Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

Napamulat ako sa sinabi niya. My heart pounded loudly against my chest. Sigurado ako sa gusto kong isagot sa kanya pero dahil sa gulat ay hindi ko nabuo agad ang mga dapat sabihin.

Seryoso ang tingin na iginawad niya sa akin. Our bodies were touching beneath the comforter, but my attention was fixed on him.

"I'm not pressuring you, Reese. I just..." He sighed. "I can't wait to marry you."

At that moment, it felt real. It felt like a vow... a sacred promise. May bumikig sa lalamunan ko kasabay ng dahan-dahan kong pagsiksik sa dibdib niya.

I was so happy. I used to dream about this... and it was really happening.

Ni hindi ko magawang ngumiti. I felt like if I moved, this fantasy would come to an end. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at ipinalibot ang braso sa katawan ko. Our heartbeats were in harmony. Mabilis, malakas, at para sa isa't isa lang.

Hinihigit ng antok ang mata ko ngunit nilalabanan ko iyon dahil gusto ko pa siyang makausap.

"We'll proceed with our plan. We'll explore the islands of Greece and live in a townhouse in Athens for a year." Huminga siya nang malalim. "But, of course, we have to earn first. We cannot rely on our parents. I will work hard for you and our family."

His voice sounded determined and certain... para bang matagal na niya iyong ipinaplano. I closed my eyes and imagined a life with him. Sigurado akong ilang beses din siyang hindi uuwi sa akin dahil sa flights niya pero alam ko namang kaya ko siyang hintayin. We'd be each other's refuge, clear skies, and sunny days. We'd love each other through all phases of the moon and stay together in any weather.

I knew it was too early to conclude things. We just got back together.

But after years of loving him from afar, this felt like a gift from heaven... a dream fulfilled. Kaya siguro hindi ko rin pinatagal ang panliligaw at panunuyo niya. Kaya siguro ganoon ko rin kabilis naibigay ulit ang sarili sa kanya. Kasi alam kong sa pinakatahimik at banayad na parte ng puso ko, ang buhay kasama siya ang pinakamalaking pangarap ko.

"Let's do that..." nanghihinang sabi ko.

That was a peaceful and quiet night. With a sense of security and love, I dozed off in his arms. And at that moment, I realized that my choice was finally right.

The next few days were pretty normal, but... beyond beautiful. Ganoon pa rin siya. Walang palya sa paghahatid-sundo sa akin. Ilang beses ko na ring nakasama sa dinner ang mga magulang niya dahil lagi nila akong pinapupunta sa mansyon. It was perfect, almost unbelievable.

Ni hindi ko inakalang darating ang araw na mangyayari ulit 'to. Para akong bumalik sa dating buhay ko noong masaya pa kami sa isa't isa.

"Mommy?" I whispered one night when my mother called me. Patulog na dapat ako dahil katatapos lang ng video call namin ni Rouge.

"Debs, are you there?" Sadness was dripping from her voice.

Bahagya akong umupo sa kama para sumandal sa headboard. Nangunot ang noo ko dahil sigurado akong kalungkutan ang narinig ko sa tinig niya.

"Yes, my. Do you have a problem?" I asked out of concern.

She sighed. "I just keep on missing you, anak. Kailan nga ulit ang fashion show n'yo? We're planning to go there..."

My lips parted. Mabilis na napuno ng saya ang dibdib ko.

"Really?" Hindi ko maiwasang hindi mangiti. "It'll be next week! Please... pumunta kayo! I will show you how talented your daughter is!" masayang-masayang pahayag ko na nakapagpatawa sa kanya.

"Yeah. Hindi lang siguro makasasama ang Kuya Uno mo dahil busy siya sa campaign, but your dad and I will surely be there."

Bigla kong naisip si Rouge dahil hindi ko pa ulit nasasabi sa mga magulang ko na nagkabalikan na kami. I'd introduce my boyfriend to them, and we'd discuss our marriage from there. After graduation kasi ang pinaplano namin. Mas maagang maghanda, mas less hassle. Hindi naman conservative si Mommy pero sigurado akong mahaba-habang usapan iyon pagdating sa tatay ko.

"I will wait for you, mommy." I smiled and looked up at my ceiling. "And... I will introduce you to my model."

Hindi ko na pinuna ang lungkot sa boses niya dahil sa excitement na makikita ko sila next week. Ayoko na rin naman siyang pilitin na magkuwento dahil alam kong kusa niyang sabihin sa akin kung ano mang bumabagabag sa kanya.

Cali's parents would also watch the show. Habang papalapit nang papalapit ang araw ay ganoon din ang kabang nararamdaman namin. Kahit si Cliff na laging composed ay laging stressed out samantalang tapos naman na lahat ang dapat naming gawin.

"Wala namang mangsasabotahe, 'no! Wala na si Mizuki sa school!" sabi Rapsly habang nag-aasikaso kami ng clearance. "Easyhan n'yo lang. Magaganda ang dresses natin! Pasok sa theme, lalo 'yong kay Debs! Kaya nga nanakaw!"

Cali chuckled before setting his head back against the hallway wall. Nakapila kami ngayon sa guidance office at pare-parehong nanggagalaiti. Paano ay gawang-gawa ng faculty members ang mga asal nila kapag clearance signing dahil talagang pahirapan silang hagilapin!

"Kinakabahan pa rin ako..." untag ni Clint.

"Same. Kahit pa confident ako sa designs natin, sigurado akong magiging stressful backstage." Cali heaved out a sigh. "Pero kaya 'yan! Kahit 'wag nang mapili ng companies! Basta maitawid lang nang ayos."

"Rap, paano ka pala? Hindi kayo awkward ni Iñigo?" I asked.

He gave me a puzzled look, almost cringing. "Anong awkward awkward? Ano kami mag-ex? Binayaran ko siya para maging model ko. Subukan niya lang magloko at talagang ipagkakalat kong maliit ang nota niya."

"Eh? Totoo ba?" curious na tanong ni Cali at bahagya pang dumikit kay Rapsly.

Pinanlisikan ko naman sila ng mata. "Wala! Sinabi mo rin!"

Hindi nila ako pinansin kaya natatawang umirap nalang ako habang pinagkukuwentuhan nila ang lalaki. Nang matapos kami sa pagpapapirma sa guidance ay sa registrar naman kami nagpapirma. Halos buong araw ang pag-aayos namin ng clearance pero iniisip na lang namin na pagkatapos ng lahat ng ito ay makakatapos na kami.

"Saan ka matutulog?" tanong ni Cliff habang kumakain kami sa isang Korean restaurant. "Three days straight ka na kay Harvin, ah? Ipahinga mo naman ang kipay mo."

Rapsly and Cali laughed. Ako naman ay napasimangot at umaktong tutusukin siya ng chopsticks. He grinned as he placed some meat on our plates.

"Sa villa ka matulog, Debs. Less than a month na lang tayo ro'n, sulitin na natin," Rapsly commented.

"Sa villa naman talaga ako matutulog!" medyo malakas ang boses na saad ko. "May gig si Rouge mamaya at hindi agad makakauwi kaya..." I shrugged.

Totoong tatlong gabi na akong natutulog sa unit ni Rouge. Halos araw-araw kasi niya akong niyayayang maghapunan doon at hindi naman ako makatanggi dahil masarap siyang magluto! Bukod pa roon ay gusto ko rin 'yon! Ang sarap-sarap matulog nang siya ang katabi at gumising nang siya ang unang makikita.

"Movie marathon tayo! Gagawa ako ng nachos!"

Napagkasunduan nga naming magkakaibigan iyon pagkauwi sa villa. Naka-tatlong movies din kami habang ka-text ko si Rouge. Nang tumawag siya ay tumayo na ako at nagpaalam sa tatlo para pumunta sa kwarto.

"Hi!" I greeted him before lying down on my bed. It was past midnight, at kauuwi niya lang sa unit niya.

He sighed on the other line before responding. "I didn't see you today."

Nakagat ko ang unan ko para pigilan ang paglawak ng ngiti. He sounded like he missed me. I did, too, but I was with my friends, so I was entertained.

"Pupunta sina Mommy at Daddy sa isang araw. They will watch the show, and I'm planning to introduce you." Niyakap ko ang unan at inisip na siya iyon. "We can tell them our plans."

"Nasabi ko na kay Mama..." Huminga siya nang malalim at narinig kong binuksan niya ang wardobe niya. He must be looking for comfortable clothes to wear before he can take a shower.

I pursed my lips. "What did she say?"

"She agreed. Basta raw ay siguraduhin natin na hindi tayo magsisisi sa gagawin natin," sagot niya. "Siguro iniisip niya na masyado pa tayong bata."

Tumango-tango ako. I knew Tita Candy had a point. Solong anak pa naman nila si Rouge.

"Ikaw ba?" mahinang tanong ko.

"Hmm?"

I smiled a bit. "Ikaw... what do you think?"

Nagpakawala siya ng malalim na pagtawa, sapat na para bahagyang mag-init ang mukha ko.

"I'm the one who proposed to you, aren't I?" The words slipped out of his tongue sexily.

I looked at the ceiling and adored his face once more. I am so happy these days because of him. I couldn't imagine how content I'd be when we finally vowed to be together for the rest of our lives.

"I am sure of you, Rouge..." dahan-dahan kong sabi sa kanya.

"I am, too." I heard him smile. "Kahit dati, alam kong ikaw na."

Warmth enveloped my heart. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa unan kasabay ng unti-unting paglawak ng ngiti ko.

I sighed when I realized how helplessly in love I was with him. There was no turning back for me. I had given him myself in this lifetime. I had completely surrendered my heart.

Nang maibaba ang tawag ay natulala pa rin ako sa kawalan habang iniisip siya at ang magiging buhay namin. Simula nang sabihin niya ang tungkol sa kasal, walang gabing lumipas na hindi ko iniisip iyon. I was excited to go to Italy and practice our skills, but my blood rushed through my veins like a river whenever I thought about our marriage.

I was busy thinking about the future when I heard soft knocks on the door.

"Debs, shot tayo..." It was Rapsly. "Tara sa baba. Ubusin na natin ang stocks ng alak."

I nodded happily and removed my blanket. Madaling araw na pero mukhang wala pa silang lahat balak matulog. Pagbaba namin ay nakaayos na ang mesa. Mukhang lumabas din sila para bumili ng pulutan.

Pabilog kaming umupo sa mesa at nagsimula na. Noong una ay tungkol pa rin sa fashion show ang pinag-uusapan namin ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay napunta na sa akin ang topic.

"Sasama ka pa rin sa amin kapag ikinasal na kayo ni Harvin, ha?" sabi ni Cali.

I pursed my lips. "Of course! Hindi naman sa kanya lang iikot ang mundo ko. Kayo pa rin ang kasama ko sa work, 'no!"

Tumingin siya sa akin at napangiti.

"Ang galing mo, girl. Parang no'ng first sem lang, lungkot na lungkot ka d'yan sa lalaki mo, pero ngayon, bet n'yo nang magpakasal." He chuckled. "Paano 'yon? Gagawin ko sa isa sa mga exes ko."

I smirked. "Well, first of all, kailangan mong maging maganda... kaya pasensya na, wala akong maitutulong."

Inirapan niya ako at binato ng throw pillow.

"Sa kasal n'yo, gusto ko, ako ang flower girl. Magtatampo ako kapag hindi," sabat ni Rapsly. "Si Cliff ang best man tutal magaling naman 'yan magpanggap na straight."

Pabalang na sasagot na sana si Cliff nang marinig namin ang malakas at matinis na utot. Sabay-sabay kaming napatakip ng ilong sa baho.

"Cali!" We shouted in chorus.

Ang inuman namin ay nauwi sa throw pillow fight lalo nang tumakbo si Cali para umikot sa couch at ilagan ang mga bato namin. Alas dos na ng madaling araw pero maingay pa rin kami at bukas pa ang mga ilaw. Hapong-hapo kaming natapos katatawa at kahahabol sa kanya. Ginawa rin namin ang lahat ng mga nakasanayan naming gawin. Naglaro pa kami ng mobile games kahit may mga tama na.

Halos umaga na nang maubos namin ang alak. Pupungay-pungay na ang mata namin dahil sa antok at pagod. Hindi naman na namin kailangan pumunta sa school dahil bukas na ang fashion show. Preparations lang ang gagawin namin ngayon.

"Baka maghapon akong tulog, puta," Rapsly muttered, his voice slurred. "Pero keri lang. Na-prepare ko na naman lahat no'ng isang araw kaya deserve ko magpahinga today."

"Ako rin. Dito lang ako sa villa buong araw. Okay na ako kay Melanie at Rouge. Wala nang problema."

Sumang-ayon din ang dalawa pa sa amin. Sa sobrang antok ay hindi na kami nakaakyat sa kanya-kanyang kwarto. Sa sahig na kami nakahiga habang nakaunan ako sa hita ni Cliff.

"Kapag hindi tayo natanggap sa Dolce & Gabbana, magsisimula na ba tayo ng sarili nating clothing line?" tanong ni Cali. Halata sa boses niya ang pagkalasing.

"'Wag muna. We need experience," sagot ni Cliff.

Nakapikit na ang mata ko habang may maliit na ngiti sa labi. This might be our last walwal session in this villa... and I enjoyed it. For the past years, this place has been our safe space. Nasaksihan nito lahat ng iyak, tawa, away, at pagmamahalan naming apat. I would miss grocery shopping with them. I would miss going to school in Rapsly's car. I would miss the annual parties. I would miss our night swims, movie marathons, pigging outs, and all that would remind us of our blissful youth.

Hindi rito nagtatapos ang pagkakaibigan namin ngunit wala pa man ay hindi ko na agad maiwasan ang sarili na ma-miss ang lugar. This was where we comforted Cali whenever he was going through a breakup. Dito rin namin pinakinggan ang rants ni Cliff tungkol sa mga magulang niya. Dito kami tumawa sa mga kalaswaan ni Rapsly.

Everything just happened... here. Kahit ang pagbabalikan namin ni Rouge.

"Girls," Rapsly whispered.

"Hmm?" halos sabay-sabay naming sagot.

"Promise me that no matter what happens, you'll reach your dreams..." dugtong niya. "Sama-sama tayong nangarap at sama-sama nating pilit na inaabot 'yon... the world might try to separate us but I want you to keep in mind that I will be proud of whatever you'll become."

Cali sighed. "Lasing na naman 'yan at nagdadrama na."

Napangiti ako.

"Pero totoo..." saad ulit niya. "We might go separate ways and pursue different paths, but I will always love you, guys..."

"Walang separate separate! Hindi puwede 'yang ibang path na 'yan! We're all aspiring designers and we'll reach it together!"

I slept peacefully with the thought that I would never be alone in this lifetime. I had three best friends who could turn their backs on the world to save me... at ganoon din ako sa kanila.

Buong araw ay nasa villa lang kaming apat. Magkakasama kaming nagluto at kumain na parang last meal na namin iyon. Napagdesisyonan naming hindi muna mag-phone para wala kaming distraction.

Before letting go of my phone, I texted Rouge.

Me:

Hi, love. Nasa villa lang kami ngayon at no phone policy dahil gusto naming pag-usapan ang mangyayari bukas. I will text and call you tonight. See you tomorrow.

We practiced our make-up skills in Rapsly's room dahil kami rin ang mag-aayos sa models namin. Cliff was having a hard time in eye make-up. Hindi siya marunong mag-blend ng eyeshadow kaya tinuruan pa namin siya. Mabuti pala at nakapag-practice kami dahil kung hindi, paniguradong patanga-tanga siya bukas.

Sinigurado rin namin na wala nang dents ang outfits, accessories, at shoes namin. It was all done and finalized. Talagang oras na lang ang hihintayin.

Nang sumapit ang gabi ay naghiwa-hiwalay na kami para makapag-beauty sleep. Ito lang din ang unang beses ngayong araw na masisilip ko ang phone ko.

I was expecting a series of text messages and tons of missed calls from Rouge because that was his habit... but for unknown reasons, I didn't even get a single reply.

I sent him another text saying I was available and that he should give me a call if he received my message... but an hour passed—two, three—and I still got nothing.

"Baka busy," I whispered to myself after calling him countless times already. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Sanay ako na lagi kaming nag-uusap bago matulog kaya ngayong alas onse na at wala siyang text o tawag buong araw ay hindi ako mapakali.

Nothing bad had happened, right?

I almost stayed up all night waiting for him. Halos magdugo na ang labi ko kakakagat ko rito dahil sa labis na pag-aalala. I called Zane and Rhome. I even chatted with Hunter in the hopes that they were together.

Pero wala.

I didn't want to cause terror, so I didn't contact his mother. He must be somewhere. Siguro ay hindi lang talaga niya hawak ang phone niya. Nakatayo na ako sa gilid ng bintana ko at maya't maya ang tingin sa phone. I knew that I should get some rest, but I just couldn't bring myself to sleep... lalo pa at hindi ako sanay na walang paramdam ang lalaki.

"Debs, calm down. Magkikita kayo bukas..." tanging pagpapakalma ko sa sarili bago tuluyang natulog.

However, when the morning came, the same day as the fashion show, and I still hadn't heard anything from him, I knew that something bad had happened.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro