Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17

Marco's POV

"What's with the face? Ei? " Joaquin give out a teasing look. He's smirking like a monster. How pathetic.

"Nanya Biz," I rolled my eyes at him and drink the vodka, not minding it's soreness in my throat. It gives me chills and relaxation whenever I feel so knotty.

"Kakabahan talaga ako kapag babae 'yan," he smirked.

"Sort of." Ibinaba ko ang bote ng alak kasabay ang malakas na paghagalpak na pagtawa ni Joaquin. He covered his mouth while laughing crazily. I shook my head and just shifted on my seat while looking at those drunk people dancing on the dancefloor.

"Sino 'yan dude! Model? Artista? Anak ng presidente? Wow!" 'Di makapaniwala niyang saad. "Akala ko tatanda kang binata!"

"What are you talking about?" Kunot noo ko siyang binalingan at sinamaan ng tingin.

"You just said that it's about a girl right?"

"I said 'sort of, I didn't say it is. May iba pa akong dahilan—"

"It's the same! 'Yun pa rin 'yun. So..." Bahagya siyang umusog palapit sa akin. "Sinong babae? May facebook? Instagram? Twitter?"

Inis ko siyang sinipa sa paa at tinitigan ng masama. "Gago!"

He laughed and call a waiter to serve us another drink. Sana pala 'di na ako nagpasama sa isang 'to. Drinking here is not really good idea in the first place. I just came here because he's my friend and the owner of this bar, akala ko may VIP room para sa akin pero occupied na raw lahat. It's pretty annoying here, maraming napapatingin sa direksyon ko. I don't like open space kapag nasa ganitong lugar, pero dahil sobrang badtrip ay wala akong nagawa. B*llshit.

"Relax, kaya ka nagkakaproblema ng ganyan ay dahil 'di ka masyadong nakikihalubilo sa mga babae e.  You should learn how to flirt back! It's simple dude."

"I should prioritize my patients than flirting, Joaquin. Buhay ang hawak ko kaya buhay ang uunahin ko."

"Dude, you should also think about yourself. You're turning 30, tatanda ka ng binata," he laughed again and drink on his Maraho Agnus.

"I don't care. Mag-iimbak muna ako ng pera bago mag-asawa." I open another bottle of vodka and drink straight to it.

"You're f*cking rich man! Ano pa ba ang gusto mo?" Tila naguguluhang aniya.

Nagtiim bagang ako at ibinaba ang vodka sa mesa. "I don't know."

"Tss. You poor thing." He shook his head disappointedly and drink again on his bottle.

I let out a huge sighed and grasp my hair, slightly messing it. The loud bangs of the speakers didn't even help to ease my problem.

Not when her image began to pop in.

I shooked my head problematically. I, even myself can't understand what I really feel towards this someone.

"When she's around, I feel really weird," saad ko na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ni Joaquin. Inangat niya ang ang kanyang bote at bahagyang itinuro sa akin, hudyat na magpatuloy ako sa sasabihin. Huminga ako ng malalim at napahilamos ng mukha gamit ang kaliwang kamay. "Is this... you call..
ahmm..." I groaned. 'Di ko matapos tapos ang sasabihin. Kinakabahan ako kapag naiisip ko ang salitang iyon, paano kaya kung sabihin ko na?

"Love? Like? Crush? Infatuation? Saan ba d'yan? Actually it's base on you pa rin dude e. Example, 'di ako mapakali kapag 'di ko nakikita si Aiyenna tatlong beses sa isang araw, marinig ang boses niya limang beses sa isang araw at mayakap siya ng sampung beses sa isang araw. 'Yong tipong 'di ka kompleto kapag 'di siya nakikita. And that's love for me. Mahal ko si Aiyenna kaya ganun ang reaksyon ko. Madalas din akong magselos kapag nakikita lang siyang may kausap na ibang lalaki na 'di ko kilala o naiiritahan ako. Like that dude, but still it depends on you." He retorted.

I slightly bent and think about what he just said. He's right it still depends on me, though all he just said is like mine. Nakakaramdam ako ng inis kapag may nakikita akong nakikipag-usap kay Jergen na lalaki. Madalas rin akong lumalabas sa opisina para tingnan siya sa counter at tingnan sa malayo. Madalas din akong nakatitig sa cellphone habang tinitingnan ang number niya. I already memorize her number.

Is this still normal? Nasa apat ba na binanggit ni Joaquin ang nararamdaman ko sa kanya?

May mga nakakasalamuha naman ako dati noong nag-aaral pa ako. But not as strong as this. Maybe that time, kapag may nakikita akong natitipuhan kong mga babae ay... Crush lang? Because the impact is not hard and strong like this.

I can open up easily at her. Whenever she's around I feel like to do anything just to be with her. My protective side is also showing when she's around.

Do I like her?...




Jergen's POV

Mas naging matiwasay ang nagdaang araw para sa akin. Everything went well and inspiring, lalo na at palagi kong nakikita si Marco. Mula umaga, tanghali at hapon.

Sheteng kalabaw talaga! Kapag nakikita ko siya sa tingin ko ay wala na akong hahanapin pang iba. Pero minsan, nasasapawan din ng ibang pakiramdam ang sistema ko. I always spot this beautiful girl, madalas nagpupunta sa hospital at nagtutungo sa opisina ni Marco. Sa nagdaang isang linggo, 'yan lahat ang nararamdaman ko. Masaya, malungkot, dismaya... selos?

Kung sa salitang selos, wala akong karapatan pero 'di ko lang talaga maiwasan. I always end up thinking about them. Kaano-ano niya naman kaya yun? Sabi niya 'di naman daw niya girlfriend, nor cousin?

"Ang balita ko, nililigawan 'yan ni Dr. Marco. Sa gandang 'yan? Naku, bagay na bagay kay Dr. Marco," saad ni Yssa nang mapadaan sa harap namin ni Missie, kausap ang isa rin sa katrabaho namin si Nana. Halatang nagpaparinig, ang lakas kasi ng bunganga.

Parang may biglaang sumabog sa kaloob-looban ko na nagpawala sa akin ng gana. 'Di ko maiwasang mapatitig sa babaeng papasok ng hospital, nakahigh heeled boots, nakafloral dress at may bitbit na paper bag. Nakasulat pa doon Mcdo. Pakimbing-kimbing siyang pumasok sa office ni Marco, 'di na nga kumakatok halatang welcome na welcome palagi.

"Nililigawan? May nanliligaw bang lalaki na siya pa ang nilalapitan ng babae araw-araw? Parang 'yong babae ang nanliligaw ah? Atsaka... 'di sila bagay. Halerrr, saang tindahan naman kaya ng mga chismosa 'yan nakalap?" Agaran kong siniko si Missie dahil sa biglaang pagsabat niya kay Yssa. Dumaing siya at inosenteng kumuha ng ulam sa plato ko. Naghahanap pa ata ng gulo ang isang 'to, madadamay pa ako. Letche.

"Anong sabi mo?!" Ani ni Yssa sa galit na tuno.

Nagpatay malisya si Missie at papikit-pikit matang napabaling kay Yssa. "Sorry ah, 'di kasi kita narinig... paki-ulit?"

Marahas na napabuga ng hangin si Yssa at pabagsak na nilagay sa mesa ang kamay at sa harap ko pa talaga. Taas kilay namang ngumunguya si Missie at nakikipagtitigan kay Yssa. Tumikhim ako at akmang pipigilan na sila ng naunahan ako ni Yssa.

"Ang sabi ko anong problema mo!" Sa gulat ko sa sigaw ni Yssa ay agaran akong napabaling sa paligid. May mga nakatingin na sa direksyon namin. Shit talaga!

"T-tama na... sa labas nalang tayo mag-usap—" naputol ang sasabihin ko.

"Pang one thousand eight hundred thirty four ka sa mga problema ko! Ang dami kaya kung gusto mong manghingi, bibigyan naman kita. Para kang kung sinong siga. Tss." Missie muttered angrily at Yssa.

"Tss. Pinagtatanggol mo lang ata ang kaibigan mong feeling. Totoo naman ang sinabi ko, nililigawan ni Dr. Marco ang babaeng 'yun. H'wag kasing masyadong assuming, naawa lang ang doctor kasi mukhang pulubi kaya pinapasakay na lang pauwi. H'wag mong lagyan ng malisya ang lahat. Tss. Tayo na nga Nana." Napalunok ako habang pinapakiramdaman ang paglayo nina Yssa at Nana sa mesa namin. Akmang susugurin pa ni Missie si Yssa ng agaran ko siyang hinila paupo ulit sa upuan niya.

"Ano?! 'Yon lang 'yon!? Masasanay 'yon e! Kaasar!"

"Pabayaan mo nalang muna..."

"Girl! 'Di ako kagaya mong okay lang ang lahat. Ikaw pinapatamaan e! Inggitera talaga ang bwisit na 'yun. Ilibing ko 'yun ng buhay e! Kainis!"

Patuloy ang pagdada niya habang kumakain. Ako naman ay parang nilayasan ng kaluluwa. Kumirot ang bagay na nasa bandang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ulit ang opisina ni Marco. Bigla itong bumukas at lumabas si Marco. Nakangiti siya at parang may pinag-uusapan silang nakakatawa no'ng babaeng sumunod sa kanya. Habang nakikipagngitian siya do'n sa babae ay agaran ding dumapo ang tingin niya sa akin.

My body immediately stiffened. Matagal bago ko inalis ang titig ko sa kanya.

"Missie, mauna na muna ako sa'yo ah, cr lang ako." 'Di ko na hinintay ang sasabihin niya at agaran na akong tumayo dala ang tray. Bumibilis na rin ang hininga ko hanggang sa dumating ako sa kitchen. My sweat is pouring rapidly in my temples.

Huminga ako ng malalim at pinaypayan ang sarili.

At habang pinapaypayan ang sarili ay may narealized akong bagay na sana ay dati ko pa alam. This is totally difficult at the same time dangerous.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro