Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Pag-uwi ko sa villa ay naabutan ko ang tatlo sa sala na nagsisigawan. Nasa terrace pa lang ako ay dinig ko na ang hiyawan nila.

"Si Cliff ang impostor! Nakita kong nag-vent!" tili ni Cali.

Cliff immediately defended himself. "Hoy! Nasa electrical ako!"

"Kaya nga! Nag-vent ka!"

Rapsly chuckled. "Bahala kayo, basta ako nagta-task lang."

Napailing ako sa ginagawa nila. Nauna silang umuwi dahil matapos ang klase namin kanina ay bumili pa ako ng bagong tape measure at pattern paper.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Nakapatong pa ang mga paa nila sa center table, hindi natatakot na baka mabasag iyon.

"Umakyat kayo. Pupunta rito si Rouge," utos ko sa kanila.

Pinanood ko ang sabay-sabay na pagkunot ng mga noo nila. Halatang-halata sa mukha nila ang pag-angal, pero bago pa sila makaimik ay nagsalita na ulit ako.

"Ipinahiya n'yo ako no'ng huli. Kailangan n'yong bumawi sa akin!"

"Malay ba kasi namin?" nakangusong sagot ni Rapsly. "Ano'ng oras daw ba pupunta?"

I shrugged. "Dunno. Ite-text ko pa kung anong oras."

"Manood na lang tayo ng movie sa taas. Inaantok na rin ako, eh."

Iniwan ko sila roon at panandaliang umakyat sa kwarto ko para magbihis ng mas komportableng damit. I looked at my phone and sighed when I realized I should send him a text. Umupo ako sa kama at nagtipa ng mensahe sa lalaki.

Me:

6 PM. Sharp.

Hindi na ako naghintay ng reply dahil alam ko namang hindi siya sasagot. Inihanda ko pa ang listahan at tape measure bago tuluyang bumaba. Wala na sa sala ang tatlo dahil narinig ko na silang nag-iingay sa mga kwarto nila.

I cooked carbonara for dinner and ground some coffee beans. Inilabas ko rin ang magaganda naming plato para sa lalaking nagsusungit sa akin. Good grief, the things I did for him!

Napangiti ako nang marinig ang makina ng sasakyan niya sa labas. Gaya ng inaasahan ko, wala naman siyang sagot sa text ko. Mabilis akong pumunta sa pintuan para pagbuksan siya.

I stretched my face to pull off a serious expression. Hindi puwedeng nakangiti ka agad, Debs! Ipinahiya ka niya kanina! Kaunting tatag ng loob!

Nang bumaba sa sasakyan ay halos matulala na naman ako sa kanya. The first three buttons on his polo were undone again. Magulo ang buhok niya at tiim ang bagang. He walked toward me as I fought the urge to drool over him.

"Pasok," sabi ko. "Mabilis lang tayo, 'wag kang mag-alala."

He didn't answer. Instead, he entered the villa and sat lazily on the couch. I scoffed as I went near him. Ang mga gamit ko ay nasa center table na kaya hindi ko na iyon poproblemahin.

Habang inihahanda ang medida ay kinausap ko ulit siya.

"Dito ka kakakain."

"May gig kami."

I shook my head. "As I've said, this will be quick. Isa pa, handa na ang hapunan."

He let out a sigh and nodded. Itinago ko ang pagngiti sa simpleng pagpayag niya. Makalipas lang ang ilang sandali ay wala na ulit siyang imik. Nakakainis talaga! Kaunti na lang ay gusto ko nang ibuka ang bibig niya!

Kumuha ako ng maliit na upuan. Pinatayo ko rin siya para sukatin ang circumference ng leeg at ulo niya.

"Aren't you going to apologize?" I asked. "I was defending you, pero ipinahiya mo lang ako!"

"I don't need anyone to defend me," he replied.

"Your bandmate obviously hates you."

Umiling siya. "Rhome is just having a bad day. Huwag mong husgahan ang tao dahil hindi mo naman siya kilala."

Napanguso ako sa sinabi niya. Okay! Para namang ang sama-sama ko! Ayoko lang naman na may nagagalit sa kanya nang walang rason!

Tumayo ako sa upuan at muling nagkatapat ang mukha namin. I breathed heavily at the mere sight of his eyes. Sa pagtatama ng mata namin ay mabilis siyang pumikit para iwasan ang tingin ko.

I glared at his closed eyes and just busied myself with measuring the circumference of his head. I was about to write it on my notepad when I felt the chair slowly slipping.

"Ahh!" I screamed when it completely slipped. Dahil walang makapitan ay napahawak ako sa balikat niya.

He quickly put his left arm around my small waist to help me stand up. When I looked at him, his eyes were already drawn to me. Our faces were close, and I could hear his heart beating loudly against his chest.

Nakakapit pa rin ako sa balikat niya pero wala pang ilang segundo kaming magkatitigan ay ibinaba niya na ako. Nag-iwas pa siya ng tingin na parang diring-diri siya sa nangyari!

"Ang arte mo. Ang baba naman ng upuan. Hindi ka mamamatay d'yan," masungit na sabi niya.

"I-I was just shocked!" I almost punch myself when I heard myself stutter.

He dragged his glaring eyes on me. "Kung saan-saan ka kasi nakatingin. Ayaw mag-iingat."

I glared at him. Lagi na lang siyang nagsusungit at naiinis na talaga ako!

"It's your fault!" sisi ko sa kanya. "How can I focus when you're right in front of me?! You're too handsome! I was distracted!"

"What?" he asked in disbelief.

I straightened my back. "Yes! I can't focus when you're around."

Natahimik kami parehas matapos ang sinabi ko. Come on, I should say something! Hindi naman dapat ikinahihiya iyon! I mean, I should broadcast it, dahil alam kong alam naman na niya ang gusto kong mangyari! But then... the sudden humiliation hit me like a ton of bricks.

I gulped and pressed the tips of my fingers to drown my embarrassment. Great! Too much for wanting to act like you don't care, Debs! You're too obvious!

I cleared my throat when the atmosphere between us turned awkward. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at ganoon din ang ginawa ko. I licked my lower lip and grabbed the notepad to write his measurement. Halos mapunit ang papel sa diin ng pagkakasulat ko.

Mukhang naramdaman niya rin ang pagkapahiya ko dahil mabilis niyang inayos ang sarili.

"Bilisan mo na," aniya na parang walang nangyari. "May pupuntahan pa ako."

My hands were slightly shaking while I was getting his measurement. Halos magdugo ang labi ko nang muli akong natapat sa crouch area niya dahil sa mga alaalang bumalik sa utak ko. Mabilis kong tinapos iyon dahil hindi ko na kaya ang intensidad na nararamdaman ko.

"Uh... anong oras ang gig n'yo? At saan?" I asked, trying to lighten up the ambiance.

"10 p.m. sa Rampage."

I nodded slowly. "Can I come?"

Hindi ko siya tininginan dahil hindi naman siya sumagot. I fixed my things on the center table before shooting him another question.

"Alas siete pa lang naman. Bakit parang nagmamadali ka?"

Again, I got no response.

Rinig ko ang pagtitipa niya sa phone at nang balingan ko siya ay wala pala talaga sa akin ang atensiyon niya.

Naramdaman niya yata ang paninitig ko dahil nag-angat siya ng tingin sa akin.

"What?" tanong niya, pero mabilis ding ibinalik ang mata sa phone niya.

Kumunot ang noo ko at binitawan ang gamit. Nakita ko pa ang pagngiti niya kaya hindi ko napigilan ang sarili na pasimpleng pumunta sa likod ng couch na inuupuan niya. I looked at his phone to see what he was doing... and I regretted it instantly.

Parang may sumuntok sa puso ko nang makitang nasa profile siya ni Solene Clemente. He was zooming in her photos. Matapos titigan ang mukha ng babae ay pumupunta siya sa comment section para magbasa.

Wow. I was right here. Kaunting oras lang naman ang hinihingi ko pero hindi talaga siya nagpaawat? Hindi ba puwedeng ako muna ngayon?

I mentally laughed. Jokes on you, Debs. You have to remind yourself that he's doing you a favor for Solene.

I sighed as my energy quickly deteriorated. Naglakad uli ako papunta sa center table. Nang tapunan ko ng tingin ang mukha niya ay napansin ko ang maliit na ngiti sa labi niya. I turned away from him and swallowed to get the lump out of my throat.

"Tapos na ba?" nangingiting tanong niya. "Aalis na ako, ha? May pupuntahan ako."

I bit my lower lip. "Akala ko ba ay 10PM pa ang gig niyo?"

"Yeah." He nodded. "Pupunta akong ISU. Susunduin ko si Mitzie at sisilay na rin," natatawang sagot niya. Nakalimutan yata na ako ang kausap niya dahil magaan ang awra niya, bagay na hindi niya ipinakita sa akin mula noong pumunta ako rito sa Isabela.

I pinched myself before answering. "Ah... okay." Inipon ko ang gamit sa braso. "Hindi ka pala rito makakain, 'no?"

"Huh?"

Napangiti ako nang mapait nang mapagtantong hindi pala talaga siya nakikinig sa akin kahit... kanina. He must be thinking of Sol. Akala ko pa naman ay pumayag na siya sa pagtango niya.

Umiling na lang ako. "Wala, sige. Sa susunod na lang ulit... uh... mag-iingat ka. Higitin mo na lang ang pinto pag-aalis ka na dahil automatic naman ang lock n'yan..."

Nagulat ako nang ibinaba niya ang phone at tiningnan ako nang matagal. Napatigil ako sa planong pag-akyat sa kwarto ko at mahigpit na humawak sa gamit ko.

"Bakit gan'yan ang boses mo?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko ngunit mahina ring tumawa. "Huh? Ano'ng meron?"

His expression didn't change. Mariin ang titig niya sa akin na parang binabasa ako. "Bakit parang nasasaktan ka?"

I was taken aback. Lumunok ulit ako para kumuha ng lakas ng loob na labanan ang tingin niya. What was the point of lying? Alam ko namang may ideya na siya sa nararamdaman ko lalo at araw-araw ko siyang itine-text ng mga walang katuturan. Araw-araw akong nagpapapansin kahit halata naman sa kanya na ayaw niya.

I straightened my back before answering.

"Bakit naman ako hindi masasaktan?" I laughed nervously. "Nandito ka pero iba ang nasa isip mo."

His brows furrowed, his eyes still darted on me. "I told you that I like Solene. Alam mo rin na pumayag ako rito para sa kanya."

Tumango ako, lalong hinihigpitan ang hawak sa gamit. "Yes." I laughed. "Of course!"

Hindi siya sumagot. Ang kaninang aliw sa mata ay tuluyang naglaho. May kumirot sa puso ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling na lang ang atensyon sa pintuan.

"Sige na." Muli akong tumawa. "Baka inaantay ka na nila. Aakyat na rin ako."

"Reese," he called me... parang may gusto pang sabihin.

"Sige na! Alis na!" pabiro kong saad. "Ikaw na ang magsarado ng pinto, ha? Tataas na talaga ako. Bwisit ka, sayang 'yong niluto ko," dagdag ko pa para hindi ipahalata sa kanya ang nararamdaman.

Tinalikuran ko na siya bago pa siya makapagsalita ulit. Mabigat ang mga hakbang ko paakyat sa kwarto dahil sa pait sa puso ko. Oo nga naman. I forced him to do this. I blackmailed him, para lang makasama ko siya. Bakit ba ako nag-iinarte?

Mula sa bintana ng kwarto ko ay sinilip ko siya na naglalakad patungo sa kotse niya. Pagkasakay niya pa lang ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.

I smiled sadly and let myself feel the painful beating of my heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro