Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Jergen's POV

Habang pinapangarap ko na bumagal ang oras ay pawang kabaliktaran lamang ang nangyayari.

"O.my.god! Talaga?! Niyaya ka niyang lumabas ngayon? Girl! B-baka nagha-hallucinate ka lang? Nauntog ka ba? I-untog kaya kita ulit?!" Pilit nang hinihinaan ni Missie ang boses niya sa lagay na 'yan. Ngunit para sa akin ay sadyang napakalakas pa rin no'n. Dapat 'di ko na sinabi sa kanya e.

"Nakaka-insulto naman 'yang mga pinagsasabi mo Missie. Oo nga! Ang kulit mo," Ngumuso lang siya at mas idinikit pa ang katawan sa akin. Parang timang lang ang isang 'to, sinusundot pa ang tagiliran ko.

"Pero balik tayo a? Ghurl?! Ang taray mo!" At nawalan na siya sa tamang pag-iisip. Nagsimula na siyang tumili at yugyugin ang braso ko. Pilit ko naman siyang pinapakalma dahil baka may biglang pumasok dito sa loob ng locker room.

"Tumigil ka nga! Baka may makarinig sa'yo ano pa ang sabihin. Lalo na si... Yssa." Mariin kong ibinulong ang huling mga salita. Parang napapadalas ang tinging masama ni Yssa sa akin ngayong araw.

"Inggit lang 'yun 'no! Ang chaka niya tapos ikaw..." She stopped and scanned me from head to toe. "Jackpot!"

"Tss. Ang dami mong sinasabi. Sige, alis na 'ko," tinalikuran ko na siya at humakbang na para umalis sa loob ng locker room nang biglaan niya akong hinila. Napadaing ako at kinurot siya sa tagiliran.

"Hoy! Nag-iisip ka ba? 'Yan lang ang suot mo?" She said almost hysterical. Napangiwi pa siya ng dahan dahan akong tumango. Wala namang problema sa damit ko a. 'Tsaka wala na akong ibang damit. Alangan namang bumalik pa ako sa bahay?

"Eto lang ang damit ko."

"Ibang klase," saad niya na parang nadi-dissapoint siya sa akin. Grabe naman itong babaeng 'to! Napanguso ako at pinasadahan ulit ng tingin ang suot na t-shirt at jeans. Okay lang naman siguro 'to e.

"Okay lang 'to, sige na— Aray!" Napadaing ako nang pwersahan niya akong hinatak papunta sa harap ng locker niya. Padabog niya itong binuksan at naglabas ng puting dress sa loob.

"Ayan! Mabuti at may dala ako," saad niya habang busy sa pag-aayos sa natiklop na parte ng dress.

Napatitig lang ako doon at natahimik. I find the dress cute. Kung susuotin ko siguro hanggang upper knee ko lang. Off shoulder type siya at talagang napaka-sexy tignan. Ang ganda ng damit. Pero, 'di ata bagay sa akin, 'di bagay kasi 'di naman iyan sa akin. Natatakot ako at baka masira ko pa ang magandang damit na 'yan.

"A-ano? Susuotin ko 'to?" Nanlalaki ang mga mata na saad ko at dahan dahang inabot ang naka-hanger na dress.

"Aba'y malamang! Sinong may date sa atin ngayon?" Kutya niya.

"Anong date? Maglu-lunch lang kami 'no." Inirapan ko siya at hinawakan ang laylayan ng dress at tinitingnan.

"Date ang tawag diyan kasi kayong dalawa lang at inaya ka niya. Omygosh!" Napatakip bibig pa siya dun sa huling salita na nabanggit. "Nanliligaw ata siya sa'yo girl!"

Napaangat ang gilid ng labi ko at sinipatan siya. Bakit ba palagi nalang lumilipad sa kung saan ang utak ng babaeng 'to? Dami pa kasing kalokohan. Inangat ko ang hanger na may damit at pinakatitigan. Ang ganda talaga nito at halatang mamahalin. Pero...

"Missie, h'wag na. Nakakahiya baka masira ko lang 'yan e," Iminuwestra ko sa harap niya ang damit at nagkamot ng batok. Parang ginagamit niya ata 'to sa mga magarbong okasyon, o kaya sa mismomg mga date niya kasama ang jowa.

Imbes na tanggapin niya ay itinulak niya iyon sa akin. "Isuot mo 'yan! Naku dalian mo na at baka nag-hihintay na si Dr. Marco doon!"

Sa sinabi niyang iyon ay agarang tumama ang kaba sa dibdib ko. Tokneneng! Baka pagalitan na naman ako no'n kapag natagalan pa ako! Kaya siguro kapag nakikita ko siya ay nanginginig ang sistema ko ay dahil sa pagkasuplado niya. Pero kagabi parang 'di naman siya masyadong nagsusungit ah. Paminsan-minsan lang nagsusungit sa akin at nambabara, baka naman nagbago na. Ang bilis naman.

"P-pero Missie, natatakot ako dito sa damit mo baka—" agaran niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Ano ba?! Kahit lapain pa 'yan ng aso okay lang! Basta bilisan mo na!"

Akamang magpo-protesta pa ako ng agaran na niya akong itinulak sa loob ng C.R para makapagbihis. Wala na rin akong nagawa dahil putak na ng putak si Missie sa labas at parang kinokonsensiya pa ako kapag magalit si Dr. Marco dahil late ako. Parang mas kinakabahan pa siya kesa sa akin. Bago ko isinuot ay pinagmasdan ko muna ito nang nakangiti, 'di ko mapigilang ma-inlove sa damit! Kaloka! Naeexcite ako na ewan.

Pagkatapos kong magbihis at nakalabas na ng C.R ay walang ibang sinabi si Missie kundi ang purihin ako. Kesyo napaka-skinny ko daw at bagay sa akin ang damit, bumabagay daw sa mukha, kulay at taas ko. Talak siya ng talak habang ako ay pulang pula na dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Gosh! Pakakasalan ka na ni Dr. Marco n'yan! Howaww! Isa ako sa bridesmaid ha? Tapos dapat gwapo ang partner ko! Tapos dapat ako ang makasalo ng bouquet mo! Tapos ako na ang susunod na ikakasal! Aba'y bongga!" Para siyang baliw na pumapalakpak at tumatawa sa mga kalokohang naiisip.

Lahat ng sinabi niya ay irap at ngiwi lang ang ginagawa ko. Dahil 'di naman niya ako binibigyan ng panahon para magsalita. Napaka-advance rin pala nitong babaeng 'to. Hanggang sa nakalabas kami ng locker room, panay ang dada niya sa postura ko at sa mga dapat ko daw gawin kapag kaharap ang ka-date. Leche! Sinabing Lunch lang e! Hindi nga date!

Nakanguso ako habang mabilis na naglalakad palabas ng hospital kasama si Missie. Napapansin ko kasi ang mga tingin ng tao sa paligid. Naiilang ako ng tudo tudo dahil doon.

"Ayun si Dr. Marco!" Sigaw niya na agaran ko ring sinipat. Nakatalikod si Dr. Marco, nakaharap siya sa kulay blue na prado at naka-polong stripes. Napanganga ako ng makita ang ganda ng kurba ng kanyang likod.  May ginagawa siya sa kanyang cellphone at nakakunot ang noo. Kahit na ganun siya ay 'di mo pa rin talaga mapigilang mapatigil at mapatitig sa kaniya. Maraming tao rin ang naglalabas masok sa hospital at napapatingin kay Marco. Grabeng sex appeal naman kasi.

"Dali! Dali! Retouch muna tayo," natatarantang saad ni Missie at hinila ako sa gilid. Muntikan pang mahulog sa balikat ko ang purse na dala dahil sa paghila niya. Ipatokhang ko 'to e!

"Ay ano ba?!"

May kung ano siyang pinunas sa pisngi at sa mukha ko. At bahagya ring tinapik tapik ang pisngi ko, para siguro pumula. Kulang pa ata ang blush-on na pinunas niya o sinadya niya talaga akong sampal-samapalin.

"Sayang at 'di ako nakadala ng heels! Sandals lang ang suot mo," ngumuso siya at kumuha ng lipstick sa dalang bag. Napaatras ako at umiling. Daming arte naman talaga nito.

"Missie! Baka over na ako nyan sa colorete, tsaka lunch lang naman 'to e."

"Ano ba? Wala kang tiwala sa akin? May NCII ako sa Beauty Care! Nakakaloka ka," hinatak niya ang nguso ko at nilagyan ng lipstick. Grabe talaga itong babaeng 'to. Sarap tusukin ng toothpick.

"Ayan! Go! Go!" Itinulak niya ako papunta kay Marco na siyang nagpakaba lalo sa akin. Sa paraan ng pagtulak niya para lang akong nasa kalsada at nakakita na ng costumer! Ang pangit naman pakinggan nun?!

"Ano ba Missie! Pinagmumukha mo akong bayarang babae e!"

Di niya ako pinansin, bagkus ay para na ngayong timang na ngiting ngiti na palipat lipat ang tingin sa akin at kay Dr. Marco. Napalunok ako nang dahan dahang bumaling sa amin si Doc Marco.

My heart beats became loud at this time. I can't help but to admire his manliness and perfection. The Spanish Greek God looking man is in front of me. Para akong nakalutang ere habang nakatitig sa kanya mula ulp hanggang paa.

"Hi Doc!" Magiliw na saad ni Missie kay Marco. Tumango lang si Marco sa kanya at binalik ulit ang titig sa akin. Ang mga titig niya, parang ineexamin ako. Umalpas ang ngisi niya sa labi ng siguro ay napansin ang panginginig ng kamay ko.

"Gutom ka na?" He said as he open the passenger seat.

"A-ahmm medyo," naiilang kong saad at napakagat labi nalang. Sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ko ang hininga ko, nakakaasar!

"Bye!" Bulong ni Missie sa akin, kinawayan niya rin si Dr. Marco at kunaripas na paalis. Huli na para mataranta at tawagin siya ulit. I think I can't do this. Nahahatak ako ng kaba. Kagabi pa ako nag-iisip tungkol sa bagay na ito at 'di ako nakatulog!

"You looked too antsy," Ngising turan niya at parang inaasar ako dahil sa aking nakakatawang reaksyon. "Let's go?"

Naiilang akong tumango at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan. Agarang nanuot sa ilong ko ang bango na tanging sa kanya ko lang naaamoy. The refreshing scent of the car doubled when he came in.

"I just want to prove something before I left," he said as he gave life to the car. The sound of the car didn't stop the trembling feelings inside me. I think it became more wild and intense. Bagay na tanging si Marco Cullens lang talaga ang nakakagawa sa akin.

Napakurap-kurap ako at napagtantong ngayon lang rumehistro sa akin ang sinabi niya.

Aalis siya? Saan? At anong ipro-prove niya?

"Aalis ka?" The curiousness came out to my trembling lips. Kailangan ko ng matutong 'di kabahan at manginig kapag kaharap siya. I think it's not normal.

Nagtaas siya ng kilay sa isang nakakalokong paraan. Parang tinitimbang niya ang teaksyon ko at pinage-eksperimentuhan.

"Are you bothered? Babalik naman ako agad," he laughed. My eyes widened because of what he did.

Di ako nabigla sa sinabi niya kundi dahil sa pinapakita niya. Nawala na ang masungit at aroganteng si Marco Cullens. He just laughed! Tumawa siya! Bihira 'yun e!

"O-okay," I bite my lower lip to stop myself from smiling. It's a blessing to witness his smile. Sana ganito nalang siya lagi. Siya iyong tipomg ngingiti na madadala ka. Jusko.

Ang gwapo niya pala talaga kapag ngumingiti. Sana maganda ang kalalabasan ng lunch na ito.


---------------------------------------------------

Pasensya na po kung matagal ang update, mahirap kasi lumabas ng bahay kapag may ubo at sipon. Baka mapagkamalan akong may Covid. Wala kasing signal sa loob ng bahay namin e at nagpupunta pa ako sa simbahan malapit sa amin. Na-ulanan kaya headbat ngayon. Pero thank you pa rin sa nagbabasa at naghihintay. God bless.

-jin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro