Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

"How are you feeling?" Ani ko kay Joycel. She's sipping from her cappuccino while sitting on her bed. Kakarating ko lang dito sa bago niyang condo.

"Still... The same?" Sabay tawa niya. I didn't give any expression to her. I know she's still in pain. She's just doing her best to look fine, when actually she isn't.

Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kaniyang kama. Pinasadahan ko ng tingin ang buong condo niya. Lihim akong napangiti ng makitang magaling siyang pumili ng mga kulay at mga antiques na babagay sa kaniyang kwarto. Nakalagay naman sa maganda at tamang lugar ang mga importanting gamit. Hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya para lang kahit saglit ay malimutan ang nangyari kay Josh.

It's been one month since Josh disappearance and Marco's compromise.

Marco and I are still doing our best to cope up to each other. I'm still scared on sacrificing my heart to him. Hindi pa talaga ako handa na magmahal. Ewan ko ba? Dahil ba ito sa kakapanood ko ng k-dramas at pagbabasa ng mga romance books? Na inihahalintulad ko na sa totoong buhay?

I silently chuckled at my own thought. That's totally crazy.

Basta, ang alam ko lang ngayon ay talagang hindi pa ako handa. I should focused first on my dreams and my future. If Marco can wait, I'm willing to welcome him in my life. Susubukan ko muna ang hamon niya sa akin. Better be it. It's survival of hearts then.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Babalik siya, hindi man ngayon basta manalig lang tayo sa panginoon. Just be strong," She smiled and nodded.

Napahinga ako ng malalim at hinila siya bahagya para bigyan ng mainit na yakap. May mga tao ring nangangailangan sa kaniya, alam kong makakaya niyang tumayo ulit ng hindi na masasaktan. Babalik din ang dating Joycel, sigurado ako diyan.

"Asan ka?" Saad ni Marco habang nasa kabilang linya. Saktong kakalabas ko pa lang sa gate ng condong tinutulayan ni Joycel ay tumawag siya.

"Pauwi na, kakagaling ko lang sa condo ni Joycel," sabi ko habang pumapasok na sa naparang taxi.

"Can we meet?"

Natigilan ako ng marinig ang malamyos at malungkot niyang boses.

"Sige, saan?"

"Sa Starbucks, hindi ka ba busy?"

I smiled.

"Hindi naman, kailan ba? Anong oras?"

Tumikhim siya at parang mas inaayos ang boses.

"Mamaya, six pm," aniya sa malamig na boses. Nagtataka man ay ipinagsawalang bahala ko na lang. Huminga ako ng malalim at tumango.

"Sige, kita tayo doon. Bye," kagat labi akong napayuko habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Bye, ingat. Just text me kung nakauwi ka na. I miss you," he responded.

I silently chuckled. Para na namang nagda-drums ang puso ko. Pero kahit kaya niyang patambulin ang puso ko, ewan ko ba kung bakit takot pa rin ako.

"Yeah... ikaw din, ingat." Malaki ang ngiti kong ibinaba ang tawag. 

This past few days ay hindi na kami madalas magkita. Busy kasi siya palagi sa sariling hospital. May malaking problema raw na kinakaharap. Pero kapag kasama ko naman siya parang hindi ko napapansin. Kapag kasi kasama niya ako... Feel ko nasa akin lang talaga ang lahat ng atensyon niya.

Ngayon nga lang ay nakakapagtaka. Ngayon lang siya naging ganoon kapag kausap ako sa telepono. Ramdam ko ang lamig sa boses niya na hindi ko mabasa. Ngayon lang din siya tumawag para lang sabihing magkita kami. Kapag kasi nagyayaya siya ay palagi niya akong sinusundo.

Simula noong masinsinang pag-uusap namin ay malaki na ang pinagbago niya. Madalang na lang siyang magsungit. Iyon nga lang hindi pa rin nawawala ang pagka-bossy at arrogante niya minsan. Pero kahit na ganoon, nagpapasalamat pa rin ako dahil unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandyan siya. My feelings for him became more rugged. I just hope na mawala na ang takot kong mahalin siya.

Sa mahigit dalawampong minutong byahe ay nakarating na rin ako sa bahay.

"Anak! Pumunta si Nethan dito kanina, hinahanap ka," salubong ni Mama sa akin. Nakasuot siya ng kulay pula na roba habang sinusuklay ang buhok. 

"Bakit daw po?" Tanong ko habang sinasarado ang gate.

"Gusto ka raw niya makausap tungkol sa restaurant, pero sinabi ko na nasa bahay ka ng kaibigan mo at baka mamayang hapon ka pa uuwi. Hindi ko naman alam na napaaga ka pala. Pero sinabi niya namang babalik na lang siya dito bukas ng umaga," mahaba niyang sabi.

Marahan akong tumango at napanguso. May problema kaya sa restaurant na hindi ko napansin? Tutok naman ako doon ah. And as far as I know, there's nothing wrong with it. Baka may idadagdag lang na sasabihin.

"Kumain ka na ba ng lunch?" Aniya.

Inayos ko ang dalang slingbag sa balikat at naglakad na papunta sa loob ng bahay.

"Tapos na po, Ma. Magbibihis na lang po muna ako at babalik na sa restaurant."

"Hala sige, wala pala ang Papa mo. Nasa kina Simon, pinapahanda na ang mansyon. Kailangan na raw kasing lipatan."

Tumango na lang ako at dumiretso na muna sa kusina. Kakatapos ko lang kumain kina Joycel, pero parang nanghihingi pa rin ang sikmura ko kaya kumuha ako ng isang piraso ng hotdog.

Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos maligo ay inayis ko muna ang kwarto ko dahil medyo nagiging makalat na. Ako lang kasi ang naglilinis ng kwarto ko. Kapag si Mama ang naglilinis ay halos kalahati ng gamit ko ang nawawala, dahil kapag sa tingin niya ay hindi importante ay tinatapon na nalang niya agad.

Habang sinusuklay ko ang basa kong buhok ay panay naman ang isip ko para sa damit na susuotin. I'm sure Marco will be very well clean! Wala atang oras na hindi siya nagiging gwapo sa paningin ko. Sabayan pa ng mabango at nakakaakit niyang amoy na talagang hindi ko makalimot-limotan. I giggled at my own thought.

Kapag kasama ko siya ay nakakalimutan ko palagi ang oras. Gabi-gabi ko rin siyang naiisip at halos maging panaginip ko na rin. Shit!

Sa mga babaeng nagkakagusto kaya sa kaniya? Ganito rin ba ang mga nararamdaman nila? Tss. Definitely yes! That's Marco! Stupid self.

Napahinga ako ng malalim at nakiramdam muna sa paligid. Bakit kaya nagkikipagkita si Marco? Hindi naman ito ang unang beses na nag-aya siya, iyon nga lang ay nagtataka ako sa boses niya. He's a bit cold. Parang may lungkot rin na hindi ko maintindihan. Kakaiba lang talaga. Sobra.

Napailing ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Mamimili na lang muna ako ng damit na susuotin. I'm sure may makikita ako dito sa Closet ko.

As I scanned my dresses on my closet my phone suddenly beep. Kinuha ko eto ng kunot noo at binasa ang text message na galing kay Marco.

Doctor Kwak²:

Nakauwi ka na ba? You didn't reply. I'm worried.

Ibinaba ko muna ang kulay asul na dress at nagtipa ng isasagot kay Marco.

To Doctor kwak²:

I'm sorry, nakalimutan ko. Oo, nasa bahay na.

Kinuha ko ang damit na napili at isinuot na. It's an off shoulder floral dress na hanggang upper knee ko lang. Pinaresan ko ito ng red Studded Leatherette Sandals, naglagay na rin ako ng konting lip gloss sa labi at foundation para sa mukha. I glanced at myself in the mirror and giggled at my own reflection. This would be fine.

Kinuha ko ulit ang cellphone na namamahinga sa bedside table ko. Wala ng reply galing sa kaniya. Nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng pulang handbag sa tabi ng mga damit ko.

Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako sa sala para magpaalam kay Mama.

"Alis na po ako, Ma."

Nasa kusina siya at naghuhugas ata ng plato. Napatigil siya at napatingin sa akin. Pinasadahan muna niya ng tingin ang katawan ko bago tumigil sa mukha ko.

"Sige, Ingat ka ah."

I smiled to her and waved my hand."Opo, babye po."

Masaya akong lumabas ng bahay at pumara na ng taxi. Hanggang sa makarating na sa restaurant ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

Maraming bumati sa akin kadalasan mga waitpersons nitong restaurant. I smiled to them too and greeted them back. Magagaling silang lahat humandle at talagang maasahan. Sa halos isa't kalahating buwan ko dito ay unti-unti na rin akong nakakarecover. Marami na akong natutunan at sa tingin ko ay kakayanin ko ng iangat ito na ako lang mag-isa. Thanks to Nethan. Without him, baka matagal na itong lugmok.

Pumasok na ako sa loob ng office ko at umupo na muna sa swivel chair. I guess, hihintayin ko na muna na dumaan ang oras bago pumunta ng Starbucks.

Habang dumadaan naman ang oras ay unti-unti akong nabobored sa kakaupo lang. Tumayo ako at lumabas na muna para tulungan ang mga waitpersons. Tanghali kasi kaya medyo marami-rami ang mga costumers.

Kumuha ako ng pink na apron at pink na sumbrero sa locker. Ito ang uniform dito sa restaurant. I find this cute and adorable. Pagkalabas ko ay halos natigilan ang mga waitpersons ko. Ngumiti lang ako at lumapit na sa counter.

"Anjie, kaninong order 'to?" Sabay turo ko sa kakalapag lang na pagkain na nakalagay sa tray.

"S-sa table 14 po, p-pero si Jan na lang po ang bahala diyan Ma'am. Baka madumihan kayo," puno ng alinlangan niyang saad.

"No, ako na. I can do this. Nabo-bore na rin kasi ako e," I smile once again and take the order to the said table.

Pagkalapag ko sa pagkain ay may tumawag pa sa akin para sa panibagong order. Everything went well kahit na minsan ay nag-aalinlangan ang mga waitpersons ko. Iniisip siguro nila na nakakahiya na ang amo pa nila ang kasama nila mag-wait. I want them to know that we're equal. Gusto kong tratuhin nila akong pantay, iyong walang mataas na nakapagitan.

Pagod na pagod ako pagkatapos ng ilang oras na walang tigil sa kaka-serve ng pagkain. Ganito pala kahirap ang mag-wait. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil kahit konti ay nabawas bawasan na rin ang mga kumakain at hindi na masyadong busy.

"Ma'am? Tubig po para sa'yo," nakangiting saad ni Josam sabay abot ng mineral water sa akin.

"Oh, thank you." Kinuha ko ito at agarang ininuman. Pinagpapawisan na rin ako pero kakayanin pa naman siguro para mamaya. Magpeperfume na lang ako para hindi masyadong mangamoy sa harap ni Marco.

Akmang tatalikod na si Josam ng tinawag ko ulit siya.

"Josam? Anong oras na ba?" Sabay lapag ko ng bottled water sa kaharap na mesa. Iniangat niya ang kamay na may relo at tinitigan.

"5:47 pm na po, Ma'am."

Nanlaki ang mga mata ko at halos maibuga na ang tubig na nasa bibig pa. Tumayo ako at nagtanggal ng apron at sumbrero.

"Thanks!" Ani ko bago siya tinalikuran. He just smiled and hug his tray watching at me.

Nagmamadali akong pumasok sa office at nag-ayos muna ng sarili. I put a better perfume and fix my messy hair. Nang masiguradong okay na ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at umalis na papuntang starbucks.

Mahigit sampung minuto lang din ang byahe kaya agaran din akong nakarating. It's not that far from my resto.

Habang naglalakad ay panay rin ang hinga ko ng malalim. Kinakabahan kasi ako na ewan. Naghanap ako ng bench na medyo malapit lang sa bukana ng starbucks para kung maghahanap si Marco ay makikita niya ako agad. Nang makahanap na ay umupo na ako roon.

Hindi pa rin ako nakakarecover mula sa pagod sa pagwa-wait kaya siguro pinagpapawesan ako ng malamig.

The cold air hugged my upper body. I immediately place my hands in my shoulders and rub it continuously. It's getting colder. Ber month na rin kasi at malapit na ang pasko. Siguro ang lamig na dumadaloy sa kalapit na bansa ay pumupunta na rin dito.

Habang palinga-linga sa paligid ay nakita ko sa 'di kalayuan si Nethan. Mag-isa lang siya at palinga-linga rin. Akmang iaangat ko na ang kamay ko para mapansin niya, ay nakita na rin niya ako.

He smiled and run towards me. Tumayo ako para salubungin siya.

"Jergen!" Pagkalapit niya ay agaran niya akong niyakap ng mahigpit. Napatili pa ako ng medyo inangat niya ako.

"Hoy! Ano ba? Para namang ilang taon tayong hindi nagkita niyan," sabay tawa ko.

"Ewan ko rin, basta feel kong yakapin ka ngayon," mahina ko siyang pinalo sa braso kasabay ng pagtawa naming dalawa.

Nalaman ko na hinahanap pala niya ang pinsan niya raw. Pero halos kalahating oras na siyang nag-iikot pero hindi pa rin niya nakikita.

"Baka nandyan lang 'yan, nag-eenjoy," ani ko.

"Tss. Minsan pahamak din ang isang 'yon," sabay buntong hininga niya.

"Sasamahan sana kita e, pero may hinihintay pa ako."

"May ka-date ka?" May konting bahid ng pang-aasar niyang banggit na siyang ikinatawa ko.

"Wala 'no, baka may sasabihin lang."

"Hmm, sige. Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa restaurant. Kailangan ko na ring umalis, gumagabi na."

"Paano ang pinsan mo?"

"Bahala na siya," sabay halakhak niya. Pinalo ko siya sa braso.

"Ang sama mo naman."

"Tss. Hindi kaya, matanda na siya kaya kaya na noya sarili niya." Sabay tayo niya. Tumango ako at nginitian siya ng napakalapad.

"Bye!" Saad ko.

Inangat niya ang kamay niya. Akala ko ay magpapaalam na siya pero hinila niya ang ulo ko, at hinalikan ako sa noo. Napasinghap ako at napatitig sa kaniya. Gulat at walang masabi.

"Bye!" Humahalakhak siyang tumakbo papalayo sa akin. Gusto ko pa sana siyang batukan pero sa layo niya ay hindi ko na ginawa.

Tangina talaga ang isang 'yun. Siraulo. Natatawa akong napailing at bumalik ulit sa pagkakaupo sa bench.

Nang nawala si Nethan ay parang natahimik sa paligid. Pinagmamasdan ko na lang ang mga taong dumadaan at madalas palinga-linga sa bulto ng mga tao. Nagbabakasakaling makita si Marco. Still waiting for him.

I yawned as I open my phone. Pangsampung beses ko na ata itong tingin sa cellphone ko. Pasado alas-otso na rin. Lumalamig na at parami na rin ang tao. Dahil gumagabi na ay gumaganda na ang ilaw sa Starbucks.

I take deep breath and think about him. Baka may ginagawa lang si Marco. Maiintindihan ko naman iyon dahil nasa hospital siya at mas kailangan siya ng mga pasyente.

Dumaan ang alas-nwebe. Panay na rin ang text at tawag ko sa kaniya. Pero walang reply at hindi niya naman sinasagot.

Sa bawat minutong lumilipas ay umuusbong na rin ang kaba ko. Para akong mahihilo sa kakaisip kung bakit ang tagal niya. Sana naman walang nangyaring masama.

Napagdesisyunan kong maghintay pa ng isang oras. By ten uuwi na rin ako. Pagod na pagod na kasi ako at nagugutom na rin. Alam kong darating siya. Baka busy lang kaya, natagalan. Maraming dahilan at kung ano man ang dahilan niya, iintindihin ko.

I've waited until 11:38pm. But I ended up being a hopeless case. I think my heart just scorch all of a sudden. Nagdulot iyon ng sakit na kumalat sa kalooblooban ko.






Umusbong ang takot sa buong sistema ko. Takot sa kung anong dahilan at hindi siya sumipot sa usapan namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro