Chapter 26
Chapter 26
Dahil sa tuloy-tuloy na medication at counseling, kahit papaano ay nakabangon ako mula sa Postparum Psychosis. My hallucinations and delusions stopped, but I still continued with my treatment. Kailangan ko iyon lalo at may possibility ng relapse.
During the months I was alone, I learned to appreciate the beauty and serenity of Isla Crisanto. The golden to almost white sand, the clear blue, the ocean-carried air, and the exact comforting warmth of the sun.
Every morning, I would stand near the gentle touch of the waves, carrying some canvas, needles, and threads. I would even hear vendors making small talk and fishermen howling with laughter. It was quiet. It somehow helped me stitch the holes in my soul.
"Neng, may mga bagong dating na tela sa palengke! Sumama ka sa amin!" sigaw ni Aling Tessie sa akin. Masaya ang mukha niya kasama ang ilang mga tindera rin sa palengke.
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Ang puting bestida ko na may nakaburdang dilaw na mga bulaklak ay mabilis na hinangin. Ganoon din ang buhok kong medyo humaba na. Sumunod ito sa paggalaw ko kaya sinikop ko ito para iipit sa likuod ng tainga ko.
"Ang sabi mo ay kailangan mo ng lawn, 'di ba?"
I smiled. "Opo. Bibili na rin po ako ng puting sinulid dahil naubusan na ako."
"Para saan ba ang tinatahi mo? Linggo-linggo kang bumibili ng tela," tanong pa ng isa sa mga ale habang naglalakad kami patungo sa palengke.
May bitbit sila na batsya ng mga isda habang si Aling Tessie naman ay tinulungan kong magbuhat ng mga paninda niya.
"Ahh, para kay Alya po, sa anak ko," I replied.
Napasinghap si Aling Tessie. "May anak ka na pala? Ilang taon na?"
"Mag-iisang taon po sa January."
Hindi muna siya sumagot dahil may dumaang mga tricycle ng mga gulay at nakipagkuwentuhan sila saglit sa driver. Nasa gilid lang ako at hinihintay silang matapos.
Nakilala ko si Aling Tessie dahil sa madalas kong pagpunta sa palengke. Sa kanya kasi ako bumibili ng mga karne at gulay. Sa kanya rin ako nagtatanong kung saan may tindahan ng tela rito sa Isla. Minsan, kapag na-late ako ng punta ay magtitira talaga siya ng gulay para sa akin dahil alam niyang mag-isa lang ako sa bahay. Si Abigail kasi ay dalawang beses na lang sa isang buwan kung pumunta rito para i-check ang kalagayan ko.
Hindi naman sobrang isolated ang lugar na ito... gaya ng inaasahan ko. Sa ibang parte nito ay may signal naman, pero ang sabi nila ay wala talagang internet. Hindi rin naman ako maka-relate dahil wala akong phone. Gustuhin ko mang bumili, wala namang nagtitinda sa Isla. Sinabi ko na kay Abi ang tungkol doon kaya siguro sa pagbalik niya ay mabibilhan niya ako.
I could actually leave this place and come with Abi... pero saan naman ako pupunta? It was obvious that my father didn't want to see me. Alam ko ring magagalit siya sa oras na malaman niyang wala ako rito. Puwede kong gamitin ang perang iniwan ni Mommy sa akin pero gusto kong magsimula ulit. Sa bagong lugar. Bagong tao. Bagong pangarap.
Gusto ko ring bisitahin si Mommy pero hindi namin alam kung saan siya inilibing. The information was just too private.
I missed her so much. Gabi-gabi ay inaalala ko ang mga salitang sinabi niya sa akin at palagi ay nauuwi ako sa pagtangis dahil sa mga huling araw niya ay hindi ko manlang siya nasamahan. I didn't even tell her how much I loved her. Ako rin ang beneficiary ng insurance niya na palihim niyang binayaran para kapag nawala siya, may pera ako. Kahit talaga sa huli, ang kapakanan ko pa rin ang iniisip niya.
Ang tanging ipinagpapasalamat ko ay hindi gusto ni Daddy ng responsibilidad kaya sa susunod na pag-uwi rito ni Abi ay dala niya na si Alya. Naaawa ako sa anak ko dahil sa loob ng ilang buwan ay mga helpers lang ang kasama niya.
"Iniwan mo ang anak mo ngayon sa inyo? Ba't hindi mo agad sinabi? Puwede ko namang dalhin na lang sa 'yo ang tela," tanong ni Aling Tessie nang magsimula na ulit kaming maglakad.
Umiling ako. "Sa susunod na buwan pa po ang dating niya. Inihahanda ko lang ang mga damit niya."
"Marami namang bilihan ng damit dito. Puwedeng hindi ka na magmakahirap."
Muli akong umiling habang may maliit na ngiti sa labi. "Gusto ko po talagang manahi para sa anak ko."
Tumitig siya sa akin bago ako tinapik sa balikat. Ipinagpasalamat kong hindi na niya ako tinanong tungkol sa tatay ni Alya dahil alam kong matatahimik lang ako.
I would always hate that man. He was the root of all my suffering. May kasalanan ako dahil ako ang naghabol sa kanya ngunit hindi ako tanga para hindi isiping siya ang puno at dulo ng lahat ng ito.
I loved him too much, but he only scarred me. I let him rest in my warmth, and for some time, I thought he loved it. That night... nang sabihin niyang sinadya niya ang lahat at hindi niya ako minahal, alam kong sumuko na ang puso ko sa kanya. He took not only my dreams and pride but also my ability to trust people again.
I inhaled deeply and gazed up at the sky. It was bright, cloudy, and soft all at once. Bahagyang naningkit ang mga mata ko bago muling itinutok ang tingin sa daan. Ang sinag kasi ng araw ay kumakalat sa buong isla. ang ilan sa mga lokal ay tinatakpan ang kanilang mga mukha gamit ang kanilang mga kamay upang protektahan ang kanilang sarili mula sa init nito.
"Neng, ano ang iyo? Sabi ni Tessie ay kailangan mo raw ng batiste? May mga cashmere din akong bagong dating, baka gusto mo?"
Napabaling ako ng tingin sa matandang babae na nakalawit ang ulo sa isang maliit na shop dito sa palengke. Hinanap ng mata ko si Aling Tessie at napangiti ako nang makitang nakikipagbolahan na ito sa mga suki niya.
"Batiste at cotton lawn po sana. Saka puting sinulid." Lumapit ako sa shop. "May cashmere pa po ako sa bahay kaya 'yong dalawa muna ang bibilhin ko."
Nakita kong umalis ang babae at pumunta sa counter para kumuha ng gunting. Ako naman ay naglibot sa loob, hinahawakan ang mga nakabilog at yarda-yardang tela. Mayroong velvet, rayon, knitted, crêpe, at woven. May mga tinda rin siyang foam at iba't ibang design ng linoleum.
"Ilang yarda ng lawn ang kailangan mo?" sigaw ng matanda mula sa kabilang sulok ng tindahan.
I pursed my lips and walked toward her. Tiningnan ko ang color chart at napangiti dahil nakita ko ang mga kailangan ko.
I stared at the fabrics in front of me. "Dalawang yarda po nitong flamingo at dalawa rin sa baby pink."
Sumunod din naman siya sa akin. Matapos sukatin ay ibinigay niya sa akin ang tela. Pagkatapos magbayad ay naghanda na ako sa paglabas ngunit muli niya akong tinawag.
"Nananahi ka ba talaga?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko ngunit mabilis ding sumagot. "Opo. Graduate po ako ng fashion designing sa Isabela."
She played with her bottom lips while looking at me. Hawak ko ang pintuan ng shop niya ngunit dahil hinihintay ang tugon niya ay hindi muna ako umalis.
"Ilang buwan ka na nga ulit dito?" she asked again.
"Eight months po..."
She smiled. "Yearly ay may ginaganap na Little Miss Isla Crisanto rito at nasabi ni Mayor na maghanap daw kami ng puwedeng mag-design ng gowns ng mga contestants."
Nang marinig iyon ay para akong nabuhayan ng dugo. Napabitaw ako sa pinto at mabilis na lumapit sa kanya.
"Ilang designs po ang kailangang ipa-screen?" excited na tanong ko. "At... kailan po ang due date?"
"Dalawang designs lang, at kung interesado ka, ipasa mo sa akin ang portfolio mo bago matapos ang taon dahil tuwing Mayo ang pageant. Maliit na patimpalak lang 'yon pero laging pinaghahandaan ni Mayor kasi marami ang nanonood lalo at summer."
Buong araw ay iyon lang ang nasa isip ko. I wanted to give it a try. I was more than excited about it. But there was something that was bothering me.
Matagal na rin noong may pinakitaan ako ng designs ko... at hindi naging maganda ang naging dulo noon. What if it happened again? What if I got manipulated again? Nasabi rin ni Daddy na hindi naman talaga ako magaling at kahit itanggi ko ay nanuot 'yon sa akin. Parang... nakakahiya. Baka mamaya ay pagtawanan lang ang mga design ko.
"'Wag na siguro," I whispered to myself. "Magfo-focus na lang muna ako sa pag-uwi ni Alya..."
Mabigat sa loob ko ang naging desisyon ngunit habang lumilipas ang araw ay nakita ko ang sarili na walang ibang ginawa kung hindi mag-design nang mag-design ng mga damit pambata. It excited me. Habang hinihintay ang pagdating ng anak ko, marami akong natapos. Hindi lang gowns, dresses, at coats. Nakagawa rin ako ng everyday clothing ng mga bata.
No'ng una ay si Alya lang ang inspirasyon ko sa pagtatahi ng mga ito ngunit sa hindi malamang dahilan, nag-umapaw ang ideas sa utak ko. Tuwing umaga ay umuupo ako sa gilid ng dagat at doon gumuguhit. The blood woke up my brain. Ni hindi ko ito naramdaman noong nag-aaral pa lang ako. Pakiramdam ko ay may sariling buhay ang mga kamay ko ay nakakaguhit ako nang dire-diretso.
Usually, it would take me more than a week to formulate a design... kaya nagtataka ako ngayon sa sarili ko dahil wala pang dalawang linggo ay halos mapupuno na ang sketch pad ko.
"Ate Debs, kapag natahi mo na 'tong jumper, puwedeng akin na lang?" tanong ni Jaja, isa sa mga batang gustong-gustong panoorin ang pagd-drawing ko. Anak siya ni Aling Tessie at limang taong gulang na.
"Tapos sa bunsong kapatid ko 'yong blue na playsuit!" maligayang sigaw naman ni Winona.
"Kailan mo ba gagawin 'yan, ate? Puwede ba naming panoorin kung paano?" tanong ng isa pang bata.
Napangiti lang ako sa kanila. Nasa kubo ako ngayon, nakasilong dahil medyo masakit na sa balat ang araw. Kasama ko ang limang batang babae na naging hobby na ang panonood sa akin. Si Jaja nga ay gusto na agad magpaturo sa akin kung paano ang manahi.
"Walang problema, basta pagdating ni Alya rito, makikipaglaro kayo sa kanya, ha? Ipagtatahi ko kayo ng tig-iisang outfit para may maisuot kayo sa summer."
They giggled before giving me a thumbs-up. "Opo, Ate Debs!"
I smiled, and somehow, contentment filled my heart. This was better, right? Malayo ako sa tao. Malayo sa mapanghusgang mga mata. Sigurado akong kapag nalaman ng iba na may anak ako at hindi kasal, marami akong matatanggap na komento. Some of them might mock me for being mentally challenged after giving birth.
Sina Rapsly, Cali, at Cliff lang ang alam kong mapagkakatiwalaan ko ngayon pero hindi ko na alam kung nasaan sila. Siguro ay nasa Italy na at inaabot ang pangarap namin... o baka nagtatrabaho na sa malalaking kompanya.
On the day of Abi's arrival, nagluto ako. I also prepared my child's crib, clothes, milk, and everything else she needed. Para akong batang excited na excited lalo nang makita ko ang sinasakyang bangka ni Abi at nasa bisig niya si Alya.
With tears in my eyes, I ran to them. Even from afar, I knew that she already held my soul in her heart.
"Baby!" I screamed in delight bago ko siya buhatin. "Your mommy is here! Magaling na 'ko. Hindi ko na sasaktan si Alya ko..." I cried while looking at my daughter's beautiful face.
"Did you miss me? Kasi ako, miss na miss kita..." I whispered.
Her eyes glistened, and they resembled mine. Sa dami ng makukuha niya sa akin, ang mata ko lang ang tanging makapagsasabing sa akin siya galing. Kahit ang balat kasi niya ay maputi, hindi gaya ng akin.
Nakatingin lang sa akin si Abi habang nakangiti. I couldn't stop my tears from falling. Ang maliit na kamay ng anak ko ay hinawakan ang pisngi ko at parang bulang nawala lahat ng problema ko nang mahina itong tumawa. Kahit matagal niya akong hindi nakita, wala siyang pag-aalinlangan na sumama sa akin na para bang kilalang kilala niya ako.
She rested her face on my chest and right there, I felt what my mom had said to me.
Gift.
Alya Cryzelle was my wonderful gift... and she gave me another reason to live.
Through her, I discovered that I was not made for designing clothes for ladies and gentlemen. I was not cut out for the spotlight or the runway. I was not for Dolce & Gabbana, Chanel, Prada, or other fashion companies.
I am for children.
With my love inside my arms, I looked at the sky and smiled.
You're right, Mommy. She's my blessing and I promise to raise her to be a blessing to others.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro