Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

I continued texting him the next days. Tanga na kung tanga pero alam kong hangga't may gustong iba si Solene, may pag-asa pa ako.

I also focused on doing my designs. Na-meet ko na si Melanie para sa fitting ng draft ko. Hindi pa tapos ang dress dahil hindi ko pa natatahi ang mga sequins pero mahaba pa naman ang oras ko para i-finalize iyon.

I made an off-shoulder dress with a sweetheart neckline. The top was hand-painted in black, while the skirt that has a sultry slit was in red and orange to give off a fiery aura. The flowy sleeves were blueish with a touch of red and orange to blend it all in. The overall design was inspired by a Spanish dancer jellyfish.

It was commended by my professor. Pagfi-finalize na lang talaga ang kulang at matatapos ko na 'yon. Sa sapatos naman ako sa susunod.

"Birthday ni Cliff?" tanong ni Mizuki sa akin. "Kaya ba absent? Anong ganap mamaya?"

I closed my sketch pad as I looked at her.

"Sa villa. Pumunta kayo mamayang 9 p.m. nina Red at Hannah. Bring your swimwear. May pool party."

Ngumiti siya nang malaki bago bumalik ulit sa silya niya. Kami lang ni Cali ang pumasok ngayon dahil sina Rapsly at Cliff ay mag-aasikaso raw mamaya para sa event sa villa.

Tamad na tamad ako habang nagdi-discuss ang professor namin. Kaunti na lang ay malalaglag na ang talukap ng mata ko dahil nakakatamad talaga siyang magsalita!

I was about to doze off to sleep when I saw Rouge enter our freaking room. I blinked a couple of times to see if I was dreaming, but hell, he was really in our room!

Napatuwid ako ng upo at alam kong napansin 'yon ni Cali dahil mahina siyang napatawa.

"What the hell?" I muttered under my breath. "Anong ginagawa n'yan dito?"

Cali grinned. "Bibisitahin ka raw."

I rolled my eyes at him before gazing at Rouge. Nakikipag-usap siya ngayon sa prof ko, seryoso ang mukha at parang may sinasabing importante.

Makalipas ang ilang sandali ay humarap si Ma'am sa amin. Sumilip ako sa labas at napansin kong kasama ni Rouge ang mga kabanda niya. Nanumbalik sa akin ang irita kay Rhome dahil sa nangyari noon sa music room.

"Class, I need at least two volunteers to help our Tourism Management students. They will have a presentation, at kailangan nila ng makikinig, as a requirement for their World Geography course."

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtataas ko ng kamay. Muli kong narinig ang tawa ni Cali pero wala na akong pakialam.

"Ma'am, I think I can do that, po!" I said. I grabbed Cali's hand and raised it. "Kami po ni Cali!"

Our professor let out a chuckle. "Okay, Ms. Madrid and Mr. Osio, you can go. Excused na kayo sa klase ko."

Napangiti ako nang malaki sa sinabi ni Ma'am. Parang mahikang nawala ang antok ko. Wallet at phone lang ang dinala ko paglabas namin ng room at ganoon din ang dinala ni Cali.

Lalo akong napangisi nang makita si Rouge na nakasandal sa dingding sa labas ng room namin kasama sina Zane at Rhome.

"Kami ang napili ni Ma'am na sumama sa inyo," saad ko.

Rouge scoffed. "Okay, I'll pretend I didn't see you raise your hand to volunteer."

I pouted. Nauna silang tatlo sa paglalakad habang kami ni Cali ay sumusunod lang sa kanila. Rouge was the tallest among them. He also had the fairest skin. Hindi naman siya sobrang puti pero kumpara sa aming mga kasama niya, masasabing siya ang pinakamapusyaw. He had the most intimidating aura, o baka para sa akin lang dahil alam ko kung gaano siya kasungit.

"Binitbit mo pa ako rito, kita mong mas masarap matulog do'n sa room," bulong ni Cali sa akin habang naglalakad kami.

Hindi ko siya pinansin. Kahit tirik ang araw ay hindi ako natatamaan ng sinag nito dahil nasa anino ako ni Rouge. Naglakad kami papunta sa department nila, at nang tumapat kami sa isang room ay diretso ang pasok ng dalawa niyang kabanda roon. Siya naman ay humarap sa amin ni Cali.

"Wala kayong ibang gagawin. Makikinig lang sa nagpe-present at magbibigay ng feedback pagkatapos," aniya sa mababang boses.

"Okay!" I agreed, sounding too happy.

He gazed at me before shaking his head. He then entered the room, and we just followed him. He made us sit in the front. Marami-rami na ring estudyante ang nasa loob, siguro ay nasa limampu.

Kahit na may nagpe-present sa unahan tungkol sa mga tourist spots, ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Rouge. Nakatayo siya sa gilid ng white board at matamang nakikinig sa kaklase. Seryoso ang itsura niya at madilim ang tingin sa nagsasalita.

Maraming mga sumunod pero hindi ako makapag-focus sa pakikinig. Parang sumama lang talaga ako rito para tingnan nang matagal ang lalaki. Alam kong napapansin niya na ang ginagawa kong pagtitig dahil sumusulyap din siya sa akin paminsan-minsan para samaan ako ng tingin.

When it was his turn to speak, I cleared my throat before leaning against the chair. Pinagkrus ko rin ang braso ko para panoorin siya.

"Good afternoon," malalim ang boses na bati niya sa amin. Pinigilan ko ang sarili na mapatili dahil hindi naman ito sa sa mga gigs niya.

"I'm Harvin Rouge Foster, and I've chosen Greece, the country of the best islands, to present today."

My breathing hitched at the sudden recollection. I didn't want to assume, but I hoped that he chose Greece because that was our dream destination back then. We planned to visit the islands and beaches. We also wanted to experience the nightlife in Mykonos. Kasama ang mga kaibigan namin. We'd live in Athens for a year and go back to the Philippines to build our own family. It was so beautiful and well-planned. Pero... totoo nga... bata pa kami. Wala pang muwang sa totoong buhay.

"Santorini is the most romantic island in Greece. Aside from Greek cuisine and eye-pleasing houses, this is where most couples go after their weddings," aniya. "On the other hand, Mykonos offered the best beaches, making it the liveliest island in Greece."

Matagal pa siyang nagsalita. He mentioned the popular islands and cities. Halata sa kanya na alam niya ang mga sinasabi niya.

Gaya ng mga nauna, natapos din siya sa pagsasalita. Sumunod sa kanya sina Rhome at Zane pero hindi na ako nakinig. Umupo si Rouge sa kabilang dulo ng room, at dahil ayaw ko namang ipahalata sa ibang tao na sa kanya ako nakatingin ay ipinokus ko na lang ang mata sa nagsasalita.

"Huy, nagtext sa akin si Cliff," bulong ni Cali sa akin. "I-invite daw natin ang Narcissus. Babayaran ng 30k, limang kanta. Gago, ang laki no'n," dire-diretsong saad niya.

I nodded. My heart suddenly filled with excitement. "Sabihin natin mamaya pagkatapos nilang mag-present."

"Wala yata kasing nakuhang sound system."

Kating-kati ako sa upuan ko habang hinihintay na matapos ang presentations. Marami pang sumunod sa kanila. Nagbigay na rin kami ng feedback at syempre, pinaka-convinced ako sa pagpe-present ni Rouge.

Duh! Ang ganda kaya ng Greece!

"Bias amputa, halata namang si Hunter ang pinakamagaling," pambubwisit sa akin ni Cali.

"Yuck. Kita mo nga at naisa-isa ni Rouge ang islands. Nagbanggit pa siya ng cuisines. Kung ako ang tourist, sa kanya ako sasama."

Tinawanan niya lang ako. Matapos ang ginagawa ay lumabas na kami ng room na iyon. Nagsilabasan na rin ang ibang estudyante kaya alam kong ang naiwan na lang sa loob ay ang mga BSTM students.

Hindi nga nagtagal ay nakita ko si Rouge, bitbit ang laptop bag niya, sa pintuan. Kumunot ang noo niya nang makitang naroon pa rin kami.

"Congratulations!" masayang bati ko nang makalapit siya sa amin.

Siniko ko si Cali para bigyan kami ng alone time at mukhang nakuha naman niya iyon dahil nagkunwari siyang may tinatawagan sa phone.

"Bakit nandito ka pa? May klase kayo, ah?" tanong ni Rouge. "Bumalik ka na ro'n."

I pursed my lips, not minding the dismissal in his tone. "May gig ba kayo mamaya?"

Saglit siyang tumahimik dahil lumabas na ang mga kaklase niya sa room. Isa-isa siyang tinapik ng mga lalaki habang nanunudyong nakangisi sa kanya. Even my most hated man, Rhome, tapped his back while smirking at him.

"Sumbong kita kay Sol," mahinang pang-aasar ni Zane na nakaabot naman sa pandinig ko.

"Gago, wala 'to," natatawang sagot ni Rouge.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at ibinaling na lang ang atensyon sa kaibigan na hanggang ngayon ay nagkukunwari pa ring may katawagan. Bumigat ang paghinga ko, tanda na naapektuhan sa narinig. May kung ano ring bumikig sa lalamunan ko at parang unti-unting may pumipiga sa puso ko.

Right... I was nothing.

Nang tuluyang makaalis ang mga kaklase niya ay muli akong humarap sa kanya. Ganoon pa rin ang pwesto niya. Bahagyang nakatagilid ang katawan sa akin.

"K-kung wala kayong gig mamaya, puwede bang pumunta kayo sa villa?" anas ko. I played with my feet, but my eyes were focused on him.

He glanced at my feet, so I stopped. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay seryoso na ulit ang mukha niya.

"Wala kaming gig pero, bakit? Naiwala mo na naman ba ang chart?" sarkastikong tanong niya. "I'm a busy man, Reese. Salamat sa pagpunta n'yo rito pero hindi ko naman siguro utang na loob 'to dahil nag-volunteer ka naman, 'di ba?"

I breathed deeply as I licked my lower lip. No, Debs, you will not be affected by this.

"Uh... birthday ni Cliff. Naghahanap kami ng banda na puwedeng tumugtog." Yumuko ako. "Magbabayad ng talent fee. Limang kanta lang din ang ipe-perform pero... kung ayaw mo, ayos lang naman. Hindi naman kami para mamilit."

Hindi ko nakuha ang reaksyon niya dahil wala sa kanya ang mga mata ko. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya.

"Anong oras?"

Para akong nabuhayan sa simpleng tanong na iyon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya bago ngumiti.

"9 p.m.! Mas mabuti sana kung magdala na rin kayo ng pang-swimming kasi pool party iyon. Regarding sa payment, puwedeng sa akin n'yo na kunin para hindi n'yo na hahanapin si Cliff."

Tumango siya. "We'll arrive there before 9. Sabihan ko lang din sina Zane."

Masayang-masaya ako pabalik ng room habang si Cali ay nanggigigil sa akin. Isang subject na lang ang pinasukan namin bago kami sabay na umuwi sa villa. Nag-taxi lang kami dahil wala si Rapsly, ang ultimate service namin.

Pagkarating sa villa ay halos mapairap ako sa ayos ng lugar. Parang bar ang garden dahil sa mga ilaw na nakabukas na kahit maliwanag pa. May bar counter din kung saan nakalagay ang mga alak. The pool was filled with neon lights. May malalaking bola at salbabida rin do'n. And of course! The foam machine, para sa foam party!

"Ready na, ah!" sigaw ko nang makita si Cliff, suot ang kanyang board shorts at yellow muscle tee.

"Taray, mukhang straight!" pang-aasar ni Cali. "More dapat ang otoko na invited, ha!"

"Nasaan si Rap?"

Cliff grinned. "Nasa taas, namimili ng swimsuit."

Nag-usap silang dalawa ni Cali kaya tumaas na lang ako para magpalit na rin ng damit. Wala pa namang mga bisita dahil mamaya pa sila magdadatingan. I wore a white see-through top and paired it with my black shorts. Sa ilalim noon ay nakapulang bikini lang ako.

Nang bumaba ako ay sinabi ko na rin kay Cliff na pupunta ang Narcissus mamaya. We fixed the platform, kung saan puwedeng ilagay ang instruments habang ang ibang organizer ay tinawagan na ang mga caterer.

"Happy birthday..." bati ko sa kaibigan habang nakaupo kami sa bar stool at nakatingin sa kabuuan ng garden.

He laughed. "Shuta, ikaw unang bumati sa akin sa inyong tatlo, mga inggrata."

Sinabayan ko ang pagtawa niya bago namin pinagdikit ang hawak na kopita at diniretsong inom ang alak sa loob noon. Alas otso pa lang at katatapos lang namin kumain. Inaantay na lang namin na dumating ang mga inimbitahan.

Napangiti ako nang lumapit sa amin sina Cali at Rapsly. Umupo rin sila sa stool at nagsalin ng alak sa baso nila. Matapos iyon ay humarap din sila sa pool at sabay-sabay kaming napabuntong-hininga.

"Nakakapagod na buhay!" sabi ni Rapsly bago humalakhak.

"Cheers!" we said in chorus, laughing.

We lifted our glasses, and let the coldness of the night embrace our bodies.

"Tangina, baklang bakla na ako pero hindi pa rin ako tanggap ni Papa," saad ulit ni Rapsly.

Cliff grunted. "Same... kaya nga ayaw ko munang umuwi sa Cebu. Baka kung sino pang ipa-date sa akin no'n. Lason!"

"Uuwi pa ba tayo sa sembreak? 'Wag na. Makikita ko lang ang ex ko ro'n," singit naman ni ni Cali. "Feeling close pa naman 'yon kay Mama. Akala mo talaga hindi naghanap ng iba."

I leaned against the bar counter and listened more to their rants.

"Ibinili ako ng sundalong laruan ni Papa pero no'ng naligo ako, ginawa ko lang sirena."

Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi ni Rapsly. I imagined the young version of him, playing at the bathroom while hiding his deepest secret. Nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko bago muling nakinig sa kanila.

I missed doing this with them. Religious ang pamilya nina Rapsly at Cliff kaya mahirap ang pagtanggap sa kanila. You see, according to their bible, gays were non-existent. They thought that their sexuality was a disease that needed to be cured.

We were having our mini-drama session when my phone beeped. I looked at it lazily, but my eyes widened a fraction when I saw Rouge's name on my screen.

Rouge:

We're here.

"Oh my god!" tili ko, dahilan para maputol ang usapan namin. "Narito na ang Narcissus!"

Ngumisi ang tatlo sa akin. Syempre, alam nilang ako talaga ang pinaka-excited sa presensya ng banda. Si Cliff ang may birthday pero ako ang may regalo!

"Pupuntahan ko lang muna, bye!"

Bumaba ako sa stool at halos tumakbo na papunta sa labas. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay malaking-malaki na ang ngiti ko lalo at ang bumungad sa akin ay ang guwapong mukha ni Rouge. He was wearing a white muscle tee that revealed his fair and toned arms. Ang pang-ibaba niya ay itim na board shorts kaya para kaming magka-partner!

"You're here!" excited na saad ko, ni hindi manlang binalingan ang mga kabanda niya.

Mahinang tumawa ang dalawa sa likuran niya. Binuksan ko nang malaki ang pintuan at walang imik silang pumasok. Tumabi agad ako kay Rouge sa paglalakad.

"Nasaan ang instruments n'yo? Ipapakuha ko sa organizers."

He glanced at me. "Nasa truck."

Tumango lang ako. I was too happy that he was here! Nakarating kami sa garden at agad na inasikaso ng tatlo ang mga bagong dating. Ako naman ay naglakad patungo sa organizers para sabihan sila tungkol sa instruments.

"Nasaan ang vocalist n'yo?" Narinig kong tanong ni Cali sa kanila.

Pinaupo nila ang tatlo sa pavilion kaya walang pagdadalawang isip akong tumabi kay Rouge.

"Ano ba?" masungit niyang untag sa akin.

Tumaas ang kilay ko. "Gusto ko ritong umupo. Pakialam mo ba?"

Inirapan niya lang ako at muling itinuon ang atensyon sa mga kabanda.

"Hindi ba pupunta ang vocalist niyo?" tanong ni Clifford. "Si Mitzie?"

"Hindi." Zane shook his head. "Si Harv muna sa vocals. Okay lang ba?"

I grinned. "That's better!"

Tinawanan ako ng mga kaibigan ko kaya napanguso ako. Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha ni Rouge pero wala akong pakialam! Lalandiin kita hangga't kaya ko dahil alam kong bibigay ka rin!

Wala pa ngang ilang minuto ay dumating na ang mga bisita. I saw my classmates and friends wearing their casual clothes as they entered the garden. Gayunpaman, hindi ako tumayo dahil hindi rin naman umalis si Rouge sa pwesto niya.

Rhome and Zane stood up to interact with the visitors. Diretso ang lakad nila patungo sa bar counter at nakita ko agad ang pagpulupot ng braso ni Zane kay Nime!

I scoffed. Gusto ko rin!

"Hindi ka ba sasama sa mga kabanda mo?" tanong ko kay Rouge nang maiwan kami sa pavilion. "Aren't you going to have fun?"

He hissed. "Bakit hindi ikaw ang magsaya ro'n? Umalis ka nga d'yan. Gusto kong mapag-isa."

I let out a hearty laugh. "Cold mo naman."

"I'm not joking, Reese."

Tumayo ako at inilahad ang kamay sa kanya. "Tara do'n! Ayokong iwan ka rito dahil baka maagaw ka pa ng mga babaeng bisita ni Cliff."

He rolled his eyes at me before standing, ignoring my hand. "Go to your friends. 'Wag mo akong abalahin."

I didn't listen to him. Instead, I encircled my arm around his arms.

"Reese, isa!" inis na sabi niya. "Bumitaw ka!"

I shook my head and tightened my grip on him. "Ngayon lang! Bukas naman ay ibabalik din kita kay Solene. Isang gabi lang na close tayo, bilis na..."

He stared at me longer than usual. Halata sa mukha niya ang disgusto. Kanina pa pagdating niya rito, pansin ko nang iba ang timpla niya.

"Kapag hindi ka bumitaw ay aalis talaga ako rito."

Umiling ulit ako, hindi pinapansin ang pananakot niya. "Ilang oras lang naman, Rouge."

Parang nandidiri siyang lumayo sa akin. Tuluyan kong nabitawan ang braso niya dahil sa ginawa niyang pagpiksi. Para talaga siyang nawalan ng pasensya sa akin.

Saulo ko ang ganitong mukha niya. I breathed deeply to prepare myself for his harsh outburst.

"Get lost! Why are you so desperate?! Ibang lalaki ang kulitin mo!" His voice thundered. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo at habol ka nang habol sa 'kin?!"

Gumuhit ang sakit sa puso ko at bahagyang nahiya sa sarili. I played with my feet and heaved a deep sigh. The familiar niddles pierced my heart. I looked at him intently, and I noticed that he was serious. Ayaw niya talaga.

"Is that really what you want?" I asked, chuckling a little. "Do you want me to leave? Do you want me to flirt... with other guys?"

Sa pagtango niya ay gumuho ang maliit na bahagi ng pag-asa sa puso ko. Ngumiti ako sa kanya, tanda na naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari. Siguro nga ay titigilan ko muna siya ngayong gabi. He was not here for me. He was here to perform. Hindi ko dapat siya guluhin.

"Okay. You know that I will always obey you, right?"

Madilim sa pavilion ngunit kita kong mas madilim ang titig niya sa akin, para bang may sinabi akong hindi tama. Bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako at sumama sa mga kaibigan ko.

Mabilis kong ininom ang ibinigay sa aking alak ni Hezron para lunurin ang pait sa puso ko. Kahit nang akbayan ako ng lalaki ay wala na akong pakialam. I even encircled my right arm around his waist.

He really wouldn't care even if I kissed someone right now. Wala na ba talaga akong epekto sa kanya?

I gulped down the huge lump in my throat before shaking my thoughts off. It was my friend's birthday. This wasn't the right time to be sad.

The music was already loud, and the lights were blinding. Nang abutan ulit ako ng alak ay ininom ko 'yon habang nakasandal sa dibdib ni Hezron. Akala ko ay walang sound system pero mukhang kahit last minute ay nakakuha si Cliff. Siguradong mamayang madaling araw pa pala tutugtog ang banda.

"Let's dance..." Hezron whispered after several drinks.

Dahil medyo may tama na ay isinayaw ko ang katawan. Agad siyang pumunta sa likod ko at hinawakan ang baywang ko para mas lalong maglapit ang katawan namin.

While dancing, I unconsciously glanced at the pavilion and saw Rouge... glaring at me. What? You told me to do this. You want me to do this. What did I do wrong again?

I sighed, closed my eyes, and continued dancing. You asked for this.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro