Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35

‍‍‍‍‍"Debs, ano'ng nangyayari?!" sigaw ulit ni Cali mula sa malayo.

Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa nakangiting larawan ni Abuelo. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng kalamnan ko sa lungkot at libo-libong mga tanong.

I suddenly remembered the day I asked my mother to bring me to Abuelo, but she walked out of my room and didn't answer me. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Alya para hawakan ang damit ko.

"My, are you okay?" mahinang tanong niya.

Words failed me. Walang namutawing salita sa bibig ko. Bumibigat din ang paghinga ko sa bawat segundong lumilipas. Ilang taon na ang nagdaan... at wala manlang nagsabi sa akin na wala na si Abuelo!

My mother probably didn't tell me because I had a mental disorder at the time, and she didn't want to make things worse for me. But this was just too much to bear! Nitong mga nakaraang taon, bihira kong isipin si Abuelo dahil masyado akong abala sa pag-aalaga kay Alya... pero hindi ibig sabihin noon ay nalimutan ko na ang pagmamahal na itinanim niya sa akin!

Now that he was dead, I felt like I was too late to grieve.

Lumapit sa amin ang tatlo at tiningnan kung ano ang minamasid namin ni Alya. They didn't know Abuelo, but I was sure that they recognized his surname!

"Contact Rouge," I ordered.

"Debs..."

"Contact him!" sigaw ko nang hindi sila gumagalaw.

Napakaraming tanong ang bumabagabag sa akin. Ang rason kung bakit siya namatay at ang dahilan ni Rouge kung bakit hindi niya sinabi 'yon sa akin!

I may not be a part of their family, but he knew that I loved and treasured his grandfather!

Habang nasa sasakyan ay hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at alam kong rinig ng mga kaibigan ko ang malalalim kong paghinga.

This couldn't be happening... right? Rouge told me that he had done everything to avenge our child! Sinadya niyang hindi pumunta sa akin, hindi ba?! That was what he fucking told me! He couldn't tell me otherwise! Matagal ko nang tinanggap ang sinabi niyang rason!

I blinked my tears away. Was that the reason why I couldn't contact him the day before the fashion show?! He could've texted me! He could've called me! Maraming paraan para makausap ako! Alam kong hindi niya ako mahal pero sana ay ipinaalam niya sa akin bilang taong minahal din naman ang lolo niya!

"Where is he?!" naghi-histerical na sigaw ko.

"M-Mommy," iyak ni Alya. "Don't shout po..."

Napatingin ako sa kanya at napansin kong kinakabahan siya habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. My heart softened at the view, but my feelings were taking over my attitude.

Inabot ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. Matapos iyon ay tumingin ako kay Clifford na ngayon ay pinanonood lang kami.

"Ikaw muna ang bahala kay Alya. I have to talk to Rouge," pakiusap ko, bahagyang nanginginig, hindi ko alam kung dahil sa galit o lungkot.

Nakaiintindi siyang tumango. Bumaling ako kina Cali at Rapsly na abala na sa pagtawag kay Rouge. Alam kong wala silang ideya sa nangyayari ngunit wala sa kanila ang nagtanong.

The driver dropped us off at a restaurant, but my feet were stuck to the floor of the van. I couldn't move. Alam kong hindi ako makakakain dahil marami ang nasa isip ko.

"Debs, let's just eat first, okay? Hindi ko ma-contact si Harvin, but I promise to get a hold of him later," saad ni Rapsly. "And please, calm down."

Tumingin ako sa kanya at napabuntong-hininga. Kailangan kong kumalma. I shouldn't pressure my friends... at medyo kinakabahan na rin si Alya.

"I'm sorry," I whispered before following them.

Hawak ni Cliff si Alya habang sina Cali at Rapsly naman ay kasabay kong naglakad papasok. My thoughts were drowning me. Hindi ko matanggap na wala na si Abuelo at lalong hindi ko matanggap na hindi ko manlang nalaman 'yon.

I bit my lower lip when I remembered all the things he did for me. Sa dami ng babaeng nagkagusto kay Rouge, ako lang ang pinayagan at tinanggap niya. And I knew that he didn't do that because I came from a wealthy family. Umpisa pa lang, pinagkatiwalaan niya na ako para sa puso ng apo niya.

His mansion used to be our refuge. That magical spot where our dreams grew, where our love blossomed, and where our youth was spent.

Tulala ako habang isine-serve ang pagkain sa table namin. My friends were laughing, trying to brighten the atmosphere. Inipitan din ni Cliff si Alya para makakain ito nang maayos. Lumilipad ang isip ko sa mga nangyari sa nakalipas na maraming taon.

"Debs?"

A man's voice distracted my train of thought.

Nag-angat ako ng tingin rito, at agad na nawala ang naiisip ko nang makita ang pamilyar na lalaki na dala-dala ang tray ng pagkain para sa amin.

"Hunter!" I blurted out.

Tumawa siya at tuluyang lumapit sa puwesto ko. Hindi siya naka-uniporme ng pang-waiter. He was wearing a plain navy-blue shirt and black pants. Naka-wax din ang buhok niya.

"It's been so long!" sabi niya bago tumingin sa mga kasama ko. "It's on me," aniya pa sa mga ito.

"We can pay," nahihiyang sagot ni Rapsly.

"Nah." Umiling si Hunter. "Ayos lang. Ako na ang bahala."

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko pa napoproseso na narito siya sa Cebu. I mean, he was from Isabela, and meeting him here was unexpected.

Itinukod niya ang tray sa mesa at nginisian ako.

"How are you?" tanong niya.

I smiled, trying to straighten my thoughts. "I'm good."

He smirked. "Are you busy today? Let's catch up! Ang tagal na no'ng huli kitang nakausap!"

Tumingin ako sa mga kasama ko na hindi nakatingin sa amin. Kanya-kanya sila ng pag-iiwas ng tingin na akala mo ay may namamagitan sa amin ng lalaki. Well, he tried to flirt with me back then, but that was years ago!

"Come on, Debs! Just a friendly chitchat after this," pangungulit niya habang may masayang ngiti sa labi.

I breathed heavily. He didn't change at all.

"I'm not quite sure about that, Hunt," I answered with all honesty. "May gagawin kasi ako ngayong araw... and it's urgent," I added upon remembering Rouge.

He nodded. "Then, can I have your number?"

My friends cleared their throats kaya umayos ako ng upo. Bumaling ako kay Alya na ngayon ay masama ang tingin sa lalaki.

Binasa ko ang pang-ibabang labi. The talk was going on a little longer than I had expected. Nakakahiya namang paalisin na lang bigla ang lalaki.

"Uh... I don't have a phone." I chuckled.

Tumango-tango siya at sumeryoso ang mukha. "I get it."

"Huh?" tanong ko sa biglaang pagbabago ng mood niya.

"You don't have to lie to reject my invitation, Debs." Umayos siya ng tayo at isa-isang binalingan ang mga kaibigan ko.

"Hunt, I really don't have a phone!" pagtatanggol ko sa sarili dahil bahagya akong nakonsensya.

"Mommy, I know you're hungry. Kumain ka muna," sabat ni Alya sa usapan namin kaya agad na napatingin sa kanya si Hunter, namimilog ang mga mata.

Sinamaan ni Alya ng tingin ang lalaki.

"My mom isn't lying, sir. We've been living on an island for years," maarteng saad niya.

"Alya," tawag ko sa bata.

Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumuso.

"Finish your food," bulong ko bago ibinalik ang tingin kay Hunter. Nakaawang na ngayon ang kanyang mga labi, at nakakunot ang may kakapalang mga kilay.

I took a few long, slow breaths. He could be entertaining theories in his head. Kilala niya rin naman kasi si Rouge at halatang-halata naman kung sino ang kamukha ni Alya.

He sighed. "I'm sorry, Debs. I didn't mean to disturb your peaceful lunch... maiwan ko na muna kayo."

Tumango ako. "It's okay, Hunter. Salamat."

He bid us goodbye. The staff immediately called him "Sir," and I realized that he probably owned the restaurant. Siya siguro ang nag-serve dahil marami ang tao sa loob at kulang sila sa manpower.

We ate in silence. Alya was pouting like something pissed her off. Nang mapansin ko 'yon ay inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Mommy can handle herself well, baby, okay?" malambing na saad ko. "He's an old friend. 'Wag kang masyadong magalit d'yan."

Dahil sa inis niya sa lalaki ay medyo natagalan kaming kumain. Sa huli tuloy ay kinuha ko na sa kanya ang pinggan niya at sinubuan siya para mapabilis kami.

"Debs, walang signal dito sa loob. Hindi ko matatawagan si Harv. Sa labas muna ako," ani Rapsly bago tumayo.

"Huy, pasama ako!" utas ni Cali. "I have to call Lenin."

Tinanguan ko lang sila. Medyo marami pa kasi ang pagkain ni Alya kaya baka matagalan pa kami.

Wala pang limang minutong nakalalabas ang dalawa ay sunod na tumayo si Cliff. I looked at him as he ruffled his thick hair with his fingers.

"Saan ka?" tanong ko nang kunin niya ang wallet niya.

"Restroom," maikling sagot niya bago isang beses na hinaplos ang buhok ni Alya. Lumingon sa kanya ang bata at ngumiti. Matapos iyon ay umalis na rin siya.

"Mommy, I want ice cream..." pakiusap ni Alya nang dumaan ang isang waiter na may dalang ice cream.

"Hindi mo pa nga nauubos ang pagkain mo, eh."

"Please?" She looked at me, pleading. "Matcha po..."

I chuckled at my daughter's cuteness. Nagtawag ako ng waiter at umorder ng request niya. Pinagpatuloy ko ang pagpapakain sa kanya at wala pang ilang minuto ay naubos niya na ang nasa pinggan. Hindi na rin bumalik si Clifford sa upuan namin at sumenyas na lang sa akin na sa labas na siya maghihintay.

Sa gulat ko ay si Hunter ulit ang nag-serve sa amin ng ice cream.

"Hello ulit," nakangiting bati niya.

I smiled back. "Hi... may kailangan ka ba?"

Alya tugged on the sleeve of my shirt to show her disapproval. Alam kong napansin iyon ni Hunter dahil agad na lumawak ang ngiti niya.

Inilapag niya ang ice cream sa mesa namin at kumunot ang noo ko nang makitang dalawa iyon.

"Isa lang ang order namin," agap ko.

He smiled before slowly sitting in front of us.

"Sagot ko na," aniya.

Nag-init ang mga pisngi ko sa hiya. "Ikaw na nga ang sumagot ng pagkain namin, eh! Huwag na!"

"It's okay, Debs. I own the place," sagot niya bago ako mayabang na nginisian, nang-aasar.

I scoffed. "Sige na at maraming customers. Wala kang kwentang amo kung tatambay ka lang dito."

Humalakhak siya. "My staff can manage! Tumutulong lang ako dahil tinatamad ako sa bahay."

I just grinned at him. Dumapo ang mata niya kay Alya na ngayon ay tahimik lang na kinakain ang ice cream. Magkasalubong ang kilay ng anak ko, at sa tuwing ganoon ang itsura niya ay hindi ko maiwasang maikumpara siya kay Rouge.

"Hi, what's your name?" bibong tanong ni Hunter sa kanya.

Kahit nakasimangot ay itinigil niya ang pagkain sa ice cream at binigyan ng pekeng ngiti ang lalaki. Palihim akong natawa dahil halata sa mukha niya ang disgusto sa lalaki. Well, she never liked anyone for me. Kahit ang mangilan-ngilang sumubok sa akin na manligaw sa isla ay hindi pinayagan... at wala rin naman akong balak na magkaroon ng boyfriend.

"I'm Alya po," magalang na sagot niya.

Naningkit ang mga mata ni Hunter. "You're really beautiful, and your eyes looked so much like your mom's."

"Thank you, Sir," she stated in a monotone.

Nagkatinginan kami ni Hunter at sabay na napangisi sa kasupladahan ni Alya. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin ko dahil sa aliw sa anak. She was very protective of me.

"About earlier... sa island talaga kayo tumira? All these years?" manghang tanong ni Hunter.

Tumango ako. "It was nice. Ikaw? What brought you here? Hindi ba ay taga-Isabela ka?"

"Second branch," he replied.

Nagtaas ako ng kilay at palihim na ngumisi. He was successful, and I got it. I thought he'd be a flight attendant, but I guess business was for him. Maayos at maganda ang lugar. Even the food was commendable!

Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan habang kumakain kami ng ice cream. He even got one for himself. Ikinuha niya rin kami ng tubig.

Sa ilang minuto ay nalaman kong nag-disband na ang Narcissus matapos ang graduation. I noticed how careful he was not to mention Rouge. Puro sina Rhome at Zane lang ang binabanggit niya. He said that he looked for me when I didn't show up to the graduation march, but he quickly gave up when he realized that I had left for good.

We were busy chatting when my eyes were directed at the entrance of the restaurant because of a familiar woman. She was tall, slender, and really beautiful. The curly ends of her dark brown hair complemented her fair skin.

"Is that Melanie?" putol ko sa usapan namin ni Hunter.

Napalingon siya sa tinitingnan ko.

"Oh... yeah. She's a regular customer."

I sighed heavily as I came to terms with the fact that human beings' global footprint was surprisingly tiny. You could even bump into the ones you didn't expect to meet!

"Wow... what are you all doing in Cebu?" I chuckled. "Anyway, babatiin ko muna siya."

Naghanda na ako sa pagtayo dahil sa puwesto rin naman namin papunta ang babae nang biglang lumitaw sa likuran niya ang lalaking kanina pa tinatawagan ni Rapsly.

Napatigil ako sa balak gawin. Rouge and Melanie seated themselves three tables away from us. Alam kong hindi kami nakita ng lalaki dahil agad itong tumalikod at ang nakaharap na sa puwesto namin ay si Melanie.

Pinigilan ko ang sarkastikonh pagtawa nang ngumiti ang babae na parang may narinig siyang kalokohan. Sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa lalaki ay pansin ko agad na gusto niya ito. Her blue halter top and white high-waisted pants suited her well.

Napayuko ako, biglang nawala lahat ng gustong itanong kay Rouge. I looked at my plain black oversized shirt and sweatpants. Nakatali lang din ang buhok ko dahil sa init kanina.

"Baby, bilisan mo na d'yan. We have to go," bulong ko kay Alya.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya, at halos madurog ang puso ko nang makitang ang atensyon niya ay nasa direksyon na tinitignan ko kanina.

"Is that Daddy?" mahinang tanong niya sa sarili.

Sa kabila ng namumuong bikig sa lalamunan ay inabot ko ang kamay niya.

"Let's go?"

She gazed at me sadly. Itinuro ng maliit niyang kamay ang puwesto nina Rouge at Melanie na ngayon ay masaya nang kumakain.

May kung anong sumuntok sa dibdib ko. My Alya was hurting. Sanay na ako sa ganito... pero siya, hindi.

Tahimik lang na nagmamasid sa amin si Hunter. Sigurado akong nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mukha ko. Simula kasi nang isilang ko si Alya, ang mga mata ko ay naging bintana ng emosyon ko. I learned how to express myself to my daughter. I learned the value of admitting my own vulnerability rather than pretending to be strong. I learned how to stand up, only to be beaten down again.

It was a process. Basta kasama ko si Alya, kusa kong natatanggal ang maskara na suot ko sa loob ng maraming taon.

Yumuko ako at pilit na ikinalma ang sarili. It's okay, Debs. You're with Alya. Nothing can hurt you.

"Debs!" sigaw ni Melanie, dahilan para mapapikit ako nang mariin.

Nag-angat ako ng tingin at ginawa ang bagay na matagal ko nang hindi ginagamit pero matagal ko ring nakabisado.

Masking.

And so, as I tapped my feet on the cement floor, I gave Melanie a sincere smile.

Alam kong pinagmamasdan kami ni Rouge, pero hindi ako nag-abalang sumulyap sa kanya, lalo na nang magsimulang magtungo si Melanie sa direksyon namin. Umupo ito sa tabi ni Hunter, sa tapat namin ni Alya.

May pag-aalinlangan siyang sinundan ni Rouge. Naramdaman ko ang pagdikit ni Alya sa akin para ihilig ang ulo sa braso ko. I knew exactly what she wanted—to avoid her father by all means.

Tumikhim ako. "It's been a long time, Melanie."

She giggled cutely before looking at the child beside me.

"You have a daughter?" she exclaimed. Hindi niya kita ang mukha ni Alya dahil itinatago ng anak ko ang katawan niya sa likuran ko.

Pinadaanan ko ng tingin si Rouge na ngayon ay madilim ang itsurang nakatingin kay Hunter. Nang mapansin ang tingin ko ay tiningnan niya ako at bahagyang lumamlam ang mata.

"Ah... oo. May anak ako." Hinigit ko si Alya paharap sa kanila. Binigyan niya si Melanie ng isang maliit at pekeng ngiti ngunit hindi man lang siya tumingin sa ama.

I chuckled. "Pasensya na. Medyo mahiyain."

I mentally mocked myself. Alya was never shy!

Nagtagal ang tingin ni Melanie sa kanya kaya kinabahan ako. She noticed it, of course. Hindi rin naman tago ang relasyon namin ni Rouge noon, at kung bibilangin ang taon ay magtutugmang ang lalaking kasama niya ang nakabuntis sa akin.

"You're dating Hunter?" she asked.

Sasagot na sana ako ngunit padabog na kumuha si Rouge ng upuan at umupo sa gilid ko. My chest hammered.

"H-hindi, Melanie. Ngayon lang ulit kami nagkita," sagot ko, labis na kinakabahan sa presensya ng lalaki sa tabi ko.

Come on, he was with his date! Bakit ba sa akin siya lumalapit?! Harap-harapan na ngang nakita ni Alya ang landian nila!

"But I have plans of seeing her again," natatawang sabat ni Hunter.

Mapang-uyam na tumawa si Rouge. Naramdaman ko pa ang pagbaling niya sa akin.

Napaubo ako. "Hindi rin ako magtatagal dito sa Cebu," pagrarason ko. "Uuwi rin agad kami ng anak ko sa isla."

"Isla?" Melanie asked, confused.

I smiled but didn't bother to answer her. Sinikop ko ang mga gamit namin at tumayo na. Hinawakan ko ang kamay ni Alya at pinunasan ang amos sa gilid ng labi niya. Sa akin lang siya nakatingin, ni hindi binabalingan ang kahit na sinong nasa mesa.

"Uuna na kami," saad ko. "Hunter, thank you for today."

He puckered his lips before taking something from his wallet. Iniabot niya sa akin ang calling card niya na malugod ko naman iyong tinanggap kahit wala akong balak na tawagan pa siya. I just wanted this to end. Alam kong masama ang loob ni Alya at kung magtatagal pa kami rito ay baka hindi ko na kayaning makipagplastikan.

Tumayo si Melanie at ipinatong ang kamay sa balikat ni Rouge. Napapiksi ang lalaki at mabilis na tinanggal 'yon.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at walang imik na naglakad palabas. Hindi ko alam kung bakit hindi nakita ng mga kaibigan ko si Rouge gayong ang sabi nila ay sa labas lang sila. Nasagot ang tanong ko nang mapansing wala sila sa entrance kung hindi nasa parking lot.

Napabuntong-hininga ako. Gusto kong tanungin si Rouge tungkol sa nangyari ngunit parang wala akong lakas ng loob na magsalita matapos ang nakita ko. Was he seeing Melanie? Kaya ba ito umuwi ay para sa babae?

I swallowed. Baka... siguro.

Marami na rin namang taon ang nakalipas. Hindi naman para manatili ang pagmamahal niya sa akin gayong umpisa pa lang naman ay hindi talaga niya ako gusto. Kahit ang mangilan-ngilang sagutan namin sa isla ay hindi magiging sapat dahil walang salitang namagitan sa amin.

We were not together. Ni hindi niya nga ako mahal, eh. Nakakahiya lang na dapat pang makita ni Alya 'yon.

I was about to call my friends when someone grabbed my free hand. Sa init pa lang ng palad niya ay alam ko na agad kung sino siya.

Hindi ako agad humarap. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at umupo para pantayan si Alya na ngayon ay nakabaling na ang atensyon kay Rouge. She was glaring at him.

Huminga ako nang malalim. Tutal ay ito na ang lumapit, mabuti pang mag-usap na rin kami.

"Alya, pumunta ka muna sa mga tita mo," saad ko bago itinuro ang van. Nasa labas din naman kasi si Clifford at wala pang labinlimang metro ang layo ng sasakyan sa amin. "Tell them that I'm gonna talk to someone, okay?"

She nodded. Inihatid ko siya ng tingin, at nang kargahin na siya ni Clifford papasok sa sasakyan ay saka ako humarap kay Rouge.

"Ano ang kailangan mo?" I asked casually.

"Hindi kami ni Melanie, Reese. Wala kaming relasyon," sagot agad niya. "Model siya ng DB at kinausap ko lang siya dahil may gusto siyang ipasok na co-model. Alam kong hindi dapat ako ang kinakausap niya pero hiniling kasi niya kahapon na..." Huminga siya nang malalim nang mapansin wala akong interes sa sinasabi niya. "Makausap ako... kaya kami magkasama ngayon."

I nodded. "Pake ko?"

Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang nagtagis ang bagang sa pagpipigil ng emosyon.

"Ayaw ko lang na may isipin kang iba dahil wala akong ibang gusto, Reese," pagdadahilan niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ngunit ayaw kong mag-isip kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Hindi ako interesado sa kung sino ang gusto mo, Rouge. Ayan lang ba ang dahilan kaya mo ako kinakausap?" mahinahon ngunit may diing wika ko.

Ibinalik niya ang tingin sa akin at halos mapatulala ako nang magtama ang mga mata namin. Fuck these feelings I still have for him!

"Hindi," mahinang sabi niya.

"What? Puwede bang bilisan mo?" naiinis nang saad ko. I shouldn't let my emotions control me! Hindi puwedeng isang tingin niya lang ay malimutan ko na ang pagtatampo ni Alya!

"Si Hunter," he echoed. "Is he courting you?"

Lalo akong nainis. "Hindi mo ba ako narinig kanina? Sinabi ko na ngayon lang ulit kami nagkita!"

"Narinig kita pero narinig ko rin siya. You even accept his calling card," masama ang loob na sagot niya. Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang kumibot ang labi dahil sa pagtatampo. "Kasama n'yo pa si Alya tapos kumakain kayo ng ice cream..."

Para siyang batang nagrereklamo sa akin dahil hindi siya kasama. Oh God! Spare me! May isa pa akong aamuin sa van!

"He paid for our bills," tanging nasagot ko dahil hindi ko alam kung ano pa ang dapat sabihin lalo at halata sa mukha niya ang pagkabugnot.

"I can pay for it, too!" agap niya at humarap sa akin. "I can even buy his goddamn restaurant, 'wag ka lang niyang landiin!"

"Hindi niya ako nilalandi!" I exclaimed. "Ikaw nga ang lumalandi nang husto, eh! Nagreklamo ba ako?! Ang dami-dami mong sinasabi samantalang hindi naman tayo!"

"Eh 'di magreklamo ka..." parang bata na namang saad niya. "Ayos lang sa akin kung pagbabawalan mo ako, Reese. Kahit anong sabihin mo, susundin ko."

Sa supladong aura at tangkad niya, hindi mo aakalaing para siyang bata kung umasta. Kahit noon. Gusto niya ay lagi siyang bina-baby. Gusto niya ay iisa ang kulay ng damit namin kapag nag-da-date kami. Gusto niya ay lagi siyang nakayakap.

Muling dumaan sa palaisipan ko ang nakita kanina sa sementeryo. Alam kong hindi ito ang tamang lugar o oras para itanong 'yon ngunit hindi ko naman laging nahahagilap ang lalaki kaya pakiramdam ko ay mauubusan ako ng panahon.

I stared at him, and he did the same. The way he looked at me was gentle, but there was a veil of pain there.

I remembered every word he said on the day of the fashion show. He said he despised me and my dreams. I was a terrible woman, a murderer. He claimed he didn't love me and that he had planned everything to hurt me... to make me suffer.

I believed those words for years. And now that I was looking at him, I couldn't help but wonder... did he mean it? Kahit 'yong parte na lang na hindi niya ako mahal... did he mean it?

Inisip ko lahat ng mga bagay na maaaring ikinagalit niya sa akin. Naramdaman ko naman kasi na mahal niya ako. Naramdaman ko na handa siya para sa akin.

Did Abuelo's death drive him to hate me? To loathe me?

But... I didn't do anything. I just couldn't find the relationship between his love for me and his grandfather's death.

I let out a sigh and shifted my sight away from him. My heart was hammering hard against my chest, recognizing its owner.

"Rouge..." I whispered.

There was only one way to know the answers to my questions. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa kanya.

"Why didn't you tell me that Abuelo was dead?" diretsong tanong ko.

Napaawang ang labi niya kasabay ng pagguhit ng gulat sa kanyang mukha. I waited for him to ponder my question, but after a minute, he still couldn't say anything.

I smiled sadly. "Did you hate me that much?" I couldn't hide the bitterness in my voice. "Alam kong hindi n'yo ako ka-pamilya pero hindi mo manlang sinabi sa akin. Ganyan ba katindi ang galit mo?"

Umiling siya nang sunod-sunod. "That's not true," mahinang sagot niya.

"He died the day before the fashion show. Does that have something to do with your absence?"

He couldn't answer again. Natahimik lang siya.

Binasa ko ang labi ko nang maramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan. Gusto kong isipin na nagsinungaling siya sa akin pero wala akong makitang koneksyon kung bakit niya iyon gagawin.

His grandfather died at sapat na rason 'yon kung bakit hindi siya sumipot. But... I confronted him about it. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya pumunta! He couldn't have lied! He could've just told me everything!

But what if that was the truth? Na gusto niya lang akong gantihan at nagkataon lang din na namatay si Abuelo?

Sumakit ang puso ko sa naisip. That was the most reasonable one. Ang pagkamatay ni Abuelo ay walang kinalaman sa pananakit niya sa akin.

Tumango-tango ako, natatanga sa sariling isipin. Sumasakit ang mga mata ko sa kagustuhang umiyak ngunit ngumiti pa rin ako na parang walang bumabagabag sa akin. Come on, matagal ko nang natanggap ang lahat. Hindi na dapat ako nasasaktan.

"Sorry, hindi ko na dapat sinabi 'yon," anas ko. "Hindi ko rin naman karapatang malaman kung bakit at paano nawala si Abuelo dahil wala naman akong kinalaman sa buhay mo pero... 'wag kang mag-alala, Rouge, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. Sinabi mo naman sa akin ang rason noon kung bakit hindi ka pumunta... tanggap ko na rin 'yon."

He looked like he wanted to tell me something, but I shook my head to stop him.

"Sa nakalipas na taon, natanggap ko na ang dahilan mo. Na ginantihan mo lang ako at hindi mo ako mahal." Bahagya akong tumawa. "At pasensya ka na kung inungkat ko ulit ang nangyari noon... I thought I would find an answer that was less painful."

Tumingin ako sa van, naghahanda na sa pagtalikod sa kanya.

"Reese, the last thing I would do was to hurt you," bulong niya bago pa ako makaalis.

I tapped my foot again, not wanting to show any visible pain.

"You already did..."

"Y-yes..." hinang-hinang saad niya bago humakbang palapit sa akin. "But that was the only thing I could do that time, Reese. Mas mabuti nang sa akin ka magalit..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I'm not getting your point."

He looked into my eyes with so much passion and care. "I'm sorry that I had to hurt you... to break your fall."

"Hindi kita maintindihan!" sigaw ko.

He smiled sadly. "Just please, trust me when I say it was never my intention to hurt you." Hinawakan niya ang pisngi ko at pinalis doon ang luha na hindi ko manlang namalayang tumulo na. "Mas kaya kong tanggapin ang galit mo kaysa makita kang nasasaktan dahil sa lalaking una mong minahal."

What he said left me confused. He was the first man I had ever loved... or not?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro