Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5



Jergen's POV

"Jergen?" Kumindat si Dr. Joycel sa akin sa counter at agaran ko ng nakuha ang gusto niya.

"Vegetable Salad! Coming right up!" Nakangiti kong saad. She snap her hand and find a seat to sit on.

Inihanda na ng chief ang order ni Dr. Joycel at ako na ang naghatid nito papunta sa kanya.

"Pinatawag ka raw ni Marco nung isang araw?" Saad niya habang tinusok tusok ng tinidor and isang broccoli.

"Ahmm, p-pinagsabihan lang." Nag-aalinlangan kong sagot.

"Ano namang sinabi?" Taka niyang tanong. Napanguso ako at napaupo sa harap niyang upuan.

"Ano, d-dapat daw gawin ko ng tama ang trabaho ko." I forced a smile and pray that she will gonna stopped talking about that monster.

Nagtaas siya ng kilay sa napanguso. Andun pa rin ang pagtataka sa mga mata niya pero agaran din siyang napangiti. "Mabuti at 'di ka inaway. Sabihin mo sa akin a?" She then eat the broccoli.

'Di naman talaga ako inaway, siguro may konting insulto lang ang natanggap. Pero okay lang, siguro naman ay may sariling problema lang siya kaya ganoon. Naniniwala akong may bait pa rin iyon sa katawan.

"Miss!"

"Ayy!" Napasigaw ako dahil sa taong bigla nalang sumigaw at hinawakan ang balikat ko. Agaran akong napatayo at humakbang paatras.

"Hala sorry," Natatawang saad niya habang hinahaplos ang kanyang batok.

"Leche ka talagang bata ka!" Bulyaw naman ni Dr. Joycel kay Martin. Tama si Martin ang nandito.

"Oyy Ate! namiss mo ba ako?" Pacute na tanong ni Martin kay Joycel.

"Che! Anong ginagawa mo dito?"

"Manghihingi ako ng number nitong si Miss!" Ngising ngisi niyang turan at napabaling sa akin. Grabe naman.

"Miss? Si Jergen 'yan." Sabay turo ni Dr. Joycel sa akin. Napatuwid ako at tinitigan si Martin. Nakangiti siyang lumapit sa akin at nagbow.

"Hola señorita Hermosa," saad niya. (Hi Miss beautiful.)

Nangunot ang noo ko at nagtataka na na napabaling kay Joycel. She just shrugged and eat her salad again. Tila naintindihan niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig.

"That's Spanish," dugtong pa niya. Parang nababasa niya kung ano ang ibig kong sabihin. Ngumuso lang ako at tumango ng marahan.

Kung ganoon, may lahing español silang dalawa ni Dr. Marco? Kaya pala ang ga-gwapo nila. May lahi palang banyaga.

"Mga español kayong dalawa ni Dr. Marco?" Tanong ko ng 'di na nakatiis.

"Half, Mama lang namin at Half American and Filipino naman ang Papa namin." Woah. Mas lalo akong bumilib sa katauhan nilang dalawa. Kaya pala ang ganda rin ng mga mata ni Marco, maganda rin naman ang kay Martin pero sa tingin ko ay wala ng makakapantay sa kulay ng mata ni Marco. Baby blue eyes.

"Ang galing naman," napalakpak pa ako habang pinapasadahan ng tingin ang mukha ni Martin. He suddenly blushed and awkwardly smiled at me.

"Why are you here?" Napaigtad ako dahil sa nakakapanindig balahibong boses ng taong nasa likuran ko.

"¡Hermano!" Tuwang tuwa na saad ni Martin. Dahan dahan akong humakbang paatras at naisip na magpunta na sa counter. Dumadami na kasi ang tao, kailangan kong tulungan si Missie.

"What are you doing here?" Dinig kong saad ni Dr. Marco. Kahit di ko na siya harapin sapat na ang baritono niyang boses para makilala siya. Napakagat labi ako ng naramdaman ang pangangatog ng tuhod.

"Quiero obtener su número de teléfono," dinig ko namang sabi ni Martin ng makarating ako ng counter. Ang lakas kasi ng boses niya. Grabe, ang hirap intindihin niyan.

(I want to get her number.)

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang maalikabok na counter. Kakalinis ko lang nito tapos ganito na agad? Nakakahiya sa mga taong bibili.

"Mantente alejado de ella." Napalunok ako ng marinig ang boses ni Marco. Napakasexy pakinggan niyon kung siya ang nagsasabi. Pero ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hayy buhay.

(Stay away from her.)

"Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo? Baka may minumura na kayo d'yan a," sabi ni Dr. Joycel.

"¿Por que?" Saad ni Martin na tila si Marco ang pinapahiwatigan. 'Di ko naman talaga maintindihan e. Baka nga siguro tama ang mga sinabi ni Joycel na, may minumura na sila.

(Why?)

Dahan dahan kong inangat ang tingin ko papunta sa direksyon nila.

At isang malamig at nakakapanindig balahibong titig ang sumundo sa akin. His electrifying gaze are on me. Dahilan kong bakit kumabog nang napakabilis ang puso ko at tila natuliro na.

B-bakit ganyan siya makatingin? Napalunok ako at nag-iwas ng tingin, di ko kakayanin na makipagtitigan sa kanya. Para akong 'di makahinga. Parang naiipit ang puso ko.

Bakit ganito?

"She's deadly," dinig kong saad ni Marco habang di parin tinatanggal ang mga titig sa akin at nagmartsa na paalis.

D-deadly? S-sinong deadly ang tinutukoy niya? Napakagat labi ako habang sinusulyapan ang likod ni Marco. Grabeng karisma talaga ang taglay niya. Nakakatakot.

"Sinong tinutukoy non?" Tanong ni Dr. Joycel kay Martin na nakanganga.

"A-ano... E-ex ko! Oo tama! Hahaha." Ramdam ko ang alinlangan sa boses niya.

Ano nga kaya ang pinag-usapan nila? Tungkol saan?

"Babaero ka kasi," Joycel rolled her eyes and started eating again.

Itinuon ko na ang paningin ko sa trabaho at 'di na sila tiningnan pa. Si Martin nakaupo na sa harap ni Joycel at nakikipag-usap. Minsan ay napapasulyap sa akin at ngingiti ng tudo tudo.

I chuckled because of his cuteness. Halatang nag-papapansin.

"Miss chuckie ka ba?" Biglang sulpot ng isang lalaking 'di ko kilala sa harap ko. Maputi siya at may pagkachinito. Tumaas ang kilay ko at napatingin rin sa tatlong binatang kagaya niya na nakikipaghagikhikan sa kanyang likod. Ano namang trip ng mga batang 'to?

"Bibili ka ng chuckie?" Napangiwi ako at sinuklian ang malagkit niyang mga titig. Eww.

Ngumuso siya at mas mas idinikit niya ang kanyang katawan sa counter. Napaatras ako at nagtataka siyang tinitigan.

"Miss, chuckie ka ba?" Ulit niya. Mukha ba akong chuckie? Grabe naman 'tong batang 'to?

"Syempre hindi!" Saad ko at tinaasan ng kilay silang apat. Napasinghap sila at napanganga sa harapan ko. Grabe, ang O-OA naman. Naghahanap pa ata ng kalaro sa mismong ospital, mga bata talaga.

"Miss naman, 'di mo alam ang pick up line?" Nakasimangot na sabi nung chinito.

Akmang magsasalita na ako ng biglang sumingit ang taong 'di ko inaasahang makikita ko pa ulit sa harapan ko ngayong araw.


"That's the cheapest pick up line I've ever heard."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro