Chapter 28
Chapter 28
I retouched her makeup. Ramdam ko pa rin ang pangangatal ng kalamnan ko. I wanted to stay here backstage, but I had to watch Alya's performance.
I was nervous. Gusto ko na lang itakas siya para makauwi na kami. I mean, she was a Madrid, but she looked like her father! That might speak something to Rouge! Hindi siya puwedeng magkaroon ng ideya sa koneksyon naming dalawa dahil alam kong sa oras malaman niyang nagbunga ang ginawa namin noon, papasok siya sa buhay ni Alya!
"My, are you okay?" Alya asked me softly. "You should apply some lipstick. You're pale..."
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "I'm nervous for you," I lied. "May oras pa para magback-out... do you wanna go home?"
Sa pagkunot ng noo niya ay lalo lang siyang naging kamukha ni Rouge. She bit her bottom lip as she squinted at me.
"Ako nga hindi kinakabahan, ih! I saw the judges smiling at me!" she answered back. "I feel like they like me," dagdag niya pa.
Nagkarera ang dibdib ko sa narinig. Hindi naman siguro nila mamumukhaan si Alya, 'di ba? Hindi nila maiisip na may anak ako!
Kanina ay desidido akong magpakita sa mga kaibigan pero nang mapagtanto kong nagtatrabaho sila kay Rouge ay nawala ang tapang ko. Matagal na panahon na ang lumipas. Siguro naman ay hindi na rin nila ako tanda. Wala naman kaming naging koneksyon sa nagdaang mga taon.
Pero imposibleng hindi nila ako makita ngayon dahil ipakikilala ako mamaya!
Muling ipinatawag ang mga contestants para sa talent nila. Alya was now wearing her emerald summer dress and white strapped sandals. It gave emphasis to her fair skin. Her hair was in a low ponytail, para habang kumakanta siya ay hindi magulo ito.
"Good luck, baby. You can do this," I whispered before giving her cheeks a peck. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang sinasabihan ko no'n o ang sarili ko dahil gusto ko na lang talagang magkulong dito sa loob.
"My song is for you," she replied.
"Really?" Napangiti ako. "What song are you going to sing?"
Sa mga nagdaang linggo ay hindi niya ipinarinig o ipinaalam manlang sa akin ang kakantahin niya sa talent portion sa kadahilanang gusto niya raw akong isurpresa. Bumili pa siya ng song book para masaulo ang performance niya.
"Kanta po ni JK Labajo."
"What? Buwan?" tanong ko, medyo nawawala ang kaba at pagkabalisa. "Is it because I'm your moon, hmm?"
She smirked like she was thinking of something wicked. Unti-unti siyang umiling.
"The song was entitled 'Demonyo', Mommy."
"Alya Cryzelle!" I shouted.
Tumawa lang siya. Kita ko ang saya sa mata niya sa nangyaring pang-aasar sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti rin.
As I was observing her, I realized how intense my love and care for her were. I wouldn't let anyone take her away from me. She had been my haven for years—my sunny days and clear skies.
Kahit kinakabahan ay lumabas ako pero hindi na ako bumalik sa puwesto ko kanina. Tumayo lang ako sa gilid ng stage kung saan makikita pa rin ako ni Alya. Habang nakapila ay kinawayan niya ako. There was a huge smile plastered on her lips.
Sumulyap ako sa upuan ng judges at nakitang nag-uusap ang tatlo kong kaibigan. May dalawa pang hindi nila kasama sa DB Store at kaswal din nilang kinakausap ang mga iyon.
I gulped before looking away. Harvin Rouge was nowhere to be found, and I hoped it stayed that way. Ayoko na siyang makita. He would just reopen my scars and undesirable thoughts.
Tahimik kong pinanood ang performance ng ibang contestants. Kalimitan ay sayaw at tula. They were all great and talented. Noon ay hindi ko nakikita ang sarili ko na maging ina, pero ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kung hindi ako pinalilibutan ng mga bata. I loved children. They were pure, innocent, and genuine. Especially my Alya.
Warmth enveloped my heart when my daughter finally stood at the center of the stage. She had an impressive stage presence, dahil kahit maliit lang siya ay parang buhay na ang entablado sa pagtayo niya pa lang.
Bago kunin ang mic ay tumingin siya sa akin at ngumiti.
"I'm dedicating this song to my personal hero, my covenant, my one great love... my mother."
Kasabay ng pagtugtog ng minus one ay pagtutubig ng mata ko. I thought she hated me at first because my mind told me that she was born to seek revenge. Ilang beses kong pinlanong patayin siya, ipalaglag siya. But she was with me during my greatest downfall, and she made me realize that I was more than what I imagined.
"For all those times you stood by me. For all the truth that you made me see. For all the joy you brought to my life. For all the wrong that you made right..." she sang with all her heart.
Her voice was clear and smooth. It was soothing, almost heavenly. It sounded so sincere. She hit each word with love and pain. She continued singing while putting her hand close to her chest.
With a smile on my lips, I closed my eyes to hear her more... to digest her message... after all, it was for me.
"You were my strength when I was weak. You were my voice when I couldn't speak. You were my eyes when I couldn't see. You saw the best there was in me. Lifted me up when I couldn't reach... you gave me faith 'cause you believed..."
My heart tugged as it reminded me of the past. I suddenly remembered the last person who sang for me in a high-end club with a lot of girls begging for his attention... the one who never ceased to amaze me with his voice as he plucked the strings of his guitar.
It felt nostalgic. The feeling of love and comfort. The way he held my hand and kissed my forehead. After so many years, I remembered in the deepest recesses of my mind how I loved him with everything I had.
Nagmulat ako ng mata at agad kong nakita ang buhay na patotoo ng pagmamahal ko sa lalaking kanina pa laman ng isipan ko.
"I'm everything I am because you loved me..." Alya continued.
"I love you," I mouthed.
Her eyes immediately glittered with happiness. Pinagpatuloy niya ang pagkanta at wala akong ibang maramdaman kung hindi paghanga sa kanya.
The pageant went on. Habang tumatakbo ang oras ay kinakabahan ako dahil mamaya lang ay ipakikilala ako sa stage bilang designer ng gowns. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga dating kaibigan. Naghalo-halo ang hiya, kaba at takot. Hiya dahil hindi nila ako kasing taas. Kaba dahil sa reaksyon nila at takot para sa amin ng anak ko.
I didn't prepare for this. Tahimik na ang buhay namin. Sa dami ng lugar at oras, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong makita lahat ng tao mula sa nakaraan ko. Lalo na si Rouge. I hated that I had to see him again. Ilang segundo ko lang nakita ang mga mata niya, naalala ko na naman lahat ng napagdaanan ko dahil sa ginawa niya.
Nawala ang iniisip ko nang manalo si Alya ng special awards. She won the "best in talent" and "best in production" awards. Her contagious smile was enough to put me at ease.
"For our most anticipated question and answer portion, we would like to invite another judge for this, and it is none other than the Chief Executive Officer of DB Store, Mr. Harvin Rouge Foster," the host announced.
My heart pounded loudly against my chest. Nasa madilim na sulok ako ng field kaya alam kong hindi niya ako makikita, hindi gaya kanina na halos katapat niya lang ako. I bit my lower lip when he stood up from the crowd. His domineering height and intimidating aura caught the attention of all the audiences.
Napakapit ako sa pole sa gilid dahil sa labis na panghihina. My lips trembled in anger, and I couldn't help myself but to glare at him. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa! Ang kapal ng mukha niyang tingnan pa ako! Alam kong hindi niya alam na narito ako pero sana ay umalis na lang siya nang makita ako!
And he was one of the judges! He was almost near his daughter, and I knew I had to do everything in my power to hide her identity from him!
Umupo siya katabi ang mga kaibigan ko at napansin ko agad ang pagkakatulad nila ng estado sa buhay. With their luxury clothes and jewelry, they all seemed affluent. And I knew that, at one point in my life, I looked like that too.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanila. Hanggang baywang na ang itim buhok nina Cali at Rapsly. I noticed the modifications to their bodies, and they both looked beautiful. Kahit si Cliff. Ang bluish gray niyang buhok ay bagay sa makinis at may kaputian niyang balat. I knew that he'd been working out well because of the shape of his body.
My eyes suddenly focused on Rouge. Ang dating magulo at mahaba niyang buhok ay nasa malinis na gupit na ngayon. He looked like a strict businessman in his black suit, white unbuttoned polo, and black slacks. Dahil maliwanag sa puwesto niya, pansin ko rin ang manipis na stubbles sa mukha niya. I didn't know why he seemed distant and cold. Wala akong mabasang kahit ano sa mata niya habang nakatingin sa stage.
I put my hand on my chest because my heart started thumping painfully. Iniiwas ko ang tingin sa kanila at tumingin na lang din sa stage para kalmahin ang sarili. Some of the contestants were being questioned now, but my eyes were concentrated on my clueless daughter.
Ni hindi niya alam na nasa tapat niya lang ang tatay niya. Malaki ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa dagat ng mga tao. Gusto kong higitin na lang siya paalis doon pero hindi ko kayang burahin ang ngiting 'yon sa mukha niya. She garnered awards, and I would always be proud of her. However, agitation was filling my heart and making me uneasy.
"Okay, candidate number 6, our beloved CEO, Mr. Foster, will ask you your question. Are you ready?" the host asked her.
Para akong kakapusin sa hininga sa narinig na apelyido.
"Yes, I am ready," Alya replied with confidence.
I closed my eyes tightly and bit my bottom lip to try to get my heart rate back to normal, but I couldn't! Kung binibiro ako ng tadhana ngayon, hindi ako natutuwa! Ramdam ko na ang pamumutla ng buong mukha ko dahil sa kaba!
Nang magmulat ako ay napako ang tingin ko kay Rapsly na namamanghang nakatingin sa anak ko.
"Good evening, Alya..." Rouge uttered roughly into the microphone.
Hindi matatawaran ang lakas ng pintig ng puso ko. He was staring at his own fucking flesh and blood, and he didn't even know it! At wala akong balak na ipaalam! His face was void of any emotion while tapping the pen against the table.
"Good evening po," Alya answered before showing them her cute smile.
Tumango ang lalaki at ibinaba ang tingin sa papel na hawak niya.
"You can answer in Tagalog or in English..." he stated using his low voice. "So, your question is, what is the most important thing your mother has taught you?"
Napatayo ako nang tuwid at napabitaw sa pole na hawak ko. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko, at kaunti na lang ay tatakbo na ako sa stage para kunin ang anak ko.
Goodness! Sa dami naman ng tanong! Bakit tungkol pa sa akin?! I looked at the stage and saw my daughter glancing at me. Itinago ko ang sarili dahil sa takot na baka malaman nilang ako ang tinitingnan niya.
"Thank you for that question," simula niya. "There were a lot of things my mother taught me, but I think that the most important among them was to always believe in yourself. She raised me single-handedly, and she's my only family. You see, I don't have a father..." she trailed off.
I gulped down the lump in my throat. Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa kaba o sa kaunting habag sa anak ko. I mean, she never talked about that. Isang beses lang at hindi na naulit. Ngayong sinasabi niya ito sa lahat, parang may kung anong sumasakal sa puso ko.
It was just the two of us. Sa nakalipas na mga taon, tutulog at gigising akong siya lang ang kasama... at ganoon din siya sa akin.
"But her love for me was too great... I never felt incomplete. She taught me that I could do everything as long as I put my heart and mind into it. She's my... inspiration. I know that some nights she still cries because her duties and responsibilities aren't easy, but then she will face me in the morning, smiling." Nakita ko ang pagbaling niya sa direksyon ko. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya.
"My mother believed in herself, and as her daughter, I ought to believe in myself too. That's all, thank you."
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa pagtulo ng luha ko. 'Yong pagkabalisa ko na baka makilala siya ni Rouge ay napalitan ng pagkamangha at pagmamahal sa kanya.
My 7-year-old child had the heart and tongue of a grown woman. Parang hindi siya ang batang maamos kapag uuwi galing sa school. Parang hindi siya ang batang madalas na mapaaway dahil sa kamalditahan. And she knew... she knew my silent cries. Kaya siguro madalas niya akong yakapin kahit gaano pa siya kadungis.
"Wow... your mother must be a tough woman, dear," Rapsly uttered, amazed.
Ibinaba ni Rouge ang mic at madiin lang ang tingin kay Alya.
"You remind me of someone. Anyway, thank you!" saad ni Rapsly para sa kanya.
Nakaalis na sa gitna si Alya pero pansin ko ang tingin pa rin ni Rouge sa kanya. Yumuko ako at umiling. Hindi... hindi niya napansin. Siguro ay nagalingan lang din siya sa anak ko... pero hindi niya para isipin na iisa ang dugong nananalaytay sa kanila.
Nang matapos ang question and answer portion ay diretso agad sa announcement of winners. The crowd was shouting for my daughter's number, and as I listened intently to their cheers, my heart somehow found peace.
"Of course, before anything else, we would like to hear a message from the designer of the gowns of our young ladies, the owner of AC Boutique, Ms. Reese Deborah Madrid!"
Kitang-kita ko kung paanong sabay-sabay na tumayo sina Cali, Rapsly at Cliff nang marinig ang pangalan ko. I closed my eyes tightly as I felt the shaking of my knees. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa kaba. This event was too much! I fixed my hair and walked toward the stage. Hindi ko ipinahalata ang pagkabalisa ko.
"Debs!" sigaw nilang tatlo nang makita ako sa unahan.
I didn't look at them. Kinuha ko ang mic sa host na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa tatlo. I swallowed hard before facing the crowd.
"Good evening, residents and tourists of Isla Crisanto." I thanked God for my stern voice. "I personally want to extend my gratitude to our Mayor who gave me the opportunity to create and design the gowns of our candidates. It's my honor and pleasure to be able to show the heart of my art. I know that some of you, especially the residents, know me as a designer for children so it's a really great privilege to be a part of this annual event."
Dire-diretso ang pagsasalita ko na parang walang bumabagabag sa akin. Pinilit kong iwasang mapatingin sa unahan kung saan nakaupo ang dati kong mga kaibigan at ang lalaking hindi ko na hiniling na makita pa. I can feel their intense stares but I did not give them my attention dahil ayaw kong mapatanga rito sa stage.
Bumaba ako matapos palakpakan ng mga tao. My knees were still trembling. My friends called me, but I went backstage to calm myself.
What the fuck just happened?
Mga handlers lang ang nasa loob dahil maya-maya lang ay i-a-announce na ang mga nanalo. Alam kong pumunta dapat ako roon... pero ayoko! Ayokong harapin silang lahat!
"Ate Joan..." saad ko nang makita ang matanda sa puwesto ni Alya. Nagsisimula na siyang mag-ayos ng gamit.
"Oh, Debs. Bakit ka narito? Lumabas ka at announcement of winners na."
I swallowed hard before sitting in one of the chairs.
"Ate kasi... puwede bang pagkatapos ng pageant, isama mo muna si Alya?" paki-usap ko. I was preparing for the worst. Hindi ko kayang isipin na makakasalubong ko silang lahat habang bitbit ang anak ko.
"Bakit? Saan ka pa pupunta? Sabay-sabay na tayo," tanong niya.
I pursed my lips. "'Yong host po... kakausapin ko. Susunod po ako agad sa inyo."
"Sige. Bilisan mo lang dahil sigurado akong hahanapin ka agad ni Alya." Humarap siya sa akin. "Tara na sa labas."
Kinakabahan pa rin akong tumango. Magkasama kaming lumabas ng backstage at hinigit ko agad siya sa lugar kung saan maraming tao para makaiwas.
"Do'n tayo sa unahan! Sigurado akong may award ang anak mo at kakailanganin nating puntahan siya sa stage mamaya."
Lalo akong nabalisa. Kahit sa malayo ay kita ko sina Rapsly, Cali at Cliff na inililibot ang mata nila sa paligid. Bakas ang gulat sa mga mukha nila at parang nawalan sila ng pakialam sa pageant.
Si Rouge ay nakayuko lang kaya hindi ko kita ang ekspresyon niya. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang makitang ang ballpen na hawak niya ay nahati sa gitna dahil sa diin ng kapit niya rito!
"So, sino sa tingin n'yo ang makokoronahan bilang Little Miss Isla Crisanto?!" malakas na tanong ng host.
I bit my lower lip and looked at the stage.
"6!" sigaw ng mga nanonood.
"Debs, tara sa unahan!" hiyaw ni Ate Joan dahil sa ingay. "Mananalo si Alya!"
Gusto kong maging masaya pero hindi ko maiwasang matakot dahil sa nangyayari. No one knew about it... ako lang. Ako lang ang nakakaalam na narito ang mga dati kong kaibigan at ang ama ng anak ko.
"Well, you guessed it right, folks! Our Little Miss Isla Cristanto is none other than candidate number 6, Alya Cryzelle Madrid!"
Kasabay ng palakpakan at pagsabog ng confetti ay naramdaman ko ang paghigit sa akin ni Ate Joan. Dahil nanghihina ang tuhod ko ay mabilis niya akong natangay. Papalapit kami nang papalapit sa stage ngunit nang makita kong umaakyat na roon ang tatlo kong kaibigan at si Rouge ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumigil.
"A-Ate... mamaya na lang ako aakyat. May gagawin lang," kinakabahang anas ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago ako bitawan.
"Ewan ko sa 'yo, Debs. Dapat ay kasama ka na ni Alya sa stage, eh. Baka magtampo ang anak mo," sagot niya bago ako talikuran.
I swallowed hard and fixed my eyes on the stage. Sinuotan ng korona at sash si Alya. Malaki ang ngiti niya sa labi habang pinapalakpakan ng mga tao.
My heart clenched in pain when Rouge settled himself beside her for a picture. Their smiles resembled each other.
My daughter was clueless. She didn't know that her father was just a few inches away from her. Kinamayan pa nila ang isa't isa at kita ko sa bibig ni Alya kung paano siya nagpasalamat sa lalaki.
Pumikit ako at hinawakan ang puso ko na masakit ang bawat tibok. Para akong mawawalan ng hangin. This day has to end peacefully. Hindi pa ako handa sa lahat... at hindi ako kailanman magiging handa. My friends were working for the man I loathed most... hindi ko yata 'yon kayang tanggapin.
I clenched my fist before opening my eyes. Siguro ay sa bahay ko na lang ico-congratulate ang anak ko. Tumalikod ako sa stage ngunit mabilis ang ginawa kong pagtigil nang makita sa likod ko si Rouge! He was just on stage a while ago!
I gasped when I saw him eyeing me, parang kanina pa ako inoobserbahan. Wala akong mabasa sa mukha niya. Talagang nakatingin lang siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.
For a moment, I wanted to slap him. Gusto kong isumbat sa kanya lahat! Gusto kong sabihin sa kanya ang mga napagdaanan ko dahil sa kahayupan niya! But I hated him so much! He didn't even deserve to hear my voice!
"Reese..." he called me.
I exhaled. My hands continued to tremble. Blood was gushing through my veins. Maingay ang mga tao ngunit sa liit ng distansya namin ay para akong nabibingi.
Kita ko ang bahagyang pagdaan ng takot sa mata niya. Hindi ko alam kung para saan. I watched him as he looked away and gulped.
"Can... we talk?"
Gumuhit ang matinding poot sa dibdib ko. I clenched my jaw tightly to fight my need to hurt him. Where did he even find the need to talk to me?
I was so ready to lash out at him. I was ready to have an outburst! I was ready to scream, but a tiny, soft hand slightly touched my clenching fist.
"Mommy, I won!" Alya screamed in delight.
Fuck, this wasn't good.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro