Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17 | Obvious

Abala na ang buong campus para sa paghahanda sa inaabangang prom night. Lahat ng mga estudyanteng kasali sa prom ay may kanya-kanya ng date. Everyone eagerly practiced their dance with their chosen partners, some of whom were paired up by their class advisers.

Naging partner ni Lion ang kaibigan niyang student council president dahil siya lang din ang kilala ng girlfriend ni Lion. Frost seemed delighted with his date. With no one in mind to ask, Xamuel accepted the adviser's decision to pair him with their class secretary, Aiah. South's partner was also their classmate. Nagulat nga sila na biglang pumayag si South um-attend ng prom. Sa mismong araw kasi ng prom night, may dalawang entrance exams si South.

"Hindi ko pa rin nakikita si Yara," Frost said while they were having a water break.

"We just literally talked to her last week," Lion said.

Frost let out a sigh and took a sip from his drink. Xamuel quickly glanced at South to gauge his reaction, but he seemed utterly disinterested. Nilibot ng mga mata ni Xamuel ang gym para hanapin kung nandito na ba si Yara.

Nahuli pa ni Klassey ang kanyang tingin nang bumaling siya sa kanilang banda. Mabilis umiwas si Xamuel at tumalikod para ibalik ang flask bottle sa bag.

"Pang-apat na araw na 'to ng practice pero wala pa rin si Yara," Frost said. "Iniisip ko tuloy kung hindi ba siya kasali. Noong huli natin siyang kinamusta, marami pa siyang ginagawang activities at hinahabol na quizzes."

"Hindi siya kasali dahil sa backlogs niya? Masyado namang unfair 'yon," komento ni Lion.

"Ewan ko nga lang. Ano sa tingin mo, Muel? Kayo lagi ang nag-uusap, e."

Kumunot ang noo ni Xamuel sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita dahil hindi niya rin maitatanggi ang palagi niyang pagbisita kay Yara sa music room nitong mga nakaraang araw.

"I just wanted to help her," Xamuel tried to act cool.

Kahit hindi niya kaharap si Frost, ramdam niya ang mapanuksong ngisi ng kaibigan. Mabuti na lang at tinawag na sila muli ng mga guro para bumalik sa kani-kanilang pwesto.

"Hindi mo ba naisip yayain na lang si Yara para siya ang partner mo ngayon?" Frost whispered while they were walking.

"Manahimik ka nga. Hindi 'yan sumagi sa isip ko," iritadong sabi ni Muel.

Humalakhak si Frost sa kanyang gilid. "Bakit ka ba galit na galit agad?"

Laking pasasalamat ni Muel na muling nag-anunsyo ang gurong may hawak ng microphone. Wala sa mood si Xamuel para sabayan ang panunukso ni Frost ngayon lalo na't nagtataka rin siya kung bakit hindi pa rin kasali si Yara sa practice.

Alam ng lahat na mandatory sumali sa prom lalo na silang seniors. Nandito rin ang mga kaklase ni Yara at mukhang lahat sila'y kasali.

Tandang tanda pa ni Xamuel ang sinabi ni Yara noong wala siyang kaibigan bukod kay Klassey. Inisip ni Xamuel na mukhang hindi na rin nagkikita sina Yara at Klassey dahil sa mga nagdaang nangyari, gaya ng kanilang breakup at ang pambu-bully kay Yara.

Bukod kay Klassey, silang apat na lang ang tinuturing na kaibigan ngayon ni Yara. Wala rin namang alam sina Lion, Frost, at South tungkol kay Yara kaya wala na siyang ibang pwedeng pagtanungan bukod kay Yara mismo.

"Xamuel, your hands," Aiah said, waking him up back in reality.

"Ah, right. Sorry."

Xamuel quickly positioned his hands in the right places for the dance. His eyes met Aiah's when he tried looking up.

"Kanina ka pa distracted. Okay ka lang ba?" natatawang tanong ni Aiah.

Muel tried to smile. "May iniisip lang."

Aiah's brows creased. "Si Klassey ba?"

"Huh?"

The classical music for the ballroom dance started playing. At this point, the steps were already familiar to Xamuel's body. Kahit hindi na siya tumingin sa gurong nasa harapan o sa mga katabi nila, nakakasabay na sila ni Aiah sa tugtog.

"Sorry, I didn't mean to pry. Inassume ko lang na baka si Klassey ang iniisip mo dahil partner niya si Derrick..."

Aiah looked away that made Xamuel chuckle. "Ah, hindi sila ang iniisip ko."

Napapikit si Aiah na mas kinatawa ni Xamuel. "Sorry talaga. Akala ko kasi galit ka kanina dahil ang tagal mong nakatingin sa banda nila."

"I just have a serious resting face, but I'm not mad at anyone, Aiah."

Aiah has always been their class secretary because of her good penmanship and academic skills. Maraming achievers sa room nila at isa na roon si Aiah. Noon pa man ay lagi na siyang may bangs at mahabang buhok. May narinig ding chismis si Muel noon tungkol sa past relationship ni Aiah sa isa nilang kaklase pero hindi na niya matandaan ang detalye.

"Aiah, can I ask for your opinion?" Muel asked out of the blue.

Sinubukan muli ni Aiah tingnan si Xamuel. "Opinion ko? Tungkol saan?"

Xamuel took a deep breath. "For example, may kaibigan kang walang ibang kaibigan tapos gusto mo pa siyang makilala. I should ask her, right?"

"Oo?"

"But the thing is... what if this person is too cautious? Then, it troubles you kasi what if may masabi o matanong kang masyadong personal."

Aiah nodded. "So you want to get to know your friend better pero takot kang magkamali."

Xamuel's eyes squinted. "P-Parang gano'n na nga..."

"Then you must like this person, Xamuel," natatawang sabi ni Aiah.

Napapikit sa sakit si Xamuel nang tumama ang ulo niya sa balikat ng katabi.

"Shit, sorry, Muel! Hindi kita napansin sa pag-ikot. Ayos ka lang?"

Xamuel nodded to reassure his classmate that he was fine.

"Okay ka lang ba?" Aiah asked when Muel motioned her to continue their dance as if nothing happened.

Xamuel hid the pain through a smile. "Okay lang, hindi naman malakas ang impact. Pangit lang ng timing kasi iikot na pala kami pero nakatayo pa rin ako. Me problem."

Aiah sighed and glared at him. "Nagulat ka ata sa sinabi ko, e. Baka nga gusto mo talaga 'tong tinutukoy mo, Xamuel."

Xamuel chuckled. "Ano ka ba? Ang layo na ng iniisip mo, nagtanong lang naman ako kung anong dapat gawin."

"Sabi mo opinion ko, oh eto nga opinion ko. Kung ako sa 'yo, lapitan mo na siya para matanong 'yang mga gumagambala sa isip mo."

Xamuel bit his lower lip's inner skin and didn't say more. The thing is, nothing's disturbing Xamuel except that Yara's not participating in their prom practice. He would rather help Yara finish her backlogs as soon as possible than be here at the gym repeating the same steps. He really enjoys spending time with Yara in the music room, but he's starting to feel like he's been intruding on her space more frequently.

"Bilisan niyo na. Baka maubusan tayo sa cafeteria," South said when their teachers finally let them have an hour break.

"Saglit, pagod na pagod na 'ko!" Frost grunted and lazily sat on the bleachers.

"Hindi ka kakain?" Lion asked.

Frost closed his eyes and leaned back. "Hindi muna, Li, pero kung concerned ka sa 'kin pwede mo naman akong bilhan ng pagkain."

"Hindi ako concerned," mabilis na sabi ni Lion. "Tara na nga, Timog. Baka humirit pa 'yan ng libre."

South laughed. "Ikaw, Muel? Dito ka lang din?"

Tumango si Muel. "Oo, siguro bababa na lang ako kapag nagutom. Masakit na rin mga paa ko."

Hinayaan na sila nina South at Lion maiwan sa gym. Saglit sinundan ng tingin ni Xamuel ang dalawang lumabas ng gym at natigil lang nang naramdaman niya ang mga mata ni Frost.

"Bakit ka ba ganyan tumitig? Para kang tanga."

Frost roared a laugh. "Ikaw ang parang tanga, Muel. Gusto mo bang hulaan ko ang nasa isip mo? Paniguradong gusto mong pumunta ngayon sa music room para tingnan kung nandoon ba si Yara—"

"Manahimik ka nga!"

Padabog na umupo si Xamuel sa tabi ni Frost na halos mahulog na sa bleachers katatawa.

"Halata ba ako?" Muel whispered. "I mean, you're curious, too. You were the first to bring it up earlier!"

"Oo, curious din naman ako, Muel. Ang akin lang, bakit mo ba tinatago saming gusto mong kumustahin si Yara? Bakit mo lagi iniiba ang topic kapag tinatanong kita kung nagkita ba kayo?"

Pabirong sinuntok ni Muel ang braso ng kaibigan. "E kasi kapag ikaw ang nagtatanong, may malisya agad! Ayaw kong isipin nina Lion at South na gano'n nga dahil hindi naman gano'n!"

"Anong gano'n nga? Wala naman akong sinasabi? Ang bilis mo namang mag-assume ng kung ano-ano, Muel, kaya oo—halata ka na."

Ginulo ni Muel ang kanyang buhok sa iritasyon. "Alam mo, tang ina mo talaga, Frost."

Frost chuckled. "So gusto mo ngang puntahan si Yara."

"Manahimik ka muna, pwede ba?"

Lumapit si Frost kay Xamuel at binangga ang balikat niya. "Samahan kita para hindi halata."

"Tang ina mo talaga. Sabing hindi nga gano'n 'yon."

"Ano ba kasi 'yon?" panunukso ni Frost. "Concerned ako kay Yara dahil hindi siya kasali sa practice at mukhang hindi pa niya tapos ang backlogs niya. Kung pupuntahan mo siya ngayon, sasama ako."

Muel sighed and leaned back. "Baka wala siya ngayon do'n. Wala na tayong klase kaya—"

Frost wiggled his eyebrows. "Pero malay mo nandito siya sa campus para magpasa tapos nandoon ngayon? At this point alam na nating lagi si Yara sa music room for some reason. I'd like to ask her about that, too. Pakiramdam ko ang distant pa rin ni Yara kahit gabi-gabi naman natin siyang kalaro sa COC."

"T-Tingin mo rin ba?"

Tulalang tumango si Frost. "Ewan, baka dahil hindi nga natin siya madalas makasama... but I really want to get closer with her, you know? Wala pa tayong nagiging solid na kaibigang babae because they either want to be in a relationship with one of us or..."

"You're right."

Napaisip si Xamuel sa sinabi ni Frost. Ano kayang magiging reaction ng kaibigan kapag nalaman niyang kaya niya lang naman pinakilala si Yara in the first place ay para makalapit kay South. Yes, Xamuel wanted Yara to have other friends, too, but that was his second intention. The first intention was to help Yara with South, which wasn't going so great.

"Tara na?" Frost asked. "Ah, masakit nga pala paa mo, 'di ba—"

Naunang tumayo at naglakad si Xamuel na kinagulat ni Frost.

"Hoy, hintayin mo naman ako!"

"Kapag talaga wala si Yara do'n, ikaw ang manlilibre sa 'kin."

"Aba, hindi yata patas 'yan."

"You insisted to go."

"Correction: pupunta ka na talaga at sumama lang ako."

Umirap na lamang si Xamuel at ininda ang sakit ng mga paa. Parehong pagod ang dalawa mula sa magdamag na practice pero pinili nilang pumunta sa music room na nasa kabilang building pa para lang makita kung nandoon ba si Yara.

Sumagi rin kanina sa isip ni Frost na i-message muna si Yara, pero hindi pa rin sila sinasagot ni Yara sa group chat hanggang ngayon. Online lang si Yara sa COC tuwing oras na ng kanilang laro. Nasanay na rin silang apat na maglaro sa gano'ng oras dahil doon lang nila nakakasama si Yara.

After their quiet stroll around campus, they finally reached the music room. Xamuel didn't hesitate to open the door—their anticipation was wearing thin.

"Ano? Nandiyan?" Frost whispered.

Xamuel fully opened the door, and both saw the girl they wanted to visit.

"Yara! Sabi ko na nandito ka, e!" Frost ran toward her.

Napatalon sa gulat si Yara at napapikit sa ingay ni Frost.

"Kanina ka pa ba nandito? Anong ginagawa mo? Break time namin kaya naisipan naming pumunta rito. Hindi kami sure kung nandito ka, ah—"

"Please, kumalma ka muna," Yara said while caressing her heart.

"Sorry, excited lang. Ang tagal na kitang hindi nakikita!"

Sa kilos ni Frost, alam ni Xamuel na balak niyang yakapin si Yara. Mukhang nakuha rin naman ni Yara ang gusto ni Frost pero nagulat pa rin nang yakapin nga siya ng lalaki.

Mabilis pumagitna si Xamuel at pinaghiwalay sila. "Hoy, Frost! Ginugulat mo naman si Yara. Napaka-OA nito."

Yara smiled. "Ayos lang, ano ba kayo. Masaya akong malamang nami-miss niyo rin pala ako."

"Oo, miss na miss na kaya kita. Lagi kang online sa COC, oo, pero pakiramdam ko hindi pa rin tayo close sa personal."

Pabalik-balik ang mga mata ni Muel kina Frost at Yara, tinitimbang ang kanya-kanyang mga reaction. Frost exuded a calm and collected vibe as he confessed missing Yara, while Xamuel was left speechless, his heart pounding so loudly it drowned out his thoughts.

"You used to be around all the time, but lately, it's like you're never there. What's going on?"

"Ah... marami pa kasi akong kailangang tapusin—"

"Eh? Noong huli ka naming binisita marami ka ring ginagawa—"

"A-Ang totoo niyan nagalit ang parents ko sa school. Concerned lang naman sila sa akin kaya pinaki-usapan nila ang school kung pwedeng asynchronous na muna ang lessons at activities ko."

Nilingon ni Frost si Xamuel. Umiling si Xamuel dahil wala siyang alam tungkol dito.

"Is that so?" Frost trailed off. "Kaya hindi ka pa nauubusan ng gawain... pero kasama ka naman sa prom night, 'no?"

Yara's smile quivered. "Hindi pumayag parents ko na sumali ako sa prom night, but it's okay!"

The room was filled with an awkward silence that seemed to stretch on forever. Xamuel and Frost looked at each other, both unsure of what to say next. It was a strange feeling, being in each other's presence but not knowing how to break the tension that hung thick in the air.

"Teka, umupo muna tayo," Yara suggested.

Sumunod naman silang dalawa at umupo sa bakanteng monoblocs. Pareho pa rin ang ayos ng lamesa at ng mga upuan mula noong huling punta ni Xamuel dito. May mga nakatambak na papel sa lamesa ni Yara pero mukhang hindi pa siya nagsisimulang gumawa.

"So... hindi ka talaga kasama sa prom dahil sa pambu-bully sa 'yo ng mga kaibigan ni Klassey? E kung gano'n, bakit kasali pa rin sila? Were they even reprimanded for what they'd done?" Frost argued.

"May punishment silang nakuha, hindi ko lang sigurado kung ano," Muel finally spoke. "Pero choice ng parents ni Yara na huwag siyang sumali ng prom. You see, she's their only child, so just be understanding."

Frost looked at Yara with worried eyes. "Sorry, nadala lang ng damdamin... pero sigurado ka bang okay lang sa 'yong hindi kasama sa prom?"

Yara chuckled and looked away. "I mean, I don't have a date, to begin with."

"Pwede namang si Xamuel," Frost bluntly said, earning a real punch from Muel. "Aray ko naman!"

"H-Huh? Si Xamuel? No, never sumagi sa isip ko," Yara played along.

Gustong sabihin ni Xamuel na si South ang paniguradong gustong maka-partner ni Yara pero pinigilan niya ang sarili.

"Kung si South siguro... pwede pa," Yara trailed off that surprised both of them.

"Sino, Yara? Tama ba ang narinig ko?"

Xamuel sighed and closed his eyes.

"Crush mo si South, Yara?" natatawang tanong ni Frost.

"Wala naman akong sinabi—saka hindi pa ako tapos, pwede ring si Lion o ikaw."

Frost chuckled. "A-Ah... oo nga."

Napakamot sa ulo si Muel dahil mas lalong naging awkward ang paligid. "Anyway, what are you going to do for the rest of the week until prom night? Mag-aaral ka lang?"

As Yara nodded, their eyes met. "Pumasok lang ako dahil pinasa ko ang huling mga natapos. Binigyan nila ako ng panibagong mga gawain na paniguradong tapos niyo na. Ito pagkakaabalahan ko buong linggo sa bahay—"

"Sa bahay? Hindi ka na pupunta rito?" Frost asked.

Yara chuckled. "Ayoko na nga sanang pumunta ngayon kung hindi lang ako magpapasa... saka wala na kayong pasok. Magandang mag-aral dito pero minsan sobrang init din."

Frost nodded. "Nasubukan mo na ba sa library?"

"Oo. Maganda rin doon pero hindi ako pwedeng magpatugtog nang malakas."

Hinawakan ni Xamuel ang balikat ni Frost kaya napalingon sa kanya ang kaibigan.

"Nasagot na ngayon mga katanungan mo, ha. Sabihin mo na lang kina Lion mamaya," Muel said.

"Speaking of, na saan sina Lion at South? Kumakain?"

Inunahan ni Xamuel si Frost sumagot. "Oo, kumakain. Susunod na rin kami."

"Anong—"

Tumayo na si Xamuel at hinarap si Yara na nakaupo pa rin. "Mauna na muna kami."

Yara nodded silently and waved her hand goodbye to Xamuel and Frost, a bittersweet feeling washing over her as she watched them walk away.

"Brad, bakit tayo umalis?" Frost asked as soon as they left the room.

"Hindi mo ba napansin?"

"Napansing?"

Xamuel sighed. "Yara's not in the mood to talk about the prom. Obviously, hindi siya okay na hindi pupunta. You didn't have to ask that."

Frost pouted. "I was trying to empathize."

"Sinabi ko na sa 'yo noon na hindi ka nga magaling diyan. Trabaho ni Lion 'yan."

"But Li wasn't with us, and you were quiet the entire time. Isa pa, napaisip ako kung crush ba talaga ni Yara si South."

"Crush niya 'yon pero huwag mong ipagkakalat," tamad na sabi ni Muel. "I think nabanggit ko na rin kay South na gusto siya ni Yara pero mukhang deadma lang sa kanya."

"You knew the entire time?"

"Sino bang nagpakilala kay Yara sa inyo, ako, 'di ba? She wanted me to help her out with South in exchange of helping me with Klassey after what happened. Nalaman niya lang din kamakailan na gusto ni South si Titus."

Frost was so intrigued. "Oh, what was her reaction?"

"Sumuko na siya. Si Titus na raw 'yon, e."

Bumagsak ang mga balikat ni Frost. "Gago talaga 'yang si South."

Xamuel chuckled. "Bakit mo naman sinisisi si Timog? Alam mo, gutom lang 'yan."

"You're right. Daan na tayo sa cafeteria. Sana nandoon pa si Lion."

Natawa si Xamuel. "Kasama ni Li si South, Frost. Huwag mong ibuntong sa kanya galit mo."

Just then, a thought crossed Xamuel's mind. "Wait... mauna ka na sa cafeteria, babalik lang ako sa gym."

"Huh? Ang layo pa ng gym. Anong gagawin mo do'n?"

"I have something to give to Yara. Sabi niya hindi na raw siya babalik dito this week, 'di ba?"

Tumigil sa paglalakad ang dalawa at nagkatinginan.

"Seryoso ka bang babalik ka pa talaga sa gym tapos pupunta ulit kay Yara? Will you eat with us after?"

"Oo nga," walang pag-aalinlangang sagot ni Muel.

Hindi makapaniwalang napailing si Frost. "Fine. Do you want me to order you food already?"

"Ako na lang pagbalik ko."

"Okay."

"Okay, mauna ka na umalis," Muel said. "Ayan na naman kasi ang mga titigan mo."

Frost smirked. "What? Masakit ang paa mo at gutom ka pa pero uunahin mong bumalik kay Yara. It's not my fault that you're being straight obvious."

Xamuel rolled his eyes. "Shut up."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro