Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39

‍‍‍‍‍‍‍‍"Kumain ka muna..." aniya matapos ang ilang minuto. He dried my cheeks with his fingers. "Ipapainit ko ang pagkain tapos patutulugin ko na rin si Alya para makapagpahinga ka."

We were still standing in front of each other. Ang mga mata namin ay nasa isa't isa. Parehas namamaga ngunit alam naming kahit papaano ay nawala ang bigat na dinadala namin.

I reached for his massive hand and squeezed it. "I'm sorry. I really am..."

He shook his head before intertwining our hands. "If you're sorry, then, eat something, okay?" malambing na saad niya bago ako higitin papunta sa dining area.

Pinaupo niya ako bago inasikaso ang pagkain. May ilan ding hugasin pa sa lababo kaya habang hinihintay na tumunog ang microwave ay hinugasan niya ang mga iyon. Maya't maya rin ang pagtingin niya sa akin, magpapakawala ng buntong-hininga, bago ituloy ang ginagawa.

Ilang minuto lang ay inilapag niya ang pagkain sa harap ko. May gatas pang kasama.

"'Wag munang kape, ha? Baka hindi ka makatulog, eh." Umupo siya sa tapat ko.

I felt guilty. Hindi ko maintindihan kung bakit hiyang-hiya ako sa kanya.

Bakit ba kasi sinusubukan niya pa ring lumapit sa akin? Galit dapat siya! Hindi dapat niya ako inaalagaan! My father did something terrible to his family! Hindi dapat niya ako patawarin dahil anak ako ng lalaking sumira sa pamilya niya!

May isang parte sa puso ko ang may agam-agam pa. Not because I couldn't forgive him but because I was ashamed of my family. Parang may kumakalabit sa konsensya ko dahil mas malaki ang atraso ng tatay ko sa kanya pero siya pa ang gumagawa ng paraan para maayos ang relasyon namin.

I dropped my eyes on the food. Alam kong ramdam niya ang pananahimik ko dahil muli kong narinig ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ang hirap ligawan ni Alya!" Tumawa siya nang mahina para basagin ang katahimikan sa pagitan namin. "Parang ikaw lang no'ng high school... parehas kayong maldita kapag ayaw n'yo sa tao."

Lumunok ako bago ipinagpatuloy ang pagkain. I was still hurting for him. It felt like, after everything that happened, my heart knew that I no longer deserved him.

"I was... waiting for your call last night. Nakatulog ka ba nang maayos?" dahan-dahan pang tanong niya.

Tumango ako habang nakatingin pa rin sa pagkain. Ni hindi ko na malasahan iyon dahil wala akong gana. Kumakain lang ako dahil ayaw kong mag-alala pa siya.

"'Yong tungkol sa Mommy mo..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I told him everything about my mom as quietly as I could... afraid that I would break him even more.

He licked his bottom lip. "We can visit her tomorrow. Nag-request ako ng pass para makapasok sa mansyon n'yo at makuha mo ang urn ni Tita Sheryl. Do you want that?"

My eyes watered. Damn, nagiging iyakin na talaga ako.

"T-thank you, Rouge. You don't know how much that means to me."

Ngumiti siya sa akin kaya itinuloy ko na ang pagkain. He was trying to converse. Ikinukuwento niya sa akin ang nangyari sa kanila ni Alya sa halos dalawang araw na wala ako. Cali and Rapsly didn't stay any longer because they wanted Alya and Rouge to have some time to themselves. I appreciated it. I appreciated all of them.

That night, I slept next to Alya, and Rouge went home at around 12. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil may parte sa akin ang natatakot at nahihiya sa nangyari.

The next day, everything felt lighter. Alas siete pa lang ay nasa unit na siya. May dala nang breakfast at mga damit para kay Alya.

"Daddy!" our daughter shrieked when she saw him sitting lazily on the couch. Mabilis pa sa alas kwatrong tinakbo niya ang ama at kumandong sa hita nito. "You're early!"

Rouge let out a low chuckle. Nasa kusina ako at inihahanda na ang pagkain namin pero rinig na rinig ko sila.

"May lakad tayo ngayon. We'll visit your grandmother. Make sure to dress nicely, okay?" He leaned forward to kiss Alya on the cheek. "I brought you some dresses. You can try it," he added.

Karga niya ang bata nang pumasok sila sa kusina. Napanguso ako. Handa na ang pagkain ngunit ang anak ko ay ayaw pang bumaba at gustong-gustong magpa-baby sa tatay niya.

"Alya, anak, kakain na muna," saad ko.

She chuckled. "Daddy, subuan mo ako!"

I rolled my eyes before smiling. "Bumaba ka na d'yan at kumain ka nang mag-isa. Akala ko ba big girl ka na?"

She pouted before holding Rouge's cheeks. She gave him a cute smile. Ngumiti rin ang lalaki at kinindatan pa siya.

Napailing na lang ako sa kanila. I got it. Naging close agad sila. Iniupo ni Rouge si Alya habang kumukuha ako ng tubig sa ref. Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang presensya ng lalaki sa likuran ko.

I faced him, and my cheeks heated up when I caught him staring at my back. Napalunok ako nang isara niya ang distansya namin. Pinatakan niya ng halik ang noo ko at para lang akong tangang napahigpit ang hawak sa pitsel.

"Good morning," he uttered in a hoarse voice.

"Good morning..." I felt like fainting. "Ano... umupo ka na ro'n."

He smiled. Kinuha niya ang pitsel sa kamay ko at dinala iyon sa mesa. Ilang sandali akong natulala bago sumunod sa kanya.

Alya was extra talkative today. Hindi rin natiis ni Rouge at sinubuan niya ang bata. Hinayaan ko na lang dahil alam ko namang nanlalambing lang si Alya.

"Mommy, after visiting Lola Sheryl, puwede po tayong bumalik sa restaurant na pinuntahan natin? I liked their ice cream."

Rouge scoffed. "No. Sa iba na lang tayo kumain," agap niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi? Their rice meals and pasta were nice, too. Hindi pa sobrang mahal. We could eat our lunch there."

Ngumuso siya bago nag-iwas ng tingin sa akin. "Drive thru na lang kung gano'n."

"Daddy, please? The view there was good! At hindi ba po, doon mo rin dinala 'yong ka-date mo?" Sumimangot si Alya. "Kaya po ba ayaw n'yo ro'n kasi maaalala n'yo po 'yong babae?"

My brow shot up. Nakita ko ang pagbaling ni Rouge sa akin, nanlalaki ang mga mata ngunit inismiran ko lang siya.

"We weren't dating," aniya sa bata. "She's one of my models, baby. Kinailangan ko lang siyang kausapin."

"Bakit hindi po sa company kayo nag-usap?" tanong ni Alya. "Kung kasama n'yo po sa work 'yon, bakit kailangang sa labas pa kayo mag-meeting?"

I mentally nodded. They were clearly on a date. Magpapalusot pa.

"Kasi kinausap niya ako. May darating pang isang model no'ng araw na 'yon kasi may ini-recommend siya sa akin," sagot niya.

I snorted. "You could've done it inside your company, though." Ibinaba ko ang kutsara at tinidor bago pinunasan ang bibig ko. "I'm done eating. Sa restaurant ni Hunter tayo maglu-lunch. Kung ayaw mo, huwag kang sumama. Hindi naman kami mamimilit."

God, I couldn't believe my mind! Kahapon lang ay halos lumuhod ako sa harap niya tapos ngayon ay sinusungitan ko na naman siya!

Tumayo ako at naligo na. Habang nasa loob ng banyo ay nanggigil ako dahil naalala ko na naman ang ginawang paghawak ni Melanie sa braso ng lalaki na parang sanay na sanay siyang gawin 'yon!

I wore a black jumpsuit and pulled my hair back tightly into a ponytail. In this way, my face's prominent contour was brought into focus. And to complete the effect, I smeared some crimson lipstick across my pouty lips.

I sighed in satisfaction when I finished fixing myself. Tapos ko nang paliguan si Alya at ngayon ay namimili siya ng isusuot sa mga dala ni Rouge.

"I want a black dress too, My," saad niya habang nakatingin sa kama.

I smiled before choosing a black dress for her. Matapos bihisan ay inipitan ko rin siya kagaya ng akin ngunit kahit magkatulad na kami halos ng ayos ay si Rouge talaga ang kamukha niya.

We went out of the unit. Nasa baba na ang lalaki dahil inihahanda na niya ang sasakyan. Pagkababa namin ay nakaparada na sa tapat ang itim na Range Rover nito. Hindi na ako naghintay na pagbuksan niya pa kami dahil umupo na agad kami ni Alya sa backseat.

Mula sa rearview mirror ay nakita ko itong nakamasid sa amin, bahagyang nakabuka ang bibig.

"What?" I asked when his stare took longer than I expected.

He faked a cough. "Dito ka sa unahan," mahinang saad niya.

I breathed deeply before following his order. Bumaba ako at nakangusong umupo sa passenger seat. Nang silipin ko si Alya ay nakatingin na ito sa bintana.

"Let's go," utos ko kay Rouge. Nakatitig pa rin kasi ito sa akin.

Parang hindi niya ako narinig. His eyes were too fixed on me!

"Rouge? I said, let's go," ulit ko.

He blinked before nodding his head. Humawak na siya sa manibela at nagsimulang magmaneho. Isinandal ko ang likuran at tumingin sa labas.

I would finally see my Mommy. She must've been devastated when she first heard what happened. She loved and adored my father... and I couldn't imagine the day she had a cardiac arrest. Even before, alam naming lahat na mahina ang puso ni Mommy. She had a congenital heart disease, and she was born a blue baby.

Halos isang oras ang lumipas bago kami nakarating. Ngayon ay nasa tapat kami ng lumang mansyon ng mga Madrid. Weathered flowers, browning foliage, a thick webbed curtain, and fogged glasses. I felt like I was seeing this place for the first time.

It used to be a happy and loving home. This was where I spent my childhood and teenage years. Now that it seemed haunted, something pulled at my heart.

Naramdaman ko ang mainit na kamay sa braso ko. I looked behind me and saw Rouge gazing at me with his worried expression. Sa kabilang kamay niya ay hawak niya si Alya na nakanguso habang tinitingnan ang paligid.

He pulled some strings for us to legally enter the place. May mga kasama kaming ilang opisyales din mula sa local government na ngayon ay binubuksan na ang mansyon. Ang sabi ko naman ay kukunin ko lang ang urn ni Mommy.

"Ayos ka lang?" malambing na tanong ni Rouge nang mapansin ang pananahimik ko. "Gusto mo bang mapag-isa?"

"I'm okay," maikling sagot ko.

Isang beses siyang tumango bago pinakawalan ang braso ko.

"Mommy, ang laki ng house pero ang dumi. Mas maganda pa 'yong bahay natin sa isla kasi malinis," ani Alya.

Rouge chuckled before carrying her. Alya shrieked but let out a cute chuckle, too. Mabilis niyang ipinaikot ang braso sa leeg ng lalaki para suportahan ang sarili niya.

"Buti ka pa, Dy, lagi mo akong binubuhat. Si Mommy, ayaw na akong buhatin kasi hindi na raw ako baby," nakangusong sumbong ni Alya.

I scoffed. "Alya, magwa-walong taon ka na. Ang bigat mo kaya!"

"Hindi ako mabigat, My! Mahina ka lang," sagot niya pa bago isiniksik ang mukha sa leeg ng tatay niya.

Aliw na aliw naman si Rouge sa nakikitang lambing sa bata. Alya was clingy and sweet, magkaugaling-magkaugali sila.

"Sir, okay na po!" sigaw ng isang lalaki nang mabuksan nila ang pinto ng mansyon.

Lumunok ako dahil sa pagbikig ng kung ano sa lalamunan ko. I felt Rouge's free hand on my shoulder. He guided me toward the mansion. Bawat hakbang ay may sumasakal sa puso ko.

I swallowed when we successfully entered the place. The vases, furniture, and classic paintings were covered with dirty white fabric. Everything was dusty. Bumungad sa akin ang malaking frame ng family picture namin. It was taken when I was in senior high school.

Bumaba ang tingin ko sa isang maliit na divider doon at nakita ko ang nakangiting picture ni Mommy. I slowly walked toward it when I saw a golden keepsake urn. Kumirot ang puso ko nang marating si Mommy. I touched the urn, and a tear instantly fell from my eye.

Habang nanginginig ang kamay ay kinuha ko ang kandila at lighter. There was a candle holder beside the urn. Inilagay ko iyon doon at sinindihan. Tahimik akong nanalangin para sa kaluluwa ni Mommy.

"I'm sorry I was late..." saad ko pa bago dahan-dahang kunin ang urn. "I love you so much, My. And... I made it. Alya and I made it."

Ilang minuto akong tahimik na umiyak doon. Kinalimutan ko muna ang lahat ng nangyari at hinayaan ang sarili na maging bata ulit. I was once loved and nurtured by my family. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila. Lumaki akong nakahanda na ang lahat para sa akin.

But then, I learned that life wouldn't go that way. Despite your best efforts, some things wouldn't turn out the way you planned them. Minsan, kailangan nating tumayo at magpakatatag. Kailangan nating isuko ang lahat bago natin makita kung ano itinuturo sa atin ng mundo.

Nang makuha namin ang urn ay tahimik kaming bumalik sa sasakyan. I hugged it as if my own survival rested on it. This was the remains of my mom. The first person who had seen my potential and talent. The one who gave me a warm hug when everyone, including the man beside me, turned their backs on me.

We arrived at Hunter's restaurant briefly. Bumaba ako bitbit ang bag ko bago buksan ang pintuan ng backseat para ilabas si Alya. Ibinaba ni Rouge ang bintana kaya sumilip ako sa kanya.

"Thank you for today," anas ko.

Kumunot ang noo niya. "Huh? Sasama ako sa inyo. Ipa-park ko lang 'to."

"Are you sure?" My brow shot up. "Ang sabi mo kanina ay ayaw mo."

His lips pursed. "Mas hindi ko naman hahayaang kayo lang dalawa d'yan. Baka mamaya may makikain pa ng ice cream sa inyo."

Natigilan ako, ngunit bago pa ako makasagot sa kanya ay itinaas niya na ulit ang salamin. I scoffed and dragged Alya inside the restaurant. Sa gitna kami umupo dahil medyo marami ang tao at ito na lang ang bakante. The sides of my lips rose when I saw Hunter helping his employees.

I called one of the waiters, and he handed me the menu.

"Alya, what do you want to eat?" I asked while scanning the menu.

"Fish fillet, Mommy," she answered.

Umorder ako ng sinabi niya at dalawang carbonara para sa amin ni Rouge. Napanguso ako dahil medyo tumatagal ang lalaki sa pagpaparada ng sasakyan. Siguro ay puno ang parking lot.

Habang hinihintay ang order ay napangiti ako nang kumaway sa akin si Hunter. I waved back at him. After almost a minute, naglalakad na ito papunta sa puwesto namin.

I gasped when he settled himself beside me. Nasa tapat namin si Alya at sa tabi ko talaga siya umupo! I didn't even give him permission to sit beside me!

"You're here again! Mukhang nagustuhan n'yo ang food namin, ah?" bungad niya. "Hi, baby! Do you want ice cream? I will get one for you."

Alya pouted. "My Daddy can surely afford that po."

Napangisi ako. Daddy. Daddy. Daddy. Hindi na ako sigurado kung ako pa ba ang paborito ng anak ko.

"But where's your Daddy?" Hunter teased her.

"I'm here, Hunt. What do you want from my family?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang magsalita si Rouge mula sa likuran ko. Naglakad siya patabi kay Alya, madilim ang mukha at masama ang tingin kay Hunter.

"Oh..." si Hunt. "Nagkabalikan kayo, Debs?"

My lips parted at his question. Nanatili ang mata ko kay Rouge na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. I licked my lower lip and let out a nervous chuckle.

"H-huh? Hindi... sira ka, Hunter," saad ko bago parang tangang ngumisi. Kahapon lang kami nagkausap! Baka mamaya ay sabihin ni Rouge na masyado akong assuming!

"Well, that's nice," he replied before chuckling. "Anyway, I gave you my number, Debs! Hinihintay ko ang tawag mo. Mamaya na lang ulit. Tutulong muna ako."

Tumango ako nang isang beses. Tumayo naman siya at umalis na sa puwesto namin. My heart slammed against my chest when I saw Rouge's furious expression. His elegant brows were knitted together in a frown, and his lips formed a thin line.

Dumating ang isang waiter at inilapag ang order namin sa mesa. Pinagmasdan ko lang siya sa ginawa niya dahil hindi ko magawang tingnan ulit si Rouge! His current expression reminded me so much of the old days!

"Mommy," tawag ni Alya. "Who's that man again?"

"Hmm? Why?" I asked. Inikot ko ang pasta sa tinidor ngunit sa dilim ng tingin ng lalaking nasa tapat ko ay hindi ako makapag-focus.

She shook her head. "I don't approve of him."

I laughed. "Don't worry. Hindi naman 'yon gusto ni Mommy."

"But he was flirting with you. Kita na ngang nandito kami ni Daddy, eh," reklamo niya. "And Daddy looked so much better than him."

Napanganga ako nang tumingin si Alya kay Rouge at nginitian ito. Binalingan ko ang lalaki ngunit ang mga mata niya ay nasa anak na rin namin. He softly pinched her cheeks and whispered something in her ear.

Napairap na lang ako sa kanila. Tahimik kong kinain na lang ang nasa pinggan ko habang ang dalawa ay nagku-kuwentuhan na akala mo ay magkabarkada sila.

Ugh, magkaugali kasi. Parehas isip-bata.

"Tatawagan mo?" biglang tanong ni Rouge matapos naming kumain.

Napalunok ako nang muling bumilis ang tibok ng puso ko. For heaven's sake, give me a break! Nag-angat ako ng tingin sa kanya, at nang magsalubong ang tingin namin ay napasimangot ako.

He was the same old Rouge. The one with dark eyes and a knotted forehead. Even though I was sitting, I felt like my knees were too weak to move. Pula ang labi niya dahil sa maya't mayang pagbasa niya rito.

"Huh?" walang kwentang tanong ko, nalimutan na ang tanong dahil sa pagtitig sa kanya.

His jaw clenched. "Si Hunter. Tatawagan mo? Kung tatawagan mo siya, kukunin ko na ang phone ko sa 'yo. Kailangan ko pala 'yon," masungit na saad niya.

I coughed. Nag-init din ang buong mukha ko. Tunog nagseselos kasi siya.

"Hindi ko naman tatawagan," mahinang tugon ko bago inilabas ang wallet. Kinuha ko ang calling card ni Hunter at inilapag sa mesa.

Mabilis niyang kinuha ang calling card at ibinulsa. Ni hindi ko pa nga tuluyang nabibitawan ay nakuha na niya agad sa akin!

"Hey, ibalik mo sa akin 'yon! Inilabas ko lang para i-check!" gulat na saad ko.

He rolled his eyes at me. "Ang sabi mo ay hindi mo tatawagan?"

"Hindi nga!"

"Edi, hindi mo kailangan. Kung tatawagan mo siya para magpa-deliver, ako na ang tatawag at baka landiin ka pa no'n." He crossed his arms and stared intently at me.

"Are you jealous?!" I hissed.

Huminga siya nang malalim. "Oo, Reese. Sinabi ko namang mahal kita tapos lalandiin ka niya sa harap ko?"

My whole body froze. Napakapit ako sa tela ng suot kong jumpsuit dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. He loves me. Okay. I should calm the fuck down!

"At saka... hindi pa ba tayo nagkakabalikan?" mahinang tanong niya. "Manliligaw ako ulit, kung ganoon. Hindi ako naghintay ng napakaraming taon para lang pakawalan ka ulit."

Sure enough, weeks had passed, and he really did start courting me! Araw-araw ang pagbisita niya sa unit. Laging may dalang bulaklak at pagkain! My mind knew that I didn't deserve him, but my freaking heart couldn't handle itself whenever he was around!

Hindi pa nakatulong na magkasabwat yata ang mag-ama dahil miski si Alya ay umaalis nang kusa at naglo-lock sa kwarto kapag narito ang lalaki! Madalas tuloy kaming maiwan mag-isa! Lalabas lang siya kapag kakain na.

"Mommy, it's raining outside. Puwede bang dito mag-stay si Daddy?" pa-cute na tanong niya sa akin habang nagluluto ako. Nasa likuran niya si Rouge at nakanguso rin.

"Oo nga... hindi ko pa naman dala ang kotse ko."

I snorted. "Titila rin 'yan mamaya!"

Nagkatinginan silang dalawa. From my peripheral vision, I saw Rouge urging Alya to talk more, but our daughter didn't know what to say.

"A-ano, My..." she trailed off. "Madulas po ang road, baka mapaano si Daddy."

"Yes. Mahirap na ring makasakay nang ganitong oras lalo at umuulan," he seconded. "Ngayong gabi lang naman Reese."

I looked at them and sighed in defeat. "Paano ang damit mo?"

His face lit up instantly. Narinig ko rin ang pagtili ni Alya kaya napangiti ako.

"May dala ako!" he exclaimed.

"Huh? Lagi ka bang nagdadala?" takang tanong ko. The rain was unexpected! Hindi niya rin inaasahang dito siya matutulog!

"Oo naman." He chuckled nervously. "Hygiene."

I narrowed my eyes at him. I knew what he was planning.

"Yay! Mag-movie marathon po tayo sa sala, ha?" tili ni Alya bago lumabas ng kusina para maghanap ng puwedeng panoorin.

Natahimik kami parehas. Hinarap ko ulit ang nilulutong bulalo. Saktong-sakto sa lamig ng panahon. I heard him let out a deep sigh, but before I could even ask him what was wrong, I felt him hug me from behind.

"I love you," he whispered on my neck. "I love you so much, Reese."

The way he said those words made me feel things I couldn't put my finger on. It got me so emotional. Nanubig ang mga mata ko habang dinarama ang braso niya sa baywang ko.

"For the past years, I was lost. Everyday felt like a cycle. Gigising ako, magtatrabaho, uuwi, kakain, matutulog. It was a never-ending routine." He tightened his grip on me. "I wanted to give up on life. I mean, para saan pa? Hindi naman kita kasama."

"Rouge..."

He planted a kiss on my nape. "When I saw you on that island, Reese, para akong nabuhay ulit. Parang nagkaroon ako ng rason para gumising. Tapos may Alya pa tayo... I felt complete. Kahit pinapanood ko lang kayo, I felt fucking complete."

I took a deep breath because of what he said. I was stunned. Parang nawala ang agam-agam sa puso ko.

"But I'm a greedy man, Reese. I want more than just watching you. I want more than just talking to you. I want more. I want to hold you everyday. I want to kiss you. I want to be with you. I want to... love you... without reservations." Iniharap niya ako sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya.

His face was just a few inches away from mine. I could hear his shallow breathing. Nakatitig lang kami sa isa't isa na parang anumang oras ay mawawala kami. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

For a moment, it was just us. He was my first in everything. First love. First kiss. First heartbreak. He was with me during all the important periods of my life. We grew apart, yet our love endured.

And then it hit me.

What was stopping me from loving him completely? It took us years to finally find each other. So, what if my father hurt him? Harassed him? Hated him? Mamahalin ko naman siya. Aalagaan ko naman siya.

Maybe it was time for me to be honest with myself.

"I love you too, Rouge..." I said weakly.

Bahagyang bumuka ang mapupulang labi niya.

"In the midst of my growing hatred toward you, I was silently hoping you'd find me. Itinanim ko ang galit sa puso ko pero ang tumubo, ang sumibol, pagmamahal para sa 'yo..." I bit my lower lip to stifle my cries.

It wasn't even a painful moment, but I couldn't stop crying because I was too damn happy!

"You're too good for me, Rouge. I was a spoiled brat. I even... I even... killed our first child without your knowledge. I blackmailed you to become my model. I did nasty things to you," I whispered under my breath. "My f-father ruined you and your family. Alam ko... alam kong hindi na dapat kita mahalin kasi masyado na kitang nasaktan."

"No," he replied, breathless.

My lips quivered. "But I want to be selfish, Rouge. Kung kinakailangang habambuhay kong pagbayaran lahat ng kasalanan ko at ng pamilya ko sa 'yo, gagawin ko, para maging karapat-dapat ako sa 'yo."

Paulit-ulit siyang umiling. "Reese, don't say that. I understand now why you had to abort our child back then. You were right. Bata pa tayo. We cannot raise a child in that state."

Inilapat niya ang noo sa akin habang hawak ang dalawang pisngi ko.

"And thank you for being persistent. Thank you for doing all the things you did before. And trust me, I wasn't forced to be with you. Kaya kong pigilan ang mga ginagawa mo noon pero hindi ko ginawa kasi... gusto rin kitang makasama." He sighed. "At hindi mo kasalanan ang nangyari sa pamilya ko. Justice was served. It was more than enough."

"I want to apologize to your parents, Rouge..." I confessed.

He nodded. "Of course, baby, we'll do that. We'll talk to them."

Inilayo niya ang mukha sa akin at muling tinitigan ang mata ko.

"Now, answer me. Do you want to be with me?" he whispered.

I hesitated a bit.

"Para kay Alya?"

Umiling siya. "Para sa 'ting dalawa."

Para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. I couldn't believe what was happening. Baka magkamali ulit ako. Baka masyado ulit mabilis. Baka madurog ulit ako sa gagawing kong ito.

But I was a hypocrite. Kasabay ng pag-aalaga ko ng galit sa kanya ay siya ring pag-aalaga ko sa malaking bahagi ng puso ko na mahal na mahal siya.

And if I got hurt again, I could always look up at the sky and remember that the same stars were watching over us... gaya ng kung paano ako nakabangon sa mga nagdaang taon.

I loved Rouge in the same way I loved the sky in all its hues. Itinago ko iyon sa kaibuturan ng puso ko hanggang sa mapaniwala ko rin ang sarili na wala na talaga siyang puwang sa buhay ko. But the reality would always reveal itself.

Every morning, when the sun was just beginning to cast its gentle golden glow, I'd think back to the way he would sing to me. In the late afternoon, when the clouds were a warm pink and deep purple, I'd think back to the way he would hold my hand. Even in the pitch black of night, I'd think of the dreams we once shared and the pledges we made.

"Reese, gusto mo ba 'yon?" he asked again.

No more lies, Debs. You deserve to be happy, too.

With that in mind, I nodded. "Yes, Rouge. Let's be together again."

Tuluyan siyang napabitaw sa akin. Lumayo siya, hinawakan ang dibdib, at unti-unting tumingala.

"Fuck..." halos ibulong niya iyon sa hangin.

"Roug—"

Napatigil ako nang umiling siya kasabay ng pagbagsak ng isang luha sa mukha niya.

"I am so..." His lips quivered. "I am so, so happy, Reese."

I just stood there, watching his gentle reaction. He tried not to smile, but he just couldn't help it.

"Do you love me?" maya-maya'y tanong pa niya, parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Isang beses akong tumango. Walang mapagsidlan ng saya ang puso ko.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko... at nakuha ko agad ang gusto niyang mangyari. It had always been like that. If I were smoke, he'd be embers. When we got together, we were on fire.

Inisang hakbang niya ang distansya namin at agad akong napasandal sa counter. Inilagay niya sa magkabilang gilid ko ang mga bisig niya para tuluyang maikulong ako. We were just gazing at each other. Bumibilis din ang tibok ng puso ko pero wala akong balak na pigilan siya.

"Na-miss kita..." he said gently. "Kung alam mo lang..."

Before I could answer, he leaned forward, halting my thoughts and forcing me to close my eyes.

Naramdaman ko ang labi niya sa akin. He kissed me softly at first. It was like he was teasing my lower lip. Makalipas lang ang ilang saglit, naging mapusok at nakakaubos ng hangin na ang mga halik niya. Hindi ako nagreklamo. Tinugon ko iyon nang buong ingat, at nag-init ang katawan ko nang marinig ang malalim na pagdaing niya. I didn't waste any time. Inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya para hilahin siya palapit sa akin.

His mouth parted my trembling lips, and I greeted him like a welcome guest. His tongue then explored the inside of my mouth before he grabbed me by the waist. Napasigaw pa ako nang bigla niya akong pinaupo sa counter.

"I'm in love with you..." he whispered.

Napahalinghing lang ako. He was rubbing his hands in circles around my waist, urging me to kiss him more. Malumanay ang paraan ng paghawak niya sa akin, ngunit ang kanyang mga halik ay puno ng pagnanasa.

"Shh..." he hushed me when I almost moaned again.

Hindi naman ako nakapagpigil. Napaungol ulit ako nang maramdaman ang palad niya sa dibdib ko.

"Rouge..." I called out to him.

His mouth was on my neck, gently rubbing across my tender flesh. We were both totally into it. I was letting him do whatever he wanted to my body. The fire was there.

But then, we have a daughter.

"Mommy, sunog na ang niluluto!"

Napamura si Rouge nang malakas ko siyang itinulak. Nakalaglag na ang isang strap ng night gown ko at alam kong sobrang magulo na ang buhok ko.

What the fuck did just happen? We were crying just a minute ago!

Bumaba ako sa counter nang pumasok si Alya sa kusina. Pinatay ko ang stove, nanginginig ang mga kamay.

"Mamaya, Reese," Rouge blurted out.

"H-huh?"

He looked at me darkly. "I will sleep here. We'll continue later."

"Ano 'yon, Dy?"

Rouge grinned. "Your baby brother is approaching."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro