Chapter 33
Chapter 33
The following days, the entire Isla Crisanto continued to celebrate the feast. Marami pa ring turista ang nasa lugar kaya mataas ang benta ko sa boutique. For five consecutive days, I brought Alya with me. Nakakahiya na rin kasi kina Aling Tessie at Jaja.
The guy who sexually assaulted me was still in the hospital, recovering. Malala ang naging lagay niya dahil sa natamong suntok at tadyak kay Rouge. Kinailangan pang salinan ng dugo. But he deserved it. He was a pervert. Nakausap ito ni Clifford at sinabing gustong humingi ng tawad sa akin dahil nakagamit nga ito ng droga, ngunit hindi ko na siya pinakialamanan.
Pansin ko rin na laging nasa paligid si Rouge. Nakapagtataka ngang hindi pa ito tumutulak pabalik sa syudad kung saan siya nanggaling gayong wala naman na siyang agenda rito. Madalas ko siyang nakikita sa palengke at tumutulong kina Aling Tessie sa paghahakot ng isda, karne, at ibang paninda. Kung wala naman doon ay nasa shop siya ni Aling Joan para tumulong sa pag-aayos ng mga tela. Ewan ko, feeling niya yata ay residente na siya rito.
Pagkatapos ng naging usapan namin, hindi niya na talaga kami ginugulo. Nahuhuli ko na lang siya na sumusulyap sa amin ni Alya kapag kakain kami ng tanghalian. Kapag uuwi naman kami ay may naghihintay nang tricycle sa labas ng boutique. I knew it was him who called the driver for us... para hindi na kami maglakad o pumara ng iba.
"Mommy, kapag sumama po tayo kina Tita Cali papuntang Cebu, ano pong gagawin natin do'n? Are we gonna stay there for good?" kuryosong tanong ni Alya habang nakaupo sa gilid ko at pinapasadahan ng tingin ang designs ko.
Umiling ako. "We'll just visit your Lola's grave. Remember Lola Sheryl?"
"Yup, she's your mommy."
I chuckled and kissed her forehead. "That's right. She's kind and beautiful like you."
Nangingiti niyang ibinalik ang mga mata sa portfolio ko. Wala pa sina Cliff, Rapsly, at Cali dahil ang sabi nila ay mamayang hapon pa sila makapupunta. Sakto rin namang may maliit na kainan kina Aling Tessie at inimbitahan niya kami para doon na maghapunan.
Isinubmit ko rin kay Mayor ang bagong designs ko para ipasa niya iyon sa sponsors na gustong i-screen ang mga gawa ko. Lampas singkwentang damit ang pina-reserve ni Clifford para sa orphanage. Sina Cali at Rapsly naman ay mga sapatos, ilang damit, at accessories ang binili. Hindi ko nga alam kung totoong nagandahan sila sa gawa ko o sinusuportahan lang nila ako bilang kaibigan.
Nevertheless, it was business, so I had to take their orders.
"Baby, sa palengke na lang tayo kumain, sa carenderia... is that okay?" tanong ko nang mag-alas onse na.
"Opo, My. Gusto ko ng tortang talong and menudo." Isinarado niya ang magazine at tumayo. Humarap pa siya sa salamin at bahagyang inayos ang buhok.
She was wearing a baby blue flowy dress and white open shoes. I also braided her hair so that it wouldn't mess around her face. Ini-lock ko ang sliding door ng boutique habang hawak ang kamay niya. Hindi naman na namin kailangang sumakay ng tricycle dahil halos tatlong minutong lakad lang ay nasa palengke na kami.
I stopped walking when I saw Rouge sitting on a sack of rice while listening to the workers' laughter. He was grinning, too. Nakaputing sando lang siya at itim na shorts pero mahahalata mong may sinasabi siya sa buhay.
My daughter saw him, too, dahilan para humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi naman siya nagsalita gaya ng dati. Ilang beses na rin kasi naming nakita si Rouge na palibot-libot lang sa isla. Minsan ay may kasamang mga hindi ko kakilala at minsan naman ay mga trabahador din sa palengke.
Nawala ang ngisi ng lalaki nang makita kami. Bahagyang lumapit sa akin si Alya. Marahil ay nahihiya o natatakot. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan kasi namin silang lampasan para makarating sa eatery.
Ganoon lang naman ang estado namin araw-araw. Tuwing kakain kami sa boutique ay mapapansin ko siyang nakatayo sa labas, para bang nagmamasid. Tahimik na nanonood sa amin. Kapag naman bubuksan ko ang sliding door para ipaalam sa kanya na pansin ko ang pagtanaw niya sa amin ay mabilis din siyang umaalis.
My daughter and I were eating in silence when Rouge entered the eatery. Pansin ko ang pagbaling ng ilang customer sa kanya at kita ko kung paano niya kami pinasadahan ng tingin. I gulped, but I continued eating.
Malapit lang kami sa estante ng mga ulam kaya nang lumapit siya roon ay napatigil si Alya sa pagkain para tingnan ito.
Nagkatinginan ang dalawa at pansin ko ang taranta sa mukha ng lalaki.
"Pogi, ano ang sa 'yo?" maligayang tanong ng tindera.
Bumaba ang tingin niya sa kinakain namin bago nag-iwas ng tingin.
"Tortang talong po at menudo," mahinang sagot niya.
Hinawakan ko ang buhok anak ko nang mapansing hindi pa rin siya nagpapatuloy sa pagkain. Nakatingin pa rin siya sa lalaki at bahagyang nakanguso.
"Alya, finish your food," utos ko.
Napatingin siya sa akin. "Mommy, nauuhaw po ako."
I smiled. "Okay, ikukuha kita ng tubig. Basta ay ubusin mo 'yan, ha?"
Tumango siya sa akin. Tatayo na sana ako nang maglapag si Rouge ng dalawang baso at isang pitsel ng tubig sa mesa namin.
Sabay kaming napatingin ni Alya sa kanya... and he looked nervous.
"Uh... mas malapit ako sa tubig kaya ako na ang kumuha," aniya bago muling nag-iwas ng tingin.
I breathed deeply. Mabilis na naman ang tibok ng puso ko.
"S-salamat po," maliit ang tinig na tugon ni Alya.
Mabilis na napapaling ulit ang ulo ni Rouge sa kanya at kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. It was like he won the lottery. His eyes glittered in joy.
"You're welcome... always," he answered, still smiling.
Bukod sa pasulyap-sulyap ni Rouge ay mapayapa namang natapos ang lunch namin. Sinundan niya rin kami hanggang sa makabalik kami sa boutique. Hawak ko si Alya pero alam kong nasa likuran namin siya, halos pitong metro ang layo. He was like a stalker, but I didn't stop him. My conscience was killing me.
Bago pumasok sa boutique ay tiningnan ko pa ito. Mukha siyang nagulat pero agad ding tumalikod.
I sighed and entered the shop. It wasn't long before my friends arrived. Gaya ng dati ay napakaingay nila at sila na rin ang nag-assist sa mangilan-ngilang customers na pumapasok. Si Cali naman ay panay ang pakikipagkuwentuhan kay Alya.
"Gusto mo bang maging model?" tanong nito sa anak ko.
Masayang-masayang tumango si Alya. "I want to wear all kinds of clothes po!"
"Grabe, fashion designer ang mommy, may clothing line ang daddy tapos model ang anak!" he uttered carelessly.
Napanguso si Alya at hindi na sumagot. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paggawa ng financial report. Hindi ko maiwasang hindi maisip si Rouge, lalo sa nangyari kanina. I felt guilty, okay, pero may pumipigil pa rin sa akin para patawarin siya.
Karapatan niyang maging ama kay Alya, ngunit sa ginawa niya sa akin noon, pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang papasukin ulit sa buhay ko.
Nang maisarado ang shop ay kita kong buhat-buhat na ni Cliff si Alya dahil tutulak na kami sa bahay nina Aling Tessie para doon mag-hapunan. My friends and daughter were humming happily, excited sa pagkain.
"Cliff, ibaba mo nga 'yang si Alya at mabigat na 'yan," anas ko habang naghihintay kami ng tricycle.
He shook his head. "Hindi dapat pinapatapak sa lupa ang ganito kagandang bata, eh." Tumawa siya bago bumaling sa anak ko. "Buti na lang hindi ka kamukha nina Tita Rapsly at Tita Cali mo."
"Hoy, Clifford, ang kapal ng mukha mo!" sigaw agad ni Rap. "Panigurado namang kung bisexual ka, niligawan mo na ako!"
"Yuck," he replied.
"Nakita ko 'yan may ka-chat na male model!" akusa ni Cali habang itinuturo si Cliff, nanlalaki ang mga mata. "Patago lang pero malandi ka rin, eh!"
Tinawanan ko lang sila hanggang sa makasakay kami. Hindi talaga binitawan ni Cliff si Alya. Makalipas ang halos sampung minuto ay nakarating na kami sa bahay ni Aling Tessie. Alas sais na ng gabi at kita agad ang mga mesa sa labas. Pamilyar ang lahat sa akin dahil halos magkakapit-bahay lang naman kami rito.
Maingay ang mga paligid dahil sa kuwentuhan at tawanan. Nang makita kami ni Aling Tessie ay tinawag niya kami at pinaupo sa isang bilog na mesa.
"Walang papi," bulong ni Rapsly. "Sayang outfit."
"Bakla ka, magpahinga ka naman..." natatawang saad ni Cali.
Habang nagkukulitan ang apat sa mesa ay tumayo ako para tumulong sa kusina. Panigurado kasing abala ang lahat dahil marami na ang bisita.
Natigilan ako sa paglalakad papasok sa kusina nang makasalubong ko si Rouge na may bitbit na mga pinggan, parang tumutulong din kay Aling Tessie. Nagulat din siya ngunit mabilis ding gumilid para padaanin ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at kumuha na lang ng pagkain para sa mga kasama ko. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong naging conscious sa itsura ko dahil hindi manlang ako nagsuklay bago umalis ng boutique kanina.
"Debs, ako na d'yan! Umupo ka roon at i-entertain mo ang mga bisita mo," saad ni Aling Tessie nang makitang sisimulan ko na ang paghuhugas ng pinggan. "At nandyan pala si Sir Harvin, nahihiya nga ako at kanina pa tumutulong dito! Kahit no'ng nasa palengke ay ipinagbubuhat ako! Ikaw na muna ang bahala, ha? Hindi kasi ako makaupo at ang daming bisita."
Napanganga ako at agad na kinabahan. "Uhh... wala po ba siyang kasama?"
"Wala!" Umiling siya. "Paupuin mo na sa table n'yo dahil hindi ko na talaga siya makaasikaso. Magkakakilala naman kayo, 'di ba?"
I exhaled before slowly nodding. Napansin ko si Aling Joan sa gilid ng kusina na nakatingin din sa akin. Ngumiti siya na parang nang-aasar dahil alam niya ang relasyon namin ni Rouge. May ilang mga lalaki ang pumunta sa mesa namin at nilagyan kami ng pagkain. Sumunod lang ako sa kanila.
I looked around and saw Rouge sitting silently on a hammock. Nakatingin lang ito sa dagat na parang may malalim na iniisip.
I breathed deeply as I silently walked up to him. I could feel the tension building up within me.
"Rouge," agaw ko sa atensyon niya.
Napatingin siya sa akin at nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya. Dahan-dahan din siyang tumayo at agad akong napatingala sa ilang pulgadang taas niya sa akin. He fixed his clothes and swallowed hard.
"Reese," he uttered hesitantly. "May maitutulong ba 'ko?"
I looked away. "Pinapasabi ni Aling Tessie na sa table ka na lang namin kumain para may makasama ka."
"Huh? Ano... ayos lang naman ako." Rinig ko ang pagkataranta sa kanya. "Hindi naman..." he trailed off. "Hindi ka naman obligado sa akin. It's okay, Reese, I can stay here."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling huminga nang malalim. My heart pounded loudly against my chest. Mabuti nga at may kaingayan ang paligid kasi kung hindi ay baka narinig niya na ang paghaharumentado ng puso ko.
"Nahihiya si Aling Tessie kaya gusto niyang sumama ka sa amin," sagot ko bago bumaling sa puwesto niya.
Nakatingin lang din ang malalim na mga mata niya sa akin at nang magtagpo ang tingin namin ay napabuntong-hininga siya.
"Ayos lang ba sa 'yo?" mahinang tanong niya. "Naroon si... Alya. Baka hindi ka rin maging komportable na naroon ako. Ayoko namang maka-abala rin kaya 'wag mo nang pilitin ang sarili mo dahil ayos lang talaga."
I pressed the tips of my fingers. "Ayos lang naman sa akin pero sige, kung ano ang gusto mo..."
Tumalikod ako sa kanya at halos mapatanga ako nang maramdaman ang kamay niya sa braso ko. His hand felt warm against my skin. Napaharap ako sa kanya.
"A-ano, kung ayos lang sa 'yo, sasama ako," mabilis na saad niya. "Ayun naman ang gusto ko talaga."
Binitawan niya ang braso ko kaya napatango na lang ako. Naglakad kami patungo sa mesa at kita kong napatigil sa pagtatawanan ang mga kaibigan ko nang makita ang kasama ko.
"Harv," bati nila sa lalaki.
Umupo ako sa dating puwesto ko katabi si Alya na ngayon ay nakatingin din sa tatay niya. Tumayo si Cliff at lumipat sa tabi ni Cali para makaupo si Rouge sa kaliwang upuan katabi ng kay Alya. Mukhang kinakabahan pa ito bago nagdesisyong umupo na sa tabi ng anak niya.
Natahimik ang mesa namin dahil sa namuong tensyon sa paligid. Hindi ko na lang pinansin iyon at nagsimula na sa pagkain.
My friends faked a cough before digging in. Napailing na lang ako sa kanila. Hindi ko binabalingan ng tingin si Rouge dahil ayaw kong makaramdam ng kahit na ano para sa kanya. I should stick with my decision. Ginagawa ko lang ito dahil nautusan ako. Nothing more, nothing less.
"Mahilig ka ba sa cake?" mahinang tanong nito kay Alya na hindi nakalampas sa pandinig ko. "Mayroon sa loob, gusto mo bang ikuha ko kayo ng Mommy mo?"
"Hindi po, masyadong matamis," supladang sagot ng bata.
I gulped when I heard him release a sigh.
"Eh... sa buko salad?" tanong niya ulit.
Sinulyapan ko sila at nakita ko ang pag-iling ni Alya.
"Hindi rin po."
Ngumiti ang lalaki at bahagyang binasa ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa anak. "Hindi ka mahilig sa matamis, eh samantalang kami ng Mommy mo ay mahilig," aniya habang nakangiti.
Hindi sumagot si Alya at pinanatili ang blankong ekspresyon habang nakatingin sa pinggan niya. Kitang-kita ko kung paanong lumungkot ang mukha ni Rouge.
"M-mabuti at marunong ka nang kumain mag-isa!" aniya ulit, kahit halatang naiilang na si Alya sa kanya.
"Tinuruan po ako ni Mommy dahil abala siya sa trabaho at wala naman kaming ibang kasama sa bahay na puwedeng gawin ang lahat para sa akin," she replied in a monotone.
I breathed heavily and looked at my friends. Lahat sila ay pinanonood lang kami at nakita ko ang pagsenyas ni Rapsly na aalis muna sila dahil tapos na rin silang kumain. Ni hindi manlang nila ako pinagsalita dahil tumayo na agad sila. Tuloy ay kaming tatlo na lang ang natira sa mesa.
Napansin ko ang pananahimik ni Rouge at bahagyang paglayo kay Alya. Nilalaro lang niya ang pagkain sa pinggan niya habang madiin ang hawak sa kutsara. Something pinched my heart. I felt so sad for him... even though I knew that he deserved it.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita kong kinuha ni Alya ang balat ng fried chicken na paborito niya at pasimpleng inilagay sa pinggan ni Rouge.
"S-sorry po," bulong niya bago nagsimula ulit na kumain.
My eyes watered when Rouge's expression suddenly softened. Napatingin pa siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa ginawa ni Alya.
Slowly, I smiled at him and I saw how his eyes glistened.
Dahil mahaba ang buhok ni Alya ay panay ang wasiwas niya rito para hindi ito humarang sa mukha niya. Kumuha ako ng pamuyod para ipitan siya, ngunit bago ko pa magawa ang binabalak ko ay nakita kong sinikop na ni Rouge ang buhok nito.
Napatingin si Alya sa kanya.
"Ayos lang po," bulong ng bata.
Rouge smiled and shook his head. "Sige na, kumain ka na at hahawakan ko lang ang buhok mo hanggang matapos ka."
Warmth enveloped my heart. It was like they were on their own world, their own cloud. Ni hindi ko kayang sumabat sa kanila dahil ayokong sirain ang pagkakataon na ito para makapag-usap sila.
That time, I admitted to myself that I still wanted Rouge to prove himself. I still wanted him to be the father of my child.
Simula noong araw na iyon, hinayaan ko si Rouge na paminsan-minsang sumabay sa amin sa pagkain ng tanghalian sa palengke. I started to appreciate his efforts, especially for Alya. I was content with that. Kahit madalas na tahimik lang ang anak ko kapag kasama namin ito ay nagpatuloy pa rin si Rouge.
It was more than enough for me. Para akong biglang nakumpleto.
Lumipas ang mga araw hanggang dumating na ang oras ng pag-alis namin sandali sa isla. I didn't know what to feel. Halo-halo ang kaba, takot, at saya sa puso ko. Kaba at takot para kay Daddy at saya dahil sa wakas, mahahanap ko na si Mommy.
Clifford informed me that Rouge would be coming with us. Uuwi raw kasi ito sa Cebu, at hindi na ako nagtanong kung bakit dahil alam ko namang si Abuelo lang ang uuwian niya roon.
"Baby, nailista mo na ba ang mga ipapasalubong mo kay Ate Jaja?" tanong ko kay Alya, madaling araw, habang hinihintay namin ang ibang kasama.
"Opo, My." Niyakap niya ang manipis na katawan nang humampas ang hangin kaya hinigit ko siya palapit sa akin para hindi siya lamigin.
Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya ngumuso ako.
"Anong kailangan ng magandang bata na 'yan?" malambing na tanong ko sabay hawak sa malambot na pisngi niya.
She pouted. "Kasama ba natin 'yong nang-away sa atin dati, Mommy?"
I smiled. "His name is Harvin, and yes, kasama natin siya." I sighed when I saw a tricycle approaching us. "Why? Hindi ka ba komportable sa kanya?"
"Aalis na po siya?" malungkot na bulong niya.
Napatigil ako at hindi nakasagot.
"Is he your boyfriend again, My?" she asked again before I could even process her previous question.
My eyes widened a fraction. "What? No!"
Huminga siya nang malalim at isinandal ang ulo sa tiyan ko.
"Daddy ba 'yon ni Alya, Mommy?" mahinang tanong niya. "I looked like him, but I still can't forgive him because he made you cry... and he'll leave... us," she whispered the last words to the point that I didn't even grasp it.
I looked at the sky and fell in love with it right away. May mga bituin at ang buwan ay nasa buong ningning nito.
Things had changed almost instantly. Ni hindi ko na maintindihan ang sarili. Gusto kong pahirapan ang lalaki. Gusto kong lumayo na siya sa amin, pero kapag nakikita kong nalulungkot siya dahil hindi siya makalapit kay Alya ay nadudurod ang puso ko.
Siguro, kahit hindi na para sa akin... kahit para sa anak ko na lang. Malaki ang kasalanan niya sa akin pero sa bata, wala.
Hindi ko na nasagot si Alya dahil tuluyan nang dumating ang mga kasama namin. Dumikit agad sa akin ang anak ko nang mamataan si Rouge na papalapit sa puwesto namin.
He was wearing a white basic statement shirt and black pants. Napataas ang kilay ko nang makitang suot niya ulit ang hikaw niya at may nakasukbit pang gitara sa likuran. Iniiwas ko ang tingin sa mabilis na pagkirot ng puso ko. It was him. It was my Rouge before everything happened... before he decided to break my heart.
"Good morning," he greeted us in his usual low, hoarse voice.
Tumango lang ako at binitbit na si Alya. Wala sa mood ang mga kaibigan ko kaya tahimik lang sila. Ang sabi pa ay babalik sila sa isla dahil doon lang nila naranasan ang totoong pahinga.
"Matagal pa ba ang motor boat?" tanong ko kay Clifford nang lumipas ang sampung minuto ngunit wala pa ring dumarating.
"Anong motor boat?! Yate ang hinihintay natin, gaga!" natatawang sagot niya.
I pursed my lips and was about to respond when my daughter called. Her lips were pursed, and her eyes were sleepy.
"Karga, My," mahinang saad niya.
My brows furrowed. Ang dami kong dala! I couldn't carry her!
"Baby, mamaya na lang, ha? Marami pa kasi akong dala. Ayos lang ba?" mahinahong wika ko.
Ngumuso siya at lumungkot ang mukha kaya napabuntong-hininga ako. I looked around and saw all my friends carrying their own stuff. Kahit kasi ang mga helper ay marami ring bitbit. Napasadahan ng mata ko si Rouge at napansing nakatingin lang din siya sa akin, parang naghihintay.
Ilang segundong tinginan lang ay lumapit siya sa amin. Mabilis na tumuwid ng tayo si Alya sa presensya ng lalaki.
"May problema ba?"
I heaved a sigh. "Inaantok na kasi si Alya at gustong magpabuhat. Hindi ko lang kaya kasi marami akong dala."
He shifted his weight and glanced at his daughter. Nagtago sa likod ko si Alya kaya nang bumalik ang tingin sa akin ni Rouge ay umiling ako sa kanya.
He gulped and still pushed his luck.
"Alya," he called her softly. "Do you want me to carry you?"
"Hindi po!" sigaw ni Alya na parehas na nagpagulat sa amin. "'Wag n'yo na po akong lapitan dahil hindi po ako komportable sa inyo."
My lips parted at her sudden outburst. Ni walang salitang namutawi sa labi ko dahil sa labis na gulat.
"Lagi na lang kayong nasa paligid namin, hindi naman po namin kayo ka-ano-ano," mahinang bulong pa niya na parehas naman naming narinig.
"Alya, that's not a nice thing to say!" agap ko lalo at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mukha ni Rouge.
"Mommy, I'm growing tired of his presence! Aalis din naman siya ulit kaya bakit pa natin sasanayin ang sarili natin na kasama siya?!" she shouted back, tears pooling in her eyes.
Para akong sinuntok sa narinig sa kanya. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi ko dahil wala akong maisagot. She was right. Nasa isla ang buhay namin, sobrang layo mula sa buhay ni Rouge... kaya bakit pa?
Tumingin ako sa lalaki at gaya ko ay mukha rin siyang natigilan. For days, we spent our lunch time together. Kahit tahimik lang kaming kumakain ay alam kong medyo gumaan na ang pakiramdam ni Alya sa kanya. Kaya ngayong tutulak na ito pabalik sa lugar kung saan naman talaga siya bagay, hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko alam kung para kay Alya o para na rin sa sarili ko.
Hanggang sa dumating ang yate na may pangalan pang Reese ay natahimik lang ako. Lumayo si Rouge sa amin at hindi na ulit nagsalita. Buong byahe ay tahimik lang siyang nakamasid sa dagat habang ang lahat ay natutulog.
He was looking at the ocean while I was staring at his back... the most familiar scene to me. Sa ilang daang beses niyang pagtalikod sa akin, saulong-saulo ko na ang bawat kurba ng katawan niya. It changed, yes, but my heart could still recognize him.
It hit me. My daughter was right. Aalis nga ito. Hindi nga siya mananatili dahil bukod sa wala namang salita at pangakong namagitan sa amin, ang buhay niya ay malayo at masyado nang mataas para maabot pa namin ni Alya. Hindi niya na kami panonoorin. Ito na 'yong hinihintay ko. Wala nang manggugulo sa amin.
But why did it hurt so much? The thought of not seeing him again was clenching my heart.
Ang gago lang na kahit galit na galit ako sa kanya, hindi ko magawang talikuran ang nararamdaman ko. I fed my hatred for him, but now that he was finally leaving, I felt as if my other half was being taken from me.
Sumakay pa kami ng eroplano at van pero wala na akong naiisip kung hindi ang ilang sandali na lang na makikita ko ang lalaki. I wanted to force him to stay and prove Alya wrong, but I didn't want to be selfish. Umpisa pa lang naman kasi ay sinabi ko na sa kanyang hindi namin siya kailangan.
Naputol ang iniisip ko nang salubungin ako ng pamilyar na hangin at klima ng Cebu. Nostalgia instantly filled my heart. This is where I grew up. This is where my dreams were molded. This is where I gave birth.
"Ah, Cebu!" sigaw ni Rapsly at ibinuka pa ang dalawa niyang kamay para damhin ang hangin.
Mabilis siyang binatukan ni Cali. "Ang OA mo! Halos isang buwan lang tayong nawala!"
I smiled, but the pain didn't leave my heart. Kabababa lang namin at kasalukuyang inaayos ng helpers ang mga gamit namin. I looked at the van and saw Rouge staring intently at us. Hawak ko ang kamay ni Alya at alam kong pareho kami ng tinitingnan ng anak ko.
It was the most painful moment to behold. All of a sudden, I wanted to run to him and tell him that he should be responsible for his family... but that would make me a hypocrite. Sinabi ko sa kanya na hindi niya anak si Alya, at kahit alam kong hindi siya naniwala sa akin, pakiramdam ko ay sinampal ako ng katotohanan na tapos na, tapos na ang mga araw ng pagmamasid niya sa mag-ina niya.
He was looking at us in such a lonely way. Would he come back? Ni hindi manlang siya nagpaalam sa amin. Hindi siya bumababa ng sasakyan.
Nang tuluyang maibaba ang mga gamit namin ay isinarado na ang pintuan ng van at naiwan ang mata ko sa tinted na salamin nito. Wala pang ilang segundo ay nawala na nga ang sasakyan sa harap namin.
Humigpit ang hawak sa akin ni Alya at nang tingnan ko siya ay tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata niya. She wiped her tears, breathing hard.
"I hate him!" she cried.
My lips trembled in pain because I knew she didn't.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro