Chapter 14
This chapter is dedicated to: Jediaiel thank you so much po sa paghihintay ng update ng story na 'to hahaha. I'm really happy na may nagreply talaga sa post ko at si Ate 'yun. Hi po ate jediaiel💕 stay safe ka po always, keep inspiring people po. I love youuuuuu💓
----------------------------------------------------
Chapter 14
"Kamusta date niyo kahapon?" Sabay siko sa akin ni Missie nang magkaharap kami sa locker room. Bakas ang nakakalokong titig niya sa akin. Mas inuna ko siyang puntahan para isauli ang damit niya. Talagang gumising ako ng maaga para madala lang 'yon sa laundry shop para masauli. Nakakahiya namang isauli ng 'di nilalabhan.
"Hindi nga 'yon date Missie, lunch lang 'yon lunch. Walang malisya do'n." Inirapan ko siya at inayos ang sarling damit na dinala ko para kung sakaling pagpawisan may pampalit.
"Ay 'te, iba ang radar ng mata at utak ko e, mahirap akong kalabanin. Pero... ano nga ang nangyari? May—" iminuwestra niya sa harap ko ang dalawa niyang kamay, pinagdugtong at pinaikot-ikot, iyong kiss sign. "Ganito ba na nangyari?" Sabay hagikhik niya. Parang loka-loka lang.
Napasimangot ako at tinampal ang kamay niya. Ang dami kasing kalokohan na naiisip.
"'Di ko alam na mas mahalay ka pa pala sa akin, kaloka ka," natatawa ko siyang inismiran at sinarado na ang sariling locker.
"Normal lang 'yon, sa panahon ngayon dapat 'di ka na magpainosente-inosente. Kesyo babae ka baka tawagin kang chuchu tawagin kang chuchu ganern! whatever! Mag-ingat ka sa ganyan sis, Double standard ang tawag d'yan." Dinuro pa niya ako at nginusuan. Minsan matatawa ako pero minsan nawe-werduhan din ako sa isang 'to.
Nakangiwi ko nalang siyang tinalikuran at nagpunta na sa counter para gawin ang trabaho. Narinig ko pang sumigaw si Missie tungkol daw sa double standards bago ko nasarado ang pinto. 'Di ko nalang pinansin dahil minsan nakakabaliw ang pinagsasabi niya.
"Vegetable salad!" Napaigtad ako ng 'di ko napansin ang lalaking bigla nalang sumulpot sa harap ko. Nakabusangot ang mukha niya at parang kakagaling lang sa away. I scanned him from head to toe and recognized he's a patient here. Nakasuot kasi siya ng patients gown.
"O-okay po," I ring the bell at sinabi na kay Missie ang order nitong nakabusangot na kaharap.
"Josh! Anong binili mo ha?!" Saad nang papalapit na si Dr. Joycel. She looks so stunning as always. She's wearing her gown habang nakasabit ang stethoscope sa leegan niya. Nakalagay sa bawat bulsa ang nga kamay at cool na naglalakad papalapit sa amin.
"The grasses! As always," sabat ni Josh at inismiran si Dr. Joy. Kilala ko na pala ang isang 'to. Pasyente eto ni Dr. Joycel na kaka-opera lang, may tumor daw eto kaya dapat na alagaan ng tudo. At halatang spoiled brat, matigas ang ulo, makulit at madalas daw nagta-tantrums. Balita ko may gusto raw eto kay Joycel at ginagawang paraan ang pagiging makulit para mapansin. Ang cute pero, sa tingin ko ay nakakaumay hahahaha.
"Healthy po para sa inyo ang gulay, kaya dapat na kumain kayo ng marami no'n," kinindatan ko siya at inasikaso na ang order niya. 'Di ko na alam ang naging reaksyon niya dahil hinarap ko na si Missie at kinuha ang pagkain na nasa kamay niya. "Heto na po, enjoy."
Busangot pa rin niyang kinuha ang kanyang inorder mula sa mga kamay ko at nagmartsa na sa mga bakanteng upuan. Lumapit si Dra. Joycel sa akin at bumulong.
"Kapag umorder ang isang 'yan nang kung ano-ano, sabihin mo agad sa akin," para siyang detective na palinga linga sa paligid, tinitingnan kong may nakarinig ba o ano. Nag-money sign ako sa kanya at nagthumbs-up naman siya sa akin bago umalis at umupo sa harap ni Josh. Josh face is priceless! Ang sarap tumawa habang tinititigan ang mukha niyang nandidiri sa kaharap na gulay. May mga tao talaga na ayaw na ayaw ang gulay at mas gusto ang mga meats, may mga tao naman na parehong gusto ang gulay at karne. Nakadepende pa rin 'yan sa tao.
Napangiti ako ng tumatawang kinakausap ni Dra. Joy si Josh. Parang inaasar pa niya ito habang kumakain. At 'di nakawala sa paningin ko ang spark sa mga mata niya.
My eyes suddenly change its direction. My heart pumped excitedly at this someone. Papasok siya ng hospital at na parang hari. Lahat ng nadadaanan niyang mga tao ay napapatingin sa kaniya at napapahinto. Paano ba magkaroon ng ganiyang kagandang sex appeal? Nakakaloka.
Maayos ang pagkaka-align ng buhok niya. At as usual kahit ano mang isuot niya at talagang bagay na bagat sa kaniya. 'Di na ako magugulat kong nakapang-pulubi siya ng suot ay okay pa rin. Bitbit niya ang kanyang gown at nakapasok naman sa kaliwang bulsa ang kaliwang kamay. Boy in my dreams ang dating. He's walking towards my direction na agad namang ikinakaba ko.
Anong gagawin ko? Babatiin ko ba? Ay! Syempre OO! Pero anong itatawag ko? Hayy! Syempre Dr. Marco kasi nasa hospital na kami, wala kami sa labas ng hospital 'no. Tsaka bahala siya kung ano ang sabihin niya sa akin basta tatawagin ko siyang Dr. Marco, dahil iyon naman talaga ang dapat.
Tumigil siya sa harap ko na siyang ikinatikhim ko. I feel like flying at his presence. Humilig siya sa counter glass na siyang naghahati sa pagitan namin. I gulped hard as he stared at me intently. Sa mga titig niya ay parang wala siyang pakialam sa paligid. Papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa gilid niya kung may nakatingin o ano.
"G-goodmorning D-doc," I smile awkwardly at him. Nagtaas siya ng kilay at tumayo ng maayos.
"Ang sabi ko tawagin mo akong Marco," agarang sagot niya.
"Tatawagin kita sa pangalang gusto kong itawag sa'yo."
"Pero 'di 'yan ang gusto kong marinig na tawag mula sayo."
"Respect ko po 'yan kasi mas mataas ang posisyon mo sa akin."
"So, kapag parehas na tayo ng posisyon tatawagin mo na akong Marco? Walang po o Dr.?"
"Hindi pa rin."
"Tss, bakit?"
"Kasi ayoko lang."
"Hardheaded."
"Hindi ako ganyan, talagang ginagawa ko lang ang dapat."
"Ang ginagawa ko rin ay ang dapat."
"Ang ginagawa mo ay para lang sa sarili mo."
"Para sa ating dalawa 'yun."
"Paano naging sa ating dalawa 'yun e—"
"Fine!" Sabay taas niya ng kaliwang kamay. Parang sumusuko. Napangiti ako ng mariin siyang napapikit at napatitig ulit sa akin. Kanina kalmado pero ngayon, masama na.
"Tawagin mo akong Dr. dito, pero kapag nasa labas na tayo alisin mo na 'yan sa pangalan ko."
"Opo Dr. Marco." Nakangiti kong turan. Nangunot ang noo niya at padabog na ibinalik ang kaliwang kamay sa bulsa.
"Except the 'po and 'opo. 'Di pa ako ganun katanda. Never include that word again." Umalis siya sa harapan ko ng nakasimangot at parang badtrip.
Napailing-iling nalang ako habang inaayos ang mga nakalagay na dekorasyon sa counter. 'Di ko napansin na nasa harapan ko na pala si Dr. Joycel. Pangiti-ngiti ito at may mapang-asar na titig sa akin.
"Ang galing! Nabadtrip mo, pero ang cute pa rin ng mokong." sabi niya ng natatawa. It made me chuckled a bit.
"Mas cute pa rin ako at gwapo Doc," sabad naman ni Josh na bigla nalang sumulpot sa tabi niya. Halatang nagpaparinig sa doctora niya. Natawa nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Umalis sila na parang nag-aasaran, pero halatang si Dr. Joycel pa rin ang nananalo base sa mukha ni Josh. Parang badtrip din.
"Oyy~ nakita ko 'yong kanina ah, tsaka narinig ko rin ang tapunan niyo ng mga sweet lines! Ayyiiieee~" napatalon pa ako ng bahagyang tinusok tusok ni Missie ang tagiliran ko. Dapat ko na talagang ipaalam sa isang 'to na grabe ang kiliti ko do'n.
"Tumigil ka nga," bahagya akong lumayo sa kanya para 'di na niya ulitin ang pangingiliti.
"Parang mapapakanta na ata ako ng Mr. Antipatiko ni Nadine Lustre nito ah! Sabihin mo lang sis, ako ang bahala sa background music niyo," at humalakhak na talaga siya ng bongga. Akmang babatukan ko na siya ng may kumuha ng atensyon ko.
"Excuse me?" A beautiful and very sophisticated woman catch my attention. She's wearing a white t-shirt with a black leather jacket hanging on her shoulders na tinernuhan ng pencil cut skirt and a pair of a golden 6 inches stilettos.
Napalagok ako sa sariling laway ng pakiramdam ko ay humiwalay ng pansamantala ang sariling kaluluwa ko sa katawan. This girl is also stunning!
"Bakit?" Nawala ang bumagabag sa isip ko ng masungit na nagsalita si Missie. Ano na namang problema ng isang 'to?
"Nandito ba si Dr. Marco Cullens?" Nakangiting saad nito sa amin. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang kanyang katawan, nakakahiya man pero 'di ko mapigilan. She's curvy and sexy. At sino raw ang hinahanap niya?
S-si Marco?
"Bakit?" Taas kilay na tanong na naman ni Missie. Bahagya ko siyang siniko at tinitigan ng masama. She mouthed 'ano at binalik ulit ang titig doon sa babae. Umaandar na naman ang sakit ng babaeng 'to. Tsk.
Bakit niya hinahanap si Marco? At ano naman ang pakialam ko? She's... really good looking. Parang model lang sa Asia's top Model ang porma at impossibleng 'di magugustuhan ni Marco. Nakakahiya man isipin pero nanliit ako sa sarili ko.
"I want to see him kasi, tsaka private ang pag-uusapan namin at I think wala kang karapatan na magtanong pa," Maarteng saad nito at iniwan na kaming nakatunganga. Napakurap kurap pa ako ng tinitigan ang likod niyang papalayo sa amin at papunta sa opisina ni Marco.
"Aba't! Sino ba 'yun? Damit lang naman ang nagdala para magmukhang bongga!" Inis na sabi ni Missie.
"B-baka girlfriend 'yon n-ni Marco," napakagat labi ako pagkatapos sabihin iyon. Ewan ko ba, nasaktan ako at parang dinumog ng lungkot na 'di ko naman maintindihan.
"Girlfriend? Nababaliw ka na ba?"
"B-baka lang naman."
"Haiisstt! Tignan mo nga ang itsura?! Mas seksi ka pa do'n! At mas maganda pa ako do'n!" Kung 'di lang talaga agarang sumama ang pakiramdam ko kanina ko pa 'to nabatukan.
Huminga nalang ako ng malalim at tinitigan ulit ang opisina ni Marco na pinasukan kanina noong magandang babae. Kaano-ano niya kaya 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro