Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

"Zari!"

Napalingon siya sa tumawag ng pangalan niya, biglang umasim ang mukha niya nang makita kung sino iyon.

"What do you want?" tanong niya nang makalapit ito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know what I want, layuan mo na si Sin."

Awtomatikong umangat ang isang kilay niya sa sinabi nito. Ayaw niyang sayangin ang oras niya rito dahil alam niyang naghihintay na sa kaniya si Sin. Nag-text kasi ito sa kaniya na may importante raw itong sasabihin.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Kasi akin siya. Umpisa pa lang ng istorya akin na siya. Alam mo ba kung bakit hindi siya umuwi sa iyo kagabi?"

Yes, hindi nga umuwi si Sin kagabi dahil may business meeting ito out of town.

Kumunot ang noo niya. Ano bang balak nitong palabasin? "Of course, he told me his whereabouts."

Ngumisi ito. "Edi alam mo rin na magkasama kami buong magdamag?"

"What?"

Napatakip ito sa bibig. "OMG, hindi ba niya sinabi sa 'yo? Sabagay, hindi ka naman gano'n ka-importante sa kaniya." Tumawa pa ang bruha.

Hindi niya alam kung maniniwala siya rito pero nasaktan siya sa sinabi nito, hindi nga lang niya pinahalata sa kaharap.

"Alam mo kung wala kang matinong sasabihin, tigilan mo na ako. At para sabihin ko sa 'yo, ex ka na lang. You're part of his past but I'm his present and future," madiing sabi niya. Gusto niyang sakalin ang kaharap ngunit nagpipigil siya.

Bigla itong sumeryoso. "Talaga? Yes, you're his present. Pero how sure are you na ikaw pa rin ang future niya? Sinabi na ba niyang mahal ka niya? You haven't heard it from him, right?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Kailan nga ba sinabi ni Sin sa kaniya ang mga katagang 'yon?

"See? Ginagamit ka lang niya, Zari dahil alam niyang hindi mo siya kayang iwan," pagpapatuloy pa nito. "Kung mahal ka niya, bakit pinupuntahan niya ako araw-araw sa bahay ko? Kung mahal ka niya, bakit hindi ka niya sinasabihan ng 'mahal kita'? At kung mahal ka niya, bakit hindi mo alam na magkasama kami buong magdamag at dinahilan sa 'yong nasa meeting siya? Well, ngayong nandito na ulit ako. Kukunin ko na 'yong akin. Na-busy lang ako sa pangarap ko noon pero ngayon magfo-focus na ako sa amin. Wake up, girl. Parausan ka la-"

Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. Malakas niya itong sinampal na halos ikinatabingi nito.

"Masiyado ka ng madaldal. Oo, sa iyo siya dati pero iniwan mo, 'di ba? Ngayong nasa akin na siya, aagawin mo? Tigilan mo kami, layuan mo kami. Sana ito na 'yong huli nating pagkikita, baka kasi hindi lang sampal ang maibigay ko sa iyo." Mabilis niya itong tinalikuran at naglakad palayo rito.

"Just wait, Zari!" pahabol pang sigaw nito bago siya tuluyang nakalayo rito.

Naiinis siya sa babaeng 'yon. Biglang nanikip ang dibdib niya nang tumatak sa isip niya ang mga sinabi nito. Alam naman niya kung ano'ng lugar niya sa buhay ni Sin. Saksi siya kung paano nasaktan si Sin sa pag-iwan rito ni Livia noon. Siya ang naging sandalan ng lalaki noong mga panahon 'yon. At ngayong maayos na ito saka naman babalik si Livia.

"Kung mahal ka niya, bakit niya ako pinupuntahan araw-araw sa bahay ko?"

"Bakit hindi mo alam na magkasama kami buong magdamag at dinahilan sa 'yong nasa meeting siya?"

Agad niyang ipinilig ang ulo nang mag-replay sa utak niya ang ilan sa mga sinabi ni Livia. No, ayaw niyang maniwala rito hangga't hindi niya naririnig iyon mula kay Sin.

Nang makarating siya sa condo ni Sin ay huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang seradura. Agad siyang napangiti nang makita ang lalaking nakaupo sa sala, kagat-kagat ang ballpen at mukhang malalim ang iniisip.

Mabilis siyang lumapit dito at ginawaran ng halik sa pisngi saka siya tumabi rito na ikinalingon nito. "Ano 'yong importante mong sasabihin?"agad niyang tanong.

Tinitigan muna siya nito nang ilang segundo bago ito tumayo. Sinundan lang niya ito nang tingin. Bakit pakiramdam niya may mali? He's acting strange. Dati, kapag nakikita siya nito awtomatikong ngingitian siya agad.

"Sin?" untag niya.

Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Sign it." Ibinaba nito ang ballpen sa ibabaw ng puting folder na ngayon lang niya napansin.

Bigla siyang kinabahan. "Para saan 'to?" tanong niya at kinuha ang folder.

"Just sign it, Zari." Malamig ang boses nito na lalo niyang ikinakaba.

Nanginginig ang kamay na binuklat niya ang folder. Nanlabo ang paningin niya at sunod-sunod na naglaglagan ang mga luha niya nang mabasa ang mga nakasulat. "W-Why?"

"Importante pa ba 'yon?" balik-tanong nito at sinulyapan siya gamit ang malamig na mga mata. "Just sign it, don't waste my time."

"I... I just want to know why," mahina ang boses na sabi niya.

"Hindi ko na kailangang sabihin sa 'yo."

Mukhang alam na niya ang rason. Napangiti siya ng mapait. So, totoo pala ang mga sinabi ni Livia sa kaniya. "S-Sigurado ka na ba? Kasi oras na napirmahan ko 'to, p-promise me na hindi ka na magpapakita sa akin."

Natigilan si Sin ng ilang segundo, bumuka ang mga labi nito pero agad ding tumikom bagkus ay tumango lang ito.

"I see." Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at nginitian ito. Sabi niya sa sarili niya noon na hindi niya ito iiwan hangga't hindi nito sinasabi. Maybe now is the right time. Kinuha niya ang ballpen at walang sabi-sabing pinirmahan ang laman ng folder pagkatapos ay tumayo at iniabot dito na agad naman nitong kinuha. "Keep your promise, Sin. Sana maging masaya na kayo ni Livia."

Parang libo-libong punyal ang nakatarak sa puso niya habang sinasabi iyon.

"Just give me a time, aayusin ko lang ang mga gamit ko." Naglakad siya patungo sa kuwarto nila. Bago siya tuluyang pumasok ay nilingon niya ito. "I realize that loving you is not easy," aniya at tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto.

Doon na siya humagulgol. Reality hits her. Sobrang sakit. Hindi niya lubos akalain na pagkatapos ng ilang taong pagsasama nila, si Livia pa rin ang laman ng puso nito. Si Livia pa rin ang mahal na mahal nito. Wala pa rin talaga siyang laban sa ex nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro