Chapter 36
Chapter 36
"Don't beat around the bush! Tell me what's going on!" sigaw ko sa kanya.
Umiling siya na parang hirap na hirap sa sitwasyon. "Ang dami nang nakalipas na taon, Reese. You don't have to know what happened. Hindi rin naman importante." Nag-iwas siya ng tingin.
My lips quivered. "The first man I loved?" I spit those words out bitterly. "Sino? Ikaw? I don't understand, Rouge! Ikaw ang unang minahal ko kaya hindi ko alam kung saan ka nanggagaling!"
Nagbuntong-hininga siya, para bang sising-sisi sa nasabi. "Yeah, it was me. I'm sorry. Don't think too much. It's done. Hindi ko na maibabalik ang nangyari."
"So, you admit it?" I chuckled. "Na walang kinalaman ang pagkamatay ni Abuelo sa hindi mo pagpunta sa show." Tumango-tango ako, naiintindihan na ang lahat. "Oo nga naman. Ang tanga ko naman para isiping hindi mo talaga sinadya."
Lumunok siya at halata ko sa mukha niya na hindi niya alam ang sasabihin. I assumed, alright. For a short period of time, I thought he didn't mean it. Hindi ko alam kung bakit parang may sumakal na naman sa puso ko. I moved on. This shouldn't hurt this much.
"Reese, parang awa mo na. Don't think too much. I will make it up to you... please," malungkot na pahayag niya pa.
I gulped and tapped my foot on the ground. Nakita ko ang pagbaling niya sa paa ko at ang dahan-dahang pag-iling ng ulo niya.
"Don't do that... Stop moving your feet. Ayoko nang makita ang ganyan mo. Sigawan mo ako. Saktan mo ako. You could do everything to hurt me. Tatanggapin ko lahat, Reese. 'Wag mo lang itago ang emosyon mo sa 'kin..." sambit niya.
Huminto ako, at gamit ang nanginginig kong mga kamay ay nilapitan ko siya. I balled up my fist and, with all my remaining strength, I punched him in the chest. My hand was shaky, but so were his knees. Nakita ko ang pag-atras niya at malungkot na panonood sa ginagawa ko.
"Ang galing mong maglaro ng salita, Rouge! Ang galing mong paniwalain ako na mahal mo ako!" sigaw ko, wala nang pakialam kung may makakarinig sa akin o wala. "You always make me feel like I don't belong to myself! Hindi ka ba tapos sa pagganti mo sa 'kin, huh? Habambuhay ko bang pagbabayaran 'yon sa 'yo?"
Hindi siya sumagot. Pinanatili ang madiin ngunit malungkot na tingin sa akin. I was getting tired of all this. Simula noong makita ko ulit siya, lumabas na naman ang mga emosyon ko na matagal ko nang inilibing kasama ng pagmamahal ko sa kanya. Sa tuwing malapit siya, gusto kong isumbat ang lahat pero walang salita ang makapapantay sa nangyari.
"You only want me now because of Alya. You want me to fall for you again because of our daughter," I blurted out, admitting for the first time that Alya was his.
His eyes widened. Naging mabigat din ang kanyang paghinga at lumantad pa ang ilang ugat sa kanyang kamay at sintido.
"Do you remember that night, Rouge?" I asked, my voice breaking. Ni wala na akong pakialam kung nasabi ko sa kanyang anak niya si Alya. What was the point of lying? Alam naman niya.
"Sa nagdaang mga taon, iniisip ko pa rin 'yon," pag-amin ko.
Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Na sa gitna ng pag-aalaga ko kay Alya, iniisip ko na sana may kasama ako kung minahal mo lang ako. Sana dalawa tayo na pinanood siyang lumaki kasi... anak natin 'yon, eh."
Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang panunubig ng mata niya. We were standing in the middle of the hallway. People were looking our way, but we were too tired to even care. It seemed as if young Reese Deborah was peering over the corner, trying to reveal herself.
"A-Alya was so hard to raise. Gabi-gabi siyang umiiyak kaya madalas ay hindi ako nakakatulog tapos may binabantayan pa akong boutique. I wanna give up so many times! I wanna jump out of the sea and drown myself... kasi pagod na ako! Kasi mag-isa ako! Kasi 'yong taong nangako sa akin, ginago lang ako!"
Hindi siya sumagot. Tinatanggap niya lang lahat ng sinasabi ko na parang dapat niyang pakinggan ang lahat ng 'yon. Puwede niya akong talikuran na lang at 'wag pansinin lalo at may mga tumitingin sa amin.
"Tapos magpapakita ka na parang walang nangyari?! Na parang walang kwenta lahat ng mga taon na nagdaan?! You robbed me of my dreams and my youth!"
Gusto kong isigaw lahat! Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano kahirap sagutin ang tanong ng mga tao sa paligid ko kapag itinatanong kung nasaan ang tatay ni Alya! Gusto kong isumbat ang hirap ko na balansehin ang pagtatrabaho at pagiging ina! Gusto kong ipamukha sa kanya na nakaya ko kahit hindi ko siya kasama! Na nakaya ko kahit mag-isa lang ako!
"Sana nagsinungaling ka na lang, Rouge. Sana no'ng gabing 'yon, sinabi mo na lang na hinanap mo si Solene o nalimutan mo ang fashion show..." Umiling ako. "Kasi mas madaling tanggapin 'yon... kaysa sa katotohanang hindi mo ako minahal."
"Reese..." His voice cracked. "Reese, I'm sorry... I'm sorry..."
Dahil sa panghihina ay wala na akong nasabi. Tanging mabibigat na paghinga lang naming dalawa ang naririnig ko. Ang ingay ng mga sasakyan at mga taong dumadaan ay hindi rumerehistro sa isip ko. Life was just too unfair. Hindi ko kayang tanggapin na kailangan siya ni Alya... na parte na talaga siya ng buhay ko. Na kahit mahal na mahal ko pa rin siya, hindi magiging sapat 'yon para malimutan ko lahat kasi 'yong tiwala ko sa kanya, tuluyan nang nawala.
I thought of Alya and her frowning face. Sa paglalagi namin dito sa Cebu ay pansin ko ang lungkot niya na alam ko ang dahilan kung bakit. She may deny it to herself but I knew my daughter too well.
At kung ang pagdurusa ko sa presensya ni Rouge ang makapagpapasaya sa anak ko, I had to take a bullet for her.
Rouge was right. Tapos na. Hindi na mababalikan. Kahit isumbat ko sa kanya ang lahat, walang mangyayari kasi nadurog na ako.
I swallowed before looking at my feet. It was time for me to gather all my courage.
"Alya needs a father," I said, almost panting.
Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko ang paglapat ng gulat sa mukha niya.
"Is that okay?" hinang-hinang tanong niya, nanunubig pa rin ang mga mata. "P-papayagan mo ba 'ko?"
Blangko ang mukha kong tumango sa kanya. "Kung gusto mong mapalapit sa anak mo, bumisita ka sa kanya. Kahit kapag nakabalik na kami sa isla, sikapin mong pumunta kahit isang beses sa isang buwan. Kung mahirap 'yon, kahit isang beses sa tatlong buwan." Naninikip ang dibdib ko dahil alam kong isinasangla ko na naman ang puso ko sa desisyong ito.
Hindi ako makakaiwas. Makikita at makikita ko pa rin talaga siya. And I had to brace myself. I couldn't let myself fall again.
"Araw-araw akong pupunta!" agap niya, nanginginig ang boses. "Kung kinakailangang bumili ako ng bahay sa isla, gagawin ko!"
Umiling ako. "You have your life here, Rouge. Wala akong sinasabing isuko mo ang buhay mo para kay Alya. I will not ask you to provide for her financially, dahil kaya ko naman."
"'Wag naman, Reese. Gusto kong bigyan kayo ng magagandang bagay." Lumungkot ang boses niya. "Ayun na lang kasi ang magagawa ko para makabawi ako sa inyo, eh..."
I scoffed. "Hindi ako... si Alya lang. Sige, kung gusto mo siyang bigyan ng kung ano, gawin mo. Pero hindi mo kailangang bumawi sa akin. Nanay lang naman ako ng anak mo, hindi mo ako responsibilidad."
Sa pananahimik niya ay hinawakan ko ang bag ko at walang imik na tinalikuran siya. I felt like my energy had left me. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
Pagkapasok ko sa van ay ipinagpasalamat ko ang hindi pagtatanong ang mga kaibigan ko.
Tumabi lang ako kay Alya at hinaplos ang buhok niya. I didn't want her to be sad again... at kung ang tanging makapagbabalik ng dati niyang sigla ay ang lalaking dumurog sa akin, hindi ako magda-dalawang isip na madurog ulit.
I told them that we should rest, and luckily, they agreed. Uuwi silang tatlo sa kanya-kanyang bahay habang kami ni Alya ay inihatid nila sa unit. Pinaliguan ko ang anak ko para makapagpahinga na siya, ngunit habang sinusuklay ko ang buhok niya ay nakita ko ang paninitig niya sa akin.
"Did he hurt you again, My?" maliit ang boses na tanong niya.
Ngumiti ako at umupo sa gilid ng kama. Hinigit ko ang inuupuan niyang silya para iharap siya sa akin. Her attentive eyes were watching my expression.
"Gusto mo bang makasama si Daddy? Hmm?" malambing na tanong ko habang hinahaplos ang pisngi niya. "Tell me, Alya, did you miss him?"
Agad na nanginig ang labi niya at sunod-sunod na nagbagsakan ang luha sa pisngi na parang ang tagal niyang itinago 'yon.
"H-hindi niya naman mahal si Alya, My! H-hindi nga ako kinausap kanina, eh. H-hindi na rin siya nagpapakita," hikbi niya. "G-girlfriend niya ba 'yong kanina, My? Paano po t-tayo?"
I fought the urge to cry. Basag na basag ang boses ng anak ko.
Pinakinggan ko ang lahat ng sama ng loob ng niya sa tatay niya. Halatang-halata ko ang pagtatampo sa tinig niya. Gumagalaw pa ang maliit na balikat dahil sa paghikbi.
"Alya, si Mommy saka si Daddy..." Huminga ako nang malalim. "Hindi na puwedeng magsama."
Tumigil siya at tumitig sa akin. She was old enough to know this. Ayoko rin siyang paasahin dahil alam kong imposible nang mabuo kami.
"Naiintindihan mo ba, anak?" Ngumiti ako. "Hindi kami mag-asawa ni Daddy. May iba siyang buhay at ganoon din ako, pero puwede kaming maging magkaibigan para sa 'yo."
Dumaan ang lungkot sa mata niya. "B-bakit hindi po puwede maging mag-asawa, Mommy?"
Despite of hurting, I chuckled. "Wow, papayagan mo bang magkaroon na ako ng boyfriend?"
She looked away. "If it's Daddy... then I will approve it."
Ipinaling ko ang ulo nang mapagtantong mahal talaga niya si Rouge. My daughter was so precious, and I was in pain because I couldn't give her a complete family.
"Ang pag-aasawa, para sa nagmamahalan lang 'yon, Alya. Parang si Tita Cali at Tito Lenin... puwede silang magpakasal na kasi mahal nila ang isa't isa," paliwanag ko.
"Don't you love him, Mommy?" Tears were still pooling in her eyes.
Ngumiti lang ako at tumayo na para ipagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok niya. I made her face the mirror. Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil miski ako ay ayaw nang balik-balikan ang sagot.
"Dadalawin ka na ng Daddy mo lagi. Bukas ay pupunta 'yon. Treat him well, okay? He will make it up to you. Naging abala lang siya nitong nagdaang mga araw kaya hindi nakabisita. 'Wag ka nang magtampo, ha? He's a good person, and he loves you so much."
Alas sais nang umaga nang makarinig ko ang doorbell. Pupungas-pungas pa akong bumangon at dahan-dahang inalis ang yakap ni Alya sa akin para tingnan kung sino ang dumating.
"Teka lang!" sigaw ko nang muli itong nag-doorbell.
Nakapajama lang ako kagaya ng kay Alya at hindi na ako nag-abalang magsuklay sa pag-aakalang ang mga kaibigan ko lang iyon. I yawned before opening the door. My hair was all messy.
Napatigil ako sa paghikab at napatuwid ng tayo nang makita si Rouge sa harap ng pinto. He was carrying a lot of stuff. May maliit na ngiti lang din siya sa labi na para bang nalimutan na niya ang sagutan namin kahapon.
"Good morning, Reese," bati niya.
I closed my mouth and kept my face straight. Ang aga naman niya! Hindi pa ako prepared! Tumango ako sa kanya at binuksan nang malaki ang pinto para makapasok siya.
"Ilagay mo na lang sa couch ang mga bitbit mo," utos ko na mabilis niyang sinunod. "Magluluto ako ng breakfast. Nasa kwarto si Alya at kung gusto mo ay puntahan mo siya. Nasabi ko naman na dadalaw ka... hindi ko lang alam na ganito kaaga."
Umiling siya bago binasa ang pang-ibabang labi. "Uh... puwede bang ako na ang magluto? Magpahinga ka muna dahil maaga pa naman."
I sighed. I didn't want to prolong the conversation, so I just nodded. Nakita ko ang paghinga niya rin nang malalim.
"Mahilig si Alya sa fried rice, ham, at sunny-side up. Ipagtimpla mo na rin siya ng gatas at 'wag mong masyadong dadamihan ang asukal dahil hindi siya masyadong mahilig sa matamis," litanya ko.
He listened to me attentively. Ang suot niyang itim na T-shirt na hakab na hakab sa katawan niya ay hindi ko maiwasang hindi pasadahan ng tingin. Malinis din ang kuko niya at halatang sinuklay nang maayos ang buhok.
I raised an eyebrow. He was prepared, huh?
"Ikaw?" mahinang tanong niya.
I gave him a puzzled look. "What?"
Bahagya siyang napanguso. "Ano'ng gusto mong kainin? I baked some cookies last night for... you. I can also cook beef brisket. Do you want that?"
Sa lambing ng boses niya ay parang inihehele niya ako. He sounded concerned. Ang sarap maniwala. Ang sarap umasa. But I knew better now. I learned my lesson the hardest way possible. I had to keep my heart safe from him.
"Ikaw na lang ang kumain ng ginawa mo. At hindi ako sasabay sa inyong kumain. Take this chance to get closer to her," wika ko.
Lumamlam ang masaya niyang mata at kinailangan kong mag-iwas ng tingin para hindi masaksihan ang pagpepeke niya ng emosyon.
Tumalikod ako at pumasok na sa kwarto kung saan nakaupo na sa kama si Alya at sinusuklay ang mahaba niyang buhok. She was humming, as if she were happy.
Something warmed my heart. This was the scene I longed to see every day.
"Good morning, Mommy!" maligayang bati niya.
I went near her and kissed her cheeks. "Good morning. Good mood ka, ah? Dahil ba narinig mo ang boses ng Daddy mo?"
She pursed her lips, and her eyes glistened with joy. "Opo..."
I chuckled. "Akala ko ba ay hindi mo siya kabati?"
"Kapag inaway ko siya, My, baka hindi na niya ako puntahan, eh..." pagrarason niya. "Pero 'wag kang mag-alala! Ikaw pa rin ang favorite ko!"
Marahan kong inagaw sa kanya ang suklay at inipitan siya. I could see her brilliant smile, and that simple expression touched my heart. Kahit hindi niya pa lubusang kilala ang lalaki ay alam kong napalapit na agad siya rito.
"Ready?" I asked her when she settled herself at the edge of the bed, taking deep breaths. "Wag kang masyadong kabahan."
Tumayo siya at humarap sa salamin. She tried smiling, but she failed terribly because of pressure. Inabot ko naman siya at iniharap sa akin.
"Tara na. I will formally introduce you to your father. Greet him properly, okay?"
Kahit kinakabahan ay tumango siya. She wore her favorite bunny headband that suited her pink pajamas; na kagaya lang din ng sa akin. Magkahawak ang kamay naming lumabas ng kwarto at ramdam ko ang panlalamig ng palad niya. I dragged her to the dining area.
Likod ni Rouge ang bumungad sa amin. He was wearing a pink apron while slightly swaying his hips. Nagkatinginan kami ni Alya at sabay na napangiti nang marinig pa ang pagkanta ng lalaki.
He was in a good mood, like his daughter.
Hindi muna kami umimik. Pinanood lang namin ito na aliw na aliw na nagluluto. He was tall and really masculine, pero sa paggalaw ng balakang nito ay para siyang bata.
I cleared my throat, and I saw how his body stiffened. Dahan-dahan ang pagbaling ng ulo niya sa amin. I cocked my head and stared at him blankly, his face almost turning white.
Bumaba ang tingin niya kay Alya at bahagyang bumuka ang bibig niya. Para lang kaming tanga dahil lumipas ang isang minuto na nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Ano!" natatarantang aniya bago humigit ng upuan. "Umupo muna kayo! Hindi pa tapos ang niluluto ko pero bibilisan ko para makakain na kayo!"
Alya gently guided me to a chair. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtantong wala akong takas. I didn't want to be here!
Magkatabi kami ng anak ko habang pinapanood si Rouge na inilalagay ang mga pinggan sa mesa. The sunny side up eggs were perfectly done. Kahit ang ham ay sakto ang pagkakaluto. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya inilapag ang fried rice.
"Oh, shoot, the milk!" mahinang aniya sa sarili na hindi naman nakalampas sa pandinig ko.
Lihim akong napangiti sa pagkabahala niya.
"Reese, do you want coffee?" tanong niya habang inihahanda ang gatas ni Alya.
"No, thank you," malamig na tugon ko.
"Mommy, you like coffee every morning!" sabat ni Alya.
Napapikit ako nang mariin at inismiran ang anak ko sa kadaldalan niya. She pouted cutely before directing her gaze to her father.
Naramdaman ko ang paglalagay ni Rouge ng tasa sa gilid ko at baso naman kay Alya. Matapos 'yon ay umupo ito sa harap namin, may maliit na ngiti sa labi at may pansing pawis sa noo. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa init o kaba.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at napansin ko ang pagningning ng mata niya. He looked at us with so much love and longing in his eyes, as if he were dying to hold us—or his daughter.
I licked my lower lip.
"Alya," tawag ko sa bata na ngayon ay nakatitig na sa ama niya. Dahan-dahan niya akong nilingon at binigyan pa ako ng isang maliit na ngiti.
Iniangat ko ang tingin kay Rouge na nakabaling ang buong atensyon sa amin. Sa pagkakataong 'yon, hiniling ko na sana ay hindi lang si Alya ang mahal niya. Na hindi lang siya na-guilty sa ginawa niya sa akin kaya nagpaparamdam siya sa akin ngayon.
I knew that it was impossible because my heart couldn't forgive him and his heart couldn't love me. But still, I hoped.
Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Alya.
"Greet your father," I uttered, not taking my eyes off Rouge.
He gasped loudly, parang kinapos sa paghinga. Agad ding namula ang mata niya at bumuka ang bibig na parang makatutulong 'yon para makahinga siya nang ayos.
My heart ached. He was happy... but my entire system was throbbing in pain. It was a battle between my heart and mind. Alam kong hindi ko na dapat siya pangarapin. Alam kong hindi ko na dapat siya subukang abutin. Alam kong hindi ko na dapat siya mahalin.
But my long-repressed love for him had come to the surface. Ilang beses na pagkikita pa lang ay nanumbalik ang masidhing pag-ibig ko sa kanya... at hindi ko matanggap na sa aming dalawa, ako lang ang nakararamdam noon.
"Good morning," Alya whispered. "D-Daddy..."
My eyes watered instantly. Mabilis akong tumayo para pigilan ang sariling emosyon.
"H-hindi ako nagugutom. Kayo na lang muna ang mag-usap... sa kwarto lang ako," agap ko.
Hindi ko na sila hinintay na makasagot dahil tumakbo na ako papunta sa kwarto.
I slapped myself. "Wake up, Debs! You can't love him again! You can't show your vulnerabilities again! His dream is to see you suffer... hindi puwedeng mahalin mo na naman siya!" I told myself before covering my face with my hands.
Nabasa agad 'yon ng sarili kong luha.
Bakit kasi siya pa rin?
He made me cry, but I still ached for him. My soul still felt at peace with him. And even though my heart had been broken so many times, he still felt like the sky I wished would fall and dwell upon me.
I was self-medicating when I heard soft knocks on my door. Kinabahan agad ako dahil alam kong hindi si Alya iyon. Inalis ko lahat ng luha sa pisngi ko at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto para kay Rouge.
"Sorry na..." mahina ang boses na bungad niya sa akin. Yumuko siya at walang pag-aalinlangang kinuha ang kamay ko. "Reese, patawarin mo na ako..."
Binawi ko ang kamay ko, gulat sa ginawa niya. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"Ba't mo kami iniwan ni Alya, ro'n? G-gusto ko nga kayong makasama tapos aalis ka?" nang-aakusang saad niya pa.
"Sinabi ko na, hindi ba? Take this opportunity to get closer to her. Hindi naman ako kailangan doon, Rouge."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at nabanaag ko roon ang tuluyang pagsuko.
He was ready to say something to me. I saw it. I felt it.
But then, the door of the unit opened, and it revealed Clifford. He was panting heavily, para bang tumakbo siya para makarating dito.
"Debs, your father is in jail!" he shouted.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro