Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8 | About

"Ang sarap talaga ng puto na gawa ni Tita Cecilia!" puri ni Frost na katatapos lang ubusin lahat ng putong kinuha niya mula sa handa ng kanilang klase.

Kasalukuyang kumakain ang lahat dahil tapos na ang mga palaro. Si South ang nagdala ng paborito nilang puto na gawa ng kanyang ina at may mga naka-reserve na agad para sa kanilang magkakaibigan.

"Buti may time si Tita Lia para gumawa. Rush pa naman 'tong Christmas party natin," komento ni Lion.

"Nakaramdam na rin daw kasi siyang baka mag-request kayo kaya 'di na siya nagulat kagabi nung sinabi kong magdadala ako sa school," natatawang paliwanag ni South. "Alam niyo namang mahal na mahal kayo ng nanay ko."

Lahat silang magkakaibigan ay nagsitawanan sa tuwa dahil iba talaga ang pag-aalaga ng mama ni South sa kanila. Sa lahat ng mga magulang ng apat, si Cecilia ang pinakamalapit sa apat. Sabi nga nila, kung gaano kagago si South, gano'n naman kabait ang nanay niya. Nagduda pa sila dati kung anak ba raw talaga si South ng mama niya.

"Malapit na nga birthday mo, sa 19 na! Anong plano? San tayo gagala?" Frost asked excitingly.

"Sa 19 na birthday ni South?" sabi ni Xamuel na para bang ngayon niya lang iyon naalala.

"Luh, 'di mo alam? Fake friend," pang-aasar ni Frost. "Ang dami mo pang kinaing puto 'di mo pala tanda birthday ni Timog. Dahil diyan, babayaran mo daw. Sa GCash ko pinapa-send ni Tita Lia 'yong bayad."

Natawa si Lion noong sinubukan ni Xamuel hampasin si Frost. Agad nakailag si Frost at tumayo para tumakbo palabas ng kanilang room. Napatayo rin tuloy si Xamuel para habulin ang tuwang tuwa nilang kaibigan.

"Puta, ang ingay talaga ng dalawang 'yon 'pag busog," bulong ni South na sinang-ayunan ni Lion.

Tahimik nilang hinintay bumalik ang dalawang naghabulan sa corridor habang kumakain ng maja blanca. Maingay ang buong klase dahil may kanya-kanyang usapan ang bawat grupo. Tanging ang pwesto lang nina Lion at South ang payapa na tila ba hindi sila apektado ng kahit ano. Napagod si Lion kanina dahil isa siya sa mga naging host at napagod naman si South dahil lahat ng games sinalihan niya, cash prize kasi ang premyo.

"Saglit, tang ina! Kakainin ko pa fruit salad ko! Natutunaw na, gago!" sigaw ni Frost para patigilin na si Xamuel.

"Ikaw din pala susuko, e," mayabang na sabi ni Xamuel. "Sa susunod, kilalanin mo muna bubudulin mo, ha."

Frost just made a face and sat on his chair beside South. Naupo na rin si Xamuel sa upuan niyang katabi ni Lion.

"So anong plano sa birthday mo, Timog?" Muel asked before he drank his soft drink.

"Wala."

"Wala?" Frost repeated.

"Wala, ayokong kasama kayo sa birthday ko," masungit na sabi ni South na kinatawa ni Lion.

"Ouch, sakit mo," naiiyak na komento ni Frost at nagkunwaring nagpupunas ng mga luha.

"May ibang plano ako saka isa pa, baka abala na rin kayo sa ibang bagay. Sa birthday na lang ni Frost tayo gumala," sabi ni South.

"Kailan ba birthday ni Frost?" Xamuel whispered to Lion.

Bago pa man makasagot si Lion, nahuli ni Xamuel ang matatalas na titig ni Frost.

"Hindi ka kasali sa birthday party ko, Muel! Sinasabi ko sa 'yo! Kahit isang shanghai o noodle ng spaghetti 'di ka makakatikim!" babala ni Frost na kinatawa nilang lahat.

"Wala rin ba siyang souvenirs?" Lion asked, almost tearing up.

"Lalo na ang souvenirs! Wala kang matatanggap kahit imbitasyon, sinasabi ko sa 'yo." Tinuro pa siya ni Frost bago tumalikod at umaktong nagtatampo.

"Putang ina, Muel. Suyuin mo 'yan!" tukso ni South. "Pinaiyak mo, oh!"

"Gago ka ba? Girlfriend ko nga 'di ko masuyo, si Frost pa kaya."

Nagambala ang lahat dahil sa malakas na hiyawan sa kabilang classroom. Hindi madalas makichismis si Xamuel sa mga ganitong bagay pero wala sa sarili siyang napatayo nang nakitang sa section ni Klassey nanggaling ang hiyawan.

"Anong meron?" Lion asked as he stood up and looked through the window.

"San si Frost?" South asked before he realized Frost was outside, at the front row, to watch everything.

"Gago, 'wag mo na panoorin, Muel," iritadong sabi ni Lion nang lingunin si Xamuel na pilit tinitingnan ang nangyayari sa nakabukas na pinto ng kanilang room. Hindi siya tuluyang makalabas dahil nagtipon na halos lahat ng kaklase niya roon.

"Anong nangyayari sa room nila?" Xamuel asked Lion who was now glaring intensely at his fork.

"Whatever. See it for yourself. I think you should witness it firsthand," Lion said dismissively.

South's eyes squinted as he tried to get the gist of Lion's statement. Xamuel wanted answers, so he opened the window to know what Lion saw. Sumakto sa pagbukas niya ng bintana ang pag-abot ni Derrick ng regalo kay Klassey na pilit tinutulak ng mga kaibigan para mas mapalapit kay Derrick. May kasama ring mga kaibigan si Derrick na ang lalakas ng boses kung manukso. May boquet pang binigay si Derrick kay Klassey bukod sa regalong kaaabot lang.

They were chaotic, but no one dared call them out because today was for festivities. Everyone around Klassey and Derrick was so happy to see their friends together, as if they were filming a young adult movie.

Meanwhile, a burning hatred out of betrayal and frustration slowly crept inside Xamuel's chest. If he were shameless and immature, he would've punched Derrick until his final breath. Xamuel's intrusive thoughts wanted to do it, but he knew he was better than that.

Sa tagal nilang magkasama ni Klassey, para bang wala siyang matandaang araw na ganito kasaya ang babae sa piling niya. He couldn't think of a memory where Klassey was this appreciative and content with his actions.

Self-pity was slowly corrupting Xamuel's mind, and it felt horrible. He had always been doing his best and exerting extra effort to make his girlfriend happy, but seeing her now smiling with someone proved he was never enough.

"Tingin ko kailangan niyong pigilan si Frost," tanging nasabi ni Xamuel kina South at Lion.

The two immediately understood Xamuel's signal. If Muel could silently accept and endure the frustration alone, Frost couldn't ever stand this kind of shit. Alam nilang sa mga ganitong pagkakataon, si Frost ang maghihiganti para sa kanila. Si Frost ang magagalit para sa kanila. Xamuel didn't want Frost to engage himself for his sake, so he called Lion and South to stop him quickly.

Hindi tuloy masyadong makapaniwala si Muel nang bumalik ang tatlo sa pwesto nila kahit pa maingay pa rin sa labas. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakinig si Frost sa pag-awat ng dalawa at hindi nagtangkang sumugod. Nakasimangot nga lang si Frost sa pag-upo muli sa tabi ni South at halos mabutas na ang plastic cup ng kinakain niyang salad.

"Alam mo, Muel, matagal na akong may gustong ipakilala sa 'yo, e. Sabihan mo lang ako kung interesado ka, irereto kita agad!" malakas na sabi ni Frost na tila ba nagpaparinig. "Maganda, matalino, sporty, tapos pareho pa kayong future engineers! Feeling ko makakasundo mo agad saka para sa 'kin lang ah, bagay na bagay kayo!"

Para bang lahat ng iritasyon ni Xamuel ay biglang naglaho sa sinabi ng kaibigan. Marahan siyang natawa at napailing dahil kahit kailan talaga hindi nagpapatalo si Frost.

"Huwag ka na magpakatanga sa ex mo, 'di bagay sa 'yo!" dagdag pa ni Frost.

"Wow, ex na agad. Desisyon ka?" South laughed. "But I agree."

"Same," komento ni Lion.

"Really?" Muel asked Lion because he trusted Lion's opinion more than anyone else.

"Oo nga. This time, tama si Frost."

"Thanks," Frost said. "So ano? Interesado ka ba sa irereto ko?"

Napailing na lang si Xamuel at patagong nagpasalamat sa isipan na may tatlo pa rin siyang maaasahang mga kaibigan.

🌻

Pilit na pinigilan ni Xamuel humalakhak dahil siya na ang susunod na o-order sa counter. Kasalukuyan siyang na sa isang coffee shop sa loob ng mall kung saan naka-enroll ang nakababata niyang kapatid sa isang taekwondo class. Kanina pa siya naghihintay matapos ang klase ng kapatid kaya medyo ginutom na siya at napagpasyahang dito na lang maghintay sa natitirang oras.

Hindi nagtagal ay nakuha na rin ni Xamuel ang kanyang inorder at pumuwesto sa sulok ng coffee shop. Dumadami na ang mga tao sa mall dahil pa-tanghali na. Muling binuksan ni Muel ang kanilang group chat at mukhang natahimik na rin si Frost pagkatapos ng huli nilang pang-aasar dito. Sa katunayan, mahaba lang naman ang pasensya ni Frost sa kanilang magkakaibigan. Kailanman, wala pang nakaaway si Frost sa kanila kahit pa sobrang dalas niyang manghamon ng away sa iba.

"Uh... mag-isa ka lang ba?"

Nabalik si Xamuel sa reyalidad sa pamilyar na boses sa kanyang gilid. Mabilis inangat ni Xamuel ang kanyang tingin sa nakatayong si Yara. Halos mabulunan si Xamuel sa iniinom sa gulat. Ilang beses pa siyang umubo bago bumalik sa normal.

"A-Ayos ka lang?" tanong ni Yara, halatang hindi alam ang gagawin.

"Ayos lang. Nagulat lang ako kasi kung san-san ka sumusulpot," natatawang sabi ni Xamuel at muling uminom.

"Mag-isa lang ako. Upo ka," Muel invited Yara.

Yara looked hesitant like she always did, but she sat seconds later in the vacant seat in front of Xamuel. May order din siya at pareho iyon sa kanya. Hindi napansin ni Xamuel si Yara kanina sa pila kaya hindi niya sigurado kung kanina pa nandito ang dalaga.

Naka-floral dress si Yara at nakatali ng bun ang buhok. Pinagmasdan ni Xamuel ang pag-ayos ni Yara ng kanyang eyeglasses at nang napagtantong parang masyado na naman siyang nakatitig, umiwas siya ng tingin at uminom na lang muli.

"Ikaw lang din ba mag-isa?" Xamuel asked just to have a conversation with the person in front.

"Hindi, sinamahan ko mama ko. Busy pa siya kaya nag-ikot muna ako. Nakita kita rito kaya pumasok din ako..."

Nahimigan ni Xamuel na may iba pa siyang gustong sabihin pero nagdadalawang isip pa. Muel sipped his frappe again before asking, "What is it?"

Yara looked flustered. "Wala naman... medyo nagtataka lang ako kung bakit 'di ka nagtanong pagkatapos ng nangyari noong Christmas party kina Klassey at Derrick," she said.

Xamuel's lips formed a small circle as he realized the context. "Ah, right, because you expected me to ask you since ikaw ang spy ko."

"Oo, inasahan kong magtatanong ka dahil medyo out of line ang ginawa ni Derrick noon."

Xamuel's eyes slightly widened upon hearing Yara's statement. "You think that was a bad thing?"

Yara sipped her frappe before answering, "O-Oo naman... I mean, kayo pa ni Klassey, 'di ba? Pero wala siyang pakialam doon basta't ini-entertain siya ni Klassey–"

"So you think si Derrick ang mali?"

Yara was caught off guard but was able to recover quickly. "Actually, pareho sila, but I'm more irritated with Derrick. Mas malapit ang room ninyo sa kanila kaya imposibleng hindi mo sila nakita."

"Yeah." Sumandal si Xamuel at hawak pa rin ang inumin. "I saw everything."

"So you didn't have to ask me about it?"

"Not that..." Muel sighed. "Nawala na lang din sa isip ko at nung bumalik kinagabihan, pakiramdam ko lang hindi ko na kailangan pang magtanong."

Yara seemed not to get Xamuel's point but nodded anyway. "Official na silang M.U."

"Okay."

Hindi na napigilan ni Yara magtanong. "Hindi ka ba kikilos?"

Yara noticed a change in Xamuel's expression that made her regret asking. "I'm sorry, I didn't–"

"Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, may gagawin ka pa?" Xamuel chuckled to lessen the tension, but it sounded like mockery.

Yara's eyes narrowed. She felt like Xamuel was challenging her to prove a point. "Kung ako? Siyempre, oo, may gagawin ako."

Xamuel didn't expect Yara to answer, but since she did, it captured his interest. "Ano namang gagawin mo? Halata namang naka-move on na ang tao–"

"I-Ipaglalaban ko ang relasyon namin, siyempre," Yara said even if her voice trembled. She looked away when Xamuel tried to meet her eyes. "Alam kong masakit ang makita siyang may ini-entertain na iba pero may karapatan pa rin akong mangialam dahil kami pa. Hindi pa tapos ang laban hangga't mahal ko pa rin siya–"

"Oh, you're telling me to move my ass and chase after her?" natatawang tanong ni Xamuel dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong may nagsabi sa kanya nito, ibang iba sa mga opinion ng kanyang mga kaibigan.

"Oo. Hindi mo naman pipilitin si Klassey, ipapakita mo lang sa kanyang hindi ka pa sumusuko. Na mahal mo pa rin siya at gusto mong mag... magkabalikan kayo," pahina nang pahinang sabi ni Yara.

She then took a sip of her frappe. It wasn't Xamuel's intention to watch her pinkish lips touch the straw, but his eyes deceived him. Napainom din si Xamuel at umiwas ng tingin. Parang tanga, bakit doon dumapo tingin ko?

"I didn't expect you to be so persistent," Xamuel said. "So kapag ginanito ka ni South, hahabulin mo pa rin siya dahil lang 'di ka niya pinapatigil kahit pa halata namang ayaw niya sa 'yo?"

Yara immediately looked up at him with a frown. "Why is it suddenly about me?"

"It's just a hypothetical question similar to my situation because, you see, experiencing it is much worst than just imagining it. I respect your opinion, but I'm out of ideas on how to chase someone who doesn't even see me."

"How about you... ask Klassey to prom? Hangga't maaga pa?" Yara suggested that piqued Xamuel's interest.

"Hindi ba't automatic sila na ang magkasama considering their momentum–"

"Kaya nga susubukan mo lang na tanungin siya."

It sounded like a good idea, but a part of Xamuel was afraid to pull another surprise for Klassey. Xamuel never admitted to others, not even his friends, that the accident had traumatized him. Noon pa man ay hindi naman na talaga niya gawain ang mga gano'n at noong sinubukan, sobrang pangit pa ng kinalabasan.

Xamuel has a hidden toxic trait, and that is being a perfectionist. The fact that the surprise went wrong was enough to disappoint him. The added shame, shock, and confusion were too much to handle. Nadagdagan pa ang disappointment niya noong nalaman ang rason ni Klassey sa cool off nila. He had been bottling up these things because he wanted to manage everything maturely, but it was slowly suffocating him.

Xamuel wasn't sure what could happen if this would also fail too, but his love for Klassey won over once again.

"Fine. I'll ask Klassey out for prom, and you'll help me," Xamuel said.

A small smile appeared on Yara's face. "And you'll help me with South, too."

Napakagat sa ibabang labi si Xamuel sa narinig. "Fine. Send mo na sa 'kin 'yong get-to-know-me guide mo para maplano ko na rin kung paano kita ipapakilala sa kanila."

"It is really necessary?" naiiyak na tanong ni Yara. "Hindi ko talaga alam paano gagawin 'yon. Maybe you should just interview me."

Xamuel chuckled. "Tutal nandito na rin naman tayo, sige. I'll interview you."

Yara's fluttered reaction made Xamuel laugh again. "Ikaw ang naghamon kaya bakit ka nagulat? Huwag mo sabihing hindi ka pa ready?"

"Wait lang! Nanggugulat ka rin, e," Yara said, didn't know what to do. Tang ina, ang cute.

"Relax ka lang. Record ko 'to sa phone ko, ah. Tinatamad akong mag-type, e."

"Hala? On second thought, sige, ise-send ko na lang pala–"

"Hindi, wala, nandito na tayo, e," panunukso ni Xamuel.

Yara looked up, feeling helpless, which amused Xamuel so much.

"Suggest ko lang din na ngayon pa lang sa 'kin, bawasan mo na ang hiya mo sa katawan. Kapag kaharap mo na ang tatlo, baka tumiklop ka. Sayang din ang opportunity."

"Mahiyain lang ako sa una and natural 'yon," Yara said, pouting.

"Kaya nga sanayin mo na rin sarili mo ngayon. Oh dali, tell me about yourself."

Yara rolled her eyes for the first time, but it was a failed attempt. Halatang hindi niya gawaing umirap pero napairap dahil sa kakulitan ni Xamuel.

"You're enjoying this too much," Yara said.

And she was right; Xamuel was enjoying it too much.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro