Chapter 25
Chapter 25
Ang sabi nila, kapag naging ina ka, gagawin mo ang lahat para sa kapakanan ng anak mo. You would discover your strengths that you didn't know you possessed and defeat your weaknesses for the sake of your child's welfare. They said that it was the hardest phase in a woman's life but also the most beautiful.
But not in my case.
"Alya Cryzelle will kill me!" I shouted.
The people around me pinned my hands and feet to the bed. Mabilis ang bawat paghinga ko lalo at nakulong kaming dalawa ng anak ko sa iisang kwarto. It scared me to death. My child... my child would kill me! Dahil pinlano ko siyang ipalaglag! Gaganti siya! Gaya ng tatay niya, gaganti siya!
I cried more when my nurses tried to calm me down. Ayaw nilang maniwala sa akin! I looked helplessly at my mother and saw that there were tears on her cheeks.
"Mommy! Take her away from me! She will murder me!" paos na sigaw ko habang pinipilit na makawala sa mga bakal na kamay na nakakapit sa akin.
Nangangatal ang buong katawan ko. Nangingilid din ang mga luha ko sa lungkot, takot, at pagkabigo.
"I heard her! I heard her telling me that I was good for nothing! She told me that I would never reach my dreams, Mommy! Help me!" mas malakas pa na sigaw ko. "And... I saw her walking toward me with a knife! She'll stab me!"
I was silenced when my two-day-old daughter wept. Something in my heart shattered. Tumigil ako sa pagkawala sa mga nurses at hinayaan silang itali ang kamay ko sa kama.
My child was crying... she was sad... like her mother. I wanted to run to her and tell her that everything was going to be okay. I wanted to let her sleep on my chest until she stopped crying.
But she would kill me. Narinig ko siya kagabi. Ang sabi niya, hindi raw ako magaling. Hindi ko raw maaabot lahat ng pangarap ko. Na walang nagmamahal sa akin. She told me that I tainted my father's name! Sinabi niya pa na pabigat ako kay Mommy! I heard her! I freaking heard her! I was not hallucinating! But no one wanted to believe me!
Natulala lang ako sa mukha ng mga tao sa loob ng kwarto. My mother was weeping. Siguro ay takot din siya dahil papatayin ako ng anak ko.
Alya looked so much like her father. Ang ilong, hulma ng mukha, at labi nito ay kuhang-kuha niya kay Rouge. It hurt me even more. Bakit ito ang kamukha niya, samantalang ako ang nakasama niya sa loob ng siyam na buwan? Siguro... hindi niya rin ako mahal? Siguro nandito lang din siya para gantihan ako?
I didn't want her to be a bad child. I could hurt myself for her. I could kill myself for her. Hindi na siya ang dapat na gumawa ng paraan para patayin ako. I could do that.
Gusto ko lang naman siyang mahalin. Ganoon kasi dapat kapag ina ka, 'di ba? Gusto ko siyang alagaan. Gusto kong samahan siyang panoorin ang ganda ng mundo. Kahit pa... hindi rin ako sigurado sa bagay na iyon.
But she loathed me... like her father. She would ruin everything for me.
I wanted to beg God to take me out of here for a short while because I felt restless. Simula noong isinilang ko siya, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang sumigaw sa takot at umiyak sa labis na lungkot. The world was against me. Pinagtutulungan ako ng lahat dahil pinatay ko ang anak ko noon.
What if she just reincarnated in the body of Alya Cryzelle?
I sighed as tears continued to run down my face. Every part of my system abandoned me. I wanted to take a break and unwind amidst the serenity of fabrics and needles. It was draining. I just wanted my inner peace because I was exhausted... very, very exhausted
The following days were equally agonizing for me. Tuwing may papasok sa kwarto ko ay natatakot akong baka ang anak ko iyon. I was living in fear. Malaki ang silid ko pero lagi akong nasa sulok at nagtatago habang walang habas ang pagtulo ng luha sa mata ko.
"D-Debs," malumanay na tawag sa akin ni Mommy.
Lalo akong sumiksik sa ilalim ng lababo ng banyo para hindi niya ako makita. Ipipilit nila sa akin na hindi ako papatayin ni Alya! Ipipilit nilang nasisiraan ako ng bait! I was clenching my heart because every throb was too much for me to bear.
Nakita ko ang paa ni Mommy kaya lalo akong napahikbi. Magulo ang buhok ko kakasabunot sa sarili at alam kong may dugo na rin sa pisngi ko dahil sa kalmot ko rito.
Hindi na ako nagulat nang pantayan ako ni Mommy. Maitim ang ilalim ng mata niya at hupyak na ang pisngi. Ang dating balat niya na puno ng buhay ay maputla na ngayon. Her eyes were also full of tears and pity while looking at me... and it fucking angered me.
"'Wag mo 'kong kaawaan!" malakas na sigaw ko. "Kung pupunta ka lang rito para kaawaan ako, umalis ka na lang!"
She didn't answer. Instead, she pulled me into a tight hug. She was sobbing, aching for me. Ang kamay kong handang suntukin at saktan siya ay unti-unting nanghina dahil narinig ko ang pagtangis niya.
"M-Mommy, pagod na pagod na ako..."
She cried more. Buong araw ay inalagaan niya ako sa kwarto ko. Ikinuwento niya sa akin ang buhay niya noong ipanganak ako hanggang sa pagdadalaga ko. Mataman lang akong nakinig sa kuwento niya dahil mas gugustuhin kong pakinggan siya kaysa sa sarili kong utak.
"I realized that you loved making dresses when you were 10. Inaalis mo 'yong damit ng manika mo tapos magpapaturo ka kay Manang ng pagtatahi kasi gusto mo siyang bihisan ng bagong damit," aniya habang pinapatulog ako. Maputi na ang buhok niya at kapansin-pansin din ang pagpayat niya.
I closed my eyes and imagined my childhood.
"May Home Economics kayong subject no'ng elementary tapos halos lahat ng kaklase mo, nag-enroll sa bread and pastry pero ikaw, kahit wala kang kakilala, pinilit mo akong i-enroll ka sa dressmaking." She chuckled. "At 12, you already created a lot of pajamas, aprons, and pot holders."
I smiled sadly. My free days. My young self. Panahon bago ko pa makilala ang lalaking labis na mananakit sa akin. Panahon noong tahimik at payapa ko pa lang na binubuo ang pangarap ko.
My dream that now feels like a nightmare.
"Your daughter..." bulong ni Mommy.
Dalawang salita lang pero mabilis na tumulo ang luha ko.
"Alya needs a mother..." Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Matapos 'yon ay pinalis niya ang luha sa pisngi ko.
"We'll get you treated, anak, hmm? Hindi ako papayag na may mananakit sa 'yo... kahit ang anak mo pa. Kaya magtiwala ka sa 'kin. I will help you."
Simula no'ng manganak ako, hindi ko na nakita si Daddy. Ang sabi ni Mommy ay nasa business trip daw ito. Hindi na ako nagtanong pa dahil ayaw kong dumagdag pa siya sa mga iniisip ko. Doon ko rin napagtanto na wala na siyang pakialam sa akin. Ni hindi manlang sinilip ang apo niya. I wonder... is my daughter right? Ipinahiya ko ba si Daddy? Did I bring disgrace and shame to our family?
Wala akong mararating. Heto nga't may anak pa ako na hindi ko manlang maalagaan. And what help did I need? I was a hopeless case. Wala nang mag-aahon sa akin. Kahit ang mga taong nakapaligid sa akin ay sinukuan na ako... dahil masama akong tao... dahil pumatay ako.
But, wasn't it my choice? Having an abortion was my decision. It was my body. I had all the right to remove and inject anything here. Kaya bakit pinaparusahan ako ng mundo? Was I really selfish for wanting the best for me and Rouge? For choosing our dreams over a child? Naging makasarili ba ako sa pag-iisip na hindi ko kayang bigyan ng pagmamahal at pag-aalaga ang batang iyon? Kasalanan ko bang hindi pa ako handa? I was 16, and I had so many plans for myself. Was that bad?
Even after becoming a mother, I didn't think I could raise a child on my own. Wala akong trabaho at mag-iisang taon na akong nakakulong sa bahay namin na walang ibang kinakausap bukod kay Mommy. May anak na ako... pero hindi pa rin ako handa.
However, I didn't want to lie to myself. The moment I saw my baby, I knew she had already taken a piece of my heart. She came from me. I carried her and took care of her for months.
Pero may hindi tama. Pakiramdam ko ay sasaktan niya ako. Pakiramdam ko ay gaganti siya sa akin... kasi sabi ng tatay niya, masamang tao ako.
A doctor came the next morning. Alam ko na agad na hindi siya doctor para sa pisikal na karamdaman.
She was a psychiatrist.
"I'm not insane, Mommy!" I screamed. "This isn't the help I need! Ilayo n'yo lang sa akin si Alya! I'm good! Please! Hindi ako baliw!"
My cries and yells were loud. They were taking me! Ang mga kasama ng doctor ay hinawakan ako sa kamay at hinigit ako para sumama sa kanila. Wala akong magawa kung hindi pilitin na bawiin ang kamay ko. But they were too strong! Wala akong laban!
I was begging my mother to stop them, but she didn't! Nakatingin lang siya sa akin at puno ng awa at luha ang mga mata. I looked away because the sight was too familiar. Halos araw-araw kong nakikita ang pagkaawa niya sa akin at lagi akong nadudurog para sa sarili ko.
I stopped being frantic when I saw my father in the doorway, looking at me intensely. Unlike Mommy, his eyes were filled with wrath and... disgust.
"Send her to Isla Crisanto!"
Napatigil ako.
"Frando! Stop! She needs medical treatment!" Mommy cried.
Gulo-gulo ang buhok ko at ramdam kong mabilis ang bawat paghinga ko. This was my first time seeing him after giving birth, and he was already so mad. Lumunok ako nang tatlong beses para pigilin ang sarili sa pagsigaw ulit dahil ayaw kong galitin pa siya lalo.
"Anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang nasa mental hospital si Deborah?! Wala akong anak na baliw!"
I flinched at his words. Tahimik akong tumangis habang pinakikiramdaman ang mahigpit na hawak ng nurses sa akin. They were ready to take me out of this house.
"She will harm her own daughter! Kagabi ay ini-report sa akin ni Manang na gusto niyang lunurin ang anak niya sa banyo!"
Another batch of tears formed in my eyes. "We'll just... swim... Daddy..."
"Oh, shut up! Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo nang idamay ang anak mo!" he shouted. "Hiyang-hiya na akong umuwi sa pamamahay na 'to dahil hindi ko kayang tanggapin na may nakatira ritong baliw!"
Sinubukang kausapin ng doctor si Daddy ngunit masyado siyang matigas. Kahit si Mommy ay hindi niya pinakikinggan dahil sa labis na galit. I cried more. Hindi naman siya ganito noon. Hindi naman niya ako ikinahihiya. He was just strict, but he loved me. Ngunit ngayon, wala na akong maramdaman kundi paninibugho at pandidiri niya sa akin.
"Yes, ma'am. Kailangan muna nating ilayo si Deborah kay Alya hanggang gumaling siya..." the doctor told my mom.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa ospital dahil ang kaninang iyak ko ay napalitan ng pagtawa. People were giving me a weird and puzzled look, but I was just shrugging it off. Wala sa paligid si Alya! Wala sa paligid ang anak ko! I was free!
Napanguso ako nang makita ang isang manika na bitbit ng isang babae na nakasuot ng pang-pasyenteng uniporme. It was a beautiful doll! I wanted that for my daughter! Baka kapag ibinigay ko iyon ay magkabati na kami! Pero hindi ako puwedeng umalis dito kasi may mga lalaking nurse sa gilid ko. Baka isipin pa nilang tumatakas ako.
"She's suffering from Postpartum Psychosis. Normal po para sa mga bagong mommies ang pagkakaroon ng postpartum blues. Nagkakaroon sila ng anxiety at mabilis mairita." Sumulyap ang doctor sa akin. "But your daughter's case is rare. She has delusions. She's thinking that her baby will harm her or that someone might hurt her baby. And, as for Sir Frando, Deborah might have suicidal ideation."
Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila, pero nang marinig kong umiiyak si Mommy ay mabilis akong lumapit sa kanya at yumapos.
"Don't hurt my mother!" I shouted madly at the doctor. Hinaplos ko ang likod ni Mommy at pinatahan siya. "Stop crying, Mommy... your daughter is here..."
Lalo siyang umiyak at yumakap pabalik sa akin. Wala akong naiintindihan sa pag-iyak niya ngunit ayokong nasasaktan siya kaya hinayaan ko na lang siyang tumangis sa balikat ko. Bigla ay naalala ko ang sinabi ni Daddy kanina sa akin. Isla Crisanto was a remote island... and if they were planning to send me there... I would be all alone.
Nang tumahan si Mommy ay muli siyang nakipag-usap sa doctor. Seryosong-seryoso ang pag-uusap nila kaya hindi na ulit ako nakinig. Tumingin na lang ako sa paligid hanggang sa makita ko ulit 'yong pasyente na may dalang manika.
"Nurse, I want that toy... I want to give it to Alya," I uttered. "My daughter loves yellow and blue. She will love it."
Nagkatinginan ang dalawang nurse bago ngumiti sa akin.
"Uhm... ibibili ka na lang namin ng bago, ha? Sa kanya 'yon, eh. We can't take it away from her, right?"
I pouted before nodding. Tumagal ang tingin ko sa manika at lalong sumimangot. Ibinalik ko ang tingin kay Mommy na ngayon ay handa nang umalis. Inayos ko na rin ang sarili ko para sumama sa kanya, pero bago pa ako makalapit kay Mommy ay hinawakan na ako ng dalawang nurse.
"Mommy!" I called her when she was about to storm out of the room. "Intayin mo 'ko! Ayaw nila akong bitawan, oh!"
I smiled when she hopelessly walked toward me. Punong-puno ang mukha niya ng pagmamahal para sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinakatitigan ang mata ko bago pinatakan ng halik ang noo ko.
"Babalikan kita, hmm? Magbabakasyon ka muna... pero pupuntahan kita rito, okay? Dadalaw kami ni Alya sa 'yo," she whispered. "I love you, Deborah."
Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Kumunot lang ang noo ko. Bakit? Bakit ako lalayo? Binitawan niya ako at muling tumingin sa doctor na parang may pinagkasunduan sila.
"Mommy! Saan ka pupunta?!" sigaw ko. "Iiwan mo ako rito?! Mommy!"
Nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha ko nang walang lingong lumabas si Mommy ng kwarto. Ako naman ay dinala ng mga nurse sa isang ward at may itinurok sa akin hanggang sa nawalan ako ng malay.
Hindi ko na alam kung paano lumipas ang mga araw na nasa loob lang ako ng isang puting silid. Papasok lang ang mga doctor at nurses sa loob kapag may ipaiinom silang gamot sa akin. Nagco-counseling din ako at sa loob ng isang linggo ay medyo umayos naman ang lagay ko.
I was getting better with the medications and counseling. Paminsan-minsan ay dumadalaw din si Mommy sa akin. That was when I accepted my fate... Mommy was right. I needed help. I missed my daughter so much. Tuwing maiisip ko siya ay parang gusto kong tumakas at kunin na lang siya para makalayo kami.
But I wanted to raise her better so... I had to get better.
Hope arose from my heart. I knew that I could escape the darkness that was trying its best to entrap me. I knew that one day, the sun would illuminate my life again.
Days and weeks passed by. Mas na-manage ko ang delusions at hallucinations ko. Alam ko na kapag hindi totoo ang naririnig ko. Ang sabi ng mga doctor na tumitingin sa akin, maganda raw ang prognosis ko. Ibig sabihin, may pag-asang gumaling.
Kaya lang, ang dating halos araw-araw na pagdalaw sa akin ni Mommy ay nalimitahan. Hindi ko alam kung bakit. Kapag tatanungin ko naman ang mga nurse ay wala silang naisasagot sa akin.
"Saan n'yo po ako dadalhin?" tanong ko sa mga doctor na pumasok sa kwarto ko. Alam kong hindi ako sa counseling room papunta dahil naglalakad na kami palabas ng ospital.
Magaling na ba ako?
Mga nakaitim na lalaki ang sumalubong sa akin sa parking lot ng ospital. Sa palaisipan na uuwi na kami, sumama ako sa kanila nang walang pagdadalawang-isip. I was humming when we were traveling. Makikita ko na ulit si Mommy! Makakasama ko na ulit si Alya!
May kasama rin akong babaeng doctor at nang kauusapin ko na siya ay naramdaman ko ang pagtusok ng mahabang karayom sa akin. Bago pa ako makapagreklamo ay nagdilim na ang paningin ko.
I woke up in an unfamiliar room. Tumayo agad ako para hawiin ang kurtina ng isang malaking bintana. Agad ang pagkunot ng noo ko nang makita ang asul na asul na dagat. The sand was a gentle gold, almost white. There were coconut trees all around, and the breeze was refreshingly different from the city. It felt fresh and clean.
Where the fuck am I?
"Oh, hija, you're awake..."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang doctor na kasama ko kanina. Confusion flooded my head. Lumapit siya sa akin at sinamahan akong tanawin ang kapayapaan sa labas.
"We're in Isla Crisanto... at dito ka muna magpapagaling ngayon dahil ito ang sinabi ng Daddy mo," she explained.
"How about my Mommy?" I asked. "And A-Alya? When am I gonna see them again?"
Lumikot ang mata niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Something didn't feel right. Sa nakalipas na mga linggo, alam kong may itinatago sila sa akin... at kailangan kong alamin iyon. I maybe sick in the head but I was not a fucking idiot. Sa pagpapagamot ko sa mental hospital, alam kong malapit na akong gumaling. The nurses and doctors knew that too.
She sighed. "Ibibigay ko sa 'yo ang anak mo."
"Huh? What are you saying?" Kumunot lalo ang noo ko. Everything was confusing me!
"Pero sa ngayon, kailangan mo munang magpagaling... at sasamahan kita dahil 'yon ang pangako ko sa Mommy mo."
That thought lingered in my mind for a long time. Araw-araw ay gigising ako para lang labanan ang sarili na huwag isipin ang masasamang bagay dahil baka hindi ko na kayanin.
Abigail, my doctor, was hands-on. Kahit nasa isla kami ay kumpleto ang mga gamot na ipinaiinom niya sa akin. Madalas din kaming may counseling sessions.
Sa loob ng halos dalawang buwan kong pagpapagaling dito, pakiramdam ko ay bumalik na ako sa normal. Hindi pa rin ako kumpleto dahil marami pa akong hindi nasasagot na mga tanong pero mas umayos ang lagay ko kumpara noong unang linggo ng panganganak ko. I missed Alya and Mommy so much. Walang signal sa lugar at wala rin naman akong phone para makibalita.
Not until today.
Maagang umalis si Abi para mamili sa palengke dahil naubos na ang stocks namin. I already planned it in my head. Matagal ko nang hinihintay na maiwan akong mag-isa rito sa kubo lalo at gusto ko nang malaman kung ano ang itinatago nila sa akin.
Pag-alis na pag-alis niya ay tumakbo ako patungo sa kwarto niya.
"There must be something here..." I whispered to myself while searching for something I didn't know.
Puro papel tungkol sa akin ang nakikita ko. May stocks din ng gamot na malapit nang maubos. Aside from her clothes and other stuff, wala na akong ibang makita na puwedeng magturo sa akin kung nasaan o kung anong nangyari kay Mommy.
Ayokong pakinggan ang sinasabi sa akin ng utak ko dahil hindi ko kayang tanggapin iyon. The last time I saw her, her face was pale, and she looked so much older. I just brushed it off because I was preoccupied with taking care of myself. The dark circles under her eyes were prominent... kahit ang madalas niyang pag-alis noon at pagbalik na maputla ay hindi ko pinansin.
I could hear my heart breaking because of my painful thoughts. Pakiramdam ko ay nagpatong-patong ang problema ko at wala akong magawa kung hindi panoorin ang sarili na unti-unting mabasag.
My world crumbled when I saw a paper that indicated "life insurance" and my name was written there as a beneficiary. I was subjected to receiving a huge amount of money. One million and five hundred thousand pesos.
I put my hand on my mouth to stifle my cries when I realized that I could only claim the money when my mother died... and it was already processed. I could get it anytime.
Napahawak ako sa dibdib ko habang pinipilit ang sarili na huminga nang malalim.
"Mommy..." Nagbagsakan ang mga luha ko habang hawak ang papel. "No, please... Mommy..."
Halos sumigaw ako sa sakit. My mother was dead, and my father didn't even let me attend her funeral! I was on an island without anyone but a psychiatrist! And my daughter, my precious daughter! She needed a mother, but because of my condition, I couldn't even raise her!
Lumakas ang hikbi ko nang mapagtantong wala na akong kakampi. Ang tanging tao na kayang magtiyaga sa akin at ipagtanggol ako ay inagaw na sa akin ng Diyos... dahil masama akong tao.
"Deborah!" sigaw ni Abi nang makita akong kinakalmot ang sarili.
I didn't look at her. I sobbed until my eyes swelled. This was my punishment for doing wicked and evil things. Maybe they were right. Hindi ako magaling. Wala akong patutunguhan. At... nakakahiya ako. Pabigat lang ako kay Mommy. Ni hindi ko manlang naitanong kung kumusta siya! Ni hindi ko manlang naitanong kung bakit ganoon ang balat at mukha niya! I was a selfish daughter! The world had all the right to forsake me!
Days passed, and everything still hurt. All the happy and sad memories haunted me to sleep. I should die... but I didn't even deserve death. I had to endure the torture of life. I had to survive this slow death. Mommy said that my child needed a mother... and even without her, I should set a good example for Alya.
But this was fucking exhausting.
Dahil kung noon, hindi ko kayang umiyak, ngayon, hindi ko na alam kung paano ang tumahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro