Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Natapos ang program pero hindi ko na nakita uli si Rouge dahil hindi na siya bumalik sa upuan.

Ngayon ay nasa parking lot ako, sa tabi ng pulang Lancer Evo XI niya. Kung inaakala niyang matatakasan niya ako nang ganoon kadali, nagkakamali siya! I tried calling him, pero hindi siya sumasagot!

Lumipas ang halos labinglimang minuto bago ko siya natanaw palabas ng school. Hindi na niya bitbit ang gitara at ang coat niya ay nakapatong na lang sa balikat niya.

I put my arms across my chest and waited for him to look at me. When he did, I glared at him. Umirap lang siya at pinatunog ang sasakyan.

"Bakit ba ang hirap mong hagilapin?!" reklamo ko agad nang makalapit siya sa akin. "Hindi ka pa sumasagot ng tawag!"

"Ibinalik ko lang ang gitara sa music room," sagot niya bago buksan ang kotse.

Iniharang ko ang katawan ko sa pinto kaya hindi siya nakapasok. Matangkad na ako pero hanggang baba lang niya ako. Still, I stood there like an intimidating tower.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong ko ulit, nakakunot ang noo at masama ang tingin sa kanya.

He looked at me, annoyed. "Umalis ka d'yan."

"Bakit? Saan ka pupunta ngayon?" usisa ko pa.

He cursed. Nakita ko ang paglunok niya dahil siguro sa pagtitimpi. He took a small step away from me and turned to look at the car.

"Pakialam mo ba?" he asked harshly.

I tilted my head and gritted my teeth. "I care! Sa 'yo na ako sasakay papunta sa villa kaya 'wag ka nang umalis. Gaano ba ka-importante 'yang lakad mo?"

"Do you want me to answer that?" he asked again, posing a challenge to me.

"Yes!" I shot back.

"Kay Sol," mabilis na sagot niya. "Kay Sol ako pupunta. At oo, importante 'to."

I winced. Humigpit ang kapit ko sa tote bag ko at iniiwas din ang tingin sa kanya.

"May usapan tayo, Rouge," medyo mahinang sagot ko. "Puwede namang sa ibang araw na 'yan."

Tumingin ako sa paa ko at bahagyang nilaro iyon para iwala ang atensyon ko sa kanya.

"Alas sinco pa, 'diba? May isang oras pa ako para gawin ang gusto ko," pabalang niyang sagot. "Hindi naman kita tatakasan. I will go directly to your villa."

Tumingin ako sa relo ko at napatango nang mapansing alas kwatro pa nga lang... at tama siya, puwede niya pang gawin ang gusto niya.

I heaved a sigh. Was this the consequence of my action? Kailangan ko ba talagang masaksihan at marinig na may pinupuntahan siyang iba?

Nag-angat ako ng tingin at kahit na medyo nasasaktan ay nginitian ko siya.

"Okay... ingat ka," sabi ko.

Ilang segundo niya akong tinitigan. Umalis ako sa pinto ng kotse niya at walang pag-aalinlangan siyang sumakay roon. Pinanood ko kung paano niya paharurutin ang sasakyan hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

I sighed. Patience, Debs, patience. Ginusto mo 'yan.

Mabagal akong naglakad papunta sa waiting shed. Magta-taxi ako. Aayusin ko na lang siguro ang gamit sa villa para pagdating niya ay makapag-simula na agad kami. Isa pa, mabuti sigurong magluto na ako nang sa gayon ay hindi na siya maghintay.

I was playing with my feet when a Lancer Evo XI parked in front of me.

Ibinaba ni Rouge ang salamin ng sasakyan at masamang tumingin sa akin.

My face heated up. He came back! Nawala agad ang kaunting kirot sa puso ko kahit nanlilisik ang mata niya sa akin.

"Sakay," utos niya.

Mabilis akong sumakay sa loob ng kotse, mahigpit ang kapit sa bag at malaki ang ngiti. Bumalik siya para sa akin! Goodness! Ang bango pa ng sasakyan niya!

Nakangiti akong humarap sa kanya.

"Hindi mo ba ako natiis?" tawa ko.

"Let's get this shit over and done with," masungit na saad niya na lalong nagpalaki sa ngiti ko.

"Akala ko ba ay pupunta ka sa babae mo?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa kotse niya. Wala naman masyadong laman ang loob maliban sa susi, wallet at phone niya. Napangisi ako nang madaanan ng mata ko ang tissue at alcohol. Same old, Rouge.

Hindi niya ako sinagot. Tiningnan ko siya at napansin kong mahigpit ang kapit niya sa manibela kaya kita ang mga ugat niya sa kamay. Miski ang paraan ng paghawak niya sa kambyo ay parang ang sarap titigan.

"Stop looking at me," aniya.

I smiled and looked at him more. I made it obvious, kaya kumunot ang noo niya. Tumigil siya sa tapat ng stoplight at masama ang tingin na ipinukol sa akin.

"What?" I asked innocently.

Inirapan niya lang ako at muling ibinalik ang tingin sa daan.

I pouted. "Sungit."

Isinandal ko ang katawan sa upuan at tumingin na lang sa bintana. Uwian na rin ng ibang estudyante kaya maraming nag-aabang ng jeep at bus.

Hindi niya ako kinausap hanggang makarating kami sa villa. Itinigil na niya ang sasakyan pero hindi pa rin ako lumalabas.

"Bakit alam mo kung saan 'to? Hindi ka pa naman nakakapunta rito, ah?" I asked as I narrowed my eyes on him. "Are you stalking me?"

He gave me a disgusted look. "Haven't you heard of Waze?"

"Nasa waze ba ang villa?!"

He tsked. "Obviously," he uttered as he pointed to the screen of his phone.

Nginusuan ko lang siya bago lumabas ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay at pumasok na sa loob ng villa. I glanced at him. Inililibot niya ang tingin sa lugar na akala mo'y turista siya.

"Bilisan mo!" I commanded.

Tamad siyang naglakad palapit sa akin. Inilagay ko lang ang bag sa couch at muling humarap sa kanya.

"Stay here. Kukunin ko lang ang measuring instruments ko sa taas."

Tumango lang siya at umupo na sa couch. He started playing something on his phone, kaya umakyat na rin ako sa kwarto. Inihanda ko ang notepad at tape measure ko.

Pagbaba ko ay ganoon pa rin ang pwesto niya ngunit nang makita ako ay inilapag na niya ang phone sa center table at tumayo.

"Susukatan mo lang naman ako, 'di ba? This wouldn't take an hour."

I pouted. "Dito ka na mag-dinner. Wala ang mga kaibigan ko. I don't want to eat alone," paawang saad ko.

"Ang arte mo," sagot niya. "Bilisan mo na at may lakad pa ako."

I heaved a sigh and started doing my work.

"Tumayo ka nang tuwid," utos ko na sinunod naman niya. Kumuha ako ng maliit na upuan para tumapak doon dahil hindi ko masusukat nang maayos ang leeg niya. Masyado kasi siyang matangkad.

Nang magkatapat na ang mukha namin ay nginitian ko siya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. Ang taray!

I put the tape measure around his neck, but I couldn't get it right because his head was tilted to the right!

"Tumingin ka sa 'kin!" I demanded.

Naghintay ako pero hindi siya sumunod. Walang pag-aalinlangan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at itinapat ang mukha niya sa akin.

I took a deep breath when I looked into his hazel brown eyes, which at first glance looked like they were pitch black. Pinigilan ko ang sarili na manginig nang ilagay ko ang tape measure sa ulo niya para sukatin ang circumference noon. Bumaba ako sandali para ilista ang measurement at muling umakyat para sukatin nang maigi ang leeg niya.

Nang matapos sa itaas na parte ay iginilid ko na ang upuan.

"'Yon na 'yon?" narinig kong tanong niya.

I licked my lower lip. "Hindi pa. Excited ka. Itaas mo ang kamay mo," utos ko na muli niyang sinunod.

Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. A tall man standing with his arms raised waiting for me to take his measurements. Hmm... sexy. Nangingiti kong iniikot ang tape measure sa chest niya.

Mabigat ang paghinga niya gaya ng sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili na ilapat ang tainga sa dibdib niya.

He fliched. "Ano ba?!"

I pursed my lips. "Papakinggan lang, eh. Ang damot."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung gaganyan ka lang, aalis na ako."

"Hindi na!" saad ko agad dahil baka umalis nga siya. "Halika na rito. Hindi na ako manggugulo, promise!"

Tiningnan niya muna ako na parang binabasa niya ang mukha ko bago lumapit muli sa direksyon ko.

Huminga muna ako nang malalim at saka nagpatuloy. Sunod kong sinukat ang waistline at front and back waist length niya. Noong nasa balakang na ako ay tumingin muna ako sa kanya.

"What?" he scowled.

Umiling lang ako at dahan-dahang ipinaikot ang tape measure sa hip niya. Lumunok ako ng ilang beses dahil nangangatal ang kamay ko. Jusko, Debs! Napakarumi ng utak mo!

Mainit ang mukha ko nang harapin ko ulit siya. Kinuha ko ang kaliwang braso niya at halos mapapikit ako nang maramdaman kung gaano katigas iyon. I measured the circumference of his left and right arms before taking measurements of his sleeves.

Tahimik lang siya habang naglilista ako. Nang tingnan ko ang relo ay napasimangot ako dahil wala pang tatlumpong minuto ay tapos na agad kami.

Nakita kong kinuha na niya ang coat niya sa couch. Hakab na hakab sa kanya ang suot niyang puting polo at dahil nakatalikod sa akin ay kita ko ang lapad at kisig ng likuran at balikat niya.

Humarap siya sa akin kaya napatuwid ako ng tayo.

"Aalis ka na?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at isinukbit ang bag sa balikat.

"Salamat," I told him. "Ite-text na lang kita kapag tapos na ang paggagawa ko ng pattern at draft. Hindi naman kailangang linggo-linggo kang nandito... kapag lang siguro naumpisahan ko na ang pananahi," litanya ko.

Hindi siya sumagot at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto kaya sumunod ako sa kanya. Sayang naman at hindi ko siya puwedeng pilitin na sabayan ako sa pagkain dahil alam kong pupuntahan niya pa si Solene.

Sumandal ako sa pinto habang pinanonood siyang magsuot ng sapatos. Sana ay mabilis kong matapos ang pattern para masimulan na ang pananahi. In that way, may rason ako para makita ulit siya.

Tumayo siya pagkasuot ng sapatos at muling tumingin sa akin.

I gave him a small smile and waved my hand. "Bye, mag-iingat ka."

He clenched his jaw. Galit na naman. Wala naman akong ginagawa.

"Nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong niya.

I pressed the tips of my fingers before answering. "Hindi ko alam... pero siguro by 7PM ay narito na sila."

He just nodded. Tumalikod na siya sa akin at naiwan ako roon na nakatingin lang sa kanya. He walked slowly toward his car and slid himself in. I let out a sigh and went back inside.

Dumiretso ako sa kusina at naghanap na lang ng instant ramen na puwede kong gawing hapunan. Kung alam ko lang na ganoon lang kabilis ang mangyayari, sana ay maaga ko na lang pinauwi ang mga kaibigan. Mag-aalas sais pa lang kasi, pero dahil maaga kaming nag-lunch kanina ay nagugutom na ako.

Isinalang ko ang mainit na tubig at sumandal sa counter. I heaved a deep sigh and rested my head on the side of the refrigerator.

I was used to looking at Rouge's back because he always walked away from me. Mas mabigat lang siguro ngayon dahil alam ko na kung saan siya pupunta sa pagtalikod niya sa akin.

Hinintay kong matapos ang niluluto bago dinala iyon sa sala. I opened the television and watched some runway clips on YouTube. Busy ako sa pagkain nang makarinig ako ng katok.

Dala ko pa rin sa kaliwang kamay ang mangkok nang buksan ko ang pinto.

My mouth dropped open as I took in the sight of Rouge. His eyebrows were furrowed, and his forehead was creased.

"Bakit nandito ka pa? Akala ko ba ay may lakad ka?!" anas ko sa kanya.

Sumulyap siya sa dala kong mangkok na parang may malaking kasalanan ang ramen sa kanya.

"Nagbago na ang isip ko," masungit na sagot niya. "Dapat ay pakainin mo muna ako dahil inabala mo ako."

I bit my lower lip to suppress a smile. Two strikes in a day! Bumalik siya ulit!

Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok siya. Kulang na lang ay haklitin ko siya papasok sa kusina dahil ang bagal niyang maglakad!

"Anong gusto mong kainin? Magluluto ako!" masayang pahayag ko nang maupo siya. "Chicken fillet? Beef broccoli? Pork chop? Name it! Marami kaming stocks dahil kakatapos lang namin mag-grocery no'ng isang araw."

"Marami kayong stocks pero 'yan lang ang kinakain mo?"

I pouted. "Ito kasi ang madaling iluto, eh. At saka, nakasanayan ko na rin namang kumain ng instant food kapag wala 'yong tatlo rito."

He rolled his eyes at me. "Tapos aalukin mo ako ng pagkain na mahihirap iluto? Don't you care about your health?"

"Hey!" Ikinunot ko ang noo. "Madali lang iluto 'yon at may pakialam ako sa katawan ko, 'no! Tinatamad lang talaga ako ngayon!"

Nilabanan niya ang masama kong tingin. "'Wag mong kainin 'yan," aniya sabay turo sa mangkok. "Maghanda ka ng mabilis lang iluto para makaalis na ako."

Padabog kong kinuha ang kaldero at inilabas ang chicken fillet sa ref. Hinugasan ko iyon bago ipinirito. Habang hinihintay na maluto iyon ay humarap ako sa kanya na nakatingin lang din sa akin.

"Late ka na," saad ko. "Hindi ka na makakapunta kay Solene kasi paniguradong uwian na nila."

He avoided my eyes and licked his lower lip. "Alas nuebe pa ang gig namin sa Rampage."

I felt my eyes widen. "Hindi ka kay Solene pupunta?" Oh, God. I sounded too happy.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Pakialam mo ba? Bilisan mo na lang d'yan."

My heart felt full as I faced the dish. Nang matapos iluto iyon ay inihanda ko na rin ang mesa. Mabuti at may kanin dahil nawala sa isip ko ang magsaing.

"Gusto mo ng kape?" alok ko bago umupo sa tapat niya.

He shook his head and started eating. Habang nakatingin sa kanya ay gumaan ang pakiramdam ko. Gusto kong isipin na bumalik siya dahil wala akong kasama sa villa. Gaya kanina na bumalik siya para isabay ako papunta rito.

It wasn't long before I heard the loud squeals of my friends. Sabay kaming napatigil sa pagkain at lumipad ang tingin ko sa labas ng kusina kung saan nagkukulitan ang tatlo.

"Oh, akala ko ba ay kasama mo si Harvin kaya hindi muna kami umuuwi?" walanghiyang tanong ni Rapsly dahil hindi nila kita si Rouge.

Cali grunted. "At ang gaga, inuluto pa ang chicken fillet! Ang usapan ay sa Sabado pa natin kakainin 'yan, ah!"

Mainit na mainit ang mukha ko nang tumikhim si Rouge. I looked at him apologetically. Hindi pa rin alam ng tatlo na kasama ko ang lalaki dahil ako lang naman ang kita nila mula sa pinto.

"Sana ay sumama ka na lang sa amin! Tamo, wala ka namang napala sa panonood ng program kung hindi ang mangarap na sana ay ikaw na lang ang gitara ni Harv!" dagdag pa ni Cliff na lalong nakapagpainit sa mukha ko.

"G-Guys..." I stalled a bit,

"Hinahanap ka ni Hezron! Baka raw kailangan mo pa ng model. Gagawin niya raw for free, makasama ka lang," anunsiyo pa ni Cali.

I saw Rapsly nod his head. "Doon ka na lang! Mas may pag-asa ka ro'n. Ma-fes din naman!"

Halos panawan ako nang tumayo si Rouge.

"Uuna na ako," paalam niya sa akin bago lumabas ng kusina.

Sabay-sabay na nagsinghapan ang mga impakto pero hindi ko na sila natingnan dahil ginusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko.

"Uh... good evening, Harvin. Nandito ka pala," sabi ni Rapsly at sinabayan pa 'yon ng mahina at wala sa hulog na pagtawa.

"I'll go ahead. Pasensya na sa abala."

Ilang minuto ang lumipas bago ko narinig ang sasakyan niya, tanda ng pag-alis niya. Doon lang ako lumabas ng kusina at padabog na naglakad papunta sa tatlo.

"Mga ingrata kayo!" sigaw ko. "Hindi n'yo ba nakitang may kotse sa labas, ha?!"

Cali smiled at me. "Aakyat na ako, besi, ha? Tatapusin ko pa ang patterns ko."

"Same! Tatawagan ko pa ang models ko!"

Cliff just shrugged his shoulders and followed them.

Naiwan lang akong mag-isa sa sala at pulang-pula dahil sa nangyari. God! We were just having our moment! Bakit ba ako nagkaroon ng mga kabarkada?!

I was about to go upstairs to continue my sermon when my phone beeped.

Rouge:

Finish your food.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro