Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

‍Mabilis akong tumalikod kay Rouge at hinarap si Alya. Nanginginig ako at alam kong halata sa mukha ko ang labis na kaba. My heart wanted to get out of my chest.

"A-Alya!" I laughed nervously. Tumingin ako kay Ate Joan na nasa likod lang niya at kuryosong nakatingin lang din sa akin. She slightly tilted her head and gazed at Rouge.

Nang bumaling siya sa akin at nakita ang itsura ko ay mukhang nakuha niya ang nangyayari. I was looking at her almost helplessly!

"Mommy, are you okay?" Alya asked. "Kanina ka pa maputla. Are you sick?"

"No, baby!" I answered instantly. "S-sumama ka muna kay Ate Joan, ha? May gagawin lang sandali si Mommy..."

She shook her head. "Ayaw. Gusto ko sabay tayong uuwi. Wala pa tayong picture, My!" Ngumuso pa siya.

I muttered a curse. I could feel the heavy and intense stares coming from my back. It was too much to contain. Para niya akong sinasaksak.

"Alya, 'wag nang makulit. Susunod din naman ako agad..." I pleaded.

Ngumuso siya at pinagkrus ang braso sa dibdib. Sumilip siya sa likod ko at napatayo nang maayos nang makita si Rouge. Her innocent eyes were looking at him curiously, and right at that moment, I felt like my heart sank.

Sumulyap ako kay Ate Joan para humingi ng tulong. Tinanguan niya ako bago huminga nang malalim.

"Alya, halika na. Hinihintay ka na nina Tessie at Ate Jaja mo," marahang saad niya.

Nanatili ang mata ni Alya sa likuran ko kaya para akong hihimatayin sa kaba. My heart continued to hammer inside my chest!

"Ba't ka makikipag-usap sa judge, My? Baka akalain ng mga tao kaya ako nanalo kasi kinausap mo," malungkot na pahayag niya.

Umiling ako at pinantayan siya. Her brows were furrowed and her lips were pursed from overthinking. I held her cheeks to get her attention. Mabilis na lumamlam ang mga mata niya nang balingan ako.

Despite feeling agitated, I smiled.

"Nanalo ka kasi magaling ka, okay? Alam mo namang designer si Mommy, 'di ba? May mga kailangan lang akong kausapin pero uuwi rin ako agad. Kahit late na, ipagluluto kita ng baked macaroni at french fries," saad ko. "You like it? Hmm?"

She pouted. "Promise?"

I sighed and kissed her forehead. "Yes, baby. Promise."

Nang tumayo ako ay ipinaikot niya pa ang braso sa baywang ko bago tuluyang sumama kay Ate Joan. Pumikit ako nang mariin habang tinatanaw ang papalayo nilang pigura. I breathed and straightened my back. Ano bang ikinatatakot ko? As long as I have my daughter, nothing else should matter.

"Reese..."

Rinig ko ang bahagyang paggaralgal ng tinig ni Rouge, para bang may apoy na tumupok sa tapang niya kanina.

Nakatalikod ako sa kanya at ayaw ko siyang harapin dahil pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya. I couldn't look at him without feeling the wrath! The rage! The ire I had caged for years!

I felt him nearing me. Hindi ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa stage kung saan nag-aayos na ang organizers. Ang mga tao naman ay kanya-kanya na ng pagpunta sa stalls para bumili ng kung ano o kumain. I looked everywhere to suppress my emotions.

"Is Alya—"

"No," I said harshly. I gathered all my courage to face him. His eyes were filled with confusion, regret... and longing. I bit the insides of my cheeks because I could feel the warm breeze of summer, but my heart was cold.

"Akin ba si Alya?" he whispered.

"No!" Tumawa ako para itago ang kaba. "Are you losing your mind?"

Yumuko siya bago dahan-dahang umiling. Nakakuyom pa ang kamao.

"She's mine... I can feel it. The moment she introduced herself, alam ko na..." aniya sa sarili.

I gritted my teeth in anger. Ang kapal din talaga ng mukha niya. Wasting my time with him was pointless. May anak akong naghihintay sa akin.

"Wala ka na bang ibang sasabihin?" I asked in a monotone. "Kung pakiramdam mo, sa 'yo si Alya, nagkakamali ka. A lot of things happened... ano sa tingin mo? Sa 'yo lang ako nakipag-sex?"

I met his angry look, and I equaled it with my bloodshot eyes. Wala kang karapatang magalit! Wala kang karapatang tingnan ako nang masama!

"Yes!" I laughed sarcastically to annoy him. "I had sex with several men! Bakit ka ganyan makatingin?"

His eyes softened a bit but his forehead was still knotted. Isang metro lang ang layo namin sa isa't isa kaya bahagyang nakatingala ako sa kanya. Ni wala na akong pakialam kung may nakarinig man ng sinabi ko.

"She looked like me," he uttered like it was his free pass to get away with my anger.

I laughed even more to insult him. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya kaya mas pinag-igihan ko pa. I bit my lower lip to try to stifle my laughter. Ang panlalamig ng buong katawan ko ay palatandaan lang na hindi naman talaga ako natatawa.

I was enraged.

"Your mind is fooling you, Mr. Foster," saad ko bago muling tumawa. "I know who the father of my child is... tapos sasabihin mo, kamukha mo? Are you nuts?"

Lumamlam ang mata niya, parang nagmamakaawa na tumigil ako.

"And I killed our child, right?!" I asked, furious. "Hindi mo ba natatandaan?! Wala kang anak sa akin kasi pinatay ko! Kasi inilaglag ko!"

"Reese!"

"What?!" sigaw ko. "Galit ka pa rin?! Hindi ko pa rin ba nababayaran lahat, ha, Rouge?!"

He gulped. Kita ko ang panginginig ng labi niya at mabilis na paghinga.

"Leave me alone," I uttered with finality. "Nandidiri ako sa 'yo."

I ignored the pain that crossed his eyes. He bit his trembling lower lip as I stared at him with nothing but rage.

Kulang pa. Wala pa sa kalahati ng pinagdaanan ko ang sakit na nararamdaman niya. Kinaya namin ni Alya nang kami lang. We didn't need anyone. Kahit sariling ama niya pa.

I turned my back on him, and I thanked God that he didn't run after me.

‍‍‍Kinabukasan ay maaga akong nagbukas ng boutique. Inihabilin ko muna si Alya kina Aling Tessie dahil kasundo niya rin naman ang Ate Jaja niya. Isa pa, summer vacation nila kaya wala na siyang klase.

Matapos ang nangyaring pag-uusap kagabi ay nawalan ako ng gana sa lahat. It all came back to me. The feelings... the words. Kung hindi ko pa nakita si Alya na masayang-masaya sa pagkapanalo niya ay hindi talaga matatahimik ang utak ko.

Alas siete y media nang umaga ko binuksan ang boutique dahil nagpaplano akong maglabas ng bagong collection. Our town mayor had contacted me earlier and he said that one of the sponsors of Little Miss Isla Crisanto was interested in buying and promoting my designs. Kahit may mga posibleng collection akong puwedeng ipakita ay iba pa rin kapag bago ang ipe-present ko.

May mangilan-ngilang pumasok na customers at lahat sila ay nakilala ako bilang designer kagabi. They bought clothes in my shops as souvenirs. Nang mabakante ay bumalik ako sa counter para mag-drawing.

I was having my peaceful time when I heard the clanking of the door. Bahagya kong sinilip kung sino ang pumasok at nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Rapsly, Cliff at Cali na naglalakad patungo sa puwesto ko.

"Putangina, Deborah!" malakas na sigaw ni Rapsly bago walang habas na pumasok sa counter. Hinigit niya ako mula sa pagkakatayo at mahigpit na niyakap.

Para lang akong nabato roon. Cliff and Cali entered the counter, too. Kita ko ang pag-iyak ni Cali habang yakap-yakap ako ni Rapsly. Cliff, on the other hand, was just looking at me sadly. Nang bitawan ako ni Rapsly ay sunod na yumakap sa akin si Cali at ang huli.

"Ang tagal ka naming ipinahanap! Ang tagal-tagal mong nawala," umiiyak na sumbat ni Cali. "May bubang at kipay na ako, hindi ka pa rin namin nakita! Nandito ka lang pala!"

I bit my lower lip as I tried to breathe properly. Their hugs comforted me. And... their mouths didn't change a bit. Nang makamove-on si Cali ay si Cliff ang yumakap sa akin. I could hear his heavy sighs, but he didn't say anything.

Napayuko ako nang maharap ang tatlo. Lahat sila ay nakatitig sa akin at parang pinagmamasdan ang pagbabago sa akin. I mean... we hadn't seen each other for years! Wala akong balita sa kanila at wala rin silang balita sa akin! Pakiramdam ko nga ay hindi na nila ako kilala lalo at alam kong matataas na sila.

"Nakita mo na kami kahapon pero hindi ka talaga pumunta!" sumbat ni Rapsly. "Alam ko namang pangit ang ugali mo pero anong karapatan mong kalimutan kami, ha?"

Dahan-dahan akong umiling. "Marami lang akong inaasikaso kahapon at..." Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Hindi pa rin talaga ako handang harapin kayo. I mean, you guys, reached our dreams... and I didn't."

"What the heck are you saying?!" Cali grunted, tears were still in his eyes. "Ikaw ang biglang nawala matapos kang matanggap sa Dolce and Gabbana!"

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Kinalimutan mo na kami porket designs mo lang ang na-approve ng dream company natin," Cliff uttered, pursing his lips.

Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. I couldn't remember working for D&G! Buntis ako at nagkaroon pa ng postpartum psychosis kaya paano ko naman magagawa pa 'yon?!

"Hindi ako nagtrabaho ro'n! Pagkatapos ng fashion show ay ikinulong ako ni Daddy sa Cebu!"

"Huh?" si Rapsly. "Your father received an e-mail from D&G... anong... hindi ka nagtrabaho ro'n?"

"I didn't! Higit pitong taon na ako rito sa Isla!" I answered instantly. "I don't know what you're talking about. Hindi naman siguro posible na... itinago 'yon ni Daddy sa akin, 'di ba?" Nanginig ang boses ko.

Nagkatinginan silang tatlo bago sabay-sabay na napabuntong-hininga. Yumuko ako at pinisil ang laylayan ng suot kong blouse dahil hindi ko yata matatanggap kung totoong nakuha ako ng D&G... at ipinagkait iyon sa akin.

"We were kind of mad. Akala namin ay tinalikuran mo kami," Cliff whispered. "But when we heard what happened to Tita Sheryl, gusto ka na lang ulit namin makita dahil alam naman naming espesyal sa 'yo si Tita..."

Habang nakayuko ay dahan-dahan akong umiling. "I... didn't even know what happened to Mommy. She died without seeing me. I wasn't even able to attend her funeral."

"Debs..." mahinang pagtawag nila sa akin.

I looked at them. Cali immediately went to me and embraced me. Hinaplos niya nang paulit-ulit ang likod ko para pakalmahin ako.

"We didn't know... I'm sorry..."

"Tita Sheryl died of a heart attack..." Rapsly stated. "The funeral only lasted for a day, tapos kinabukasan ay inilibing na siya. Hindi rin kami nakapunta kasi nasa Isabela kami."

A tear fell from my eye. My mommy... my precious mommy... the first person who loved me unconditionally... the one who was proud of me.

"Na-miss ko 'to!" iyak ni Cali nang magyakapan kaming tatlo. There were tears on our faces, but their hugs slightly warmed my heart. "My subscribers on YouTube know you! We always say your name in the hopes that you'll watch it! Malay ba naman naming namumuhay ka na bilang taong tabon!"

We spent the next few hours catching up. Ang dating laging brokenhearted na si Cali ay may long-term boyfriend nang modelo. Si Rapsly naman ay kontento na sa buhay niya at aktibo pa rin ang sex life. Cliff, being Cliff, mas focused siya sa pagta-trabaho at pagsasagawa ng mga charity work.

I didn't tell them about Alya. Hindi ko alam. Pinagkakatiwalaan ko sila pero natatakot akong baka makarating kay Rouge ang balita.

"Madrid 'yong isang contestant kagabi, ah? Kaano-ano mo?" tanong ni Rapsly habang binubuklat ang collection ko.

Speaking of the devil.

"Huh? Meron?" parang tangang sagot ko. "I don't know her..."

Tumango lang siya. "So, mas nagde-design ka na pala sa mga bata? Your boutique was nice! At... maganda ang portfolio mo. Ayaw mong ipasa sa companies?"

Cliff leaned on the counter before tilting his head to the right. "We can help you out."

I shook my head. "Not interested. Masaya na ako sa buhay ko rito. I mean, it's not the best life... but I'm happy."

"You're living alone?" si Cliff.

I pursed my lips before looking away. "Yeah..."

"We're gonna stay here for two weeks. Ayaw mo bang sumama sa amin pabalik? We can show you the... the company!" anas naman ni Cali.

"Managed by Rouge?" I scoffed. "No, thank you."

"We can..." he trailed off. "Visit Tita Sheryl."

Napatigil ako sa pag-aasikaso ng mga bagong dating na tela nang marinig ang sinabi niya.

"Alam n'yo kung saan nakalibing si Mommy?" I asked softly.

"We can pull some strings for you, Debs," he answered.

Naging palaisipan 'yon sa akin hanggang sa isarado ko ang boutique. My friends stayed there the entire day and promised to come again tomorrow. I wanted to visit Mommy, but I couldn't leave Alya here. Isa pa ay natatakot ako sa oras na malaman ni Daddy na umalis ako rito. Kahit pa wala na siyang pakialam sa akin, pakiramdam ko ay dala ko ang multo ng masasakit niyang salita.

Maraming bumabagabag sa akin habang papalapit sa bahay nina Aling Tessie. Nakita ko agad si Jaja na mag-isa sa duyan kaya nilapitan ko siya.

"Ja, nasaan si Alya?" tanong ko. Tumigil siya sa pagtatahi at binalingan ako.

"Inihatid po ni Nanay sa bahay n'yo."

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit daw? Hindi ko pa naman out, ah?"

"Hindi ko alam, ate. Parang may tao kasi sa bahay n'yo..."

Pagkarinig noon ay sumibol ang kaba sa dibdib ko. I didn't have the chance to thank her. Tumalikod na lang ako at mabilis na pumara ng tricycle para makauwi. My hands were sweating as I prayed that nothing bad would happen.

Nang makarating ay nakita kong bukas ang pintuan ng maliit naming bahay kaya nasigurado kong naroon na nga si Alya.

As I walked toward the door, I could feel my heart pounding. Hindi naman siguro ang lalaki ang bumisita sa anak ko, 'di ba? Siguro naman ay inirespeto niya ang desisyon ko na layuan ako, hindi ba? It couldn't be! Hindi puwedeng mapunta siya rito nang wala ang permiso ko!

But when I finally entered the house, my suspicions were confirmed.

Harvin Rouge was sitting firmly on my small couch. Ang kanyang itim na collared shirt ay nagbigay diin sa kanyang matikas na katawan. Awtomatiko siyang napatayo nang makita ako, para bang balisa siya sa presensya ko.

"Mommy!" matinis na sigaw ni Alya bago bumaba ng couch at yumakap sa akin.

I held her tightly, my eyes still on Rouge. Mabibigat ang paghinga ko habang galit na nakatingin sa kanya. He just couldn't understand it, could he?! He couldn't respect my decision! He couldn't even give me my inner peace!

"I'm a good girl today! I entertained our visitor and I showed him all our pictures together!"

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa anak ko. Nanginginig ang labi ko, at kung wala lang si Alya rito ay kanina ko pa nasigawan ang lalaki.

"Alya..." Pinatatag ko ang boses. "Puwede sa kwarto ka muna natin?"

Ngumuso siya. "Why? You didn't see me the whole day, Mommy."

I bit my lower lip. "Please, baby. I will just talk to our... visitor."

Tumingin ako sa paligid at napahinga nang malalim nang hindi ko natanaw sa sala si Aling Tessie. I let go of Alya and she didn't think twice to go to our room. Pinanood ko ang malungkot na pagpasok niya roon.

I was ready to talk to him when Aling Tessie went out of the kitchen carrying a pitcher of mango juice. Mayroon ding tinapay doon at french fries.

"Oh, neng, narito ka na pala. Buti at maaga mong isinarado ang boutique ngayon dahil may bisita ka." Inilapag niya sa center table ang pagkain. "Si Mr. Foster, 'yong kagabi... tanda mo?"

Kahit nanginginig ay tumango ako sa kanya. Lumunok ako nang ilang beses dahil nagbabara ang lalamunan ko.

"Ipinaghanda ko po kayo ng merienda, sir," aniya sa lalaki bago muling humarap sa akin. "Iiwan ko na muna kayo. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan."

Muli akong tumango sa kanya. Nang makaalis ay kumapit ako sa sandalan ng isa pang couch para suportahan ang sarili ko. My knees were wobbly because of wrath.

"Leave," I muttered.

"Alya is my daughter."

I bowed before closing my eyes. He knew it. Of course. But, no. I'd never give him the satisfaction he wanted. I was done with him. Matapos ang lahat ng nangyari, wala na akong natitirang pagmamahal sa kanya.

"Wala kang anak sa 'kin," mariing saad ko.

Hindi ko nakuha ang reaksyon niya dahil nakayuko ako ngunit dinig ko ang marahas niyang paghinga.

"She's mine! Anak ko rin si Alya! Reese naman! Don't deprive me of the truth!" napapaos na aniya. "I know that you hated me and I know that I deserve it, but my daughter deserves a father!"

"And it's not you!" sigaw ko. "Matagal nang patay na ang anak natin! At kung ipipilit mo na sa 'yo si Alya, mabuti pang lumayas ka na dahil wala kang mapipiga sa akin!"

"Stop lying, please..." he pleaded. "I'm her father."

"I'm not lying, Rouge! Matagal na tayong tapos kaya walang dahilan para magsinungaling pa ako sa 'yo!" I yelled with so much anger.

"I looked for you everywhere..." His low voice trembled. "Ang tagal kitang hinanap, Reese..."

Natahimik ako. Hinigpitan ko ang hawak sa upuan habang mabilis pa rin ang paghinga. I closed my eyes and remembered the way I shouted when I suffered from postpartum psychosis. Inalala ko ang mga panahong inakala ko ay papatayin ako ni Alya dahil sa mga sinabi niya. I remembered everything I went through because of the things he did to me.

"Wala akong pakialam," matigas na saad ko. "No'ng oras na sinabi mo sa aking hindi mo ako mahal, nawalan na ako ng pakialam! No'ng panahong iniwan mo ako sa ere para lang maghiganti ka, wala na akong naramdaman sa 'yo kung hindi galit! Over the years, alam mo ba kung gaano kasakit... na 'yong taong kasama ko dapat sa pag-abot ng pangarap ko, sinira lang ang lahat para sa akin?!"

"Please listen to me..." Umiling siya nang paulit-ulit habang pinanonood ang mukha ko na ngayon ay puno na ng luha.

"No! The last time I listened to you, I fucked up! Kaya parang awa mo na, irespeto mo ako kahit hindi na bilang babaeng ginago mo noon! Irespeto mo ako bilang tao, Rouge! I want you gone! I want you to leave my life alone!" sigaw ko. "Si Alya na lang ang meron ako! Siya na lang ang dahilan kung bakit ko pinipilit na bumangon araw-araw! Kaya 'wag mo na akong guluhin! 'Wag mo na kaming guluhin!"

"Reese, anak ko rin si Alya..." nanghihinang saad niya. "Gusto kong lumaki siya na kumpleto ang pamilya natin."

"Hindi kami kulang, Rouge." I scoffed, tears were flowing freely on my cheeks. "At hindi ikaw ang tatay niya. I'm sorry to burst your bubble but don't assume too much. I fucked someone who isn't you!"

I froze when he went near me ngunit isang metro pa ang layo niya sa akin ay bigla na lang siyang napaluhod. His eyes were full of sorrow and hopelessness. Medyo pula rin ito dahil sa nagbabadyang luha.

"Don't say that, please..." he begged. "Parang awa mo na... don't lie to me like that."

Natulala lang ako. I watched him as he covered his face with his hands. Sinubukan niyang tumayo ngunit napabalik siya sa pagluhod dahil sa panghihina.

I clenched my jaw. "What are you doing? Are you trying to guilt trip me? You're the mighty Harvin Rouge! Stand the fuck up!"

Nanginginig ako habang pinanonood siyang pinipilit ang sarili na tumayo. Nakita ko ang pangangatal ng tuhod niya ngunit dahil iniutos ko ay inayos niya ang sarili. Nawala ang buhay sa mata niya at parang bumagsak ang kurtina ng pagkukunwari mula sa mga ito dahil basang-basa ko sa mukha niya ang labis na pagdurusa.

"Alya is my daughter," he whispered, breathless.

"Umalis ka na," madiing saad ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. "At 'wag na 'wag ka nang babalik dito."

Napansin ko ang paglapit niya sa center table at may kinuhang maliit na plastic doon. I squinted my eyes to see what he was holding only to mutter a curse.

"What the hell?!" I shouted. "Are those Alya's nails and hair?"

He looked at me with his now stern face. Ang kaninang nagmamakaawang mata niya ay nawala. The curtain of emotions had gone down again.

"I will have this tested."

Pagkasabi niya noon ay kinuha niya ang coat sa sofa at tinalikuran ako. I put my hand on my chest, eyes wide open, and dumbfounded.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro