Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Chapter 37

‍‍‍‍‍‍‍‍Hindi ko agad na-proseso ang isinigaw ni Cliff. Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon at bahagyang kalungkutan.

"What are you saying, Cliff?" mahinang tanong ko, ni hindi sigurado kung rinig niya ba 'yon.

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Tito Frando is in jail. Halos limang na taon na..."

The revelation was too much for me to digest. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.

Frando Guillermo Madrid... was in jail? The owner of the largest and richest plantation in Cebu? The father of the mighty governor? And... five years?

Ang dami kong tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin. He made my life miserable! I should be happy! I should be celebrating because I finally got the freedom I deserved. Hindi ko na kailangang magtago dahil wala na palang sumusunod o nanonood sa bawat galaw ko. That should be good, right? But for some reasons, there was a certain part of me that throbbed. Parang hindi ko kayang tanggapin.

Akmang lalampasan ko na si Rouge para puntahan at kausapin si Cliff nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. I looked back at him and saw hesitation in his eyes. Dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo bago niya hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Bitaw," utos ko.

Umiling ulit siya ngunit wala namang sinabi. I stared at him for a long time. Kinukumbinsi ako ng mga mata niya ngunit wala akong maintindihan sa nangyayari. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nagmartsa na patungo kay Cliff.

Puno ng pagkabalisa ang mukha ng kaibigan ko. Nakatingin pa siya kay Rouge na parang may bumabagabag sa kanya. I wrinkled my forehead because I knew something was up.

"Cliff, tell me happened," agaw ko sa atensyon niya. Nanginginig ang kamay ko sa kagustuhang makahanap ng sagot.

He gave Rouge an apologetic look before dragging his eyes to me.

"He was convicted of first-degree murder without the possibility of parole..." hirap na hirap na saad niya. Alam kong may gusto pa siyang idagdag ngunit pinatigil ko na siya sa pagsasalita dahil hindi ako makahinga.

I could feel the trembling of my whole system, trying to ingest the information I just heard. I knew that my father was horrible, but I never thought he would go that far.

"Where is he?" I asked, my voice shaking.

Dumiretso ang mga mata niya kay Rouge kaya sinundan ko ang tingin niya. Nakaawang ang mga labi ni Rouge na parang hinahabol ang kanyang paghinga. His eyes were continuously blinking as well, indicating that he was scared. I clenched my sweaty hands and felt the adrenaline rush through my veins, making it hard for me to think clearly.

"New Bilibid," Clifford replied. I heard the hesitation in his voice. "Sa Muntinlupa..."

Gusto kong tanungin kung bakit ganoon ang itsura ni Rouge ngunit nanaig sa akin ang kagustuhang makita at makausap si Daddy. Wala na akong pakialam kung ayaw niya akong makita! Ang mahalaga ay masagot lahat ng tanong sa isip ko. I was still his daughter!

"Bring me there."

Mabilis ang ginawa kong pagkilos. Naligo agad ako at nagbihis ng isang simpleng t-shirt at pantalon. Habang nag-aayos ay halos mailaglag ko ang mga gamit ko sa labis na pangangatal.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Rouge na nakatayo sa gilid ng couch, katabi si Alya.

I halted in my tracks, my heart pounding at the sight. They faced me as a pair, standing next to each other, looking at me straight in the eye with such sadness. The corners of Alya's mouth turned up, and I could see that she was about to cry.

"W-where are you going, Mommy?" naiiyak na tanong niya. "Iiwan mo ba ako?"

Lumamlam ang mata ko. I gulped before walking toward her. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinalis ang namumuong luha sa gilid ng mata niya.

"Puwede ba 'yon? Tingin mo ba magagawa ni Mommy 'yon sa 'yo?" I bended on my knees so I would see her face better. "I contacted Tita Cali at Tita Rapsly. They will be staying with you until I return. Is that okay?"

Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling at agad pang pinaikot ang braso sa leeg ko. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga balikat. Humihikbi siya at halos ibuhos niya ang buong lakas sa pagyakap sa akin. I sighed before patting her back.

"S-sasama po ako!" sigaw niya habang umiiyak. "H-hindi ko na hahanapin si Daddy basta 'wag mo akong iiwan!"

Napatingin ako kay Rouge na ngayon ay nakayuko lang at pinanonood kami. His lips were pressed together. Ang kaninang saya niya ay tuluyang umalis dahil sa lahat ng nangyari. The supposed breakfast turned into a devastating meal.

Sinubukan kong patahanin si Alya ngunit hindi siya tumitigil. I made her sit on a couch, but her arms were still encircling my neck.

"Alya, babalik naman ako..." pag-aalo ko sa kanya. Hindi ko siya puwedeng isama dahil alam kong hindi ko siya maasikaso sa oras na makausap ko si Daddy. Isa pa ay ilang araw lang naman akong mawawala. Hindi naman malayong-malayo ang Muntinlupa.

"Ayaw, Mommy!"

Nakita ko ang pag-upo rin ni Rouge sa tabi ni Alya at nagkatinginan kami. His eyes were begging me not to leave, at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Dito ka na lang..." pakiusap niya sa akin.

I shook my head. "You don't understand, Rouge. Tatay ko 'yon... at wala akong kaalam-alam kung anong nangyari sa kanya. 'Wag mong kwestyunin ang desisyon kong 'to."

Alya's grip on me loosened a bit. Tinanggal ko ang kapit niya sa braso ko at inuupo siya nang maayos sa tabi ni Rouge. She was still crying, but her father carefully grabbed her shoulder and pressed her face against his chest.

It was a sight to behold.

Marahang hinahaplos ni Rouge ang likuran ni Alya para patahinin ito at nakita ko kung paanong kumapit ang bata sa damit ng lalaki para umiyak.

"Shh... Daddy is here."

Those simple words tugged at my heart. I looked away and stood up to stop my tears from falling. Huminga ako nang malalim. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kaba, takot, at kaunting pagsilip ng saya dahil nakikita kong magkasama sila.

"Can you stay here with Alya?" I asked without looking at him. "Tatlong araw hanggang isang linggo lang, Rouge."

"Hindi ka ba mapipigilan?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at ibinaling ang atensyon sa kanya. He was hugging our daughter and gently caressing her hair.

"Why are you so eager to stop me?" mariing tanong ko, hindi nagpapapigil sa emosyong pilit na kumakawala sa akin.

Hindi naman siya sumagot. Lumipas ang ilang sandali at natahimik sa pag-iyak sa Alya. Nang bitawan niya ito ay napansin kong tulog na ang bata.

Tumayo si Rouge at walang kahirap-hirap na binuhat si Alya. I just watched him as he entered the bedroom and put our daughter in bed. Kinumutan niya rin ito at nag-iwas na lang ako ng tingin nang makitang hinalikan niya ito sa noo.

Walang imik siyang lumabas ng kwarto para dumiretso sa kusina.

"Debs," Cliff called me. Paano ay natulala ako sa pinasukan ni Rouge.

I pursed my lips and pressed the tips of my fingers together. Ano bang hinihintay ko? Ang magpaalam siya sa akin? Ang sabihing mag-ingat ako?

I swallowed. Kinuha ko ang gamit ko sa couch at lumapit na kay Cliff.

"Tara na," I uttered half-heartedly.

He closed his eyes and stalled a bit. Nang magmulat siya ay tumingin siya sa likod ko. My heart started to thump again when I felt Rouge's presence behind me.

"Hihintayin kita sa baba, Debs..." paalam ni Cliff bago lumabas ng unit.

Pinanood ko ang pag-alis niya. Halos kurutin ko ang sarili dahil sa pagpipigil ng hininga. I knew that my first concern should be my father, but I couldn't help myself. I wanted to listen to Rouge and just stay here. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi pa ako handang malaman ang nangyari kay Daddy o dahil sa sinabi niyang huwag na akong umalis.

"Reese," tawag niya sa akin.

Pumihit ako paharap sa kanya. He was carrying two paper bags. Isang hakbang niya lang ay halos panawan na ako dahil sa lapit niya. He was standing a meter away from me, and even though he had been sweating earlier, I could still smell his fresh, manly scent.

"Aalis na ako..." saad ko para pagtakpan ang kabang nararamdaman ko. "Ilang minuto lang ay darating na rito sina Cali at Rap. Kung may gagawin ka, puwede mo namang iwan muna si Alya sa kanila."

"Wala akong gagawin," buo ang loob na sambit niya.

Tumango ako. "Ipagtimpla mo si Alya ng gatas mamayang gabi bago ka umalis kasi nakasanayan niya na 'yon..."

Umiling siya. "Hindi ako aalis."

Muli akong tumango. Hindi ko masalubong ang mabigat niyang tingin kaya nasa sala lang ang mga mata ko.

"Baka magsungit sa 'yo 'yon o baka hindi ka kausapin. Iwan mo na lang sa mga kaibigan ko dahil alam nila ang gagawin," pagpapatuloy ko.

"Hindi ko iiwan si Alya, Reese. Sasamahan ko siyang hintayin kang makauwi," mahinang sagot niya.

My heart continued to pound. "Ilang araw akong mawawala kaya walang manggugulo sa inyo ni Alya. Sulitin mo na para maging malapit kayo—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang abutin niya ang kamay ko at ilagay doon ang paper bags na hawak niya. He held me so gently, as if I were a piece of fragile glass. I was stunned. Nawala ang mga habilin ko dahil sa pagdampi ng balat niya sa akin.

"Kumain ka habang nasa daan kayo. Inilagay ko d'yan ang niluto ko kagabi at iniinit ko ngayon para may laman ang tyan mo. Naglagay rin ako ng alcohol at tissue dahil marami kayong makakasalubong at mabuti nang nag-iingat ka," mahabang litanya niya. "I also put my spare phone there... just in case you want to call me. May playlist din d'yan ng mga paborito mong kanta na pwede mong pakinggan habang nasa byahe kayo."

He shifted his weight and stared at me, na para bang huling beses niya nang makikita ako.

"Don't worry about Alya. Aalagaan ko nang mabuti ang anak natin, Reese," saad niya ulit.

His words warmed my heart.

"Gusto kitang samahan... pero alam kong hindi mo ako kailangan do'n at hindi pa rin ako handa," bulong niya.

Hinawakan kong mabuti ang paper bags na ibinigay niya. I gulped and stared at him, too. He was giving away some words I couldn't understand.

I bit my lower lip. "Thank you, Rouge."

Hindi siya nag-react o gumalaw manlang sa sinabi ko. Pinanatili niya ang tingin sa akin gamit ang malamlam niyang mata. Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti dahil aminin ko man o hindi, napagaan niya ang loob ko.

Hinawakan ko na ang doorknob ngunit napatigil ako dahil nagsalita ulit siya.

"Don't hate your father too much."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na sa pag-alis. Bumalik sa palaisipan ko lahat ng nangyari simula kaninang umaga. It played on my head like a recorded tape. I knew that Rouge was trying. He was trying so hard to the point that the hard-built wall around my heart was slightly colliding.

He knew something about my father. Hindi ako tanga para hindi maramdamang may hindi siya sinasabi sa akin. My mind was giving me some ideas that my heart couldn't accept. If Daddy was convicted of murder... sino ang pinatay niya?

Maraming naglarong tanong sa isip ko. Sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita ang sinasabi ni Rouge na phone. May nakasaksak na puting earphones doon kaya dahan-dahan ko itong inilabas mula sa bag.

Black lang ang wallpaper at wala namang passcode kaya malaya kong na-access ang phone. I went to the music folder, and my heart throbbed with joy when I saw a playlist named "For Reese."

Isinandal ko ang ulo sa bintana ng van. I looked through the playlist and smiled a little when I realized that every single song was one of my favorites.

Closing my eyes, I inserted the earphones into my ears.

"We were as one, babe..."

Agad akong napamulat nang marinig ang boses ni Rouge.

"For a moment in time..."

I put my hand on my chest so I could feel how fast my heart was beating. It was his voice! And he was playing guitar! Hindi ko alam ang mararamdaman gayong dinig ko ang malalim at malamig niyang boses. It immediately comforted me. His baritone silenced my thoughts.

"You'll always be a part of me. I'm part of you indefinitely. Girl, don't you know you can't escape me? Oh, darlin', 'cause you'll always be my baby..."

I closed my eyes again and pictured him singing this song while he was strumming his black guitar. It was so peaceful and warm. So serene... so calm.

"And we'll linger on. Time can't erase a feeling this strong. No way, you're never gonna shake me. Oh, darlin', 'cause you'll always be my baby."

Hindi ako nagmulat kahit nang matapos siya sa pagkanta. I just let myself be in harmony with his voice. Ang sarap pakinggan.

Tumigil siya sa pagkanta kaya akala ko ay tapos na iyon, ngunit makalipas ang halos sampung segundo ay muli siyang nagsalita.

"One thousand and fifteen days..."

His voice was dripping with sadness and pain. Hindi ako nagmulat. I just continued to imagine him breathing deeply while his guitar was lying on his thigh.

"Miss na kita, Reese. Miss na miss na kita..."

The chain in my system suffocated and tortured my heart as if it were a criminal awaiting a sentence. His voice was deep, and it sounded so real. He sounded like he really did miss me.

Hinayaan ko ang sarili na pakinggan ang ilang kanta niya pa bago napag-desisyonang kainin ang ipinadala niya. Para akong tangang isinusubo ang fried rice habang tumutulo ang luha dahil lahat ng kanta niya ay natatapos sa paulit-ulit na pagsasabi kung gaano niya ako ka-miss.

It hit me.

Noong mga panahong isinusumpa ko siya, iniisip niya ako. Habang inaalagaan ko ang galit sa kanya, nag-aalay siya ng kanta para sa 'kin. Sa gitna ng paglimot ko sa kanya, inaalala niya ako.

Pinakinggan ko pa ang ilan niyang kanta. Halos wala na kay Daddy ang utak ko dahil ang nasa isip ko na lang ngayon ay ang boses ni Rouge at ang maiikli niyang mensahe para sa akin.

"Remembering the words. You to me are encased in nothing but beauty and gracious love. You'll always be my one good reason to keep on moving 'til I'm in your arms..."

I exhaled when he suddenly stopped singing.

Matagal siyang natahimik kaya sinilip ko ang phone at nakitang hindi pa naman natatapos ang record. Wala pa sa chorus ang kinakanta niya.

"My favorite..." Nanubig muli ang mata ko nang marinig ang paghihirap sa pagkanta niya. "My favorite place is wherever you are... but I don't know where you are."

His voice was shaky, and the way he strummed the guitar was inconsistent. I was hurting the whole time, especially when I realized that he was probably crying.

Doon naputol ang kanta. Ni hindi niya kinanta ang second verse kagaya ng ibang kantang nasa playlist. Sa napakahabang biyahe ay wala akong ibang pinakinggan kung hindi ang mga kanta niya. There were other original songs, but I didn't bother listening to them. Baka hindi ko kayanin. Sa loob ng napakaraming oras ay fifty songs lang ang pinakikinggan ko hanggang sa makatulog ako.

"Debs," gising sa akin ni Cliff. "Bukas na natin puntahan si Tito, ha? Magpahinga muna tayo ngayon."

Tumango lang ako. Kanina sa eroplano ay tulala lang ako. My thoughts were clouded by Rouge, Alya, and Daddy. Sumilip ako sa labas ng sasakyan. Nakatigil na kami sa isang malaking hotel.

Cliff helped me with my bags, kahit hindi naman na kailangan dahil hindi naman marami ang dala ko. Isang malaking backpack lang at ang dalawang paperbag na ipinadala ni Rouge.

"Dadalhan kita ng dinner mamaya. Matulog ka muna sa kwarto."

Pagod akong pumayag sa gustong mangyari ni Cliff at dumiretso nga sa kwarto. The hotel room was elegant and classy but my foolish mind couldn't appreciate it. I rested on the soft mattress and thought of Alya and Rouge.

Ano kayang ginagawa nila?

I hoped they were getting along well. Alam kong mahal ni Rouge ang anak namin kaya gagawin niya ang lahat para malambing si Alya. Sana ay hindi ito umiiyak ngayon lalo at hindi naman siya sanay na malayo sa akin.

Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako sa dami ng iniisip. Cliff didn't bother telling me the case of my father because I knew he couldn't afford seeing me having a mental breakdown. Inasikaso niya ang lahat para sa akin.

The next day, I wore a long-sleeved dress that fell above my knees. Inilugay ko rin ang mahaba kong buhok. Tinatawag na ako ni Cliff ngunit para akong napako sa kinauupuan ko. I brushed my hair neatly and fixed my clothes, finding more reasons to delay the visit.

Parang ayaw ko bigla. Parang natatakot ako. Paano kung sigawan ako ni Daddy? Paano kung may mga tauhan pa pala siya rito sa labas at ipatapon na naman ako sa ibang lugar? At... matatanggap ko ba kung totoong pumatay siya?

He was my father... my first image of a perfect man. The one who pushed me to strive harder when I was young. He used to be my hero and my great role model. And if he committed that hideous crime, I don't think my young heart could handle it.

"Deborah, tara na! Kanina pa tayo hinihintay ng driver!" sigaw ni Cliff.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Wala pa man ay pinagpapawisan na ang noo at mga palad ko. I was so nervous.

Nasa labas pa lang kami ng bilibid ay hindi na ako makahinga sa takot. Rouge said that I shouldn't hate my father too much... but that was for me to decide. I didn't possess a forgiving heart. The years had toughened me.

Pumasok kami sa loob. Lalong nanginig ang mga tuhod ko. The police officers were all around the place. Kinausap ni Cliff ang mga ito hanggang sa dinala nila kami sa visitation area.

Naupo ako sa isang monobloc katabi ng pabilog na mesa.

"Sa gilid ako, Debs," paalam ni Cliff bago umupo sa pinakasulok ng visitation area.

Tumingin ako sa paligid at napabuntong-hininga. Ni hindi ko naisip na mapupunta ako sa lugar na ito para bisitahin si Daddy.

"Si Madrid," saad ng isang pulis sa isa pang pulis. Tumango ang huli. Lalo akong kinabahan nang mapagtantong susunduin niya na ang hinihintay ko.

I was tapping my feet on the ground, not because I was in pain but because I was so tense. My mouth went dry when I saw my father in an orange shirt. He was thin... almost bony. The dark circles under his eyes were prominent, and his lips were all pale. Hupyak ang pisngi niya at kung hindi lang dahil sa mga mata niya ay hindi ko na siya makikilala.

His hands were cuffed. Inililibot pa niya ang tingin sa paligid at nang dumapo ang mata niya sa akin ay napatigil siya sa paglalakad kahit pa halos itulak na siya ng isang police officer.

"Deborah? Anak?!" naiiyak na sigaw niya.

He forcefully pushed the officer and ran to me as if his life depended on it. Mula sa pagkakaupo ay niyakap niya ako. Naka-posas siya kaya sa inilusot niya ang katawan ko sa pagitan ng braso niya.

"A-anak ko! Deborah!" he sobbed like a baby. "I-ikaw na ba 'yan? Nasaan si Alya? Kasama mo ba siya?!" sunod-sunod na tanong niya.

The tears in my eyes didn't reveal themselves. Pilit kong dinama ang yakap ni Daddy. Mahipit at mainit. Ni hindi ako makasagot sa mga tanong niya dahil hindi ko alam ang dapat sabihin. The last time we saw each other, he was fuming mad at me. He told me that I tainted our family name.

"Tarantado ka talaga, Frando," anas ng officer na itinulak niya kanina bago ilayo si Daddy sa akin. His eyes didn't leave my face. Kahit nang iposas siya sa upuan ay nakatingin lang siya sa akin. May malaking ngiti sa labi na parang sabik na sabik.

Piniga ang puso ko sa nakikita. He was once at the top of everything. He had the name, popularity, money, power, and connections. He was the mighty Frando Madrid of Cebu. The one who owned large and rich plantations.

But now, he was wearing an inmate's uniform—skinny and almost unrecognizable.

"Anak ko..." He tilted his head while staring at me. "My little princess became a fine young lady."

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya matagalan. Nanginginig ang labi ko at may kung anong bumibikig sa aking lalamunan. It was too much to bear. Parang hindi ko siya kayang kausapin. I expected his wrath... not this... not his familiar warm side.

"Nasaan ang apo ko?" tanong niya pa.

Huminga ako nang malalim bago ibinalik ang atensyon sa kanya. He was looking at me attentively.

"Nasa Cebu po," mahinang sagot ko.

Tumango siya. "Sayang at hindi mo nakasama. Sana ay sa susunod mong pagbisita ay kasama mo na siya para ma-kuwentuhan niya ako." He chuckled a bit. "Sino ang kasama niya roon?"

I exhaled again. Hindi ito ang gusto kong pag-usapan ngunit ayaw ko siyang galitin.

"Si Rouge po."

Agad na nawala ang saya sa mukha niya. Namula rin ang mga mata niya, at mas lumalim ang mga linya sa pagitan ng mga kilay. Tumayo siya, at dahil nakaposas ay nahigit niya ang silya.

"Foster?! Ilayo mo si Alya sa mga Foster na 'yan! Lumayo kayo sa kanila!" malakas na malakas na daing niya.

I couldn't move a muscle. It reminded me so much of the days when I was pregnant with Alya. He was mad almost every day, as he constantly told me that I was nothing but a failure.

"Madrid!" sigaw ng police officer nang makita ang pagiging agresibo nito.

Napahawak lang ako sa silya ko. Naramdaman ko ang pagpunta ni Cliff sa likod ko para alamin kung anong nangyayari, ngunit makalipas ang ilang minuto ay kumalma si Daddy. Muli siyang naupo kahit halata sa kanya ang pagkakapos sa hininga.

It bothered me so much. Kahit galit siya ay hindi ko maiwasang hindi maisip kung bakit ayaw niya sa mga Foster. Hindi kayang abutin ng isipan ko ang nangyayari... or maybe my mind just couldn't accept it.

Cliff patted my back before sitting four tables away from us. Kalmado na si Daddy pero nagtatagis pa rin ang mga ngipin niya dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"Why are you here?" malamig na tanong ko nang makabawi sa nangyari.

He stiffened before gazing at me.

My lips quivered. "Daddy, sino ang pinatay mo?"

It was like a fucking trigger for him. His face creased before he closed his fists tightly. Nagsimulang tumulo ang mga luha niya at dumapo ito sa kanyang mga payat na payat na kamay. Habol din ang kanyang paghinga.

"I-I'm sorry, anak..." he blurted out. "I'm sorry..."

Umiling ako, bahagyang naninikip ang dibdib. "Is that Mommy?"

"No!" agap niya. "I love Sheryl more than my own life! I wouldn't kill her, Deborah!"

"Then, who?! Sinong pinatay mo, Daddy?" mas marahas nang tanong ko. "And why did you do that?! Why did you kill someone?! Alam kong galit ka pero, D-Daddy, it will never be right to kill someone!"

Dumilim ang mga mata niya.

He scoffed. "Then, why did you kill your first child?"

I was stoned. Nakita ko ang pagngiti niya na parang demonyo nang makita ang reaksyon ko.

"You're just like me, Deborah. We kill anyone who poses a threat to us," nakangising pahayag niya.

"No," mahinang saad ko. "I will never be like you!"

He chuckled. "We have the same blood gushing through our veins. Don't judge your father for I have a valid reason..."

I stifled my cries. He was so different! Hindi ko na siya kilala!

"I'm a murderer?" I asked, mocking him.

Parang may tanikalang sumakal sa dibdib ko. How dare him!

"Hindi mo ba ako nakita no'ng nanganak ako? I suffered from postpartum psychosis. hindi mo ba naaalala?"

Fuck his valid reason!

"Yes, I got pregnant when I was 16, and I had it aborted because I couldn't raise a child!" galit na sabi ko pa. "I chose not to give birth! Kasi kapag binuhay ko siya, alam kong wala akong maibibigay sa kanya! Alam kong hindi pa ako handa! My child will only suffer! And that's a lot worse than death!"

Parang kinakapos ako sa paghinga sa haba ng litanya ko. Nakita ko ang pagkatulala sa akin ni Daddy, mukhang hindi inaasahan ang pagsagot ko.

Matagal siyang natahimik, pinoproseso ang mga salita ko.

‍‍"Now, Daddy, tell me, why are you here? What fucking valid reason do you have?!" mas mariin nang tanong ko sa kanya.

Tuluyang lumamlam ang mga mata niya. Yumuko siya at hinang-hinang iniling ang ulo. He looked like he had given up... samantalang kanina ay parang handa pa siyang labanan ako.

Using his low and regretful voice, he said, "I murdered Ernesto Foster."

Parang may kung anong sumabog sa loob ko nang marinig ang pangalan ni Abuelo.

It had already crossed my mind... but I didn't entertain it because I wouldn't be able to accept it.

I gritted my teeth in such rage. He killed the man who believed in me! He killed the man who saw something in me! Hindi ko matanggap! Hinding-hindi ko matatanggap na nagawa niya 'yon!

"Uno was running for governor when Ernesto found out your brother's drug deals..." paliwanag niya ngunit hindi ito rumerehistro sa utak ko. "Debs, may mga ebidensya siya laban sa Kuya mo at sa oras na lumabas 'yon ay mawawala sa atin ang plantation, matatalo si Uno at baka makulong pa siya..."

Umiling ako, walang pakialam. I didn't even bother removing the tears on my cheeks.

"You killed someone for that shallow reason?" I sobbed.

"I only did that for your brother! Ayaw kong makulong si Uno, at mas lalong higit na ayaw kong makuha sa atin ang plantation dahil doon ko kayo binubuhay!" he hissed frustratedly. "Ernesto had a lot of accomplices! He could tear us! He could ruin us! Siya ang isa sa pinakamayaman sa Cebu at sa oras na ilabas niya sa publiko ang nangyayaring drug deals sa loob ng plantation, mawawalan tayo!"

"Stop validating your fucking crime!" sigaw ko, wala nang pakialam sa mga nakaririnig. "You killed for money! You killed for power! H-hindi mo ba naririnig ang sinasabi mo?!"

"Anak, hindi mo naiintindihan..."

I scoffed. I was looking at him with pain and disbelief in my eyes. His words were just too much to take. My precious Abuelo... was brutally killed for wealth. Hinding-hindi ko maiintindihan!

"Nasaan si Kuya Uno?!"

Tumulo ang luha sa mata niya. "He ran away..." Pumiyok siya. "Sinabi kong lumayo siya para hindi siya madamay sa gulo, pero kahit isang beses... hindi na niya ako pinuntahan. Hindi niya ako binisita."

I covered my face with my hands and cried harder. My family had fallen apart completely, and I didn't even know it!

"Si Mommy?" Humina ang boses ko. "Where's my Mommy?"

Doon lumakas ang pagtangis niya. He was running out of breath.

"My Sheryl died of cardiac arrest," he confessed. "Debs, nalaman niya. Nalaman ng Mommy mo ang ginawa ko. Galit na galit siya sa akin. Nagkasagutan kami hanggang sa..." Lalo siyang humikbi. "Hanggang sa i-inatake siya. Her remains were on our mansion... na pag-aari na ngayon ng gobyerno. I had her cremated."

Bumigay na ang puso ko sa akin. Inalis ko ang mga kamay sa mukha ko at sumandal sa upuan.

"Kaya kita ipinatapon sa Isla Crisanto, Deborah. Hindi dahil ikinahihiya kita o dahil hindi kita mahal..." he whispered. "I was afraid for your life."

"Shut up, Daddy! Shut up!" iyak ko. I don't want to hear anything now! I needed to calm down because my heart couldn't take it!

"Ilayo mo ang anak mo sa apo ni Ernesto. He was seeking revenge. Umalis ka na ngayon, parang awa mo na... iligtas mo si Alya."

Tinubuan ako ng kaba sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo at inisip si Alya na ngayon ay kasama si Rouge. My entire being trembled in fear. I stared at my father's crying face, but my thoughts were now clouded by Alya's safety.

Masakit... ngunit alam kong hindi imposible ang sinabi ni Daddy.

Given Rouge's history... with me.

"I'm sorry, anak. I'm sorry. I'm sorry..."

Pumikit ako nang mariin at nanghihina ang mga paang tinalikuran siya. I dragged Cliff out of that place.

"Bumalik tayo sa Cebu. Please help me. Bumalik tayo..." hikbi ko, halos lumuhod na sa harap ni Cliff.

He was attentive. Naging mabilis ang pangyayari. He contacted a lot of people, habang ako ay hindi mapakali. Takot na takot ako sa kalagayan ni Alya! Paano kung pagdating ko roon ay wala na siya?! Itinago na siya ni Rouge?!

Umiling ako at mahinang hinigit ang buhok ko dahil hindi ako makapag-isip nang maayos. That couldn't be. Hindi ko kakayanin.

Ni hindi ako nakatulog sa biyahe. Clifford was initiating a talk with me, but I was too preoccupied to even utter a word. Lahat ng posibleng isipin ay isiniksik ko sa utak ko.

Rouge had always been driven by revenge... at maaaring gagantihan niya lang ang pamilya namin sa pamamagitan ko... sa pamamagitan ni Alya.

Cliff reached for my hand and squeezed it.

"Breathe," malumanay na sambit niya.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa akin. I had to calm down. Hindi maganda ang iniisip ko.

Pagkalapag pa lang namin sa Cebu ay gusto ko nang tumakbo papunta kay Alya. Taxi lang ang sinakyan namin dahil hindi na ako makapaghintay.

"He was convicted of first-degree murder, Cliff. Hindi ko matanggap!" maya-maya'y saad ko habang nasa loob kami ng taxi.

He stared at me like he wanted to say something. Sa paraan ng pagtingin niya ay agad na nagwala ang dibdib ko. Para bang may alam siya na ikasisira ko pa.

He held my hands. "I know that you're not on your right mind to hear this... pero kailangan mong malaman ang mga kaso ng Daddy mo."

Namamanhid ang buong katawan ko. I already had too much pain today.

"Yes, he was convicted of first-degree murder," he whispered. "But he was also convicted of double attempted murder, Debs."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro