Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FOUR


Mabilis niyang naibaba ang cellphone at agad akong nilapitan. He didn't seem to believe that he found me here. Tila ba ilusyon lamang ako sa kanya at hindi nawawala iyon kahit nakalapit na.

He sat in front of me. My blank face stared back, watching his eyes danced in between the tunes of fear and the old song of disbelief. Sa naghalong damdamin ko ay hindi na nito alam kung alin ang mas nanaig hanggang sa namamanhid na lamang pati diwa ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Wala ka sa classroom ninyo. Your friend Sean told me you didn't go to your class so I tried to call you but..." his voice trailed off. Tila naghahanap ng sagot nang ibinaba nito ang tingin sa aking suot.

Bumaha ang mga tanong sa isip ko. Bakit niya kilala si Sean? Paano niya nalaman ang classroom ko? Paano niya nakuha ang number ko? Ngunit sa dinami-daming tanong ay wala man lang lumabas sa bibig ko. Wala akong ganang magsalita. Sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam saan magsisimula.

I continued staring at him behind the brown lens from my sunglasses. With caution and hesitancy filling his eyes, nilapit ni Evan ang kamay niya hanggang sa mahawakan ang glasses ko. Hindi ako pumalag nang dahan-dahan niya itong tinanggal at binati ng namumugto kong mga mata.

His lips parted for a moment before its abrupt shut. His jaw clenched repeatedly as though he wants to murder the reason for these tears. Bumilis ang paghinga niya. I can see how he's trying to control himself, caging the anger in his every rapid breathes. Mabilis dumaan ang dila niya sa siwang ng kanyang labi saka may pag-aalinlangan na hinubad ang aking cardigan.

He seethed violently upon seeing what's hiding beneath the dark cloth.

"Bakit mo ginawa 'to?" mariin ang pagkakabulong niya. I could hear a slight growl from him.

Kinuha niya ang isa kong kamay at iniharap ang pulsuhan sa kanya. He held my other wrist with the fresh wounds on it. He muttered a curse after checking it for so long.

"Bakit Scarlet?" Umigting pa lalo ang panga niya.

Magaan niyang hinaplos ang mga laslas ko saka maingat na binitawan ang aking kamay. He caged my face in between his hands. Inangat niya ang aking ulo para matitigan ko ang mukha niyang nilulunod ng pag-aalala.

"Kalmot lang 'to ng aso..." garalgal ang boses ko nang magsalita.

Umiling siya at bigla nalang niya akong niyakap.

Hinigpitan pa niya ang yakap bago ako tuluyang pinakawalan. Nang muli akong titigan, doon bumuhos ang aking luha. He quickly caught the free tear with his thumb and wiped the remaining wet traces in my cheek.

Binuhat niya ako. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Wala na akong pakialam kung saan niya ako dadalhin basta malayo sa amin at sa iba maliban sa kanya na siyang nakakaintindi sa akin.

I was about to cave in to sleep when I heard the door creaked. Marahan akong dumilat sapat para masilip ang pagpasok namin sa isang silid. Evan settled me in a longer sofa. Siya na rin ang naghubad sa aking sapatos. I pulled my knees to my chest and hugged them. Tinago ko ang aking mukha sa pagitan ng aking mga tuhod.

Narinig ko ang lumalayong mga hakbang niya. A minute later, he came back and I felt the space beside me dipped low. Kinuha niya ang kamay ko at maingat na pinunasan ang aking mga braso at pulsuhan ng maligamgam at basang tela.

"Hindi ka ba uuwi?" he asked softly.

Umiling ako, nanatiling tinatago ang mukha sa pagitan ng mga tuhod.

Sa mararahan na haplos niya sa aking kamay para amuin ang hapdi ng sugat, unti-unti akong nakaramdam ng antok. I must have been that exhausted from all the crying last night. From all the pain that always slows me down. Pero bago pa ako sumuko sa pag-idlip ay nakarinig ako ng tunog na nagpaangat ng aking tingin.

He was holding a bandage. Ang mga bulak at ang betadine ay nasa pagitan namin. There's a milk tea bottle the same brand I bought from the grocery the last time we saw each other.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa nang mapansin ang paninitig ko. There was something funny in the way his confused face mixed with the stifled amusement.

"Bakit?"

Ngumiti ako at umiling.

"Okay ka na?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. Kahit papaano ay may parte naman sa akin ang gumaan ngunit pinagharian pa rin ako ng pagod.

"Tell me when you're ready to speak," aniya at marahan na itinabi ang hibla ng buhok na humarang sa aking mukha.

Huminga ako nang malalim at tumango.

Tinignan pa niya ako ng ilang segundo bago sinimulang gamutin ang mga sugat. Hindi ko mapigilang mapatitig sa paraan ng pagkakalapat ng bulak sa aking balat. I could feel how he's trying not to put too much pressure so to avoid a reaction. Sa mga bakas naman ng linya sa aking pulsuhan, tinatakpan niya ng bandage.

Nang matapos sa paggamot ay niligpit na niya ang mga gamit at binalik sa kanyang silid. Ginala ko ang paningin sa kabuuan ng apartment niya habang hinihintay ang muli niyang pagbalik.

Rich cream ang kulay ng dingding, puti naman ang kisame. Wala akong nakikitang ibang appliances maliban sa component na may magkabilaang speaker. Mas nagbigay ganda ang kulay silk white at brown na kurtina. Gusto ko pa sanang ipasyal ang sarili sa ibang bahagi ng bahay kaso baka maabutan ako ni Evan.

He came back immediately and occupied the same space beside me. Kinuha niya muli ang kamay ko. Muntik ko na iyong bawiin ngunit natigilan nang makita ang nail cutter na hawak niya. Lumulukso ang paningin ko sa kanya at sa kuko kong binabawasan niya ng haba. Sa huli, sa kanya umuwi ang aking mga mata.

Seryoso siya sa pagne-nail cutter sa akin. Napangiti nalang ako. I'm not used to seeing him with a very serious face. Para kasing napakakritikal ng ginagawa niya para lang magseryoso nang ganito.

"Ang lambot ng kamay mo," he said after the long existence of silence.

"Sa 'yo rin,"mahina kong sabi.

Tahimik siyang ngumisi hanggang nasa huling kuko ko na.

"Magagalit sila kapag hindi ka umuwi."

All of a sudden, his words leaked the dullness in my heart. The mere thought of our home cemented my decision of not going back there.

"Palagi naman silang galit. Si Mama..."

Humaba ang nguso ko sa biglang buhos ng pait sa aking sistema.

"I hope you don't mind if I ask what happened. But first, are you ready to talk about it?"

Tinitigan ko siya habang iniisip kung saan ako magsisimula. Maybe I could start with myself asking my father's permission in allowing me to stay in a dorm.

Evan gazed at me intently while I was telling him what happened. It's not easy for me, to be honest. I still thought my burdens were too shallow to earn my own blood and heartaches. I couldn't help but mind about other people's judgment once they found out na ito lang pala ang problema ko na nagawa ko pang saktan ang sarili.

I know, I get what they mean. That there are people out there who've been through the worse than me. But I'm not other people. May ibang kaya nila ang problema nila. While my self-infliction rooted from my thoughts that I am not good enough, so I punish myself.

Kaya nga si Evan lang ang nasasabihan ko. I leaned my belief on his willingness to understand me because he is my therapist's son. Naniniwala ako na mas maiintindihan niya ako. He was there where I shared my reasons of self-harm to his mother. He offered himself to listen.

Ilang sandaling pumagitna ang katahimikan pagkatapos kong magsalita. Somehow, a half part of my burden has been lifted. Ayos lang sa akin na narinig niya ang sinabi ko at hindi na niya kailangan may sasabihin pa. Basta't nakinig siya, na... kahit papaano'y narinig niya ako. So I don't mind the silence at all,

"Gusto mo puntahan natin si Mama? I'm sure she can help you better than I can."

Umiling ako "Baka sabihin niya kay Mama. Magagalit na naman siya pag nalaman niyang ginawa ko ulit. The first time she saw me, sinampal niya ako. Siguro sa second session nalang," parang bata kong sumbong at nagpapakampi pa sa kaibigan.

"Natanong mo na ba ang schedule kung kailan?"

Umiling ulit ako.

"It's okay. I'll ask her," he said like it's a fixed schedule.

Hindi ko napigilan ang sarili at ningitian siya at niyakap. His body tensed. Niyakap nga niya ako kanina pero ngayon ay bakit parang may takot sa kanyang hawakan ako? Kahit bulong man lang ng haplos ay wala.

Although for me, this didn't mean anything but a thank you. In fact, he deserves more than this. Sa paggamot sa mga sugat ko. Sa pakikinig at sa pag-intindi kahit nakakapagod na makinig sa akin. Hindi sapat na sabihin ang mga ito sa salita lamang. It was too much to be just words. Too overwhelming that I let the action talk rather than trivilaize the gratitude with mere words.

Hinatid niya ako pauwi nang gabing iyon. Naisip ko rin kasi na baka lumala lang ang sitwasyon kapag hindi ako umuwi. My mother would definitely be enraged once she finds out. Ayaw na nga niya sa akin, dadagdagan ko pa ang mga rason na kamuhian niya ako. Ngayon na gumaan-gaan ang aking pakiramdam, sumama rin doon ang tapang na harapin sila na hindi na mabigat ang aking loob. Though I will still let the silence to dominate between us until her resentment on me dies out.

True to his words, Evan talked to his mother. Siya mismo ang nag-text sa akin sa schedule ng susunod na session. He didn't tell me where he got my number, pero malakas ang kutob kong sa files ni Doc siya kumukuha ng impormasyon. I should call him out the next time I see him since those files are confidential.

Sabado ng hapon, excited akong pumunta sa clinic ni Dr. Costello. I could hardly understand but the past week fueled me a longing for him. I find it hard to believe how attachment for someone's presence could be this sudden and spontaneous. Inis pa ako sa kanya noong una, pero ngayon, parang may kulang kapag hindi ko siya makita o makausap man lang. Pinipilit kong isipin na dahil lang ito sa hindi namin pagkikita nang madalas.

Papaliko ako sa hallway na maghahatid sa akin sa clinic nang matigilan ako. My heart pounded loud and fast when I saw Evan talking to someone. Tall, slender, and someone talent agents would sign up for a shampoo commercial with her shiny beach waves cascading down to the curves of her waist. Porselana ang kanyang kutis at mamula-mula ang pisngi. Mga mata ay bilugan at walang niisang mantsa ng kolorete sa mukha. She is the type of girl most guys would bend their knees for. Evan, included.

Maybe she is his girlfriend. Who am I kidding? Si Evan pa ba? Unang tingin ko pa lang sa kanya, hinahanay ko na siya sa listahan ng mga lalakeng hindi nauubusan ng babae at parating in a relationship.

Evan is undeniably easy in the eyes. But to call him handsome would absolutely be an insult. He isn't physically buff but he is obviously toned and well-built underneath his casual shirts and ripped jeans that could heavily mess up every girls' breathing patterns.

Tumindi ang kalabog sa dibdib ko. Gustong-gusto ko siyang titigan. But it suddenly crossed my mind that a beyond good looking guy like him would never set his eyes on someone of my kind. I've never been the point of interest to someone. Kaya nga gusto kong mainis sa mga tulad nila dahil alam kong imposible akong matipuhan. At para hindi na ako umasa kailanman.

With the longing I have, came with it was the doubt that always bothers me. It's easy to build a frienship with his charm that is hard to resist. He keeps on showing me his good traits at hindi malayong mahuhulog talaga ako sa kanya. I was the type to shut people out and just be content with my set of friends until he changes it. Habang tumatagal, sige, aaminin kong gusto ko siya. At mahirap iyon para sa akin. Paano kung hanggang kaibigan lang talaga ang sadya niya? O ang intensyon na ayusin ako? And if I become okay and be done with my therapy, he'd be done with me, too?

What if I was just a conquest? Remembering our first encounter, he might want to be like his mother. What if he was just making me his project?

At ngayong may girlfriend naman pala siya, sementado na ang desisiyon kong hindi siya makita. Before this infatuation falls deep, tinatali ko na ang saril ko sa lubid paalis sa bitag na hinukay naming dalawa. Because he invited me to friendship, I gave in to the offer.

Especially now that...

"I love yo u,Evan..."

Napahinga ako nang malalim habang sumisilip sa likod ng pader. Niyayakap siya ng babae habang sinasabi iyon. Before she could say something more, tumalikod na ako at umalis. Tinanggap ang katotohanang wala na talagang magkakainteres sa akin. He was just being friendly to me the reason why he acted the way he did when we first met.

Of course, Scarlet. He's only trying to figure you out. He was just being therapeutic given his nature and his Psych course.

***

Lunes ng hapon, dismissal, nagpaalam ako sa mga kaibigan na maghihintay dito sa isang bakanteng classroom. May practice pa sila sa dance troupe kung saan miyembro sina Sean, Leroy at Ruth kaya gabi pa ang uwi. Si Erika naman ay may choir practice.

Papababa na sana ako sa hagdan galing seventh floor nang biglang may nanggulat sa akin.

"SM!"

I turned to see Evan. Papalapit siya sa akin na para bang hindi pa niya napagtantong iniiwasan ko siya mula pa noong Sabado. He texted me that night to which I did not reply. Kahapon naman ay pinatay ko ang cellphone ko para wala nang matanggap mula sa kanya.

"H-hi..." nauutal kong sabi habang umaatras.

I was just about to walk away but he stopped me with his words.

"Wala ka nang klase? Hatid na kita."

"Ahh..." Umiling ako habang umiiwas pa rin. "Hindi, okay lang ako. Bye!" Tumalikod na ako yakap ang makapal na libro.

Mabilis ang aking mga hakbang nang muntik na akong mabangga sa katawan niya na hinarang niya sa aking harapan. I did not let it defeat me as I swerved to my right and tried to advance a step. Humarang ulit siya. When I stepped forward on my left, he blocked me with his body again. Pagod akong huminga ngunit matigilan nang tinagpo ko ang mga mata niya. He seemed close to being angry the way he stares at me intently with those sharp brown eyes.

"May problema ba, Scarlet?"

Nilihis ko ang aking tingin sa bala ng lamig niya. Instead, I scanned my eyes on the hallways and corridors expecting someone who's seen this and would probably tell his girlfriend about it. Mapaaway pa ako.

"Wala naman..."

My fake laugh was such a dismay. Muli ang pagsisikap kong lagpasan siya ngunit hinarangan na naman niya ako! I am starting to get annoyed at this!

"What are you doing, then?" he probed with his surprising cold tone.

"May quiz pa kasi kami bukas kaya magre-review pa ako," mabilis ko iyong sinabi kasing tulin ng kilos kong lagpasan siya bago pa maharangan ulit.

I quickened my steps to the extent of running just to draw a wide distance from him. Huwag na kasi niya akong tanungin! He knows that he's in a relationship! If he continues to act like this then something must have been wrong with him!

"Scar!"

Kinaway ko ang aking kamay habang naglalakad palayo, hindi nag-atubiling lumingon. Nakayuko kong tinahak ang hagdan pababa sa sixth floor para sa elevator na maghahatid sa akin pababa.

Uuwi na lang siguro ako. It is better off this way. Saka ko na siya papansinin ulit kapag hindi ko na siya gusto.

"May problema ka ba ulit?"

Naigtad ako sa lalim ng boses sa aking likod. Pakiramdam ko ay may gumapang sa aking balat nang matanto na sinusundan niya pala ako. I thought he's just going to let me get away?

Huminto ako ngunit hindi siya hinarap. His scent instantly pursued my nose when he slowly passed by my left side until he's in front of me. I looked at him only to see hard concern and soft-toned curiousity leaping in between his brown orbs.

"W-wala..."

Bago pa ako makaiwas ay hinawakan niya ako sa balikat at pinirmi.

"You're avoiding me," he pressed the words like a wax sealed on an envelope.

I remained defiant against his stare. Panay ang suyod ko sa paligid para lang makaiwas sa kanya ng tingin kung hindi ko man magawa iyon sa pagtakbo palayo.

"Anong meron?" Inikot na rin niya ang paningin, kuryoso sa ginagawa ko.

"Wala..."

"Something's wrong, Scarlet. Come on, what is it? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" He slightly shook my shoulders out of mild frustration.

Hindi ko alam kung bakit parang nilulukot ang puso ko. He sounded so desperate I can't help the ideas swimming in my head. Kailangan kong isipin na may girlfriend siya, at magiging mali ang pakikipaglapit niya sa akin habang ganito ang nararamdaman ko. But seeing him now looking so hopeless and defeated felt so wrong for he's always been so optimistic.

"Baka kasi may makakita sa atin..." nakayuko kong wika, hinigpitan ang yakap ng aklat.

"So? May mali ba roon?"

Lumukot ang mukha ko sa simangot nang binalingan siya. Hindi niya ba talaga makuha?

"Baka may magsumbong sa girlfriend mo! Magagalit siya! Mag-away pa kayo."

His face molded into double confusion. His head cocked to the side which revealed the sharp outline of his strong jaw with a neat carpet of stubble.

"Girlfriend? Sino?" he sounded irritated now.

Napakurap-kurap ako. Now I am confused.

"Iy-iyong... kausap mo sa labas ng office ng Mama mo."

"Kausap ko sa la--" Natigilan siya. His mouth parted. Ang kaunting silip ng dila niya ay pinadaan sa ibabang labi. "Oh, wait. So you were there? Akala ko hindi ka sumipot. I waited for you."

Shit. Ano na ang sasabihin ko? Nandoon ako pero hindi na tumuloy dahil nakita ko kayo ng girlfriend mo? No, that's stupid. Pero teka nga, naghintay siya? Kasama na ba sa paghihintay niya sa akin ang yakapin siya ng girlfriend niya? Tss.

Napanguso ako habang nakipagtitigan sa itim na Sperry boat shoes niya.

"Bakit hindi ka sumipot? I couldn't even reach you on the phone. I assumed baka may problema ka."

"A-andun ako pero..." Huminga ako nang malalim. "Sumakit ang tiyan ko. Umuwi nalang ako kasi parang hindi ko kakayanin..."

"Hmm...LBM?" Nakakabingi ang aliw sa tono niya.

Ngumiwi akong tumango dahil sa nakakadiri kong palusot.

Nanaig ang katahimikan habang nakatitig siya sa akin na parang may hinahanap. Lalo akong hindi makatitig sa kanya nang diretso. It's like he could read the lies in my eyes and he wanted to have some little fun with it the way the corner of his lips lifted up for a spine-shivering knowing smirk. Tinutuon ko na lang kunwari ang atensyon sa mga taong dinadaanan kami. I lost count of the girls I caught who were eyeing Evan like he's the latest hot snack of the day.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang humalakhak. Nanatili ang mga mata niya sa akin habang tumatawa at kinakagat ang ibabang labi niya.

"Wala akong girlfriend," deklara niya.

Eh ano yung 'I love you, Evan' na narining ko? May yakap scene pa kayo.

Tipid akong sumulyap sa kanya. He shifted himself and sighed as if he's bracing himself for something. Nako, nag-iisip na iyan ng excuses.

"Hmm... Francheska, one of my friends. She had a row with her boyfriend and it affected her work. Pumunta siya kay Mama noong Sabado tapos nagkita rin kami nang hapon na iyon pagkatapos ng session niya. She's the client scheduled before you, so..." He shrugged.

"She said 'I love you, Evan. Ano iyon? Kasali rin ba iyon sa session?"

Huli na nang mamalayan ko ang sariling tanong. I sounded so jealous at hindi ito nakatakas kay Evan. He chuckled, shoulders shaking. Nang makita ang simangot ko ay mabilis nitong binagsak ang ngisi niya pero halata pa rin ang pagpipigil sa ipit ng kanyang labi. I could see how he's trying to be serious but failed.

Damn.

"Narining mo 'yun? You should've stayed longer to hear the rest of our conversation. Umalis ka kasi agad. Panirang LBM yan oh!" Tawa pa niya.

Mahina ko siyang hinampas sa braso na siyang pinalala ang tawa niya. He calmed himself down when he noticed that I wasn't pleased at all. Hiyang-hiya ako!

"Yeah, she said it. 'I love you Evan...you're such a great friend and a great guy. Sana makahanap ka na ng girlfriend para may maiasar na kami sa 'yo'. End of quote." He quoted the words with his fingers in the air.

Nagliliyab ang hiya sa aking mukha Mabigat na batong nakadagan sa akin kanina ay naglaho man, pinalitan naman ng apoy ng kahihiyan. Gusto kong takbuhan na lang si Evan at magtago. My sensitive instinct is foretelling me that he's going to tease me about my crazy assumption the whole day!

Unti-unti kong pinaakyat ang paningin sa mukha niya. Nang magbunggo ang mga mata namin, kitang-kita ang panunudyo niya at pagpipigil ng ngiti. My face caught more fire and here I wonder why I have not turned into ashes yet. Kanina pa kaya ako nilibing sa kahihiyan. Pinaglalamayan na dapat ako ngayon.

Slowly, he inched his face closer to mine without the amusement leaving his gorgeous face. Tila ba ay binabasa niya ako at sa nababasa niya, inaasar na niya ako. Muli ay kinagat niya ang kanyang labi para magpigil ng ngiti.

Unfair. He is reading me!

"B-bakit?" Inaatras ko ang mukha ko habang tinutulak naman ito ng paglapit ng kanya. "Huwag mo nga akong titigan nang ganyan!" naiilang kong sabi sabay baling sa isang bakanteng classroom.

Nilayo niya ang kanyang mukha at umiling, sinabayan ng nanunuyang ngisi.

"Nothing." Umangat ang kaliwang kilay niya at iniipit ang ibabang labi sa kanyang daliri, pinaglalaruan.

"Ano ba! Stop it, Evan!" saway ko dahil hindi pa rin siya tumitigil.

His smile widened then turned into amused chuckles. Nag-iwas siya ng tingin. The wind blew mild from the several students running past beside us plus the deep afternoon air which tangled Evan's thick and dark brown hair into a gorgeous mess. Nanliit ang kanyang mga mata sa pagdaan ng mabining hangin, nanatiling dikit ang aliw at hindi pa rin binibitiwan ang kagat sa kanyang labi.

"Siguro naman hindi mo na ako iiwasan. Wala akong girlfriend, Scarlet."

Marahan niya akong nilingon, hindi tuluyang hinaharap sa akin ang mukha niya. He shot me a teasing side-eye look.

Pinagdikit ko nang maigi ang kilay ko. "Hindi ako nagseselos. Huwag kang assuming!"

His lips pursed. Tumaas ang angat ng kilay niya, namumula na ang mukha.

"I didn't say anything like that, Scar..." he said this so slowly with an obvious mocking tone.

Umirap ako. Humalakhak siya at bigla akong hinila palapit sa kanya sa isang akbay. Sinubukan kong alisin ang braso niya sa aking balikat. Tinawanan niya iyon at kiniliti pa ako sa tagiliran.

"Lika na nga..." He pulled me with him. "May review ka pang nalalaman. Your friend, Sean, told me na wala kayong quiz bukas."

"Hmp!" Sinubukan ko pa ring alisin ang kamay niya.

He laughed and tickled my waist again.

"Evan, tigil na." Mahina ko siyang hinampas.

"Quiz, huh? Paano na iyong LBM? Kinalimutan mo?" Tumawa pa siya.

Anumang pigil ko sa aking ngiti ay sadyang rebelde itong kinalaban ako.

"Oy 'di, a. Nag-LBM talaga ako." I pouted, kahit alam kong wala nang pag-asang kumbinsihin siya ay sinabi ko pa rin iyon.

"Uhuh. Sinabi mo, e."

Parang hindi siya naniniwala. Am I a bad liar?

***

Magkaharap kaming nakaupo ni Evan dito sa classroom na napili ko. He bought snacks for us, dahil alam nitong matatagalan ako sa paghihintay sa mga kaibigan.

Sinaksak ko ang straw sa takip ng milktea na binili niya nang dumaan sa isip ko ang isang katanungan. Because to be honest, that girl from his mother's clinic still bothers me.

"Yung Francheska ba... may feelings ka roon o naging ex mo man lang?"

Bigla siyang nasamid sa iniinom at napaubo. Tinakpan niya ng kamao ang bibig at umiiling-iling.

"No." He snatched a freebie table napkin from the snacks he bought and dabbed his mouth with it. "She's pretty and all but she's not my type."

"Bakit? Tulad nga ng sinabi mo, maganda siya."

Even by just remembering her that day made me feel insecure about myself. Hindi ko maitatanggi iyon. Ang dating kasi ay parang lahat ng babae lalo na't sa maraming nagkakagusto, ay ipinanganak para kainggitan ko. I hate that thought myself.

"Yeah, but she's too perfect."

Napakunot ako ng noo. "Huh?"

His lips were pursed from sucking from the straw. His cheeks turned hollow because of it. At lalo na dahil pailalim siyang nakatitig sa akin.

"I love the imperfections of a girl, Scarlet. I love making her feel beautiful," mahina niyang sinabi.

Lalo pang napalalim ang sisid ko sa salita niya.

"You mean, type mo sa isang babae ay iyong hindi perfect, iyong may maipipintas ka pero sa huli, pupurihin mo pa rin siya. Ganoon? You like ugly women, then?"

He seemed to have swallowed a big lump in his throat. Nalaglag ang panga niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. He also appeared extremely offended.

"Ugly? God, Scarlet, no. Why say something that doesn't even exist?"

Humaba ang nguso ko. I'm not sure what he meant by that. If he meant the 'ugly' he thought that doesn't exist, bakit iyon ang nararamdaman ko? If he meant that ugly women doesn't exist, why am I alive, then?

"You 're not attracted to her because she's too perfect?"

At kung mangyari mang magustuhan ako ni Evan, dahil ito sa hindi ako perpekto.

"Scar..." he called softly with a hint of warning.

Inosente akong nag-angat ng tingin, pilit tinatago ang negatibong takbo ng isip ko.

"I know what you're thinking. It's not that," he said.

His gaze, earnest and overwhelming, could almost make me surrender and melt. It's like my thoughts were blatantly posted in my forehead the way he sounded so certain about knowing about them.

"Ano sa tingin mo ang iniisip ko? You can't just read minds, Evan."

"But I can read you."

"So ano nga iniisip ko?" Pinaglalaruan ko ang straw sa aking bibig habang naghihintay ng sagot niya.

"That I don't like her because she's perfect."

"Tapos?"

"Which is not the case," he replied so quickly.

Kitang-kita niya ang pagkakalito ko. Hindi ba ay iyon nga ang sinabi niya? Or did I hear him wrong?

I slowly shook my head, letting him know that it doesn't make sense to me. Maingay naman ang pagsipsip niya sa kanyang inumin habang nakatitig sa akin. Eventually, he set his drink down on an armseat beside him. Tamad niyang kinuha ang chips doon na tila wala siyang nililitong tao sa harapan niya.

"She's just basically not my type, Scarlet. It's the easiest way to say it," mahina niyang sabi.

"Because she's too perfect."

He sighed heavily. Sa pagod ba iyon o inis ay hindi ko malaman. Ngunit ramdam ko ang samo't saring nais niyang ipaliwanag sa akin. Ano ba ang pumipigil sa kanya? May nagdidikta na naman na marahil, hindi ko maiintindihan kung ano man iyon. It would be too tiring to explain so he'd rather just say what's easier to comprehend than exhaust himself to it.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa konsiderasyon niya o maiinsulto. Ang bobo at tanga ko na yatang tao na iyong pinakamadaling paliwanag pa talaga ang kakailanganin para maintindihan ko.

"No, Scarlet. Perfect or not, it doesn't matter. She's not my type, is all," mariin niyang sabi.

Hindi pa rin ako mapakali.

"Ano ba kasi type mo?" And why do I feel like this question will either give me chaos or peace?

Huminga siya nang malalim habang inaadjust ang sarili sa silya. He leaned forward and widened his thighs apart. Tinukod ang mga braso sa hita habang tinitigan ako nang mariin hawak ang chichiryang binubuksan, pero hindi pa sinisimulang kainin.

"I like to dig deep about someone and see their unrealized beauty," he said, stone-cold seriously.

"You're looking for a project, then?"

His brown eyes narrowed into slits. "Are you looking for a fight?"

"What? Nagtatanong lang ako!" natatawa kong sabi kahit 'di na mawari ang paninikip ng dibdib.

"I'm not looking for a project. Fuck," he whispered the expletive and looked away. Mariin niyang pinikit ang mga mata habang umiigting ang panga.

"Nagka-girlfriend ka na ba?"

Still in the same tortured position, he breathed, "Yeah."

Not surprising. Mas magugulat ako kung sasabihin niyang wala. But even when I still expected his answer, may parte sa akin ang nangangamba dahil sa itatanong ko. It felt like a lie when I asked him this.

"Anong common trait nila?"

I was pretending to be calm while sipping on my milktea. Bumaba ang tingin ko sa mahigpit na pagkuyumos niya sa wrapper ng chichirya. Slowly, his head turned to me carrying the heavy look in his eyes. My heart beat cruelly in my chest, tumitibok din ang kuryosidad ko sa bigat ng pagkakatitig niya sa akin. He doesn't seem pleased at all. He looked like a wounded beast that was betrayed by his mate and is now plotting to get even.

"Why the curousity?" kasing bigat din nito ang boses niya.

Isang bagsak ang pananahimik ko. Together with the brisk fall was the realization that maybe, I have crossed the private border of his life. Mali ang magtanong pa ako tungkol sa iilang pribadong detalye ng buhay niya. Shame crawled in my skin and wrapped a firm hold around my delicate body.

Naigtad ako nang umatras ang silyang inupuan niya. He stood up and threw the chips on the same chair and sauntered towards me. Nang hindi binibitawan ang pagtitig sa akin, inabot ng kamay niya ang isang silya sa gilid at padarag na nilagay sa harap ko bago inupuan. Our knees touched when he finally settled himself in front of me and still, his eyes never left mine. Ni hindi ko namalayan na wala na pa lang laman ang milktea na iniinom ko. It made an annoying sucking noise as I continued to sip.

Nagkatitigan kami. Huminga siya nang malalim at tinanggal bigla ang inumin ko sa kalagitnaan ng aking pagsipsip, the straw leaving my mouth and my lips in the same pursed "U" shape.

He put my empty drink on the arm desk. Kumuha siya roon ng table napkin at dinampi sa aking labi. Shots of shivers zapped down my spine when he stared at them for the longest time.

"I want to see you, Scarlet. Let's talk about you," an almost whisper of a pressing plead.

My brain seemed to be occupied with a lot of things that a reply from what he said won't fit in my thinking compartment. Para akong nahihipnotismo nang hinawi niya ang tumakas na hibla sa aking mukha.

"Do you like where you are right now?" he asked softly. "Hm?"

Nanindig ang balahibo ko. Tahimik akong napapahingal habang nakatitig sa labi niya. There is just something about the reddish plumpness, the dented line on the bottom lip and the way they pursed everytime he speaks. Wala sa sarili akong napailing.

"Why are you here, then?"

There's an underlying concern behind his tone that I am not usually acquainted to.

"Ayaw ni Mama sa gusto ko."

"Which is?"

Tila nabuhusan ng malamig na tubig, natanto ko na hindi ako dapat nakasentro sa tono niya kung hindi sa tanong.

Because you see, he's here to help you, Scarlet. He's here to fulfill his dream to be like his mother. You're just an interesting case to him. Kung magtagumpay man siyang ayusin ka, all the pride will boil down to himself and there is nothing more than that intention!

Pero ito naman ang gusto ko? Ang may makinig sa akin? Bakit ko pa iisipin ang maaaring nararamdaman niya para sa akin? I haven't even reached halfway resolving my own battles.

"I want to study Music, Theatre or Creative Writing. Wala sa tatlong iyon ang sinang-ayunan ni Mama. So I took Nursing because that's what I thought she'd want me to do."

"Are you happy?" The gravity in his tone made me take this talk seriously.

"Ayos lang. I have great friends with me. Pero hindi ito ang gusto ko. I can't even imagine myself working in a hospital. I rather stay home and do nothing than work in a setting I'm not comfortable with."

Hinabol niya ang tingin ko nang mag-iwas muli ako. "You took this for your Mother. Not for yourself," he stated.

Tipid akong tumango. I don't want to expose my mother in a bad light, pero iyon naman talaga ang katotohanan. She always diasgrees with my decisions. Palagi na lang mali. Habang sa kapatid ko, nakasuporta siya palagi. Whereas for my father, he's fine and all, pero minsan, hinahaayan lang din niya si Mama na magdesisiyon.

Naghari ang katahimikan. Evan remained his gaze on me. Mukhang malalim ang laman ng utak niya at ayaw kong magsalita't putulin ang takbo ng kanyang isip.

"Do you tend to always do what people ask of you to please them, Scarlet? If so, how do you feel about that?"

I couldn't lift my mouth to speak. Naalala ko ang mga pagkakataon sa buhay ko kung saan hirap akong umamin sa katotohanan. Honesty may have been one of the sought-after trait for human standards, but the experienced truth behind the virtue were not most of the time, equitable. Because what I was supposed to be honest about is not something I am proud of admitting.

"Yes..." I confessed, that I do most of what I do to please my parents and the people around me.

And I felt trapped. Ilang taon kong kinukulong ang sarili sa rehas ng pamantayan ng iba.

Mabigat na hininga ang pinakawalan niya. The disappointment carved in his beautiful face has somehow, scratched a bit of my soul. I disappointed people again. You stupid girl, Scarlet Maeve!

I felt warm palms caging my face. Pumatak ang luha ko nang paulit-ulit kong nararamdaman ang saksak ng katotohanan na may binibigo na naman akong tao. I think I can never do things right the way they should be done. Palagi na lang talaga akong mali.

"Scarlet, listen to me," mariin niyang sabi.

For the fear of what sounded like a brewing rage from his tone, nag-angat ang paningin kong nangangatal sa kawalaan ng pananalig.

"Walang blueprint ang buhay na dapat nating sundin. We're not a house, a building or any construction that the people around us built to mold us into someone we are not. We are the architects who create our plans. We are free souls. Just live the way you want, Scar. Walang mangyayari kung maghihintay ka lang. Go out and search and be the catalyst. Go with the flow with whatever life offers you."

"Paano?" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Ang daling sabihin iyon para sa mga taong nalampasan ito. Paano naman para sa aming magdudusa pa lamang? Some of us will survive fitting in. What about the rest? Bakit may mga nagpapakamatay pa rin?

Is this the reason why most of us are wavering to change? Because of that impending fear that the risk might not be worth it. Of that fear that our heavy expectations would lead us into the pits of heavier disappointments. And this is how some people chose to end their lives.

Bago ko pa mapunasan ang agos ng luha ay inunahan na ng hinlalaki niya.

"What makes you happy? Do the things that makes you happy, Scarlet."

Blanko ang utak ko. My mind tried to chase the list of what makes me happy, of what used to make me happy but they don't feel right to me anymore. Isipin ko pa lang na ginagawa ang mga iyon, wala pa rin akong naramdamang pag-angat.

"Hindi ko na alam..."

"What do you like to do?" muling tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko talaga alam."

Mas madali sa akin ang magpadikta na lang sa iba habang hinahanap ko pa ang gusto kong gawin. The dreams I once had, left my still hoping soul without notice and have probably went searching for another dreamer to be received because I refused them.

"Pero may isang bagay na gusto kong maramdaman. Maybe that can make me happy."

"What is it?"

Bumugkos ang lungkot sa aking puso at napatulala sa blackboard.

"I want to be loved," I silently said.

"Aren't you?"

"Hindi ko ramdam. I hate myself and no one likes me."

Mahigpit kong hinawakan ang aking pulsuhan na my bandage pa. Diin ko itong pinipisil-pisil. Naramdaman ko ang hawak ni Evan para pigilan ako.

"Stop..." the disapproval in his tone didn't make me stop.

"Kahit kailan hindi ko yata matatanggap ang sarili ko. I feel ugly most of the time. Sa tuwing mananalamin ako, kinamumuhian ko ang bilog kong mukha. I feel fat and ugly and this is probably why no guy will ever love me." panay kuyumos ko sa sugatang kamay habang sinasabi ito.

"Stop it."

"My parents even prefer my sister. She's prettier. A beauty queen. Ako? Putik! Baboy! Hinding-hindi naligawan kasi ang pangit pangit ko! I will never be the kind of girl that guys fall in love with, Evan."

Because I am nothing. I've never been someone's everything. It's hard to grow up in the world where I feel that I am not beautiful enough.

Alam kong mababaw lang ito para problemahin ko. Pero anong magagawa ko kung hindi ako nakukuntento? This is me. Unsatisfied and lonely and I can't fucking stop!

"I just wanted to feel loved..." my voice broke. Walang awa ang buhos ng aking mga luha. Dinadaanan ang aking pisngi at sumugat ng bakas sa aking labi. Sumabit sa aking baba, nagmamakaawang hindi madagdagan para lamang mahulog nang sabay sa kawalan. O sa palad kong nagaantabay sa pangitain ng lumbay.

Evan briskly move nearer that I almost jumped on my seat. Binahagi niya ang aking mga binti at lumuhod sa pagitan niyon. He reached for my face once again. Pinunasan ang luha ko at doon ako muling napabaling sa kanya.

"You are beautiful, Scarlet," he whispered.

Nagtiim bagang ako. "Sinong nagsabi sa 'yo? Awa mo?"

Tumakas na naman ang panibagong luha. Umiling siya at tinuyo ang basang bakas ng kanyang kamay.

"Noon ko pa ito nasabi sa sarili ko. The very first time I saw you... hindi na kita maalis sa isip ko." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro