Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

I did my research the following days. Bukod sa walang sawang pagpunta sa CHMT para panoorin ang bawat galaw ni Rouge ay naging abala rin ako sa paghahanap kung sinong babae ang nagugustuhan niya.

Balik siya sa dating gawi. Para na naman akong hangin na hindi niya nakikita. Kahit pa harap-harapan na akong nagpapapansin sa kanya, wala siyang pakialam.

Maluwag ang schedule namin kaya nahihintay ko siya kapag dismissal. I always followed him. Madalas siya sa Sweets and Treats pero mas madalas ang punta niya sa ISU. At first, I thought it was because of Mitzie, his bandmate, but as I watched him, I realized something was up.

Solene Clemente.

That was the name of the woman he liked. She was studying civil engineering at Isabela State University, and he met her through Mitzie. Sa panonood ko rin sa galaw nila, napansin kong walang amor ang babae sa kanya kaya medyo kampante pa ako.

"Pero aminin, ang ganda!" sabi ni Rapsly nang makita ang larawan ng babae.

"Oh, shut up!" I snapped.

Nang tumawa siya ay hindi ko na lang siya pinansin. I knew he was making fun of me. Maya-maya pa'y nakita kong halos sabay na lumabas ng kwarto sina Cali at Cliff bitbit ang sewing kit nila.

"Magsisimula na kami mamaya ng models ko, kayo ba?" tanong ni Cliff nang makaupo sa couch. "Nakuha ko na ang measurement last week."

Lalo akong napasimangot. Si Melanie pa lang ang nasusukatan ko!

"Bukas kami," sagot ni Cali.

Pinanood ko silang manahi habang si Rapsly ay ibinaba na ang phone para magsimulang mag-drawing. Isang sikat na male celebrity ang kinuha niyang model at sinabihan na niya kami na baka may mga araw na matulog ang lalaki rito.

"Deborah, ikaw ba? Ayusin mo na 'yan this week. Ang chill mo masyado! Reminder lang na bawal tayong magka-tres ngayong sem, ha!" paalala sa akin ni Cliff.

"Hindi naman talaga ako magkaka-tres," sagot ko. "Mapapapayag ko rin 'yon."

Pagkatapos kasi ng graduation ay magse-send na kami ng application sa Dolce & Gabbana house sa Italy kaya kailangan naming alagaan nang mabuti ang grades namin. Pag napapayag ko si Rouge, alam kong makakapasa ako.

Ipinagpatuloy ko ang pagtatanong-tanong sa ilang kakilala tungkol kay Solene. There was nothing special about that girl aside from the fact that she could bake. Ang sabi pa ng mga nakikita ko online ay may kumakalat daw ito na nude photos.

Should I use that against Rouge?

Umiling ako. Baka lalo akong ayawan.

I was browsing through Facebook when the list of scholars who would receive their stipend popped up in my feed. Lalampasan ko na sana iyon ngunit nakita ko ang comment ng isang Facebook friend na iminention ang Facebook account ni Solene!

Mabilis kong binuksan ang post at hinanap ang pangalan niya. Nang makita iyon ay sunod kong hinanap kung sino ang nagbibigay ng allowance sa kanila. And of course, it was the governor, Nime's father.

I smiled to myself. Okay, this one was easy.

Lumipas ang isang araw na wala akong ginawa kung hindi planuhin ang mga sasabihin kay Rouge. Kailangan ko na siyang mahawakan dito dahil kapag hindi pa rin, wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanan na hindi na talaga puwede.

Hunter added me on Facebook but to hell with him, hinding hindi ko siya i-a-accept!

Kinabukasan ay nasa CHMT na naman ako at nasa tapat ng room nina Rouge. May klase kami pero hindi ako pumasok dahil baka hindi ko siya maabutan. Sinabi ko na lang sa mga kaibigan ko na ipagpaalam ako sa instructor namin para sa araw na iyon.

Halos isang oras din akong naghintay bago ko nakita ang paglabas ni Rouge sa room nila. Swertihan pa dahil mag-isa siya. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kabanda niya pero ipinagpasalamat ko na wala sila ngayon.

"Rouge!" I shouted, beaming.

Hindi niya ako napansin, bagay na hindi na rin kagulat-gulat. Naglakad ako patungo sa kanya at walang pagdadalwang-isip na isinabit ang braso ko sa braso niya.

Agad siyang napapiksi. Tinanggal niya ang braso ko at lumayo sa akin.

I grinned at his reaction. "Good morning."

He glared at me. "Ano na naman ba?"

Hinayaan kong makalampas ang ilang estudyante sa amin. He was so handsome and seductive that it was hard to believe. Mabuti nga at wala masyadong umaaligid na babae sa kanya. Knowing that he liked someone was enough torture for me. Ayoko na ng ibang sakit ng ulo.

"Solene," I muttered.

Isang salita pa lang ang nasasabi ko ay huminga na agad siya nang malalim at tinalikuran ako. Napairap ako at agad na kinuha ang braso niya para paharapin siya sa akin.

"Gusto mo siya kahit obvious naman na may gusto siyang iba?" I asked, mocking him. "You should have known better, Rouge."

He brushed his thick hair with his left hand and licked his lower lip. Oh, what a god you were, Harvin Rouge Foster.

"She's from a poor family. Your Abuelo wouldn't like her! Isa pa, she has a lot of problematic issues! Hindi kayo bagay!" I added.

Dumaan ang matinding disgusto sa mga mata niya. It was as if he couldn't believe what he was hearing.

"Are you done spitting nonsense?" His baritone made me shiver. "Years have passed, and you still think like that? Tingin mo ba talaga nadadaan ang lahat sa pera, Reese Deborah?"

I almost flinched at the coldness of his voice, but I knew I had to stand my ground.

"I just care about your background, Rouge. You could've gotten another girl. Someone worth it!"

Iniharap niya ang buong katawan sa akin pero hindi ako nagpatinag. No one was worth it for you, Rouge. Ako lang.

And no, I didn't really judge the woman he adored just because of her status. Gusto ko lang ipa-realize sa kanya na hindi sila puwede. No one deserved Rouge, kahit ang pinakamagandang babae pa.

"Do you know why I like her?" mahina ngunit mariing tanong niya. "Because she's not like you."

I didn't back down. I had to lay out my cards for him. Hindi niya ako mapapatigil nang ganoon lang.

"She's a scholar, right?" My tone was intentionally sarcastic.

He grinned, but his eyes were brimming with anger. Muli niyang pinasadahan ang buhok gamit ang kamay niya.

"What the fuck do you want?" he said under his breath.

I chuckled. My heart was beating at seams but I shouldn't let him know that. "You know the deal, Rouge. Siguro naman sa mahigit isang buwan kong pangungulit sa 'yo, alam mo na, 'di ba?"

"Ano? Tatanggalan mo siya ng scholarship?" mariing tanong niya. "Is that your best?"

I shrugged. "You know what I'm capable of."

Tumango-tango siya. "Yes. You can even kill someone for your own good."

Napatigil ako sa sinabi niya. That was... rough. Bahagyang bumigat ang paghinga ko sa nanlilisik niyang mga mata. I clamped my lower lip between my teeth and forced myself not to respond. I just looked down and stared intently at our shoes.

"Masakit?" pangungutya niya.

Umiling ako bago dahan-dahang nag-angat ulit ng tingin sa kanya. I smiled so wide that it almost hurt my lips.

Conceal your emotions, Debs. Walang magagawa ang pagpapakita ng kahinaan.

"Ipatatanggal ko ang scholarship niya kapag hindi ka pa pumayag. Wala na akong pakialam sa iisipin mo."

"Try, then," he said confidently.

Kumunot ang noo ko dahil alam kong hindi siya naniniwala. Bago pa siya makaalis sa harap ko ay kinuha ko ang phone at mabilis na tinawagan si Nime.

After only a few rings, she answered.

"Nime, nand'yan ba ang dad mo?" malakas na tanong ko dahil ilang metro na rin ang layo ni Rouge sa akin. Naglakad pa ako papunta sa kanya para marinig niya ang sinasabi ko.

"Bakit? Ano'ng gagawin?" takang tanong ng babae. Of course, she didn't know! I didn't give her a heads up!

"Hindi ba at may scholars siya sa ISU? Can we have someone removed? Lalo kapag hindi naman nag-aaral nang mabuti?" mabilis at sunod-sunod kong tanong habang sinusundan si Rouge. "You know. Someone who has a lot of failing grades."

I put my phone on loudspeaker while still following Rouge.

"Yup, kailangan lang ng copy of grades at puwede nang matanggal sa list. Bakit?"

I smirked when he stopped walking. Muli kong itinapat ang phone sa bibig ko para sagutin si Nime.

"I know someone who's underserving of the scholarship. Mag-usap tayo mamaya at sasabihin ko sa 'yo kung sino," sabi ko. "And I'll request a copy of her grades so you can show them to your dad."

Lalong lumaki ang ngisi ko nang hablutin ni Rouge ang phone ko para mabilis na patayin ang tawag. Matapos iyon ay sinamaan niya ako ng tingin pero hindi napawi noon ang ngiti ko.

Got you.

"Mandadamay ka ng iba para rito?" he asked, obviously mad at me.

"For you? Yup," I replied with all honesty. "Sinabi ko naman sa 'yo, hindi ba? I want you to be my model."

Tumingin siya sa langit kaya nasilayan ko ang adam's apple niya. He looked upset and divine at the same time. Kinagat niya rin ang pang-ibabang labi, tanda na nauubusan na naman siya ng pasensya sa akin. I just stood there like a statue, amazed by how masculine he looked. He was a true man in every sense of the word with his dark eyes, strong frame, and rich baritone voice.

Nang tingnan niya ako ay alam kong nanalo na agad ako.

"Don't touch Solene," aniya sa mas mahinahong boses.

Something pricked my heart, but I pushed it aside right away.

Ngumiti na lang ako. "Every Friday kita imi-meet for fitting, pero bukas, gusto na kitang sukatan dahil kailangan ko nang magpasa ng draft this week."

"Promise me that you'll stop bothering her," saad niya, hindi pinansin ang sinabi ko.

I breathed and faked a chuckle. Oo na, Rouge, gustong gusto mo na siya. 'Wag mo nang masyadong idiin.

"Yes. Hindi ko siya guguluhin o titingnan manlang. Basta, do what I told you to do. I need to create four outfits for you, and this wouldn't be easy, lalo kung hindi ka makikisama."

Hindi siya sumagot kaya bahagya akong napanguso.

"And give me your number," dagdag ko.

Dahil hawak pa rin niya ang phone ko, mabilis ang ginawa niyang pagtitipa roon ng number niya. Pinanood ko lang ang paggalaw ng mahahaba at parang kandila niyang mga daliri. They were slender and beautiful in every way.

I smiled triumphantly as he handed me my phone.

"Are we done here?" he asked coldly.

I shook my head. "Let's go for lunch. My treat."

He scowled, cocked his head to the right, and started massaging the bridge of his nose. Bahagya rin siyang pumikit pero nang magmulat ay nahalata ko sa mga mata niya ang disgusto niya sa nangyayari.

"I'm doing this for Sol," he said. "No need for that shitty formality, Reese. Hindi ko naman 'to ginusto."

Then, without further explanation, he left.

I stood there as I watched him walk away from me. Masaya ako dahil napapayag ko siya, pero may malaking parte sa akin ang hindi ko maiwasang malungkot dahil may ganoong epekto sa kanya si Solene.

Well, at least I got the chance to take him back, right? Hindi ko lang naihanda ang sarili ko na magkakagusto siya sa iba pero... ayos lang iyon. It was a lot better than not talking to him at all... gaya ng nangyari nitong mga nagdaang taon.

Sinundan ko siya hanggang sa parking lot ng South Eastern University kung saan naghihintay ang kotse niya. He just slid himself there and drove away. As a subtle mini-stalker, I took a taxi and followed him.

"Kuya, sundan mo lang 'yang pulang lancer," saad ko sa taxi driver.

Habang binabagtas ang daan ay kinukurot ang puso ko dahil alam ko ang direksyon na tinatahak niya.

Dumaan muna siya sa Sweets and Treats para bumili ng baked goods kaya naghintay pa kami sa labas ng store. Akala ko nga ay doon na talaga siya magtatagal pero nang lumabas siya at muling sumakay sa kotse ay tuluyan akong pinanghinaan ako ng loob.

"Ma'am, sa ISU po yata ang punta ng boyfriend n'yo," sabi ng driver.

I smiled faintly. "Sige lang, kuya. Sundan lang natin. At... hindi ko po siya boyfriend."

Tumango ang driver at matining na sinundan ang kotse ni Rouge. I could feel my heart breaking slowly, but my expression didn't change. Kita ko ang repleksyon ko sa salamin ng sasakyan at kahit gaano kasakit ang namumutawi sa loob ko, mukha pa rin akong walang pakialam.

Even when the day we parted ways... ni hindi manlang ako umiyak. I wanted to, but I couldn't. My tears were too hard to please.

I looked at the sky and remembered him. Years had passed, but I would still fold myself to fit into his smile. I would still find myself wanting to rest under the roof of his arms.

Pero wala akong pagsisisi sa ginawa ko noon. He may not realize it, but I did it for our dreams, for us.

Pinanood ko siya nang bumaba siya sa waiting shed malapit sa ISU kaya bumaba na rin ako at nagbayad sa driver. I was standing right across the street, watching him as he waited for the girl he liked. Sa kamay ay bitbit niya ang paperbag mula sa Sweets and Treats.

It wasn't long until I saw Solene wrapped around a man's arms. Bitbit ng guwapong lalaki ang bag niya habang nakaakbay sa kanya.

Mabilis na tumalikod si Rouge nang malapit na sa puwesto niya ang dalawa. It was obvious. Ayaw niyang magpakita. Instantly, his efforts were wasted. His intentions were crushed.

I breathed to ease the pain I was feeling. For a moment, I wanted to get mad at Solene because she was hurting the man I loved.

Kita ko sa mata ni Rouge ang selos at sakit nang makalampas ang dalawa. Ang hawak niyang paperbag ay ibinigay na lang niya sa batang kalyeng na nasa waiting shed din.

I watched him as he shook his head, looking hopeless.

Akala ko masakit na iyong alam kong may gusto siyang iba pero mas masakit pala kapag harap-harapan mo nang nakita.

"Bakit ba kasi ako sumunod pa rito?" bulong ko sa sarili habang may maliit na ngiti sa labi. My heart felt heavy. Kahit gustuhin ko nang umalis ay para akong natanga sa nakikitang pagguhit ng sakit sa mukha niya.

Yumuko siya at muling sinulyapan ang direksyon kung saan naglakad si Solene. Nasa tapat niya lang ako pero iyong mga mata niya, nasa gilid, nasa iba, kaya hindi niya ako nakita.

Sumakay na siya ng kotse kaya naiwan akong nakatulala roon. I cast another look above and noticed that the sky had changed color, this time becoming a beautiful shade of pink. The sun was about to go down as it crept behind a bank of clouds, much the same way I buried my sorrow behind a stern mask.

I smiled, took a deep breath, and answered my own question.

I was here because I still cared. Even if he didn't want me to. Even if he couldn't find the need to forgive me again. Even if he got comfortable ignoring me. Even if he never looked in my direction. Even if he forgot all the times we spent together, I would still care.

And seeing him hurt like this rekindled the fire within me.

Solene didn't want you, Rouge, but I did.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro