sa sarili. Aside from my frustrations in socializing, I am not comfortable in my own skin. More of the reasons why I hate myself.
"Tsk, nako naman. Ba't ngayon pa..." tahimik kong reklamo habang pinipisil muli ang tiyan ko.
I felt that desire to run to the cubicle again. Ramdam ko ang matinding kalabog sa dibdib ko at ang muling pamumuo ng mainit na pawis.
Hindi ko naman ginagamit ito araw-araw lalo na są tuwing may pasok tulad ngayon. Pero sa rami ng kinain kong pizza kagabi, hindi ako nakatulog sa sobrang guilty. In the end, I sought for desperate measures.
Pero pangatlong balik ko na ito, a? Hindi pa rin ubos ang nasa tiyan ko? I took the last sachet last night, should I buy another batch later then?
"Maeve, tara na!" Sigaw ni Erika, mas malakas nang kumakatok sa pinto ngayon.
I made my business fast and went out of the same cubicle I used. Pinaliguan ko ng perfume ang sarili bago tuluyang tinagpo ang kaibigan na naghihintay pa rin pala sa labas.
"So gumamit ka na naman?" Ulit niya, ngayon ay hindi na naitago ang pang-aakusa.
"No."
Yes.
Marami na naman kasi siyang sasabihin kapag umamin ako. Sa huli ay hindi ko pa rin naman susundin ano pa mang panenermon nila.
"Sure?"
"Oo nga..." nayayamot kong sagot.
Nag-kibit siya ng balikat at nanaig ang katahimikan hanggang sa classroom.
Pagdating ng lunch, naisipan nilang kumain sa bagong bukas na karenderia. Namamahalan kasi kami sa canteen sa loob ng school. Isa pa, kapag dito kami sa labas, mas marami kaming pagpipilian o... Sila lang pala.
They started helping themselves with their food. Tumatalon ang paningin ko sa bawat ulam nila. I want to join them but I fought against myself. Puro ba naman kasi fried at chicken skin ang nasa baon nila, lalo akong tataba niyan!
Iyon ang ginagawa ko hanggang sa mapansin ni Leroy.
"Kain na, Maeve," ngumunguyang aya niya.
Umiling ako."Nauuhaw ako. Bili lang ako ng tubig sa pharmacy. Pakibantayan ng bag ko."
Tumayo na ako at kinuha ang wallet sa bag.
"Are you at it again?"
Halos matigilan ako sa paghihinala ni Ruth. Sinulyapan ko siya at sa naniningkit pa lang niyang mga mata, pakiramdam ko mapapahiya na ako.
"No. Tumigil na ako." Hindi ko na hinintay na may magsalita pa kaya tumalikod na ako at umalis.
Sa totoo lang ay nauuhaw naman talaga ako. But I have a double purpose why I needed to go to the pharmacy. Ang pang-isang linggong pack ko ng inumin ay naubos na kagabi. Kung hindi ko naman kasi laging ginagamit, pang-dalawang linggo sana iyon.
I went straight to the frozen products. . Pinasidahan ang hilera ng mga gatas at yogurt, nahagip ng paningin ko ang grupo ng mga ice cream sa gilid ng hanay.
Damn, I'm craving for those! Para silang may mga nang-aasar na mukha at kinakawayan ako. What a temptation.
Unintentionally, my tongue swept along my lips to moist. The acid in my mouth is starting to build up. Nagsimula na ring mamanhid ng mga kamay ko, while I am fully aware of my very empty stomache.
Kung susubukan kong kumain ngayon kahit kaunti lang, wala naman sigurong magbabago? Just as long as I don't feel full so I wouldn't feel guilty of taking too much. Iimnan ko na lang ng maraming tubig.
Tsk, control, Maeve. You have to control. Remember Candice Swanepoel's picture? You want that figure, right?
Mabigat ang binuga kong hangin. Tumingin ako sa mga nakahilerang 1.5 liter mineral water. Pinanliitan ko ito ng paningin at agarang kumuha ng isa nang hindi na binabalingan ang hanay ng mga ice cream. Siguro naman kapag mauubos ko ito ay mawawala na ang cravings at gutom ko.
Next, I went to the shelf with the rows of coffees and teas in it, my very purpose for this hour. Nahanap ko ang aking sadya. Alam kong marami silang stock dito dahil sa kabilang pharmacy, lagi silang nauubusan at mas mura rin ang halaga. Isang box ang kinuha ko na siyang naglalaman ng limang sachets saka dumiretso sa counter para bayaran kasama ang tubig.
I left the pharmacy with my needs and a better disposition. Natatanaw ko na ang sarili na nakamit ang desired figure ko at masusuot na rin ang mga damit na binili ko last week. At kung hindi tatamarin, susubukan kong mag-exercise mamayang gabi. For sure I can lose all my weight fast in just a month!
I was daydreaming all of these habang pabalik na sa aking mga kaibigan nang halos matilapon ako sa gilid dahil sa bumangga sa akin.
I easily got pissed. Alam kong hindi ko kasalanan dahil nakatingin naman ako sa dinadaanan. Habang ang nakabangga sa akin, tutok sa cellphone niya!
"Tsk, tumingin kasi sa dinadaanan!" maktol ko habang inaabot ang binili kanina.
"Sorry," the guy muttered and sat on his haunches to help pick up my items.
I don't like this. Hindi naka-staple ang supot na pinaglalagyan ng binili ko kaya naman nang mahulog ito, lumabas ang box ng sachet, kita pati ang brand. I am never proud of my deeds so I got anxious when it was exposed. Though, there's a possibility he might not know what it is for. Pero natatakot pa rin ako at... nahihiya.
And I displaced that embarassment with irritation.
Without bothering to look at his face, I snatched my things from his hold. Mukhang nagulat pa siya dahil sa narinig kong mahinang singhap at ang kamay niyang nanatili sa ere na tila hindi inasahn ang paghaklit ko. Nanatili iyong ganoon na parang hawak pa niya ang mga binili ko kahit nakatayo na ako at nilagpasan siya.
I walked out on him.
"Sorry again!" pahabol na sigaw niya.
Hindi ko na siya nilingon. Biglang uminit ang ulo ko ngayon. It's either caused by the hot weather o dahil sa wala akong kinain mula pa kanina na siyang wala akong balak gawin buong buwan.
Pagkabalik ko, halos tapos na Silang kumain. Ipinagtaka ko kung bakit nakangisi silang apat.
"Really, Maeve?" turo ni Ruth sa dala kong 1.5 liter na tubig.
"Bakit, anong meron?"
"Ikaw nalang gawin naming supplier. Ang bigat din kasing magdala ng tubig," maarteng sabi ni Leroy.
"Akin lang 'to, no." I held the bottle possessively.
"Painom na kami, please..." pakiusap ni Erika.
Inabot ko sa kanya ang bottle. Akala ko siya lang ang iinom pero nilahad pa niya ang tubig sa isa hanggang sa pinagpasa-pasahan na nila maliban kay Ruth.
"Oy, konti lang! Lunch ko na 'yan!" sita ko sa kanila.
Napahinto sa pag-inom si Sean, muntik nang mabulunan at nanlaki ang mga mata sa akin.
"Maeve naman..."
"Ba't ayaw mong kumain?" si Ruth.
I contemplated on what to tell them. The truth? Dahil tataba ako at papangit hanggang sa tuluyan nang walang magkakagusto sa akin. Not that there's anything wrong with being fat, which there isn't any. May mga magagandang chubby at mataba, and most of them that I encountered are very likeable. It's just that when it comes to me, it becomes different. My face and body structure doesn't cooperate if I gain weight.
"Masakit sa panga," I lied.
I can't say what's on my mind. Hindi nila ako maiintindihan.
Hindi makapaniwalang tumawa si Erika habang nganga ang tatlo. Actually kumukulo na ang tiyan ko kaya hinaklit ko ang tubig at tinungga.
"Pero nagbreakfast ka?" tanong ulit ni Ruth, may pagduruda na.
"Oo." Hindi rin.
"Are you sure? Namumutla ka kasi," pag-aalala ni Sean.
"Maputla naman talaga ako." I shrugged like it's nothing.
I schooled my face like this is just a normal day so they couldn't tell the lies I already constructed in my head, ready for their questions.
Buti na lang at natural na akong maputla para wala nang maraming dahilan.
"Maeve, alam mo namang nakakabaliw ang hindi pag-kain 'di ba?"
"Kumain naman ako..." nanghihina kong sabi at kinuha na ang bag sa tabi ni Erika. "Tara, mag aala-una na. Baka ma-late pa tayo."
I suddenly suffered the internal battle. Alam kong mali ang ginagawa ko. For someone who is studying about health and on how to prolong life, here I am, practicing on how to cut it short.
But I can't seem to stop. I always find myself tossing in my sheets everytime my stomach feels full. I sweat with the guilt and shame for the large intake I had so tendency, dahil naparami na rin naman ang kain ko, sinasagad ko na. And at the end of the night, I take my laxatives. If I run out of it, I find other ways to purge.
Not even my family knows about this. Ang mga kaibigan ko, alam lang nila na gumagamit ako, pero hindi ang dahilan. I don't want to let them know. At ang sinabi kong kasinungalingan na huminto na nga ako ay para hindi na nila ako kukulitin pa.
And that is also to keep them from ever stopping me.
Pagkauwi sa bahay, bumungad na sa akin ang nakakunot-noong si Mama. Papasok na ako sa kuwarto nang tinawag niya ako.
Nakahalukiphip siya nang hinarap ko. Hindi rin maipagkakaila ang panunumbat sa kanyang tingin. Ano na naman kaya ang ginawa ko?
"Hindi ka ba marunong maglinis ng kwarto mo? Nakailang sermon na ako sa 'yo dahil ang kalat pero lagpas kabilang tenga lang yung mga sinasabi ko!"
Sa tuwing ganito ang bubungad sa akin, tiyak na may nag-aabang na naman na ikababahala ng loob ko. Everytime I go home, I always expect the worst, at the same time hope for something better.
"Naglilinis naman po ako," mahinang sabi ko. "Timing lang talaga na hindi kayo pumapasok kapag malinis--"
"Nagdadahilan ka pa!"
Napapikit ako sa pagtataas ng boses niya. Tinatakan ng padamdam ang kirot sa dibdib ko.
"Naglilinis naman po talaga ako. Last week. Pero this week hindi pa dahil busy pa..."
Halos hindi ko na tinuloy ang sinasabi dahil sa nakikitang disappointment sa kanya nang umiling. What's the point of finishing my words then if at the end, her trust is not there to catch it?
"Nursing student pero ang dumi dumi ng kuwarto. Ba't di ka tumulad kay Kimberly?" tukoy nito sa kapitbahay naming halos ka-edad ko. "Palaging nagwawalis sa labas ng bahay nila. Naglilinis! Sumusunod sa magulang."
There goes the comparison again. Ampunin nalang kaya nila si Kimberly. Para kasing pinagsisihan pa nilang naging anak ako.
I wonder if that really happens or am I alone in living like this where my own mother hates me as their daughter? Na parang pinagsisihan niyang iniluwal pa ako dahil pabigat lang sa buhay nila.
Nilihim ko ang tahimik na buntong hininga habang may subok na inaalala. Compliments... I don't think my memory ever did fail me because as far as I could remember, I was never complimented. Ang lagi kong naririnig ay ang mga papuri nila sa ibang tao pero wala ang para sa akin.
"Ang bait ni ano," "Ang talino niya," "Tumulad ka sa kanya," "Buti pa siya..."
Paano naman ako?
"Ma, highschool palang siya, ako college na. Siyempre mas busy ang college, 'di ba? Araw araw ang quiz, may time pa ba akong mag-walis?"
"Kahit na! Mas bata nga siya sa 'yo pero marunong na ng gawaing bahay. Ikaw, parang wala ka namang alam! Puro reklamo ka lang! Ba't 'di ka rin tumulad sa ate mo? Masipag at may ambisyon! Ikaw, may ambisyon ka ba?"
Hindi sapat ang salitang pinipiga ang puso ko sa nararamdamang saksak ng mga salita Niya. I silently asked for a slight, faint compliment from her. I got nothing but knives. At wala akong ibang magawa kung 'di ang tanggapin lahat ng sinasabi Niya dahil nga mas matanda siya sa akin at mas maraming karanasan bilang ina, kaya naisiksik din sa paniniwala ko na tama siya. But truly, all these belief in people older than me anchored from the lack of trust in myself.
All could do is accept and watch myself bleed from her painful, piercing words.
Papalabas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. It has always been like this everytime I arrive in the house. It's like I couldn't do anything right.
Marahil nga na ang simpleng paghinga ko ay mali pa rin para sa kanya.
At kung ganito naman pala, bakit buhay pa ako kung wala na rin naman akong kuwenta?
Hindi ko na alam ang sasabihin. Or if I did know, my words will only fall invalid for her. My voice doesn't matter. My words... my life.
Kahit galit ako, hindi naman ito para sa sariling ina kung 'di sa sarili ko. Bakit ako ganito? Hindi nila ako gusto dahil hindi ako katulad nila. Hindi nila ako gusto dahil hindi ako si Ate, anak ng kapitbahay, o kung sino man na kinukumpara nila sa akin.
At sa tuwing gumigising ang galit sa sarili, lagi ay sa isang solusyon nauuwi ang takbo ng isip ko.
"Lahat naman tayo may ambisyon," ang tanging nasabi ko.
My urge to scream this at her was so intense but for the life of me, I couldn't. Kaya ang kinikimkim na emosyon ay nag-uumapaw sa dibdib ko laman ang mga salitang kanina pa yumayanig sa akin para sumabog.
"Oo nga, maliban sa 'yo. Hindi ko nakikita na may ambisyon ka."
"Wala po kayo lagi sa bahay," bulong ang kinaya ng nangangatal ko mga labi.
"Ano?!"
Umiling ako. Isang salita lang ay hindi lang patak kung 'di buhos ng luha ang maghahari.
Mabigat na hininga ang pinakawalan niya saka ako tinalikuran. I could feel how exhausted she was just by merely talking to me. Kahit nga yata ang harapin ako ay nakakapagod na para sa kanya. Heck, even the mere sight of me already drains her energy. I can almost say it disgust her as I was probably a staple reminder of her regrets and bad decisions.
Bago pa siya pumasok sa silid nila Papa, binalingan niya ako.
"Kumain ka na. Ikaw na rin ang maghugas ng mga plato para may silbi ka naman."
"Hindi ako kakain."
Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan. I thought I could already break free from her scrutiny, ngunit sa dahilan ko ay pinalala ko lang yata.
"Ganoon? Bakit? Para hindi ka makapaghugas?"
Yumuko ako sa panibagong bagsak ng mga luha.
"Ako na maghuhugas..."
"Huwag na!" ang huli niyang sinabi bago ibinagsak ang kanilang pinto.
Mariin kong kinagat ang labi, pinipigilan ang pagtakas ng hikbi. Pumasok na rin ako sa sariling silid at isang paraan lang ang naisip kong gawin para ibuhos ang galit!
I'm always a failure. My mother always slaps this truth in my face at every oppurtiny of meeting her eyes. Kung ang kapatid kong nasa abroad ay nabibigay ang kanilang pangangailangan, heto ako at walang silbi. I'm not sure if my memory failed to remind me a day when I have been appreciated. O siguro, hindi talaga nangyari iyon kaya wala akong maalala. Kailan pa ba ako napuri? Every move I make seems to be a mistake for my parents, for my mother the most. Kailan pa naging tama sa kanila ang mga ginagawa ko?
Nanginginig ang mga kamay ko sa gigil na parusahan ang sarili. Winakli ko ang mga gamit sa study table at humihikbing hinanap ang pencil case laman ang bagong bili kong blade. Nang matagpuan, walang pag-aalinlangan ko itong idiniin sa aking pulsuhan.
Tatlong linya...
Dugong walang tigil sa pagdaloy.
Pigil at tahimik na mga hikbi...
Narinig ko ang pagtawag ni Papa. Ano mang segundo ay papasok sila sa aking silid. I don't remember locking the door, and before I could even think of getting rid of my own mess, the door exploded open.
Papatayo pa lamang ako ngunit huli na ang lahat. I froze, caught in the middle of my own crime. My father's eyes widened upon the sigh of blood profusely flooding in my hands.
Hindi ko alam ang gagawin habang pinagmamasdan ang patuloy na pag-agos ng dugo sa kamay ko habang naririnig ang natatarantang tawag ni Papa kay Mama. He demanded her to hurry up, and I am just standing here, waiting to see what happens next. Malulungkot ba sila? Si Mama? Magagalit? Mababahala? Hindi ko alam. Basta ang naiintindihan ko ay ang takot ni Papa. Kung hindi ako nagkakamali ay nagmamakaawa na siya kay Mama na magmadali.
I heard a gasp, and I knew it was from my mother the moment she wailed and her heavy steps aimed towards me.
"Anong ginagawa mo? Ha?!" Napapikit ako sa sigaw niya.
Hindi ako makatingin sa kanila at nanatiling nakatayo nang bigla niya akong sinugod dahilan ng pagkubli ko. Binagsak ko ang sarili paupo sa sahig para sana iwasan ang hawak ni mama sa akin o kung ano man ang masakit na gagawin niya sa galit na mga hakabng at mabilis na paghinga.
But then, she shook my shoulders. Hawak ko pa rn ang dumudugo kong pulsuhan at nawalan ng pakialam na namantsahan na ang suto kong asul na pantulog.
Behind the curtain of my shoulder length dark hair, I stole a peek at my father outside my room. Mabigat ang hininga nito at pabalik-balik ang lakad, hawak ang sentido at hindi alam ang gagawin.
"Ang laking kasalanan ng ginagawa mo!" Patuloy na sigaw at yugyog sa akin ni Mama. "Miyembro kami ng isang samahan sa simbahan ng Papa mo, pero heto ka't gumagawa ng isang bagay na labag sa utos ng Diyos!"
Sa hindi mapigilang galit na hindi ko maintindihan kung para saan, kinuyumos niya ang mukha ko. Her face contorted into pure, intense anger.
"Bakit, Maeve? Bakit mo ginagawa 'yan?! Kung may problema ka sabihin mo sa amin! Huwag mong kimkimin! At ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan namin sa simbahan? Ng ate mo? Na may anak kaming ganito! Na hindi namin pinalaki ng maayos, ha?!" Isang sampal sa mukha ko ang sumunod pagkatapos isigaw iyon.
The pain from her slap stings, but it doesn't comes close to the ache that stabs my heart, dahil sa kabila ng lahat, sa halip na mag-alala para sa akin ay iniisip pa nila ang sasabihin ng ibang tao.
"Ganoon? Imahe niyo lang ang pinapahalagahan niyo? Wala na ba talaga akong halaga dito?"
"Kaya ito ang nakikita mong solusyon? Ang mamatay?!" Panibagong pagtama ng palad niya sa aking pisngi ay tuluyan na akong humikbi. Hindi pa nakuntento sa isa ay dinagdagan muli ng sampal at binatukan ang ulo na siyang bumuhay sa mga hagulhol ko.
"Sige! Lakasan mo pa! Lakasan mo pa ang sampal mo! Sige!" iyak at sigaw ko sa kanya.
Tinigil niya ang ginagawa. Sa nanlalabong paningin dahil sa ulan ng luha, nahagip ko ang paghilamos ni Papa sa kanyang mukha sabay mabigat na buntong hininga. He murmured something, and it sounds like an attempt to stop my mother.
"Saan ba kami nagkulang sa 'yo? Binigay naman namin sa 'yo lahat?"
"Wala! Wala! Ako ang mali! Palagi nalang! Wala akong silbi sa Inyo!" Umiiling kong tinatakpan ang mga tenga ko habang isinisigaw lahat nang ito.
Inaamin ko naman na mali ako pero bakit hindi nila makuha ang dahilan ko?
"Hindi. Sabihin mo sa amin. Huwag mong kimkimin!" diin ni Mama, mas kalmado ngayon.
Pero dahil nakakunot-noo pa rin siya ay iba ang pinapahiwatig niyon sa akin.
"Hindi niyo maiintindihan!"
"Hindi namin maiintindihan dahil hindi mo ipinapaintindi sa amin, Maeve. Kaya nga sabihin mo kung ano man 'yang hinanakit mo para matulungan ka namin."
Napailing na lamang ako. Wala silang magagawa. Kung may gugustuhin man ako ay hindi nila sasang-ayunan ang mga ito.
Ilang sandaling katahimikan ang dumaan na siyang nagparaya sa mga hingal ng humihinahong galit nila at aking mga hikbi. Nilakbay ni Mama ang paningin sa mga nakasulat sa dingding ng aking kuwarto. Every space of my white walls were occupied by doodles and sentiments about death.
Napailing siya sa mga nababasa at bumaling kay Papa na tila ang lalim ng iniisip. They both turned to my frail crying frame as I am still sitting on the ground, with blood flowing endlessly in my hands, staining my blue night dress.
Humihikbi, nilapitan ako ni Mama.
"Linisin mo ang sarili mo. May bahid pa ng dugo 'yang damit mo, mahirap tanggalin iyan," malamig niyang sabi.
Pagkalabas nila, nanghihina akong naglakad papunta sa banyo. I turned the shower on and instead of cleaning myself, I let the rush of the water pour on my vulnerable frame. Nakaupo lamang ako, yakap ang sarili at sinasabayan ang ingay ng tubig ng aking mga hikbi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro