Chapter 30
Chapter 30
We should run away—that was the first thing that came to my head.
"Mommy, I just cut and gave my nails to him... itatapon ko lang din naman, bakit po bawal?" Alya asked me innocently when I asked her about it. "And he only brushed my hair. Tinanggal niya lang 'yong ibang strands sa suklay pero hindi naman po masama 'yon, 'di ba?"
I sighed and closed my eyes. This was bad. Rouge was very determined to prove himself right. I was mad for what he did, but the feeling of restlessness and agitation drowned everything in me. Kaya niyang kunin sa akin si Alya sa oras na malaman niyang sa kanya ito at hindi ko yata matatanggap iyon.
"I'm sorry, My. Are you mad at Alya?" Lumapit siya sa akin at inihilig ang ulo sa dibdib ko. "I promise not to give my nails to anyone again."
Lumunok ako bago patakan ng halik ang noo niya. "Hindi ako galit. May iniisip lang."
"Is he a bad guy? Did he hurt you, Mommy? Narinig ko po ang sigaw mo kanina pero hindi ako lumabas sa kwarto kasi sabi mo mag-stay ako ro'n."
Hindi ako sumagot. Mas inilapit ko lang siya sa akin. Alya had been my everything. I didn't think I could live my life normally if someone tried to get her away from me.
Sari-sari ang pumapasok sa utak ko. It would probably take him two to five days to know the result.
May oras pa naman kami para makalayo... hindi ba? I could rent a boat tomorrow morning or tonight, and from there, saka ako mag-iisip kung saan kami puwedeng pumunta. We could go to Northern Luzon or Mindanao... puwede ring sa ibang bansa. May ipon naman ako at sa tingin ko ay kaya ko naman nang buhayin si Alya kahit pa hindi kami rito nakatira.
"Anak..." I called her. "Do you want to leave this place?"
"Hmm? Aalis tayo? Bakit po?"
"H-hindi ka pa ba nagsasawa sa Isla? You should grow up in a more civilized place. Do you want that?" I asked, subtly wanting to convince her.
She pouted. "Paano si Ate Jaja and my other playmates?"
"We can... visit them." I heaved out a sigh. "I mean, gusto kong ipakita sa 'yo ang buhay sa labas ng isla. I want you to experience a more modern life."
"But I'm happy here, My."
Lumungkot ang mukha ko dahil kahit ako ay masaya rito. The green and blue scenery, the tranquility, the pristine air, the humility of the residents... everything. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na kami puwedeng manatili rito.
Napansin niya yata ang naging reaksyon ko kaya bigla na lang siyang tumayo. Habang may ngiti sa labi ay tinitigan niya ako.
"But if my Mommy wants to leave this place, your Little Miss Isla Crisanto will come with you," she uttered as she giggled.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Kahit hindi sigurado sa naiisip na paraan, hinigit ko siya papalapit sa akin at inayos ang damit niya.
"Then we'll leave first thing in the morning... at wala kang puwedeng pagsabihan ng sikreto natin, okay?"
She nodded before going back to her seat and browsing the magazine.
Saktong pumasok si Jaja sa bahay namin kaya aktibong nakipaglaro sa kanya si Alya.
Tumayo ako at ipinaghanda sila ng hapunan. Habang nagluluto ay pinaplano ko na ang gagawin ko. I would pack our bags and talk to one of the boatmen, para ihatid kami. May agam-agam pa rin sa puso ko lalo at biglaan ang lahat. I established my boutique for almost seven years, pero dahil lang sa lalaki ay maiiwan ko ito.
Matapos magluto ay lumabas ako ng kusina. I saw Alya and Jaja playing with their dolls.
"Ja, kumain na muna kayo. Aalis lang ako saglit dahil may kauusapin ako. Ilang minuto lang naman," pakiusap ko.
"Sige, ate. Ako na muna ang bahala rito," sagot niya.
Kinuha ko ang pitaka ko bago lumabas ng bahay. Isa lang ang kwarto namin at may maliit na sala at kusina pero dahil dalawa lang naman kami ni Alya na nakatira roon ay sapat na para sa amin.
Napayuko ako at napabuntong-hininga. I was so tired of restarting my life and meeting new people. Pagod na akong mag-adjust pero wala akong choice. I looked at our small yet nice home before smiling sadly. I lived here for years. Saksi ang bahay na ito sa lahat ng pag-iyak at pagtawa ko.
Even the thought of leaving Jaja, Aling Tessie, and Ate Joan hurt me. I was with them for the past few years, and they were the ones who helped me and Alya survive here.
Walking distance lang ang layo namin sa bahay ni Mang Manuel, ang bangkero at nakababatang kapatid ni Aling Tessie. Mangingisda siya ngunit minsan ay naghahatid din siya sa mga gustong umalis sa isla.
Niyakap ko ang sarili nang bahagyang humangin. Napagtanto ko na hindi ko pala alam kung anong naghihintay sa akin sa kabilang dako ng isla dahil hindi ko naman sinubukang umalis dito. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang matanaw ang maliit na kubo sa dulo. Maraming kahoy at puno ang nasa paligid at medyo masukal ang daan pero kaya namang tahakin. Gumagawa rin kasi ng uling ang pamilya nila.
"Tao po," may kalakasang saad ko nang medyo makalapit sa bahay. "Mang Manuel? Nand'yan ho ba kayo sa loob?"
Mula sa manipis na kurtina ay sumilip ang dalagang anak niya at ngumiti. Maputi ang balat niya at maamo ang mukha, animo'y sobrang hinhin.
"Pasok po kayo. May kinakausap lang si Tatay sa pangpang pero pabalik na po 'yon," aniya.
Ngumiti rin ako at pumasok nga sa loob. I sat on one of the monoblocks and waited. The girl who introduced herself as Aurelia gave me a glass of water. Wala pa ngang ilang minuto ay dumating na si Mang Manuel bitbit ang kulay kahoy niyang sumbrero.
"Tay, may naghahanap sa 'yo," bati agad ng anak sa ama.
I stood up when I saw the old man entering their house. Binalingan niya ako ng tingin at bahagyang kumunot ang noo.
"Oh, hindi ba't ikaw 'yong may boutique sa bayan?" manghang tanong niya.
I smiled. "Opo."
Tumango siya at inilapag ang sumbrero sa mesa. "Ano ang kailangan mo at talagang dinayo mo pa ako rito? Puwede mo namang ipasabi na lang kay Tessie."
"Uhm..." I trailed off before looking away. "Biglaan po kasi at gusto ko pong magpahatid bukas sa sakayan ng bus patulak sa Maynila."
Napatigil siya at napatingin sa akin. "Bukas na agad?"
Tumango ako. "May kailangan po kasi akong asikasuhin..."
Bahagya siyang nag-isip bago tuluyang tumango. "Anong oras ba ang balak mo? Mas maaga sana ay mas maganda."
"Mga... alas tres po!" agarang sagot ko.
Nag-usap pa kami ilang sandali bago ko napagdesisyunang bumalik na sa bahay. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero may nakita akong pigura ng isang lalaki sa likod ng isa sa mga puno malapit sa bahay ni Mang Manuel.
Iwinaksi ko 'yon sa isipan ko hanggang sa makauwi. What a creep.
Pag-uwi ko ay nakita kong kumakain na rin ang dalawa. Hinintay ko lang sila na matapos para maayos na ang pinagkainan nila. Nang mag-alas otso ay sinundo na rin ni Aling Tessie si Jaja.
Dumiretso ako sa kwarto at mabigat ang loob na binuksan ang maleta na napakatagal nang naimbak sa ilalim ng kama namin.
"Alya, matulog ka na. Maaga pa tayong aalis bukas. Mag-aayos lang ako ng gamit natin," saad ko nang pumasok siya sa kwarto, katatapos lang magsipilyo.
Nakanguso siyang naglakad patungo sa kama at umupo roon para panoorin ako.
"Saan tayo pupunta, My?" she asked in her small voice. "Hindi ba natin puwedeng isama si Ate Jaja?"
Inilagay ko muna ang damit niya sa loob ng maleta bago ko siya hinarap. She was tilting her head while watching me.
"Malayo ang pupuntahan natin, at sa tingin mo ba, matutuwa si Aling Tessie kapag inilayo natin ang Ate Jaja mo?" tanong ko. "Babalik naman tayo," anas ko pa kahit hindi ako sigurado.
"Promise, ha?" nakangusong wika niya.
I smiled before I stood up. Kusa na siyang humiga sa kama kaya binalutan ko na siya ng kumot. Pinapanood niya lang ako gamit ang inosente niyang mga mata kaya marahan ko siyang hinalikan sa noo para mawala ang mga iniisip niya.
"I will do everything for you... lagi mong tatandaan 'yan. Okay?" I muttered.
Matamis siyang ngumiti bago dahan-dahang ipinikit ang mata niya. Makalipas ang halos sampung minuto ay banayad na ang paghinga niya kaya tumayo na ako para ipagpatuloy ang pag-iimpake.
Inilagay ko ang ilang mga damit at lahat ng photo albums namin sa loob ng maleta. I also secured my portfolio.
Hindi ko alam kung kailan ko mababalikan ang boutique pero wala na akong panahon para dito. Anumang oras ay puwedeng dumating na lang bigla ang lalaki at ayokong isipin ang maaari niyang gawin.
Halos alas dose na nang matapos ako sa pag-iimpake. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya binuksan ko ang bintana sa sala namin at hinawi ang kurtina para tingnan ang unang tanawin na nasilayan ko noong unang beses akong pumunta rito.
The moon was like the mother of the stars, and tonight, she was singing them a mellow lullaby.
Gaya ng nakasanayan, tahimik ang lugar at tanging mga kuliglig lang ang nag-iingay. Ipinikit ko ang mga mata habang inaalala ang ginawang pagluhod kanina ni Rouge. It hurt me. It was like the sky had fallen on my feet, and the only thing I could do was abandon it... to hate it... because I was done loving it.
The sky that I once admired most gave me nothing but downpours and thunderstorms.
Rouge didn't love me. He planned everything in his head because I was a terrible woman who killed his child. I would never be forgiven because a murderer like me deserved the death penalty.
Pero sa lahat ng naranasan ko, sana nga pinatay na lang ako.
Inalala ko ang takot na naramdaman ko nang isilang ko si Alya. I was scared of my own daughter! Lahat ng sakit ng mga salitang iniwan niya sa akin ay nanuot hanggang sa kaibuturan ng sistema ko kaya kahit ang inosenteng sanggol ay kinatakutan ko. It was his fault! He was the one to blame! Kaya hindi magiging sapat ang pagmamakaawa at pagluhod niya sa lahat ng nangyari sa akin! Sa amin!
"Great, I'm crying again," I whispered to myself before shoving my tears away.
I let out a deep sigh. Pumasok ako sa kwarto at inilabas ang mga maleta namin sa sala bago pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi yata ako makakatulog ngayong gabi.
A loud knock on my door disturbed my peaceful alone time. Tumingin ako sa orasan at nakitang halos ala-una na ng madaling araw.
Nagtaka ako ngunit hindi ako kinabahan. Wala naman kasing manloloob sa bahay namin dahil kampante ako sa isla. Wala kasing natatalang krimen dito.
Bitbit ang tasa ng kape ay nagtungo ako sa pintuan. Bawat paglapit ko ay palakas nang palakas ang katok.
"Reese!"
Napatigil ako sa paglalakad sa narinig na pagsigaw ni Rouge mula sa labas. Lumikot ang mata ko at bahagyang nanginig ang kamay sa kagustuhang magtago.
What?! Did he get the result?! Alam niya na bang anak niya si Alya?!
Bumalik ba siya para kunin si Alya?!
Nararamdaman ko ang pagtulo ng mainit na kape sa kamay ko. Agad na namula ang balat ko ngunit wala na akong pakialam! He couldn't be here! He shouldn't be here! Tatakas pa kami! Ilang oras na lang!
"Reese, please, open the door!" nagmamakaawang sigaw niya. "Nand'yan ka pa, 'di ba?"
I covered my mouth with my free hand to stifle my cries. Naninikip ang dibdib ko sa sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Tuloy lang siya sa pagkatok at parang anumang oras ay masisira na niya ang pinto.
Lalo akong nangatal nang pupungas-pungas na lumabas si Alya mula sa kwarto. Nang makita niya ako ay mabilis siyang natauhan.
"Mommy!" malakas na sigaw niya.
Napapikit ako. Tumigil ang lalaki sa pagkatok, dahilan para umagos ang panibagong yugto ng luha sa mukha ko. He heard it. He heard my daughter. Kukunin niya sa akin si Alya.
"Don't cry, Mommy ko, Alya is here..." umiiyak na saad niya matapos kunin ang tasa sa akin at inilapag 'yon sa center table. I felt her arms circling around my hips. She also rested her head on my tummy. "Hush, Mommy. We will be okay..."
I sobbed upon hearing her sweet voice. She was comforting me. She was calming me. Was this the last time she'd ever do that? Hindi na ba ako bibigyan ng Diyos ng pagkakataon na makasama ulit siya? Iiwan niya rin ba ako?
Napatigil kami pareho nang tuluyang masira ang pintuan ng bahay namin at bumungad si Rouge na puno ang mukha ng takot at pangamba. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mukha niya nang makita kaming dalawa ni Alya na magkayakap at umiiyak. His eyes were directed at the luggage, and I saw how he shook his head continuously.
Was this it? Mawawala na ba sa akin si Alya?
Bahagyang bumitaw sa akin ang anak ko sa nangyari. Nagtago siya sa likuran ko na parang natatakot sa lalaki.
Mabigat at mabilis ang hakbang ni Rouge kaya napapikit lang ako habang hinihintay ang masasakit na salitang hindi ko napaghandaang marinig. He knew it. Kahit sa korte dalhin, alam kong may karapatan siya sa anak namin.
I was preparing for the worst when I suddenly felt his arms circling my body.
Hindi ako nakagalaw habang yakap niya ako. Ramdam ko ang panginginig naming dalawa.
"Hindi na..." His voice cracked. "Hindi ko na ipapa-test. Itatapon ko na..." He was panting deeply as if he was having a hard time catching his breath.
"Basta 'wag ka na lang umalis ulit... basta 'wag ka na lang tumakbo ulit. Kasi hindi ko na alam kung saan ka pa hahanapin kapag lumayo ka pa..."
I gulped down the lump in my throat.
No, Debs. He's fooling you. He doesn't love you. Hindi pa siya kuntento. Kailangan mo pang pagbayaran ang kasalanan mo kaya siya nagkukumahog na bumalik sa 'yo. And he'll use Alya to lure you.
Gamit ang nanginginig na kamay ay malakas ko siyang itinulak. Bahagya akong nagulat nang mabilis kong nagawa 'yon dahil sa panghihina niya. His eyes were red and there were unshed tears pooling in them.
I looked away and held Alya's hands.
"Kahit tingin lang, Reese... kahit patingin na lang. Hindi na ako lalapit. Payagan mo naman akong tanawin kayo. Please..." Yumuko siya habang mabilis ang paggalaw ng mga balikat. "'Wag naman kayong umalis..."
Sunod-sunod ang paghikbi ko. Para akong mawawalan ng hininga sa dami ng emosyon na nararamdaman ko. Ayoko! Ayoko nang maniwala sa kanya! Ayoko nang magtiwala sa kagaya niya! I was sure that he had other plans!
Humigpit ang kamay sa akin ni Alya at habang nakatingin siya sa akin ay diretso rin ang pagtulo ng luha sa mata niya.
Slowly, she let go of my hand and walked toward her... father.
With a clenched fist, she punched Rouge angrily. My eyes widened because this was the first time that she used her strength to hurt someone. Walang namutawi sa bibig ko kung hindi hikbi.
"I hate you! I hate you! I hate you!" paulit-ulit niyang sigaw. "Y-you made my Mommy cry! I hate you!"
Patuloy ang ginawa niyang pagsuntok sa ama at kitang-kita ko kung paano tinanggap ni Rouge ang mga 'yon. His lips trembled in pain and sadness as he watched his daughter hurt him... for me.
"I hope you're not my father!"
After hearing that, a tear fell from his eye. It hit me hard. Parang may kung anong kumalabit sa puso ko nang makita ang luhang tumulo sa pisngi niya. He was watching his daughter's angry pleas and cries, never knowing what to do.
My heart clenched. Harvin Rouge was hurting... and I was, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro