Chapter 34
Chapter 34
Sinimulan agad nina Rapsly, Clifford, at Cali ang pagtatanong-tanong tungkol sa labi ni Mommy. Dalawang araw ang mabilis na lumipas at hanggang ngayon ay nag-aabang kami ng resulta. I didn't even know why my father kept it confidential, at hindi naman ako puwedeng magpakita at magtanong na lang bigla sa kanya dahil ang alam niya ay nasa isla ako.
I knew how dangerous my father was. Ayokong madamay ang mga kaibigan ko sa problema ng pamilya ko. Ngayon ay nanunuluyan kami ni Alya sa condo unit ni Cali dahil natatakot akong makita ng mga tauhan ni Daddy.
"Girl, ayaw kumain ni Alya," ani Clifford bago naupo sa tabi ko.
I sighed. Dalawang araw na siyang tahimik. Nag-aalala na nga ako dahil maunti lang din siyang kumain. Nakita ko ang paglabas niya sa kwarto at pagdiretso sa ref para uminom ng tubig.
"Alya, let's have a tea party!" Rapsly shouted, trying to cheer her up.
She pouted before shaking her head. Bumaling siya sa puwesto ko at malungkot na yumuko.
"Baby, come here," I uttered softly before tapping the unoccupied space beside me. "Give your mommy a hug."
Kahit malungkot ang mukha ay huminga ito nang malalim at lumapit sa akin. She sat on the couch and embraced me. Hindi siya nagsalita kaya hinaplos ko lang ang buhok niya.
I knew what was making her sad... I just couldn't admit it. She missed Rouge, and there was only one way for her to feel better.
Hinalikan niya ako sa pisngi bago nagpaalam na babalik sa kwarto. Tahimik ko lang siyang pinanood habang naninikip ang dibdib sa desisyong dapat kong gawin.
"Debs," tawag sa akin ni Cali.
I closed my eyes tightly. "Alam ko..."
"Alam kong nasaktan ka ni Harvin, pero hindi mo dapat hayaang maapektuhan doon ang anak mo."
I bit the insides of my cheeks when my shouts and screams from years ago came to mind. The begging, the days I spent alone in the mental hospital, the months I had to go through just to be a good mother to Alya, and the years that had passed.
People would easily tell you to forgive, but they wouldn't teach you how.
Nagmulat ako. "Easier said than done."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Rapsly. "Deborah, sa ayaw at sa gusto mo, may koneksyon na kayo ni Harvin. Don't let Alya suffer! At isa pa, bumabawi naman siya, 'di ba? Hindi ba sapat 'yon?"
"It's enough, of course, it's enough," agap ko, bahagyang bumibigat na ang paghinga.
"Then, what the hell was stopping you?!" Cali blurted out. "You're being too harsh on Harvin and Alya!"
"Cali!" sigaw ni Clifford.
"What?!" he answered back. "Your anger had consumed you, Debs. Harvin was reaching out to you!" Sumandal siya sa dingding at nag-iwas ng tingin sa akin.
Humawak ako sa kinauupuan ko, nanunubig ang mga mata. They wouldn't understand where I was coming from because they weren't in my shoes when I suffered. They didn't witness how I was getting better or how many times I broke down. They just saw the result, the sum of my experiences.
"I don't trust him!" pigil na sigaw ko.
"Debs..."
Umiling ako. "I can't trust him again after everything! What if he takes Alya away from me?! Kasi ganoon naman siya lagi! Kasi ayaw niyang sumaya ako! Kasi ang pangarap niya, makita akong nagdurusa! Kapag kinuha niya pa si Alya sa akin..." Naninigas ang panga ko sa labis na pagkokontrol ng emosyon. "Walang-wala na ako. Tama nang 'yong pangarap ko 'yong kinuha niya... 'wag naman si Alya."
They were speechless. Syempre, hindi naman talaga nila alam ang naging sagutan namin ni Rouge noon. It was just us... and the dark, void sky.
"Alam ko naman, eh. Alam kong balang araw, maghahanap din si Alya ng tatay. Alam ko rin na karapatan ni Rouge 'yon... pero, bakit ang hirap kalimutan ng lahat?" Nanginig ang boses ko. "Yes, I'm still a prisoner of my past! Oo, hanggang ngayon, galit na galit pa rin ako! Because that's the only way I could live! I have to strengthen my heart, kasi no'ng huling lumambot ako, nawala lang ang lahat sa akin!"
"Debs..." Cliff reached out to me. "We're sorry. Please calm down."
Cali bowed his head in apology, and Rapsly turned away from us to open the windows, taking his attention off of us.
"Sinusubukan ko naman," mahinang saad ko ulit. "Trust me, I'm trying. Hinahayaan ko ngang sumabay siya sa amin kumain, eh. Hinahayaan kong ipakita si Alya sa kanya kasi alam kong 'yon naman ang tama."
"I'm sorry, girl," Cali whispered. "I just feel bad for Alya because she doesn't deserve this." Lumapit siya sa akin at umupo sa puwesto kanina ni Alya. Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko. "Sorry. Don't rush yourself. I didn't mean it..."
I hugged him back, but I didn't say anything.
"I just probably miss the old Debs who would pour everything into love, like me." Cali chuckled lowly, trying to bring back the light atmosphere. "But, yes, things have changed, and whatever you're feeling is valid. It's your choice and decision."
I smiled at his words. Lumapit din sa amin si Rapsly at nakiyakap. Right at that moment, I felt comforted and loved. Alam kong gusto lang nilang itama ang mga desisyon ko pero alam kong kahit anong mangyari ay susuportahan nila ako.
"Dumadrama na tayo," tawa ni Rapsly. "Sign of aging ba 'to?"
Tumayo ako saglit at pinilit si Alya na kumain. Matapos 'yon ay pinasama ko siya sa amin sa sala habang nanonood kami ng vlogs ni Cali. Napapangiti na lang ako kapag nababanggit nilang tatlo ang pangalan ko kaya kilala ako ng daang libong subscribers niya.
"Hoy, i-v-vlog ko pala ang pagkikita-kita ulit natin! Sure money 'to at ang daming nagsasabing mag-face reveal ka na!" sigaw ni Cali habang punong-puno ng kanin ang bibig.
"How much is my talent fee?" I asked before laughing.
"Iyo ang 25% ng kita ko, ano?" hamon niya. "Tapos puwede mo pang i-promote ang business mo. My god, ha! You're very lucky to have me as your friend!"
"Excuse me?! Sa akin ka dapat grateful, Debs! I slapped Harvin when I first saw him after the fashion show!" si Rapsly.
"Aba, kung 'yan ang batayan, kay Clifford tayo! Sinapak, eh!" tawa ni Cali.
Ngumiti ako kahit bahagyang nag-init ang puso ko. "Mga siraulo."
Kinagabihan ay pinatulog lang namin si Alya. Nagbabalak kasi kaming mag-inom sa unit. Dito na rin sila matutulog dahil bukas ay sisimulan naming mag-libot sa mga sementeryo para hanapin ang puntod ni Mommy.
Nakita ko si Cali na nasa balcony at nakangiti habang may kinakausap sa telepono. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Babe, pag-uwi ko d'yan ay magda-date tayo, ha?" lambing niya sa kasintahan. "Isama natin ang junakis mo para hindi magtampo."
Sumandal ako sa glass door at pinanood lang siya. Nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwa, dahilan para mahawa ako roon. Parang dati lang ay lagi siyang umiiyak dahil madalas ay puro gago ang napapatapat sa kanya. We witnessed it all. Kahit no'ng naghahabol ako kay Rouge ay siya lang ang nakaintindi sa akin.
Ngayong masaya na siya, hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng pinagdaanan niya.
"Ay may chismosang nakikinig," aniya nang makita ako. "Inggit ka, 'no?"
Tumawa ako at lumabas na para tabihan siya. Agad na yumakap sa akin ang hangin. Ibinaba niya ang tawag at tumingin din sa minamata kong ilaw ng mga gusali. Rapsly and Clifford were at a convenience store, buying some drinks.
"Gaano na kayo katagal?" tanong ko nang matahimik kami.
"Almost five," he answered.
"Wow." Mahina akong tumawa. "Finally, 'no?"
"Oo, shuta! Nakailang trial and error ako. Inihanda lang pala ako ng Diyos para sa the best."
Bumaling ako sa kanya at nakita kong may kakaibang kislap ang mga mata niya. For a second, I envied him. Nakaka-miss magmahal. Nakaka-miss ngumiti dahil lang kausap mo ang isang tao sa telepono. Nakaka-miss magpayakap at makarinig ng kanta na iaalay sa 'yo.
Mahal na mahal ko ang anak ko, pero minsan, nakakapagod ding mag-isa. Nakakapagod na wala akong katuwang, na wala akong kasama kapag family day sa school ni Alya.
"Mahal mo pa, 'no?"
Wala siyang sinabing pangalan pero isang lalaki lang ang pumasok sa isip ko. That young man with his acoustic guitar. The one who always brought alcohol and tissues with him because he valued his hygiene. The one who loved to sing in front of a crowd. The one who promised to marry me after college.
Tumingin ako sa langit at para akong nilunod ng mga tala. Ang dami nila. Ang liwanag. Ang ganda-gandang tingnan.
Kinagat ko ang labi ko bago tumawa. Ibinaba ko rin agad ang tingin para balingan si Cali na ngayon ay nakamasid lang din sa akin.
I smiled at him, letting him see my naked vulnerability and showing him the young Reese Deborah, who didn't mind being called desperate for love.
"Sobra..."
Huminga siya nang malalim at sinuklay ang mahaba niyang buhok. Iniiwas niya ang tingin sa akin at humawak sa railings para kumuha roon ng suporta. He and Rapsly had he/him pronouns even after changing a lot of things in their bodies, but they wanted Alya to call them Tita. They reminded me that even though my circumstances had changed, some things would forever stay the same.
"Tangina, ang lakas ni Rouge." Tumawa ako nang mapait. "Ilang taon na, siya pa rin..."
"Mahal ka rin no'n," aniya, mahina ang boses.
Umiling ako. "Si Alya siguro... pero ako?" Natulala ako habang inaalala ang dahan-dahang pag-iling ni Rouge no'ng tanungin ko siya kung mahal niya ako. "Hindi ako mahal no'n. Kahit noon, hindi niya ako minahal. Pinatulan niya lang ako kasi alam niyang mahal ko siya."
"Harvin wouldn't name his yacht and company after you if he didn't." He shifted his weight. "Mas naging focus pa nga ang isang 'yon sa clothing line niya imbes na ipagpatuloy ang pangarap niya bilang flight attendant."
Pinakinggan ko lang siya dahil hindi ko alam ang mga tamang salita na dapat sabihin.
"Kakaunting flight ang tinatanggap niya kasi mas kailangan daw siya sa DB. But if you would ask me about his bruised back, wala akong alam do'n dahil unang beses ko lang ding nakita 'yon." Lumingon siya sa akin. "Still, one thing is for sure—Harvin loves you, maybe even more than how much you love him."
Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko dahil alam kong kasinungalingan lang iyon.
"Alam mo, kung ako siguro 'yong dating Debs, ang sarap pakinggan n'yan. Para kasing totoo." I bit my lower lip. "Ang daya, no? Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya kahit na ang dami niyang maling ginawa sa 'kin. Buti na lang natuto na 'ko. Ngayon, kahit ano'ng gawin niya, mas matimbang na 'yong hinanakit ko sa kanya. Hindi na dapat ako magpapauto, Cali."
Malamlam ang mata niyang nakatingin sa akin. "Free yourself, Debs. Masyadong maliit ang puso para punuin pa natin ng galit," he whispered. "Masyadong maikli ang buhay para manirahan ka pa sa nakaraan. We should learn from our past, not live on it."
Tinamaan ang puso ko sa sinabi niya pero umiling lang ako. "Madali lang sabihin 'yan, eh..."
Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko. "At hindi ako magsasawang paulit-ulit na sabihin 'yan sa 'yo kasi kaibigan kita, kasi kapatid kita... kasi mahal kita. Kaming tatlo, mahal ka namin, Debs. Wala kaming ibang hihilingin kung hindi ang sumaya ka. We don't want you to live on the past. We want you to cherish the present and be prepared for the future."
Tumulo ang luha sa mata ko ngunit bago ko pa mapalis 'yon ay siya na ang nagtanggal no'n sa pisngi ko.
"Clear your mind and continue to love again... dahil iyon si Deborah."
I cried like a child after hearing those words from him kaya noong dumating sina Rapsly at Clifford ay kinailangan pa nila akong patahanin. Rapsly danced sensually while Clifford sang in an off-pitch way to comfort me.
The next day, we got up early even though we had a hangover because we had to look for my mother's grave. Tumanim sa isip at puso ko ang sinabi ni Cali, at sa hindi malamang rason, gumising ako na parang magaan ang lahat sa akin... na parang kaya kong magpatawad.
Ano naman kung sinuko ko ang pangarap ko? May boutique naman ako ngayon. Ano naman kung nasiraan ako ng bait noong ipinanganak ko si Alya? Maayos naman na kami ngayon. Ano naman kung ilang taon ang ginugol ko sa isla? Nakilala ko naman sina Aling Tessie, Aling Joan, at Jaja.
Ano naman kung totoo ngang hindi ako minahal ni Rouge noon? Na ginamit niya lang ako para maghiganti? Na sinadya niya ang lahat para saktan ako?
I chuckled inwardly. 'Yun lang. Kahit anong gawin ko, masakit pa rin talaga.
But Cali was right. I shouldn't rush things. I couldn't control my past, but I could surely get ahold of the present.
Habang nasa biyahe ay nakalingkis lang sa akin si Alya. I looked at the window and suddenly remembered Mommy. May mainit na bumalot sa puso ko dahil matapos ang ilang taon, matatahimik na ako.
Agad din akong tinamaan ng lungkot nang maisip si Daddy. Was I still a disappointment to him? Ayaw niya na ba talaga sa akin? Nadurog ba ng isang pagkakamali ko ang relasyon namin?
I closed my eyes and pulled Alya closer to me.
"Debs, wala ba d'yan?!" sigaw ni Rapsly habang iniisa-isa namin ang mga puntod sa memorial.
Pinunasan ko ang pawis at umiling.
Nagpatuloy kami sa pag-iikot habang si Alya ay pinasilong ko muna sa isang malaking museleo.
"Nakakawala ng poise 'to, ha!" sigaw ni Cali habang patuloy sa paglibot sa paligid. Halos kami lang ang nasa sementeryo dahil maaga pa naman.
Ito rin ang ikatlong sementeryong napuntahan namin at kaunti na lang ay susuko na ako dahil wala talaga! Kaya pala hirap din ang kinuha nilang tauhan dahil parang isinekreto talaga ni Daddy ang lugar kung nasaan si Mommy! I felt so frustrated!
"Kumain muna tayo mamaya pagkatapos natin dito. Nakakapagod, eh," ani Cali nang lumapit sa puwesto ko.
"Sige... at may ibang araw pa naman. Ayos lang kung magpapahinga muna tayo ngayon."
Tumango siya at nagpatuloy sa pagdungaw sa mga puntod. Ganoon din ang ginawa ko. Matapos ang ilang minuto ay tumingin ako kay Alya na sinisilip ang loob ng museleo kaya napangiti na lang ako.
Ilang sandali pa ang lumipas at pare-parehas kaming bigo.
"Bakit ba kasi ako nag-heels? Bwisit," bulong ni Rapsly sa sarili. "We'll hire more men. Kailangan natin ng katulong. Ang dami-dami nating pera, bakit ba tayo nagmamakahirap?"
Nagpunas sila ng pawis at uminom ng tubig kaya muli kong sinulyapan si Alya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa loob ng museleo.
"Anak, halika na!" tawag ko sa kanya ngunit hindi niya yata ako narinig kaya lumapit na ako sa puwesto niya.
"Alya, aalis na tayo," mahinahong saad ko.
Doon lang siya napatingin sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo niya kaya naging sobrang kamukha niya si Rouge.
Walang imik siyang humawak sa kamay ko at hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin na tingnan ang sinisilip niya kanina pa.
Napasinghap ako nang makita ang larawan ng isang pamilyar na lalaki. Agad kong nabitawan si Alya dahil napahawak ako sa bibig ko.
"Hoy, Debs! Tara na!"
Cali's scream went right over my head because I was so shocked.
Abuelo.
My eyes welled up with tears, and my hands began to tremble as I read the date of his death.
It was years ago... the day before the fashion show.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro