NINE
Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Sa paulit-ulit na paglalaro ng halik ni Evan sa isip ko ay patuloy rin ang pamumugad ng pula sa aking mukha.
I don't think I am worth of that kiss for two reasons. One, there are women out there who is more deserving of it than me who's carrying a lot of baggaes. Magsasawa lang siya sa pakikinig at pag-aalo sa akin.
Second, it felt wrong to me. Parang hindi naman kasi nasagot ng halik na iyon ang tanong ko. Nawala nga sa diwa ko ang frustration at pagtataka sa pagiging malamig niya sa akin ngunit panandalian lamang iyon dahil sa gulat ko sa biglang ginawa niya. Nag-sorry nga siya, pero paano ako na nanatili pa rin sa ere dahil sa umaangat sa aking mga katanungan na walang niisang sagot ang planong sumalo. Why did he suddenly become cold?
It seem to be just a mediocre gesture to me. Ginawa lang hindi para gumaan ang loob ko o ibsan ang hinanakit, kundi dahil para nipisan ang paninisi niya sa sarili, at para mapatawad. Yet, forgiving doesn't inherently eradicate the mistake you've asked forgiveness for. A sweet gesture doesn't call for the mistake to vanish in history but instead, it's just the other way of asking both parties to move on!
At ang bilis ko naman yatang bumigay. Paano pala kung hindi ako nagalit at nanatiling tahimik, lalamig siya hangga't sa gusto niya?
Nakakainis! Sa noo lang naman iyon pero bakit apektado ako? Why should that be a big deal? Because it was still a kiss and you softened up, Scarlet?
Ang daming paghihimagsik sa isip ko pero sa huli, lumambot lang pala ako. I wish my heart could adapt the rationality that only a mind can hold.
Yet my heart today has only longed for the next days, longed for the untold answers to atleast settle my frustration.
But nothing was settled. The fight only ended.
Lumabas ako ng silid at nakitang nakahanda na ang mga dadalhin nila Mama bukas ng gabi papuntang London. Habang tinitimbang ang mga luggage para alamin ang excess, inabutan ako ni Papa ng ATM card laman ang mga bayarin ngayong semester at sa susunod. Ako nalang daw ang magkakasya ng budget kaya dapat limitahan ang gastos sa anim na buwan.
"Maglinis ka ng bahay at 'di lang ng kuwarto mo. Baka pagdating namin dito, binabahayan na 'to ng kung anu-anong insekto at mga ahas," habilin ni Mama noong nag-agahan kami kinabukasan.
Humigop ako ng sabaw. Ayaw pa ring kumain. Tumatango-tango ako sa mga karagdagan pa niyang habilin.
Kinagabihan, si papa ang nag-drive papuntang airport. Hinintay ko muna silang makapag-check in. My mother only nodded while it was my father who acknowledged my wave. Pag-uwi naman ay ako ang nagdala ng sasakyan. Ito rin ang ginawa ko papunta sa school Lunes ng umaga.
"Ah, finally, Maeve!" hingal na pumasok si Ruth sa passenger's seat. I looked at her folder filled with paperworks na lumalagpas na ang iba sa lalagyan.
"Grabe, hindi ka ba hinahatid ng driver ninyo?" sabi ko nang maabutan ko siyang naghihintay ng taxi kanina bago ko pinarada sa harap niya ang Altis namin.
"Pinagbakasyon kasi muna ni Dad. And besides, I can manage to commute naman."
Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpunta ng parents ko sa London. Hindi na siya masyadong nang-uusisa pa. She knew how sensitive I become when it comes to my situation at home. Isa pa, malapit na rin kami sa sakayan ng jeep kung saan diretso na sa hospital na du-duty-han niya. I parked the car in the University lot. Aksaya kasi sa gas kapag dadalhin ko pa roon sa pagdu-duty-han ko.
There's still no improvement with my assigned patient. Tinabihan ko na lang siya habang naaaliw kong pinagmamasdan ang dalawang sikat na pasyente rito sa Male ward, nagbabatukan ng bote ng tubig. Sila rin kasi ang pinakamatagal nang naging pasyente rito.
Naigtad ako sa biglang pagtabi sa akin ng kung sino. I thought it was one of the patients but when I saw Jensen, everything around me seemed to halt. He's from the other section. Spanish eyes, angelic face, dark hair, tall and mestizo at minsan na rin naging pambato ng section nila sa Mr. Nursing. And yes, I used to have a crush on him. Kaso noong nalaman kong may girlfriend, pinigilan ko ang sarili ko.
I quickly turned away when I could sense that he's about to look at me. Pansin na nakatingin siya, muli ko siyang nilingon. He smiled at me. Awkward naman ang pagsukli ko sa kanya ng kaparehong tipid na ngiti bago umiwas ulit.
He cleared his throat.
"Patient mo?" tanong niya dahilan ng pagbaling ko ulit sa kanya.
He subtly pointed at my assigned patient who was leaning in the corner of the wall, asleep. Humihilik pa nga.
Napaangat ako ng kilay. Puro 'silence'' lang ang naisulat kong response niya sa process recording. Babawiin ko na lang siguro sa pagdidisenyo ng notebook ko para dagdag puntos din naman sa creativity.
"Oo, e. Tinulugan na ako."
Jensen chuckled. Bumaba ang mata niya sa nameplate ko.
"Ruiz, Scarlet Maeve C.," he read my full name then lifted a smirk on me again.
Hindi na humaba ang interaksyon nang tinawag siya ng kaklase. I thought he's just going to leave me like that. Nagpagpag siya ng alikabok sa kanyang pants
"Punta muna ako roon," paalam pa niya sabay turo sa mga pasyenteng nagdo-drawing sa mahabang table.
Tumango ako at ngumiti. He combed his hair with his fingers before turning his back. Napahinga ako nang malalim habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.
Buti nalang tinawag siya ng classmate niya. Hindi ko rin kasi kayang magsimula ng usapan. Mas mararamdaman ko lang ang pagiging lame ko. I'm one of the most boring person on earth, that I could say. I am really and extremely awkward too.
Natapos ang first week duty namin sa psych ward. Hanggang sa termination phase ay walang pinagbago ang komunikasyon ko sa pasyente. Sa second week naman, nasa classroom na kami kung saan inaasikaso namin ang mga nakalap na datas noong nakaraang linggo. I copied some information from my patient's chart the last day of our duty kaya chill na lang ako ngayon. Nakatuon ang isip ko sa papalapit na sembreak at second semester,
Sa tabi ng bintana nitong classroom, nakapalumbaba ako na ang mga paa 'y nakapatong sa bakanteng upuan sa aking harapan. Abala ang karamihan sa mga ka dutymates ko ngayon kabilang na ang taga ibang section na nakasama namin sa psych ward, section nina Jensen.
I still couldn't get Evan's kiss out of my mind. That kiss in my forehead. Kahit na ganoon, ramdam ko ang lambot ng labi niya. Napapahinga na lang ako nang malalim sa tuwing napupunta ang takbo ng isip ko sa halik niyang bumababa sa aking ilong at...
Kiniling ko ang aking ulo. Umayos ako nang umupo at hinaplos ang braso kong gumagaspang sa balahibong naninindig doon. I suddenly feel guilty even when no one has actually read my mind!
"Maeve..." paawang sambit ni Leroy sa tabi ko.
"Bakit?"
Binibingi pa rin ako ng bomba sa aking dibdib. Me speaking felt like being obvious with my thoughts. Mabuti na lang at nakayuko itong si Leroy.
"Tulungan mo 'ko. Magaling ka naman dito, 'di ba?"
Hinarap niya sa akin ang process recording notebook niya at isang colored paper na may drawing na mga bulaklak.
"Akala ko ba gusto mo maging fashion designer?" tanong ko.
"Si Sean iyon. Dancer pangarap ko, noh. Pretty please?" he pouted his pink-tinted lips. Maarteng niyang kinukurap ang mga mata.
Kinuha ko ang colored paper niya. Pumalakpak siya sa tabi ko at impit na tumitili. I may have been mostly insecure all my life but if there is one thing I am not and is brave enough of doing without any doubt, it would be anything that involves Art. Para kasing nagiging stress-reliever ko na ito.
"Lettering lang ba? Ano ilalagay?"
"Process Recording, dito..." hinaplos niya ang front cover ng kanyang kulay pink na kwaderno. " 'Tsaka 'yung mga phases ng communication natin sa patient sa loob. Okay lang?"
Nag-isang tango ako sa kanya at kinuha ang mga coloring pens para makapagsimula.
"Hm! Bago ko pa makalimutan, sama ka ulit sa 'min, ha?"
I was shading the lettering of C when he asked me this.
"Saan?"
"Halloween costume party. At huwag na huwag kang tatanggi, girl. Nasa London ang parents mo, so meaning...."
"Walang curfew."
Natawa siya sa deadpanned kong sagot. Hindi ako makangiti dahil siniseryoso ang ginagawa kong lettering at pagkukulay.
"Saan ba iyan? Kailan? Anong costume?" dagdag ko.
"Sa bagong bukas na bar sa Mango. Nakalimutan ko sa tabi o taas yata ng Alchology. Ite-text ko nalang sa 'yo. You can wear anything."
"Wala akong costume," I said in the same monotone.
"Marami kang mapipili diyan sa Countrymall," tukoy niya sa mall katapat lang nitong school building.
May parte sa aking nagbabawal na pumunta. It was the foreboding that I might be out of place again. My friends were social butterflies. Lalo na sila Sean at Leroy. While Ruthzielle is a bit of a snob, pero nakakasabay din naman sa mga biro at lalo naman si Erika. Ako iyong palaging takot sa interaksyon. I'm always terrified of silence as a reply to my jokes, stories and whatnots.
Isa pa, hindi talaga ako marunong makipag-usap. I couldn't keep a long and spontaneous conversation without being awkward.
"Maeve..." nangalabit na si Leory sa pananahimik ko.
"Mao-OP lang ako," buod ko sa nararamdaman.
"Kaya nga kailangan mong lumabas para sanayin ang sarili mong makipaghalubilo. Sayang ang beauty mo."
Lumabi ako at muntik nang huminto sa pagdidisenyo. "Hindi naman ako maganda."
I totally stopped what I was doing when he hit my arm, hard! Gulat akong napalingon sa kanya.
"Ano ka ba? Maganda ka, Maeve!"
Nagbalik ako sa shading ng letra at napaisip sa sinabi niya. Bakit hindi ko pa rin magawang maniwala? Bakit hanggang ngayon, ramdam kong sinasabi lang nila ito dahil sa awa? I wonder when will be the time that I'd start believing in myself? Ayon sa nabasa ko, kailangan mahalin mo muna ang sarili bago mo magawang magmahal ng iba. Kailangan tanggap mo muna ang sarili bago mo mahanap ang taong tatanggap din sa 'yo.
Does it mean that so long as I still loathe myself, nobody would dare to accept me?
"Huwag mong hadlangan ang sarili mo, Maeve. Optimism, girl!" Leroy flipped my hair.
Napangiti ako. Naninikip ang dibdib sa napagtanto. You've always been so critical about yourself, Scarlet. Always, as in always been bleating about the things not going your way. Pero heto, sa mga insekyuridad mong binubulag ka sa mga positibo, you don't realize how lucky you are to have these friends around you.
"Sige."
Napatili si Leory na parang kailangan iyon ipagbunyi. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang armchair.
"Excited na ako!" he gushed. "Alam na rin 'yan nina Sean. Si Ruth, sure akong nasabihan na iyon ni Kaka. So complete attendance tayo sa October 31!"
I smiled at my friend's enthusiasm. Napanaw lang iyon nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking blouse uniform. Kunot noo, hinukay ko ang cellphone at nakita ang pangalan ni Evan.
Evan:
Scarlet Maeve.
My smile widened that it could tear my face apart, but as soon as I realized I shouldn't, my smile fell. Nagtipa ako ng simpleng reply sa kanya tulad ng ginagawa nitong nakaraang araw nang hindi kami nagkikita.
Third week ay naging abala kami sa clearance signing. May mga papipirmahan kami sa mga guro na wala naman sa school pero nagha-handle ng extension duties sa mga ospital.
Nasa faculty room ako Biyernes ng umaga para malaman kung ilan ang pagsisilbihan kong mga araw. I was shocked when the Clinical Instructor told me that I have no extension duty.
"Sure po iyan, Miss?"
Hindi pa rin ako makapaniwala. Naalala ko pa ngang na-late ako noon at inakalang magkakaroon ng three days extension. Naglahad pa ako ng excuse letter.
"Bakit, gusto mo? Ilalagay ko rito."
Ngumuso ako. Alam ko namang nagbibiro lang siya dahil sa pilit na kasungitan.
"Hindi po! Okay na po. Thank you, Miss!"
Kaya ang gaan ng loob kong lumabas sa faculty room. Lakad takbo kong tinahak ang hallway tungo sa hagdan nang kinuha ko ang cellphone. I read Evan's text sent five minutes ago.
Evan:
Hi
Me:
Hello?
Since that forehead kiss, he's been texting me. Nga lang, hindi na siya nagpupupunta rito sa school at isa lang ang naisip kong dahilan. Umiiwas siya. Tinalsikan ako ng kutob na baka pinagsisihan niya ang ginawa.
Aba'y dapat lang kung hindi naman pala sincere iyon.
Evan:
Nasa school ka?
Nasa gilid na ako ng hagdan nang tinipa ang reply.
Me:
Yep. Ikaw? Clinic?
I read my sent reply to him several times. Bakit parang ang lamya ng sagot ko? This is probably how I'd turn guys off. I ain't fun to be with. Ibang-iba kung paano makipag-text sina Erika at Sean sa mga crushes nila na sinasalihan nang kaunting landi.
"Flirt a little. Guys dig that. Iyong may clue sila na gusto rin sila ng babaeng nilalapitan nila. It's fun for them!" naalala kong sabi ni Sean noon.
Kinagat ko ang labi ko, labis na pinagsisihan ang sagot. I could have came up with a better reply than this bore!
My heart jumped when my phone vibrated. I expected a message but Evan's name spelled on my phone screen, indicating that he's calling.
Nanlamig ang mga kamay kong sinagot ang tawag.
"H-hello...?"
Tuluyan akong bumababa ng hagdan, mga tuhod ko 'y nangatal nang marinig ang ngisi niya animo 'y alam nito ang pagkakataranta ko dahil sa kanya!
"Hi," he breathed in his raspy voice followed by a mild chuckle.
Tumiklop bigla ang mga tuhod ko. I immediately held the rail handle beside me and dropped my books and file folder in an attempt to save myself from completely falling over.
"Shit."
"Scar? Anong nangyari? Ayos ka lang?" may pinipigilang aliw sa boses niya.
I quickly pulled myself up. Umiinit ang pisngi sa kahilingan na sana walang nakasaksi sa kahihiyan kong iyon. I heard a group of steps approaching. Inipit ang phone sa balikat at tenga, mabilis kong pinulot ang mga nabagsak na gamit.
"W-wala. Ba't ka tumawag?" may kaunting inis doon. Inis sa sarili!
"Hmm... bawal ba?"
I hate how I made him feel apologetic for calling just because I was annoyed at myself!
"Hindi naman. Nasa clinic ka pa rin ba?" Dinungaw ko ang relo at nalamang maga-alas kuwatro pa lang ng hapon.
"Wala..."
Papahakbang pa lamang ako sa ikalawang set ng hagdaan para bumaba sa third floor. His massive breathing over the line did somehow fog my ears, or is it just my imagination?
"Lingon ka."
Huminto ako. Natigilan sa sinabi niya at nagkunot noo. Lumala ang panghahapdi ng kalabog sa aking dibdib. The blazing heat of the anticipation exploded like lava swamped my chest.
Like he said, I turned around only to feel the heat in my chest ignited even more fiercely. In his boyish stance that always reminds me of 90's boy next door, Evan is standing at the top of the stairs with the phone still glued to his ears. He smirked as he caught my stunned reaction. His tousled hair blended impeccably to his rebellious denim jacket and dark ripped jeans. Hindi siya mukhang kakagaling sa clinic kundi sa isang photoshoot mismo at hindi na nag-abala pang magbihis.
"Baa... ba-bakit ka nandito?" And again, I made a shame of myself for almost singing a children's rhyme song.
Kitang-kita ko ang titig ng mga estudiyante, napapahinto nang matatapat sa kanya at walang hiyang tititigan. He's getting everyone's attention but he doesn't seem to mind when his eyes only remained on mine.
"Seriously, Scarlet?" he chuckled. Nagtaas siya ng kilay.
He took a fluid step down until he's moving smoothly towards me. Hindi ko mapigilan na mamangha kahit sa paraan ng paglalakad niya at ang matikas na tindig niya habang pinapanood akong gulat at tinitingala siya. Is this one of the side effects of longing? Mamamangha ka na lang bigla pagkatapos hindi siya makita nang ilang linggo?
May narinig akong suminghap tapos ay mga bulungan. Pakiramdam ko ay kinukulong ako ng libu-libong pares ng kuryosong tingin lalo na't sa akin papunta ang lalakeng kinahuhumalingan nila.
Binaba ni Evan ang phone at nilagay sa bulsa. Tulala pa rin ako habang kinukuha niya mula sa akin ang mga libro at file folder ko. Totoong nakaramdam ako ng pangangalay sa bigat ng dala ngunit mas mabigat ang nakabaong sakit sa aking dibdib. Not the pain that's synonymous to sadness but something that I'm terrified to name.
"Tara?" He dipped his chin a little bit, staring at me deep. Halata ang aliw sa mga mata gaano man niya pigilang ipakita iyon sa tikom ng bibig.
Napakurap ako at tumango na lang. I have so many questions in mind to ask him but I don't want any more students watching us.
I suddenly want to grab my books back from his hold. Para may mahagkan ako habang naglalakad kami sa pasilyo at pinagtitinginan. Umiinit ang buong katawan ko, hindi sanay sa ganitong atensyon dahil lamang sa lalakeng katabi kong may dala sa aking mga libro.
Binunot ko na lang ang cellphone at nagtipa ng text sa mga kaibigan na mauuna akong uuwi. May practice pa sila sa mga extracurricular activities kaya hindi na ako makakasabay pa.
"Galing na ako sa classroom ninyo," ani Evan.
Halos hindi ko siya matitigan nang diretso. I couldn't look straight at his almond eyes without the urge to look away. Tila may laging pumipitik sa balat ko bawat tagpo ng mga mata namin.
"I told Sean na susunduin kita," dagdag niya,
Napaangat ako ng kilay. He smirked when he saw my reaction. Tinaas niya ang isang kamay. He chuckled.
"Promise, we 're not texting each other. Siya lang talaga ang nakita ko roon."
He's trying to clarify my usual suspicions but it wasn't the cause of my reaction. Sabi ko sa kasi sa text para kina Sean, magko-commute ako.
Sean:
Liar! Galing dito si Evan. Magkasama na ba kayo ngayon? Haay naku ka, Maeve.
Hindi ako maka-reply. Nilingon ko si Evan at nahuli ang pagnguso niya sabay inias ang tingin sa text na binabasa ko.
In the end, I decided not to reply anymore. Mas aasarin lang ako ng mga iyon. By now, alam na rin siguro ng tatlo kung nasaan ako at sino ang kasama ko.
"Okay ka lang ba?" Evan asked, then cleared his throat.
"Oo naman," agap ko. I still couldn't move on from the shock that he's here. Carrying my things and walking beside me.
"Tahimik mo. Is there a problem, Scar?" his concern shut me up.
Stop pushing people away, Scarlet! I told myself. Dahil lang sa naiilang ako, kailangan kong iwasan ang bawat taong nagpaparamdam sa akin nang mga ayaw ko. Pain, awkwardness, rejection... They said experience is the best teacher. Paano nga ba ako masasanay at matututo kung palagi kong tinutulak ang mga taong magpaparanas sa akin ng mga posibilidad? How could I even experience life and cherish the beauty of not just the existence if I keep on denying the ever loving company of its possibilities?
Tinikom ko ang labi ko at ngiti na umiling.
"Did you bring your car?" he asked.
Umiling ulit ako, hinahagilap pa ang kakayahang makipag-usap nang maayos. Sumabit pa ang kaisipan ko sa mga napagtanto.
He spread his vacant arm as if inviting me to something. Umusog ako palapit sa tabi niya at agad naramdaman ang kanyang akbay. His warm chuckle attracted my ears as he pulled me closer to him. Nagpigil ako ng ngisi at sinulyapan ang hindi nauubos na mga pagtitig sa kanya.
Naalis lamang ang tingin ko sa kanila pagkabukas ng pinto ng sasakyan. I looked at Evan and immediately caught his amused smile while holding the door open for me.
"Bakit?" tanong ko.
His eyes birthed more hilarity that he couldn't even hide it. His lips curved downwards, parang pumepeke ng lungkot. Umiling siya.
"Wala. Pasok ka na," lahad niya sa loob ng passenger's seat.
Napairap na lamang ako at pumasok. May ideya na yata ako sa katuwaan niya na siyang ikainit muli ng pisngi ko. I watched Evan turned around the hood for the driver's seat, and also, the women who cannot stop eyeing him 'til he's inside the car. Kahit sa pag-alis ng sasakyan, may nahahagip pa ako sa side mirror na sinusundan ng tingin ang pag-alis namin sa parking lot.
Napanatag lamang ako nang makalayo na kami. I leaned my back deeper on my seat and sighed, Evan probably noticed my relief when he glanced at me.
"Ayos ka lang? Pagod sa school?"
Huminga ulit ako nang malalim at umiling. Nanghahapdi pa rin talaga ang dibdib ko, hindi makapaniwala. I mean, he's already done this before. Pero habang tumatagal na ganito, mas nakakapaso pa ang alab ng pakiramdam na ayaw kong pangalanan. His absences which intensify the longing only made it worse for me.
"Medyo," sinamahan ko ito ng tipid na tawa.
Gusto kong magtanong tungkol sa hindi na naman niya pagpapakita nang ilang araw at... tungkol rin soon sa panlalamig niya na hindi pa rin matanggal sa isip ko.
"You'll get through it, though. Malapit na rin naman sembreak ninyo. Ano pala plano mo?" he swiftly glanced at me before retreating his attention back to the road.
Napaangat ako ng kilay. When I didn't reply, he added the clarification.
"Pupunta pa rin ba kayo sa school? I'm somehow familiar with Nursing. Kahit sembreak, may mga nagkaklase pa rin. Hindi uso ang bakasyon sa inyo."
Hindi ko mapigilan ang matawa dahil totoo nga naman ang sinabi niya.
"Hospital hopping siguro kami para sa mga clinical instructors na kailangan ang pirma nila sa clearance. Pero sa last day ng October, may halloween party. Baka sasama ako."
I noticed his furrowed brows. Tila ba may narinig siyang hindi niya nagustuhan. "With friends?"
"Mhm!" I nodded.
"Saan?"
"Sa Mango raw. Parang costume party. Ikaw ba?"
"What do you mean ako?" His beautiful almond eyes blinked several times while maneuvering the wheel.
Sandali akong napatulala sa kanya. The way he narrows his eyes as though he's thinking deeply while his lips move. At ang malambot na mga pagkurap ng pilikmata niya.
"May clinic ka ba sa araw na iyan?" I sounded hopeful when I asked.
Hindi nga iyon nakatakas kay Evan dahil bigla siyang natawa. The husk in his voice deep in the throat resonated through the walls of my vulnerability. Sa tingin ko mas naaaliw pa nga siya kumpara sa kanina noong sinundo ako.
"Are you secretly inviting me to the party, Scarlet?" he teased.
Nandilat ang mga mata ko at umiwas. Why does this sound like it's the truth I never thought I needed to hear? Kaya ba puno ng pag-asa akong nagtanong kanina? Umaasa na pupunta nga siya roon?
"'Di, a. Nagtatanong lang."
Hindi nawala ang baluktot na ngisi niya. His hand reached my cheek and pinched it playfully. Huli na nang makaiwas ako.
The remainder of the days before the social event were spent on chasing deadlines and half-day classes. Wala namang nabanggit si Evan na pupunta siya sa hallooween party at hindi ko na rin siya natanong nang mabuti. Baka rin kasi abala siya sa araw na iyon. Besides, I don't want to sound like I was hinting to him to go.
Me:
Nasaan na kayo? Nagme-make up pa ako. :D
Alas otso pa lang ng gabi ay patapos na ako sa paghahanda. One last swipe of my baby pink glossy lipstick, and I'm done. Tinitignan ko ang sarili sa salamin at napapabuntonghininga.
At least, I looked slimmer in my Tinkerbell costume. A sparkling long-sleeved dress that ended right above my knees. The end of the cloth was zigzagged cut, at ang dulo ng manggas sa palapulsuhan ay sinadyang malawak ang butas galing sa higpit ng kapit nito sa aking braso. It was in a sweetheart neckline, kaya mas nagmukhang kurbado ang katawan ko dahil sa stilo ng damit.
I wore the gold gladiator sandals and the wings on my back to complete the look. Muli akong napatitig sa sarili. May tahimik na bumubulong sa akin na hindi pa rin sapat. Na kulang pa. Why am I still not confident, though? Siguro kasi mas gusto kong isuot iyong sleeveless costume pero nahihiya naman akong ipakita ang mga braso ko. I'm sure, maraming pictures ngayong gabi. Ang taba ko pa naman tignan sa mga litrato. Sa halip na mga papuri, baka puro negatibo lang ang matatanggap ko.
"Bahala na nga." I turned my back against the mirror. Kinuha ko ang sling purse ko sa higaan at umalis na.
Kanina pa ako nakapagpasya na hindi magdala ng sasakyan. Sakay ng taxi, sinagot ko ang mensahe ng mga kaibigan. Mga isa't kalahating oras bago ako nakarating sa bar at agad hinanap sina Sean at Leroy na siyang nauna na rito.
Pero sa tagal kong pinasidahan ang dagat ng mga tao, lalo na sa mga babae, dumiin ang pagbaon ng insekyuridad ko. My outfit is nothing compared to almost all of their skimpy ones. Nadedepina ang kurba ng balingkinitan nilang mga katawan. May nakikita pa akong naka tight leather leggings at backless blouse na may pakpak ng paniki. With their pumps and heels, they were all undeniably gorgeous! Habang ako ay parang nasa children's party lang.
Nahagip ko si Leroy na ang laki ng sungay. Nakikipagtawanan sa mga kasamahan niya sa dance troupe. I stood frozen until he saw me first. Kinawayan niya ako at nilapitan.
"Maeve!" Pinasidahan niya ako. " You're so cute!" Halos hindi niya ako mahagkan dahil sa Maleficent costume niya.
Sinubukan ko ngang abutin ang sungay at mahigpit talaga ang pagkakalagay nito sa ulo niya. Hindi na yata iyon matatanggal.
"Ang tingkad mo, a." Hinawakan niya ang pakpak ko.
Nagtawag siya ng kasama sa dance troupe at inutusang kunan kami ng litrato pagkatapos ay tinawag si Sean. He shrieked when he saw me. Gulat pa ako nang tinanggap ang yakap niya dahil halos hindi ko siya makilala. In his blonde and one-sided braided hair, make-up and an ice-blue dress, she indeed look like a woman! Peg nito ang animated character na may kapangyarihang maglabas ng yelo.
Naglaho ang ngisi niya't naging tanong pagkakita kay Leroy.
"Ano ka, sissy? Baka? Kambing? Tikbalang?"
Nilamutak ni Leroy ang mukha ni Sean na maarteng tumatawa.
"Ako ang hayop sa party!"
"Hayop na hayop talaga!"
Napalingon kami sa bagong dating na si Ruth. Nagtilian muli ang dalawa at niyakap siya. She's in her camouflage fitted shirt, khaki shorts and combat boots, a soldier.
"Saan si Erika?" tanong ko.
Hinawakan niya ang braso ko nang tangka ko siyang kalabitin. She's swarmed with some familiar people from the school trying to greet her.
"Nag-Bora kasama boyfriend niya." Tinanggap niya ang inuming nilahad sa kanya.
Umupo kami sa mga high chairs. Nasa kabilang table na ang dalawang magagara ang damit, nagtatawanan habang dumadami na sila sa grupo.
I watched Ruth dug on her phone and started texting. Kunot ang noo. She isn't the closest friend I have in our group but we had shared a few things about our lives to each other. Medyo nai-intimidate kasi ako sa kanya. Hindi naman niya ako tinarayan. Though, there are days when I thought she did so.
"Boyfriend mo?" panimula ko, hindi nga lang ako sigurado kung tama itong panimula ng isang usapan. I sounded a bit trying hard to be cool.
Sinilid niya ang phone sa bulsa ng shorts niya at tipid na inimnan ang baso.
"Parating na. Ikaw? Si Evan?" She smirked at me behind the drink.
Umismid ako at umiling. "Wala lang iyon, a."
"Hm? Suki na siya sa klase natin tuwing hinahanap ka. Ang guwapo, Maeve! Pagtataksilan ko yata si Jude nito!"
I laughed. My gesture was awkward and unnatural when I tried to grab the water bottle and drink even when I'm not that thirsty.
"Lagot ka kay Jude..." sabi ko sabay nilapag ang baso sa bilugang lamesa.
Irap siyang napailing. Taas kilay niya akong binalingan muli sa nanunuring mga mata. "So, kayo ba nung Evan? Parang ayaw mong ipamigay, a."
"Magkaibigan lang kami, Ruth."
She reacted. Humulma na naman sa panunudyo ang mukha.
"Una, pinupuntahan ka sa classroom. Two, hinahanap ka. Three, nakita ko kayong dalawa sabay lumabas ng school building. I even heard rumors about you two! And last, ang daming nakakita sa 'yong pumasok sa Cherokee Jeep niya!"
Wow! So I'm popular now because I'm with a good looking guy?
"At bakit palagi ka niyang hinahanap? Pinagtataguan mo ba?" she added the question.
Umiling ako. Bakit nga ba? Ah, I remember. I always turn my phone off every time I feel like he's going to contact me.
"Naniningil lang ng utang." I'm not sure if that was a joke or I was just trying to deny something.
"Huwag ka nga! Kung ganoon makatingin sa 'yo ang lalake, Maeve, believe me. He likes you."
Umismid ako. "Hindi mo naman siya nakitang tumitig sa 'kin."
"Kita ko kaya! And besides, you 're pretty! Not that it should be a standard for attraction. Pero imposible rin kasing hindi ka niya matipuhan."
Malalaking iling ang ginawa ko. "Friendly lang siya."
She rolled her eyes at me. Walang awat ang panunudyo niya sa akin.
"Pustahan pa tayo. Oh..."
Natigilan siya nang may tinitigan sa aking likuran. Sumulyap na rin ako roon at hindi nagtagal ay nahagip si Jude, in the same camouflage outfit as her. I nodded when she pointed at him. Muli ay naiwan akong mag-isa sa mesa habang pinapanood sila ng kasintahan. It's not that I mind to be left alone, though. Sanay na rin naman ako.
I absent-mindedly lifted the tequila shot to my lips.
Three years ago, I attended my first outdoor social gathering for my first year in Nursing. Aside from going to occassional parties for relatives and some close friends, iyon ang naging unang karanasan ko sa pakikipaghalubilo nang labas sa mga kamag-anak. It was also my first time going in a bar and it wasn't the best thing that happened to me; Talking to strangers, sitting alone in a crowded room, unknown men approaching me with their uncomfortable caresses... kailangan kong umuwi nang maaga noon dahil hindi na ako naging kumportable.
I cried that night thinking I wasn't normal. Malala ko iyong dinibdib na halos hindi ko kinayang pumasok noong Lunes. Sinundo pa ako nina Leroy at Ruth sa bahay para hindi mag-isang pupunta sa klase.
I honestly don't know where that anxiety came from. But as I was dragged each year by my friends to go with them, I slowly got used to the party scenes like this. Nga lang, naiiwan pa rin sa mesa. And I couldn't blame the people around me who are naturally social. Being left out most often, I know that this is all on me for some reason.
I was about to be on my third shot of Tequila when the beat suddenly changed. Namalayan ko na rin ang pamumukadkad ng ingay rito sa loob. Nasa dulo na nang dila ko ang likido nang makarinig ng iilang impit na tili.
I turned to the giggling girls. Nasa iisang lugar lang din ang titig ng mga mata nila. Binalewala ko iyon at diniretso ang ikatlong shot ko. Pumikit ako nang mariin habang sinisipsip ang lemon. Doon pa ako dinapuan ng pakialam nang marinig ang sambit ng aking pangalan. I caught the dark-horned and wide-eyed Leroy pointing at someone particular on the crowded entrance of the bar.
Kunot noo tuloy akong bumaling roon. My jaw literally dropped when I saw the very familar man scanning the sea of people. Isang baling lang niya sa gilid, agad kong nahagip ang tulis ng panga niya. The light just even made it more dramatic for him to achieve that look I've only seen on magazines!
Kung pinagtitinginan man si Evan noong sinundo ako sa eskwelahan, mas lalo na ngayon. In his dark blue v-neck shirt inside a black leather jacket, dark jeans and tousled hair, he looked so wild and rebellious that when he'd hooked an arm on any woman's waist, she would surely pull herself close and do so much more. At habang nanliit ang mapaghanap na mga mata niyang halo ang inis at pang-aakit, hindi ito dahil sa sinadya kundi ganoon lang talaga siya tumingin at ang hulma ng mga mata niya!
My breathing turned harsh. Uminit yata bigla. Nagbalik ang biglaang takot ko at nais na lamang magtago sa mga tao!
Walang pagdadalawang isip ay bumaba ako ng upuan at naghanap ng banyo. Along the way, I could still hear the girls' ooh's and ahhs which sounded louder than the already deafening beat on the speakers!
"Lapitan natin, dali! Mukhang hinahanap tayo."
"Sure ba iyan? Parang nakita ko siya sa school namin, may kasamang babae."
"Sweet ba? Kung hindi, baka friend lang!"
I didn't stop squeezing my way out until I found the washroom. Dumiretso agad ako sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili.
I'm Tinkerbell tonight. She may have been a cute character but the way I dressed up like her couldn't pale to how attractive most of the women here tonight. May nangangagat na pakiramdam sa aking pinagtitinginan ako. And it is because I dressed up differently and not as desirable as the others. Puwede na nga siguro nila ako laharan ng ubos na baso at paghugasin ng plato.
I pulled the peach lipstick from my purse. Binakas ko ang nanlalabo nang kulay sa aking labi at naglagay rin sa pisngi. The shots I had made me a bit flushed so I don't have to dab too much. Inayos ko ang bagsak at sinadyang alon kong buhok bago ako lumabas.
I was expecting a straight march back to our table when an immediate force suddenly blocked my way. Una kong natitigan ang dibdib. It was dark so I presume a black surface until a dancing laser light crossed our figures revealing the dark blue on his shirt. Mabilis kong inangat ang tingin at nagulat sa lapit ng mukha ni Evan. If I'm not mistaken, I think my head almost bumped on his chin.
"Uh... H-hi..." Hindi ko alam paano pagkakasyahin ang mangha at gulat. And how come he's here right now... in front of me?
His gaze never faltered on my face. He continued to stare with lips half-open and his whole face brimmed with profound awe. Dahan-dahan, bumaba ang tingin niya sa labi ko at tumigil, bago dumulas sa aking suot. Uminit ang pisngi ko. Nakaramdam ng ilang. I hate to welcome the negativity that if he'd ever compliment me, it was only caused by sympathy.
Nag-iwas ako ng tingin. My racing heartbeat isn't of any help for me to breathe properly at all!
"Scarlet..."
Again, I didn't face him.
"Scarlet, look at me," an near whisper the way he called my attention.
I heared him clearly despite the loud beats. Pakiramdam ko ay may apoy sa aking mga mata nang maramdaman ang mainit na hininga niya sa pinsgi ko. Tahimik akong humihingal habang pinagiisipan kung paano siya haharapin nang normal at hindi nauutal.
"I-ikaw pala," I chuckled awkwardly. " Sino pala kasama mo?"
Kahit nakaharap man sa kanya ay lumilihis pa rin ang tingin ko. Alam kong sa oras na matitigan ko siya, kailangan kong umiwas agad o baka babagsak ako sa kanyang harapan. So when he didn't respond to me, and the moment I finally looked at him straight in the eye even when it begins to slowly kill me, I tried to rush my words.
"Tara sa table namin." Mabilis ko siyang nilagpasan at sinulong ang kumakapal nang lipumpon.
I didn't hear a response from him but I know he's at my tail. Hindi pa nangangalahati sa hakbang ay bigla akong nakaramdaman ng paghawak sa aking kamay. I was about to protest when the brisk pull forced me to turn around and face him once again.
"Bakit?" pinagtambal ang bulong at singhap sa tanong na iyon.
Unsatisfied by the distance, muli pa niyang hinila ang kamay ko, hindi gaanong kalakas kundi sapat lang para halos magkalapit kami. Nagulat ako nang sinabayan niya iyon ng hakbang para salubungin ako. Then his other hand lifted and caressed an index finger below my lips to wipe something. Humigpit ang kamay niyang nakahawak pa sa kamay ko.
Napakurap kurap ako. Still stunned by our distance. The severity of awe in his gaze was a never ending story.
"I'm a lost boy, Scarlet. Can you take me back to Neverland?" His lips lifted for a slight but breathtaking smirk.
Pinagtaka ko kung bakit hindi pa ako naging abo sa lagay na 'to. Nai-imagine ko nga ang hugis ng apoy na pinalitan na yata ang ulo ko. To hide my overgrowing attraction that keeps on getting stronger each day and most of all, when he's away, I rolled my eyes at him.
"Ano ka?"
Sinulyapan ko siya muli, wanting to find out more of his looks without being too obvious.
"Tao."
His sarcasm made me shake my head.
He chuckled."I don't really want to dress up tonight so I didn't. May pinuntahan lang ako rito."
"Sino?"
He raised his left brow. His lips pursed as if to repress something or to tease. "Sa tingin mo, sino?"
His tone was suggestive. Agad kong nilayo ang isipan sa mga paasang kutob.
"Girlfriend?" I said innocently.
He looked away with a stifled smile on his lips. Ang mga ilaw sa bar ay sinasabayan ang paglalaro ng mga mata niyang kumikislap at dumadapo sa paligid na para bang hinahanap ang nagtatagong mga salita sa bawat madilim na sulok.
"Puwede. Kung papayag siya," he said, full of meaning then he coolly looked at me again.
"Bakit naman siya hindi papayag? Tinanong mo na ba?"
Namula ang pisngi niya nang hindi na talaga napigilan ang pagngisi. I don't understand why I can see longing in his eyes as he did so. Umiling siya.
"Hindi..." Bumaba ang tingin niya sa labi ko, "Pa." Bumagsak ang ngisi niya.
Tumikhim ako. Why does this cruel heartbeat has to be filled with hope?
Lalo pa akong pinagkaitan ng sasabihin sa pagsasalubong ng kilay niya. This is too much for me that I refuse to keep us like this for long.
I need to part my lips just to breathe normally. Naramdaman ang buga ng aking labi, mabilis umangat ang tingin niya para tagpuin ang mga mata ko. There was shock in there, ngunit hindi ko na iyon natuunan nang mabuti nang may tumawag sa kanya at lumapit sa amin.
"Evan! Hey, you made it!"
A woman wearing what the most of them are donning tonight, wrapped a slim arm around Evan's waist. Sumandal ang mapupulang pisngi nito sa balikat ng kausap ko. I could sense how close and comfortable they are to each other basing from what I am seeing right now.
I caught Evan trying to step away from her. Sa unti-unting pagkakabitaw ng kamay niya sa akin ay mabilis niya akong nilingon. He appeared like he wants to say something. But the woman is beautiful, and she seems sweet, too. Ayokong ipagkait kay Evan ang mga ganoong babae. I don't want him to settle himself to accompany someone less like me tonight. So I smiled at him and slowly took a few steps back.
"Balik lang ako. Enjoy!" paalam ko sa kanila.
His eyes widened. "Scar--"
Bago pa niya ako mahila muli ay isang maliit na grupo na ang pumagitna sa amin at nagsayawan sa bagong tugtugin. When those girls blocked his view of me, I took that opportunity and turned my back. Patuloy akong lumalayo kahit naririnig ang humahabol na sambit niya ng pangalan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro