Chapter 27
Chapter 27
"Ate Debs, paano nga ang chain stitch?" tanong ni Jaja habang ipinakikita sa akin ang tela niya.
I squinted at her. "'Wag mong isagad ang paghigit sa karayom. Kaunti lang para maiikot mo 'yong sinulid at makagawa ka ng loop... tapos saka mo higpitan." Sinunod niya ang sinabi ko. "'Yan, ayos na 'yan. Ituloy-tuloy mo lang hanggang matahi mo 'yong pattern."
"Okay, thank you, ate! Sa susunod, hindi na ganito lang ang gagawin ko, ha? Gusto ko nang i-try mag-design kagaya mo."
I chuckled. "Lahat ay dadaan sa prosesong 'yan. 'Wag mong madaliin... pero sige! Next month, tuturuan na kita sa sewing machine para hindi ka na mahirapan."
She clapped before going back to her work. We were inside my small boutique. Kauuwi niya lang galing school pero dito na agad siya dumiretso dahil may project daw sila sa TLE at excited siyang magpaturo sa akin.
Wala naman masyadong customer ngayong araw kaya pinagbigyan ko siya.
Naupo ako sa counter at pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Puno ito ng mga damit, sapatos at saklob pambata. Lahat iyon ay ako ang nanahi. Aling Joan, the one who owned the fabric shop, became my direct supplier. Sa mga nakalipas na taon ay sa kanya lang ako kumukuha ng tela.
Three months after Abi and Alya arrived, I decided to open a children's boutique. Hindi ito mabenta gaya ng inaasahan ko pero sapat na ang kinikita ko rito para sa pang-araw-araw namin ng anak ko. I named the boutique after her initials. AC Boutique.
Isang taon pa ang lumipas bago tuluyang magpaalam sa akin si Abi na magse-settle down na siya ulit sa Cebu dahil hindi ko na kailangan ng persistent na medication and counseling. She just advised me to be open to people and talk more.
At ginagawa ko 'yon. Kay Alya.
"Mommy, ako ang pinakakanta sa flag ceremony namin sa Monday!" matinis ang boses na sigaw niya matapos pumasok sa boutique.
Napakunot ang noo ko nang makitang puro chocolate drink na naman ang puting uniform nito at ang pleated na palda ay wala na naman sa gitna. Nakangiti pa siyang lumapit sa akin bitbit ang yellow na bag. Ang maayos na pagkaka-braid ko sa buhok niya kanina ay parang nasabunutan ng kung sino.
"Hi, baby. Ang fresh mo naman," I stated before helping her with her bag. Walang pasubali itong umupo sa hita ko at napangiwi na lang ako sa bigat niya. Goodness! She's 7!
Humilig pa ito sa dibdib ko na akala mo ay malinis siya. Still, I smiled and hugged her.
"Hindi ko pa saulo ang bayang magiliw, my..."
"Alya, that's Lupang Hinirang," I replied.
She pouted cutely. "Basta magpa-practice tayo pag-uwi, ha?"
"Yup. Pero kailangan mo munang mag-wash dahil ang asim mo na."
Sumimangot siya lalo kaya napahagikgik ako. Pabiro niya akong hinampas bago bumaba sa pagkakaupo sa akin para guluhin ang Ate Jaja niya. Ako naman ay naiwan lang na nakatingin sa kanya habang nakangiti.
If it wasn't obvious, she had a beautiful voice for a seven-year-old. Madalas siyang kinukuha para kumanta sa school nila pag may events kaya hindi na ako nagulat nang sabihin niyang siya ang kakanta ng national anthem.
Malapit lang ang pinapasukan niya sa boutique kaya hindi ko na siya sinusundo kapag uwian. May service siyang tricycle na rito siya idinidiretso pagkatapos ng klase niya.
Nang mag-alas sinco at handa na akong isarado ang boutique ay nakita ko si Aling Joan na papalapit sa amin. Bitbit ko na ang ilang gamit habang hawak naman ni Jaja si Alya.
"Debs! Inapprove ni Mayor ang designs mo para sa Little Miss Isla Crisanto!" excited na sigaw niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sigurado akong narinig 'yon ng anak ko dahil tuwang-tuwa siyang tumakbo palapit sa akin at nagtatalon.
"'Yong usapan natin, my! Yehey!" sigaw niya. "Sasali ako! Ikaw ang gagawa ng isusuot namin tapos imo-model ko!"
I laughed and let her hug my legs. Bago kasi ako magpasa ng portfolio ko ay napag-usapan naming sasali siya sa pageant kapag ako ang designer. Hindi naman issue 'yon dahil uniform naman ang gown nila. Iba-iba lang ng kulay.
"Kailan ko po puwedeng makausap si Mayor? At... palista na rin po si Alya sa mga kasali." I bit my lower lip. "I still have three months to work on it. Sa inyo po ako ulit kukuha ng tela."
"Ibibigay bukas ni Mayor ang pera sa 'yo tapos dumiretso ka sa shop ko para mapag-usapan natin kung anong mga tela ang kailangan mo." Tumingin siya sa anak ko at ngumiti. "Galingan mo, ha? Maraming manonood, baka offeran ka ng scholarship."
"Hindi ko po alam kung ano 'yong scholarship pero gusto ko po 'yong maraming manonood," sagot naman ni Alya.
Nagkatinginan kami ni Aling Joan at sabay na napatawa. She really liked being the center of attention!
Marami pa akong itinanong kay Aling Joan bago kami tuluyang umuwi. Tinulungan ko si Alya na sauluhin ang Lupang Hinirang at ang gaga, mas excited na sa pageant kaya hindi makapag-focus.
Nang mga sumunod na araw ay inasikaso ko ang gowns sa pageant. Sampu ang contestants at sinabi sa akin ni Mayor na standard measurement ng small, large at medium na pambata ang tahiin ko para magamit pa raw sa susunod na pageant ang gowns. Tatlong small, apat na medium at tatlong large ang gagawin ko kaya excited ako sa magiging outcome.
Satin ball gown ang unang design ko. The tube-fitted top with a sweetheart neckline was sprinkled with sequins and beads. Ang pinakapalda naman ay mahaba at sa ilalim ay may petticoat. My second design's top was off-shoulder and had floral embroidery. The ends of the skirt were layered. Sa kulay lang talaga magkakaiba ang contestants.
"Paniguradong kapag nanalo ang anak mo, masasabihan kang luto ang laban." Tumawa si Aling Joan. "Sasabihin ng iba na may kapit ka sa organizers o sinadya mong gandahan ang gown ni Alya."
I scoffed. "Hayaan mo na, ate. Gusto ko lang ipa-experience kay Alya 'yon kasi mahilig talaga siyang mag-ayos. Kinausap ko naman siya na mag-enjoy lang at 'wag mag-expect ng kahit ano."
Ngumiti siya. "Kikay na bata talaga. Manang mana sa 'yo."
"Yeah, ganoon po ako no'ng bata ako." Tumawa ako. "But she's sweeter and more expressive than me."
Lalong ngumiti ang matanda bago ayusin ang arrangement ng sequins. Ang sabi ko ay kaya ko nang tahiin 'yon sa bahay pero ipinilit niya ang pagtulong kaya napabilis ako.
Days and weeks swiftly went by. Tinuturuan ko si Alya sa paglalakad nang maayos dahil ayaw ko namang mapahiya ang anak ko sa mismong pageant.
"Can you walk from here..." Itinuro ko ang puwesto ko. "To there?" I pointed at the end of the sala.
"Yep!" She giggled.
She was wearing her usual pambahay clothes, and her hair was tied up. I grinned when I realized that at such a young age, my daughter's jaw was slightly prominent. Made-develop pa. Ang legs niya ay mahaba, dahilan kung bakit madalas siyang magreklamo dahil lagi siyang nasa huli ng pila. Lalo pa siyang tumangkad sa suot niyang heels na may tatlong pulgada ang taas.
I was amazed when she walked gracefully as if she owned our sala. Her eyes, which resembled mine, were intensely fixed on me. Bahagya ring nakataas ang magkabilang sulok ng labi niya.
"How do I look, Mommy?" Her eyes beamed with excitement. Lumawak din ang ngiti niya kaya nagpakita ang maliit at pantay-pantay niyang ngipin.
"You look like me," I replied.
Sumimangot siya.
"Hoy! Bakit ganyan ang mukha mo?! Thankful ka dapat na kamukha kita!"
"I want to look like you, pero pag sa pictures tinitingnan, hindi naman tayo magkamukha, Mommy." She pouted. "Kaya nga ako nagbibilad sa araw, ih... ayokong maging maputi."
"But you look so amazing with your skin, baby."
Umupo siya sa sofa at tinabihan ko siya.
"Pag nagbilad ka sa araw, baka magkasakit ka pa sa balat. Do you want that?" I asked. "At saka lalo kang aasim niyan..."
"Mommy! I'm not maasim! Your nose is just too sensitive," she reasoned out.
I laughed and kissed her soft cheeks. Mabilis na nawala ang simangot sa mukha niya at humilig sa akin. I sighed in contentment when she hugged me. Sa mga nakalipas na taon, sinigurado kong wala akong magiging pagkukulang sa kanya. I won't let her feel the void of not having a father. Kapag may school events at family day ay hindi siya nagrereklamo na dalawa lang kami.
It wasn't long before I saw her sleeping. I looked at her face and smiled sadly.
Apat na taong gulang siya nang tanungin niya ako tungkol kay Rouge. I didn't lie to her. Sinabi kong nasa malayo ang lalaki at hindi niya kami babalikan dahil hindi naging maganda ang hiwalayan namin. She accepted it fully... without any question.
Binuhat ko siya at inihiga sa kama namin. I kissed her forehead before dozing off to sleep.
"Debs! Ayusan mo na muna si Alya! Ako na ang bahalang mag-check ng ibang gowns!" sigaw ni Aling Joan.
"Sige, Ate! Salamat!" I shouted back and went to my daughter. Nasa harap na siya ng salamin at handa nang maayusan.
"Are you nervous?" I asked her while I was putting a light liquid foundation on her fair skin. "I will be in the audience, okay? Tingin ka lang kay Mommy kapag kabado ka."
"Hindi ako kinakabahan pero titingin ako sa 'yo," she responded before giggling. "I will keep in mind the things we practiced... at ayos lang po na hindi manalo kasi marami namang crowns sa boutique."
"Yep. Mag-enjoy ka lang. May makuha ka mang prize o wala, ipaghahanda kita."
Sunod kong inayos ang eye make-up niya. Hindi naman siya mahirap ayusan dahil hindi siya malikot. She looked like she was really anticipating it. Ang magandang arko ng kilay niya ay mabilis ding ayusin. Pulang gown ang natapat sa kanya at nang isukat niya iyon ay bagay na bagay iyon sa kutis niya. The layered skirt and fitted embroidery top suited her perfectly.
My daughter was beautiful beyond description.
"Ganda ng anak ko..." saad ko habang nilalagyan siya ng lipstick. "You grew up so fast. Parang dati lang ay kasya ka pa sa braso ko pero kaunting taon na lang, matatangkaran mo na ako."
Hindi siya umimik dahil nakapatong pa rin ang lipstick sa labi niya. Nang matapos ay pumunta ako sa likod niya para ikulot ang dulo ng bagsak at itim na buhok niya.
"Mommy..." she called me.
Maingay dito sa backstage pero dahil malapit kami sa isa't isa ay narinig ko naman siya.
"Hmm?" I hummed while focusing on her hair. Maitim at mahaba ito gaya ng akin. Ang kaibahan lang, bagsak na bagsak ang kanya samantalang ang sa akin ay natural na kulot ang dulo.
I looked at her through the mirror, and I saw her staring at me. Seryoso ang mukha niya... and it reminded me of someone I knew from the past... her father.
"Thank you..." she whispered with utmost sincerity.
Tears immediately pooled in my eyes. Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok niya at ilang beses na lumunok para pigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung mababaw ako o ano pero ang sarap sa pakiramdam na marinig ang dalawang salitang iyon sa taong pinakamamahal ko.
She reached for my hand and smiled at me.
"You're my favorite person, Mommy... and I wouldn't let anyone hurt you."
I was smiling the whole time while fixing her hair. Some years ago, somebody told me that I was a horrible person. Pero ngayon, paborito na ako ng isang tao na alam kong hinding-hindi ako sasaktan at bibiguin.
Pinalinya na sila, at wala pa man ay bilib na bilib na ako sa anak ko. Isa siya sa mga pinakabatang kasali pero kaya niya nang makipagsabayan sa mga ito.
Lumabas ako ng backstage at pumunta sa upuan na nakalaan para sa akin dahil mamaya ay ipakikilala ako bilang designer ng wardrobe ng contestants. Hindi biro ang dami ng tao ngayon. Sa isang malaking field kasi gaganapin ang pageant kaya kalat ang ingay ng mga tao. Maraming upuan pero sa dami ay imposibleng makaupo ang lahat.
"Nand'yan daw ang designers ng DB Store?" Narinig kong bulong ng katabi ko sa kasama niya.
"Oo, magju-judge yata..."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy nila. I looked around and noticed the wonder of the lights and the clarity of the sound system. I didn't know what was up with me, but something in my heart longed for it. The parties. The bars. The clubs. The villa.
"Good evening, ladies and gentlemen!" sigaw ng host kaya nagtilian ang mga nanonood. "Are you ready to see the beauty of our young islanders?!"
I stood up and cheered with the people. Nakabibingi ang ingay dahil sa halo-halong hiyaw ng mga tao at tunog ng malalaking speakers.
I was excited for Alya! She liked big crowds! She liked loud music and blinding lights! Magugustuhan niya ang set-up na ito!
I sat down and calmed myself. Alam kong mula sa kinauupuan ko ay makikita niya ako dahil medyo malapit lang naman ako sa stage. Halos nasa likod nga lang ako ng upuan ng judges!
"Okay, okay..." The host chuckled. "Isla Crisanto is one of the most beautiful islands in our country with less than a thousand residents. The island is known for its natural resources, and the people who live here are spending their lives without the internet! They're just receiving news and updates from their local government!"
Napangiti ako habang pinakikinggan ang host. Ibang-iba ang buhay ko noon sa buhay ko ngayon. And I... liked it. The serenity, the peace, the morning breeze... everything. Mas masaya pala ang tahamik na buhay.
Minsan naiisip ko pa rin ang naging karanasan ko sa Isabela at Cebu. I also constantly thought of my father and brother, who never came to visit or contact me. Sa mga nakalipas na taon, tinanggap ko nang kinalimutan na nila ako. But it was okay... I had Alya. I had someone who trusted and loved me.
I'd learned to give my undivided attention and focus to those who appreciated me rather than those who did not. I mean, kung ayaw nila sa 'kin, ayos lang. My mother did not raise me to bow down to anyone.
The hosts started to introduce the judges, and I just listened to them intently. Hindi na ako nagulat nang puro kilalang mga personalidad ang kunin nilang hurado dahil pinaghahandaan naman talaga ang event na 'to.
"The three designers of DB Store! Rapsly Cameron, Clifford Barerra, and Calisto Osio!"
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Kasabay ng pagkalunod ng malakas na singhap ko sa tilian ng mga nanonood ay siya ring pagkita ko sa tatlong kaibigan na kumakaway sa mga tao.
I was utterly stunned. I could not even move a muscle. Parang panaginip... parang hindi totoo.
There were a lot of changes in their bodies and physical appearance. Cali and Rapsly were wearing sultry evening gowns and high heels, while Cliff was in his unbuttoned polo and black slacks. Malakas ang sigawan ng mga tao ngunit napakatahimik ng utak ko.
Hanggang sa nakaupo sila ay hindi nila ako napansin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko ito napaghandaan. I always felt like our worlds were too different to meet.
What should I do? Should I talk to them? Should I show myself to them? Or should I just keep myself hidden?
My mind was haywire. Napahawak ako sa labi ko sa lapit ko sa tatlo.
As I was watching their backs, my heart felt happy for them.
They did it.
They reached our dreams.
Hindi ko alam ang mga pinagdaanan nila sa nakalipas na mga taon pero sigurado akong lahat ng nakamit nila ngayon ay pinaghirapan nila. The screams and yelling of people made me realize that they were popular and well-established.
Hindi ko na napakinggan ang sinasabi ng host pero nagsimula nang lumabas ang mga contestants, dahilan para lalong umingay ang paligid.
My daughter came on stage, and I was astounded by how well she executed her ramp walks. Kahit naka-long gown ay kitang-kita kung paano niya i-project ang suot niya.
"Ang galing no'ng 6!" sigaw ng mga tao.
My heart melted at that. Gusto kong isigaw sa kanila na anak ko 'yon pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako.
"My name is Alya Cryzelle Madrid! I am 7 years old, and I believe in the saying that true crowns aren't made of rhinestones and crystals, but are made of dignity, compassion, and love. That's all, thank you!"
Hindi ko naiwasang mapatayo at mapapalakpak dahil sa bilib sa anak ko. Nasaulo niya ang script namin at sinabi niya 'yon gamit ang mababang boses na parang hindi siya bata!
Hindi ko kita ang reaksyon ng mga hurado pero pansin ko ang bulungan ng tatlo kong kaibigan.
Nagpatuloy ang patimpalak ngunit palipat-lipat lang ang tingin ko kay Alya at sa tatlo. Ayaw ko silang lapitan dahil baka isipin ng mga tao na nilalakad ko ang anak ko para manalo.
Everything was going smoothly until the first segment—the introduction of contestants—ended. Tumakbo ako papunta sa back stage para i-congratulate ang anak ko pero hindi pa ako tuluyang nakapapasok sa loob ay nagsalita na ang host.
"The CEO of DB Store had finally arrived!" he uttered excitedly. "Let's all welcome, the Filipino businessman and flight steward who paved the way for our country's fashion line, Mr. Harvin Rouge Foster!"
Napatigil ako sa paglalakad at ramdam ko ang agarang panghihina ng tuhod ko. Ayokong tumingin. Ayokong isiping tama ang narinig ko.
Still, like a reflex, I looked at the stage.
There I saw the man who ruthlessly took everything away from me. The root of all my sufferings. The cause of all my hardships.
My lips trembled as I remembered how he treated me so badly, how he didn't blink to hurt me. He was the one who crushed my dreams... the reason I suffered from a mental disorder... the reason I ended up in Isla Crisanto.
And he was looking back at me with an emotion I didn't want to name. Bakas sa mukha niya ang gulat, at kahit nang ibigay sa kanya ang mic ay natulala lang siya sa akin.
With determination filling my gut, I turned my back on him as I entered the backstage.
Everything came back to me—his evil intentions, his deception, and his well-fabricated, almost believable promises.
After so many years, my rage and hatred for him did not subside.
I looked at my daughter and sighed. Her father was here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro