Chapter 6
Chapter 6
Kumabog ang dibdib ko. Nakatitig siya sa akin ng mariin, madiin at talagang nakakapanghina ng tuhod. He has this overwhelming power everyone could possibly notice.
Kung may kapangyarihan siyang pahulugin ako sa kanyang patibong, una palang nabiktima na niya ako. Sobrang lakas ng tama ko sa lalaking 'to. Bakit sa ganito pang bato?
"Cheap?! Woah," natatawang saad nung binatang nakikipag-usap sa akin. Parang 'di siya makapaniwalang nasabi iyon ni Marco sa kanya. Pero di pa man dumaan ang ilang segundo ay tila napalitan na ang mood nung lalaki kay Marco. Para siyang nakakita ng multo at handa itong sunggaban.
'Di pa rin natatanggal ang titig ni Marco sa akin. Sa akin lang talaga. Its maneuvering me, wholly.
"T-teka! Ikaw iyong lalaking nagpaiyak sa ate ko!" Gulat na dugtong ng lalaki at itinuro si Marco.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin dun sa lalaki. Grabe namang lalaki 'to? Di ba niya alam na Doctor ang sinisigawan niya? At ano raw? Pinaiyak? Ate?
Napatitig ako ulit kay Marco puno ng pagtataka ang mukha. Nakaangat ang kaliwang kilay niya sa akin, at parang sa akin pa siya may galit. Ngumuso nalang ako at nag-iwas ng tingin. Nakakapaso talaga ang mga titig niya. His stare is powerful yet, tempting.
Baka 'di siya nakilala nitong lalaking chinito kasi wala na siyang suot na gown. But, everytime I see him wearing a gown, I find him much more cooler and... handsome after all.
"Hoy! Kinakausap kita!" Dinuro niya si Marco. Nagtagis ang bagang ni Marco at kunot noong napatitig sa lalaking sinigawan siya.
"Oyy 'wag kang ganyan!" Naiilang kong saad. I just feel this sudden fear, and I don't know why. Grabe, ako na ang nahihiya sa lalaking 'to.
"Dude tama na," Saad ng tatlong kasamahan niya at hinihila na siya. Iwinaksi niya ang mga ito at napabaling naman ang titig sa akin. He glanced at me with disgust and irritation.
"Maganda ka sana Miss, pero..." Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. "Ang cheap mo."
Nanlaki ang mga mata ko at di agad nakagalaw. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa narinig. A-ano? Cheap?
Bago pa ako makabalik sa tamang huwisyo ay nakita ko ng hila hila ni Marco iyong lalaki papalabas ng hospital. Galit na galit at parang gustong manakit. Napasinghap ako ng umaaray na iyong lalaki dahil sa higpit ng hawak ni Marco sa kwelyo nito at sa pagkakaladkad.
It cause a commotion in the hospitals lobby. People are curiously glancing at them.
"Jergen? Ano 'yun?" Nagtatakang tanong ni Dr. Joy ng makalapit sa akin.
"Jergen? Okay ka lang?" Sabi naman ni Martin habang nag-aalala na nakatitig sa akin. My feet trembled.
Umiling ako at tumakbo papunta sa kung saan pumunta sina Marco. I feel a sudden fear and guilt.
Nakarating ako sa labas na takot at nangangamba. Maraming tao ang napapatingin sa direksyon nila at nakikiusyoso.
"Hoy! Bitawan mo 'ko!" Dinig kong sigaw nung lalaki kay Marco.
Napasigaw ako ng padarag na binitawan ni Marco iyong lalaki at naging dahilan ng pagkakasalampak nito sa sahig. Nagsilapitan naman ang mga kasamahan niya para alalayan siya.
Natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Marco. Ang propesyon niya? Baka may makakita sa kaniya at makakilala na isa siyang Doctor tapos nakikipag-away. Baka matanggal siya sa trabaho, ayokong masiraan siya dahil sa akin. Kasalanan ko 'to.
Mabilis ko silang nilapitan at hinawakan ang braso ni Marco. Napatingin ako sa mukha niyang may matatalim na titig dun sa lalaki. It's dangerous, he's like a monster ready to devour his helpless prey.
"D-doc," nanginginig kong saad habang marahan siyang hinihila sa braso. I want him to get inside the hospital to calm down.
"Moron!" Sigaw niya dun sa lalaki na nagpupunas ng dugo sa labi. Grabeng lakas naman ng tulak ni Marco.
"Marco!" Dinig kong sigaw ni Joycel na papalapit sa amin. Worried.
"Kuya! Anong nangyayari sa'yo?" Ramdam ko ang frustration sa boses ni Martin ng makalapit sa amin.
Napakagat labi ako ng agarang napabaling sa akin si Marco. Puno ng galit ang mga mata niyang nakadirekta sa akin.
"Isa ka pa e!" Galit niyang singhal sa akin.
Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya at naglakad na paalis. Ramdam ko ang sakit, hindi sa braso kundi sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng agarang hiya sa katawan.
Buong buhay ko, di pa ako nasinghalan ng ganun ka tindi! Mas masakit pa iyon sa pagtawag ng cheap sa akin ng lalaki kanina! Bakit siya ganun?!
Nag-init ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kanya. The pain is digging my system.
"Kuya! What's wrong with you?!" Sigaw ni Martin sa papalayong kapatid. He looked at me in an apologetic way.
Parang tinutusok ng limang libong karayom ang puso ko. Pakiramdam ko namanhid na ang buong katawan ko.
Alam kong kasalanan ko, may kasalanan din ako pero dapat... dapat 'di niya ako ginaganito.
Napapikit ako ng mariin at hinayaang tumulo ang luha sa kaliwang mata. Nasasaktan ako.
"Jergen? O-okay ka lang?"
Nakatulala ako habang tinitingnan ang likod niyang nagfiflex habang naglalakad. Napakagat labi ako ng tumulo ang luha sa pisngi ko.
"Omy god! Jergen? Nasaktan ka ba?" Nag-aalala ring dalo sa akin ni Joycel. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang hinaplos ang mga braso.
Ang lakas ng dulot ng mga salitang iyon sa akin. Lahat na lang ng lumalabas sa bibig niya pulos masasakit!
Huminga ako ng malalim at pumikit.
Kasalanan mo Jergen, h'wag mo siyang sisihin. Kasalanan mo iyon. Huwag kang umiyak dyan! Kasalanan mo!
Dumilat ako at pinanlilisikan ng mata iyong lalaking tinawag akong cheap.
"Hoy!" Asik ko.
Nanlaki ang mga mata niya at nagpaubaya sa mga kaibigan niya para tumayo.
"Ano?" Kabado niyang turan.
"'Wag ka nang magpapakita pa sa akin, sisipain kita hanggang sa maputol ko ang tiyan mo! Di mo ako kilala! Baka gusto mo ma-try!" I couldn't stop my anger. Parang pinakukuluan ang dugo ko. My tears stopped from falling in an instant.
"Tinatakot mo 'ko?" Natatawang sabi niya at nilapitan ako. "Miss! Baka ikaw ang unahan—"
Bago pa man niya natapos ang sasabihin niya ay agaran ko na siyang sinuntok sa kanyang tiyan. Napadaing siya ng malakas at napaupo sa sahig. Nagsinghapan ang mga kasama niya at sabay na napatingin sa akin.
Akmang lalapit pa ako ng hinawakan ni Martin ang mga braso ko.
"Jergen!"
He forcefully dragged me away from those brats. Puno ng galit at sakit ang puso ko.
Naguguluhan ako, gulong gulo ako.
"Let's get inside." Anang Joycel at inalalayan rin ako papasok sa loob ng hospital.
Iniwan naming namimilipit iyong lalaki dun kasama ang mga nakangangang mga kaibigan niya.
Habang iniisip ko ang mukha ni Marco na galit na galit na nakaharap sa akin ay nangatog ulit ang tuhod ko.
"Are you okay?" Martin's voice awakened my inner mind. My feelings instantly wiped out through my system. Agarang ginapangan ng hiya ang katawan ko.
Shit! Anong nagawa ko? I'm cruel! Agad akong napalingon sa likod at nag-aalala sa lalaking nasuntok ko sa tiyan.
"M-Martin, b-baka nasaktan siya—"
"Serves him right. It's not your fault. I know you got cared away also because of my brothers strict treatment." My gazed directed at him. His eyes are full of worries. "I'm sorry, ako na ang humihingi ng pasensya sa nagawa ni kuya."
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga.
"H-hindi, k-kasalanan ko. Hindi kasalanan ni Dr. Marco, kung di ko nalang sana pinansin yung mga—"
"'Di mangyayaring di mo sila mapapansin, 'di mo naman sila kilala e. Basta, next time kapag may nambastos sa'yo sabihin mo agad sa akin." He smiled sweetly.
Napakagat labi ako at pinakiramdaman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ramdam ko ang init mula doon. Nakakahiyang ilapat ang kamay ko sa kamay niya dahil siguradong mas malambot ang kamay niya kesa sa akin.
Habang naglalakad kami papunta sa office ni Dr. Joy ay 'di ko mapigilang pantayan ang mga titig na ibinibigay niya sa akin.
His foreign blue eyes spark as mine darted to his. Such perfection, habang tinititigan ko siya ay agaran kong nakita ang mukha ni Dr. Marco. Nakasimangot at galit na nakatitig sa akin.
Hanggang sa imagination ko? Nakasimangot pa rin siya?
Alam ko naman na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya at impossibleng suklian niya ang nararamdaman ko. Sa isang mahirap na tulad ko? Napaka-impossible.
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kakaibang naramdaman.
Huwag siya.
Pwedeng iba nalang?
Bakit sa doktor pa na iyon?
"Isa ka pa e!"
Umalingawngaw ulit sa isip ko ang masakit na salitang sinabi niya sa akin.
Napayuko ako at huminga ng malalim. Ang hirap takasan nito. It's so hard to resist this kind if feeling. Though it's not my first time, but still it feels it is.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro