Chapter 4
Chapter 4 | Know
Dalawang araw na ang lumipas mula noong opisyal na nag-cool off sina Xamuel at Klassey. Kumalat sa iba't ibang sections na nag-break sila dahil hindi na nakikitang magkasama. Pareho naman silang walang sinabi para itama ang mga tao o para ipaliwanag ang sarili.
Binago na rin ni Klassey ang relationship status nito sa social media at nawala ang mga litrato nila ni Xamuel sa mga account niya. Samantalang nanatiling tahimik si Xamuel dahil noon pa man ay hindi na siya active sa social media.
Parang wala lang ang nangyari kung susuriin ang dalawa. Masaya si Klassey kasama ang mga kaibigan niya. Normal naman ang pakikitungo ni Xamuel sa lahat at madalas pa silang nakikitang magkakaibigan na nagtatawanan.
Dumating ang Biyernes na pinaka-inabangan ni Xamuel. Sa ilang ulit siyang niyaya ni Frost na um-absent, ilang beses na rin siyang muntik umo-o sa alok ng kaibigan. Ayaw niya lang mahuli sa klase at matambakan ng gawain kaya pinilit niya ang sariling tapusin ang linggo kahit hindi buo ang atensyon niya sa paligid.
"Shit," mura ni Xamuel sa sarili.
"Why?" South asked.
Pababa na sila galing sa library nang sumagi sa isip ni Xamuel na parang may nakalimutan siyang gamit dahil biglang gumaan ang kanyang bag.
"Parang may naiwan ako sa library. Mauna na lang kayo sa baba," Xamuel said to his friends.
"Okay, reserbahan ka na lang namin ng upuan," Frost said.
Tumango si Xamuel bago tuluyang tumakbo pabalik sa library. Dito nag-lecture ang teacher nila sa MIL kanina kaya dito sila nanggaling. Nauna na ang iba nilang mga kaklase pumunta sa gymnasium para sa flag retreat dahil sinadya nilang magpahuli.
Wala pa ang librarian nang pumasok si Xamuel kaya agad niyang binalikan ang desk nila kanina. Hindi nga lang siya sigurado kung ito ba ang naging pwesto nila. Masyadong occupied ang utak ni Xamuel sa ibang bagay kaya hindi niya ngayon matandaan kung saan sila umupo kanina.
Wala sa unang desk na nilapitan niya ang payong na naiwan kaya naghanap siya sa iba pa.
"Parang tanga kasi, kung saan-saan iniiwan," sabi niya sa sarili habang nakayukong naghahanap sa ilalim ng ibang desks.
"Ah... excuse me—"
Mabilis na tumayo nang tuwid si Xamuel nang may boses siyang narinig galing sa likuran niya. Nagulat din ang babaeng tumawag sa kanya dahil sa bilis ni Xamuel kumilos. Napahinga nang maluwag si Xamuel nang napagtantong ito rin ang babaeng hinabol niya para isoli ang naiwang wallet noon.
Hindi makatingin sa kanya ang babae tulad noong una nilang pagkikita. Mahigpit ang yakap niya sa dalawang librong dala. Dumapo ang mga mata ni Xamuel sa nakalahad niyang kamay dahil hawak nito ang hinahanap niya.
"S-Sa 'yo ba 'to? Nahanap ko sa desk kanina. Ilalagay ko sana sa lost and found kaya kinuha ko. Narinig kong may pumasok habang nagsosoli ako ng hiniram na mga libro kaya..."
Tumaas ang mga kilay ni Xamuel nang marinig ang paliwanag ng babae. "Oo akin 'yan. Binalikan ko agad no'ng naramdaman kong parang may kulang sa bag ko. Salamat pala."
Marahang kinuha ni Xamuel ang payong galing sa babae. Napaatras naman ang dalaga matapos iyon ibigay sa lalaking pangalawang beses na niyang nakasalubong ngayon. Sinubukan niyang tingnan ang mga mata ni Xamuel pero agad ding napaiwas dahil pinangunahan siya ng kaba.
"Anyway, I'll go now. May flag retreat pa, makakaabot ka ba?" Xamuel asked to lessen the intense pressure around them.
Tumango lang ang babae at yumuko. Xamuel shrugged. Hindi niya alam kung paano makisama sa mga tahimik na tao dahil siya mismo ay tahimik din.
"Mauna na ako sa baba, salamat ulit dito." Winagayway ni Xamuel ang kanyang nakatuping payong.
Sa pagkakataong iyon, naunang tumalikod ang babae para bumalik sa ginagawa. Hinayaan na lang siya ni Xamuel at tinahak na ang daan palabas. Nagmadali siyang bumaba dahil may nagsalita na gamit ang microphone mula sa gymnasium.
Agad ding nahanap ni Xamuel ang pila ng section nila. Kumaway si South nang nakita siya para ituro kung na saan ang pwestong nireserba nila para sa kanya. Si Lion ang nasa harap at sumunod sina South, Xamuel at Frost.
"Buti nahanap mo," South said when Xamuel finally joined in line.
"Buti na lang nga may nakakita," sabi ni Xamuel.
"Students, we will begin the flag retreat any minute now. Please remain quiet while waiting!"
Hindi na sila muling nagsalita. Binabalik ni Xamuel ang kanyang payong sa loob ng bag niya nang may pamilyar na tawa siyang narinig galing sa bandang kaliwa. Ngayon niya lang napagtantong STEM 1 pala ang katabi nilang section. Muling sinuot ni Xamuel ang kanyang bag pagkatapos ipasok doon ang payong at tamad na umayos ng tayo.
Pasimple siyang lumingon sa linya ng section ni Klassey. Kumunot ang noo ni Xamuel nang napansing section ng HUMSS naman ang katabi ng pila ng girls sa STEM 1.
Halos may lumabas ng usok galing sa ilong ni Xamuel sa sobrang irita panooring magkasama na naman sina Klassey at ang lalaking hindi pa rin nila alam ang pangalan.
"Oh, baka sugurin mo pa," awat ni Frost sa kanya.
Napairap na lang si Xamuel. "Hindi naman ako bayolenteng tao."
"Di nga?" mapang-asar na tanong ni Frost. Palihim pa siyang natawa nang matalim siyang tinitigan ni Xamuel. "Mas lamang ka naman kaysa sa Derrick na 'yon."
"Derrick?" ulit ni Xamuel sa binanggit na pangalan ni Frost.
Frost nodded. "Yan ang pangalang narinig ko kanina noong tinawag siya ni Klassey."
"Talagang narinig mo pa 'yon ha? Anong klaseng tainga ba ang meron ka?" manghang tanong ni Xamuel. "Automatic lumalakas pandinig 'pag chismis, e."
"Grabe? Hindi ba pwedeng nagkataon lang na narinig ko?" depensa ni Frost sa sarili.
Napailing na lang si Xamuel at humarap na muli sa harapan. "Derrick, huh? Ang pangit pangalan pa lang. Hamunin ko 'yan ng 1V1 sa Calculus ewan ko lang kung magyabang pa 'yan."
Sinadya ni Xamuel lakasan ang boses kaya narinig iyon ng mga kaibigan niya pati ang iilang students na katabi nila. Sabay-sabay napayuko sina Lion, South at Frost para pigilan ang mga sarili sa paghalakhak.
"Ikalma mo 'yan, brad," bulong ni South nang saglit siyang nilingon nito.
"Kalmado naman ako," nanggigigil na sabi ni Xamuel. "Kailan ba magsisimula 'tong flag retreat putang ina naiinip na ako."
"Oh, 'wag mainit ang ulo baka mabawasan ng angas, brad," biro ni Frost at minasahe pa talaga ang mga balikat ni Xamuel.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang flag retreat. Tahimik na pinagmasdan ni Xamuel si Klassey habang kinakanta nila ang Lupang Hinirang. Imbis na sa watawat ang mga mata niya, sinulit niya ang pagkakataon para obserbahan ang nobya.
Naintindihan naman ni Xamuel ang sinabi ni Klassey noong huli nilang pag-uusap. Natakot si Klassey sa mga agresibong babaeng naghabol kay Xamuel kaya napagdesisyunan niyang mag-cool off muna silang dalawa kahit pa hindi sana papayag si Xamuel.
Ano ba ang wala kay Xamuel na mayroon ang iba para piliin ni Klassey na layuan siya?
Xamuel could make himself available to comfort and support her as she healed from her traumatic experience. Xamuel couldn't concentrate the last few days since he was worried about Klassey's condition.
Imagine waking up after a sleepless night to see her fine with some other people's company when it could have been him. Even if Xamuel tries to re-enter her life as a concerned boyfriend, he might appear out of place now.
It had only been three days since she had detached herself from him, but it felt like an eternity to Xamuel. He couldn't believe what his eyes were watching. He refused to believe that Klassey could be fine without him.
They didn't spend the last year just to end up this way. Sure, she wanted space, but wasn't her decision too selfish? Xamuel did his best to surprise her on their anniversary. It didn't work, and their relationship seemed to be fading.
"At tatlong araw pa lang ang lumipas," dismayadong bulong ni Xamuel sa sarili habang kumakanta naman ngayon ang lahat ng school hymn.
Pinaupo ang mga estudyante pagkatapos ng flag retreat dahil may saglitang program pa raw. Ito na ang huling flag retreat ng school sa buwan ng Disyembre dahil next week, Friday, na ang Christmas Party ng mga section.
Tamad na umupo si Xamuel sa sahig kasabay ng iba pang mga estudyante. Hindi siya interesadong makinig kaya patago na lang siyang nag-selpon sa likod ni South.
Maya-maya lang ay nagsihiyawan ang mga tao sa paligid nila. May kung sinong famous ang umakyat sa stage para kumuha ng anomang award.
Saka lang napagtanto ni Xamuel na ang mga "honest" students pala for the month of November and first two weeks of December ang tinatawag sa stage. May honest box kasi ang school na parang katumbas na rin ng lost and found.
Doon sinu-surrender ang mga bagay na nawala sa mga may-ari. They recorded the names of the people who brought lost items. If the things were claimed by the rightful owners, these people were to be awarded at the end of each month.
Iyon ang ganap ngayon sa loob ng gym. Napilitan na lang din si Xamuel manood dahil wala rin siyang makalikot sa phone. Saglit siyang nagulat nang may napansing pamilyar na babae sa gilid ng stage.
"And last but not the least, ang nag-iisang honest sa grade 12 STEM 3—Yara Delisismo!" anunyo ng host.
Pinanood ni Xamuel umakyat ang babaeng hinabol niya noon para isoli ang naiwang wallet.
So her name's Yara.
Nag-bow si Yara sa pag-abot ng kanyang certificate. Talagang mahinhin ang dalaga kumilos na para bang konting galaw lang sa kanya ay mababasag siya.
Inayos niya ang kanyang salamin bago tipid na ngumiti sa camera kasama ang iilang mga guro. Halatang hindi siya komportable mapalibutan ng mga tao sa kilos pa lang niya. May iilang mga kaklase ni Yara ang humiyaw para i-cheer siya ngunit parang mas nahiya lang si Yara dahil sa ginawa ng mga ito.
Dumapo ang atensyon ni Xamuel kay South na titig na titig sa harap.
"Kilala mo siya?" Xamuel asked.
"Ha? Sino?" tanong ni South na parang kababalik lang sa reyalidad.
"Nevermind," sabi ni Xamuel nang napansing 'di naman kilala ni South si Yara.
"Ano 'yon? Iniisip ko kasi kung anong kakainin ko mamaya."
"Puro pagkain na lang ba laman ng utak mo?"
South chuckled. "I'm enhancing my cooking skills so maybe puro na nga pagkain laman ng utak ko."
Napailing na lang si Xamuel at hiniling na sana matapos na ang program.
🌻
Dumating ang Lunes at dahil napaaga ang pasok ng magkakaibigan, napagpasyahan nilang tumambay muna sa mini garden ng paaralan para pag-usapan nang pribado ang tungkol sa nakalap ni Lion.
"Gago so you're saying na may nagnakanaw sa old sim card ni Muel sa kwarto niya?" gulat na sabi ni South.
"I know it's weird but ayan ang alam natin for now," Lion said.
"Wala talaga akong maisip na taong pwedeng kumuha no'n sa kwarto ko saka nakatago nga kasi. Kahit kayo hindi niyo mahahanap nang 'di nalalaman kung na saan ang specific location," Xamuel said, frustrated.
"Wait nga, 'yong number mo na 'to 'yong kumalat dati sa campus dahil ang daming nanghingi, 'di ba?" Frost asked. "Tapos nagbago ka ng number noong nagsimula kang manligaw kay Klassey dahil flooded ng random messages iyong dati."
"Yes, correct."
Frost frowned. "So it was around last year when it got lost?"
"Probably," South mumbled. "Sure ka ba talagang hindi mo na-misplace?"
"I am sure, South," tamad na sagot ni Xamuel dahil pang-ilang beses na nila itong tinanong.
"My mind can't take any more of this," biro ni Frost.
"Ang creepy kung iisiping may ibang taong nakahanap ng sim card mo sa kwarto mo nang wala ka," Lion said. His fingers brushed his hair in frustration.
"Kaya nga 'di ako nakatulog kagabi kaiisip nito," Xamuel chuckled weakly.
Umakyat na ang apat sa classroom ten minutes bago ang una nilang subject. Pre-calculus ang una nilang subject sa umagang ito. Kinailangan pa nilang bantayan si Frost sa paglalakad dahil baka bigla na lang siyang maglaho bago pa makapasok sa room.
"Tang ina kasi Monday na Monday, pre-cal na naman!" reklamo ni Frost, padabog pang umupo.
"Konting tiis na lang break na," Lion said to motivate him.
Hinayaan ni Lion na mag-rant si Frost sa kanya habang wala pa ang teacher nila sa umagang iyon. They spent their morning creating their project per group. Nasa iisang grupo sina South at Xamuel habang ang dalawa ay hindi magkasama.
Pabiro pang humirit kanina si Frost sa teacher nila kung pwede bang create your own group na lang. Hindi nga lang nadaan sa pabibo ngayon ni Frost ang teacher nila.
Sa kalagitnaan ng groupings ay nagpaalam si Xamuel sa kanilang guro dahil kailangan niyang gumamit ng banyo. Pinahintulutan naman siya nito kaya ngayon ay mag-isa siyang naglalakad patungo sa men's comfort room sa first floor. Nasa dulo pa iyon kaya sa dulong hadgan ng second floor na siya bumaba.
Wala siyang kasabay sa banyo kaya tahimik na lang siyang gumamit nito. Naghugas siya ng kamay pagtapos at muling tinahamak ang daan pabalik sa kanilang silid. Nasa second floor na siya nang napahinto sa nakita.
Si Klassey kasama si Yara.
May pinag-uusapan ang dalawa habang naglalakad pabalik sa mga room din nila. Mukhang kagagaling lang ng dalawa sa school suplies store ng school dahil parehong may dalang mga bagong biling bond papers. Hindi sila magkaklase kaya hindi naisip ni Xamuel na magkakilala sila.
Naunang naglakad pabalik si Klassey sa room nila dahil sa third floor pa ang room ng STEM 3, ang section ni Yara. Kinawayan nila ang isa't isa bago tuluyang naghiwalay ng landas. Tinakbo ni Xamuel ang distansya para maabutan si Yara.
Mukhang napansin agad ni Yara ang presensya niya ngayon dahil bigla na lang siyang lumingon sa gawi ni Xamuel.
"Hey, do you have a second?" hinihingal na tanong ni Xamuel.
"Ah, may klase pa kami kaya—"
"Mabilis lang," Xamuel insisted. "I saw you with Klassey earlier. Are you friends with her?"
Dahan-dahang tumango si Yara. Inayos niya ang salaming nagalaw dahil sa pagtango.
"May classes pa tayo so I know we can't talk now, but can I have your number so I can contact you any time?"
Nanlaki ang mga mata ni Yara dahil sa deretsahang hiling ni Xamuel. Her eyes panicked. Nawalan siya ng balance kahit konti lang ang galaw at kung hindi siya inalayan ni Xamuel, paniguradong nakahandusay na siya ngayon sa sahig.
"Okay ka lang?" Xamuel asked.
Namula ang pisngi ni Yara sa kahihiyan. Mabilis siyang tumayo nang maayos at pinaki-usapan ang sariling huwag na muling ma-out of balance.
"O-Oo... uh, pwede bang matanong kung para saan... bakit mo hinihingi number k-ko?"
Saka lang napagtanto ni Xamuel kung gaano nga naman kagulat-gulat ang request niya. Ni hindi nga siya kilala ni Yara tapos bigla niyang nilapitan para hingin ang number.
"I'm sorry, napangunahan lang ako ng emosyon. I'm asking for your number since we can't talk about it right now."
"Tungkol saan ba?" Yara asked hesitantly.
"About Klassey lang naman. I'm not close to her friends kaya naisip kong baka ikaw pwede kong mapaki-usapan..."
Saglit na natahimik si Yara at nagulat muli nang mukhang may napagtanto. Kumunot ang noo ni Xamuel dahil parang bata at hindi grade 12 student ang kausap niya.
Nasa pangatlong palapag na si Yara ng hagdan pero mas matangkad pa rin si Xamuel sa kanya. Napakahinhin at pino ng mga galaw. Kahit ang pagkurap ng mga mata niya ay tila ba naka-slow motion.
"I-I see... hindi ko kasi kabisado number ko. Pwedeng 'yong sa 'yo na lang ang kunin ko?" Yara asked.
Tumango si Xamuel. "Sure!" Xamuel wrote down his number on a piece of paper Yara offered.
"Text mo na lang ako within the day kapag wala ka ng ginagawa," bilin ni Xamuel. "Thank you."
"A-Ah, no problem..." nauutal na sabi ni Yara habang tinatanggap ang papel at bolpen niya galing kay Xamuel.
"Ah, I almost forgot. I am Xamuel Sorrento," he introduced.
For the first time, Yara was able to look straight at his eyes. Her light brown eyes captivated Xamuel's attention innocently. Xamuel noticed a faint smile on her face.
"I know," Yara said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro