Chapter 3
Chapter 3 | Cool Off
Madalas ay wala nang ginagawa si Xamuel pag-uwi galing sa paaralan dahil hindi nagpapa-homework ang mga guro nila. Nasanay na si Xamuel tapusin lahat ng academic schoolwork sa eskwela para sana makagala o makasama niya si Klassey tuwing uwian. Iba nga lang kanina dahil hindi pa rin siya pinansin ng nobya hanggang sa paglabas nila ng gate.
Tamad na humiga si Xamuel sa kanyang kama at hinilot ang sentido. Sinabi naman ng mga kaibigan niyang willing silang tumulong kung gusto niyang hanapin ang taong nasa likod ng nangyari pero walang idea si Xamuel kung saan pwedeng magsimula. Isa pa, marami silang kailangang gawin bago ang Holiday Break sa iba't ibang subjects. Hindi nila yata kakayaning libutin ang buong campus ngayon para lang sa taong iyon.
Napasabunot na lang si Xamuel sa sarili. Wala naman kasi dapat silang problema ni Klassey, may epal lang talaga sumulpot na parang kabute. Alam ni Xamuel sa kanyang sarili na wala siyang ibang kausap na babae at wala siyang ginagawang mali sa likod ni Klassey.
Inabot ni Xamuel ang kanyang cellphone para tingnan kung sumagot ba si Klassey sa text niya kanina. Tinanong niya lang kung nakauwi na ba siya pero walang reply. Xamuel grunted and switched his position. He thought of asking Lion for advice so he texted him.
"Xamuel, kakain na!" tawag ng isang kasambahay mula sa labas ng kanyang kwarto.
Bumagsak ang mukha ni Xamuel sa malambot na kama. "Sige lang, 'te! Susunod ako!"
Umupo si Xamuel sa dulo ng kama at sinuot na ang pambahay na tsinelas. Bago pa man mabitawan ni Xamuel ang kanyang phone, nakatanggap siya ng notification galing kay Frost. Wala siya sa mood makipagbiruan sa kaibigan ngayon at tatayo na sana siya para bumaba nang nagtaka siya sa sinabi nito.
"Xamuel!"
"Ay titi ko!" Napatakip ng bibig si Xamuel dahil sa nasabi niya.
Gago ka talaga, Frost! Letcheng kamay 'to, na-typo pa. Buti sana kung sa iba ko na-send na may common sense, e!
"Ha?" Nahimigan ni Xamuel ang pagtawa ng kanyang Tito Ten mula sa labas.
"Wala, Tito! Pababa na ako," sabi ni Xamuel na nag-iinit pa ang mukha sa kahihiyan.
"Sige, ikaw na lang ang kulang kaya tinawag na kita. Sumabay ka na sa 'kin."
Kahit medyo wala pa sa sarili si Xamuel, wala na siyang nagawa kung hindi sumabay kasama ang Tito niya pababa sa dining area. Nandito ang kanyang parents na mukhang kauuwi lang galing sa mga trabaho nila. Nandito rin si Chade, isa sa mga malalapit na pinsan ni Xamuel. Bumisita rin ang kanyang Tito Ten kasama ang asawa nito.
Umupo si Xamuel sa tabi ng kanyang nakababatang kapatid na si Jiyan.
"How's school?" Xamuel asked his brother.
"Normal, I guess?" Jiyan said, uninterested.
Xamuel shrugged and decided to end the conversation there. Mukhang bad trip ang kapatid niya at wala sa mood magkwento. Grade five pa lang si Jiyan at nag-aaral sa isang private school malapit sa kanilang subdivision.
Ang nanay ni Xamuel ay manager sa isang telecommunication company samantalang architect naman ang tatay niya. Hindi niya masasabing mayaman sila, may kaya lang. Hindi kailanman inisip ng pamilya nilang mas nakakataas sila sa iba. Basta't may tahanan, pagkain sa araw-araw at magkakasama silang lahat, sapat na.
"So Muel, how was the surprise? Why didn't you bring Klassey over?" his mother asked.
"Oo nga, buong linggo mong pinaghandaan ang surprise na 'yon. Kumusta?" kuryosong tanong na rin ng kanyang ama.
Napabuntong hininga na lang si Xamuel bago sinimulang ibahagi sa kanila ang nangyari kanina. Kumuha siya ng sariling ulam at nagsandok ng kanin habang 'di nakagalaw sa gulat ang mga taong kasama niya dahil sa kwento.
"That sucks," komento ni Chade nang matapos siya.
"Agree," sabi rin ni Jiyan habang nagsasandok ng ulam.
"Saan naman kaya nanggaling ang mga babaeng 'yon?" iritadong tanong ng kanyang ina. "Kung kailan ka nagseryoso saka naman nagkaganito."
"Oh, e 'di anong plano mo? Nagpaliwanag ka na ba kay Klassey?" his father asked.
Umiling si Xamuel at nilunok muna ang kinain bago muling nagsalita. "Hindi pa ako pinapansin. Susubukan ko ulit bukas, baka sakaling kalmado na siya."
After discussing Xamuel's problem, his parents brought up business. Hindi interesado si Xamuel makinig ngayon sa usapan ng magulang niyang makipag-collaborate sa ibang pamilya para mabuo ang inaasam nilang engineering firm. Ilang beses na niya itong narinig kaya kabisado na niya.
Minsan na rin siyang tinanong ng papa niya kung maganda ba ang ideya. Maganda naman lalo na't malaki ang posibilidad na siya rin ang magh-handle nito sa hinaharap dahil buo na ang desisyon niyang mag-engineering sa kolehiyo.
Isa-isa na silang umalis sa hapag nang natapos ang dinner. Matapos kumain ay saka lang naramdaman ni Xamuel ang pagod ng kanyang katawan, hindi lang sa araw na iyon, kung hindi ang pagod mula noong sinimulan niyang maghanda para sa surpresa. Mabilis siyang nagsipilyo dahil sa unang pagkakataon, ang katawan na niya ang nagmakaawang magpahinga siya.
Pinatay ni Xamuel ang ilaw ng kanyang kwarto at binuksan ang lamp shade sa tabi ng kanyang kama. Muli niyang tiningnan ang phone at natigilan sa pag-upo nang may nakitang shared post ni Klassey. Wala siyang ibang caption pero sapat na ang post na iyon para pagkaguluhan ng mga kaibigan niya.
Kumunot ang noo ni Xamuel nang basahin niya ang mga comments. Puro lang parinig sa kanya ang mga sinabi nila pero hindi niya napigilang 'di malungkot. Para kasing iniisip na talaga nilang niloko niya si Klassey.
Bumigat ang mga mata ni Xamuel. "I'm not a cheater," nanghihinang bulong ni Xamuel sa sarili.
Pinatay niya ang phone at hinayaan ang sariling mahulog sa malambot niyang kama.
Nakasandal si Xamuel sa pinto ng kinaroroonan niyang cubicle dahil wala siyang tiwala sa lock nito sa dami ng kumakatok mula sa labas. Ang iilan pa sa kanila ay tinutulak na ang pinto kaya naman doble ang kaba ni Xamuel.
Tahimik siyang naglakad kanina galing pa sa likurang entrance ng school para sana hindi mapansin ng mga tao. Sa 4th floor ng katabing building pa siya umakyat para makaiwas sa ganito tapos masasalubong niya pala ang iilang mga babaeng naghahanap sa kanya.
"Xamuel, mag-usap nga tayo!"
"Hoy, anong kayo? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ako nga ang nililigawan ni Xamuel ngayon! Mga patay na patay na ba kayo sa kanya para makisali rito?"
"E sabing ako nga ang girlfriend niya! Ka-text ko pa nga siya hanggang 1 kaninang madaling araw!"
Putang ina, tulog na ako no'n, ha!
Napapikit na lang sa iritasyon si Xamuel dahil umagang umaga, ito ang sumalubong sa kanya. Akala niya'y natapos na ang kahibangan nila kahapon pero hindi pa pala!
Talagang paniwalang paniwala ang mga babaeng ito na si Xamuel talaga ang kausap nila. Kailangan na ni Xamuel mag-isip ng paraan kung paano sila patitigilin dahil baka lumala lang kapag tumagal ang ganito.
Wala mang kinalaman si Xamuel ay nadamay pa rin ang pangalan niya kaya parang naging responsibilidad niya na rin ngayon ang mga babaeng 'to. Nasa kalagitnaan siya nang pag-iisip nang may malakas na pumalo sa pintuan ng comfort room. Nagsitilian ang mga babae sa gulat at natigil ang pagkatok.
"Lahat ng girls na nandito, guidance kayong lahat kapag hindi pa kayo lumabas diyan!" sigaw ni Lion.
Saka lang nakahinga nang mabuti si Xamuel. Narinig niya ang tunog ng sapatos ng mga babaeng nag-unahang lumabas. Alam nilang hindi biro o pananakot lang ang sinabi ni Lion.
Sumara ang pinto ng CR at mukhang ni-lock pa ng mga kaibigan niya iyon saglit para siguraduhing wala nang babalik na babae sa loob.
"Pwede ka nang lumabas," natatawang sabi ni South.
Bumungad sina Lion, South at Frost na suot pa ang kani-kanilang mga bag nang lumabas si Xamuel. Huminga nang palabas si Xamuel dahil nakaka-suffocate sa loob ng cubicle.
Nakita niyang nagpipigil ng tawa si Frost sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nito habang si Lion naman ay iritado ang mukha. Si South ay nakangiti at nang-aasar ang tingin sa kanya.
"A-Ano ba kasing nangyari?" Pilit na nagseryoso si Frost pero natawa rin sa huli dahil sa paglingon niya kay South.
Napairap na lang si Xamuel at hinayaan sila. "Sa likod ako pumasok kanina para 'di ako makita ng marami tapos dito ako naglakad papuntang room para sana makaiwas sa mga babaeng 'yon."
"Tapos may nakasalubong ka, gano'n ba?" Hindi pa rin matigil sa katatawa si Frost.
"Obviously," napipikong sabi ni Xamuel.
Binatukan ni South si Frost. "Tang ina nito, seryoso na kasi." Siya rin naman ay natawa muli matapos suwayin ang kaibigan.
"Gago, sorry, kasi naman! Umagang umaga, brad! Para kang nasa zombie apologize."
"Zombie apologize ampota!" halakhak pa ni South.
Pati si Lion ay pasikretong napangisi dahil sa tawanan nila. Pinulot ni Xamuel ang bag niyang nasa sahig ng cubicle at sinuot ito sa kanyang likod.
"Bakit mo ba sila sinama?" tanong ni Xamuel kay Lion.
"Syempre para may back up ka in case na 'di kaya ni Lion patigilin 'yong mga 'yon," Frost said.
"Tang ina niyo, puro tawa nga lang ambag niyo ngayon," iritadong sabi ni Xamuel.
"Oh, seryoso na!" South said and finally doing it.
"We need to do something to stop them," Lion said.
Lahat sila ay tumango.
"Any idea how?" Lion asked. His eyes darted toward Xamuel.
"I'm thinking of posting my explanation on Facebook pero alam niyo namang 'di ko gawain 'yon. It's just the easiest way to inform people. Mababasa ng mga babaeng iyon ang post pati na rin nina Klassey."
"Naks, artista 'yarn?" pang-aasar ni Frost na agad ding natigil dahil sa matalim na titig ni Lion. "I mean, that's a good idea, but are you okay to receive such an attention? Di mo naman hilig magpapansin at mag-post ng something personal sa social media. Kung kauusapin ka lang ni Klassey, 'di mo na 'to kailangang gawin."
"Right? Kaya nga pinag-iisipan ko pa. I just want to stop those girls from attacking me and clarify to them na hindi ako ang kausap nila."
"How about finding the culprit? Have you thought about it?" South asked.
Xamuel sighed. "Kung isa talaga siya sa past suitors ni Klassey, 'di ko alam saan magsisimula. Ang iba pa do'n ay taga-ibang branch."
"Let's narrow it down para 'di tayo mahirapan," South said. "But first, let's stop the girls."
"Right. Kapag naman tumigil na sila, we can coordinate with one of them. Let's get the culprit's number para makausap natin," Lion said.
Pumalakpak si Frost. "Tama kayo diyan!"
Sabay-sabay silang tatlong napailing.
"What? Nasabi niyo na lahat gusto kong sabihin, e," depensa ni Frost. "Saka malapit na ang unang klase. May mga lalaki pang gustong mag-CR kanina. Baka magkasakit na sa bato 'yong mga naghihintay sa labas."
That was their cue to leave the comfort room. Since running was not allowed in the hallway, they walked as fast as they could to avoid being late.
"Balita?" tanong ni South nang nakita niya si Xamuel na padabog nilapag ang phone sa lamesa.
"Seen lang."
South snorted and looked in front. General Physics 2 ang subject nila ngayon at kanina pa buryong buryo si South dahil paulit-ulit na lang ang discussion. Hindi niya naman masisisi ang iba niyang mga kaklase kung mabagal makaintindi kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi magtyagang makinig. Pareho sila ni Xamuel na agad nakuha ang topic kaya pasikretong nag-selpon si Xamuel kanina.
"Psst, Timog," may boses na bumulong galing sa kanilang likuran.
Nilingon ni South patagilid si Frost na hawak ang iPad nito. "Paano ulit 'to nakuha?"
"Di ka ba nakikinig?" iritadong sabi ni South. "Ang haba-haba na nga ng discussion, 'di mo pa rin gets?"
"Naguguluhan ako kay ma'am," mariing bulong ni Frost. "Ang layo ng table ni Lion sa atin, 'di ko matanong."
"Alin ba diyan?"
"Number five, brad."
Tiningnan ni South ang sariling sagot bago muling nilingon si Frost para turuan kung paano kunin ang potential difference across a resistor.
"Pota I times R lang pala 'yon," gulat na gulat na sabi ni Frost. "Bakit parang ang haba kasi ng explanation ni ma'am kanina."
"Kung saan-saan kasi pumupunta topic ni ma'am kaya nagugulo," masungit na sabi ni South. "Gutom na ako."
"Five minutes na lang," sabi ni Xamuel. "Hihintayin ko si Klassey kaya kayo muna kumain."
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang pinaka-inaasam ng lahat, ang break time. Tumayo na ang mga kaklase nila para lumabas ng room.
Niyakap ni Xamuel ang sarili dahil sa lamig ng aircon. Kanina pa niya minumura ang sarili dahil sa dami ng pwede niyang makalimutan ay jacket pa.
"Di ka sasama?" Lion stopped by to ask him.
"Hindi muna. Kauusapin ko si Klassey, brad."
"Tara na, Lion!" tawag ni Frost mula sa pinto.
"Okay, good luck with that. Do you need anything?"
"Sprite na lang," Xamuel said.
Lion nodded and took his way out. Pakonti-konting nawala ang ingay sa corridor hudyat na lahat ng mga estudyante ay mga nagsibabaan na para kumain.
Lumabas si Xamuel para hintayin si Klassey sa harap ng room nito kahit pa hindi siya sigurado kung nandoon pa ba ang dalaga. Makulimlim ang langit at mukhang uulan din maya-maya. Nakabukas ang mga ilaw sa hallway dahil walang sapat na liwanag ang paligid dulot ng madilim na panahon.
Natigilan si Xamuel dahil sumakto sa paglabas niya ang paglabas din ni Klassey sa room nila. Gusto niyang tawagin ang girlfriend pero kasama nito ang maiingay niyang mga kaibigan.
"Kla—" Nabitin sa ere ang bibig ni Xamuel dahil sa lakas ng grupo ni Klassey.
May nakapansin kay Xamuel na kaibigan ni Klassey at bumulong ito sa kanya. Kinabahan si Xamuel nang saglit siyang nilingon ng girlfriend. Pati tuloy ang iba niyang mga kasama ay napatingin na rin sa kanya. Pinilit niyang magmukhang kalmado kahit pa hindi siya komportableng tinititigan.
"Tara na." Nabalik lang ang lakas ng loob ni Xamuel nang narinig niyang sabihin iyon ni Klassey.
"Klassey, wait! Kahit five minutes lang!"
"May naririnig ba kayo?" sarkastikong tanong ng isa sa mga kaibigan ni Klassey.
"Wala naman, huwag niyo na lang pansinin!"
"Klassey! Pano tayo magkakaayos kung iiwasan mo 'ko? We can fix things by talking about it." Stop being childish, Xamuel wanted to add but refrained himself. It might worsen the situation.
Mukhang natauhan ang grupo nila dahil biglang natahimik at napatigil sa paglalakad.
"Mauna na kayo," Klassey said to her friends.
Her friends gasped in surprise. "Kausapin ko lang. Susunod ako agad."
Wala nang nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi sumunod. Nakatalikod si Klassey kay Xamuel at humarap lang noong wala ng ibang tao sa paligid nila.
Kahit pa may touch of make up ang mukha ni Klassey, halatang namaga ang mga niya. Agad na dumaloy ang pag-aalala kay Xamuel. Mukhang umiyak buong gabi si Klassey at hindi niya mapigilang sisihin ang sarili kahit pa hindi niya naman kasalanan ang nangyari.
"Klassey," he called.
Klassey remained silent.
"I'm sorry."
"Sabi mo hindi mo kasalanan. Bakit ka nags-sorry ngayon?"
"I'm apologizing for the pain and confusion that have affected you. Totoong wala akong alam sa nangyaring pagsugod ng mga babaeng iyon kahapon. I don't know them and I don't have any relationships with them. Hindi totoong ka-text ko sila at sinabi kong nag-break tayo. Hindi totoong may iba akong nililigawan. You know that better, right? We're always together naman."
Xamuel paused for a second to allow Klassey to speak, but she said nothing. Naka-krus ang braso ni Klassey sa dibdib niya habang nakatitig lang kay Xamuel na hirap na hirap ipaintindi ang sarili.
Xamuel moved a step forward. "Ang iniisip ko ngayon, baka may ibang tao sa likod nito na nagpapanggap bilang ako at siya ang kausap ng mga babaeng 'yon. We're planning to find the culprit, but if... if we're gonna be okay after this, I may change the plan. We can report the girls sa guidance if needed para sila na ang mag-handle sa kanila. Ang mahalaga lang naman sa akin ay tayo."
"Xamuel," Klassey finally spoke.
"Yes?"
"Ang mahalaga lang naman ay tayo, 'di ba?"
"T-That's what I just said..." Xamuel trailed off.
Klassey chuckled and looked away. Halos marinig na ni Xamuel ang tibok ng puso niya sa sobrang tahimik nilang dalawa.
"May tiwala naman ako sa 'yo at sa totoo lang ay hindi ako naniniwalang niloko mo 'ko," Klassey said. "But what happened traumatized me. I would have been hurt if I hadn't rushed away during the surprise. Hindi nagdadalawang isip ang mga babaeng iyon na saktan ako dahil baliw na baliw sila sa 'yo. Did you know that some of those girls sent me threatening text messages? I have never been this anxious and terrified in my entire life."
Nanlaki ang mga mata ni Xamuel sa narinig. Gusto niyang hawakan ang nanginginig na mga kamay ni Klassey ngunit baka ipagtabuyan siya kapag lumapit. May nagbabadyang luha sa mga mata ni Klassey at sumabay pa ang pag-ambon.
"I-I think I cannot be with you while they are still around," Klassey said, stuttering. She tried to look him in the eye. "Cool off muna tayo, Xamuel."
As Xamuel let Klassey go, the rain began to fall.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro