Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2 | Wallet

Huli na noong napansin ng magkakaibigang Xamuel, Lion, Frost at South kung gaano kalayo ang tinakbo nila para lang iwasan ang mga babaeng humahabol kay Xamuel.

Lahat sila'y nakayukong hawak ang mga tuhod at hinahabol ang mga hininga. Halos humandusay na si Frost sa lupa dahil pangalawang beses na niyang tumakbo nang gano'n kabilis ngayong araw.

"Putang ina," mura ni South noong naging medyo maayos na ang pakiramdam. "Nawala na ba natin sila?"

"Siguro, 'di na maingay, e," nanghihinang sabi ni Lion.

Xamuel sat in a vacant space, not minding his uniform getting dirty. South sat inches away from Xamuel as well. They watched Frost whine until he settled down. Naiintindihan naman nila ang kaibigan dahil kahit sila'y gustong magwala sa gulo. Siguro'y dahil na rin sa pagod kaya hindi na sila gumaya pa kay Frost.

"Okay, let's get this straight," Lion started.

"Wala akong alam," agad na sabi ni Xamuel at napasabunot sa sariling buhok. "Ni hindi ko nga kilala ang mga 'yon!"

"Alam naming nagsasabi ka ng totoo, Muel," South said. "Ang kailangan nating malaman ngayon ay kung sinong nasa likod nito."

"Were they your past flings?" Frost asked.

"I don't know?"

"They were all claiming na sila raw ang girlfriend mo, 'yong iba naman sinabing nililigawan mo pa lang," Frost chuckled.

"May namukhaan pa nga akong grade 9 sa kanila. Hindi ka pa naman nawawala sa katinuan para pumatol sa gano'n kabata, 'di ba?"

Xamuel made a disgusted look on his face. "The fuck? Kahit wala akong girlfriend ngayon, 'di ko gagawin 'yan!"

"Sabay-sabay pa silang mga nagsidatingan. It seems like someone has set this up to create a conflict between you and Klassey," Lion said.

"Ayan din naiisip ko," sabi ni South habang pinapaypayan ang sarili gamit ang suot na uniform.

"Are you saying that another person is playing as Xamuel to manipulate that number of girls? Ang lakas niya naman!" Frost said, confused.

"Well, that's not impossible," Xamuel whispered. "Pero tang ina, akala tuloy ni Klassey niloloko ko siya."

Dumapo ang tingin ni Xamuel sa cake na tinabi pala sa kanya ni Frost kanina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano makaka-usap ang nobya para linawin ang sarili at makapag-sorry na rin.

"If you're thinking of giving that cake to Klassey after what happened, don't," South said.

Nilingon ni Xamuel ang kaibigan. Iyon din naman ang sumunod na pumasok sa isip ni Xamuel, na baka hindi pa tamang oras para lapitan muli si Klassey. Paniguradong naguguluhan pa ang dalaga dahil sariwa pa ang insidente. Baka hindi siya pakinggan ni Klassey ngayon.

"Ako na lang magbibigay para na rin malaman natin kung kumusta ang kalagayan niya," alok ni Frost.

"You're so attached to the cake," South said.

"Tang ina, ang sarap kaya niyang binili ni Xamuel! Kung 'di tatanggapin ni Klassey, tayo na lang kumain!"

"Gago, baka naman mamaya isang tanggi pa lang ni Klassey, susuko ka na? Medyo pilitin mo naman siyang tanggapin kahit ang cake na lang!" South laughed.

"Sige, siguro mga tatlong pilit pa. Kapag ayaw talaga niya, pasensyahan na lang." Frost smirked.

"Iwan mo sa ibang kaibigan niya para sila mag-abot, tanga," Lion said.

"Huh?" reklamo ni Frost.

"Oh? Bakit? May angal?" maangas na tanong ni Lion.

Umiwas ng tingin si Frost at sumipol. "Wala, sabi ko nga."

"Sa room na lang tayo magkita-kita. Magt-time naman na kaya paniguradong wala na 'yong mga nanghahabol. Much better nga if nahuli sila ng council," South said.

"Sige, mauna na ako kay Klassey," imporma ni Frost bago tuluyang umalis.

"Muel," tawag ni Lion sa kaibigang busy na pala ngayon sa kanyang cellphone.

Nag-send lang ng message si Xamuel kay Klassey para doon muna humingi ng paumanhin at batiin siya ng "Happy Anniversary". Hindi naman umaasa si Xamuel na sasagot agad ang nobya kaya napabuntong hininga na lamang siya nang ma-send ang mensahe.

"Maybe it has a connection with Klassey's previous suitors?" South said, unsure. "Di ba bago maging kayo may parang nakaaway ka pa dahil 'di niya tinitigilan si Klassey?"

"Maybe. Marami pa namang admirers si Klassey ngayon kahit kayo na. Kung hindi man 'yong dati, baka isa sa mga may gusto sa kanya ang gumawa," Lion added.

Tumayo na si Xamuel galing sa pagkaka-upo. "But even if I say this hypothesis to Klassey, hindi 'yon basta-bastang maniniwala nang walang pruweba. If someone's really behind this, we need to catch that person."

"Yeah but how? Suspicion is not enough to accuse someone. If we're going to push this through, we need to investigate everything," South said. "Ang sakit naman nito. Iniisip ko pa lang na magpapagod tayo para lang mahanap ang gagong 'yon."

Lion shrugged. "It's up to Xamuel anyway."

Tahimik tinahak ng tatlo ang daan pabalik sa classroom nila. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay bumukod si Xamuel para bumili ng inumin sa cafeteria. Hinayaan siya nina Lion at South sa gustong gawin at nauna na ang dalawa sa kanilang silid aralan.

Kahit pa hindi naman sinasadya ni Xamuel makinig sa mga bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan niya, hindi nakatakas ang nakaka-intrigang usapan ng mga ito.

"Nag-cheat ba talaga si Xamuel? Baka naman misunderstanding lang."

"Ang daming mga babaeng naghabol sa kanya kanina sa kalagitnaan ng surprise kay Klassey, 'no! Saka sabi nila may history din ng pagkababaero 'yon."

"Yikes, but isn't it too unbelievable that he let those girls expose themselves? 'Di ba kapag kabit madalas in secret lang?"

"E ang narinig ko namang rason ng mga babaeng 'yon kung bakit sila nagsilabasan ay dahil nagulat daw sila sa pa-surprise ni Xamuel. Akala nila wala na sila ni Klassey dahil nga sila ang ka-textmate ni Xamuel ngayon!"

"Ang malas naman ni Klassey sa jowa niya."

Napailing na lang si Xamuel at walang pakialam na pumasok sa cafeteria. Konti na lang ang mga kasabayan niyang bumili kaya hindi na niya kinailangang pumila pa nang matagal. Tumayo siya sa likod ng isang babae bilang susunod na bibili.

Tamad na naka-krus ang mga braso ni Xamuel sa harap ng kanyang dibdib habang naghihintay. Medyo malaking halaga ng pera ang binayad ng babaeng nasa harap niya kaya nahirapan ang tinderang suklian iyon.

"Uh... bibili na lang po ako ng isang brownies para sakto na ang sukli," marahang sabi ng babae sa tindera.

"Ay, mabuti pa nga!"

Bumalik ang atensyon ni Xamuel sa harap dahil sa narinig. Umayos na siya ng tayo dahil siya na ang susunod na bibili. Umalis na ang babae at siguro'y dahil puno na ang mga kamay nito, nakalimutan niyang dalhin ang kanyang maliit na coin purse wallet.

Saglit na natigilan si Xamuel dahil hindi niya alam kung anong uunahin, habulin ba ang babae para isoli ang wallet o bumili muna.

"Ate, isang Sprite nga po. Habulin ko lang may-ari nito." Turo ni Xamuel sa naiwang pink na wallet.

Dali-daling lumabas si Xamuel sa cafeteria para hanapin ang babae. Paniguradong hindi pa nakakalayo iyon dahil wala pa namang isang minuto mula noong umalis ito.

Lumingon si Xamuel sa magkabilang direksyon at pilit na inalala kung ano ba ang hitsura ng babae kanina. Hindi niya naman kasi pinansin ang presensya nito kaya hindi niya rin nakilala.

Ang natandaan lang ni Xamuel ay may suot na puting headband at hanggang dibdib niya lang ang height ng babae. Kailanman ay hindi pa niya ito nakasalamuha kaya medyo nahirapan siyang hanapin sa paligid.

Mabuti na lang at dumaan si Xamuel sa gymnasium dahil sa gilid nito niya naabutang naglalakad ang babae.

"Miss!" tawag niya sa babae para huminto muna sa paglalakad.

Sumigaw ulit si Xamuel dahil mukhang hindi siya napansin sa unang pagtawag. Nang sa wakas ay nilingon na siya ng dalaga, mas binilisan niya ang paglapit.

Sa gulat ng babae ay wala sa sarili siyang napaurong, marahil ay nalimutan niya ring nakatayo siya sa hagdan ng gym.

Napatili ang babae nang biglang na-out of balance ang kanyang katawan. Mahuhulog na sana siya sa mainit na semento nang saktong nahawakan ni Xamuel ang nakataas niyang kamay.

"Oh! Muntik ka nang mahulog!" Xamuel exclaimed as he tried to assist the girl to stand straight again.

"A-Ah, thank you. Nagulat lang ako dahil tumatakbo ka papunta rito..." mahinhing sabi ng babae.

Namumula pa ang pisngi nito at hindi makatingin ng diretso kay Xamuel. Inayos ng dalaga ang suot nitong eyeglasses habang nakatingin sa sahig.

"Gusto ko lang isoli 'tong wallet mo, nakalimutan mo kanina sa cafeteria." Nilahad ni Xamuel ang wallet na tinutukoy.

Nanlaki ang mga mata ng babae at mabilis iyong kinuha galing kay Xamuel. "Hala, sorry! Akala ko nasa bulsa ko na kanina," naiiyak niyang sabi.

"It's fine." Tipid na napangiti si Xamuel. "Anyway, I gotta go."

Nakayukong nagsalita muli ang babae. "Ah, s-sige. Salamat ulit dito..."

Bumalik si Xamuel sa cafeteria upang bayaran ang biniling inumin. Inimon niya ang kalahati nito habang nasa daan patungo sa kanilang classroom dahil kahit pa Disyembre, hindi nagpatalo ang init ng tanghaling iyon.

Katabi lang ng room nila ang section ni Klassey na STEM 1. Binalak ni Xamuel na sumilip doon saglit para lang makita kung anong kalagayan ng kanyang nobya. Hindi pa rin kasi siya nir-reply-an nito ngayon at hindi mapakali si Xamuel dahil baka ano nang iniisip ni Klassey.

Sa pagliko ni Xamuel sa corridor ng kanilang room, naabutan niyang pilit na pinapalabas si Frost ng mga kaibigan ni Klassey. Nakabukas na ang cake dahil mukhang sinunod talaga ni Frost ang sinabi nilang ipilit ibigay ito sa kanila.

"Masarap 'to, pramis! Mawawala ang tampo at galit ni Klassey kapag kinain niya kaya tanggapin niyo na!" nagmamakaawang sabi ni Frost.

Pilit inaabot ni Frost ang cake sa isang babaeng kaibigan ni Klassey na kilala nila bilang si Irish. Lumapit si Xamuel sa tabi nila para sana pigilan na si Frost nang biglang lumabas si Klassey galing sa loob.

"Hoy, Klassey, hayaan mo na yan!" may sumigaw mula sa room.

"Ang kulit mo kasi, e. Sabing 'di nga niya tatanggapin 'yan!" iritadong sabi ni Irish na hawak na pala ngayon ang cake.

Pilit niya naman itong binabalik kay Frost na agad tumakbo palayo at tumatawa pa.

"Frost!" tawag ni Xamuel sa kaibigang papasok na sana sa room nila. Parehong natigilan sina Frost at Irish sa presensya ni Xamuel.

"Kunin mo na 'yang cake!" sabi ni Xamuel.

"E, kung kailan nasa kanila na!" reklamo ni Frost.

Bago pa man muling makapagsalita si Xamuel, tahimik siyang dinaanan ni Klassey at dumiretso kung na saan si Irish na hawak ang cake.

Walang sabi niya itong kinuha at saglit na tinitigan. Xamuel felt hopeful for a second. Kahit si Frost ay nagulat sa hindi inaasahang kilos ni Klassey.

Sinarado ni Klassey ang box ng cake at tinali pa ito muli.

"Ayon naman pala, tatanggapin mo rin!" maligayang sabi ni Frost.

Tahimik na naglakad si Klassey pabalik sa kanilang room. Maglalakad na rin sana si Xamuel papunta sa kanilang silid nang napansin niyang hindi pala sa room ang punta ni Klassey.

"Hoy, anong gagawin mo diyan?" naalarmang tanong ni Frost kay Klassey nang napansin din iyon.

Binuksan ni Klassey ang basurahang nasa gitna ng magkatabing room at walang pag-aalinlangang tinapon doon ang cake.

"Hoy! Nagsasayang ka ng pagkain!" galit na sigaw ni Frost at mabilis na tumakbo palapit sa basurahan.

"Klassey!" Kahit si Xamuel ay hindi napigilang hindi mairita sa ginawa ng nobya.

Hindi niya inakalang dadating sa puntong itatapon ni Klasey ang cake dahil lang sa nararamdamang galit. Dahil sa ingay na kanilang nagawa, lumabas sina South, Lion at iba pa nilang mga kaklase para alamin ang nangyari.

Walang sabing pumasok na si Klassey sa kanilang classroom, hindi inalintana ang mga nakanood at ang reaksyon ng mga ito. Kahit si Xamuel ay hindi natuwa sa ginawa ni Klassey.

Xamuel gritted his teeth in annoyance. He wanted to call out Klassey for what she had done to the cake, but the teacher of STEM 1 for that afternoon was already on site.

Nilingon muli ni Xamuel ang kaibigang binuksan talaga ang basurahan para makuha agad ang cake. Mabuti't nasa ibabaw lang ito at nakasara pa.

"Gets ko namang galit siya sa 'yo pero bakit kailangang magsayang ng pagkain?" iritadong bulong ni Frost.

Xamuel sighed and let Frost bring the cake with him inside their room.

"Ba't parang natagalan ka sa baba?" South asked Xamuel the moment he sat next to him.

"Someone forgot her wallet kaya hinanap ko pa," Xamuel said. "Wala pa si Ma'am, kain muna tayo ng cake. Nagutom ako kakatakbo kanina."

"Tama 'yan, tayo na lang ang kumain nito!" Iritado pa rin si Frost.

"I didn't expect Klassey would go that far," Lion said. "Medyo petty."

"Wala, e. Napangunahan ng sama ng loob kaya gano'n," South trailed off. "Tayo na lang mag-anniversary."

"Kayo ni Frost. Pang-ilang buwan niyo na ba ngayon?" biro ni Lion.

"Pota, 'wag na lang pala," walang ganang sabi ni South.

"Ano? Magsasayang ka rin ng pagkain?" pagalit na tanong ni Frost.

"Hindi, baliw! Kakain ako!"

"Akala ko aarte ka pa, e."

"Sorry sa ginawa ni Klassey. Sasabihan ko na lang kapag okay na kami," Xamuel whispered just enough for them to hear.

"Gago, 'wag kang mag-sorry. Ang mahalaga okay pa ang cake," kalmadong sabi ni Frost at tuluyang nilabas na ang cake para paghatian nilang apat.

🌻

#ProtectTheCakeAtAllCosts :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro