Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

"Anak? Kamusta ka sa trabaho mo?" Tumikhim si Papa sa kabilang linya.

Malungkot akong napayuko at huminga ng malalim.

"O-okay naman, Pa." I'm not.

"Hayy... Maging mabait ka kay Marco. Mabuti na lang at nasa kaniya na ngayon ang restaurant. Akala ko ay aatakehin ako ulit ng nalaman kong ibinenta mo ang pinaghirapan ng lolo mo, pero nagbago iyon ng malaman ko na kay Marco mo lang pala ibinenta," aniya sa masaya na boses.

Napanguso ako at tinitigan ang mga paa na naglalaro sa buhangin.

"G-gagawa po ako ng paraan para makuha iyon ulit, Pa." Nagkagat labi ako pagkatapos sabihin iyon. Napahigpit rin ang hawak ko sa cellphone na nasa tenga.

"Alam ko anak, alam ko. Huwag mo lang sanang masyadong abalahin ang sarili mo, okay na ako, Anak. Huwag ka ng mag-alala pa."

Lihim akong napangiti dahil sa sinabi ni Papa. Nagpagaan iyon sa kalooban ko sa sandaling panahon.

"Drink your vitamins and medicines, Pa. Don't forget that," ani ko at nag-angat ng tingin. Napangiti ako ulit ng makita ang mga batang naglalaro sa playground na pinagtatambayan ko ngayon.

"Oo naman. Hindi ko naman iyon nakakalimutan ano?" Parang naasar na sabi niya na nagpatawa sa akin ng mahina.

"Kayo talaga," saad ko na natatawa.

"Hala sige na anak, paparating na ang doktor ko. Mag-ingat ka ah," aniya.

"Opo, babye po, Pa."

"Sige..."

Ibinaba na niya ang tawag. Huminga ako ng malalim at umayos upo sa inuupuan ko. Mula sa direksyon ko ay may mga nakikita rin akong mag-asaw na magkasama, akay akay ang siguro'y limang taong gulang na anak. They looked so adorable. Having a very peaceful living with the person you love.

It's been one month since Marco became the new owner of my restaurant. Malungkot, Oo, pero masaya akong nakatulong sa mga magulang ko. Iyon nga lang ay may lungkot rin sa kaloob looban ko.

"Jergen?" Agaran akong napalingon sa taong pinanggalingan ng boses.

Ang kulay dilaw na kulay ng kaniyang buhik ay tila apoy na sumasayaw sa hangin. Ang kumikinang na hikaw sa kaniyang kaliwang tenga ay nakakaagaw pansin. Malalaki ang mga mata kong napatayo at napatitig sa kaniya mula ulo hanggang paa.

"N-Nethan?" Naguguluhan man ay dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Nang makarating sa kaniyang harapan ay unti unti kong inangat ang kamay ko papunta sa kaniyang pisngi.

"Sobra naman ata ang pagka-miss mo sa akin," sabay halakhak niya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at niyakap na siya ng mahigpit. I laughed with him. Naramdaman ko naman ang kamay niya na hinahagod ang likod ko. Hindi rin nagtagal ay bumitaw na ako sa yakap. Ang ngiti ay hindi na matanggal sa labi ko.

Mahigit isang taon ko na rin siyang hindi nakita, mula ng sumama siya kay Tito Simon para sa ipamamana sa kaniyang kompanya na nasa Europe. Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. His style has change.

"You've... change," hindi makapaniwalang ani ko.

"No, I'm not. Ang style ko lang," halakhak niya ulit. Hindi ko na napigilan pa ang pagpasada sa kaniya ulit ng tingin.

"Para kang gangster," pabiro kong pinagpag ang braso niya. He's wearing a black leather jacket. May nga kadena pa na nakakabit dito pati na rin sa suot niyang pantalon. So damn fashionable.

He smirked.

"Uso ang Korean style ngayon. Tinry ko lang."

"Tss. Sumasabay ka na rin pala sa panahon, mabuti ka pa," napanguso ako at napayuko. He laughed at my reaction. Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay na papunta sa pisngi ko. Nag-angat ako ng tingin kasabay ng marahan niyang pagpisil sa aking pisngi.

"Gumugurang ka na!" Aniya at parang pinanggigigilan ang pisngi ko. Napadaing ako at hinawakan ang mga kamay niyang hindi pa rin natatanggal doon.

"Nethan! M-masakit!" Sabay tampal ko sa mga kamay niya na agaran din naman niyang binitawan.

"Sorry, hindi ko lang napigilan," he laughed.

Habang nakatitig sa kaniya ay hindi ko na rin napigilan pang mapangiti. I really miss my childhood friend.

Habang inaalala ang salitang "miss" ay naalala ko agad ang mukha ni Marco.

"O-okay ka lang ba?" Ani ni Nethan.

"H-ha? Bakit naman?" Pinilit kong maging maayos ang boses ko.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at parang binabasa ang ekspresyon ko. Dahil sa titig niya ay hindi ko na napigilan pa ang mag-iwas.

"Bigla na lang nawala ang excitement mo," aniya na nakangiti.

"B-bakit mo naman nasabi 'yan?" Naiilang na sagot ko.

Huminga siya ng malalim at nagcross-arms. Para niya akong iniimbestigahan. He looked so serious right now. Si Marco lang naman ang naalala ko.

"Hoy! Ginagawa mo?" Inangat ko ang mga kamay ko at itinabon sa mukha ko. Makatitig kasi ay parang nakapatay ako o ano.

Tinanggal niya ang kamay ko mula sa mukha ko. Agarang bumungad sa akin ang nakataas kilay niyang mukha. Nangunot ang noo ko na siya rin naman niyang ginawa.

"Kapag ganiyan mukha mo, para akong nasusuka," I grimaced at him. Ngumiwi siya at tinampal ng malakas ang aking noo. Napadaing ako at akmang gagantihan siya ng strikto siyang nagsalita.

"Iyong Doctor?" Tanong niya.

"Huh?" Kunot noo kong turan.

Huminga siya ng malalim at binitawan ang mga kamay ko.

"Wala bang sinabi iyong Doctor mo? Sa'yo?" Parang naiinis na aniya.

"Ano? Wala akong doktor! Naguguluhan na talaga ako sa'yo!" Inis kong inangat ang kamay ko at nagkamot ng ulo. Para kasing tanga e.

"Si Marco?" Aniya na nagpatigil sa akin.

D-doktor ko? Si Marco? Paano ko naman siya naging Doktor ko?

"He's not my, Doctor. Wala akong sakit at hindi ko naman siya naging Doktor dati 'no? Pinagsasabi mo diyan?" Napailing ako at pinamewangan siya.

"You should learn how to read between the lines," Natawa siya at naiiling rin na napatitig sa akin. Iyong tipong dismayado. "Wala ka pa atang alam..." Dugtong pa niya.

"Saan?" Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. When it comes to Marco, bumibilis ang tibok ng puso ko.

"His reason why he left, without saying a word to you."

It made my eyes widened. His reason? Simula ng bumalik siya ay hindi pa niya sinasabi sa akin ang rason niya kung bakit siya umalis. Kung bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin... kung bakit pinaghintay niya ako hanggang sa madaling araw para lang sa wala.

"A-ano ba ang rason niya?" Wala sa sarili ko namang tanong.

Nethan made a loud sighed.

"You should hear it from him," aniya at lumampas ang titig niya papunta sa aking likuran.

Agarang nanuot sa ilong ko ang ang hindi ko malimutang amoy niya. His scent is so damn good. Siya lang ata ang may ganitong klaseng amoy. My body immediately stiffened.

"Nandito ka lang pala," aniya sa baritinong boses.

Napapikit ako at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. God, I'm so crazy about him. I'm deeply inlove with him.

Tumikhim ako at humarap sa kaniya.

"B-bakit po, Sir? May kailangan po ba kayo?" Nakangiting sabi ko.

He didn't smile back. His face is emotionless. Naghalo-halo na hindi ko na mabasa pa.

"Don't call me like that," may bahid ng inis na aniya. Naging dahilan iyon para matikom ko ang aking bibig. Natuon ang tingin niya sa kay Nethan na katabi ko lang.

"Long time no see, Marco," Nethan smirked.

Marco tilted his head coolly while looking at Nethan. Para niyang hinahamon si Nethan sa hindi ko malamang dahilan.

Well, he always like this. Kapag may lalapit sa akin ay para niyang mamaliitin sa titig. Kapag ganiyan siya ay madalas napapangiti na lang ako, minsan naman ay naiinis.

Bumaling siya sa akin. Nawala ang pagkakaunot-noo niya at magaan na napatitig sa akin. His soft eyes lingered on me. Bigla na namang magbago.

"Nabored ka ba sa office mo?" Aniya sa malamyos na boses.

I want to smile. I want to giggle. Palagi na lang akong kinikilig kapag ganito siya. Mas lalo ko pa siyang minahal.

"H-hindi naman..." Napalunok ako at napayuko. Kanina lang ay malungkot ako.

"May problema ba?" Tanong niya ulit.

Mabilis akong umiling at napatingin kay Nethan. Nakataas ang kilay ni Nethan at parang natatawa na napatitig sa akin.

"Ahmm... Alis na muna ako, Nethan," itinaas ko ang kamay ko at awkward na nagpaalam sa kaniya. Saktong pagtalikod ko ay nagsalita si Nethan.

"Akala ko ba sasabihin mo lahat pagkabalik mo?" Asar na sabi ni Nethan, tinutukoy ata ay si Marco. Huminga ako ng malalim at nilampasan si Marco.

"I'm still waiting for the good timing. Hindi pa tamang oras para sabihin ko ang—"

"Seloso ka kasi e," Nethan tsked after he cut Marco's words.

Bakit parang mag-usap sila ay tropa tropa lang? As far as I remember medyo mainit ang ulo nilang dalawa dati kapag nagkakaharap. Nagkita kaya sila noon sa ibang bansa? Did they meet?

"Who the fucked would not be jealous? You just... You just... Arrghhh!" Kahit na alam kong medyo malayo na ako sa kanila ay dinig na dinig ko pa rin ang mga sinabi ni Marco. He sounds so pissed. I really want to looked back at them, pero hindi ko na ginawa.

Tumawa lang si Nethan at may iba pang sinabi na hindi ko na maintindihan.

"Fuck you!" Marco cursed. I didn't know what Nethan said panay na kasi ang pagtawa nito, naramdaman ko na lang ang presensya ni Marco sa likuran ko.

"Hey, a-are you tired?" Humahangos na aniya.

Sinulyapan ko siya saglit at umiling.

"Why are you here?" Tanong niya.

"Nagpahangin lang."

"Nababagot ka ba sa loob ng restaurant?"

"Medyo, hindi mo kasi ako pinapayagan na mag-wait," sabay nguso ko.

Nang naging owner siya ay naging mas strikto pa siya sa akin. Talo pa niya tatay ko kung pagalitan ako. Natatakot raw kasi siya na maulit-ulit iyong pambabastos sa akin. He's so protective.

"Pinapayagan naman kita e, basta nakaaligid lang ako sa'yo."

"Para kang aso. Hindi pa ako masyadong nakakapag-usap sa costumer dahil para mo nang kakagatin," naiiling kong saad.

"Off course! Ang iba sa kanila ay para ka nang hinuhubaran sa titig—"

Nanlalaki ang mga mata akong napatigil sa paglalakad at napabaling sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"They are just costumers! Kailangan ko pa rin silang pakisamahan!"

"Really? You're the owner but you wait? Oh c'mon—"

"I'm not the owner, Marco. Ikaw na ang owner ng restaurant ko," inis na sabi ko.

"Ako pala?" Um-acting siyang nagulat at parang ngayon lang nalaman ang katotohanan.

"Wala kang amnesia, Sir," idiniin ko ang huling salita. Pagkatapos kong sabihin iyon ay kumurba ang kilay niya sa inis.

Gusto kong matawa sa sandaling ito. He's so handsome.

"Don't. Call. Me. Sir." May diing aniya.

"You're my boss. Kailan pa naging maarte ang masungit at aroganteng doktor na nakilala ko?"

"Hindi 'yon pagiging maarte. M-may idinudulot lang na kakaiba sa akin ang endearment na 'yon, k-kapag ikaw ang nagsasabi," he frowned. Para siyang nahihiya o ano.

"Ano naman?" Hamon ko. Namumula ang tenga, leeg at pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin at inis na nagkamot ng ulo.

I smiled thinking about him. Sa mga nagdaang araw na palagi ko na siyang nakikita ay nagiging komportable na ako sa kaniya. Masaya akong unti-unti nang nawawala ang takot ko. Masaya akong mas minahal ko pa siya ng tudo. Ewan ko ba, parang nakakasanayan ko na rin ang asarin siya.

Iyon nga lang ay may natitira pa rin. Nalulungkot ako sa tuwing naalala na ganito niya ako tratuhin gayong wala namang kami.

"Ano nga? Sir?" Ani ko sa malambing na boses. Inaasar siya. Natatawa kasi ako kapag naiinis siya at namumula.

"Jergen!" Mariin siyang napapikit at nagkamot ulit ng ulo. Madalas din siyang humihinga ng malalim.

"Sir?" Ani ko ulit, bahagyang natawa. Napabaling siya sa akin, tila pagod at namumungay ang mga mata. Kitang kita ko rin ang bawat paglunok niya. Nagtataas baba kasi ang Adams Apple niya. He look so sexy.

Dahil sa naisip kong iyon ay agarang nag-init ang pisngi ko.

"You turned me on... so much." He said and bit his lower lips in a seductive way.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagdaloy ng init sa aking buong katawan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro