Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40


Last Chapter

"Paano kung ayaw nila sa akin? Paano kung sabihin nila na malaki ang kasalanan ni Daddy? Paano kung paghiwalayin nila tayo?" dire-diretsong tanong ko habang bumabiyahe kami patulak sa mansyon ni Abuelo kung saan naghihintay ang mga magulang niya. "Baka hindi nila tayo matanggap..."

Mula sa gear ay inilipat niya ang kamay sa akin. Pasimple siyang tumingin sa akin at nginitian ako.

"Don't worry about anything, Reese. I gave them a heads-up, okay? Hindi naman nila tayo papupuntahin kung galit sila sa 'yo," he uttered before returning his hand to the gear.

"Nahihiya ako, Rouge..." I confessed.

Sinilip ko mula sa rearview mirror si Alya at nakitang tulog na tulog pa rin ito. Rouge looked at her, too. Nang mapansing tulog ang bata ay itinabi niya sa gilid ng daan ang sasakyan.

"Why?" I asked.

He faced me. "Inhale."

I obeyed him. I took a deep breath.

"Good. Now, exhale."

Tumango-tango pa siya. He stole another glance at Alya, and when he saw that she was still sleeping, he pulled me in for a kiss. Napaigik naman ako. It was just a peck but it was too sudden!

"Rouge, parang tanga!" I hissed. Lumayo siya sa akin at bahagyang tumawa. "Kita mong nandito si Alya!" dagdag ko pa.

He grinned. "Marami naman na tayong nagawa kahit nasa paligid lang ang anak natin."

My cheeks heated up. "Fuck you!"

Lalo siyang ngumisi. "Later, love. Meet the parents muna tayo."

Napairap ako at sumandal na lang sa upuan dahil ayaw kong makipaglokohan sa kanya. Kinakabahan ako at hindi nakakatulong ang pagiging walanghiya niya!

"Ang bilis talaga magalit." Tumawa siya bago muling bumaba ang mata sa labi ko. "Don't pout your fucking lips, Reese. Baka malimutan kong nasa sasakyan tayo."

"Rouge!" Napasulyap ako kay Alya, takot na baka gising na ito. Thankfully, she was still asleep. Sinamaan ko ng tingin si Rouge na ngayon ay may nang-uuyam nang nakatingin sa akin. "Shut up!"

Aliw na aliw siyang asarin ako habang nasa biyahe kami. I let out a silent sigh of resignation, realizing that he was just trying to make me feel at ease. Dumaan pa kami sa isang flower shop dahil pinilit ko siyang ibili ng bulaklak si Tita Candy.

"Hindi naman kasi masyadong mahilig si Mama sa bulaklak," giit niya pa.

Pinandilatan ko siya. "Well, at least give her something!"

Nakita ko ang palihim niyang pagngisi dahil sa panggigigil ko. Sa loob ng halos tatlong buwan simula noong magkabalikan kami ay hindi lumipas ang isang araw na hindi niya ako binuwisit. Kaunti na lang ay sa unit na rin siya tumira dahil hindi naman ako pumapayag na lumipat kami sa kanya!

He also spoiled Alya too much. Tuloy ay natuto na ito sa mga gadgets, at last month lang ay gumawa na rin siya ng social media accounts niya!

"We're here," anunsyo niya.

Napatigil ako sa pag-iisip. Kumabog ang dibdib ko nang matanaw ang mansyon ni Abuelo at pakiramdam ko ay wala akong karapatang tumapak ulit doon matapos ang trahedyang nangyari sa kanya. Nanumbalik sa akin ang lungkot dahil mahal ko si Abuelo at masakit sa akin ang pagkawala niya.

"Reese, hindi mo kasalanan," ani Rouge na para bang naririnig niya ang naiisip ko.

I nodded. "I just feel guilty. Alam kong pinagbabayaran na ni Daddy ang ginawa niya... but it will never be enough."

"You're right." Napatingin ako sa kanya. "Hindi sapat 'yon para mapantayan lahat ng sakit na idinulot niya sa amin. But what else can we do? It was over. We cannot control our past... so we shouldn't let it control us either."

His words reached my heart. Huminga ako nang malalim at nginitian siya. Maiintindihan ko kung magagalit sa akin ang mga magulang niya. Ito na rin siguro ang tamang oras para personal akong makahingi ng tawad sa kanila.

Hawak namin ang kamay ni Alya habang papasok sa loob. Kagigising lang niya kaya pupungas-pungas pa siya at tahimik. I could feel the tightening of my chest.

When we walked in, we were greeted by the sight and smell of home. Mabilis na bumalik sa akin ang mga alaala namin dito. Kung paanong magsusumbong ako kay Abuelo kapag magkaaway kami ni Rouge at kung paanong pag-aayusin niya kami. It all came back to me... and it pained me.

"Ma, Pa," bati ni Rouge habang bumababa sa hagdan ang mga magulang niya.

Napatuwid ako ng tayo. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa presensya nila.

Tita Candy guided her husband down the steps. Bukod sa ilang senyales ng pag-edad ay wala namang nagbago sa itsura nila. Tita Candy still radiated an air of elegance and opulence. Kahit na nakasuot lang siya ng puting bestida ay halata pa rin sa kanya ang karangyaan.

At si Tito Gian... kahit sa edad niya ay napakatikas pa rin niyang tingnan. He looked more serious and withdrawn now. Mas lalong nakakatakot.

Naramdaman ko ang pagtatago ni Alya sa likod ko, marahil ay natakot din sa presensya ng mga magulang ni Rouge. Nang tuluyan silang makababa ay lumunok ako para kalmahin ang sarili.

"Good afternoon po..." mahinang bati ko.

Hinawakan ni Rouge ang nanlalamig ko nang kamay, pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Tita Candy. Seryosong-seryoso ang mukha niya noong una, ngunit pagkatapos lang ng ilang sandali ay matamis siyang ngumiti sa akin.

Para akong hihimatayin doon. God! I was so nervous!

"Good afternoon, Deborah."

Sumilip siya kay Alya at lalong lumaki ang ngiti niya.

"Is that Alya Cryzelle?" she exclaimed. "Baby, come here! I'm your Daddy's mother," malambing na dagdag niya ngunit nagsumiksik lang lalo sa akin si Alya.

I took a few slow, shallow breaths to keep my heart rate stable. Hindi ko naisip na puwedeng maging ganito kainit ang pagtanggap sa amin ni Tita!

Tumikhim ako. "Alya, greet them, baby. They're your grandparents."

Natatakot na umiling lang siya. Nahihiya ko namang binalingan ang mga magulang ni Rouge dahil dito. Tito Gian was just staring hard at me. Halos manginig ako sa paraan ng pagtingin niya. I prayed against hope that I wouldn't do anything to remind him of his trauma. I didn't want to stir up trouble.

"It's okay, Deborah. Mabuti pa ay kumain na muna tayo. Alam kong medyo malayo ang binyahe n'yo."

Halos hinihingal na ako habang sumusunod sa kanila. Inakbayan ako ni Rouge na para bang hindi ako mahihimatay sa nerbyos habang hawak niya si Alya sa kabilang kamay niya.

"Ang sabi ko, huwag kang kabahan. I'm with you. Tingin mo ba ay pababayaan kita?" bulong niya sa akin.

Umiling ako, hindi makumbinsi sa sinasabi niya.

"Paano kung ma-trigger ko si Tito?" tanong ko. "Masama ang tingin niya sa akin, Rouge... natatakot ako."

He sighed before kissing my temple. "Sira ka. Laging mukhang galit 'yon, parang ikaw."

Matalim ang tinging iginawad ko sa kanya. "Hindi ako nakikipaglokohan!"

He chuckled. "Paano ba naman kasi, ang dami mong iniisip. I know my parents. They hate your father, not you."

He kindly drew out a chair for me. Itinabi niya rin sa akin si Alya kaya napaggitnaan namin ang bata. Seated across from us were his parents. Wala pa mang salitang namumutawi sa aming lahat ay inasikaso na kami ng helpers. They put a lot of food on the table. Si Alya na kanina pa tahimik ay tahimik na napa-yehey nang makakita ng fried chicken.

Nag-init ang puso ko nang mapansin ang pagngiti ni Tita Candy.

"How old is she?" she asked.

I pursed my lips. "She'll turn eight soon po."

Her eyes glistened. "Can we organize a big birthday party for her? Or perhaps we could start the process of transferring her surname and documents to Foster?"

Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na si Rouge.

"Ma, magpapakasal muna kami ni Reese. Ayokong madaliin 'to."

Pakiramdam ko ay namilog ang mga mata ko. Kasal?! Ni wala pa nga kaming napag-uusapan tungkol doon!

"Then get married," sabi pa ni Tita.

Halos mahigit ko ang hininga ko. Teka lang naman! Pagso-sorry lang ang agenda ko ngayon!

"We will. In time..."

Napanguso si Tita Candy sa sagot ng anak. "You two aren't getting any younger! May anak naman na kayo. What's stopping you from getting married?"

Tuluyan akong napatanga sa kanilang dalawa. Ni hindi ako nakaimik dahil kasal agad ang pinag-uusapan nila gayong hindi pa kami nagsisimulang kumain!

"I don't want to rush Reese, Ma."

Yumuko ako para itago ang labis na pag-iinit ng mukha ko. Damn, we really were talking about marriage! About settling down!

"And they were separated for years, Candy."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Tito Gian sa unang pagkakataon. His expression softened a bit. Napansin ko ang pagtingin niya kay Alya at tipid na pagngiti rito.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko sa nakita. Kahit pa napakaraming kasalanan ng pamilya ko sa kanila, malugod pa rin nila akong tinanggap. Ni hindi nila ako kinuwestyon o binastos. Puwedeng-puwede nila akong sumbatan, pero heto at hinahayaan pa nila akong sumabay sa kanila sa pagkain.

Nagsimula na kami. Hinimay pa ni Rouge ang fried chicken sa pinggan ni Alya at ang anak namin ay nakangiti lang dahil paborito niya 'yon. Maya't maya ang tingin ko kina Tito at Tita dahil sa pag-usli ng kaba sa dibdib ko.

"What are your plans after this?" tanong ni Tita Candy. "I mean, saan kayo titira? Isabela? Cebu? Manila?"

"Mommy, aren't we going back to isla?" mahinahong tanong ni Alya. "I miss Ate Jaja."

Napabuntong-hininga ako nang mapagtantong hindi ko pa pala pinag-iisipan ang bagay na iyon. Ilang buwan na rin kami halos dito sa Cebu.

"Uhm, Tita, siguro babalik muna kami sa isla. Naroon po kasi ang negosyo ko."

"Walang internet doon, hindi ba? Puwede mo namang ilipat ang negosyo mo sa mas civilized na lugar." Tumingin siya kay Rouge. "What are your thoughts about this, Harv?"

Sinulyapan ko ang lalaki na ngayon ay nagpupunas na ng bibig. Bumaling din siya sa akin.

"Kahit saan basta kasama ko sila, Ma."

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng muling pag-iinit ng mukha ko. Napatikhim si Tita Candy. May maliit na ngiti ring sumilay sa labi niya.

"Pero nasa Manila ang trabaho mo. Mas maganda kung magpatayo na lang kayo ng rest house do'n," saad ulit ni Tita.

"Pag-uusapan pa namin ang lahat, Ma. Hindi naman kami nagmamadali."

Nanatili ang usapan namin doon kaya napaisip din ako. A part of me somehow wanted Alya to spend her formative years in a more contemporary environment because I knew what she was interested in.

Alya seemed most at home in front of a crowd and a bright spotlight, so I could see her pursuing a modeling career in the future. Sure, puwedeng magbago 'yon, pero kilala ko ang anak ko. If that were to happen, she'd have to grow up in a more cultured society now. Ang tanging pumipigil lang sa naman akin ay kung handa na ba kaming umalis sa isla.

It had been our home for many years. Walang gulo at ingay. It was just the two of us in the glory of silence. Kung sakaling lilisanin namin ang lugar, marami ang puwedeng mangyari.

Hanggang matapos kaming kumain ay iyon ang laman ng isip ko. Pansin kong medyo ilang pa si Alya sa mga magulang ni Rouge ngunit sinusubukan naman nina Tito at Tita na mapalapit sa bata. Nasa sala kami ngayon at kinukuwentuhan ni Tita Candy si Alya.

"Deborah."

Pagkarinig ko sa boses ni Tito Gian ay agad kong naituwid ang likod ko.

"Po?" Kumalabog ang dibdib ko. Napatigil din si Rouge sa pangungulit sa nanay at anak niya nang mapansin kami ni Tito.

"Can we talk, hija?"

Para akong papanawan nang tumango ako sa kanya. Nakatingin sa amin ang tatlo at alam kong pansin nila ang nerbyos sa mukha ko. Ni hindi ko na sila nabalingan dahil sumunod na ako kay Tito.

Sa garden kami pumunta. I played with my fingers to bring my heartbeat back to its normal pace. Ito na ba 'yon? Susumbatan niya na ba ako? Sasabihin niya bang lumayo ako sa anak niya?

"How are you?" he asked without looking at me.

I gulped. "O-okay lang po, Tito..."

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. Napahinga ako nang malalim dahil doon. Okay, Deborah, calm down. He isn't mad.

"You raised your daughter well," he mumbled. "Sa ugali mo noon, hindi ko inaasahan na kaya mong maging mabuting ina kay Alya."

Hindi ko alam ang dapat sabihin kaya nanahimik na lang ako. Hearing someone tell me I was a good mother was the greatest honor I could have ever received. If I could go back in time and have a conversation with a 20-year-old Deborah, I'm sure she'd find it hilarious.

"You've changed, and I know that Alya contributed a lot to your growth..." dagdag pa nito, dahilan kung bakit may kung anong bumagbag sa damdamin ko. "Sinabi na sa 'kin ni Harvin ang lahat at gusto kong personal na humingi ng tawad sa 'yo."

Binasa ko ang pang-ibabang labi nang huminga siya nang malalim. Pakiramdam ko ay nahihirapan din siya gaya ko.

"Inutusan ko siyang hiwalayan ka noon dahil hindi ko matanggap ang ginawa ng tatay mo sa amin."

I tapped my foot on the ground, hurting for him and his family. Hindi ako para magalit sa kanya. Alam ko kung saan nanggaling ang poot niya sa akin.

"I-I'm sorry, Tito... I really am sorry..." My voice trembled.

Umiling siya. "No. Bata ka pa rin no'n at wala kang alam sa nangyari. Your father's faults aren't yours to own. Ako ang nagkamali sa 'yo dahil idinamay kita."

Umiling din ako. "It's normal, Tito. Kung ako po ang nasa posisyon n'yo ay magagalit din ako."

Nagtagal ang tingin niya sa akin hanggang sa unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.

"You've matured..."

Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Akala ko kapag nakita kita, mati-trigger mo ang emosyon ko... but you didn't," he said, slightly shaking his head. "I had my fair share of mistakes. Si Harvin at pati na rin ikaw. That makes us human. We hurt other people. We make poor choices. And in the end, our only option was to learn from them and to apologize to those we harmed."

Tumimo sa akin ang mga salitang iyon. I had been punishing myself so much lately for past mistakes that I couldn't change that I was slowly forgetting who I should be now. I was better... happier. Hindi ko dapat hayaan ang sarili kong mabuhay sa nakaraan.

"What has happened cannot be undone, Deborah, but the things we did wrong became the things that made us who we are today."

Parang may malaking punyal ang tuluyang naalis sa puso ko. For the first time in a long time, I felt a sense of peace and security.

"I hope you stop doubting yourself, hija."

Tumango ako, bahagyang nanunubig ang mga mata.

"And Deborah..."

"Po?" maliit ang boses na tanong ko.

"Thank you for making my son happy."

Simula noong araw na iyon, mas lalo kong naramdaman ang mainit na pagtanggap nila sa akin. Napalapit din si Alya sa kanila dahil sa madalas nilang pagbisita. I couldn't ask for anything more. I was forgiven, loved, and treasured. Na pagkalipas ng maraming mga taon, hindi na lang si Alya ang mayroon ako.

We celebrated the holidays together. Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa apo nila dahil nakikitaan daw nila si Alya ng potensyal para maging modelo. They even threw a big party for her 8th birthday.

Umuwi kami sa isla para kunin ang ilang gamit at para makapagpaalam sa ibang taong naging parte ng buhay namin sa nagdaang mga taon. Napagkasunduan kasi namin ni Rouge na sa Manila na mag-stay. He promised me that he'd buy a house there. Ang AC boutique ay inilagay na sa ilalim ng DB Store. It was a special section for children, at ako ang exclusive designer sa section na iyon.

I was so happy that the word didn't even do it justice. It was like a ray of sunshine shining directly into my spirit. Wala na ang bigat kapag gigising at matutulog ako.

Everything just fell into the right places.

Ngayon ay nasa Ireland kami. I was wearing a midnight-blue dress, and my hair was loosely falling down my back. Ganoon din ang suot ni Alya. May hawak siyang bulaklak habang hinihintay na bumukas ang pintuan ng event hall.

Umiiyak sa gilid ko si Rapsly at pinapakalma lang siya ni Cliff.

"Ikakasal na talaga si Cali! Parang dati lang iyak nang iyak 'yon sa lalaki tapos ngayon, haharap na talaga sila sa Diyos!" iyak ni Rap. "Napakabruha! Inunahan pa si Deborah!"

Sabay kaming napatawa ni Rouge. He put his arm around my waist and bent forward to kiss the top of my head. Kanina pa siya tahimik ngunit maya't maya naman ang halik at lambing sa akin.

"Nasaan ang bandmates mo?" mahinang tanong ko sa kanya.

He pursed his lips. "Papunta na ang mga 'yon."

Tumango ako at humilig sa dibdib niya. Maraming camera sa paligid dahil naka-live ang kasal nina Cali at Lenin. I felt so happy for my friend. Deserve niya 'to.

Marami akong nakikitang pamilyar na mukha sa paligid. Madalas ay mga kaklase at kaibigan din namin noong college kaya nang malama nilang kami pa rin ni Rouge hanggang ngayon ay tuwang-tuwa sila. Si Nime ay imbitado rin kaya inaasar ni Cliff si Rapsly kanina. Hindi naman ito pinapansin ng huli.

Ang Narcissus ang kakanta mamaya sa reception dahil sa personal na hiling ni Cali. Hindi ko nga alam kung bakit gayong kayang-kaya niya namang bayaran ang talent fee ng mga sikat na banda o artist ngayon. Not that I was complaining, though. I missed fangirling over my boyfriend.

"Reese," malambing na tawag ni Rouge sa akin.

"Hmm?"

"I love you."

Mahina kong nasapak ang braso niya. Kahit ilang beses niya nang sinabi iyon ay nagugulat pa rin talaga ako! Hindi pa nakatulong na iisa ang reaksyon ng puso ko sa mga baduy niyang banat!

"Kayo ni Alya... mahal na mahal ko."

I whirled around to look at him, and my chest pounded frantically at the sight of the joy in his eyes.

God, I was so in love with this man. No amount of time or distance could ever change that.

"Ano?" parang batang tanong niya nang magtagal ang titig ko sa kanya.

I smiled and stood on my toes to reach his lips. Kahit may mga nakatingin ay walang pag-aalinlangan kong pinatakan ng mabilis na halik ang labi niya.

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa ginawa ko at kinailangan niya pang mag-iwas ng tingin para hindi makita ang panunudyo ko.

"Really, now?" maarteng puna sa amin ni Rapsly.

I chuckled before leaning against Rouge's chest again. Awtomatiko namang ipinalibot niya ang braso sa akin.

After a few more minutes, the wedding had officially commenced. Naluha ang mga mata ko nang makita si Cali. Nakasuot siya ng vintage wedding gown na kaming tatlo mismo nina Cliff at Rapsly ang gumawa. Pumunta na kaming tatlo sa gilid niya dahil kami ang kasama niyang maglakad papunta kay Lenin.

"Unlimited dilig ka na lagi..." pang-aasar ni Rapsly sa umiiyak naming kaibigan. Akala mo naman ay hindi siya naging emosyonal kanina.

"Ang ganda mo, Cal," saad naman ni Cliff.

Kumapit ako sa kaliwang braso ni Cali at hinawakan ang kamay niya. Si Rouge ay pumasok na sa loob ng event hall habang si Alya ay kasama ang ibang abay.

Nanlalamig ang kamay ni Cali habang naglalakad kami. All of the cameras were on us. Noong nasa gitna na kami ay hindi na naman napigilan ni Rapsly ang pag-iyak. Napaiyak din tuloy kami ni Cliff! Para kaming mga tanga na mas emosyonal pa kaysa kay Cali!

It was a solemn wedding. Nag-uumapaw sa puso ko ang saya para sa kaibigan dahil saksi ako sa kabiguan niya sa pag-ibig. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang pagsulyap sa akin ni Rouge. Hindi ko naman mabigyang pansin iyon dahil ang buong atensyon ko ay nasa ikinakasal.

"With this ring, I, Calisto Osio, formally take you, Lenin Martinez, to be my life partner. I pledge to be by your side, stay true to you in good times and bad, be faithful to you through thick and thin, be there for you through health and sickness. I will respect and honor you, my love... until the end of time."

Mugto ang mata namin nina Clifford at Rapsly habang papunta sa reception. Na-badtrip pa ako kay Rouge dahil iniwan niya kami ni Alya kaya sa mga kaibigan ko kami sumabay. Nag-text naman siya na aasikasuhin daw nila nina Zane at Rhome ang instruments kaya hinayaan ko na.

"Ikaw, Cliff? Wala pa rin ba?" tanong ko.

He chuckled. "Not my thing."

"Akala ko ba ay may nakakausap ka na model? Nasaan na?" Tumawa ako.

"Wala 'yon..."

Inasar nang inasar ni Rapsly si Cliff hanggang sa makarating kami sa reception. Hawak ko ang kamay ni Alya pagpasok namin ngunit mabilis akong natigilan nang makita si Rouge.

At hindi siya mag-isa! Kausap niya 'yong babaeng crush na crush niya noong college!

"Oh, shit, this is war!"

Hindi ko na pinansin ang mga kaibigan ko at halos padabog akong naglakad papunta sa dalawa. Ayan ba ang nag-aasikaso ng instruments?! Iniwan niya pa kami tapos ito ang maaabutan ko?!

"Rouge," I called him, my brows arching.

Tiningnan ko ang babaeng kasama niya. Kulay tsokolate ang buhok at maputi ang balat. She was wearing an emerald dress and she smiled when she saw me.

"Reese!" he exclaimed before pulling my waist. "Si Solene... tanda mo?"

I kept my face straight and nodded. Sino'ng makakalimot d'yan?

"Hi," Solene greeted me.

Ngumiti ako kahit na labag iyon sa loob ko. "Hi, I'm Debs, Rouge's girlfriend."

She chuckled. "Yeah. Naikuwento niya nga." Sumilip siya sa anak ko. "Is that Alya? Your daughter? Hi!" sunod-sunod na pahayag niya pa.

Tumawa si Rouge. "'Wag mong ginugulat ang anak ko, Sol."

"Ah ah! Gusto ko na rin magka-anak!" She sighed dreamily. "Mamaya nga ay sasabihin ko na kay Duke na buntisin ako."

"The fuck?!"

"Rouge, your mouth!"

Hindi niya ako pinansin at nakitawa lang kay Sol. Kahit nasa baywang ko ang kamay niya ay inis na inis ako sa kanya! Naalala ko kasi ang pagpapapansin niya noon sa babae at hindi ako natutuwa! Lalo pang nakakainis dahil mukhang gusto rin ni Alya si Solene!

Nang magpaalam siya sa amin ay tinanggal ko ang kamay ni Rouge sa baywang ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ba't nandito 'yon?!" I hissed. "Ang sabi mo ay mag-aasikaso kayo ng instruments tapos makikita ko rito na nakikipag-usap ka sa crush mo dati?!"

His lips parted. "Siya ang gumawa ng wedding cake, Reese... at kasama niya si Duke. Ba't ka nagagalit?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Gusto mo ba si Sol?"

Tumitig siya sa akin na para ba akong nasisiraan ng bait. Maya-maya pa ay ngumisi siya, kinagat pa ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa.

"Selos ka?" nanunudyong tanong niya.

Lalong nanlisik ang mga mata ko. Was he fucking for real?!

"'Wag na. Patay na patay na nga sa 'yo 'yong tao, magseselos ka pa..." Lumapit siya sa akin at inilagay ang ilang alpas na hibla ng buhok ko sa likuran ng tainga ko.

Nag-init ang mukha ko. "Do'n ka nga!"

Humalakhak pa siya kaya pikon na pikon ako! Hindi pa ako nakakabawi ay inagaw na niya ang anak namin sa akin.

"Alya, halika na nga! Sa akin ka sumama. Pag-usapan natin 'yong sinabi ko sa 'yo last week. Hayaan muna natin si Mommy sa mga kaibigan niya."

Kumunot ang noo ko pero inginuso na niya sa akin ang puwesto ng mga kaibigan. Inis na inis na inirapan ko lang siya.

Nakakairita! Kuhang-kuha niya ako sa mga ganoong padali niya!

Ang mga kaibigan at ilang kaklase ang kasama ko sa pagkain. Marami silang baong kuwento at lahat sila ay ginisa ako tungkol kay Alya. Karamihan sa kanila ay may mga asawa na rin. Syempre, hindi rin nila pinalampas ang pagchi-chismisan tungkol kay Mizuki at ang affair niya sa presidente.

"Tutugtog ang Narcissus! Ang tagal na no'ng huling narinig ko sila!" tili ng isa sa mga kasama namin sa mesa.

"Mukhang kabado si Harvin, ah?" Tumawa si Clifford. "Matagal-tagal nang hindi nakatugtog 'yan kasama ang banda."

Tiningnan ko si Rouge na nasa mini stage. Napansin kong medyo balisa nga siya. He was now wearing a black three-piece suit, and he looked very formal, taliwas sa casual attire ng mga kabanda niya.

Natatawang napailing na lang ako. Ewan ko ba d'yan at may pa-change outfit pa! Akala mo naman talaga ay siya ang groom!

"Si Zane ang maggigitara?"

Nalunod lang sa ingay ang tanong ko. I was used to seeing Rouge in his guitar so I was little confused why Zane was on his place! Kung hindi siya ang tutugtog... malamang ay siya ang kakanta! Wala na kasi ang babaeng vocalist nila na hindi ko na tanda ang pangalan.

"Okay, let's get the attention of all the single women out there! Mrs. Martinez will now toss her bouquet!" masayang sigaw ng host.

Umingay ang mga tao at pumunta agad ang mga babae sa gitna kaya napatawa ako. Kahit si Rapsly ay nakisali!

"Hoy, Deborah, tara!" sigaw niya sa akin habang nakangiti. "Makikiagaw ako! Akala ng mga babaeng 'yan, sila lang ang pwedeng ikasal?!"

"'Wag mo akong isali sa kalokohan mo!" tawa ko.

Pinapanood lang kami ni Cliff, malaki ang ngisi sa labi. Akala ko mananatili siyang ganoon, pero hindi nagtagal ay sumama na siya kay Rapsly sa pagtulak sa akin sa gitna. Goodness! Wala naman akong pakialam dito!

"A hundred and five is the number that comes to my head. When I think of all the years I wanna be with you. Wake up every morning with you in my bed... that's precisely what I plan to do."

Tuluyang nawala ang pag-aatubili ko nang pumaibabaw sa buong lugar ang malalim at tila nanunuksyong boses ng kasintahan ko. Nakisali ako sa hiyawan ng mga kababaihan. Ni wala na sa bulaklak na sasaluhin ang atensyon ko dahil sa kanya!

Damn, that sexy beast belongs only to me!

"Harvin, gusto ko rin ng Alya!"

I swung my hips and purposely hit Rapsly's with them.

"Sorry..." puno ng pagyayabang ang boses ko.

Natatawang inirapan niya ako. "Sus! Kung wala namang kipay, hindi rin naman maganda!"

Nasa unahan kami ng kumpol kaya kitang-kita ko si Cali na malaki ang ngiti sa akin. May luha pa sa mga mata niya kaya alam kong sobra siyang masaya.

"And you know one of these days, when I get my money right. Buy you everything and show you all the finer things in life. Will forever be enough, so there ain't no need to rush..." Tumigil si Rouge sa pagkanta kaya natigilan din kami.

Sa hindi malamang dahilan, biglang kumabog ang dibdib ko. Lumayo sa akin si Rapsly at ang mga babae sa paligid. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. All of a sudden, I was alone in the middle.

Tuluyang napaawang ang labi ko nang bumaba si Cali at personal na iniabot sa akin ang bulaklak.

"I'm so happy for you, Debs. I really am..."

Umiling ako. No... araw niya 'to! Ano'ng ginagawa niya?!

"All of us planned it..." sagot niya na parang narinig niya ang tanong sa isip ko. Kumindat siya sa akin at isang beses pang ngumiti. "I don't mind if you take the spotlight for a moment. Consider it my gift for we have the same heart."

Before I could even react, I saw Rouge making his way on me. Seryoso ang mukha habang hawak ang mic. Lumayo sa akin si Cali at naiwan ako sa gitna na parang tuod. Nanginginig ako at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito.

Tumapat si Rouge sa akin. He looked at me as if I were the most beautiful girl he had ever seen... similar to the way I watched the night sky and wished for a star to fall into my lap. Rinig ko ang impit na mga tili ng kaibigan ko ngunit hindi ko na sila nagawang tingnan dahil nakatitig lang kami ni Rouge sa isa't isa.

"But one day, I won't be able to ask you loud enough..."

My chest tightened as I watched him.

"I'll say, "Will you marry me?"" kanta niya ulit.

I put my hands on my mouth to suppress my gasp. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa pisngi ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at naglabas ng isang asul na kahon!

Nang makita ang reaksyon ko ay kuminang ang mata niya. The feeling was overwhelming! Nangangatal ang labi ko sa pinaghalong labis na kaba at saya.

Parang natupad ang isa sa mga pinakamatinding pangarap ko. At ang lalaking tinitingala ko lang noon, bumaba at lumuhod ngayon para abutin ako.

"Reese Deborah Madrid, will you marry me?"

Kasabay ng ingay ng mga tao ay ang sunod-sunod na pagtango ko. Ni hindi na ako nakapagsalita dahil iyak na lang ako nang iyak.

"My Mommy and Daddy!" rinig kong sigaw ni Alya mula sa kumpol ng mga tao.

He got to his feet and reached out to calm my shaking hand. With great care and love, he inserted the ring on my finger. He kissed the back of my hand, and I saw a tear roll down his cheek.

At that very moment, there were no words exchanged, but I sensed an underlying sincerity that helped me understand something.

Looking at him was like gazing at the night sky, ladened with stars and moon. He was the one I had always dreamed of, the one I had always admired, the one I had always... loved. We basked under the warmth of the same sun and found refuge behind the same canopy of stars.

And after so many years of being lost, with his lips pressed on my hand, finally... I am found.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro