Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

‍Hindi ko alam kung paano natapos ang umagang 'yon. Alya kept on crying the whole day, and she seemed really down. Kahit ako ay hindi niya kinakausap. I didn't know what to ask her. Ni hindi ko alam kung paano niya nasabi ang mga katagang binitawan niya.

Rouge promised not to bother us anymore. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

I asked Aling Tessie and Jaja to look after Alya while I was working. Ngayong nasa boutique naman ako, hindi ako makapag-focus. Fiesta ngayon sa isla kaya marami-raming tao. Magandang opportunity ito para sa trabaho ko pero kahit may mga pumapasok na customers ay hindi ko sila ma-entertain nang maayos. My mind was elsewhere.

"Debs, isarado mo na kasi itong shop mo. Igala mo na muna kami," ani Rapsly habang pinapasadahan ng kamay niya ang ilang mga damit.

I sighed. "Hindi puwede, maraming tao ngayon. Baka marami akong maibenta."

Cliff scoffed. "Papakyawin ko 'to bago kami umalis! Ibibigay ko sa mga bata sa orphanage."

"Bibili rin ako," segunda ni Cali. "Para sa anak ni Lenin."

I chuckled. Lenin, a single father, was his longtime boyfriend. Isinarado ko ang hawak na magazine at bahagyang nag-isip. Parang nakaka-guilty na isarado ang shop tapos hindi ko isasama si Alya. Should I tell it to them? Tutal hindi naman na kami guguluhin ni Rouge... siguro puwede ko nang sabihin?

"Girl, do you remember Nime? 'Yong kaklase natin no'ng college?" Rapsly blurted out. "She broke up with Zane after years of being together! Hulaan mo kung bakit!"

My forehead knotted. "Uhm, maybe because she isn't happy anymore?"

Cali laughed. "Nope!"

"Okay?" pagtataka ko.

Ngumisi si Cliff. "Umamin kay Rap, matagal na raw siyang gusto."

Umawang ang labi ko. "The fuck?!"

"Right?! I mean, yes, she's pretty! Pero jusko, nota rin ang hanap ko! Lason!" tili ni Rapsly habang ikinukunot pa ang noo. "Mabuti sana kung si Zane ang nag-confess sa akin!"

"And Mizuki, the one who attempted to steal your designs..." Cali uttered. "Well, she became the mistress of the president. She's all over the internet!"

Napasandal ako sa inuupuan ko at nakinig pa lalo sa kanila. Hindi nila ikinuwento sa akin kung paano sila napadpad sa DB Store pero isinalaysay nila sa akin lahat ng pinagdaanan nila bago marating ang estado nila ngayon.

"Akala natin dati ang bilis lang, 'no? 'Yong after graduation, akala natin tatawagan tayo ng companies, makakapagtayo agad tayo ng bahay, makakabili agad tayo ng kotse, makakapagpundar agad tayo..." saad ni Clifford.

Rapsly smiled. "Oo, tapos no'ng nasa real world na tayo, walanghiya, ang dami palang magaling. Hindi pala sapat na nakatapos ka lang. Kailangan pala talaga ng pagsisikap."

"Partida may pera at koneksyon pa ang mga pamilya natin, ha? How much more 'yong mga wala?" Cali heaved out a sigh. "Totoo talagang ang opportunities hindi bukas para sa lahat... not unless you're very talented or rich..."

I couldn't help but agree. Kahit hindi ko na sinubukang pasukin o abutin ang pangarap namin dati, naniniwala akong hindi sapat 'yong marunong ka lang kasi kahit saan ka pumunta, laging may mas higit sa 'yo. It was just a matter of contentment.

"Excited ako dati na makatapos pero no'ng naharap ko na ang mundo, gusto ko na lang maging estudyante ulit," Cali added. "Anyway, bakit ba tayo nagdadrama samantalang successful naman na tayong lahat?"

Napangiti ako. For only a few hours, nalimutan ko ang nangyari kahapon dahil sa mga kuwento nila. Sa huli ay nakumbinsi rin nila akong isarado ang shop para kumain sa isang local restaurant.

"Cliff, ikaw ang magbayad ha," pambuburaot agad ni Cali.

"Aba, patak patak!" reklamo ni Cliff.

"Eww..." sabat ni Rapsly bago kunin ang wallet niya. "I will pay for it tutal ako naman ang pinakamaganda sa atin dito."

Ang mga dingding ng kainan ay salamin kaya kita ang nangyayari sa labas. We settled ourselves at one of the tables near the wall. Sila na rin ang umorder habang ako ay tinitingnan lang ang tanawin. Kahit tanghali na ay maraming nasa dagat at naliligo. Some of the tourists tanned their bodies by basking in the sun.

"Night swimming tayo mamaya pagkatapos ng party."

Dahil sa nakasanayang sagot kapag may nagyayaya sa akin ay umiling agad ako. "Hindi ako puwede. Nag-aantay pa ang anak ko sa akin," saad ko habang nakatingin pa rin labas.

"Anak?"

Namilog ang mata ko at agad na napatakip sa bibig dahil sa nasabi. Napatigil sila sa ginagawa at tiningnan ako, nanliliit ang mga mata. Kinagat ko nang mariin ang labi at lihim na pinagalitan ang sarili dahil sa kadaldalan.

"You have a child?" Rapsly asked, surprised.

Hindi ako nakasagot.

"Gago, seryoso ba?" si Cali. "Tanga ka, Deborah. Anong anak? May asawa ka na ba?!"

"Huy, paano si Harvin?" Cliff uttered unconsciously, dahilan para magtaka ako.

"Reese Deborah, hindi mo ikinaganda ang hindi pag-imik, shuta ka. Nadulas ka na! Sabihin mo na 'yan!"

Tinanggal ko ang kamay sa bibig ko at inisa-isa silang tingnan. Great job there, Debs! You deserve an award! Saglit kaming natahimik dahil isinerve ang pagkain namin ngunit nang makaalis ang waiter ay mariin pa rin ang tingin nila sa akin.

I sighed. They were my friends, and I should trust them... kahit pa nabanggit ni Cliff si Rouge.

Tumango ako sa kanila. "I have a seven-year-old daughter, but no, I'm not married."

"Seven?" Rapsly squinted his eyes at me. "If my calculations were right, nabuntis ka before or after ng graduation."

I clenched my fist on the hem of my shirt. "B-before graduation."

Cali gasped. "Fuck." Napapikit pa siya sa sobrang gulat. "Kay Harv 'yan?"

I slowly nodded.

"Oh my God, Deborah!"

"At nagtago ka rito?!" bulaslas si Cliff. "I mean, the guy loves you so much! Tatanggapin niya 'yan!"

"He doesn't love me!" I argued. "Sinabi niya sa aking hindi niya ako mahal! Sinabi niyang... hindi siya umattend ng fashion show kasi galit siya sa akin at hindi niya ako mapapatawad!"

"Goodness! DB Store was literally named after you, tapos sasabihin mong hindi ka mahal?!" sagot ulit ni Cliff. Ang dalawa ay natahimik lang, nag-iisip.

"Cliff, hindi alam ni Debs..." Cali interfered before looking at me. "You, guys, will have a long talk... lalo at may anak pala kayo."

Marami akong naiisip pero hindi ako kailanman magiging kumbinsido na mahal ako ng lalaki. I heard it from him. Walang sapat na rason para balikan ko ito. At kung totoo mang mahal niya ako, wala na akong pakialam dahil wala na akong nararamdaman para sa kanya. I had lost all my love for him.

Cliff took a deep breath. "I'm sorry, Debs."

I smiled. "It's okay. Wala naman na kami at kahit pa may anak kaming dalawa, hindi na kami puwede dahil... hindi ko na siya kayang patawarin." I picked up the spoon and fork. "Siguro nga tama ka, na minahal niya ako... but his love brought me nothing but pain. Ayoko na. I have my daughter now. Sa kanya ko ibubuhos lahat ng pagmamahal ko."

"When are we gonna meet her? I want to sign up as her godmother," Rapsly whispered. "I understand where you're coming, Debs... at maasahan mong wala kaming pagsasabihan nito."

Tumingin siya kay Cliff.

"Ikaw, Clifford, alam kong close na close kayo ni Harvin pero hindi natin puwedeng pangunahan si Deborah. We know Harvin's struggles pero 'yong kay Debs, hindi..."

Pinatay ko agad ang nararamdamang kuryosidad. No, Debs. Hindi ka interesadong malaman ang nangyari sa kanya.

Cliff nodded. "Nanghinayang lang ako... pero it's not my story to tell, so I'll respect your decision, Debs."

‍‍Mabilis ding natapos ang usapan namin tungkol sa nakaraan. They asked what happened, and I told them, but not in great detail. I had no courage to admit the fact that, for a brief moment in my life, I suffered from a mental disorder. I told them how I ended up on Isla Crisanto and of course, they got mad at my father.

"Ang gago lang na hindi manlang sinabi sa 'yo na natanggap ka ng D&G tapos ipinatapon ka pa rito," Cali said. "Hindi rin naman namin naisip na nandito ka kasi, 'di ba? Sa atin naman, ikaw lang ang walang problema sa pamilya."

"I didn't expect it either. Nagalit siya dahil sa nangyari no'ng fashion show."

"Hay... that day..." Rapsly heaved out a sigh.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Medyo gumaan na ulit ang ambience dahil sa mga pasaring nilang tatlo. Maraming nagbago sa katawan nila pero sa ugali nila, wala. They remained humble and funny.

"Anyway, sasama ka sa'min pagbalik, ha? Isama mo si Alya para naman mabisita natin si Tita Sheryl," sabi ni Cliff.

I nodded. "Kahit isang linggo lang. Baka kasi malaman ni Daddy na umalis ako rito at baka hindi niya magustuhan."

"Jusko, nalimutan niya na nga yata na may anak siya rito!" ekseheradang saad ni Rapsly. "Hindi na iche-check no'n! 'Yong adik mong kuya lang yata ang itinuturing na anak no'n."

I pursed my lips as I remembered my Kuya Uno. Hindi naman kami close, at sa nagdaang mga taon ay wala akong balita sa kanya. Basta ang alam ko, bago ako maipatapon dito ay may bali-balitang gumagamit siya ng illegal drugs.

"'Yong party mamaya, ha? Ihabilin muna natin si Alya, babayaran na lang namin. My god! You're very different now, Debs. Feeling ko hindi mo na kayang sumayaw sa parties," tawa ni Cali. "But it's for the better. Sino ba namang mag-aakalang nanay ka na ngayon?"

"Gosh, hindi pa rin ako maka-move on na may anak ka!" anas ni Rapsly.

I pouted. "Ayokong iwan mamayang gabi si Alya. Hindi kasi natutulog 'yon nang hindi ako kasama."

Cliff grunted. "Edi patulugin muna natin! Tapos pabantayan na lang. Kailan ka ba huling nag-enjoy?"

"Masaya kaya ako kapag kasama ang anak ko!" defensive na sagot ko.

"I mean..." Cliff trailed off. "Try mo lang ulit 'yong buhay mo dati. Kasama mo naman kami. Nag-aral ako ng mixed martial arts kasi lagi kong kasama ang dalawang pa-virgin na 'yan at nakakatakot na baka ma-harass sila. You know... people," mahabang litanya niya.

"Fine! Fine! Pero sasabihan ko rin si Alya."

Rapsly rolled his eyes. "Hindi talaga para sa akin ang motherhood!"

"Oo naman, kaya nga hindi ka binigyan ng Diyos ng kipay, eh," walanghiyang saad ni Cali.

Matapos ang lunch ay dinala ko sila sa bahay namin. Tawa pa ako nang tawa kina Rapsly at Cali dahil nilalait nila ang bahay ko. Nakita rin kasi nila ang sira sa pinto nito. Si Cliff naman ay nagmasid lang. They promised to give me better furniture and equipment. Hindi naman ako na-offend dahil alam kong sinasabi lang nila iyon para hindi ko maramdaman na gusto nila akong tulungan.

"Alya..." tawag ko sa kanya nang pumasok ako sa kwarto. Sandaling lumabas si Jaja para maka-usap ko ang anak ko.

Mugto pa rin ang mata niya dahil sa walang tigil na pag-iyak kahapon. Nilapitan ko siya at binuhat para kumandong sa akin.

"Aww... my baby's eyes were puffy," I uttered softly before kissing her eyes. "It's okay. Walang manggugulo sa atin at wala na ring magpapaiyak kay Mommy."

Nagusot ang mukha niya at parang paiyak na naman pero hinawakan ko lang ang mukha niya. She stared at me deeply.

"D-Daddy ba ni Alya 'yon, Mommy?" bulong niya.

I bit my lower lip before nodding. Walang dahilan para magsinungaling pa ako ngayon.

She sobbed before resting her face on my neck. "S-sinigawan ko siya, My. Inaway ko siya. H-hindi niya na ba ako bati?"

I caressed her back as my eyes watered. Nagiging iyakin na talaga ako.

"Does it matter? Hindi naman na tayo guguluhin no'n. Hayaan mo na siya."

She shook her head. "Still, that's not a nice thing to say, Mommy. Ayoko lang na pinaiyak ka niya pero hindi po sapat 'yon para manakit din ako, 'di ba? Turo mo sa 'kin na 'wag manakit, eh..."

I sighed. "You're not a bad kid, Alya. To be honest, Mommy is thankful that I have you. Para akong may savior."

"Because I am! I am your savior, My!" she cried. "K-kung sasaktan ka lang din ng Daddy ko, ayoko na lang po ng daddy."

Ilang sandali ko siyang pinatahan dahil halata sa mukha niya ang pagsisisi sa pananakit sa ama. It clenched my heart. She was a very nice girl. Nang tumahan ay niyaya ko siya sa labas dahil gusto ko siyang ipakilala sa tatlo.

"Oh my god! I knew it!" Rapsly shouted in delight. "Ikaw 'yong nanalo sa pageant! Sabi na, eh!"

Cliff nodded his head. "Grabe, science is really something. I mean, look at the genes! Kamukhang-kamukha!"

Nagtago sa likod ko sa Alya.

"Oh, our baby girl is shy. Don't worry. We're your mother's friends," si Cali.

Tumingin sa akin ang anak ko kaya tumango ako. Tuwang-tuwa ang tatlo nang dahan-dahang naglakad sa puwesto nila si Alya. Ang mga mata nila ay puno ng paghanga para sa bata.

"I see a future model here!" Rapsly clapped. "Isinilang na pala ang tatalo sa ganda ko!"

"Matagal na akong isinilang, Rap!" sabat ni Cali.

Tumawa lang ako at hinayaan silang kausapin si Alya. Ang kaninang umiiyak na bata ay nakangiti na ngayon sa tatlo. My friends taught her how to walk properly, and of course, my daughter loved it! Para akong nanonood ng training ng models dahil hinawi pa talaga nila ang couch para turuan si Alya.

"10 years from now, nanakawin kita sa Mommy mo! I can't wait to see you killing the runway!"

Alya pouted. "I want to be with Mommy."

Rapsly scoffed. "Oh, Jesus, mama's girl."

Lumipas ang buong araw hanggang sa nagpaalam kami kay Alya na aalis kami ngayong gabi. My daughter was too happy that she agreed. Tinawagan ko ulit si Aling Tessie na bantayan si Alya at kung puwede ay dito na matulog. Binayaran ko na lang siya nang triple kumpara sa mga bayad ko sa kanya kapag nagbabantay ako sa shop.

My friends brought me to their hotel. Pinagbihis nila ako ng isang yellow na wrap jumpsuit at sa ilalim no'n ay pulang two-piece. I cringed at my reflection. Hindi ko na kasi maalala ang huling beses na nagsuot ako nang ganito!

"That's the Reese Deborah I know! Sexy!" panunudyo ni Cliff bago hampasin ang pwet ko. "The IT girl is back!"

"Shut it!" natatawang sagot ko.

"Forget all your inhibitions tonight and party like a 19-year-old Deborah. Can you do that?" si Cali.

I grinned. "Of course."

Alas nuebe nang lumabas kami sa hotel room nila. Tuwing summer lang nagbubukas ang clubs dito sa Isla dahil sa mga turista pero kahit isang beses ay hindi ko sinubukang pumunta. Pagdating namin do'n ay napanganga ako sa dami ng tao. It was an open bar!

Bukod sa bar counter, wala ni isang upuan dahil ang mga naroon ay sa buhangin nakaupo. May kanya-kanya silang hawak na bote ng alak at ang ilan ay hubad na dahil nakaligo na sa dagat.

"Oh, salty..." malanding pahayag ni Rapsly. "Sana makoronahan ako tonight."

Nagtinginan sa amin ang mga tao nang maglakad kami patungo sa kanila. Kahit ang ilang sumasayaw ay napatigil para panoorin kami. Of course, I was with the well-known designers of DB Store!

"Clifford, ipakilala mo naman kami sa kasama mo!" sigaw ng isang maskuladong lalaki.

Cliff grunted. "She's not available."

We ordered drinks, and since the people were already so loud, natagpuan ko na lang ang sarili na nakikisayaw sa kanila. I danced with everyone! I missed this feeling!

"Hinay lang, Debs, jusko!" stressed na sigaw ni Cali.

"Wala pa akong tama, don't worry!"

We danced for almost an hour bago kami nagpahinga sa bean bags na inilabas ng may-ari ng club. The sea breeze was cold, but I didn't hug myself. Pawisan na rin kami dahil sa kasasayaw.

"Life!" Cali shouted. "Gusto ko nang ikasal kay Lenin!"

I laughed. "Then, get married!"

"Ayoko, hindi pa ako niyayaya!"

"Swimming na tayo!" sabat ni Rapsly. "I feel sticky!"

We agreed. Pumunta kami sandali sa banyo para tanggalin ang damit namin at lumabas na shot na ang swim wear. Si Cali ay nakasuot ng asul na one-piece, habang si Rapsly ay nakasuot ng puting two-piece. Si Cliff naman ay topless lang at naka-board shorts.

A lot of people greeted us, but we ignored them all because we were too excited to swim. Hindi naman nakalipas ang ilang sandali at nasa dagat na kami. I felt refreshed. Malamig din kasi ang tubig.

Para akong bumalik sa pagkabata habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko. Alam kong hindi na ganito ang buhay ko pero hindi ko maiwasang ma-miss ang mga ginagawa ko noon. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagbabad doon pero nang umahon kami ay may host na sa isang maliit na platform.

"Are you guys enjoying the night?!" he asked excitedly.

Sabay-sabay kaming sumigaw habang may hawak na kanya-kanyang bote ng beer. Halos lahat ngayon ay naka-swim wear na.

"Well, you will enjoy it more when you hear the sexy man on his sexy guitar with his sexy voice," he uttered sensually.

Agad na nag-ingay ang mga tao, particularly the girls.

Napabitaw ako sa kapit sa braso ni Rapsly nang makita si Rouge na nakangising umakyat sa platform. He was dressed casually in a muscle tee and board shorts, with the strap of his acoustic guitar carelessly slung over his shoulder.

"What the hell..." Cali blurted out. "Debs, ano? Alis na tayo?"

"Yeah, we could continue partying in our hotel room," suhestyon pa ni Rapsly.

Natulala lang ako kay Rouge nang umupo ito sa isang stool at ngumisi sa mga nanonood. It reminded me so much of the past.

I didn't know what happened to me, but I found myself shaking my head.

"Hindi naman niya tayo kita. Hayaan n'yo na."

Tumango lang ang tatlo. Naupo kami sa bean bag pero nakaharap 'yon sa platform. Hindi siya nakatingin sa amin pero ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. His eyes were the usual shade, but I could sense loneliness in them.

"Good evening," his husky and sensual voice echoed. "Are you having a good time?"

"Yes, and it's all because of you!" maingay na sigaw ng isang babae. "You're a sexy beast, Harvin! Come, marry me!"

I bit the insides of my cheeks when he chuckled.

"I'm sorry, Miss, you're beautiful, but my heart already belongs to someone."

The people laughed and teased the girl. Ako naman ay pinanood lang ang ginagawa niya. Iniistrum niya na ang gitara pero hindi pa siya nagsisimulang kumanta.

"Whoever that girl is, she's lucky!" sigaw ulit ng babae, hindi nagpapatalo kahit na nakatatanggap na siya ng panunudyo.

Rouge smiled sadly before shaking his head. Maya-maya pa ay tumingin siya sa langit at napabuntong-hininga.

"No..." he said softly. "I am lucky... very lucky."

Napatingin ako sa kamay ko at dahan-dahang nilaro iyon. Something was tugging at me and I felt a huge lump form in my throat. He seemed sad and in pain, but I couldn't understand why my heart was breaking for him.

"What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive..."

I had goosebumps when he suddenly sang our theme song. Nakapikit siya habang nagtitipa sa gitara at kumakanta. It was too heartfelt and emotional, to the point that the crowd immediately turned silent.

"I can't keep up and I can't back down, I've been losing so much time..." He opened his eyes and looked at the sky. "'Cause it's you and me... and all of the people with nothing to do, nothing to lose. And it's you and me, and all of the people... and I don't know why I can't keep my eyes off you..."

Alam kong napansin ng lahat ang malungkot na tinig niya. Nanginig ang labi ko dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha.

Noong oras mga na 'yon, hinayaan ko ang sarili na aminin kung gaano ko pa rin siya kamahal. Na pinupuno ko lang ang sarili ko ng galit dahil hindi ko kayang tanggapin na matapos lahat ng ginawa niya, sa kanya pa rin ang puso ko. It shouldn't be this way. Ilang taon na ang lumipas, hindi puwedeng mahal ko pa rin siya.

"What are the things that I want to say... just aren't coming out right? I'm tripping on words. You got my head spinning... I don't know where to go from here," he continued.

Nakisabay ang mga tao sa chorus sa pagkanta niya. Hindi ako makapag-angat ng tingin dahil tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko.

He still affects me. Kahit ilang libong beses kong itanggi sa sarili ko, mahal na mahal ko pa rin siya. Kaya ngayong nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Kaya noong umiyak siya, nadurog din ako. At hindi ko kayang aminin 'yon! I took care of my wrath for him!

"Everything she does is beautiful, everything she does is right... 'cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose and it's you and me and all of the people... and I don't know why I can't keep my eyes off of you..."

My tears did not stop falling as the song ended. I wished I could forget him! He didn't deserve my love! But my heart... My heart just couldn't seem to get away from him! My heart still beats for him! And even after all these years, he still felt like home to me!

"Kung sino man ang nanakit sa 'yo, sana hindi rin siya sumaya!" sigaw ng isang babae.

Rouge sighed. "Nope... I'm the one who hurt her."

Nag-ingay ang mga tao roon at hindi na ako nakinig. I dealt with my emotions. I had to suppress it. I had to repress it. Hindi ko na puwedeng sundin ang puso ko ngayon.

I didn't know what happened next, but I heard the people cheering for him to take his muscle tee off.

He scoffed. "I don't have a perfect body."

"Take it off! Take it off!" the crowd chanted.

He sighed before slowly lifting the hem of his shirt. Napatanga ako nang magtilian ang mga tao ngunit seryoso lang ang mukha ni Rouge. Nang matanggal 'yon ay pinigilan ko ang mapasinghap sa ganda ng katawan niya.

But then he turned his back on us, and my heart ached when I saw the scars, bruises, and scratches on it. Kita ang mga tahi at halatang tama ng bala ng baril doon.

Natahimik din ang mga tao.

He chuckled. "I told you, I don't have a perfect body."

I gulped before holding on to the bean bag. What the hell happened to him?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro