Chapter 35: The Last
A/N: Guiz, may part dito na short cuts ko na. This is Marco's POV kaya nilagay ko na dito lahat ng experience niya at memories na kasama si Jergen, so kailangan talaga na magbasa kayo mula sa simula para hindi kayo maguluhan sa mga pangyayari. Thank you!
Chapter 35
Going home... Is the least thing for me to do.
Staying away from her... is making me feel so much terrified.
Thinking that she would wake up, without me by her side.
"Iho, ika-dalawampu't limang araw mo na dito. Hindi ka pa ba uuwi? Kami na ang bahala kay Jergen. Magpahinga ka na muna," Tita Maitha spoked sincerely.
The wrinkles on her cheeks slightly bothered from her face, but still her beautiful eyes made me think about my Gen. She have the same feature with her.
I brushed my hands through my hair and smiled at her to hide my tiredness.
"Don't worry about me, Tita. Pinapadalhan naman po ako ng damit ng secretary ko kaya okay lang. And..." I stopped and glanced at Jergen, who's still sleeping like a princess. Her beauty is still present as her skin gets even more paler than before. I sighed and smiled. "She's my strength. Nawawala ang pagod ko dahil sa kaniya."
I run my hand through hers and caress it softly. Her hand is burning my senses, making me feel so much relieve. Making me feel so much in love with her.
Ang boses na lang ng makina na nagpapabuhay sa kaniya ang tanging naririnig ko ngayon.
Tita might be somewhere in the room. Watching me.
I heard her light sighed and her foot steps towards me.
"Siguradong... Kapag nagising siya, ikaw ang unang hahanapin niya." Aniya na pinapagaan ang loob ko.
I smiled again and pinched Jergen's hand slightly. Habang nakangiti at nakatitig sa mga kamay naming dalawa ay hindi ko na naman mapigilang mag-init ang mga mata.
My heart begun to pained again. Thinking my mistakes. Thinking those days I've wasted without her.
"Pero iho..." Huminga ulit ng malalim ang si Tita at parang may gustong sabihin sa akin.
I waited for her reply. Nanatili akong nakatitig sa mga kamay namin ni Jergen na magkasalikop. Habang tinititigan ko ang kamay naming dalawa, naalala ko ang lahat ng kagaguhan kong ginawa sa kaniya.
"Siguradong... malulungkot siya kapag nakita ka niyang ganito. H-halos hindi na nga kita makilala, e. Namumutla ka na," ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
I shifted on my sit and silently wiped the tears that dropped through my cheeks. I gaze back at her and smiled.
"Okay lang po ako," I chuckled to maintain the atmosphere.
Hindi niya sinuklian ang ngiti ko bagkus ay umiling siya ng ilang ulit.
"Simula ng naaksidente si Jergen ay nandito ka na," hinagod niya ang braso ko.
"Twenty five days na, iho. Alam ko na binibigyan ka niya ng lakas pero... hindi sapat iyon. Tignan mo nga mukha mo sa salamin? Ang layo layo mo na sa itsura mo, iho. Hahayaan mo bang makita ka ng anak ko na ganiyan ka miserable? Baka hindi ka na niya makilala niyan." She joked.
Natahimik ako at napayuko. Huminga ulit siya ng malalim.
"Marco, iho. Huwag mong hayaang makita ka ni Jergen na ganiyan. Kilalang kilala ko siya, kapag magising man siya... at nakita ka niyang ganito. Malulungkot na naman siya."
I bit my lower lips and wipe the tears in my eyes.
"Magpahangin ka na muna. Hindi ka pa nakakalabas dito sa hospital simula ng nangyari ang lahat ng ito. Iho, nag-aalala na rin ako sa'yo." Parang kinukurot ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"Sige na, kahit doon ka na lang muna sa rooftop kung talagang ayaw mong umalis ng hospital. Ako na muna ang bahala kay Jergen." Sabay hagod niya ulit sa balikat ko. Pursigidong lumabas muna ako para makita at makalanghap ng preskong hangin mula sa labas.
I smiled and nodded.
Napatingin ako kay Jergen at dahan dahang tumayo. But before I turned my back I kissed her temple tenderly.
"Ang swerte naman ng anak ko," sabay tawa ni Tita. Dahil doon ay hindi ko na rin mapigilang umalpas ang ngiti sa labi ko.
"Mahal ko po ang anak niyo, sagad na sagad sa buto ko," I retorted while smiling wide at her.
She patted my shoulders.
"Mahal ka rin niyan, iho. Ramdam na ramdam ko."
I glanced back at Jergen.
I'll be back, My Aurora. I'll pray again for you. I'll wish to the stars, to take you back from me.
"Oh my God!" Mom cried through the phone. "Why didn't you tell me! It's already twenty five days!? That's the day we've departed! Marco!" Umiiyak na sermon niya. I can clearly hear her sobs over the phone.
I'm at fault. I'm afraid to tell her about, Gen. Noong nasa Spain ako ay si Jergen ang bukang bibig ko sa kaniya. At sa bawat pagkwe-kwento ko tungkol sa kaniya ay masayang masaya si Mama ng makilala niya ito.
And, they've met, Yes, but this happened to my Gen.
"How could you do this to me, Marco! ¡¿Por qué acabas de decir esto ahora." She cried. (Why did you just said this now?!)
Hindi ko na rin nasabi sa kaniya dahil kapag nakikita ko ang sitwasyon ni Jergen ay parang nawawalan ako ng oras sa ibang bagay.
Napalunok ako at napatingala na lang sa mga magagandang bituin sa langit. Umihip ang malamig at preskong hangin sa aking katawan. Napapikit ako sa tuwing humahaplos ang hangin sa aking mukha.
"I-I'm sorry..." The only words I muttered to her. Ang luha kong nagbabadyamg tumulo ay tinutuyo naman ng hangin.
"We're going back now!" Aniya sa galit na boses. Napahinga ako ng malalim.
"Mom, don't rushed yourself too much..."
"Yes! I know! But I can't sleep thinking about my future daughter-in-law! We'll be there, Marco. I'll call you again—What happened?" Pagkatapos manermon ni Mama ay narinig ko ang boses ni Papa.
"Bye, Baby. I'll call you later. I love you," sabi ni Mama sa paos na boses at parang hindi na pinansin si Papa.
"Yeah, Mom. Please take care. I love you too."
She hummed and ended the call.
Again, I closed my eyes and feel the night breeze. Her image begun to pop in.
How I miss her smile, her scowl, her laughs... all of her. I miss her so much.
I slowly open my eyes and welcomed the stars in the night sky, together with the moon.
The bright full moon seems so perfect today. Parang may mensahe sa akin na hindi ko naman mabasa-basa.
A smile crept within me, and started thinking about the day we first met.
"S-sorry po, Doc..." Her voice trembled.
"Sorry? Sorry for being stupid?!" I spatted angrily at her. Never minding her puppy eyes ready to drop a tears. My anger is eating my body as well as my inner system.
"H-hindi po, sa p-pagkakabangga ko po sa'yo..." Kasabay noon ay ang pag-angat niya ng tingin sa akin.
Mas nakita ko na ngayon ng klaro ang tila mala-anghel niyang mukha, ngunit may malungkot na ekspresyon.
Ang hanggang balikat niyang buhok ay dinadala ng hangin papunta sa kaniyang harapan. Halos maamoy ko na nga rin ang mabangong amoy niyon.
In that moment, I feel like a satan. Scolding a poor little angel.
Pero hindi iyon naging dahilan para pawiin ang galit sa sistema ko.
"You made my mood worse!" I cheesed off. I turned my back breathily and call for a taxi.
Nang makapasok sa taxi ay ibinalik ko ulit ang tingin ko doon sa babae kanina na nakabangga sa akin.
Kasama na niya si Joycel, isa sa mga katrabaho ko sa hospital.
My eyes lingered to her. In her tanned skin, coffee brown hair, pinkish cheeks and her slender figure. It didn't make me sleep the whole night.
"Marco naman! Bakit mo naman kasi pinatulan pa si Dr. Navarro?! Alam mo namang puro pasikat lang ang alam no'n! Nandamay ka pa ng tao!" Sermon ni Joycel.
Hindi ko na siya pinansin bagkus ay nagpatuloy lang sa pagbabasa ng records ng mga pasyente ko. Her presence is sometimes abrasive.
"Kung makasigaw ka kay Jergen kanina parang hindi mo nakita iyong takot sa mukha ng tao!" Pagpapatuloy niya.
Napatigil ako sa pagbabasa ngunit nanatili pa rin ang titig sa papel na hawak.
Mas naging interesado na ngayon dahil sa narinig mula sa kaniya.
Jergen? Her name is Jergen?
"Linisin mo ang sugat ko," sabi ko pagkatapos maghubad ng damit sa harapan niya.
Jergen Cervantes is now in front of me. Ngayon mas klaro ko na ang mala-anghel niyang mukha.
Nanlaki ang mga mata niya at parang hindi alam ang gagawin. Ang kaninang maputing kulay niya ay unti-unti nang pumupula.
"D-doc, saan mo galing 'yan?" Hindi makapaniwalang aniya at may bakas ng pag-aalala sa boses.
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang first aid na kinuha ko kanina sa c.r at nilagay sa lamesa.
"Linisin mo lang..." Ulit ko at patalikod na umupo sa lamesa ko.
"B-bakit po ako? H-hindi po ako propesyonal—" I cut her off.
"Kailangan bang maging propesyunal para manggamot ng tao?" I said.
"Nagtataka lang po ako kung bakit ako e may mga nurses naman po sa—"
"Bakit ba? At bakit ang dami mong tanong? 'Di ba pwedeng gamutin mo na lang? Hindi 'yong ang dami mo pang satsat?"
She stopped. Pinakiramdaman ko siya ng ilang saglit at ng natantong may mali na naman akong nagawa. Agaran na naman akong nilamon ng konsensiya.
"Kuya?! What's wrong with you?" Galit na tanong ni Martin pagkapasok sa opisina ko.
Tulad ng ginawa ko sa kaniya noong pinapagamot ko sa kaniya ang sugat ko, ay napagsalitaan ko na naman siya ng masama.
Tss. I hate seeing her entertaining other guys. At ang mas ikinagalit ko pa ay inunsulto pa siya ng hayop na lalaking 'yon. Could she stop being so kind?! Kung pwede nga lang basagin ko mukha ng lalaking 'yon ginawa ko na.
"Tss. Stop shouting!" I groaned.
"Bakit mo pinagsalitaan ng ganoon si Jergen?! Like she's at fault at all! It's not fair! She did not do anything —"
"Hell you care, then?" I said annoyed.
"You're too strict on her! Palagi ka bang ganito sa kaniya? She's not your employee pero pagsalitaan mo siya parang—"
"Employee ko man siya o hindi wala ka nang pakialam do'n!"
"May pakealam ako!—"
"Do you like her?!" May galit na tanong ko.
Natahimik siya. Sa ekspresyon niya ay parang may kung anong galit at inggit ang namutawi sa akin. Parang may nagsasabi sa akin na dapat kong ipagdamot si Jergen Cervantes.
Sa hindi ko malamang dahilan ay umusbong ang galit sa kaloob-looban ko.
"Martin! Kahapon mo lang nakita nagustuhan mo na agad? Ako ba ang pinagloloko mo? She's dangerous! You're dangerous! 'Di kayo pwede!" I trailed off.
Pero natanto kong ang mga binitawan kong salita sa kapatid ay sinasagot din ng sarili ko.
Kaka-meet ko lang sa kaniya kahapon tapos hindi na niya ako pinatulog. Kahit anong pikit ko ay mukha niya lang ang nakikita ko. That's so weird.
Nangunot ang noo ni Martin. Para niya akong binabasa. Tutok na tutok siya sa akin na parang anytime malalaman niya na ang sekreto ko.
"Kuya?! Ano ba ang gusto mong iparating? Pwede mo namang akong i-straight to the point e! Simpleng gusto ko siya, okay na!" He affirmed.
Those are Martin's words that keeps running through my mind. Hindi na naman ako pinatulog no'n.
Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay ang mala-anghel na mukha ni Jergen ang palagi kong nakikita. Siya lang ang tanging babae na hindi ako pinatulog ng ganito.
Nagdaan ang araw na palagi ko siyang nakikita. Halos maging habit ko na ang pagsilip sa pintuan makita lang siya na nagtatrabaho sa cafeteria.
"Birthday niya bukas. Anong plano mo?" Tanong ni Joycel sa akin.
"Nino?" Pagmamaang-maangan ko. Actually, I know the person she mean. Ayaw ko lang na baka katulad ni Martin ay mag-isip siya ng kung ano.
Dahil hindi ko pa rin naman kasi alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. Ayokong magpadalus-dalos.
Napatingin siya sa akin na may nanliliit na mata. Sa titig niya ay para niya akong inaakusahan.
"Si Jergen, bumawi ka sa kaniya. Palagi mo na lang siyang inaaway," she tsked.
Sa gabi na namang iyon ay hindi na naman ako nakatulog kakaisip sa kung paano ko siya yayayain.
Naduduwag ako. Hindi naman ako ganito dati, pero nag-iba na ngayon dahil lang sa iisang babae.
Whenever I stare at her deep brown eyes, para akong hindi mapakali. Para akong hinihigop. There's something about her na mapapasunod talaga ako.
Kinabukasan, everything went smooth. May pag-aalinlangan man ay pumayag siya. She's a shy type but I know deep inside, she have this cute attitude. A clever one.
Mas lalo ko siyang nakilala at mas lalong naging weird ang nararamdaman ko.
She's kind, thoughtful and charming.
Iyong nga lang, our first meet is so bad. Nasinghalan ko at napagsalitaan ko ng masasama. Sa tuwing naaalala ko ang malungkot niyang mukha ay dinadaganan ako ng konsensiya.
But, I always end up thinking about it with a smile. At least, nakilala ko siya. At least, medyo nagiging okay na kami ngayon.
Everytime she'll do a cute gesture, my heart begun to beat loudly inside my chest. Naging dahilan iyon para sundin ko ang sinasabi ng puso ko.
That day, I begun to do my move. Naging isa akong pursigidong manliligaw sa paraang hindi niya alam.
Pero ang inaakala kong masayang kahihinatnan ay naging mali.
"Takot ako sa'yo! Takot akong sumugal sa'yo at hindi ko alam kung bakit!" Jergen cried.
Akala ko ay naipakita ko na sa kaniya ang totoong nararamdaman ko.
Akala ko naiparamdam ko na sa kaniya ang lahat. Pero napakasakit isipin na hindi pa pala iyon sapat.
Ako ang may kasalanan, naduduwag akong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. I don't know even to myself, why.
She end up being confused. She end up being hurt. And it's all because of me, again.
Hindi kasi ako sana'y na magsabi ng nararamdaman, madalas ko itong ginagawa at ipinaparamdam.
Kung sana ay mas naging mabuti ang trato ko sa kaniya mula una pa lang, kung sana ay mas naiparamdam ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko at kung sana ay sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya... hindi na sana siya malilito pa. Hindi na sana siya magdadalawang isip pa ulit sa akin.
At kung sana... At kung sana ay inintindi ko siya. Siguro ay kami na. Matagal na sana siyang akin at nakabuo na kami ng pamilya.
But the great bastard me! The dumb me is a great coward.
Mas inuna pa ang selos kesa sa ang pag-intindi sa kaniya. Mas inuna ko pa ang selos kesa sa nararamdaman niya.
Tatlong taon akong nagsisi. Tatlong taon din akong takot na harapin siya dahil baka meron na siyang iba at napalitan ako. Cowardness.
Kahit nasa ibang bansa ako ay walang araw na hindi siya lumitaw sa isip ko.
Jergen Cervantes woke me up. Mula ng unang kita namin ay nagbago ang pananaw ko sa buhay. Ginising niya ay natutulog kong diwa. She's the only woman who made it! She won my heart instantly.
I even bought her restaurant. Dahil iyon ang plano niya para makatulong sa kaniyang pamilya. Pero dahil alam ko sa sarili ko na sobrang mahal na mahal ko na siya, hindi ko ipinangalan ang restaurant na iyon sa akin. Bagkus ay ang pangalan niya kasama ang apelyido ko ang nilagay ko sa titulo.
The name Jergen Cervantes Cullens, really suits her so much. That's how I'm crazy about her.
Sa kaniya ko napatunayan na totoo ang love at first sight.
Tched. So lame. I'm an ex-playboy but I never felt the same way to the other girls the way I feel towards Jergen.
I thought that those butterflies in the stomach and crazy heart aches are only present in romance books.
Hindi ko agad napansin na nararamdaman ko na rin pala 'yon sa iisang tao lang.
She's the only person who can make my heart race fast and furious.
She's the first person who can make me feel so much alive and grateful.
Sa kaniya ko lang naramdaman kung gaano kasarap ang magmahal.
Pero agarang bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan at naalala ang mapait na sitwasyon niya ngayon.
Her comatose state.
Ang kaninang tuwa na namutawi sa akin ay agarang nawala.
Napalitan ito ng sakit at lungkot na matagal ko ng nararanasan. Ang kaibahan lang ay mas doble ito ngayon na hindi ko na mapigilang mapaluha na lang ulit.
Iniisip ko ang mga araw na wala ako sa tabi niya. Wala ako noong umiyak siya. Wala ako noong nahihirapan siya. Wala ako noong... kailangan niya ako. Doon ako sobrang nagsisisi.
Nanghihina akong napabitaw sa railings at pinabayaan ang sarili na mapaluhod sa sahig. Bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa hikbi na lumalabas sa aking bibig.
Mula ng nangyari ang aksidente na eto ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagsisisi. Pagsisisi sa kung bakit hindi ko siya mas natutukan.
Naging dahilan iyon para mawalan na rin ako ng pakialam sa ibang bagay.
She painted my life with so many colors. And now... without her, my life feels nothing.
It's so hard to watched her sleep, fighting for her life.
Mas sumasakit pa ang puso ko kapag naalala ang huling kita ko sa kaniya na masaya at kinakawayan pa ako.
Ang sakit... sobrang sakit.
"Mahal na mahal kita, Gen..."
Tanging ang mapapait na hagulhol ko lang ang naririnig ko dito sa rooftop.
A feeling of nostalgia swept within me, while thinking about her.
Ang isiping baka ano mang oras ay mawala siya sa akin ay talagang nakakapanghina ng loob.
But before I could shout my pain away, a soft and an angelic voice came. Erasing the achy feeling within me.
"N-nawala ka...sa tabi ko..."
Agaran akong napatigil. My whole world stopped after hearing those words. Natigilan ako mula sa mapait na pag-iyak.
Nagbigay ng kuryente sa katawan ko ang boses niyang 'yon. Kuryente na sa tingin ko ay sumabog ng tudo-tudo sa kaloob-looban ko. Nagdulot iyon ng halo-halong emosyon sa akin.
Nanatili akong nakayuko, nakasabunot sa buhok at nakikiramdam sa paligid.
Dahil sa boses na iyon ay parang may nagliyab at nagpabuhay sa akin.
The breaking feeling within my heart healed immediately.
Ang luha sa aking mata ay tila tumakas at hindi na muling tumulo pa.
Everything went still. Pwera na lang sa puso kong nagbabadya na naman sa pagbilis.
Until that she spoke again, shakily.
"A-akala ko... sumuko ka na sa... p-paghihintay sa akin..." Ang boses niyang pagod at nahihirapan ay unti-unting ginigising ang tila namatay kong katawan.
Her sweet and shaky voice is reflecting a very passionate feeling gushed out through me.
Ang mga mata ko naman ay unti-unti na namang nag-iinit para sa panibagong pag-patak.
The sadness that crept within me, fade away. Excitement and happiness immediately replace it.
Gulat at hindi pa man masyadong nakakarecover ay tuluyan ng nasapawan ng tuwa ang puso ko.
Dahan dahan ay tinanggal ko ang kamay kong nakasabunot sa sariling buhok at napatingin sa kinaroroonan ng malamyos at parang galing lang sa kakagising na boses.
And there, standing and smiling proudly at me. The most beautiful maiden my eyes ever laid on. Jergen Cervantes.
Her bright eyes reflects the shining stars in the sky. Her curly wavy auburn hair starts to wave and dance with the wind. Her small kissable lips is seducting my senses to touch it's softness using mine.
My body begun to shiver as my hot tears begun to pour again. Ang luha ay hindi na sa sakit, kundi sa saya na mula ngayon ay dadalhin ko na habang-buhay kasama siya.
Beneath the stars and in front of me... Is the angel who took my world.
~~~❤~~~
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro