Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Dedicated to: wintertelle hi po Miss A.💞 nimimiss na kita. Stay safe ka po always💕

----------------------------------------------------

Chapter 16

"Tinawagan kita," saad ni Marco na naging dahilan nang paglingon ko sa kanya. "Pero, 'di mo naman sinasagot." He keep his eyes on the road while saying those words in a serious manner.

Napaawang ang bibig ko at agarang hinalukay ang cellphone sa sling bag na dala. I simply open my phone and gasped at the 30 text messages and 20 missed calls. It started at 6:03 pm. At lahat galing sa kanya.

"I-ikaw ang binigyan ni Dra. Joy ng phone number ko?" Awang ang bibig na saad ko sa kanya. Naalala ko ang binanggit na grumpy doctor  ni Dra. Joy dati. At 'yung nagtext ng " . " 'di ko naman inaakala na siya yun e, at bakit niya naman 'yun gagawin?

Tumango siya at pansamantala akong sinulyapan. I bit my lower lip and silently read his messages.

-Where are you?

-This is Marco.

-Bakit 'di mo sinasagot tawag ko?

-Malapit ka na mag-out, ihahatid kita pauwi.

-Mag-usap tayo.

-What's wrong with you?

-Busy? Answer your phone please. I'm worried.

-ANO BA!

Bahagya akong natawa sa naka-capslock na "Ano ba." Kahit sa text ramdam ko ang galit at irita niya e. Lahat ng sumunod na text ay puro answer your phone, busy ka? at etc...

"Bakit 'di mo sinasagot ang mga tawag ko?" Aniya na nasa daan ang atensyon at madilim ang tingin. Galit ba siya?

"Na-silent mode ko kasi e. Sorry."

Napayuko ako at pinakiramdaman siya ng ilang saglit. Bakit ganito? Agad na naman siyang nagbago, may bipolar disorder ba siya?

"Next time, don't silent your phone. What if there's an emergency? Paano kung napaka-importante ng tatawag sayo? Like... your family, friends. Kung naiistorbohan ka naman, you can just put it on vibration mode. No need to silent na parang wala kang pakialam kung may tatawag o ano." Sermon niya.

"'Di ko naman kasi akalain na may tatawag o magtetext sa akin. Sina Mama at papa kasi 'di naman sila nagtetext sa akin kapag working hours at tsaka telephone lang meron sa bahay. At 'di sila mahilig tumawag," napanguso ako pagkatapos sabihin iyon.

"And why are you walking alone in this f*cking night?! Didn't you know that crimes is active nowadays? What if you've been kidnapped? Or being..." Kitang kita ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa manubela. Nangungugat ang kamay niya habang mariin na nakahawak dito. He cursed and take a deep breath.

"Walang mangyayari sa akin, kahit babae ako alam ko namang depensahan ang sarili ko."

"Oh yeah? I'll take you home from now on."

"Ano?!" Tumaas ang boses ko at nagtataka na napatitig sa kaniya.

"That's not bawal, it's not against the law so I'll take you home after work from now on."

"Why are you being kind to me by the way?"

"'Di masamang magbago."

"Masama 'yun kapag masyadong mabilis! Ang supla-suplado mo dati tapos biglang ganito? Sininghalan mo ako tapos bigla mo nalang akong inaya na makipaglunch sa birthday ko pa at bakit bigla—"

"'Di nga masamang mabago 'di ba? Do I really need to explain why I suddenly change? Does change needs explanation? Jergen, dapat nga matuwa ka pa, maliban sa magulang ko at kay Joycel... sa'yo lang ako nagkaganito." He stared at me in a furious way. He stopped the car and focused on me.

Bagsak ang panga na napatitig ako sa kaniya. My breath started to slow down as my heart beats starting to run fast and wild. Cupids arrow just hit me again.

Nagulat ako, pero... mas kinabahan ako sa 'di ko malaman na dahilan. His last words, keeps repeating through my mind. Ayokong bigyan ng malisya pero... iba ata ang rumihestro na ibig sabihin sa isip ko.

"A-anong ibig mong sabihi—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sigaw ni Papa mula sa labas ang narinig ko.

"Anak! Ikaw ba 'yan? Lumabas ka nga!" Umusbong ang taranta sa sistema ko dahil sa sigaw na iyon ni Papa. Dahil sa taranta ay agarang napahiwalay ang titig ko sa kay Marco. I hurriedly went out to his car and run towards our wood gate where my father is watching the car at my back. 'Di ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay.

My fathers face frowned at Marco ng sa tingin ko ay lumabas ito dahil sa malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan.

"P-pa! B-bakit nasa labas pa kayo? Tara pasok na po tayo, madilim na tsaka baka magkasakit kayo kasi malamig na dito na sa labas—"

"Sino 'yang kasama mo?" He cut me off. Sa kaba ko ay iba iba ang lumabas sa bibig ko na 'di na maintindihan. Papa glared at me tila napansin na niya ang pangungutal ko. Bakit nga ba ako nauutal at kinakabahan?! Tengene!

"Good evening Sir," bahagya pang nagbow si Marco, nagpapahayag ng respeto kay Papa.

"Sino ka iho?" tanong ni Papa. Bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di ko na naman alam na dahilan. Is it because Marco is in front of my father? Wala namam sigurong sasabihing masama si Papa e.

"Ahm papa, isa siyang—" he cut me off again.

"Siya ang tinatanong ko Jergen..." Bumaling siya kay Marco. "Sino ka iho? Kaano-ano mo si Jergen?"

I gulped hard. Napatingin ako kay Marco na matiim akong tinititigan. He smirked at me. Napakagat labi naman ako at nag-iwas ng tingin. Bakit bigla bigla nalang siyang ngingiti? Kinilig ako dun! Kaloka.

"I'm Marco Cullens po, and I'm Jergen's friend."

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Friend. Yeah. Friend. My heart felt a sudden ache at that.

Shit! Ano ba itong pinag-iisip ko? Friend lang naman talaga 'di ba?

"And I'm really interested with your daughter," dugtong niya.

Nanlalaki ang mga mata at gulat akong napatitig sa kanya. A-ano?

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Papa na mas lalong nagpakaba sa akin pero mas nanatili ang nagtataka kong titig kay Marco. What is he doing?!

"DOCTOR ka talaga iho?" amaze na amaze na sabi ni Mama habang sinasalinan ng tubig si Marco. "Ilang taon ka na ba?" dugtong pa niya.

"I'm twenty nine na po, malapit nang tumungtong ng thirty this August 13," Nakangiti naman niyang sagot habang pasimpleng napapatingin sa akin. 

Patikhim-tikhim ako habang paulit-ulit na umiinom ng tubig sa baso. Si Papa naman ay prenteng nakaupo sa kanyang upuan kaharap si Marco at umiinom ng kape. Si mama naman ay nakaupo sa tabi ni Marco na katabi ko naman.

"Ilang taon kang nag-aral para d'yan sa kurso mo?" Tanong ni Mama.

"10 years po," pormal na saad niya.

"Hayy, itong si Jergen pangarap rin niya na maging Doctor pero dahil mahirap ang buhay pinili nalang ang Business Administration, mabuti nalang talaga at magagamit na niya ang kurso niya dahil biniyayaan siya ng restaurant ng lolo niya. Aalis na rin siya sa hospital na iyon para pangalagaan ang restaurant. At least mas mapapanatag na talaga ako ngayon," ngiting-ngiti na saad ni Mama. 'Di naman pagiging Doctor ang gusto ko, nurse 'yun.

"Really? Aalis ka? Kailan?" Baling ni Marco sa akin. Napatitig si Papa sa amin at napatigil ang baso ng kape na hawak niya sa ere. Napalunok ako at naiilang na binalingan si Marco.

"Baka next week, o kaya sa sa susunod na buwan," sagot ko.

He just stared at me. Parang 'di niya nararamdaman ang presensiya ng mga magulang ko sa paninitig niya. Bakit na naman ba siya ganito? Ang dami ko talagang tanong kapag kasama siya.

"Just tell me when so that I can help you to make it easier, okay?" He's smiling so wide that even my knees are about to burst out. His blue eyes is so dazzling. Its eating my inner senses that all I could think is him and... my feelings for him.

Exag man isipin pero, sa tingin ko ay may plano siya. And I can really feel it.

Kung ano man iyon,  ipagdarasal ko na sana ay makabubuti 'yun sa akin at hindi nakakasama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro