Chapter 38
Chapter 38
TW: Mention of Violence
"Sino?" I asked, my voice shaking terribly. "Sino ang mga binalak patayin ni Daddy?"
Clifford looked away. I couldn't take it. Ni hindi ko pa nga malunok ang katotohanan na pinatay ni Daddy si Abuelo... tapos ngayon, malalaman ko na may iba pang mga biktima?
I grabbed Cliff's left arm, but he didn't turn to me again. Tumigil ang taxi kaya tumingin ako sa labas. I panicked again. Nasa tapat na kami ng building ng unit. Lumabas si Cliff bitbit ang gamit ko dahil hindi ko na magawang hawakan ang mga ito sa labis na panginginig.
"Cliff, sino?!" I hissed.
He looked at me with so much sadness. "A-ang mabuti pa ay si Harvin na ang kausapin mo..."
Natulala ako sa sinabi niya. There was a chain of ideas that ran through my head. The longer this went on, the more labored my breathing became. Kahit noong nasa elevator na kami ay parang sasabog ang puso ko sa kaba.
My eyes watered when I remembered Rouge's scarred and bruised back.
"N-no..." I shook my head like a mad woman. I massaged my temple because it was throbbing. The fear in my chest was taking over my whole being.
The elevator opened, but my feet were glued to the floor. Lumabas si Cliff at tinitigan ako ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang tahimik na tumangis.
"It's not your fault, Debs," mahinang aniya bago ako higitin para sa mainit na yakap. "Your father's sins were not yours. You were a victim yourself..."
I pressed my face against his chest and sobbed. I tried to stifle my cries, but I couldn't. Sumisikip ang dibdib ko sa labis na paghikbi habang hawak lang ako ni Cliff. I couldn't imagine the brutality of my father. I couldn't imagine what he had done to Rouge's family.
I cried there for minutes. Parang hindi ko kayang pumunta sa unit. What if Rouge took Alya because of so much wrath? What if he ran away? And what if he was... there? How would I face him?
"Let's go, Debs... alam kong marami kang tanong at sa ayaw at sa gusto mo, isang tao lang ang makakasagot ng mga 'yan." Cliff held my arm gently and guided me until we reached the unit.
It was six in the evening. I clenched my fists, and I felt my nails digging into my palms. It hurt, but the pain I felt when I thought about everything that had happened hurt me more.
Cliff had a spare key. Binuksan niya ang pinto at ganoon na lang ang paghikbi ko nang makita ang dalawang taong laman ng isipan ko. I bit the insides of my cheeks when I noticed that they were having their peaceful evening together. Itinitirintas ni Rouge ang buhok ni Alya habang nakaupo sila sa couch.
Sa narinig na pagbubukas ng pinto ay sabay pa silang napatingin sa amin. Dumiretso si Cliff sa loob at tahimik na inilagay ang gamit ko roon. He went to Rouge and tapped his shoulder. Matapos 'yon ay pumunta ulit siya sa akin para bigyan ako ng yakap.
"Contact me if you need help. Inilagay ko ang number ko d'yan sa phone na hawak mo," bulong niya bago ako pakawalan.
"Mommy!" Alya shouted before running toward me. Niyakap niya nang mahigpit ang baywang ko at ipinahinga ang ulo sa tyan ko. My tears stopped falling, but I knew that my cheeks were still wet.
Hinigit niya ako papasok sa loob. I was just looking at Rouge, lips parted.
"Ba't umiiyak ka, My? Sinong nang-away sa 'yo?" maliit ang boses na tanong ni Alya.
I shook my head and gave her a small smile. Guilt flooded my system. Iniisip ko na baka itinakbo na ni Rouge ang anak namin pero narito siya at inaayusan pa si Alya.
"Daddy did my hair!" kuwento niya. Nakatayo pa rin kami pareho, limang metro mula sa couch. "Tinabihan niya rin po ako sa pagtulog kaya hindi ako nagkaroon ng bad dreams, Mommy! We also watched barbie! Dapat pagbalik natin sa isla ay may TV tayo para hindi na tayo nakikinood kina Ate Jaja. Magpakabit na tayo ng signal kahit medyo mahal, My!"
Huminga ako nang malalim at muling dinala ang mga mata kay Rouge na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. He was observing me. Ni hindi siya lumapit sa akin.
"And Daddy said that he will bring us to his company! Marami raw pong dress doon, Mommy, parang 'yong boutique lang natin." Mahina siyang tumawa. "Kaya stop crying na, My... hindi naman kami makulit at pasaway ni Daddy habang wala ka."
I bit my lower lip to suppress my cries. Ibinalik ko ang tingin kay Alya at dahan-dahan ko siyang pinantayan. She was smiling from ear to ear and her eyes were twinkling. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinalis doon ang mga luha bago niya hinalikan ang noo ko.
"I miss you, My..." she said before pulling me into a hug.
Hinayaan ko lang siyang gawin 'yon. Walang salitang lumalabas sa akin dahil pakiramdam ko ay iiyak lang ako. Matapos ang ilang sandali ay humiwalay siya sa akin. Huminga ako nang malalim at malungkot na nginitian siya.
"Good job, Alya," I uttered.
Sinulyapan ko si Rouge at nakita ko ang pagyuko niya. Umiling siya nang ilang beses na para bang bigong-bigo siya.
I licked my lower lip. "Mommy needs to talk to Daddy privately. Can you go to your room?" I asked softly.
"Yes, My! Alam ko pong miss n'yo rin si Daddy, eh!" Tumawa siya. She then looked at Rouge. "Daddy, sa kwarto muna si Alya! Mag-uusap daw po kayo ni Mommy!"
Hindi na niya hinintay na makapagsalita si Rouge dahil masaya na siyang tumakbo papasok sa kwarto. I exhaled loudly before gazing at Rouge. Nakayuko pa rin siya kaya dahan-dahan akong lumapit sa puwesto niya.
Butil-butil ang pawis sa noo ko kahit hindi naman mainit. Dahil sa presensya ko sa tapat niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Agad ko namang napansin ang panunubig ng mga mata niya.
I took a step back when he stood up.
"Kumain ka na?" he asked softly. "May natira pang ulam d'yan. Ipapainit ko para makakain ka."
Hindi ako nagsalita. Pinanatili ko ang pagtitig sa kanya. He looked... scared.
"R-Reese," he whispered. "Are we okay?"
I swallowed the lump in my throat.
"B-bakit hindi mo sinabi sa akin, Rouge?" mahinang tanong ko.
Natigilan siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumingala para iwasan ang mga mata ko.
"Si Abuelo..."
"Tapos na 'yon, Reese. Tama na," putol niya sa akin.
I shook my head. "Bakit hindi mo sinabi..." hinang-hinang tanong ko. "Maiintindihan ko naman kung sinabi mo! Hindi sana ako mamumuhay nang galit na galit sa 'yo!"
Umagos ang luha sa pisngi ko. "My father killed A-Abuelo!"
Sa paghikbi ko ay marahan niyang hinawakan ang balikat ko. Tinitigan niya ako at kahit na namumuo ang luha sa mata niya ay pinalis niya pa rin ang sa akin.
"Tama na..." he pleaded. "Ayokong umiiyak ka. Hindi na natin maibabalik ang nangyari."
My lips quivered. "But you suffered because of my father! You suffered because of my family! You suffered because of me!" mas malakas na hikbi ko. "Kaya magalit ka, Rouge! Murahin mo 'ko! Saktan mo 'ko! Kahit isumpa mo ako... tatanggapin ko! I ruined your family!"
"Reese, hinding-hindi ko 'yan gagawin sa 'yo." Lumayo siya sa akin. "Wala kang kasalanan sa akin o sa pamilya ko. You suffered as much, too... ako dapat ang pinarurusahan mo."
"Shut it, Rouge!" sigaw ko. "Tell me! Did my father..." my voice trembled as I breathed heavily. "D-did my father hurt you?"
Yumuko ako at itinakip ang dalawang kamay sa mukha ko. Inalala ko ang sugatang likod niya. The bruises, the scars, the shot wound, and the stitches. Hinding-hindi ko matatanggap kung ang taong gumawa noon sa kanya ay ang sarili kong ama.
"Shh... it doesn't matter. My wounds are healed now..." Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "'Wag ka nang umiyak. Walang sumisisi sa 'yo sa nangyari. Biktima ka rin, at wala kang alam. Don't blame yourself."
"So, he did?" Lumakas ang iyak ko. "Kaya ba ganoon ang itsura ng likuran mo?! Did my father torture you? Did he... did he plan to kill you? Sabihin mo sa akin ang nangyari, Rouge, dahil napapagod na akong mag-isip at manghula! Kasi hindi ko kayang tanggapin na nagawa sa inyo 'yon ni Daddy!"
Tinanggal niya ang dalawang kamay na nakaharang sa mukha ko at hinawakan ang pisngi ko para iharap ako sa kanya. There were unshed tears in his eyes, yet he was smiling at me... like he was assuring me that everything was okay.
"Diyos na ang gumanti para sa amin, Reese. As much as I wanted to kill your father, hindi ko magagawa 'yon dahil bukod sa hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali..." he trailed off. "Tatay mo 'yon, eh. Tatay 'yon ng babaeng mahal na mahal ko."
Lalong bumuhos ang luha ko ngunit sa bawat pagtulo paglandas nito sa pisngi ko ay pinapalis lang ni Rouge 'yon.
"Pero hindi ako magsisinungaling, Reese. Hinding hindi ko mapapatawad ang tatay mo sa ginawa niya sa amin. Sa nagdaang mga taon, ipinanalangin ko na sana hindi na lang ikaw ang minahal ko para kaya kong gumanti, para kaya kong dumihan ang kamay ko para lang makalaban. Pero wala, eh. Ikaw talaga, eh." A tear escaped his eye.
In the middle of my sobs, I felt a blanket of love and comfort around my heart.
"Lumalapit ka ba sa 'kin ulit para gantihan ako? Para kunin si Alya? Para saktan si Daddy? Are you using me to get even?" dire-diretsong tanong ko.
His lips parted. "No!" Umiling siya, desididong ipakita sa akin na wala sa sinabi ko ang totoo. "Hindi ko 'yon magagawa sa 'yo, Reese."
"You did it back then," I sobbed.
Parang naputol ang piksi ng pasensya niya sa narinig sa akin.
"Because I had no choice!" he confessed, his voice controlled.
Bumigat ang paghinga niya kaya lumayo ulit siya sa akin. Ang mga ugat sa kamay niya ay naghuhumiyaw dahil sa pagpipigil niya ng emosyon.
"My Abuelo was killed and my parents know that your father did it!" may kalakasang saad niya. "That day... my father locked me in a room! Kasi alam nila na kahit demonyo 'yang tatay mo, babalik at babalik ako sa 'yo! Sinabi ni Papa na h-hindi siya magdadalawang isip na ipapatay ang M-Mommy mo kapag hindi pa ako nakipaghiwalay sa 'yo!"
Halata sa mukha niya ang pagpipigil ng emosyon. I was just there, standing like a statue, hurting and crying for him... for me... for us.
"I know how much you love Tita Sheryl! At sa galit ni Papa noon, alam kong hindi imposibleng magawa niya 'yon para makaganti!"
"I'm sorry, Rouge..." tanging nasabi ko. My family was his downfall. I was his downfall. "I'm sorry..."
Umiling siya. "No'ng fashion show, habang sinasabi ko lahat ng masasakit na salita sa 'yo, Reese, durog na durog ako kasi alam kong pagkatapos no'n, mawawala ka na sa 'kin." Agresibong gumagalaw ang kanyang mga balikat dahil sa sobrang pagtangis. "No'ng umiyak ka, gusto kong talikuran ang pamilya ko! Gusto kitang ilayo! Gusto kong mawalan ng pakialam sa lahat kasi ayaw kong nasasaktan ka."
I sobbed even more. I was so guilty. "Patawarin mo ako, Rouge... patawarin mo ako... parang awa mo na..."
"Pero tangang-tanga talaga ako pagdating sa 'yo, eh. Galit na galit sa akin si Papa kasi... kasi pagkatapos lang ng ilang linggo, nalaman niyang pupunta ako sa Cebu para makita ka ulit, Reese. Hindi ko kasi kaya, eh..."
Ayaw ko nang makinig... pero alam kong kailangan namin pareho 'to. I needed to hear his side for me to finally forgive myself. I needed to know his sufferings... kahit masakit. I had to endure it.
Halos punitin ko ang damit ko sa higpit ng kapit ko rito. I didn't know where to hold on anymore. Pakiramdam ko ay sasabog ako.
"N-nagkasagutan kami ni Papa tapos si Mama, nagmakaawa siya sa akin na 'wag akong umalis pero tangina, kapag iniisip ko pa lang na umiiyak ka, para akong pinapatay..."
I closed my eyes tightly. Nahihirapan na akong huminga sa labis na pag-iyak at alam kong ganoon din siya.
Sa nagdaang mga taon, hindi lang pala ako ang nasasaktan.
"Pumunta pa rin ako sa inyo," mahinang saad niya. "Isinisigaw ko 'yong pangalan mo kahit alam kong hindi mo ako maririnig. Umuulan no'n. Sigaw lang ako nang sigaw kahit basang-basa na ako... hanggang sa lumabas ang Daddy mo..." Napapaos ang tinig niya. "Reese, hindi ko napigilan 'yong galit ko! Sinumbatan ko siya! Pinagsalitaan ko siya kasi pinatay niya si Abuelo... tapos ikinukulong ka pa niya! Ni hindi niya manlang sinabi sa 'yo na natanggap ka sa pangarap mong kompanya. Sayang... magiging masaya ka ro'n, eh."
Nagmulat ako. "I didn't know. Nasa kwarto lang ako kasi ayaw akong palabasin ni Daddy..."
Tumango siya, nanghihina. Dalawang metro ang layo niya sa akin kaya rinig ko ang lalim ng paghinga niya.
"Do you know what happened next?" kalmado ngunit mariing tanong niya. "He commanded his men to kill me."
Sumibol ang labis na takot sa puso ko. Lalong bumilis ang tibok nito at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa matinding takot. Malayang naglandas ang luha sa pisngi ko, at nang subukan kong magsalita ay walang namutawi sa bibig ko.
Pumikit siya. His eyebrows were furrowed and his lips were on a grim line. Alam kong ayaw na niyang alalahanin ang nangyari ngunit hindi ko siya mapigilan dahil hindi ko kayang magsalita nang hindi umiiyak.
My father was evil.
"Binugbog nila ako..." nanginginig ang boses na saad niya. "They... they scraped my back using a knife. Kahit gusto kong lumaban, ang dami nila, tapos nakatali pa ako. They hit me with metal. Pinuruhan nila ang likod ko tapos tumatawa sila... saka 'yong Daddy mo habang pinanonood ako..."
My knees gave up completely. Napaupo ako sa sahig habang hawak ang dibdib dahil sa paninikip nito.
"I'm sorry!" I whined. "Rouge, I'm sorry... I'm sorry!"
"Dumating si Papa..." pagpapatuloy niya. I covered my ears because I couldn't take it anymore. "Niligtas niya ako. Kahit galit siya sa akin dahil pinili kita, sinagip niya pa rin ako. It was fucking tough... dalawa lang kami tapos sugatan pa ako kaya wala ring kwenta. They tormented me and my father. Alam ko na no'n na mamamatay ako kasi ramdam kong may tama ako ng baril at sumusuko na 'yong katawan ko."
I removed my hands from my ears to cover my mouth. I wanted to suppress my cries, but the pain was just too much for me to handle.
"Nawalan ng malay si Papa... hanggang sa dumating 'yong mga tauhan niya. Hindi ko na alam kung paano nangyaring nakaalis kami ro'n. He was comatose for a year... at alam kong sinisisi ako ni Mama dahil do'n." Huminga siya nang malalim. "Tatlong buwan akong nagpagaling sa hospital. Tapos no'ng gumising si Papa, kinailangan pa namin siyang dalhin sa America kasi ayaw niyang magsalita. My father was traumatized. Up until now, he was still recovering."
Sumasakit na ang mata ko sa pag-iyak ngunit hindi yata nauubos ang luha ko dahil agos lang ito nang agos sa pisngi ko. Rouge had been through hell. His family had been through hell because of my father. At kahit sabihin niyang wala akong kasalanan, hinding hindi ko tatanggapin 'yon.
"Magaling ang Daddy mo dahil kahit maraming pruweba, napagtakpan niya pa rin 'yong kaso. Hindi rin naman namin maasikaso kasi ang nasa isip namin no'n ay ang kalagayan ni Papa. Hanggang sa lumabas na lang 'yong dumi ng plantation n'yo... that it was only a cover-up for drug deals. Your father's most trusted men turned their backs on him."
Tumingala siya.
"Iginanti kami ng Diyos, Reese. Hindi Niya hinayaang ilagay ko pa sa kamay ko ang batas para makahingi ng hustisya. I've also learned that Abuelo transferred all his money and properties under my name... at ginamit ko 'yon para ipagawa 'yong DB Store. Kinuha ko lahat ng kaibigan mo kasi hindi kita makita, eh... hindi ko alam kung nasaan ka. Mas nag-focus ako ro'n kaysa sa pagiging full-time flight steward kasi gusto ko, pag nakita kita ulit, maibibigay ko sa 'yo 'yon."
Umiling ako at tumayo bago dahan-dahang lumapit sa kanya. Mugto ang mga mata namin ngunit parang may naalis na bigat sa puso ko dahil sa pag-uusap namin.
I went to his back and lifted his shirt.
"R-Reese..." tawag niya.
I cried when I saw his back. Ang mga peklat mula sa kutsilyo at bakal ay naroon pa rin. Ang mga tahi at miski ang tama ng baril.
I softly traced it using my fingers. Ramdam ko ang paninigas niya ngunit hindi niya ako pinigilan. Hindi tumitigil ang luha ko habang iniisip lahat ng pinagdaanan niya dahil sa akin at sa pamilya ko. Pinalandas ko ang mga daliri ko roon. These battle scars indicated how immense his love for me was. He fought for me. Hell, he was even willing to die for me.
With trembling hands and arms, I embraced him.
"You did well, Rouge. You did well..."
Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa akin at mainit na ginantihan ang yakap ko.
"Takot na takot ako, Reese, takot na takot ako," he sobbed. "Ayokong mamatay nang hindi ko nasasabi sa 'yo kung gaano kita kamahal. Ayoko pang mamatay kasi hindi pa kita napapakasalan... ayoko pa..."
Niyakap niya ako nang mahigpit, para bang anumang oras ay mawawala ako. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya sa halo-halong emosyon.
"I'm sorry for everything, Rouge," I cried.
He shook his head. "You suffered, too. I know everything that happened after you gave birth to Alya... I'm sorry... please, let me make it up to you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro