FIVE
Nakapalumbaba ako, tulala sa clinical instructor na may sinasabi sa harapan. Hindi ko siya gaanong naririnig dahil mas nabibingi ako sa alaala ng dalawang linggong lumipas.
Evan never showed up within those two weeks, not even during our breaks and dismissal. Pagkatapos ng sinabi niya ng araw na iyon, ni text o tawag ay wala akong natanggap.
Ganoon na lang ba? I know it's too much to ask, pero pagkatapos ng sinabi niya sa akin ang dating tuloy ay parang pinaasa lang niya ako. O ako lang talaga itong umaasa kahit wala iyon sa intensyon niya?
Bakit ba ako naiinis? Kami ba? Kung makapagmaktol ako ay parang girlfriend akong hindi pinagbibigyan sa luho. Lagi ko nga siyang sinusungitan tapos ngayon, hahanap-hanapin ko? What a paradox you are, Scarlet Maeve.
Break time ay pababa ako para bumili ng snacks sa Pharmacy sa ilalim lang nitong building. Bago pa ako makahakbang sa labas ay napigilan na ako ni Sean.
"Saan ka na naman pupunta? Alam mo sa tuwing wala ka, palagi ka nalang hinahanap sa akin ni papa Evan. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?"
Napalingon ako sa kaibigan dahil sa sinabi nito. I don't want to talk about him pero hindi ko mapigilan maging interesado.
"Pero okay lang, malalaglag na naman ang panty ko tuwing tinatawag niya ako." He giggled in front of me while leaning on the doorframe. Mamula-mula ang kanyang pisngi habang puno ng pangarap ang mukha.
I remember his absence again. Wala naman kasi siyang sinasabi. Kung tungkol ito sa nangyaring pag-uusap namin noon sa classroom, wala naman akong naalalang dahilan doon para umiwas siya.
"Close na ba kayo?" ngiwi kong wika.
"Siguro. Eh sa palagi ka pa naman niyang hinahanap at ako pa ang palagi niyang tinatanong. Kung wala lang talaga akong jowa, aagawin ko iyan sa 'yo."
Sinaksak ko siya ng matalim na tingin. His loud laughter flooded the room.
Umirap ako at biglang nanlamig nang sinabing, "Walang kami."
"Hmm... pero umaasa ka?" panunuya niya.
Sean is a very good friend of mine. Pero ngayon, ayaw ko talaga sa mga pinagsasabi niya. Truth hurts, doesn't it, Scarlet?
I walked out. He's my friend pero bakit ayaw ko sa mga pinagsasabi niya?
"Oi teka lang, sama ako sa 'yo!" habol ng tawa at maarte niyang sigaw sa likod ko nnag malapit na ako sa elevator.
Kaming dalawa ni Sean ang pumunta sa Pharmacy. Tubig lang ang binili ko. Sinadya kong hindi magdala ng pera dahil kung anu-ano ang nabibili ko. Kaya para makatipid na rin, iniiwan ko sa bahay ang kalahati ng baon na binibigay sa akin.
"Siya nga pala, sa Mango kami mamaya. Sama ka, ha? Advance birthday party din 'yun para kay Leroy."
Umaabante kami sa pila nang sinabi niya ito. It made me feel special everytime they invite me. Gusto ko talagang pumunta at sumama sa kanila pero papayagan ba ako? Isa pa, isa't kalahating oras din ang biyahe sa downtown mula sa bahay namin.
"Text nalang ako pag sasama ako," nabibigo kong sabi sa kaalamang hindi ako papayagan.
I just don't want to disappoint my friends. They always invite me to these party things and I always have a reason not to go. Reasons that were against my will.
"Heh! 'Di ka naman kasi makakapunta. Lagi naman. Pang-ilan mo na iyan, ha?" patampo niyang sabi sabay kurot sa pisngi ko.
Umiiling nalang ako na may tipid na ngiti. As much as how I want to go, parang gusto ko na talaga munang umuwi at matulog. Pakiramdam ko ay nilalason ang kaluluwa ko sa dinadamdam na bigat ng aking katawan buong araw. O baka dahil ito sa kulang ko sa tulog kaya gumaganti ang panghahapo.
Nagpatuloy ang klase ng hapon na iyon. I was trying to get by the rest of the afternoon through fighting off the sleep, so I ended up understanding nothing from the lectures. Sa biyahe paguwi, dumaan na naman si Evan sa isip ko. Bahala na nga siya kung ayaw na niyang magpakita!
This is somewhat frustrating. Naa-attach ka na sa isang tao tapos bigla na lang silang hindi magpapakita nang walang pasabi. I thought he can be my confidant? Nasaan siya ngayon?
Scarlet, may buhay 'yung tao. Hindi naman sa 'yo umiikot ang mundo niya. You're merely nothing to him. Wala siyang ibig sabihin sa mga sinabi niya. Wake up!
Dumoble ang bigat ng aking paghinga nang madatnan ang katahimikan sa bahay. And now I feel more lonely. Dumiretso ako sa sofa at kukunin sana ang TV remote doon nang bumaling sa iba ang kamay ko.
Two visas for London. Dalawa lang, kaya ibig sabihin sina Papa at Mama... lang.
Nilingon ko ang pagbukas ng pinto. My father stepped in first, with him was two newly bought luggage bags. Kailan kaya ang alis nila?
"Ngayon ka pa nakauwi?" bungad niyang tanong.
"Opo. Kailan alis ninyo?" sabay sulyap ko sa mga nakalatag sa mesa.
"In three days. Excited ang Mama mo, e. Miss na miss na ang Ate Allison mo."
Mapait akong natawa sa isip. Kaya pala good mood siya nitong mga nagdaang araw. Saka alam kong matagal na niyang gustong puntahan si Ate. Sa kahit na anong pag-uusap, hindi lumiliban ang pangalan ng kapatid ko sa bibig niya.
"Kailan po ang uwi ninyo?"
I was expecting in two to four weeks but...
"Hindi pa namin alam. Kung gugustuhin ng Mama mo, siguro sa susunod na taon pa." Nagtatanggal na siya ng kanyang sapatos habang sinasaad sa akin ang paliwanag.
"Paano po ang graduation ko?" Halos papaiyak na ako. The onset of tears felt like a warning that I'd be hearing something that'll surely hurt me.
Napahinto si Papa sa ginagawa. Gulat siyang bumaling sa akin. "Oo nga pala, kailan ulit iyon?"
"April 12 po, next year..." my voice cracked. They don't even remember.
Lumabas siya at tinawag si Mama na nagdidilig ng halaman. Hanggang dito sa loob ng sala ay naririnig ko ang mga boses nila.
"Sylvia, ilang buwan ba tayo sa London?"
"Six months," rinig kong sagot ni Mama.
"Makakuwi ba tayo sa graduation ni Maeve?"
"Kailan ba iyon?"
"April 12 daw."
Natigil ang ingay ng hose at ang pagbagsak nito.
"Bakit hindi niya sinabi? 'Di sana napagplanuhan natin nang mas maaga ang pag-alis. Naka schedule na ang flight natin."
Atat akong sagutin siya na sinabi ko na iyon nang ilang beses sa hapag kainan tuwing sabay kaming kumakain. But all they talked about was Ate Allison's daily life in London and her achievements.
Lumuwa ang panghahapdi sa mga mata ko.
"Hindi ba tayo makakauwi?"
Ngayon, natutunugan ko na ang kawalaang pag-asa sa segundong 'to.
"Hindi, syempre. Sayang naman kung hindi natin paabutin ng anim na buwan. Saka ang ikli lang din ng anim na buwan para makasama natin si Allison. Nami-miss ko na ang batang 'yon..."
Sa mga sinabi niya, sa paraan ng pagkakasabi niya, sa mga papuring idinagdag niya na hindi ko na kayang marinig pa, at sa tono pa lamang ng boses, it won't just take a wise man to figure out that she loves my sister more.
No, I don't think a comparison is needed. She only loves my sister, not me. Kaya walang pagkukumpara ang nangyayari dahil simula pa lang, wala na ako sa pagpipilian. Wala na ako sa eksena.
Pumasok ulit si Papa at nanghihinayang akong tinignan. Ang magaang gawain tulad ng pagngiti ay kay sadyang mabigat na para sa akin kaya hindi ko ito kayang pasanin. Pumasok ako sa kuwarto at binagsak ang pinto. Nanggigigil muling gawin ang isang bagay. Punong-puno ang dibdib ko na gusto ko nalang isuka ang puso ko.
With my hands shaking, I picked up my phone and typed a message to Sean. Sinabi naman niya ang oras ng pagkikita namin at ang pangalan ng bar sa Mango. I opened my wardrobe dresser and reached for the nearest black dress to me. Nang sinuot ko iyon ay hapit na hapit ito sa aking katawan. Let's see if what Evan said is true. Kung wala pa ring makakapansin sa aking lalake, siguro nga'y kasinungalingan lamang ang sinabi niya sa aking maganda ako.
Sa bintana ako dumaan. Kung bukas lang din ang pag-uusapan, hindi nila mamamalayan na wala ako dahil may event silang dadaluhan sa Dalaguete na parte ng simbahan. And it's as if they'd look for me anyway which I highly doubt they would. Hindi nila matutunugan na wala ako. Wala naman silang pakialam.
Hindi pa tumatapat ang sinakyan kong taxi ay dinig ko na ang dagundong ng bawat bars sa Mango Square. Sinalubong ako ng naglalakihang mga mata at nakangangang sina Sean at Leroy nang mamataan nila akong papalapit sa kanila.
"Oh my God, Maeve. Look at you!" tili ni Leroy.
Nag-iwas ako at marahang naiilang, hindi sanay sa kung anumang papuri. I always think the compliments about me were spoken out of sympathy.
"What? You look like a goddess! 'Di ba, sis?" sabay siko niya kay Sean na tumatango-tango naman.
"Yuhh... Ganyan dapat! Tamang make-up, 'di masyadong makapal. And the coral tone of your lipstick made your face looked brighter! Tama lang din para takpan ang kaputlaan mo." Hinawakan ni Sean ang buhok ko at inikot ang tingin sa akin kasunod si Leroy na mapupunit na ang mukha sa laki ng ngisi.
"And biiitch... your curves are so damn fine!" he traced my waist and clapped.
"Curves? Ang taba ko nga, e." Umupo na ako sa isa sa mga high chairs at pinasidahan ang mga nabili nilang inumin.
Leroy gasped, halatang gusto akong pagalitan sa sinabi ko. "Maeve, hindi lahat ng lalake, payat ang tipo. Tsaka hindi ka naman mataba. Sa isip mo lang 'yan. Mas makapal pa nga ang mukha ko kesa sa balat mo."
"Confidence girl, that's all it takes," si Sean, pinitik ang mga kamay.
Natawa na lang ako at napailing. Leroy downed a tequila shot bago ako hinila sa gitna ng dance floor. Tumitili na si Sean sa likod ko dahil sa magandang music na pinapatugtog tsaka nagsimula nang sumayaw.
"Sina Erika at Ruth?" sigaw ko sa gitna ng nakakabinging tugtugin.
Nakangiwing itinuro ni Leroy ang nilalapitan naming dance floor. It didn't take me long to recognize the two girls dancing with their boyfriends.
"Awww..." Leroy girlishly reacted. "Na-miss ko na tuloy boyfriend ko."
Erika and her boyfriend are dancing intimately. Dikit na dikit ang mga katawan at nagbubulungan. She giggled at whatever the guy was whispering to her. Si Ruth naman at ang kasama niya, halos magkayakap lang at tamang sabay sa pangsayaw na tugtugin.
I smiled a little. Not that I'm bitter about my friends with their love life, lalo na kina Sean at Leroy na nakahanap ng taong tanggap sila; Leroy with a French guy he met online and Sean who met his British man through a common friend with a cousin. Habang ako itong babae, hirap na hirap. Ano ba talaga ang mali sa akin? Normal pa ba talaga ako?
"C'mon Maeve. Let's look for the perfect man for you!" panghihimok ni Sean na dinala ang mga inumin sa kalapit na high table. Ang server na nakasunod sa kanya ay ang may dala sa mga fries at iilan pang pagkain. And damn they're all fried. Tatagay nalang ako.
"They won't like me for sure. Mababagot lang sila sa 'kin," my pessimissm got the best of me.
Inisang tungga ko agad ang Jack Daniels na sinalin ni Sean. Natahimik ang dalawa, nabigla yata sa ginawa ko kaya hindi rin ako nagawang pigilan hanggang sa makaapat ako ng sunod sunod na shots.
"Grabe ka, Maeve. Ginawa mo lang tubig?"
Tutunggain ko na sana ang panglima ngunit hinila na nila ako malapit kina Ruth at Erika.
Naramdaman ko agad ang pagaan ng aking ulo. Jack Daniels really does its job faster than how I can attract boys which so far has never happened in my lifetime. Ngunit sa kabila niyon, lumakas pa rin ang loob ko at mas lalo pang umindayog. The warm hands on my waist made me turn to its owner. Mabilis akong lumayo nang makitang hindi pamilyar sa akin ang lalake.
Now, Scarlet, akala ko ba gusto mong may nagkakagusto sa 'yo? Ngayong nilalapitan ka na, lumalayo ka naman?
But I'm just scared alright? Paano pala kung pagsamantalahan ako nito? Seeing how heavily drunk the man is, hindi maganda ang dinidikta ng kutob ko. Babala na mismo ang nagparamdam sa akin sa mabilis na tibok ng aking puso na minamanipula ng takot.
Sean and Leroy surely know how I felt. Nilapitan nila ang lalake at pinagitnaan sa pagsasayaw. They grinded their hips, showing their dance moves. Iniikutan nila ang lalake tila ba hinahamon ito. Kita ko ang pamumula ng lalake at mukhang natauhan kaya dahan-dahang umaatras.
The peak of the party started at midnight kaya todo inom at sayaw kami. Nagpaorder ulit ako ng JD. I insisted on paying the drink pero pinigilan ako ni Leroy. Libre na niya lahat dahil birthday niya nga raw sa Lunes. Hindi kami makapagpaparty dahil may klase kaya ngayon na lang ang celebration.
Namumungay na ang mga mata kong pinagmasdan ang mga tao. All the guys were taken. Kaya siguro walang lumalapit sa akin. Maliban sa kanina pero lasing naman. Hindi matino at walang alam sa ginagawa niya. Nakakita lang ng babaeng maikli ang suot, lalapitan agad? Can there be atleast someone righteous out there who's attracted more to the soul than the physicalities?
Pero sa nakikita ko ngayon, mga payatin ang sinasayaw ng mga lalake. With their bare back blouses and exposed cleavage and navels. Am I really not that attractive?
Dahil sa iniisip ko, tumungga ulit ako ng isang shot, then another glass and another until my head dropped on the table with my arms as the pillows.
"Ayos ka lang, Maeve?" Hinawakan ni Ruth ang balikat ko.
"Anong oras na?" garalgal ang boses kong tanong.
"Quarter to two. Kaya pa?"
"Uwi na ako." Pag-angat ko sa aking ulo ay umaalon ang nhahagip ko sa paligid, nasisilaw na rin sa malilikot na laser lights.
"Tara, hatid ka na namin."
Sinikap kong umiling. "Malayo bahay namin."
"Oh, anyare?" dinig ko si Erika.
"Knock down na si Maeve," si Sean.
"Sinong 'di malalasing? Siya lang kaya nakaubos sa tatlong bote ng JD,"panenermon ni Ruth.
"Kaya nga..."
"Sabay ka nalang sa 'kin, kanina parin ako tinatawagan ni Mama," alok ni Erika.
They all agreed to her suggestion. Tinutulungan nila akong makatayo. Dahil pasuray suray akong naglakad palabas ay hinawakan na ako ni Erika sa baywang habang nasa kabila naman si Ryan, ang boyfriend niya. Una akong pinapasok sa naghihintay nang taxi saka sila sumunod.
"Maeve, doon kami daan sa Countrymall para short cut. Okay lang ba sa 'yo?" sabi ni Erika.
"Mm..." nanghihina kong tugon, hindi na makabuo ng desisyon.
"Ito nalang din ang sakyan mong taxi. I'll pay nalang." Narinig ko ang pagbubukas ng wallet.
"Hindi, okay lang, Ka..."
"Sure? Malayo pa bahay niyo, Maeve," may pag-aalala sa boses niya.
Hirap na akong magsalita kaya nag- thumbs up nalang ako.
"I'll give you 200. Huwag ka ng magreklamo." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang pera sa palad ko saka niya sinara ang aking kamay.
"Thanks."
Ilang sandali lang ay huminto ang sasakyan. Nagpaalam pa ang dalawa sa akin bago bumaba ng sasakyan. Hindi ko na namamalayan ang sumunod na nangyari pagkatapos. Para akong maduduwal buong magdamag sa biyahe kaya imbes na magpahatid sa amin, pinahinto ko ang taxi sa gilid ng daan. Hindi ko na nagawang kunin ang sukli pagkatapos magbayad dahil sa pagmamadali kong makalabas.
I ran at the very corner of the sidewalk and pushed everything I've injested hours ago. Naibsan naman kahit papaano ang aking pagkahilo. Pero hindi pa rin ako pakakampante. I stimulated my gag reflex through pushing a finger on the roof of my throat and let the rest of my insides pour out.
Tahimik ang lugar at medyo madilim. May streetlights din naman, pero nakakakilabot pa rin. Walang katao-tao at madalang ang pagdaan ng mga sasakyan. Natantong matatagaln ako sa pag-uwi, lalong lumakas ang pagwawala ng puso ko. My chest felt so full from being beaten so much and hard that I held it for a while hoping to calm it down.
But despite of my inebriated state, thoughts about my situation at home still caught up with me.
I guess this is better, right? If something bad happens to me, my parents would realize my worth. They would hopefully start to recognize that they have their other daughter too and not just the older one.
Napayakap ako sa sarili sa haplos ng malamig na hangin. Nanginginig, napag-isip kong maglakad na lang habang naghihintay sa unang dadaana na sasakyan para makisakay.
Hindi ko namalayan na halos nasa gitna na pala ako ng daan. Upon the sound of an approaching car, I turned in a heartbeat. Hinarang ko ang aking braso sa mukha dahil nasisilaw sa headlights. My weak knees and inability to decide didn't allow me to move and step away as the car zoomed nearer and louder and raging straight on where I am standing...
Sa loob ng mga segundong ito, iniisip ko na hayaan ang sariling mabunggo. No matter how many joys I've collected in the day, in the end when I'm alone, the same thought always creep into me that my life doesn't really matter to many people, to my parents, to the people I expected to love me the most. So might as well—
Pumikit ako. Tatlong segundong lapit pa ay sigurado akong tatamaan ako. I anticipated for the impact to catapult me towards the the other side and into the other life. Tatlong segundo kung hindi lang sa bugkos ng mga braso at mahigpit na yakap sa akin para hilain ako paalis sa bitag ng kawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro