Chapter 15
Shout out to: Musheco Hi po Miss A. Uwuu guiz she's one of my favorite author💞 check out her stories too.
----------------------------------------------------
Chapter 15
"Talaga bang 'di ka sasabay sa amin? Okay lang naman e, tsaka 'di naman kami masyadong nagmamadali ni Gavin," ani ni Missie sa akin.
"Hindi na talaga Missie, okay lang ako." I smiled while giving her my assuring look.
"Parang 'di na talaga kita mapipilit pa ah," she pouted. "Sige, kita nalang tayo bukas." Ngumiti siya at kumaway sa akin bago pumasok sa sasakyan ng boyfriend niya. Tumango ako at kinawayan nalang siya pabalik.
Pinagmasdan ko ang sasakyan nilang papalayo sa akin. Mayaman ang pamilya ng boyfriend ni Missie, tagapag-mana raw ito ng kompanya at talagang magaling din sa negosyo. Pinilit na rin siya nitong tumigil sa pagtatrabaho dahil kaya naman daw siyang buhayin nito pero daglian niya itong inayawan. Ayaw daw niyang umasa dito at baka ano ang isipin ng mga magulang nito kapag pinabayaan niya lang. Ang boyfriend daw niya ang kailangan hindi ang pera nito kaya nagtatrabaho din siya para narin may pantustos sa pang-araw araw.
Napangiti ako sa kawalan habang iniisip ang sitwasyon ni Missie. Kahit na may pagkamakulit siya minsan talagang mapagkakatiwalaan naman. She's one of a kind. Mabait, caring, mapagmahal at minsan sadista. May pagkakapareho rin sila ni Dra. Joycel.
Habang hawak ang bag na nakapulupot sa braso ay palinga-linga rin ako sa paligid, naghihintay sa dadaang tricycle o jeep man lang. Ang rason kung bakit ayaw kong sumabay kina Missie ay dahil masyado nang gabi at malayo layo ang bahay nina Missie kesa sa akin. At isa pa do'n nakakahiya, kaya minabuti ko nalang na e-reject ang offer nila ng boyfriend niya.
Tiningnan ko ang orasan na nasa palapulsuhan at napahinga ng malalim. Pasado alas-otso na pala. Bahagya kung inangat ang kaliwa kong paa at hinilot hilot iyon dahil ramdam ko na ang pangangalay, mabuti nalang talaga at walang mga lamok dito masyado sa waiting shed na pinagtatambayan ko. Ayaw ko namang umupo dahil baka makaligtaan ko ang mga sasakyan na paparating kaya mas minabuti ko nalang na tumayo at maghintay.
Lumapit ako sa may haligi ng waiting shed at sumandal doon. Napapahikab narin ako dahil sa pagod o 'di kaya dahil na rin sa inaantok na. I already ate at the canteen, maaga akong ginutom kaya kumain na ako doon.
Umabot pa ng labinlimang minuto ang paghihintay ko at nagtaka kung bakit wala na masyadong dumadaan na sasakyan. I tooked a deep breath and rub my shoulders with my both hands. It's getting late and colder. Manipis na jacket ang suot ko na kahit katiting ay walang naitulong sa napadaang malamig na hangin. My hands are starting to tremble dahil sa lamig.
Tinitigan ko ang kamay kong nanginginig at may naalalang tao. This is... getting worse.
Napabuga ako ng hangin at natawa dahil sa kahibangang na-iisip. Bakit siya agad ang naalala ko? Ganun na ba talaga ka grabe ang nararamdaman ko sa kanya? Grabe, bakit ang bilis ko naman ata masyado mahulog? 'Di tama 'to.
Nagpasya akong maglakad nalang muna hanggang sa may makitang sasakyan para diretso na pauwi. No choice ako kung maghihintay lang ako doon hanggang sa maghating-gabi, delikado na rin at baka may mga masasamang tao na bigla nalang akong ki-kidnapin o ano.
Habang dinadama ang panggabing lamig ng simoy ng hangin ay panay rin ang haplos ko sa sariling mga palad at braso. Nagbabakasakaling maibsan ang lamig at makapag-focus. Bakit ba kasi wala ng masyadong dumadaan? 'Di pa naman masyadong gabi ah. It's still 8: 48 pm.
Habang diretsong naglalakad ay 'di ko mapigilang kabahan sa daanang napapalitan ng dilim. Medyo malayo ang lamppost at may iba na papiyok-piyok na ang ilaw. It's creepy but I still keep going. No need to think nonsense ang akin lang ay gusto ko ng makauwi.
Dumaan ang pagsisisi sa sistema ko dahil sa pag-reject ko sa offer nina Missie. Its just that, natatakot akong makaabala sa kanila. Yeah right, minsan nawawala rin ang kapal sa mukha ko.
Palinga-linga ako sa likod at sa unahan nagbabakasakaling may sasakyan na paparating para makasay at makauwi na, pero bigo pa rin ako. Nothing passed by here. Bakit ganito?
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang paulit-ulit na busina ng kotse na nasa may likuran ko lang. A sudden fear came across me. Bigla nalang akong natuod at 'di na nakagalaw sa kinatatayuan. Kung kanina ay wala akong pangamba, ngayon sa tila tinakasan na ng ispiritu ang katawan ko.
Wala naman akong napansing sasakyan kanina ah, bakit may biglang sumulpot sa likuran ko? At bakit niya ako binubusinahan? Nasa gilid na ako oh! Tengene! Bulag ata ang driver nito e. Baka kidnapper na 'to? 'Yong nagbebenta ng laman loob ng tao? Yuckk! Kaloka!
Malakas na pagsarado ng pinto ang nagpatigil ng hininga ko. 'Di na rin ako gumalaw at ginamit ko na ang lahat ng powers ko para matuod. I closed my eyes firmly. Huhuhu... tatakbo na ba ako? Ngayon na ba? Nafifeel ko kasi na papalapit na sa direksyon ko ang taong—
"Hoy!"
"Nyeta!" Napatalon ako at agarang napaluhod sa sahig. Sino ba namang tarantado 'to? Agarang nanginig ang kamay at tuhod ko kahit na nakaluhod at pikit na pikit ang mata. H'wag ka lang talagang kidnapper! Wala kang makukuha sa atay ko! Pati na rin ang puso ko! Matagal ng wasak, winasak ni Marco Cullens! Tengene.
"Nagulat ka ba talaga o nagpapacute ka lang?" Puno ng sarkastiko ang boses na narinig ko sa likuran. The voice is also familiar, very familiar. Kung pabango lang 'to aba'y amoy na amoy ko.
Dahan dahan kong tinanggal sa aking mukha ang mga kamay at nilingon at taong nagpakaba sa akin ng tudo tudo. He stood at my back, parang model lang sa Asia's Top Model. Nagkacross-arms at matalim na titig ang ginagawad sa akin. Ang kapal rin naman talaga nitong sungitan pa ako na siya naman ang nanggulat!
I took a deep breath before standing proud infront of him. Nawala na ang takot ko e. Nagtaas ako ng kilay at inayos sa pagkakalagay sa braso ang sling bag na dala.
"B-bye!"
Padabog ko siyang tinalikuran. 'Di parin talaga ako makaget-over sa panggugulat niya. Syempre ang fresh pa kaya no'n, wala pang 1 minute.
"It's getting late, I'll take you home."
Tila nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig mula sa kanya. Napatigil ako at nag-isip muna kung papayag ba o hindi ng bigla ulit siyang nagsalita.
"You're not in the movie to think what to answer. Better you like it or not I'll take you home," pinal na aniya.
Napanganga ako at agarang napaharap sa kanya. Akmang pagsasalitaan ko na siya ng binuhat niya ako pa-bridal style. Napatili ako dahil sa ginawa niya.
"Ano ba! Ibaba mo nga ako!"
"You're too slow."
"Marco, ano ba! Sasama na nga ako e! Bakit may pabuhat buhat pa?"
"Ang bagal mo kasi."
"Tinagalog mo lang e!"
"Ang ingay mo."
"Ibaba mo nga ako! Papasok ako sa sasakyan mo ng ako lang mag-isa!"
"You're so nosy."
"En-english mo lang e!"
'Di na niya ako pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad habang buhat buhat ako. 'Di naman kalayuan ang sasakyan pero feeling ko ang layo.
Dumiretso ang mata ko sa kabuuan ng mukha niya. Agaran namang tumambol ang nagtatagong organ sa dibdib ko. Nakakabaliw na talaga 'to e! I gulped as I stared at his handsome face. Ayaw kong mahantong sa sitwasyon na dead na dead na talaga ako sa isang 'to. Sabi nga ni Joycel... "delikado"
"Stop staring. I'm melting you know."
Umikot ang mata ko sa ere ng marinig ang bahagyang pagtawa niya. Naiinis ako na ewan. Dahil lang siguro ang awkward nitong ginagawa niya sa akin. Tumigil kami sa harap ng passengers seat.
"Open the door," Utos niya. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at binigyan ng "what?-look"
"I can't open the door, I'm carrying you," Aniya.
"Bakit 'di mo nalang ako ibaba?"
"Bakit 'di mo nalang buksan?" Inis naman niyang sagot sa akin. Sagot ba yun? Eh may patanong e. Kaloka.
'Di ko naman araw ngayon pero ang init ng ulo ko. I felt a sudden urge feeling to punch his face. Damn it. Wala sa sarili kong ini-open ang sasakyan niya at agaran din naman niya akong ibinaba doon. Umayos ako nang upo at inayos na rin ang bag ng napansing mas lumalapit pa siya sa akin. I gulped as I smell his manly scent. My nostrils seems to get excited.
"A-ano?" Nanginginig kong tanong ng halos magtagpo na ang mga ilong namin.
"Seatbelt," saad niya at hinila ang seatbelt na nasa gilid ko.
May nag-aayos ba ng seatbelt na halos ingudngod na ang mukha sa mukha ko? Arrghh! Marco Cullens! Why are you doing this to me!
Pinigilan kong h'wag magsalita at huminga para naman 'di niya maamoy ang hininga ko. Nagtoothbrush naman ako pero wala akong tiwala sa ginamit kong colgate. Bahagya na rin akong humilig para magawa niya na at matapos. Damn awkward!
Napahinga lang ako ng malalim ng natapos na siya at sinarado na ang pinto sa gilid ko. Pailing-iling pa siyang tumititig sa akin habang sinasarado ang pinto. Ano na namang ginawa ko? Umabot ba ang baho ng bibig ko sa labas? Tengene.
He slammed the door beside him as he came in. Pinaandar na niya ang kanyang kotse at napasulyap pa sa akin, agad akong nag-iwas at napatikhim. Bakit siya ganito kung kumilos? Magsungit ka nga!
"Ang sungit mo," he said and chuckled. Ako pa talaga? Parang nababaguhan pa rin ako kapag tumatawa siya. Ang sarap sa pandinig! Shet.
"'Di naman," sabay tikhim ko at siksik sa bintana. Kinapalan ko nalang talaga ang mukha ko na pumayag sa kaniya na ihatid ako dahil parang na-no-no choice ako e.
"Are you mad at me?" Tanong niya.
Naalala ko bigla 'yung seksing babae na may pagkamaldita na komompronta sa amin ni Missie kanina. Hinahanap si Marco. Who is she by the way? Pinsan? Girlfriend?
"Hindi, bakit naman ako magagalit sayo?"
"Baka lang naman."
"M-may naghanap sayo k-kanina. G-girlfriend mo ata," Napatikhim ako pagkatapos sabihin iyon at agarang nakaramdam ng hiya.
Minsan talaga parang may sariling utak ang bibig ko. Tengene. Wala akong karapatan! Why did I say those words? Sino ba naman ako? Parang tunog jowa bibig ko, nakakahiya. Sana kainin na ako ng passengers seat. Now na!
He chuckled again that made my heart sink. It's not only his face whose handsome, even his voice. Yeah right.
"She's not my girlfriend."
I mocked him silently and just shifted on my seat. Kung magsisinungaling pa dapat galingan naman, kaloka. Huminga nalang ako ng malalim at pinabayaan siyang patawa-tawa na parang ewan. Tadyakan kita d'yan e. Kainis!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro