EIGHT
Mabilis pa sa tama ng kidlat ang pagkawala ng kamay ni Ike sa balikat ko. Habang hindi pa inaalis ni Evan ang pagtitig roon na tila ba tinutunaw niya ang natitirang mantsa sa pamamagitan ng pagtitig lamang.
"Evan!" masigla kong tawag sa kanya.
I tried to find the relief I promised to myself once I call his name without being too obvious of my feelings. But Evan's dark expression didn't change, which stunted the comfort I should have felt. Why do I feel like this is my fault?
Nasanay akong hindi siya makita nang dalawang linggo kaya hindi ko inasahan na pupunta siya rito ngayon. Pero kung natagpuan ko man siya nang mas maaga kanina sa building, iisipin ko talagang iba ang sadya niya. Yet seeing him still looking pissed... ako nga siguro ang ipinunta niya.
Irritated Evan is not new to me. I've seen him wear this reaction before. Pero ang makita ang kakaibang pagdidilim ng kanyang mukha na higit pa sa simpleng yamot ay ngayon ko pa lamang namataan!
"Pwede ka bang sumama sa 'kin, Scarlet?" pati bigkas niya sa pangalan ko ay kakaiba. It's like he's spitting poison in front of me and he silently orders me to take a bite on it.
"B-bakit?"
"May pupuntahan tayo," halos hindi na bumubuka ang labi niya nang magsalita.
Nahihiya akong lumingon kay Ike. He took a step backward, understanding my apology before I could even say it.
"It's fine, Maeve. See you na lang bukas. Bye!"
Bago pa ako makaganti ng paalam ay tumalikod na siya at may pagmamadaling naglakad palayo.
Tinuon ko pabalik ang pansin kay Evan ngunit wala na ito sa pwesto niya. Naglakad na rin siya palayo at huminto sa kanyang sasakyan. Mabilis akong sumunod. Pinagbuksan at pinagsarhan niya ako ng pinto bago siya pumasok sa driver's seat.
Tahimik ang naging byahe. Madilim ang kanyang aura. Hindi ko alam kung ano ang problema. Natatakot akong magsalita o magtanong. I am always sensitive when it comes to cold replies or yelled arguments. Kaya mas mabuti pang tatahimik nalang ako para walang away.
Pero hindi ako mapakali sa pananahimik niya. I hate it when I knew that something is wrong but I couldn't even specify it. Inaalala ko kung may nagawa ba akong mali o damay lang ba ako sa galit niyang wala namang kinalaman sa akin at nagpunta siya ritong iritado na. Through my teeth, I started peeling the skin off my lips because of too much anxiety. Kinakagat ko na rin ang mga kuko ko. My thighs fidget, wanting to get out of the car and run, or walk back and forth until I calm down. Is it my fault why he's acting like this?
Iiwasan ba ako dahil sa kasalanan ko?
I cleared my throat several times to get his attention. Sumulyap ako para matignan siya. Hindi man nagatubiling tapunan ako ng tingin. His focus was very intent on the road. Sa ibang pagkakataon, nagtatawanan na kami at sinasabayan ang kanta sa stereo pero pati iyon ay nakikisimpatiya rin sa libing ng kaingayan.
"Okay ka lang?" mahina kong tanong. It was filled with inhibition. Takot sa pagbabalewala niya.
Tipid na tango ang sagot niya habang hawak ang ibabang labi't pinaglalaruan. Ang isang kamay ay nasa steering wheel.
"Saan pala tayo pupunta?" my voice sounded so tamed.
"Iuuwi kita."
He's still pissed. His cold tone is already a dead giveaway.
"Akala ko ba may pupuntahan tayo?"
"Oo. Sa bahay ninyo. Uuwi."
Huminga ako nang malalim. Mag-isip man ako ng tanong, mauuwi pa rin sa wala dahil hindi na rin naman ako magsasalita. This cold treatment isn't going to last short. Ni hindi nga niya ako nililingon. Nagtatawanan pa nga kami kahapon noong hinatid niya ako sa mall para bumili ng gift para kay Leroy. Wala naman naging mali roon. Masaya kami, tapos ngayon...
"May problema ba, Evan?" hindi ko napigilang itanong.
"Wala."
"You're so cold. Hindi ako sanay."
I tried humour, but still. No response.
Hinabol ko ang tingin niyang nakatutok pa rin sa daan. "Ayaw mo talagang sabihin?"
Wala pa rin. Tila ba wala siyang narinig na hindi niya na man lang sinagot ni tango man lang. Even his expression remained dark and pissed. Nang umigting muli ang panga niya, doon na ako sumuko.
"Ibaba mo nalang ako kung napipilitan ka lang na ihatid ako."
Ako na ang nanlamig. Kapag hindi pa siya magsasalita ay talagang tatalon na ako mula rito sa sasakyan. Nakakainis na kasi! Kung may problema siya, sabihin niya! Para hindi naman ako magmukhang tanga sa katatanong. Kung ayaw niyang sabihin, he can just tell me that he coudln't. Maiintindihan ko naman.
I hate cold treatments like this. Ganito na nga kay Mama, dadagdag pa siya!
Inalog ko ang handle ng pinto habang tumatakbo pa ang sasakyan. Pinilit ko itong buksan.
"Scarlet! What the--"
Evan was quick enough to reach my hand and pulled it along with the handle I was gripping to shut the door. He clicked something on his side to automatically lock all the doors.
Agap niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada at pinatay ang makina. Napatalon pa ako sa kinauupuan dahil sa puwersa ng pagmamaneho niya at nadaanan naming lubak. He was breathing fast when he shot a sharp look at me.
"What are you doing?" his voice was strained as though he was forcing the anger to stay down in his throat. Namumula ang mukha niya.
Mamamangha na sana ako sa galit na itsura niya kung hindi lang sana ako galit din ngayon!
"Ayaw mo kasing magsalita!" sigaw ko. "I hate silent treatments pero bakit iyon pa ang laging ginagawa ninyo sa 'kin? Kahit sa bahay! Si Mama, tapos ngayon, ikaw naman! Ano ba kasing ginawa ko? Bakit ayaw niyo akong kausapin nang matino habang nagtatanong naman ako nang maayos? Kasi hindi ko alam anong ginawa kong mali! Bakit palagi na lang akong mali!"
Walang awat ang sigaw ko sa bawat tanong. I slapped my face, my arms, my thighs and the rest of my body until I cried hard, letting out all of my frustrations and anger. Bago pa ako makalabas ay napigilan na niya ako sa isang yakap.
"I'm sorry." he caressed my back for trying to calm me down. Tumindi lamang ang hagulhol ko.
Nagpumiglas ako para makawala sa kanyang braso pero naging ningas lang ang pagsubok ko para higpitan ang yakap niya sa akin.
I buried my loud cries in my palms. "Ano ba kasi ang nagawa ko?"
Ang nakapaloob sa tanong ay hindi lang para sa kanya kung 'di sa mga tao sa paligid ko... sa mga magulang ko, naaalala kung paano sila nandiyan sa tuwing may mali sa akin at nababalewala kung maayos na. It's easier to deal with me when I'm fine and difficult when I'm not okay.
"I'm so sorry. It's not your fault. I was just..."
"Ano?!"
I can already feel the pain in my throat from shouting too much. The pain didn't stop me. It never will. Patuloy akong humagulhol habang tinatahan pa rin ni Evan.
"I'm so sorry, please. I've been insensitive."
Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha at hinahon na binaba sa aking hita. He pulled my face to his chest and let me cry more. Hinayaan niyang lamusukin at basain ko ang malinis na shirt niya habang hinahagod ang aking likod, hindi tumitigil hangga't sa hindi ako tumatahan.
"Sorry," he whispered another apology. Warmth brimmed on my skin I felt the pressure at the top of my head.
Ilang minuto rin kami sa ganoong sitwasyon bago ako tuluyang kumalma. Bumitaw na siya sa yakap at kinuwadro ako sa pisngi. Nakayuko man, ramdam kong pinagmamasdan niya ako nang mabuti.
"Sorry," bulong niya. His thumb wiped the wet traces in my cheeks before he went back to the wheel and drove me home.
Naging tahimik ulit ang biyahe. Nanatili pa rin sa utak ko ang pangamba sa nagawa ko dahilan ng panlalamig niya. I lingered on that thought for a very long time until it exhausted me to sleep.
Nagising ako sa mainit na hawak sa kamay ko. Pagdilat ay nasa harapan na kami ng berdeng gate namin sa tapat. Bakante pa ang garage sa loob kaya nasabi kong hindi pa nakauwi sina Mama.
Limot na ang namamaga ko pa lang mata, nilingon ko si Evan. I can read guilt all over his face. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko at inikot ikot ang hintuturo niya sa likod ng aking palad.
Nagkatitigan kami. I silently wondered what he's deeply thinking about while I am here, trying to think of something to say.
"Pumasok ka na. Baka maabutan pa tayo ng parents mo," the rasp in his voice laced through with the tenderness.
Yumuko siya para tanggalin ang seatbelt ko saka tinignan ako muli sa napakatagal na sandali. Inayos ang hiblang tumatakip sa aking pisngi.
I bit my lower lip. I'm may be aware of his genuine regret, it still doesn't help figure out what's wrong or if it was my doing. Anu man ang paliwanag niya, papakinggan ko naman. Just in case he wasn't aware but I like it when I am being told by their daily lives and problems, that only means they want to talk to me and they trust me, rather than they don't.
Ito pa yata ang isa sa hindi niya alam tungkol sa akin dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagsasalita.
"Ano ngang problema?" natutunugan pa rin ang inis sa mahinahon kong tanong.
I stared at him longer in the hopes that I can finally have my answer. Hindi pa rin siya umiimik, nanatili ang paningin sa mukha ko ngunit hindi man lang tumatama sa mga mata ko.
I sighed and turned away. Akala ko ay tuluyan na akong makakalabas nang inunahan ang kilos ko ng pagkukulong niya sa aking pisngi.
My eyes widened, quickly assuming for his kiss. Napakurap ako sa paglapit ng mukha niya at napatigil, pati ang paligid ko ay tila huminto sa naramdamang halik niya sa aking noo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro