Chapter 4
Chapter 4
Me:
Good morning, Rouge! Sunduin na lang kita mamaya sa department n'yo tapos punta na tayo sa villa. See you!😘
Nag-inat ako at tumingin sa kisame kung saan nakapinta ang picture namin. What a great way to start my day. Walang mangyayari kung mananatili akong malungkot dahil sa nakita ko kahapon. Dapat nga ay matuwa pa ako dahil may pag-asa pa ako kay Rouge!
I did my normal routine. Isang sweatshirt at pantalon lang ang isinuot ko dahil nasa laundry shop pa ang ilan kong damit. Itinali ko rin ang buhok ko para maaliwalas tingnan ang mukha ko.
Bumaba ako at nakitang nakahanda na rin sina Rapsly, Cali at Cliff sa pagpasok. Kanya kanya ng bitbit ng sketch pad at sewing materials.
"Napapayag ko na si Rouge na maging model ko kaya magpa-late kayo ng uwi mamaya dahil dito kami magsusukatan," sabi ko nang makalapit sa kanila.
"Anong oras kayo?"
I smiled. "5 p.m., tapos ipagluluto ko na lang din siya ng dinner dito."
Rapsly grinned. "Okay, girls, uwi tayo by 4."
Sinamaan ko siya ng tingin habang papalabas kami ng villa. Sumakay rin kami agad sa sasakyan ni Rapsly at makalipas ang ilang minuto ay nasa SEU na kami.
Pagpasok ko pa lang sa room ay lumapit na sa akin si Nime.
"Sino 'yong ipapatanggal mo? Sinabi ko na kay Dad, ibigay mo na lang sa 'kin ang copy of grades," she said.
I pursed my lips and gently tapped her back. "Thank you for your effort, but it was settled. Nakakaawa naman kung ipapatanggal ko, 'di ba? And... she looks like she's doing well at school."
Inirapan niya lang ako bago bumalik sa silya niya. Ako naman ay tumabi na rin sa mga kaibigan ko. We barely had a few minutes to wait until our Clothing Culture and Communication teacher entered the room.
It was only a brief discussion. Idinismiss niya rin kami agad kaya napaaga ang lunch break namin. We ate in the school cafeteria and proceeded to our next class.
Akala ko ay normal na araw lang iyon maliban sa magkikita kami ni Rouge mamaya ngunit biglang tumunog ang speakers sa room namin kaya napatigil ang teacher namin sa pagdi-discuss.
"All students and faculty members, please proceed to the amphitheater. We will welcome our board of directors and our beloved chief executive officer for the opening of our newly-built suite inside the campus. Thank you and have a great day, Easternians."
Hindi muna kami tumayo dahil hinintay pa namin ang go-signal ni Ma'am. Dinig ko ang masayang usapan ng mga kaklase ko dahil wala na namang klase.
"Okay, class, let's have our meeting next week. We'll have a long quiz. Good day," sabi ng teacher namin bago inipon ang gamit at maarteng lumabas ng pinto na parang kasalanan naming may school activity.
Tumayo na rin kami at sumunod sa paglabas niya. Si Mizuki ang nahuling lumabas dahil isinarado niya pa ang room namin.
"Let's ditch the program," saad ni Cliff. "Wala naman sigurong attendance do'n."
Kasama naming naglalakad ang ilang kaklase at lahat sila ay mukhang may balak talagang pumunta sa amphitheater.
"Go ako, kayo ba?" tanong ni Rapsly sa aming dalawa ni Cali.
Bahagya akong nag-isip. Nakakatamad naman talagang pumunta roon. Mas mabuting umuwi na lang kami sa villa para maayos ko ang mga gamit mamaya.
"Tara," yaya ko sa kanila.
Tumango na rin si Cali kaya nag-iba na kami ng daan. Pinag-uusapan na namin kung anong movies ang panonoorin at anong mga kakainin nang muling tumunog ang speakers na rinig sa buong school.
"Also, we would like to call the attention of our school band, Narcissus, for their special performance. Thank you."
Napatigil ako sa paglalakad at sabay-sabay na bumuntong-hininga ang tatlo.
"Tara na, Deborah!" pamimilit sa akin ni Rapsly nang makitang patalikod na ako para pumunta sa amphitheater.
I smiled cutely at them. "Alis na lang tayo pagkatapos ng performance nila. Malay n'yo may attendance! Saka syempre 'no, magpakita naman tayo muna sa profs natin! Halatang-halatang nag-cutting tayo," pagrarason ko.
"Bahala ka d'yan!"
I glared at them. "Isusumbong ko kayo!"
Lalong nanlisik ang mata ko nang tumalikod sila at talagang hindi ako sinamahan! Tumigil ako ilang sandali para magdesisyon ngunit buo ang loob kong mapanood ang pagpe-perform ni Rouge kaya pumunta ako sa amphitheater.
As usual, pagdating ko roon, hindi ko na makita ang mga kaklase ko. Malamig sa loob ng lugar at biyaya na ring nakasuot ako ng sweater para hindi ako masyadong lamigin.
Nakakita ako ng isang bakanteng upuan malapit sa stage kaya kahit walang kakilala sa paligid ay doon ako naupo. The closer, the better. At gaya ng lagi kong ginagawa noong mga nakalipas na taon, inihanda ko ang phone ko para i-video ang lalaki.
"Hi, can I sit here?"
Napasimangot ako nang makita si Hunter sa gilid ko. Hindi ko siya sinagot pero umupo pa rin siya at nginisian pa ako! Bwisit!
"Bakit hindi mo kasama ang mga kaklase mo? Talagang lumapit ka pa sa stage," feeling close na saad niya.
"Where do you find the necessity to care?" maarteng tanong ko.
He pursed his lips before smirking. "Sungit."
Hindi ko na lang siya pinansin. Nagsimula ang program kaya medyo tumahimik ang mga estudyante ngunit wala pang ilang sandali ay nakarinig na ako ng mga bulungan.
I knew this.
Lumingon ako sa likuran at nakita ang Narcissus na naglalakad papasok sa amphitheater. Nauuna si Rouge sa paglalakad at may bitbit na gitara sa likod niya. He looked dashing and sexy. Parang sa presensya niya, kumpleto na agad ang program.
"Matunaw naman si Harv," pang-aasar ng nasa gilid ko ngunit masyado akong nalunod sa itsura ni Rouge kaya hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Nang dumaan siya sa gilid namin ay nakita ko ang bahagya niyang pagtingin sa akin. Naging mabilis lang iyon dahil lumipad agad ang mga mata niya kay Hunter.
Binati ng mga kabanda niya ang lalaki habang siya naman ay naglakad na patungo sa bakanteng silya sa tabi ko.
I cursed under my breath when I felt his dominating presence beside me. Kinailangan ko pang huminga nang malalim para kalmahin ang sarili dahil hindi ko inasahan na sa tabi ko siya uupo! Mabuti na lang pala at hindi ko kasama ang tatlo!
Humarap ako sa kanya.
"Rouge—"
"Don't talk to me," aniya bago nilaro ang phone.
I pouted. "Bakit sa akin ka tumabi kung ayaw mo naman palang kinakausap ka?"
Tamad siyang tumingin sa akin at tinanggal ang likod sa pagkakasandal. Matapos iyon ay itinuro niya ang upuan at nabasa ko ang buo niyang pangalan doon. Lalo akong napanguso at padabog na lang na bumalik sa pagkakasandal sa upuan ko.
Umupo na rin ang dalawa niyang kabanda sa gilid niya at kung hindi pa ako nagkamali ay ngumiti sila kay Rouge na parang nang-aasar!
"Bakit may sarili kayong upuan?" hindi nakatiis na tanong ko. "It's not fair! Same fees naman ang binabayaran namin."
Ipinikit niya ang mata at isinandal ang ulo sa upuan. "'Wag mo akong kausapin."
"Ayoko nga. Kakausapin ko ang gusto kong kausapin," pahayag ko. "Magkikita naman talaga tayo mamaya. Bakit ba hindi ka nag-reply sa text ko?"
He clicked his tongue in annoyance before tilting his head to the left. Hindi ko tuloy makita nang ayos ang mukha niya!
"Rouge!" I called him. "Sa susunod ay kailangan mong mag-reply. Hindi 'yong pinaghihintay mo ako."
Sinamaan ko siya ng tingin nang hindi pa rin siya sumagot. Mahina lang naman ang pagkakasabi ko noon dahil ayaw kong may makarinig sa amin lalo at on going ang program.
"Pagkatapos dito, sabay na tayong pumunta sa villa, ha? Ipagluluto kita ng dinner para diretso tayo."
He opened his eyes slightly. "Tahimik," utos niya bago muling pumikit.
I licked my lower lip. "Kailangan din ng photoshoot. Ayos lang ba? Para may mailagay ako sa portfolio ko."
"I want to rest," he said, dismissing me.
Tiningnan ko siya nang mabuti. Mahaba ang itim niyang pilikmata at hubog na hubog ang panga. Ang ilong niya ay mayabang din na nakatayo habang ang kanyang labi ay mamula-mula. Lalo siyang gumwapo sa hikaw niya sa kaliwang tainga.
Napansin niya siguro ang ginagawa kong paninitig dahil muli siyang nagmulat ng mata.
"Ano?" masungit na tanong niya.
I smiled. "Guwapo mo."
He sighed loudly before closing his eyes again. Ibinalik ko na lang ang sarili sa pagkakasandal sa upuan at hindi na siya ginulo. Baka nga pagod siya lalo sa nasaksihan kahapon sa ISU.
I shook my head when I remembered his pained expression yesterday. Hindi ko dapat ito alalahanin. Fate was on my side.
Inilibot ko na lang ang tingin sa lugar. Parang sinehan ang amphitheater. Malaki ang screen sa stage at ang mga upuan ay may lagayan din ng drinks. Madilim at centralized din ito kaya kailangan ng jacket kung mabilis kang lamigin.
Napatingin ako sa arm rest kung saan nakapatong ang kamay ni Rouge sa pagitan namin. Sinulyapan ko muna siya at nakita kong banayad ang paghinga niya.
Mukhang nakatulog talaga. May performance sila pero natulog!
I took a deep breath before putting my hand slowly on top of his. Hindi siya kumilos o umangal dahil syempre, tulog naman siya. Hindi pa ako nakuntento at pinaghugpong ko ang kamay namin.
Ibinalik ko ang katawan sa pagkakasandal at pinakiramdaman ang magkalapat naming balat.
Ganoon pa rin. Parang walang lumipas na mga taon. May kumiliti sa puso ko sa mga nanumbalik na alaala naming dalawa. He used to kiss my hand every time we had to part ways back then.
Ilang minuto ko lang pinaglagi roon ang kamay ko dahil baka magalit siya kapag nagising. Pagkatanggal ko pa lang ay parang nawala ang init sa palad ko.
"Harv, we'll perform in ten minutes, gumising ka na d'yan," saad ni Zane.
Mabilis ang pagmulat ng mata ni Rouge dahil hindi naman talaga siya heavy sleeper. Inayos niya ang sarili at tinapunan muna ako ng tingin bago tumayo para pumunta sa gilid ng stage.
Nang tawagin sila ay in-assemble muna nila ang instruments. Rouge sat on a stool. Nakatapat sa bibig niya ang mic habang nakangisi sa audience na parang hindi siya bagong gising.
"Hindi ba ay babae ang vocalist nila? Bakit parang hindi na nila nakakasamang mag-perform?" dinig kong tanong ng isang estudyante sa likod.
"Biglaan yata kasi. Taga ISU pa 'yon, eh."
Kinuha ko ang phone ko at itinapat na sa stage. Ang focus lang noon ay na kay Rouge na inaayos ang tuning ng gitara niya.
"Good afternoon," his baritone filled the entire place. Ang mga babaeng nagkukuwentuhan kanina tungkol sa vocalist nila ay impit na tumili.
I watched him through my phone. He started strumming his guitar while his bandmates began to play their instruments to harmonize the song.
Intro pa lang ay marami na agad ang nagsigawan.
"Go, Narcissus!" sabay sabay na hiyaw ng ilang estudyante. Napangisi pa ako nang marinig ang pangalan ni Rouge na itinitili nila.
"Don't the water grow the trees? Don't the moon pull the tide? Do the stars light the sky? Like I need you to light my life," simula niya na lalong nagpaingay sa mga estudyante.
Nakangiti lang ako habang pinapanood siya sa phone ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, parang na-e-excite dahil narinig na naman ang boses niya. Sa dami ng taong nakilala ko na magaling kumanta, para sa akin ay walang nakatalo sa lalim ng boses niya. His voice was a bit husky, making it a lot sexier.
Tumayo ang lalaki bitbit ang gitara. Nakangiti pa siya habang pinapanood ang mga tao.
"You don't understand how much you really mean to me. I need you in my life, you're my necessity, yeah. But believe me that you're everything that just makes my world complete. My love is clear the only thing I've ever seen."
Napawi ang ngiti ko nang tumingin siya akin. Sa phone ko lang ako nanonood pero alam kong nasa akin ang atensyon niya.
Nawala rin ang ngisi niya bago ipinagpatuloy ang kanta.
"You're all I ever need... baby, you're amazing, you're my angel, come and save me. You're all I ever need. Baby, you're amazing. You're my angel, come and save me..."
He sang the chorus while his eyes were fixed on me. Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko. My hand was weak. Para akong tinutunaw ng tingin niya.
Nagtama ang mata namin habang kumakanta siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. The way he eyed me was soft and full of longing. Parang ang sarap isipin na mahal niya pa rin ako.
Tumili nang malakas ang mga estudyante kaya parang natauhan siya at mabilis na iniiwas ang tingin sa akin.
Hindi na ako nakapag-video dahil hindi ko pa rin kayang kalmahin ang sarili. Hinawakan ko ang dibdib ko at nakumpirma ang mabilis na tibok ng puso ko.
I waited for him to glance at me again but he didn't. Hanggang matapos ang kanta, hindi na niya ako muling tiningnan. Nawala rin ang ngisi niya at seryoso na lang na kumanta at naggitara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro