Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22

Me:

Where are you? Please call me. Nag-aalala ako.

Me:

Ngayon ang fashion show. You'll come, right?

Pabalik-balik ang lakad ko sa kwarto. Nakaayos na ako dahil isang oras na lang ay tutulak na kami papunta sa venue ng fashion show. I kept tapping my foot on the floor, terrified. I waited for Rouge all day, but he never called. Pumunta ako sa unit niya at sarado iyon. Kahit sa mansyon ay wala sina Tita at Tito. It was normal because they were busy. 'Yon din naman ang sinabi ng helpers.

I visited the bakeshop, but Rouge wasn't there. Ang sabi ni Ate Sab ay umalis ito roon ang lalaki kahapon at hindi na bumalik.

"Debs, ano? Wala pa rin ba?" nag-aalalang tanong ni Rapsly.

Nanginiginig akong umiling sa kanya. Para akong mamamatay sa kaba. Pakiramdam ko ay nagpatong-patong ang alalahanin ko. Pag-aalala sa kalagayan niya at pag-aalalang baka hindi siya pumunta. I couldn't have a substitute model because his photos were the ones I put in my portfolio.

"He'll come," siguradong saad ko. "He will not fail me..."

Lumapit si Rapsly sa akin. "He should not. You've worked so hard for this, Debs. Alam niya 'yon. He can't... he can't do that."

Sinabayan ng pag-aalala ko ang labis na pagkahilo dahil hindi ako nakatulog nang ayos. I felt like vomiting... hindi ko na alam. Dasal ako nang dasal na sana ay ayos lang siya at sana ay pumunta siya sa fashion show. Hindi maabot ng hinagap ko kung sakaling hindi siya pupunta. I couldn't even bring myself to consider that.

My hard-won dream would come crashing down. I prepared for this event the whole academic year, at kapag hindi siya sumipot ay imposible na para sa akin ang pangangarap ko sa Dolce and Gabbana.

But then, I knew I could trust him. May nagsasabi sa akin na darating siya... na hindi niya ako bibiguin.

Pumasok sa kwarto sina Cliff at Cali, parehas ding aligaga para sa akin. Ang models nila ay papunta na sa event hall. Kahit si Melanie ay nai-text na ako na naroon na siya.

"Debs," balisang tawag nila sa akin.

"Pupunta si Rouge!" Tumawa ako. "Hindi puwedeng hindi. My parents will be there. May plano kami na ipakikilala ko siya! We have a lot of plans today! Of course! Of course, he will come to me! He's just... busy! Graduating... alam n'yo naman..."

"Pero alam niya namang maaga dapat ngayon. Bakit hindi ka pa kino-contact?" Cliff asked. "Kanina mo pa tinatawagan pero hindi ka sinasagot."

"He will go there, Cliff!" I shouted. "I know he will! 'Wag niyong pangunahan si Rouge! I trust him! He will not put my efforts in vain!"

All of them sighed, annoying the fuck out of me. Parang ipinararamdam nila sa akin na walang pag-asang dumating ang lalaki kahit na sigurado akong pupunta siya.

"Ang mabuti pa, pumunta na tayo sa hall. Baka naroon na 'yon."

They nodded. Sakay ng jeep wrangler ni Rapsly ay sabay-sabay kaming pumunta ro'n. Nahihilo na ako kaiisip. Lampas isang daang mensahe na ang isinend ko sa kanya. I didn't want to get mad. I was fighting the urge to get mad.

Gaya ng inaasahan, wala ang kahit na anino ni Rouge doon. Parang hinahalukay ang sistema ko sa halo-halong kaba, takot, pag-aalala, at... dismaya.

"Girl, nasaan si Harvin? Aayusan mo pa 'yon," Melanie asked me while I was doing her make-up.

"Ah... papunta na. Na-traffic lang." Parang may sumasakal sa dibdib ko nang sabihin iyon. How I wish it were true. "Pang huli pa naman ako kaya may oras pa."

Kumunot ang noo niya at pinanliitan ako ng mata pero hindi naman na siya nagtanong. Suot na niya ang dress, headdress, at sapatos na ginawa ko. It looked good on her, but I couldn't celebrate because I felt so sick inside. Hindi ko nga sigurado kung pantay ang eyeliner niya dahil sa labis na pangangatal.

I didn't know what to do anymore. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin dahil ako na lang ang walang model. I couldn't meet their gazes, pakiramdam ko ay kinaawaan nila ako... bagay na pinaka-aayawan ko.

"Debs, nasa labas na sina Tita Sheryl at Tito Frando. They were looking for you," Cali told me softly, halatang natatakot para sa kalagayan ko.

Tumango lang ako bago lumabas ng backstage. Kahit sa paglalakad patungo sa mga magulang ko ay mabigat na mabigat ang loob ko. I could see and feel the cold sweats on my forehead. Alam kong kaunti na lang ay bibigay na ang tuhod ko.

"Mommy, Daddy," I called them when I reached their seats.

They were smiling at me, soothing me slightly. Tumabi ako kay Mommy at yumakap sa kanya. Hindi nila alam ang nangyayari sa akin dahil kararating lang nila rito. My dad was in his usual business suit while my mom was dressed in her silky red dress.

"Oh, my baby girl is nervous!" She giggled as she pulled me closer to her. "You can do this! I believe in you!"

I sighed and closed my eyes. I had always been a mommy's girl. Kumpara sa kanila ni Daddy, mas malapit ang loob ko sa kanya. She was warm and loving... hindi gaya ng tatay ko na kahit sa aming dalawang magkapatid ay nakakatakot.

I saw how my father grinned. "Make me proud, Debs."

Kahit rumaragasa ang tension sa dibdib ay tumango ako sa kanila na parang walang problema. Daddy patted me on the back to calm me down, while my mother continued to tell me how proud she was of me.

"Nasaan ang model na ipapakilala mo? Is he..." She went closer to my ear. "Someone special?"

I smiled and breathed deeply to pacify my heartbeat. "Si Rouge, Mommy," sagot ko. "But he isn't here yet..."

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. May kausap si Daddy sa phone niya kaya hindi niya kami rinig. Lalo akong humilig sa nanay ko para makahingi ng suporta. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako buong araw kahihintay ng paramdam ni Rouge.

Kanina ay halos halughugin ko lahat ng puwede niyang puntahan. I called Tita, but she didn't answer her phone. Ganoon din si Tito.

I was too drained. This wasn't what I expected. Ilang oras na lang ang bibilangin at hindi ko man aminin, alam ko sa sarili kong nawawalan na ako ng pag-asa. My mind was telling me that Rouge wouldn't come... but my fucking heart just won't stop hoping.

Alam niya kung paano ako naghirap sa lahat ng 'to. Alam niya kung gaano ko ka-importante sa akin ang event na 'to. He can't just ruin everything for me. He loves me. Hindi niya 'yon kayang gawin. He probably has his reasons.

"Pupunta 'yon... baka nahuli lang," Mommy assured me.

Sa unang beses ngayong araw, ngayon lang may nagsabi sa akin no'n. Parang nawala ang agam-agam ko. Those were the words I needed to hear... an assurance.

"He's the same boy from high school, right?" she whispered.

I nodded.

"I can't wait to meet him. Siya lang ang lalaking nagustuhan mo. He must be... something."

Hindi na ako nakasagot. Ni hindi ako nakangiti sa sinabi niya. Unwanted thoughts started to drench my entire being, paralyzing and suffocating me. Nakita ko ang pagbalik ni Daddy sa upuan matapos kausapin ang ilan sa mga lalaking naka-suit-and-tie din.

"May media rito. I paid them a good amount of money to emphasize your outfits, Reese Deborah. This could help you grow." Ngumisi siya. "Kinausap ko na rin ang judges..."

My lips trembled a little, feeling agitated. Pakiramdam ko ay sinampal ako sa sinabi niyang iyon.

"There's no need for you to do that, Daddy..." nanghihinang bulong ko.

He chuckled lowly. "This is the least I could do for you. We have money and connections. You should learn how to use that to your advantage."

Bahagya akong lumayo kay Mommy para makaharap si Daddy.

"I want a fair game po. Hindi na kailangang gumastos ka pa para sa akin, dad."

Kumunot ang noo niya. "You can't win in that fair game, hija. I saw your designs... they were mediocre."

"Frando!" sigaw ni Mommy.

I gulped down the lump in my throat. Please... not now.

"What? I was just being honest! Kung kasing galing mo siguro si Rapsly, hindi ko na kailangang bayaran ang media, Debs. But you're not as good as your friend! Kung talento mo lang ang aasahan mo, wala kang mararating."

I could feel my heart swelling up in disappointment. Kahit ilang beses akong lumunok ay hindi mawala-wala ang bumabarang sakit sa lalamunan ko. I knew that I was not as good as my friends. Marami silang ideas. Magaling mag-design. Kahit ilang beses nilang puriin ang gawa ko, kapag tinitingnan ko ang portfolio nila, alam kong mas maganda at mas may potential sila kumpara sa akin.

But I was never insecure of that. I was proud of them. Hinding-hindi ko hihilingin na mahigitan sila. Kailanman ay hindi ko inisip na may mas magaling sa amin dahil magkakaibigan kami.

Not until today.

I wished I was as good as Rapsly. I wished I was as confident as Cali. I wished I was as moralistic as Cliff.

"That's enough, Frando! Your daughter doesn't need to hear those words!" mariing saad ni Mommy. "Tayo dapat ang unang sumusuporta sa kanya! Tayo dapat ang unang nagsasabi na magaling siya!"

"Sheryl, I know business! Kailangang maging prepare si Deborah sa mga ganitong bagay." Tumingin siya sa akin. "You should take my words as a challenge to do better, hija. Alam mong ayaw ko nitong kurso mo pero pinagbigyan kita. This will be your last chance to prove yourself. By the end of this event, companies should start flocking to your feet."

Napakurap ako at tahimik na hiniling na sana ay hindi na lang siya pumunta rito. Those were the last words I wanted to hear.

"You can't mess up. Maraming nanonood. Isa pa, you're carrying our family name. Hindi ka puwedeng pumalpak dito," dagdag niya pa na lalo kong ikinabahala.

I was speechless. I couldn't utter another word, especially when I saw my mom defending me. Kung noon sinabi ni Daddy 'to, siguro ay may kumpiyansa pa akong makakatango sa kanya.

But today was different. My male model had vanished. If this was my last chance to convince my father that I was cut out for this field, then Rouge was my last chance to survive... to reach my dreams.

Dahan-dahan akong tumayo. I could feel my knees shaking with pressure, fear, and agitation. The lights and sounds throughout the hall added trembles in my wounded dignity and honor. My father just told me that I was not good enough. He bluntly assured me that without my privilege, our riches, I would not succeed.

"Uh... Uuna na po ako sa loob," kinakabahang pagpapaalam ko.

My mother looked at me, worried, but I didn't wait for them to say another word because my poor heart couldn't take another blow. This day was just too much for me. I was physically and mentally exhausted. Unti-unti ay parang gumuguho ang pag-asa sa puso ko.

I kept a straight face when I entered the backstage. Agad na nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko para siguro i-check kung kasama ko na si Rouge, ngunit sabay-sabay din sila nagpakawala ng buntong-hininga nang mapagtantong mag-isa ako.

"Hindi kaya dahil nawawala si Sol kahapon kaya baka wala si Harvin ngayon?" narinig kong bulong ni Zane kay Nime. Tahimik ang lahat kaya hindi iyon nakalampas sa pandinig ko.

Hindi yata napansin ng dalawa ang mata ko sa kanila dahil nagpatuloy sila sa pagku-kuwentuhan.

"Nawawala? Bakit?" kuryosong tanong ni Nime habang inaayos ang damit ng lalaki.

Zane pursed his lips before answering. "It was a long story. Nag-away sina Solene at Mitzie kahapon sa ISU," pagdedetalye nito. "'Yon din 'yong oras na parang hindi na ma-contact si Harv."

"Huh? Concern pa rin ba 'yon do'n? He's in a relationship with Debs," mahinang saad ni Nime.

Nakalapit na ako sa puwesto nila. Hindi pa rin nila batid na nakikinig ako sa pinag-uusapan nila. Ayokong isipin na totoo ang teorya ni Zane pero walang ibang rason para mawala si Rouge nang ganoon lang.

With that thought, I couldn't help but feel betrayed and knocked down. Mula sa pag-aalala, sa mga salitang natanggap kay Daddy, at sa mga narinig kay Zane. I didn't think my heart could handle it well if Rouge didn't come to me because of that girl.

"Oo, pero magkaibigan pa rin naman sina Solene at Harvin. Matagal-tagal na rin nagtatrabaho si Solene sa bakeshop ni Tita Candy kaya medyo close talaga sila." Tumayo nang tuwid si Zane. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit pumunta pa si Harvin do'n. Bali-balita na ngang pumuntang Maynila si Sol."

"Oh, then he must be in Manila, right?" Nime gasped.

I breathed heavily. Hindi ko alam kung naririnig ng iba ang pinag-uusapan ng magkasintahan dahil abala sila sa pag-aasikaso ng models nila. My friends were looking at me with worry and concern, but my mind was tangled with the lingering thoughts of Rouge and Solene.

For the past weeks, Rouge never made me feel like he still liked that girl... kaya hindi ko kayang maniwala na kaya niyang talikuran ang fashion show na napakaimportante sa akin para lang habulin at hanapin si Solene.

Nanlalambot ako nang maupo sa harap ng salamin sa tabi ni Melanie. I looked restless, and my eyes were droopy. Kanina pa ako nahihilo sa sunod-sunod na nangyayari. Pakiramdam ko, anumang oras ay mawawalan na lang ako ng malay.

I had to make this work. I had to make my father proud. Hindi ko puwedeng hayaan na lang na mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan ko.

But my heart, mind, and soul just couldn't get ahold of the fact that Rouge would abandon me. Hindi niya kayang gawin iyon sa 'kin.

"Girl, the show will start in a few minutes," Melanie informed me.

Wala na akong maramdaman. Nakita kong natataranta na ang lahat. Kahit ang mga kaibigan ko ay pumunta na sa akin para aluin ako.

"Debs, call him! Tangina, susugurin ko 'yan kapag hindi pumunta ngayon!" galit na sigaw ni Cali.

I could feel Cliff caressing my back to comfort me. Doon pa lang, alam ko nang nawawalan na sila ng pag-asa para sa akin. I had no other choice but to wait for Rouge.

"P-pupunta 'yon..." Nanginig ang boses ko. "Alam ko... pupunta 'yon."

Rapsly stomped his feet on the floor. Ang mga models ay pinapila na ng organizers namin dahil magsisimula na ang show. Ang malalamig na pawis sa noo ko ay dire-diretso ang pagtulo sa gilid ng ulo ko... tila ba umiiyak para sa akin. Nakatulala lang ako sa salamin at pinanonood ang bawat paglandas nito sa mukha ko.

"We can have this moved! Kauusapin ko si Ma'am o kung sinong puwedeng kausapin para ma-move!" natatarantang saad ni Rapsly sa dalawa.

"Is that possible? We can... we can prolong the show! Sabihin natin ay may technical problems! Baka sakaling makahabol si Harvin!" sabi naman ni Cliff.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko. The models were already there, wearing their precious designs, ready to flaunt their talents. May mga judges at tao na sa labas para manood.

Everything was settled.

Hindi puwedeng dahil sa akin ay masira ang event na 'to. Hindi lang ako ang nahirapan dito. I saw how my classmates broke down into tears because their designs were rejected. I saw how all of them suffered. I saw how they questioned their abilities. Hindi puwedeng sirain ko ang bagay na matagal nilang pinaghandaan.

I bit my lower lip as I stared at the white polo, black coat, and slacks, all made by... me. I exerted a lot of effort into making it, thinking of Rouge and his domineering aura as I imagined him walking through the runway.

"Debs..." my friends called me hopelessly.

The heavy feeling on my chest was making it hard for me to breathe. Walang salita akong lumabas ng backstage at ipinagpasalamat ko na ni isa sa kanila ay walang sumunod sa akin.

Nakabubulag na flash ng camera ang bumungad sa akin. Nasa gilid lang ako ng stage, unti-unting nadudurog ang puso. The realization I was trying to deny to myself earlier had finally sunk in.

Hindi siya pupunta.

I swallowed hard as the models started walking glamorously. The gasps and applauds of the audience were satisfying to hear, para bang labis ang paghanga nila dahil sa mga ideya ng fashion designing students. Bawat hakbang ng models sa entablado ay ganoon din ang pagguho ng isang malaking bahagi ng puso ko.

I took a glance at my father's seat and saw that he was happily chatting with a judge. Alam kong nililigawan niya na ito para mapili ako.

The pain in my heart doubled. Wala pa man ay naririnig ko na ang sigaw niya. Ang pagsasabi sa akin na binigo ko siya.

I tapped my foot on the cement floor as Melanie graced the runway with her elegance. One of the judges suddenly stood in awe. He clapped both of his hands while looking at my model and design. Natahimik din ang ilang manonood dahil sa mangha.

"This is Ms. Reese Deborah Madrid's original piece..." said the host.

For a moment, I wanted to be proud of myself. That was me! Ako ang gumawa n'yan! Ako ang nakaisip n'yan! Ako ang nagtahi n'yan! Gusto kong isampal kay Daddy na ang mediocre designs ko ay may kakayanang makilala nang wala ang tulong niya.

It was going well. Melanie was modeling my design with so much compassion. Lahat ay nakatingin sa kanya.

I noticed how she struggled to walk, but long before I realized what was going on, she tripped.

My eyes widened as I heard a lot of people exclaim. Napahawak ako sa puso ko habang pinanood siyang tumayo. The fall created a massive slit on the dress. Mas lumakas ang singhap ng mga tao habang hiyang-hiya naman si Melanie. Tinakpan niya ang punit sa bandang tuhod at nagmamadaling tinapos ang ramp.

Sumandal ako sa dingding para suportahan ang katawan ko. Ramdam ko rin ang pagdudugo ng labi ko dahil sa madiin na pagkagat ko rito.

"Nasaan ang male model ni Ms. Madrid?" Narinig kong tanong ng host sa mic. Mahina lang iyon pero alam kong narinig ng lahat kaya ibinaba niya muna ang mic.

Natahimik sila nang mapagtantong wala akong male model. Hinang-hina na ako habang mariin ang hawak sa damit ko. It was a huge failure. A disappointing mess. I was looking forward so much to this day, but in just a snap, it was ruined. Pinanood ko ang galit na mata ni Daddy sa dagat ng mga tao. He even laughed nervously, but I could sense his rage even from our distance.

Naramdaman ko ang pamumutla ko. Hindi ko na alam kung dahil sa hilo, takot, o dismaya.

Melanie failed to model my dress. Rouge didn't show up. Lahat ng pinaghirapan ko ay mabilis na nawala sa akin. My last chance to prove myself to my father was helplessly destroyed. I wanted to run and hide. I couldn't face my family. I couldn't face my friends. I couldn't face my classmates. Hell, I could not even face myself! Nanginginig ako sa hiya! My dreams were treated like a freak show!

Tama si Daddy. I needed his help for me to be known. Na hindi sapat ang passion ko dahil wala akong talento. Na kailangan kong gumamit ng dahas para lang maging kilala. I didn't have my own identity. I didn't have a specific area where I could stand out.

Hindi ko na napanood ang show sa labis na pagbalatay ng sakit sa loob ko. Napaupo na lang ako sa gilid ng stage at natulala sa kawalan.

It was over for me and my silly dreams. It was over for me and Rouge.

I heard the claps and praises when my friends' names were called. Sigurado akong na-i-model nang maayos ang mga damit nila. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at naglakad papasok sa backstage. Wala akong tinitingnan miski isa sa kanila. My heart was aching, wanting so badly to have an outburst. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit. This wasn't what I deserved!

"D-Debs, sorry! Medyo nahihirapan kasi ako sa sapatos..." umiiyak na sabi ni Melanie.

Tumango lang ako habang inaayos ang gamit ko. Rapsly, Cali, and Cliff were walking toward me, but before they could reach my direction, I looked at them and shook my head.

"Please... 'wag ngayon," I pleaded.

Hirap na hirap na tumango ang tatlo. Alam kong gusto lang nilang pagaanin ang loob ko pero hindi ko kailangan ng kahit na sino ngayon. I felt so fucking bad... tired. I felt betrayed. I felt abandoned. My vision was getting blurry because of nausea, but I was fighting the urge to rest because I didn't even deserve that! Gusto ko nang umuwi. Gusto ko na lang tumakbo kay Mommy at magpayakap.

Rinig ko ang pag-iyak ni Melanie ngunit hindi ko na siya tiningnan. It was not her fault that my shoes were not comfortable to wear. Nangyayari naman talaga minsan iyon... hindi ko lang siguro inasahan na pati siya, bibiguin ako.

Lumabas ako ng hall bitbit ang gamit ko. Sa kanang kamay ko nakalagay ang damit na para sana kay Rouge. I clutched it tightly and made my way toward a hefty trash can.

Doon ay walang habas kong ginupit ang coat at polo. I removed all the sequins, artificial crystals, embroidery, and materials. I was so mad! Gusto kong magwala! Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero wala akong magawa!

Mabibigat ang paghinga ko, tanda na nahihirapan na ako. May tanikalang sumasakal sa puso at lalamunan ko, at kahit anong gawin ko ay hindi ko 'yon malabanan.

No'ng akala ko ay tapos na lahat ng sakit na puwede kong maramdaman ngayon, napatingin ako sa gilid ng eskinita at doon ko nakita ang pares ng itim na mata na nakatuon sa akin.

Walang bakas ng pagsisi sa mukha niya. Tanging pagkamuhi ang nakapinta roon. Magkasalubong ang kilay at nagtatagis ang panga. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na naroon pero sa haba ng oras ng pagtitig ko sa kanya, isa lang ang sigurado ko.

Sinadya niyang hindi pumunta.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro