Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26

Gulong gulo akong umuwi ng bahay. Halos manginig ang buong katawan ko habang naghuhubad ng damit at nagpapalit ng pajamas. Wala ako sa sariling napahiga sa kama at tulala na nakatitig sa ceiling.

Ilang ulit ko na siyang tinawagan. Ilang ulit ko na rin siyang tinext. Pero ni isa... Wala siyang sinagot.

I'm so worried. Hindi ko alam kung asan siya, hindi ko alam kung anong lagay niya. I don't want to ask Joycel, nililihim ko kasi ang lahat.

I took a deep breath and sighed heavily. This is so damn hard! Hindi ako mapakali.

Sumakit ang bagay sa bandang dibdib ko kasabay ng pagdaloy ng luha sa aking mata. Unti-unti kong inangat ang aking kamay at dinamdam ang dibdib ko.

Bakit ang sakit?

Sabi niya magme-meet kami ng six pm! Pero bakit nagalas-dose na lang ay hindi siya dumating?

I bit my lower lips as my sobs are coming out from my mouth. I place my left hand on my eyes. Stoping the drop of tears, but didn't even do anything.

Ang sakit... Sobrang sakit.

Nag-aalala ako! May nangyari bang masama sa kaniya? Naging busy ba siya? Napagod ba kaya umuwi na lang at natulog kaya hindi na nakasipot?

Kung busy siya... pwede namang sabihin sa akin e. Kung napagod naman, pwede niya rin namang sabihin sa akin e. Okay lang ang ganoon. Okay lang... Okay lang...

Huminga ako ng malalim at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata.

"B-bakit?... Bakit naman a-ako umiiyak?" Mas lalong sumakit ang dibdib ko pagkatapos sabihin iyon. I'm just asking myself, but I made it even worse. Nang napansin kong napapalakas ang hagulhol ko ay kumuha ako ng unan at itinabon sa aking mukha.

I hate this feeling, damn!

"How do I
Get through one night without you
If I had to live without you
What kind of love would that be..."

Natigil ako sa pag-iyak at agarang napaupo sa kama.

"Oh, I, I need you in my arms, need you to hold.
You're my world my heart my soul.
If you ever live."

Napasinghap ako at tumakbo papunta sa bintana. I open my window and saw the blurry lights from my neighborhoods window.

Anong oras na ba? Naiiling akong lumapit sa bedside table ko at umiingos na tiningnan ang oras sa cellphone.

It's still 2:37am. Bumalik ulit ako sa bintana. Kumuha ako ng upuan at umupo doon habang nakatitig sa kalapit lang na bahay.

Bakit naman kaya napaka-aga gumising ng kapitbahay?

Naalala ko ulit ang hindi pagsipot ni Marco. The pain creaked in my heart again. Sa tingin ko ay hindi pa ako patutulugin ng sakit na 'to.

"And tell me now...
How do I live without you
I want to know
How do I breath without you
If you ever go
How do I ever... Ever survive...
How do I... How do I... oh how do I live"

Tangina! Iyon pala ang lyrics no'n? What song is that? She can't live without him? Gaano ba niya kamahal ang lalaki na parang buong buhay niya ay ibinigay na niya dito? The message of the song has been running through my mind. At habang naalala ko ang kanta ay ang mukha naman ni Marco ang nakikita ko.

My tears are forming for another heartbreaking drop again.

This is so difficult. I let out a heavy sighed again. Tumayo ako at bumalik ulit sa kama. Habang pinapakinggan ang kanta galing sa aswang naming kapitbahay. Tss. Bakit ba naman kasi nagpapatugtog ng hating gabi?

I bit my lower lips, while hugging my pillow. I'm sure naman na may dahilan si Marco kung bakit hindi siya nakarating. Whatever his reason is... iintindihin ko. Iintindihin ko.

Magkikita rin naman siguro kami bukas. I should calm myself first. I'm so tired and exhausted.

Hindi rin naman nagtagal ay unti-unti ng kinakain ng dilim ang paligid ko. Dreamland is welcoming me to sleep.







"Anak! Jergen!" Naalimpungatan ako dahil sa paulit-ulit na sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto. I groaned.

I pulled another pillow and tightly hold it near my ears.

"Jergen! Ano ba! Alas nwebe na! Hindi ka pa ba maghahanda diyan?" Sigaw ulit ni Mama habang kumakatok. I groaned and pull myself to sit on the bed. Still eyes close, I grasped my hair and stretch my arms widely.

"Jergen! Lintik!" Sigaw ulit ni Mama.

"Opo... Maghahanda na," I said lazily. I really want to go back to dreamland pero kung ganito na naman bunganga ni Mama,  huwag na lang.

Dahan dahan kong tinanggal ang kumot na nasa katawan ko at umalis na sa kama.

While making my way to the bathroom my phone suddenly beep continuously.

Nagising ang diwa ko at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng cellphone. My phone is beeping behind my bed.

Tinitigan ko ang cellphone at dismayadong sinagot ang tawag. Si Missie lang pala. I thought it's Marco. Hayy, sorry Missie.

"H-hello?" Tumikhim ako at hinilot hilot pa ang lalamunan. Kakagising ko lang kaya medyo pangit ang boses ko.

"Hala? Kakagising mo lang?" Aniya.

"Oo e, bakit?"

"Magkita tayo sa restaurant mo ngayong alas-onse. Sasama rin si Dra. Joycel, doon na lang tayo magkita," ma-awtoridad niyang saad.

"Ha? Ahh...o sige, maghahanda na ako." Sabay kuha ko ng suklay sa gilid ng kama at sinuklay ang magulo kong buhok.

"Sige, babye! Love you..." I smiled at her words.

"Bye, love you too."

Nakangiti kong ibinaba ang tawag at pumunta na sa closet ko. Kumuha ako ng tuwalya at nagpasyang maliligo na lang muna. Akmang isasarado ko na ang closet ng biglang nahulog ang card na bigay ni Marco sa akin dati.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napuno na naman ng kakaibang pakiramdam. Dahan dahan kong pinulot iyon at nagdadalawang isip kung babasahin ko ba ulit.

Señorita Hermosa

Nakangiti kong hinaplos ang unang mga salitang bumungad sa akin. That's the first words written in the card. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin no'n, pero napakasarap ulit-uliting basahin.

I twitched my lips and decided to read it later. I'm in a hurry. Ibinalik ko ulit sa closet ang card at naligo na rin. Umabot pa ng isang oras ang paghahanda ko bago nakababa na sa sala.

I saw my father reading on his newspaper while sipping in his coffee. He's comfortably sitting on the couch near our TV.

"Papa! Magandang umaga!" Nakangiti kong saad at dinungaw si Mama sa kusina.

"Tanghali na," sabay higop niya sa kanyang kape. Umupo ako sa kaharap niyang sofa at inayos muna ang mga gamit sa dadalhing handbag. "Anong oras ka nakauwi kagabi?" Aniya sa mapang-usisa na tono.

Napatigil ako sa ginagawa at nagkagat labi na napatitig sa kaniya.

"H-hating gabi na po..."

Tumaas ang kaliwang kilay niya at nagtataka na napatitig sa akin.

"Sinong kasama mo?"

Napalunok ako at nagdadalawang isip sa sasabihin.

"Si M-Marco... Pa," yumuko ako ulit at inabala ang sarili sa handbag. Marco became close to them since that day. Kung ibang pangalan ang sasabihin ko ay baka magtanong pa siya ng marami. Kung si Nethan naman ay ang alam nila busy-ing busy ito, pero 'yun pala ay naglalakwatsa lang. Tss. Kailangan kong i-change ang topic.

"Hinatid ka ba?"

Sumikip ang dibdib ko dahil sa tanong niya. Nag-aalinlangan man ay dahan dahan akong tumango habang nakayuko pa rin na nakatitig sa dalang bag. Shit! Ano ba itong ginagawa ko?

"Mabuti naman, pero bakit parang hindi na masyadong nagpupunta ang batang 'yon dito?" Mariin akong napapikit dahil para akong kinakatay sa tanong ni Papa. Why is this all about Marco? Sa tuwing naalala ko siya ay naaalala ko rin iyong kagabi na hindi siya sumipot!

"B-busy po, Pa. Maraming trabaho." I immediately closed the zipper of my bag and stood up to go to the kitchen.

"Sabihin mo kapag may time, bumisita rin dito minsan," sabay mahina niyang tawa. Nakatalikod na ako sa kaniya kaya hindi niya nakikita ang bahagya ring pagngiti ko. I'm happy that my father likes Marco.

"O-opo," kagat labi akong pumunta ng kusina at nadatnan si Mama na nagluluto ng pancake. Huminga ako ng malalim at lumapit na sa mesa. Napanguso ako ng maalalang galit ata ito sa akin dahil kanina.

"Mama?" Lambing ko.

"Ano?" Masungit niyang saad na mas lalong nagpataas ng nguso ko. She's mad. Right.

"Sorry kung natagalan ako sa paggising. Inaantok pa rin kasi ako e."

"Aba'y ang tagal mo kasing nakauwi kagabi! Sinong kasama mo?"

"S-si Marco, po."

"Hayy naku, sige na, kumain ka na diyan," sabi niya habang nilalagyan ng pancake ang plato ko.

I bit my lower lips again as I watch my mother filling my plate.

I'm so damn guilty! Pero... tama namang si Marco ang kasama ko... sana e. Sana kasi hindi naman siya sumipot.

Lahat palang talaga ng sinabi ko sa kanila ay purong kasinungalingan. Bakit ba naman kasi si Marco ang sinabi ko? Eh hindi naman siya dumating? Shit! Ang hirap ng ganito. Mababaliw ako.

"Okay ka lang ba?" Ani ni Mama. Nag-angat ako ng tingin at sinundo ang nag-aalala niyang titig sa akin.

Nagpilit ako ng ngiti. "Okay lang, Ma."

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Para niya kasing binabasa ang isip ko. She knows me well. Malalaman niya agad kung malungkot, masaya o galit ako. But, I'm thankful that she didn't say anything and just shrugged.

Konti lang ang kinain ko dahil parang nawalan ako ng gana. Lumilipad ang isip ko kay Marco. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o ano.

"Ma, Pa, alis na po ako," sabi ko pagkatapos magsuot ng sandals. Itinerno ko ang black sandals sa suot kong black spaghetti strap dress.

"Ingat ka ah," ani ni Papa.

"Opo!"

"Ingat sa byahe, Jergen," si Mama.

"Opo, Ma!"

Habang palabas na ng gate ay inaayos ko rin ang buhok na bahagyang tumatabon sa mukha ko. Tiningnan ko rin ang oras.

10:30am pa kaya siguradong makakarating ako doon sa tamang oras. Ako kasi iyong klase ng tao na takot sa salitang late. Kapag on time, dapat talagang handa.

Nagpara na ako ng taxi at sakto namang may napadaan. Mahigit dalawampong minuto rin ang tinagal ay nakarating na ako sa restaurant.

"Good morning, Ma'am." Bati ni Anjie sa akin. May dala siyang tray at siguro kakaserve niya lang.

I smile at her and greeted her back. Napansin kong wala pa silang Joycel at Missie kaya pumunta muna ako ng office. Ngunit hindi pa man ako nakakaupo sa aking upuan ay may kumatok na sa pinto ng office ko.

"Pasok." Saad ko habang inaayos ang mga papeles na nasa mesa. Pumasok si Josam na nakasuot na ng apron at sumbrero na pink.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas." Aniya.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya.

"Sige, pupunta na ako."

Tumango rin siya at nagmamadaling lumabas ng office. Sinuklay ko muna ang medyo nagulo kong buhok bago nagpasyang lumabas at harapin ang mga kaibigan.

Saktong paglabas ko naman ay nakita ko agad ang kinaroroonan nila. They are sitting near the window, facing the beautiful mountains.

"Hi!" Bati ko sa kanila bago umupo sa kaharap na upuan nina Missie at Gavin. Katabi ko naman si Joycel na nakangiti na at parang nakakarecover na rin.

"Nag-order na ba kayo?" Tanong ko habang naghahanap ng pwedeng i-order sa menu.

"Yup!" Missie joyfully answered. Nagtaas lang ng kamay si Joycel tanda ng pag-oo. Tumango ako at napatitig kay Missie.

"Bakit pala kayo napunta dito? Parang biglaan naman ata?" I closed the menu and hand it to the waiter. Sinabi ko na rin ang order ko bago siya umalis.

"Well, magpapaalam na muna kami ni Gavin. Titira na muna kami sa ibang bansa," nakangiting aniya na nagpalaki ng mga mata ko. Gavin beside her just smile.

"What?! Why so sudden?" Nagtataka ko namang sabi. Ang bilis! Kakatawag niya lang kanina tapos ito pala bubungad sa akin.

"Hala siya! Hindi naman diretso talaga eh 'no? Mga sa susunod na buwan pa!" Aniya.

"Nakakagulat ka naman kasi e," nakanguso kong sambit at umayos ng upo.

"Mabuti nga siya nagpapaalam pa ng maayos. Eh si Marco?" Naiiling na saad ni Joycel. Kunot noo naman akong napatitig sa kaniya. Naguguluhan.

"Bakit? A-asan ba siya?" Gulat ang alam kong nakabakas sa mukha ko ngayon. Unti-unti namang umusbong ang kakaibang pakiramdam sa kaloob-looban ko. What did she mean by that?




"Umalis siya ng bansa kagabi. Umuwi siya ng Spain. Hindi ko alam kung babalik pa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro