Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Jergen's POV

"Ha?! Bakit 'di mo agad sinabi sa'kin?" Nakangusong saad ni Missie.

"Sorry na..." Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang hinilot hilot. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa pag-alis ko dito sa hospital at sa paglipat ko sa binigay na restaurant ni Lolo. Mas malaking tulong iyon sa akin kesa sa kita ko dito.

"Nakakatampo ka naman! Dapat kapag mag-aapply ako sa restaurant mo, tanggap ako diretso ha?!" She keep her serious face but I finally chuckled at her.

"Oo!"

"Double pa sweldo ko ha?" She suggested. Pabiro ko siyang pinalo sa braso.

"Ngina mo, bankrupt bagsak ko kapag ganyan. Basta, anytime welcome na welcome ka do'n." Ani ko.

"Libre mo muna ako," sabay halakhak niya.

"Sure! Isama mo na mga kamag-anak mo."

"Ang yabang!" And then we laugh.

We shared our happy time together at nag-ayos na para sa pag-uwi. Alas-syete na rin kasi at nasa labas na raw ang boyfriend niya.

"Pahingi ng number mo, Missie. I'll call you kapag ready na ang lahat." Kinuha ko sa dalang sling bag ang cellphone.

"H'wag mong ipamigay ha?" Sabay irap niya at kuha na rin ng kanya. Nagtataka akong napabaling sa kanya.

"Bakit ko naman ipamimigay? E may jowa ka na, akin dapat ipamigay mo."

Umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Talaga? Okay lang ipamigay? Suss! Saktong sakto, maraming tambay sa harap ng bahay namin. Madalas mag-madjong!" Aniya at humalakhak pa. I grimaced at what she just said.

"Baliw! Subukan mo lang talaga!"

Parehas kaming napahalakhak habang tinatahak ang daan palabas ng hospital. Pagkatapos magpalitan ng numero ay agarang nakuha ang atensyon ko. My heart hammered repeatedly that causing it to produced pain.

"See you tonight, Marco. Magmadali ka kung saan ka man pupunta ngayon," sabi no'ng babae na palaging bumibisita sa kanya.

Nasa parking lot sila ngayon. At nasa bukana naman kami ng entrance nitong hospital. The girls hand is on Marco's arms. Hinahaplos ito at parang kinukurot pa.

"Tss, just go." Saad ni Marco, sinabi niya iyon ng nakangiti at parang nasisiyahan pa sa ginagawa no'ng babae sa kanya. I mindlessly rolled my eyes in annoyance. Tila tinakasan na naman ng tuwa ang puso ko.

Ganun? May pa- "I'm interested with your daughter" pa siyang nalalaman sa harap ng Papa ko? Alam ba niyang sa simpleng pakikipag-usap niya lang sa akin para nang sasabog ang mundo ko? Alam ba niyang sa bawat paghahatid niya sa akin ay parang mas tumatatag ang namumuong pag-asa sa puso ko? Ang galing niyang magpaasa ah. Salute.

Magiging biktima pa ata ako ng salitang "PINA-ASA" ngayon. Tangina.

Mabibigat ang hininga na sinundan ko si Missie papunta sa Boyfriend niyang nag-aabang sa kanya sa harap ng sasakyan nito. Malapit lang ang pinag-parkingan ni Gavin ng sasakyan kina Marco kaya sureball na napansin na nila kami.

Nagpilit ako ng ngiti habang tinitignan sina Missie at Gavin na magkayakap. Ang sweet naman, parang nananadya ata 'tong dalawang 'to e. As I was about to say goodbye to the both of them ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Jergen?" Agad akong lumingon sa kinaroroonan ng boses. I immediately stiffened and scanned him from head to toe. He's familiar. His body built, his moreno skin and broad shoulders. Binalikan ko ulit ang mukha niya at napanganga ng makita ang maliit na scar na nasa bandang kaliwa ng kanyang noo.

"Nethan?" I said, still not sure. Nethan is my Highschool classmate, bestfriend ko na rin. He's Uncle Simon's  son, 22 years old. Balita ko isa na siyang Accountant ngayon. But still, I'm not sure kung siya nga ito.

"Wow! Yeah! Ako nga si Nethan. You've change!" Tuwang tuwa na aniya. My eyes suddenly widened. Napatakip bibig ako at tuwang tuwa na nagtitili papalapit sa kanya. I immediately hugged him, talagang 'di ko napigilan ang saya ko. He's my bestbud after all, at mahigit 3 years na kaming 'di nagkikita. Ang kaninang sakit ay konti na lang. Kung hindi dumating si Nethan baka hanggang ngayon, bagsak pa rin ang nguso ko.

"Ang gwapo mo na! Sipunin ka pa dati ah?! Anong ginawa mo?" Mangha kong saad at bumitaw sa yakap. Nakanganga ko na siya ngayong inexamin. 'Di ko akalain na dito pa kami magkikita! Ang galing!

"Ano ka ba?! Gwapo na ako dati pa, Mas naging gwapo lang talaga ngayon," aniya at ginulo ang buhok ko sa ulo na siyang nagpatawa sa akin.

"Baliw ka pa rin!" I stopped and scanned him again. Nang makita niya na tinititigan ko siya ay ibinuka niya ang kanyang mga kamay at umikot.

"Mas gumwapo pa 'di ba?" Aniya.

Pabiro ko siyang pinalo sa balikat. "Mas pumanget ka pala, mali 'yung narinig na gwapo kanina, nadulas bibig ko."

"Sira!" He cackle and pinch my cheeks slightly. Mahina kong pinalo ang kamay niya at akmang magsasalita pa ng may bumasag sa mundo naming dalawa.

"It's getting late, I'll take you home." Ani ni Marco sa seryoso na tono. Umurong ang saya na naramdaman ko kanina lang at napalitan ng kaba. Bumalik sa isipan ko ang narinig na usapan nila kanina no'ng babae niya.

Napatingin ako kay Nethan na nagtataka na ngayon at parang nagtatanong. I twitched my lips and confronted Marco.

"Ahmm, h'wag na Marco n-nahihiya na ako sa palaging paghahatid mo—"

"Akala ko ba alam mo na kung ano ang isasagot ko sa mga ganyan mo?" Aniya sa malamig na tono. I can see that his eyes were cold and heated, dark and intense. His usual expression whenever his pissed or being arrogant.

Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng matagpuan ng mata ko ang kulay asul at nakakapang-akit niyang mga mata. Kumalabog ang dibdib ko. I can't believe he literally has this kind of effect on me. Iyong paraan ng panlalamig ng paligid ko na walang kinalaman sa hangin, iyong pagkikiliti sa tiyan ko at pagbundol ng kaba sa dibdib ko.

Bago pa ako magising sa katotohanan ay hinila na niya ako papalapit sa sasakyan niya. I gasped and tried to pull my hands from him.

"Marco! May kausap pa ako."

Tumigil siya at mariin akong tinitigan.

"Sino ba siya?" May bahid ng galit ang boses.

"Kaibigan ko siya."

"Malapit na magalas-otso, magagalit ang papa mo," napasinghap ulit ako ng hatakin niya ako ulit. Malapit na kami sa sasakyan niya ng may humila pa sa kaliwang kamay ko. Napadaing pa ako ng medyo nahila ako ni Marco bago napatigil.

"Kinakausap ko pa si Jergen. Huwag kang bastos." Napalingon ako kay Nethan na madilim ang titig kay Marco.

"Ahh, N-Nethan bukas na lang tayo—" hindi ko natapos ang sasabihin.

"Bitawan mo siya bago pa kita masapak," Bumundol ang kaba ko sa mga salitang binitawan ni Marco kay Nethan.

Napatakip bibig si Missie ng makita ko siya sa malayo. Nasa likuran niya ang boyfriend niya at nagtataka na napatingin sa amin.

Bakit parang napaka-intense ng nangyayari sa pagitan ng dalawang 'to? Kung may kuryente lang sa linya ng mga mata nila ay kanina pa akong tusta.

"Bakit bigla mo na lang siyang hinila? Nag-aral ka ba ha? Alam mo 'yong salitang manners?" Nangmamaliit na saad ni Nethan. Matagal ko ng kilala ang isang 'to kaya alam ko na nagpipigil lang siya ng galit. Alam ko kapag galit siya, nanununtok bigla.

"How about you? Did you even go to school? It looks like you can't afford it." And then Marco smirked. Napasinghap ako at natauhan sa ginagawa nila. I pulled my both hand from them and decide to go home... all by myself.

Una kong hinarap si Nethan.

"N-Nethan, I'm so sorry, bukas na lang tayo mag-usap ah. Medyo pagod na rin kasi ako e tsaka baka wala na akong gagawin bukas ng tanghali. Aasikasuhin ko kasi sa umaga ang papeles ko para umalis na dito. Baka free ako bukas ng tanghali pwede na. Okay lang ba?" Nahihiya kong sinabi. Naku naman talaga, bakit pa kasi nahantong sa ganito?

"O-okay, sige bukas na lang. Susunduin kita dito bukas. Nalaman ko kasi kay Papa na dito ka nagtatrabaho kaya dumiretso na ako dito at sakto namang nakita kita. Siguro kung wala lang epal makakapag-usap pa tayo ng matagal. Tss." He rolled his eyes and shook his head. Kagat labi naman akong napabaling kay Marco na agarang nagtaas ng kilay sa akin habang nakalagay ang mga kamay sa bawat bulsa.

"Sige ah, sorry talaga. Babawi ako bukas." Nakanguso kong sabi. He glanced at me and plastered a smile on the face. Ginulo niya ang buhok ko.

"Babawi ka talaga bukas," aniya at pinasadahan ng masamang tingin si Marco. Napansin ko 'yon kaya minabuti kong matapos na 'to. Tumango ako at nag-wave na sa kanya. Tanda ng pagpapaalam.

"Bye!" Pahabol ko pa ng tumalikod na siya at pumunta na sa sasakyan niya. Bago siya pumasok sa sasakyan ay sinamaan niya ng tingin si Marco. Napailing-iling na lang ako at nang makitang nakaalis na si Nethan ay siya naman ang hinarap ko.

"Let's go home—" I interrupt him immediately.

"Hindi na, next time na lang kapag wala ka ng pupuntahan pa pagkatapos akong ihatid. Alam kong may naghihintay pa sa'yo pagkatapos, ayaw kong makadisturbo," Nginitian ko siya at tumalikod na. Wala kaming label pero ang bibig ko, makapagsalita parang meron na. Sobrang nakakahiya na minsan.

"Jergen wait!" Dinig ko pang sigaw niya pero 'di ko na siya hinarap pa.

Nang makalapit na ako sa kinaroroonan nina Missie ay akmang dadaanan ko na lang sila pero nag-aya si Missie na ihatid ako pauwi.

"Kung 'di ka susunod sa amin, baka habulin ka pa niya at pilitin pa. Okay lang namang pilitin ka niya pero sa tingin ko ay wala ka sa mood kiligin ngayon," ani ni Missie at napapasulyap pa kay Marco.

"Baka gabihin kayo sa daan, malayo ang bahay ko at baka matagalan kayo sa pag-uwi."

"No, it's fine with me. Bonding na rin namin ni Miss kapag natagalan sa byahe kaya okay lang," napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Missie pagkatapos sabihin 'yon ni Gavin.

Tumango na lang ako at pumayag sa alok nila, dahil sa tingin ko ay wala na rin akong choice. Natatakot akong magjeep kapag gabi. Umupo ako sa backseat habang si Missie naman ay nasa frontseat. Ini-on niya ang aircon at napabaling sa akin.

"Huwag mong tingnan girl, mas lalo kang masasaktan." Misssie smiled and focused on the road.

Habang papaalis ang sasakyan ni Gavin sa parking lot ay nanatili si Marco do'n. Nakatayo... at malungkot na nakatingin sa paglayo namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro