Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue


TW: Violence

‍‍I don't like her.

Masyado siyang maarte. She thought too highly of herself. Kahit ang mga kaklase ko ay ilag sa kanya dahil sa tabil ng bibig niya. Lahat din ng gamit niya ay branded. Hatid-sundo pa ng mamahaling sasakyan.

"Debs, pasakay na, please! Ang lakas ng ulan. Kahit hanggang kanto lang. Hindi kasi ako masusundo ni Daddy," pagmamakaawa ng isa kong kaklase sa kanya.

She was clad in our uniform, except her skirt was a bit shorter. Her hair was done in a French braid, and her posture exuded class. Halatang may sinasabi sa buhay.

"No. Kapapalinis lang ng car namin. Hindi kami nagpapasakay ng marumi," she replied with utmost disgust.

My lips parted a little. Ang sama ng ugali niya!

Sinigawan siya ng kaklase ko ngunit umirap lang siya at nagsuot ng earphones. Nasa tapat kami ng classroom, naghihintay ng pagtila ng ulan. Sigurado akong narinig ng lahat ang sinabi ng babae.

"Prime, sa akin ka na sumabay. Susunduin ako ni Abuelo," saad ko sa kaklase nang makitang paiyak na siya.

"Talaga? Thank you, Harvin! Buti ka pa! Kahit mayaman kayo, hindi ka matapobre!" pagpaparinig niya.

Nakita ko ang palihim na pag-irap ni Reese sa akin at sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Hindi kasi kami madalas mag-usap kahit na magkatabi lang naman kami ng upuan.

Araw-araw ay ganoon ang nangyayari. Lagi siyang nagtataray. Wala tuloy siyang kaibigan sa school namin. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang pinapanood at inaabangan. Kapag dismissal namin, hihintayin ko munang makaalis siya bago ako umuwi.

"Crush mo ba 'yon?" tanong ni Abuelo habang sabay naming tinatanaw ang babae sa waiting shed.

"Maldita po 'yon." I pursed my lips.

Ngumisi siya. "You didn't answer my question, Harv."

Inis na inis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat siya nagugustuhan! Pero tuwing tumitingin siya sa akin ay napapatigil talaga ako! Tuwing maririnig ko ang sarkastiko niyang tawa ay parang nahuhulog ako! Naiinis din ako kapag may mapapalapit na lalaki sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

"I don't like her guts, Abuelo. She's self-centered and egoistic. Masyado pang prangka. Ayoko sa ganoon." Ni hindi ko na sigurado kung sino pa ang kinukumbinsi ko.

"Bakit lagi kitang nahuhuling nakatingin sa kanya? Pinaghihintay mo pa ako para lang panoorin siyang makaalis." Tumawa si Abuelo. "Oh, dear. I was your age when I fell in love with your Abuela."

Itinanggi ko nang husto sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Iniwasan ko siya. Sinusungitan ko pa siya. Pinigilan ko ang sarili ko.

Pero hindi pala kaya.

"Manliligaw ako, Reese," saad ko sa kanya. Inilagay ko pa ang bulaklak sa mesa niya. Kabadong-kabado ako.

Her brow shot up.

I swallowed hard at that. Fuck, I had never been this terrified in my whole life!

"Are you out of your mind? Hindi kita type!" pagsusungit niya.

I straightened my back. "I like you. Kung papayagan mo, papatunayan ko ang sarili ko sa 'yo."

She hissed. "Bahala ka sa buhay mo!"

That was enough for me. Sinimulan ko siyang ligawan. Ni wala na akong pakialam kung inaasar ako ng mga kaklase ko. They didn't expect that. Kahit naman ako. Eh, ano ang magagawa ko? Hindi na ako makatulog kaiisip sa mataray na 'yon.

I bought flowers for her. She liked them. Kahit lagi niya akong iniirapan, alam kong gusto niya ang pagdadala ko ng bulaklak sa kanya. I told her to call me Rouge. Wala lang, para parehas kaming R. It was childish... but who cares?

"Fine, I'm your girlfriend now."

Halos sumigaw ako nang marinig iyon mula sa kanya. Nagselos siya sa ka-partner ko sa investigatory project namin lalo at umamin sa akin ang ka-partner ko na gusto niya ako. I was the happiest. We were 14, but I knew that my feelings for her were genuine.

We did a lot of things together. Minsan ay tumatakas kami sa school para mag-date. Minsan naman ay magdadahilan pa siya sa mga magulang niya na may gagawing project, pero ang totoo ay pupunta lang siya sa bahay ni Abuelo para makasama ako. I always kissed her hand whenever we parted ways. Hindi ko alam kung bakit. I just loved doing it. Ito ang kamay na hihilingin ko sa mga magulang niya balang-araw.

"Kiss me, Rouge," she suddenly told me. Wala si Abuelo sa bahay dahil may trabaho siya. Puro mga helpers lang ang kasama namin. Nasa kwarto kami, nanonood ng movie, nang bigla siyang humarap sa akin para sabihin 'yon.

Bumaba ang tingin ko sa labi niya. They were pink and pouty. Para akong nahihipnotismo.

"Are you sure?" My voice slightly trembled.

When she nodded, I didn't waste any more time. I attacked her lips with so much passion. Napahiga agad siya sa kama. Para kaming hayok sa isa't isa. I kissed her as if I couldn't get enough of her, and she kissed me back with the same fervor.

We were just kids in love. We were aggressive and driven by lust. We were curious.

Pero sigurado kami sa isa't isa. No'ng una ay hanggang halik lang kami, ngunit nang tumagal ang relasyon namin ay naging normal na sa amin ang pagtatalik. We even filmed some of it. Wala namang kaso. It was our dirty little secret. Isa pa, I loved kissing her lips. I loved how my kisses could drown out her sarcastic remarks.

Sa loob ng halos dalawang taon naming relasyon, hindi kami nagkaroon ng malaking pag-aaway. We were so in love with each other. We even plotted out our future together. She had always dreamed of a career in the fashion industry, and I was able to watch her while she honed her skills. Magaling siya. Malaki ang potential.

Everything was sailing smoothly... hanggang sa mangyari iyon.

"Buntis ako, Rouge," kinakabahang saad niya sa akin. "Patay ako kay Daddy! Hindi niya ako mapapatawad pag nalaman niya!"

I was as nervous as she was. Bata pa kami! Hindi pa namin kaya! Pero masama ang pumatay ng bata. This was the consequence of our actions. We had to deal with it.

"We'll have the baby. Please, 'wag mong isipin ang pagpapalaglag. I will never leave you, love. Gagawin ko ang lahat para mabuhay kayo."

She didn't answer. Lumipas ang mga araw na para akong naglalakad sa bubog. Lagi akong natatakot. Alam kong mahal na mahal ko si Reese pero natatakot ako sa responsibilidad na haharapin namin. But I should man up. Hindi puwedeng talikuran ko ang kagaguhang ginawa ko.

Inalagaan ko siya nang mabuti. Nagdadala ako ng pagkain at gamot sa kanya dahil 'yon lang ang pwede kong gawin. Ilang beses naming pinag-usapan ang pagpapa-abort at lagi rin akong umiiyak at nagmamakaawa sa kanya na hindi 'yon pwedeng mangyari.

Pero lumipas ang ilang buwan at walang nagbabago sa katawan niya. I was freaking nervous. Napansin ko rin sa kanya ang pagiging ilag sa akin na para bang may itinatago siya.

And all at once, my worst fears came true.

"Nagpa-abort ako, Rouge. Hindi ko talaga kaya..." nanginginig ang boses na anas niya sa akin. "Marami pa tayong pangarap! Hindi pa natin kaya!"

Para akong nadurog sa sinabi niya. My chest clenched with sorrow, despair, and, above all, wrath. Galit na galit ako! Pinagmukha niya akong tanga! I was looking forward to building a family with her, but she fooled me! She killed our child without my knowledge! I hated her! She was a terrible woman!

Umiyak ako sa harap niya pero wala akong sinabi dahil alam kong kapag nagsalita ako, masasaktan ko siya. She never cried. She never showed me her true emotions. Parang lagi siyang may itinatago... at kung sa ganitong punto ay hindi niya pa rin kayang ipakita ang totoong siya sa akin, mabuti pang maghiwalay na kami.

After our moving-up ceremony, I moved back to Isabela to forget everything. Walang nakaalam ng dahilan ng paghihiwalay namin. Simula pa lang naman, alam ko nang makasarili ang babae. Ba't ba ako nagtaka pa?

I tried to move on. Hindi na rin ako pumasok sa isang seryosong relasyon. Nakaka-trauma.

First year college nang makita ko ulit siya. She was with her friends, laughing at their jokes. I tried to keep my eyes off of her, but I couldn't resist observing a slight change in her appearance. Her body had matured. She had curves in all the right places. Tumangkad din siya, pero ang mga mata niya ay ganoon pa rin... parang nang-aakit. Mabuti na lang at natuto na ako.

Hindi ko siya pinapansin kahit madalas ko siyang nakikita at nakakasalubong sa school. Hindi pa rin nagbabago ang ugali niya. Spoiled brat pa rin. Maarte at maldita pa rin.

"Ang ganda no'ng babae sa AB-FDM, 'yong morena at mukhang masungit. Kilala n'yo?" tanong ni Zane habang nagpapahinga kami mula sa pagpa-practice.

"Sino ro'n?" si Rhome.

"Deborah yata ang pangalan? I'm not sure. Narinig ko lang."

Parang nagpantig ang tainga ko sa narinig. Humarap ako sa kanila ngunit hindi ko ipinahalatang interesado ako.

"Ligawan mo," tawa ni Rhome.

Zane shrugged. "Ayoko. Baka i-under ako."

Nilabanan ko ang sarili. Ayoko na talaga. Hindi ako puwedeng magpadala sa kanya. Nakaka-badtrip pa na lagi siyang uma-attend ng gig namin at nagpapa-cute! Araw-araw ay ipinapaalala ko sa sarili ko na hindi ko na siya puwedeng mahalin ulit.

At nagawa ko 'yon. Hinayaan kong manirahan sa akin ang galit sa kanya.

I met Solene. May pagka-masungit din kaya mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. Sinubukan kong landiin siya kahit pa alam kong may ibang laman ang puso niya. I was hurt, but not broken. Kahit may iba siyang gusto, hindi ako para makipagpatayan para doon.

She was fun to be with. Humble, kind, and brave. Lahat na ng magandang katangian ay nasa kanya. Maganda rin siya at parang masarap alagaan. She was transparent, and her eyes were a window into her soul. Makikita agad ang emosyon sa maamong mukha niya.

I liked her. Sigurado ako roon. Madalas ko siyang pinupuntahan sa ISU kahit hindi ako nagpapakita. Para akong nagka-crush ulit.

But Reese Deborah Madrid made her way to disturb my inner peace!

"I will leak our sex videos."

I was beyond stunned at her words. Ni hindi ko alam kung kilala ko pa ba ang babaeng kaharap.

"Yes. I still have our sex tapes, Rouge. Sa oras na kumalat 'yon, puwede kong isisi sa 'yo lahat."

Doon pa lang, alam ko nang hindi ko na talaga siya mamahalin ulit. She was disgusting. She wasn't worthy of my love.

Pero tangina, ang lakas lakas ng tama ko sa babaeng 'yon.

Pumayag akong maging model niya. I convinced myself that it was for Solene. Na natatakot lang ako sa scholarship niya.

No'ng nasa amphitheater kami at hinawakan niya ang kamay ko, ni hindi manlang ako kumibo. It felt good. Her hands were warm. Sana nga ay hindi na lang ako tinawag ng mga kabanda ko para mag-perform.

Kinukulit niya ako nang husto, at oo, nagugustuhan ko 'yon. Pero syempre, hindi naman ako tanga para aminin 'yon sa kanya.

"Get lost! Why are you so desperate?! Ibang lalaki ang kulitin mo!" I uttered. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo at habol ka nang habol sa 'kin?!"

Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya. She tapped her foot on the ground, weakening the walls around my heart. She was hurting. Fuck, I hurt her. But I was too mad! Mabuti nang marinig niya iyon.

The whole party was a disaster for me. Inom ako nang inom habang pinanonood siyang makipaglandian sa lalaking mukhang bisugo. Kulang na lang ay maghalikan sila! Alam kong sinabi ko naman 'yon sa kanya pero hindi ko alam kung bakit inis na inis pa rin ako!

And when we kissed that night, I admitted defeat.

Kaya lang, tuwing sinusubukan kong gustuhin siya ulit, sinasabi ng utak ko na sasaktan niya lang ako. She killed my child. Hindi ko na dapat siya gustuhin. It was an endless battle between my heart and mind.

My heart wanted to forgive her, but my head couldn't forget what she had done.

"Nilalandi mo ba si Reese?" I confronted Hunter. Napansin ko kasi ang pakikipaglapit niya sa babae. Naisumbong sa akin ni Zane na sinabayan ni Hunter si Reese sa pagkain at hindi ko maintindihan kung bakit naiirita ako!

I commanded Zane to sit with them. He teased me but I couldn't care less. Kailangang matigil ang kahibangan ni Hunter.

"I like her."

My forehead creased. "Wala kang pag-asa ro'n. She likes me."

Hindi madaling labanan ang nararamdaman ko para kay Reese. I should stay mad! Masama ang ginawa niya sa akin! Hindi na ako puwedeng magpaakit ulit!

Lagi niya akong kinukulit... at kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam kong nasasanay ako sa kanya. Lagi siyang nagte-text. Kapag gigising ako ay phone ko na ang una kong tinitingnan para lang tingnan kung binati niya ba ako ng good morning.

Tuwing sinusukatan niya ako ay pigil hininga ako lagi. Nakakatakot. Baka kapag nalaman niyang naaapektuhan niya pa rin ako ay gamitin niya 'yon laban sa 'kin.

"Do you regret it?" Nabasag ang boses ko nang komprontahin ko siya tungkol doon.

Mabilis ang ginawa niyang pagyuko para tingnan ang kamay niya.

"Because I will never understand, Reese. Make me understand..." dahan-dahan ngunit malalim na pahayag ko.

"R-Rouge..."

"Why?!" I shouted. "Why did you kill our unborn child?!"

Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin kaya! I was ready for her! I was ready to build a family with her! But she threw everything away! Para saan?! Para sa pangarap namin? Bullshit! I loved her more than my own dreams!

Marami akong sinabing masasakit na salita sa kanya. She deserved that. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Hindi ko siya puwedeng patawarin.

Not until she stopped texting me. Nawala 'yong nangungulit sa akin dahil sa matatalas kong sinabi sa kanya. Isang buwan niya akong inignora. Hindi na rin siya pumupunta sa department namin at kahit alam kong ito naman ang gusto ko, araw-araw ko pa rin siyang hinahanap.

Nag-inom ako nang nag-inom hanggang sa nagkasakit ako.

Reese:

Good morning. Busy ka ba ngayon? I need to meet you para sa photoshoot na sinabi ko sa 'yo noon. Hindi pa tapos ang designs pero kailangan ko kasi ng documentation. I'll wait for your response.

Napabangon ako sa text niyang 'yon. Agad na kumirot ang sintido ko dahil sa mabilis na paggalaw. Gusto kong sabihin na hindi ako busy! Na puwede kaming magkita ngayon!

Pero masakit ang ulo ko at ayaw kong mahawa siya sa akin. Humiga ulit ako sa kama at nag-isip ng paraan kung paano ko siya makikita. I wanted to see her right now.

Tumunog ang doorbell ko ngunit dahil masakit ang ulo ay hindi ko na lang pinansin. I closed my eyes and thought about Reese and her beautiful grin. When my phone rang, I was so shocked that it took me a while to pick it up. It was actually her!

"Nasa labas ako ng unit mo," mahinang saad niya. "Uh... may dala akong soup at gamot. I will leave afterward."

I sighed and told her the passcode of my unit. It was our anniversary.

Pagkakita ko sa kanya ay pinagsalitaan ko ulit siya. Alam kong hindi na ito dahil sa nangyari noon. Nagtatampo ako dahil hindi na niya ako pinapansin!

"Sige na. Paggaling mo, saka kita kakausapin tungkol sa fashion show kaya... kumain ka muna at uminom ng gamot," sabi niya pa. Mababa at ubod ng lambing ang boses. "Kung bakit ka ba kasi nag-iinom, e hindi mo naman kaya? You shouldn't drink beyond your limit. Alam mo namang lagi kang nilalagnat pag gano'n, 'di ba?"

No, please don't make me love you again.

"Bakit ka ba nangingialam? Isang buwan mo akong hindi pinansin tapos bigla kang magpapakita ngayon."

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.

"Ako dapat ang umiiwas sa 'yo. Anong karapatan mong magalit, ha?"

"Hindi naman ako galit." She chuckled lowly. "Tinubuan lang ako ng hiya kasi... alam kong gustong-gusto mo nang tigilan kita."

Nabasag ang kung ano sa puso ko. Parang ayoko biglang mangyari 'yon. Itong isang buwan pa nga lang niya akong iniiwasan ay hindi ko na kaya... paano pa pag umalis ulit siya?

"Titigilan naman kita. Nagpapagod lang ako. Ilang buwan na lang naman ako rito sa Isabela, eh. Tyagain mo na 'ko, ha?"

No, no! She was slipping away. Hindi puwede! She couldn't give up on me! Damn, I was giving her reasons to leave me but my heart wouldn't take it lightly if she actually did it!

Buong araw at gabi akong nagpa-alaga sa kanya. Inayos ko rin ang pagtrato sa kanya. Ayoko nang lokohin ang sarili ko dahil alam kong mahal ko pa rin siya.

Maayos na, eh. Kaya ko na ulit siyang tanggapin. Kaya ko na ulit siyang patawarin.

Pero no'ng makita ko siya sa waiting shed kasama ang lalaking kaibigan niya na nakahilig pa sa balikat niya ay biglang nanumbalik ang lahat sa akin. They looked so comfortable with each other. Para bang matagal na nilang ginagawa 'yon.

I hurt her intentionally. I told her that I like Solene so much. Ipinaramdam ko sa kanya na hindi siya ang mahal ko.

"If you like her, pursue her, win her over, shower her with all your love. Wala na akong pakialam."

I was hurt, too... but I couldn't bring myself to trust and love her fully again.

Sinubukan kong pilitin ang sarili na kayang tumbasan ni Sol ang pagmamahal ko sa kanya. I tried so hard. Kahit nang mapagtanto kong gusto ko lang si Sol bilang kaibigan, sinubukan ko pa rin.

Reese ignored me. Hindi na siya pumupunta sa mga gigs namin. Hindi na rin niya ako itinext kahit tungkol sa modeling lang. Gulong-gulo ako.

This was what I wanted, right? Tinigilan niya na ako. Hindi dapat ako nasasaktan.

They had a Christmas ball, and she had Hunter as her date. Kami dapat ang tutugtog doon pero sinabi ko kina Rhome, Zane, at Mitzie na masama ang pakiramdam ko. Buong gabi ay iniisip ko kung anong posibleng ginagawa ng dalawa.

Were they dancing to mellow music while staring at each other lovingly?

Gaya noong nangyari sa amin no'ng JS prom? I shouldn't have hurt her. Ayoko nito. Ayoko hindi niya ako pinapansin. Mas masakit pala.

"Magdusa ka ngayon," natatawang asar sa akin ni Zane habang nakatambay kami sa department nina Reese.

I sighed. Nakita ko siyang lumabas ng room at dumaplis ang tingin niya sa akin. I quickly shifted my weight, but she just ignored me. Lumampas lang siya sa harap namin na para akong hangin.

It went on for a while. I was getting worried. Aalis na siya rito sa Isabela at ayaw kong hindi kami maayos pag-alis niya. I was in love with her. I wanted to continue everything we had.

So, I did a move. I bought a bouquet of tulips and went straight to their villa. I was sweating bullets, and my heart was pounding harshly inside my chest. Nagpagupit pa ako ng buhok para dito!

Nang buksan niya ang pinto ay pinigilan ko ang mapasinghap nang makitang nakasando lang siya at cotton shorts. She was a temptress! A very beautiful and feisty temptress!

"Reese," I called her.

Hindi niya ako pinansin. Dumiretso siya sa laptop niya na nasa center table malapit sa upuan ko. Binuksan niya 'yon sa harap ko at pumunta sa folder kung saan nakalagay ang mga pictures at videos namin.

I stiffened. She still had it. Our memories together. Hindi niya idinelete.

She looked at me, but I was too busy staring at the screen of her laptop. Nando'n lahat sa loob ng folder. Kung paano ko siya niligawan, paano niya ako sinagot at lahat ng alaalang namin no'ng nagmamahalan pa kami.

My heart shattered in pain when she deleted the folder. Pumunta pa siya sa recycle bin para alisin din doon ang lahat. It pained me. Ayaw niya na talaga sa akin. Galit talaga siya.

"Kung hindi pa klaro sa 'yo, it means, you're free!" masayang sabi niya. "I will not blackmail you anymore. Hindi ko ikakalat ang videos o anumang larawan natin dahil hindi ko naman talaga magagawa 'yon."

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. She was letting me go.

"Why are you doing this?"

She laughed. "Dapat nga masaya ka, eh! Puwede ka nang umayaw sa pagiging model ko! Alam ko namang napilitan ka lang kasi... Solene's scholarship was at risk. Pero Rouge, I can no longer be heartless. Wala namang ginawa sa akin ang babaeng 'yon, wala rin akong karapatang guluhin siya."

I looked at the bouquet. I filled my lungs with air, but it hurt. Ilang ulit kong ginawa 'yon ngunit masakit talaga. She was tired of me.

But I was not. Hindi ko siya puwedeng sukuan.

"Because I want you to be jealous!" I shouted angrily. "Kasi nagseselos din ako! Gusto kong gumanti dahil nag-aalala ka sa lalaki mo! You let him rest on your shoulder samantalang ako, hindi mo manlang mayakap! You're so unfair!"

She was silenced.

"I focused on Solene because I wanted so badly to forget you. I tried my best to love her the way I loved you..."

Nanghihina ako sa pakikipagsagutan sa kanya. Solene could hurt me for sure... But Reese, she could ruin me and I would still love her.

"You slept with her..."

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. What was she up to now?

"I didn't! Saan mo nasimot 'yan?!"

Hindi pa siya sumasagot ay naisip ko na agad ang mga posibilidad kung saan niya puwedeng malaman iyon... kahit pa hindi naman talaga iyon totoo. I just offered Solene a place to stay when it was raining hard because she was heartbroken. Hindi ko naman siya para hawakan. I liked her as a person. She was genuine and all, but I knew in my heart that this woman in front of me, with her eye rolls and sarcasm, ruled me, no matter how much I denied it.

"Tama na. I will focus on myself now."

I nodded before closing my eyes. Inilapat ko ang noo niya sa akin. I wanted her this close. I told her my feelings. I was getting tired of the chase. Ayokong lumayo siya sa akin kaya hindi ko na siya bibigyan ng rason para iwan ako.

Niligawan ko ulit siya. This time, ipinakilala ko na siya kina Mama at Papa. My mother recognized her because she once had a picture in my room. Alam din ni Mama na matagal kong iniyakan ang paghihiwalay namin noon.

I loved her so much. Wala na akong ibang hihilingin pa basta kasama ko siya.

"I want to be your girlfriend again, Rouge."

My happiness was so intense that it almost burst through my chest. She was the only woman who could make me feel this way. Kaunting tawa niya lang ay napapangiti na rin ako. Kapag nagtataray siya ay lalo akong nahuhulog.

Everything she does is beautiful. Everything she does is right.

We were happy once again. Marami na akong plano para sa amin. Everything just felt right. Pakakasalan ko siya gaya ng plano ko noong bata palang kami. We'd graduate together and plan our futures ahead.

But then, our love, like the beautiful golden sunsets, had to eventually give way to the darkness of night.

Kahit ayaw ko. Kahit ikamamatay ko. Kailangang tapusin namin ang lahat.

"The father of your girlfriend killed your Abuelo!" sigaw ni Papa. "Hindi mo ba naiintindihan 'yon?! Ang Papa ko..." Humikbi siya. "Pinatay ang Papa ko!"

Tears rolled down my face. Sari-sari ang emosyon na naramdaman ko. Sakit sa pagkawala ni Abuelo, galit para sa ama ni Reese at lungkot para kay Papa.

"You will not attend that fucking fashion show!"

"Pa! Walang kasalanan si Reese!" hikbi ko. Buong araw na akong umiiyak. "Hindi niya alam 'yon. Hindi ko siya puwedeng idamay!"

But he didn't listen to me. He locked me in my room and confiscated my phone and laptop.

"Ma, Pa, please! Baka mag-away kami ni Reese! Importante 'to sa kanya. I can't do this to her!" sigaw ko habang hinahampas ang pintuan ng kwarto ko. "Palabasin n'yo 'ko!"

My father made sure that I had no other choice but to stay in my room. I pictured Reese's face in my head. Malulungkot 'yon kasi hindi ako pupunta. Magagalit siya. Importante sa kanya ang show na 'yon. I couldn't ruin her dreams. Wala naman siyang kasalanan.

Nang buksan ni Papa ang kwarto ko ay madilim ang mukha niya. Mabilis akong tumayo at tumingin sa orasan. May oras pa! Makakahabol pa ako sa show!

Mabilis akong tumakbo palabas ngunit natigilan lang ako sa sinabi ni Papa.

"I will kill her mother if you continue dating her."

I fell on the floor but my father walked out of the room. Alam kong kaya niyang gawin 'yon lalo at galit na galit siya. I didn't know what to do. I didn't want to lose Reese but I knew how much she loved her mother. She treasured Tita Sheryl so much.

"No..." I whispered to myself. I was like a lost sheep finding its shepherd.

Lumipas ang mga oras hanggang sa mapagtanto kong tapos na ang show. Nagbihis ako at kahit huli na ay pumunta ako. I stood in the dark for an hour. Ayokong gawin 'to. Ayokong saktan si Reese. Ayokong magalit siya sa akin.

My heart stopped beating when she went out of the event hall. Her eyes gave away her emotions. Hawak niya ang coat na pinaghirapan niyang gawin. I watched how she ruined it. Nanginginig ako sa takot dahil alam kong oras na... oras na para bitawan ko siya.

"S-Saan ka galing?"

Durog na durog ako sa pagkabasag ng boses niya. I couldn't do this. I didn't want to do this.

"Tapos na 'yong fashion show, Rouge. Bakit ka hindi pumunta?" Lumapit ako sa kanya. "Tell me your reason, p-please!"

Sinasakal ang puso ko sa bawat salita niya. I would trade everything for her happiness. At alam kong mas kaya niyang wala ako sa buhay niya... kaysa ang nanay niya.

"You killed our child."

Her eyes spoke of her pain. Gusto ko siyang hilahin at yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi iyon ang kaso. Gusto kong sabihing mahal ko siya at kung ako ang papipiliin ay hinding-hindi ko siya sasaktan.

I lied to her. Ipinalabas kong galit ako. Ipinalabas kong sinadya kong hindi pumunta roon para maghiganti sa kanya. That was the only way for her to despise me. Wasak na wasak ako sa lahat ng kasinungalingan na sinabi ko.

She'd hate me, and that would make it easier for her to forget about me.

This was our end. Kahit ayaw ko... kailangan ko nang tapusin.

"D-Do you love me?"

That question ruined me. Sa dami ng nasabi ko sa kanya, ayan ang tanong na parang hindi ko kayang sagutin. I loved her so much. I loved her the same way the sky loved the birds. The same way the sun let the moon block its light during an eclipse. The same way the heaven itself would collapse under the weight of my devotion to her.

Still, I bowed and shook my head.

That was my way to show how immense my love for her was. That was my prophecy of love. I would bleed for her.

Pero nang makita ko siyang tahimik na umiiyak, parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. It was my first time seeing her cry... and it stabbed my throbbing heart. I hurt her again. I was no longer deserving of her love.

Mahal na mahal ko siya pero parang hindi kami para sa isa't isa. We were poison to each other's systems.

"I will never... never... forgive you!" I screamed before removing my hands from my face. "I hate you, Harvin Rouge. I hope our paths never cross again!"

Sa pagtalikod niya, malaking parte sa buhay ko ang nawala. Hindi na siya babalik sa akin kahit kailan, at kung ito ang buhay na kailangan ko pang harapin, parang ayaw ko na lang. I didn't want to have to go through life without her. I didn't want to open my eyes and find that she was already in the arms of someone else. This world was not a place I wanted to be without her... my Reese.

Araw-araw ay nagluluksa ako. Sa pagkawala ni Abuelo at pag-alis ni Reese sa buhay ko. It wasn't her fault! Hindi dapat kami ang nagbabayad sa kasalanang ginawa ng tatay niya!

It took me weeks... months... to gather my courage. Matagal kaming hindi nag-usap ni Papa dahil galit na galit ako. I was miserable! Nag-impake ako ng gamit lalo at nabalitaan kong bumalik na sa Cebu si Reese. Hindi ko na kayang magtiis na hindi siya nakikita. Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

Mariin akong napapikit nang mahuli ako ni Papa. Palabas na ako ng bahay namin ngunit naabutan niya ako! Hindi puwede! Baka may gawin siya kay Tita Sheryl! But I couldn't lie to my father. I wanted to start everything with honesty.

"P-Pa..." I heaved out a sigh when my voice trembled. "Mahal na mahal ko si Reese."

"Putangina, Harvin!"

Pinigilan ko ang mapapitlag nang ibato niya ang hawak na kopita sa dingding. Nasa dulo lang ng hagdan si Mama, tahimik na umiiyak habang pinapanood kami.

A tear fell from my eye. "Hindi naman kasalanan ni Reese, eh. Wala naman siyang ginawa, Pa. Pero bakit kami 'yong naghihirap?"

Lumapit siya sa akin at kinuwelyuhan ako. "Hindi mo ba talaga naiintindihan?!"

"Gian!" si Mama.

"Pinatay ang Abuelo mo! Galit ka dapat! He was shot dead! That Frando Madrid shot your grandfather dead!" malakas na sigaw niya. His eyes were bloodshot and his hands were shaking in anger.

"W-wala pong kasalanan—"

He punched me. Agad kong nalasahan ang dugo sa gilid ng labi ko ngunit wala akong pinakitang pagsuko. Inalala ko ang umiiyak na mukha ni Reese para maging mas matibay ang kagustuhan kong sundan siya.

"Pag umalis ka sa bahay na 'to, kalimutan mo nang anak pa kita!"

I swallowed the lump in my throat... before walking out of our home. Hindi pa ako tuluyang nakalalabas ay narinig ko na ang pag-iyak ni Mama. Hirap na hirap ako... pero hindi ko kayang hindi makita si Reese. Mababaliw na ako kaiisip sa kanya. I missed her every day. She deactivated all her social media accounts. I felt so lost, miserable, and worthless.

"Reese, love! I'm here!" malakas na sigaw ko sa labas ng mansyon nila. "Binalikan kita! Hindi ko ginusto lahat ng sinabi ko! I lied!"

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa balikat ko ngunit hindi ako sumilong manlang.

"Reese, open the door! M-mahal kita! I will explain everything to you, please!" Lumakas ang ulan pero para lang akong tangang nakatingin sa mataas na gate nila.

"Sir, bawal dito!" sabi ng guard nila.

"Kuya, kakausapin ko po si Reese... parang awa n'yo na po. Gusto ko lang siyang makita." Halos lumuhod na ako sa harap ng lalaki. Basang-basa ang katawan ko at nararamdaman ko na ang panlalamig ng kalamnan ko pero hindi ko 'yon pinansin.

"What is going on here?"

"Sir Frando!" kinakabahang bati ng guard.

Parang nagdilim ang paningin ko nang makita ang ugat ng lahat ng pinagdadanan ko ngayon. I marched up to him and punched him right in the face. Agad na dumugo ang labi niya sa lakas ng suntok ko at napaupo pa siya sa semento.

"You're a fucking murderer!" sigaw ko sa kanya bago muling umamba ng suntok sa kanya ngunit mabilis akong nahawakan ng guards. "Magtago-tago ka na dahil hindi ko hahayaang hindi ka makulong!"

"Ah... so it's you. You're the one who hurt my daughter, huh."

"It was because you, moron!" galit na galit na sigaw ko kahit pa may nakahawak sa akin. Ni hindi ako nakaramdam ng takot.

He grinned. "You entered the wrong place, kid." Tumingin siya sa guard. "Bring him to the building where we killed his Abuelo."

My whole body trembled, but I managed to remove the guard's grip on me. Nakailag ako nang ambang susuntukin niya ako. My fist smashed his chest, and the impact made him step back. I was so sure I could get them, but a few more men suddenly arrived. Mabilis nila akong hinawakan sa likod at ang isa ay malakas na sinuntok ako.

I fell unconscious for a moment.

Nakatali ang kamay ko at nakabusal ang bibig ko nang magising ako. My vision was blurry. Nang tingnan ko ang paligid ay napangiwi ako sa dami ng lalaking nakapalibot sa akin. Hirap akong huminga dahil sa pambubugbog nila sa akin pero pinilit kong hindi ulit makatulog dahil baka tuluyan nila ako.

"Boss, gising na," natatawang wika ng isa sa kanila.

I saw Reese's father. He grinned at me. "You'll send me to jail? I'm sorry, kid, but I don't think you can do that."

I clenched my jaw. I could feel the throbbing pain in my back, but I managed to keep a straight face.

"You miss your Abuelo, right? You'll see each other in an hour." Tumawa pa siya.

"Fuck you!"

Nanigas ang panga ko nang bigla akong hampasin ng isa sa mga tauhan niya ng bakal. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Sa pagpalo ulit ay napasalampak na ako sa sahig.

I could hear them laughing.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala si Reese. Her beautiful smile, her sarcasm, her sweetness... I remembered it all. I should not die now. Not when I told her I didn't love her.

The man removed my shirt. Para na akong patay dahil sunod na lang nang sunod ang katawan ko sa gusto nilang mangyari.

I groaned when they suddenly scraped my back with a sharp knife.

They laughed. They fucking laughed.

"Oras na para sugatan 'to. Makinis masyado," saad pa ng isa.

Mariin kong ipinikit ang mga mata sa hapdi ng ginagawa nila sa likod ko. Matapos 'yon ay muli nila akong hinampas ng bakal.

That time, I prayed. My whole body was aching, telling me to give up.

Lord, I don't want to die without apologizing to my parents. I don't want to die without seeing Reese. I don't want to die without telling her I love her, without marrying her... please, let me live a bit longer.

Nang barilin nila ako sa likod ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. Nang magmulat ako ay lumakas ang tibok ng puso ko nang makita si Papa sa tabi ko. He was as bruised as I was.

"Pa..." nanghihinang saad ko. I didn't know if I was dreaming, but I wanted to apologize to him. I should've listened to him. "I'm sorry, Papa..."

But then, even with a scarred face, he smiled. "I'm sorry too, Harvin. We'll get out of here."

It was like a promise. A sealed agreement. Duguan na kami pareho pero wala kaming magawa dahil sa dami nila. They continued to torment us. My body was close to giving up. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nawalan ng malay. Hindi ko na rin alam kung ilang beses akong tahimik na nagdasal.

They hit my father countless times, and all I could do was close my eyes and blame myself. Sana ay nakinig na lang ako! Sana ay hindi ako sumugod doon nang walang kahit ano!

"Boss, alis na tayo! Narito na ang mga tauhan nila!" sigaw ng isang lalaki na nakapagpamulat sa akin.

Bago pa sila tuluyang makaalis ay pumasok na ang mga tauhan ni Papa. Mas marami sila at marami ring dalang armas. A few of them came to us. Dahil hindi na kami makatayo ay binuhat na nila kami.

I didn't know what happened next, but when I woke up, I was in a hospital.

"Harvin, anak! Gising ka na!" iyak ni Mama nang makita ako. "T-thank you, Lord! T-thank you, Lord!"

Hindi agad ako nakapagsalita. But soon enough, nalaman kong na-comatose si Papa. I blamed myself again. Kasalanan ko kung bakit nasa ganoon siyang kalagayan! It was my fucking fault!

Dahil sa sobrang abala namin sa kalagayan ni Papa, hindi kami nakapag-focus sa kaso. Kahit ang i-ni-hire naming lawyer ay hindi alam kung paano palalabasin ang baho ng gumawa sa amin nito. They cleaned up well. We had to go somewhere to treat my father.

Sa bawat buwan na lumilipas, sa gitna ng pagsubok na kinahaharap ng pamilya ko, palihim kong ipinanalangin na sana ay naaalala pa rin ako ni Reese.

I lost count of the days. I felt like dying.

"Your Abuelo left his properties and wealth to you. It was now being processed under your name," saad ni Mama sa akin.

Clothing line.

Ayun agad ang naisip ko. I should build a clothing company in honor of my love for Reese. I didn't know where to find her. Wala na siya sa Cebu. Nagpunta akong Italy dahil nabalitaan kong nakuha siya ng D&G ngunit wala rin siya roon. I hired a few private investigators but she vanished.

"Pa, I'm sorry..." Lumuhod ako sa harap ni Papa. Tears were pricking my eyes. "I'm sorry..."

He tapped my shoulder and smiled sadly. "We're alive, hijo. This is our second chance to live. No regretting."

I stood up with a stronger determination. Kusang lumabas ang baho ng mga Madrid kaya naituloy ko ang pagsasampa ng kaso. Frando Madrid was convicted of first-degree murder and second-degree attempted double murder. I was so enraged at him. I wanted to kill him. I wanted to avenge our family.

But God didn't let me. He punished him in His own way. He didn't let me risk my life.

Habang hinihintay ang construction ng DB Store ay nagtrabaho ako bilang flight steward. The owner of the airline was a close family friend of mine, so I told him that I wouldn't be a full-time steward.

"Tangina mo, gago! Anong ginawa mo kay Debs, ha?!" sigaw ni Cliff sa akin habang nasa eroplano kami.

Sunod na tumayo si Rapsly at binigyan ako ng malakas na sampal.

"Our friend was devastated! Ang lakas ng loob mong hindi pumunta sa fashion show!" wika niya. "You ruined her dreams, Harvin!"

Tahimik lang si Cali ngunit masamang-masama ang tingin sa akin. Pinuntahan na kami ng ibang crew at pinakalma ang dalawa.

Napakahabang paliwanagan bago ko sila nakumbinsing maging exclusive designers ng DB Store. I didn't tell them everything, but for some reason, they knew that my intention for Reese was genuine.

Reese... My Reese... I didn't see her for years, but my heart still beats for her. Every time I miss her, I lock myself in a room and sing a song for her. It kept me going. It kept me sane. The thought that she would someday hear these songs gave me the willpower to live.

She was my clear sky and starry night. Ever since we parted ways, I can't remember looking at the sky the same way I did before.

"There's an invitation for us... sa Isla Crisanto. Summer 'yon. We could take the deal and probably have a vacation. What do you think?" sabi ni Clifford.

Dumami ang koneksyon namin at ilang taon pa lang ay lumago nang husto ang negosyo ko.

"How many days?" I asked before taking a sip of my coffee. Parang ayaw kong magbakasyon. Maiisip ko na naman siya.

"Two weeks? Three weeks? Your call." Umupo siya. "You needed this, Harv. Sa dami ng nagdaang taon, ni hindi ka manlang nag-day off!"

I smirked. "I'm a businessman, Cliff."

He clicked his tongue in annoyance. "You're not the same cool Harvin, you know. You became so stiff. Baka kapag nakita ka ulit ni Debs, ayawan ka na no'n."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig na pangalan.

"Fine," I agreed.

Nauna silang pumunta sa isla dahil may tinapos pa akong meeting. The island was said to be isolated. Ang tanging source of news nila ay ang local government. May iba naman na personal na nagpapakabit ng signal pero hindi no'n hagip ang signal ng local news. It must be tough living there.

"The CEO of DB Store had finally arrived!" the host uttered excitedly. "Let's all welcome the Filipino businessman and flight steward who paved the way for our country's fashion line, Mr. Harvin Rouge Foster!"

Natigilan ako sa pagpasok at akala ko ay babawian ako ng buhay nang makita ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Nakilala ng puso ko ang may-ari sa kanya. Mabilis at parang may nagkakarera sa loob ko nang magtama ang mga mata namin.

She disappeared from my line of sight. Hindi ko tuloy alam kung totoong nakita ko siya o nag-iilusyon na naman ako. Hindi naman kasi ito ang unang beses na inakala kong siya ang nakita ko.

Hinanap ko siya kahit tinatawag ako nina Cali. Nag-ikot ako ngunit wala talaga.

I sighed. Nangarap na naman ako.

Pumunta ako sa puwesto ng judges nang tawagin ako ng host.

"Look at candidate #6. She looked so much like you," Rapsly whispered.

Nag-angat ako ng tingin sa stage at para akong napatigil nang makita ang batang babae. My lips parted because of our resemblance. Adrenaline rushed through my veins. Hindi ko alam kung bakit pero sa kanya lang ako naka-focus.

"Her name?" I asked.

"Alya Cryzelle Madrid. She's 7."

Something tugged at my heart. Madrid. 7. Maraming naglaro sa isipan ko. Was it possible? Or was it just a coincidence? I was confused.

"Good evening, Alya..." I uttered roughly into the microphone.

She greeted me back, and warmth instantly embraced my heart.

"Your question is, what is the most important thing your mother has taught you?" It was intentional. Hindi naman dapat 'yon ang tanong ko ngunit nang makita ko siyang sumilip sa gilid ng stage ay sinundan ko ang mata niya.

Reese.

"My mother believed in herself, and as her daughter, I ought to believe in myself too. That's all, thank you."

She was a single mother... Alya was 7. My heart couldn't contain my emotions. Gustong-gusto kong malaman ang katotohanan. Anak ba namin si Alya? Nagbunga na ang pagmamahalan namin noon?

But when I tried to reach out to her, she bruised my heart.

"Wala ka na bang ibang sasabihin?" she asked in a monotone. "Kung pakiramdam mo, sa 'yo si Alya, nagkakamali ka. A lot of things happened... ano sa tingin mo? Sa 'yo lang ako nakipag-sex?"

It hurt me so much. Parang may punyal na sumaksak sa puso ko sa mga salita niya. Marami kaming nasabi sa isa't isa. I get it. She was mad. Of course... my baby was mad. I ruined everything for her. Kasalanan ko. Nandidiri siya sa akin.

But it wasn't enough to stop me. As soon as I got what I needed, some strands of Alya's hair and nails, umalis agad ako sa isla para makatawag sa private investigator ko. I told him to contact all the hospitals in Cebu.

I was hoping for an answer, but what he said took my sanity away.

"Sir, opo, nanganak po si Ms. Madrid sa Silverline no'ng January 16. Pero may isa pang kaso." He sighed. "She was diagnosed with Postpartum Psychosis, at kasalukuyan ko pong tina-track down si Abi, ang psychiatrist na nag-handel sa kanya, para personal na makausap. Hindi naman po kasi puwedeng i-disclose ang details ng pasyente. I will look into it more, Sir."

I pulled some strings to get that done, and not long after, I found out what really happened. Ang pagsigaw ni Reese dahil sa takot niya sa anak namin, ang ilang beses niyang pagsubok na magpakamatay kasama si Alya... lahat. Ngunit ang pinakasumampal sa akin ay ang pagsigaw raw nito na gagantihan lang din siya ni Alya gaya ng ginawa ng lalaking mahal niya.

I broke down in tears. I affected her that much. I left a mark on her heart. Ang nag-iisang babaeng minahal ko ay nagdusa dahil sa mga sinabi ko.

tanaNatunugan ko ang pag-alis nila kaya nagmakaawa ako sa kanya.

"Kahit tingin lang, Reese... kahit patingin na lang. Hindi na ako lalapit. Payagan mo naman akong tanawin kayo. Please..." Halos magmakaawa ako. "'Wag naman kayong umalis..."

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang mawala sila sa paningin ko. Kung kinakailangang lumayo ako, basta makita ko lang sila, ayos na. Mas gusto ko 'yon kaysa ang hindi sila makita.

"I hate you! I hate you! I hate you!" sigaw ng anak namin sa akin. "Y-you made my Mommy cry! I hate you!"

Sa dami ng napagdaanan ko, hindi ko inasahan na kaya pa akong madurog ng mga salitang 'yon.

"I hope you're not my father!"

My heart just gave up on me. Alya didn't want me to be her father, and that fucked me in the gut. Gustong-gusto ko silang makasama pero pinandidirian nila ako.

Noong nasa bar at nakita kong nilapitan ng isang lalaki si Reese, gusto kong magwala. I wanted to tell him to back off because she was my wife... she was mine. But that was nothing but wishful thinking.

Nang tumayo siya at nagpaalam sa lalaki ay kumunot ang noo ko dahil sumunod pa rin ang kasama niya.

"What am I doing?" tanong ko sa sarili habang naglalakad din para sana sundan sila.

But what if I saw them kissing in the dark? What if Reese told him to follow her?

I gulped down the lump in my throat. Ayaw niya na ba talaga sa akin? Hindi na ba talaga niya ako kakausapin?

"Rouge! Help me!" Napatigil ako sa pag-iisip at agad na hinanap kung saan nangaggaling ang boses. "R-Rouge, please!"

I was fuming mad! Nawalan ng malay ang lalaki sa ginawa kong pagsuntok sa kanya ngunit ayaw ko pa rin siyang tigilan. My blood was boiling in anger! He harassed Reese! He should die!

Inihatid ko pa siya sa bahay nila ni Alya at kahit gustong-gusto kong makita ang anak namin, alam kong wala akong karapatan dahil sinaktan ko siya. I wanted to make it up to them. I wanted to tell her how much I missed her.

But when she told me to leave her life, I knew I had lost it.

I watched them from afar. Ang sarap nilang panoorin. Ang sarap nilang tanawin. Para na akong tangang sunod nang sunod sa kanila pero wala akong magawa dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag hindi ko sila nakikita.

My small interactions with Alya made my day. She was so sweet and kind. Reese raised her well. Nang hinayaan nila akong sumabay sa kanila sa pagkain, kahit hindi kami nag-iimikan, para akong nanalo sa lotto. Gabi-gabi ay nakangiti ako pag natutulog. I love them so much.

"Lagi na lang kayong nasa paligid namin, hindi naman po namin kayo kaano-ano," mahinang bulong niya noong nag-offer akong buhatin siya.

I felt the familiar throbbing pain in my heart.

"Alya, that's not a nice thing to say!" agap ni Reese.

"Mommy, I'm growing tired of his presence! Aalis din naman siya ulit kaya bakit pa natin sasanayin ang sarili natin na kasama siya?!" she shouted back.

Those words haunted me. Pagdating namin ng Cebu ay hinayaan ko muna sila lalo at tambak ang gawain ko sa trabaho. I busied myself there for two days, hanggang sa nakita ko silang masayang kumakain sa restaurant ni Hunter. They were eating ice cream.

Inggit na inggit ako dahil hindi pa namin nagagawa 'yon nang magkakasama. Gusto kong punasan ang gilid ng bibig ni Alya kapag may amos siya. Gusto kong magkatinginan kami ni Reese kapag may ginawang nakakatuwa ang anak namin. Gusto ko silang makasama... gustong-gusto ko silang mahalin sa paraang alam ko.

Reese found out what happened. Ayokong aminin sa kanya ang lahat dahil ayaw kong magtanim siya ng galit sa tatay niya. She loved him even before she loved me. Masasaktan siya kapag nalaman niya ang ginawa nito.

But everything had to be said for us to heal, grow, and mature.

After a series of breakdowns and an endless cycle of doubts, I courted her again. Sa pangatlong pagkakataon, niligawan ko ulit siya.

"Daddy, tell her that you'll sleep here!" saad ni Alya bago humiga sa dibdib ko. "You smell so nice, Dy. I want to spend the night with you and Mommy."

"Hindi tayo papayagan no'n." Tumawa ako bago siya niyakap.

She felt like home. Her giggles were enough to ease my pain. Noong una ay nahirapan pa akong paamuin siya ngunit sa pag-alis noon ni Reese ay hinayaan niya akong ipakita sa kanya ang pagmamahal ko.

"Sabihin po natin ay hindi mo dala ang sasakyan mo!"

I laughed. "Are you telling me to lie? Huh, baby? Do you want Daddy to lie?"

She pouted. "Please... I wanna be with you, Daddy."

Pumayag din ako sa huli hanggang sa nagpaalam kami kay Reese. Talagang tinutulungan ako ni Alya na ligawan ang nanay niya at aminin ko man o hindi, malaki ang naitutulong niya sa akin.

When Alya left the kitchen, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin at halikan si Reese. I missed her so much. For years... my dream was to see her... to hug her... to kiss her... to marry her.

And so, I did.

She was beautiful like the sky. Her smiles were like the golden tones of the rising sun. Her frowning face was like the gentle pinkish shade of dusk. Her eyes gave me a feeling of a nostalgic dawn.

And when she cried, her tears made my world seem as dark and empty as a night without the moon and stars.

"Sundan na natin si Alya..." I whispered while gently touching her nape. She moaned softly and kissed my jaw.

After marrying her in front of God, we went to Greece for our honeymoon. Si Alya ay inihabilin muna namin kina Mama at Papa.

"Rouge..." she chuckled before pulling me into a passionate and deep kiss.

I let out a low groan before holding her in place. Her curves fit nicely on my massive hands. I felt her hot breath on my neck, teasing my sensitive skin.

I wanted her so bad... I wouldn't let her sleep tonight.

"Meron na," she whispered sensually before kissing me again, not giving me a second to react.

Right at that moment, I knew that under the changing hues of the sky, my love for her would last forever.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro